Unexpected Royal

Por AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... Mais

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 23: Another Cousin

64 4 0
Por AillexSkcy

Chapter 23: Another Cousin



Dia's POV

"Good job Dia. Get ready next week for practical test about proper etiquette."

"Thank you Nico." I drew a smile on my lips as he was busy arranging some books but he just look at me and continue what he's doing.

"I'm sorry for what I did these past few days." Nakatango kong sambit, nakakahiya na ang mga oras na ginugugol niya para maituro sa akin ang iba pang lesson na iniwan ni Shaine.

Tungkol kay Shaine, mukhang matatagalan pa kaming magkakaayos.

Gusto ko siyang kausapin ngunit ayaw naman niya at ang hirap niyang mahagilap dahil nasa ibang bansa na siya, ayaw din ni Ma'am Vel na isipin ko ang bagay na iyon dahil ang gusto niya ay magconcentrate muna ako sa lessons ko. Nalalapit na din kasi ang alis namin patungong Rallnedia, noong una kong malaman ang tungkol sa bagay na iyon mula kay Ma'am Vel ay hindi agad ako nakasagot, pero may obligasyon ako sa lugar na iyon at kailangan kong sumama sa kanila.

.

.

.

Pagkauwi sa bahay ay dumiretso na din ako sa kuwarto ko upang maglinis ng katawan. At dahil maaga akong nakauwi ngayong araw makakasabay ko si Ate Umi, si Manang Kera at ang butler ko sa hapunan, gayundin ang iba pang nakaduty na bodyguard.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay excited akong bumaba upang tulungan sa pagluluto si Manang Kera. Dito sa bahay ay si Ate Umi at si Manang Kera ang nakakasundo ko sa mga hilig ko, medyo nahihiya pa kasi ako sa mga bodyguard lalo na sa butler ko na si Mr. Yong.

"Kamusta po ang exam niyo?"

"Ayos naman po, practical test na po ang sunod para naman sa etiquette." Magalang kong sagot kay Manang Kera na abala sa paghihiwa ng bawang at sibuyas habang si Ate Umi naman ay naglalagay ng mga prutas sa refrigerator. Binabalatan ko naman agad ang carrots pagkatapos mahugasan. Makalipas ang ilang sandali ay sinimulan ko ng hiwain ang mga iyon.

"Tumawag ang hospital kanina tungkol kay Mrs. Madrigal." Itinigil ko ang paghihiwa ng carrots nang marinig iyon mula kay Manang Kera.

"May malay na daw po ba si Mama? Nagising na po ba siya? Kamusta po ang kalagayan niya?"

"Hindi po tungkol kay Mrs. Madrigal ang sinabi ni Doctor Sylvia, may ibinilin lang po siya."

"Ano daw po iyon?"

"Sa susunod na linggo ay inaasahan niya po kayo na pupunta sa hospital."

"Ganun po ba? Salamat po." Magalang kong sambit at muling ipinagpatuloy ang paghihiwa ng carrots na nasa cutting board.

"Manang Kera pwede po bang tanggalin niyo po ang "po or opo" kapag kausap niyo ako ni Ate Umi?" Napansin ko kasing lahat ng tao dito sa bahay ay may "po or opo" kapag kausap ako, samantalang ako naman ang pinakabata sa kanilang lahat.

"Pasensya na po your highness, pero hindi po namin magagawa ang gusto niyo."

"Kasama po sa protocol ang mga piling salita na binibitawan namin kapag kausap kayo."

"Ganun po ba?" Napaisip ako sa mga sandaling iyon, naalala ko kasi ang sinabi ni Ma'am Vel kanina sa opisina tungkol sa bagay na gusto kong gawin.

"Okay lang po ba na gawin niyo kapag wala sa paligid si Ma'am Vel or kahit sinong royalty tulad nina Nico? Kahit kayo kayo lang po."

"Pero---

"Please po? Hindi po kasi ako sanay."

"Your highness kailangan niyo pong masanay, lalo na kung nasa Rallnedia na kayo. Mas madaming nakapaligid sa inyo."

"Pero pwede po ba na kahit dito lang sa bahay? Or kahit ngayong linggo lang bago po ako maging abala sa pag-alis ko?" Pansin kong nagkatinginan si Ate Umi at si Manang Kera. Hinintay ko ang sagot nila ngunit tila ayaw nilang labagin ang protocol na sinasabi nila, nawala ang excitement na nararamdaman ko kaya napabuntong na lang ako at tinapos ang aking ginagawa.

"Ang totoo po niyan, bawal din kayong tumulong sa pagluluto tulad ng ginagawa niyo ngayon."

"Maliban na lang kung special event for royalty na magluto, tama po ba?" Tumango tango naman silang dalawa kaya mas lalo akong nawalan ng gana.




Pagkatapos ko sa paghihiwa ng carrots ay tumungo ako sa living room upang i-check ang coverage na ipinasa sa akin ni Nico para sa practical, iniabot naman ni Mr. Yong ang tablet matapos kong makapaghugas ng kamay, nilingon ang dalawa na nagpatuloy sa kanilang ginagawa sa kusina.

"Alam ko pong gustong gusto ninyong gawin ang bagay na iyon, ngunit tulad ng sinabi nilang dalawa kailangan po naming sundin ang protocol." Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi ni Mr. Yong. Natural hindi papayag sina Manang Kera at Ate Umi sa gusto ko dahil head ng mga butler si Mr. Yong na halos dekada na sa trabahong ito. Alam kong siya ang nagrereport kay Ma'am Vel sa mga bagay na nangyayari dito sa loob ng bahay kaya ayaw pumayag ng dalawa.

"Pwede po bang kahit ngayong linggo lang?" Ito na ang huling beses na hihingi ako ng pabor sa kanila bago man lang ako maging abala sa susunod na linggo.

"Pasensya na po pero---

Itinaas ko ang kamay ko bilang senyales na itigil na niya ang sasabihin niya, tumigil naman siya kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at bumalik sa kuwarto upang ipagpatuloy ang pagchecheck sa coverage.

Alam kong iyon ang isasagot niya kaya bakit pa ba ako umaasa na may papayag sa gusto ko maging dito sa bahay. Nakapikit kong bulong sa aking sarili matapos makaupo sa lazy sofa na nasa tabi ng bintana ng kuwarto.






.

.

.

Tulad ng sinabi ko sa mga kasama ko sa bahay ay mas naging abala ako kahit hindi pa nagsisimula ang practical test na magaganap sa Biyernes.

Halos araw araw akong umuuwi na pagod, masakit ang katawan, diretso sa pagtulog at gigising ng maaga para sa panibagong araw. Iyan ang routine ko sa loob ng limang araw.

Ibang iba ang mga nangyayari ngayon magmula nang umalis ni Shaine, ngayon wala na akong oras na makapaglibang kahit sa lunch break, bawat meetings na dinadaluhan ko ay tahimik lang ako kasama ang bago kong secretary, nakafocus lang ako sa mga lessons maging sa mga bagong designs na ginawa ko para sa kompanya.

"Ma'am may next appointment po kayo with Miss Bernardo this afternoon." Ipinakita sa akin ng secretary ko ang tablet para sa venue at oras ng appointment ko. Sa conference room ng studio ng director ni Alira, alas tres ng halon.

Inayos ko ang suot kong dress na kakapalit lang kanina matapos namin makabalik dito sa opisina. Tinawagan ko naman ang driver ko para maihanda ang sasakyan.

"Is this my last appointment this day?" Tanong ko matapos makausap si Mr. Yong.

"Yes ma'am."

"Okay, thank you." Lumakad na ako palabas ngunit hinarangan ako ni Jeyya, ang secretary ko, nagulat na lang ako ng bigla niyang hawiin ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Hey!" Agad naman akong umatras kaya nakaiwas ako sa gusto niyang gawin.

"I'm sorry ma'am, nahaharangan po kasi ang maganda niyong mukha."

"Miss Bautista sa susunod sabihin mo na lang sa akin, ayaw kong may ibang makakita na ginagawa mo 'yan. Lalo na kapag nasa harap natin si Ma'am Vel. Hindi mo ba nabasa ang protocol tungkol diyan?"

"I'm sorry ma'am."

"Fine, kailangan na nating umalis naghihintay ang sasakyan sa baba." Nakatangong sumunod si Jeyya sa akin, hindi ko na lang iyon pinansin at dire diretso sa paglalakad patungo sa elevator.





.

.

.

"Dia it's good to see you." Salubong na bati sa akin ni Alira. Nginitian ko siya matapos makipagbeso sabay upo sa tabi niya upang masimulan ang pakay ko dito sa studio.

Nasa unahan naman ang director ni Alira na nagpapaliwanag ng mga gagawin para sa nalalapit na fashion show, isa si Alira sa model na kinuha ng Blant Styl habang nandito pa siya sa Pilipinas. Itinuon ko ang atensyon ko sa bawat sinasabi ng director maging ang mga suggestions ni Alira para mas mapaganda ang fashion show.

"Ma'am may tawag po kayo galing sa Rallnedia." Agad akong tumayo ng ibulong iyon ni Jeyya sa akin.

"Excuse me." Kinuha ko sa kamay ni Jeyya ang phone at lumabas ng conference room.








Bumuntong hininga pa ako bago kausapin ang nasa kabilang linya matapos makalabas.

"Hello?"

"Hello Princess." Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Who's this?"

"Oh I'm sorry, it's your cousin."

"Cousin?"

"Yeah, I'm excited to meet you Princess." Mas napakunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko kilala ang kausap ko sa kabilang linya, hindi din kasi sinabi ni Jeyya kung sino ang tumawag. Nang marinig ko kasi ang salitang "Rallnedia" si Shaine agad ang naisip ko.

"Ahm okay. I need to go back, I still have a meeting today."

"Alam mo tama si Shaine, may pagkamataray ka haha. By the way magkikita naman tayo kaya ako mismo ang magdedecide kung mataray ka nga ba talaga o hindi."

Si Shaine? Kasama niya ba si Shaine? Ito na ang chance ko para makausap si Shaine. Bulong ko sa mga sandaling iyon.

"Bye Princess, see you." Biglang naputol ang linya kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Tiningnan ko lang ang screen ng phone na hawak ko at nakakunot pa rin ang ulo.

May kapatid si Shaine? Mas matanda ba siya kay Shaine o mas bata? Pero sino siya? Hindi kasi siya nagpakilala, what I mean is hindi ko alam ang pangalan niya.

Bumalik na din ako sa conference room matapos kong makausap ang pinsan ko daw na hindi ko naman alam ang pangalan. Nakinig lang ako hanggang sa matapos, niyaya naman ako ni Alira na magdinner, pumayag agad ako dahil nagugutom na ako at alam kong gutom na din si Jeyya sa tatlong oras naming nakaupo sa loob ng conference room.

Continuar a ler

Também vai Gostar

8.9K 668 35
Si Summer ay laging nabubulas dahil sa kaniyang pisikal na itsura, lalo na sa kulay ng kaniyang balat. Nais niyang wakasan ang panglalait na natatang...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
2.8K 200 18
Book 1 of "After" Series. Edited and Revised. ***** What if one day you woke up, there was living dead in your surroundings? How would you survive? ...
675K 31.1K 94
Paano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung tao...