Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 22: Second Cousin

67 5 0
By AillexSkcy

Chapter 22: Second Cousin



Dia's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang mga nangyari sa bakasyon namin sa Amanpulo. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga sinabi ni Shaine noong gabing pumunta kami ni Mariel sa clubhouse dahil alas nueve na ng gabi ay hindi pa rin ako bumabalik sa villa.

"Is everything okay?" Hindi ko na nagawa pang masagot ang tanong ni Ma'am Vel dahil sa mga bumabagabag sa isip ko kaya maging itong reviewer ko ay naaapektuhan.

"Tungkol pa rin ba ito sa nangyari sa Amanpulo?" Dahan dahan kong ibinaling ang aking mga mata patungo sa kanyang kinaroroonan habang abala sa pagchecheck ng sales ng Mondragon Company.

"Pasensya na po talaga sa ginawa ko Ma'am Vel, hindi ko na po uulitin."

"Dia---

"Hindi ko na po uulitin, susundin ko na po ang lahat ng sasabihin niyo. Hindi ko po alam kung bakit iniiwasan ko si Shaine pero gagawa po ako ng paraan para bumalik 'yung dati. I'm truly sorry Ma'am Vel." Nakatango kong sambit. Aaminin ko, guilty ako, oo guilty ako sa lahat ng ginawa ko noong gabing iyon at hanggang ngayon hindi ko maisip na ginawa at sinabi ko iyon sa harap ng maraming tao.

"Pwede ba kitang makausap?" Mabilis akong napatunghay ng ulo sa narinig ko, lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Dia, ipapaalala ko lang sayo na hindi na ikaw ang Dia na nakasanayan mo noon. Alam kong nag aadjust ka pa sa biglaan naming pagdating at sinabi sayo na isa kang Prinsesa, pero hindi lang si Shaine ang nag-aalala sayo, or si Nico, maging ako at ang iba pang employee ng Blant Styl lalong lalo na ang Rallnedia na naghihintay sa pagpunta mo."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Hinawakan niya ang kamay ko matapos ko magtanong.

"Isa lang ang gusto kong ipaintindi sayo. Huwag mong baliwalain lahat ng sinasabi ni Shaine, ni Nico maging ni June at ng butler mo."

"Pasensya na po talaga."

"Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo kami para paalalahanan ka, hindi sa lahat ng oras may taong sasang-ayon sa mga gusto mong gawin sa buhay. At hindi lahat ng tao sa mundo ay nabibigyan ng ganitong pangyayari tulad ng sayo."
Nahihiya na akong magsalita pa sa mga sinasabi ni Ma'am Vel, sobra na ang mga ginagawa ko, sinasamantala ko ang pagiging Prinsesa ko kahit hindi ko pa totally tanggap na hindi ako anak ni Mama.

"Royalty ka man o hindi ito ang palagi mong tatandaan Dia, ang pagiging masunurin sa taong mas may alam at mas may karanasan ay isang advantage na makakatulong sayo in the future. Pero hindi lahat ng may alam at may karanasan ay tama, pansin mo bang halos lahat ng nakapaligid sayo ay pinili ko ng masinsinan, hindi sila bastang tao lang or basta bastang royalty lang. Lahat sila dumaan sa Rallnedia protocol para sayo."

Tahimik lang akong nakikinig kay Ma'am Vel, napansin ko pa na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Manang mana ka talaga sa Mama mo. Ganyang ganyan ang hitsura niya kapag napagsasabihan ng Papa namin." Niyakap ko na siya ng marinig iyon, hindi ko mapigilan ang sarili ko ng marinig ang salitang "Mama" na nagmula sa bibig ni Ma'am Vel.

"Mas madaming mata ang titingin sayo once na makapunta tayo sa Rallnedia."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ma'am Vel sa halip ay nakayakap lang sa kanya.


.

.

.

Ano nga ba ang nangyari noong gabing iyon?

Matapos kasi naming tumungo ni Mariel sa villa nila ay dumiretso kami sa clubhouse na sinasabi niyang magandang libangan, wala akong choice kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa na sumama dahil nandoon na din kami.

Nagpaalam ako kay Ma'am Vel nang makapasok kami doon, after ko magpaalam ay pinatay ko na ang phone na dala ko para hindi ako macontact ni Shaine. Noong una ayos pa ang lahat pero simula ng pumatak ang alas nueve ng gabi bigla na lamang nagkagulo sa bar counter kung saan may tatlong lalaki na nagsusumbatan sa hindi ko malamang dahilan dahil nasa VIP room kami ni Mariel noong mga sandaling iyon para hindi kami maistorbo ng ingay mula sa dance floor. Hindi naman kami nadamay dahil nasa room kami.

Nagdesisyon na si Mariel na umuwi na kami dahil hinahanap na siya ni Manang Cristy, palabas na kami ng clubhouse ng makasalubong namin si Shaine na nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin mas lalo na kay Mariel na kasama ko.

Hindi pa tapos ang gulo sa bar counter noong mga oras na iyon, at nang mapansin ni Shaine ang gulo ay bigla niya akong kinaladkad palabas. Masakit sa braso ang ginawa niyang paghila sa akin kaya padabog kong tinanggal ang kamay niya. Sinabihan ko pa siya ng masasakit na salita matapos iyon, wala akong pakialam sa paligid o sa mga taong nakakarinig sa lahat ng sinabi ko kay Shaine at imbes na sumunod sa kanya ay bumalik ako sa loob ng clubhouse kasama si Mariel. Hinila ko si Mariel pabalik sa VIP room na ginamit namin at nilaklak ang isang bote ng mojito na hindi namin binuksan kanina at dahil sa sobrang inis ko hindi ko na napigilan ang sarili ko, noong una ay pinigilan ako ni Mariel paulit ulit niyang inaagaw sa akin ang bote pero ng panlisikan ko siya ng mata ay hindi na niya sinubukan pang kunin sa kamay ko ang boteng iyon. Nakita ko sa mata niya ang takot noong oras na iyon pero kumibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang paglaklak ngunit wala pa ako sa kalahati ng biglang may kumuha sa boteng hawak ko. Si Shaine iyon, pilit kong kinukuha sa kanya ang bote pero sa sobrang inis niya ay inihagis niya iyon sa pader ng room kaya nagulat at natauhan ako.

Doon na nagsimulang magsalita ni Shaine na bumabagabag pa rin sa isipan ko hanggang ngayon.

"Kung ako ang problema mo huwag mong ilalagay ang sarili mo sa ganitong lugar!"

"Kung may problema ka sa akin sabihin mo! At ako mismo ang aalis sa kompanya mo! Pinagkatiwala ka sa akin ni Tita Vel, kaya kung anong mangyari sayong masama ay pananagutan ko lahat! Hindi ako pumunta dito sa Gemolis para maging secretary or maging sidekick mo! Pumayag ako na pumunta dito dahil sayo! Dahil ang pinsan ko na si Ela o mas kilalang Dia ay buhay at nasa harap ko ngayon!"

Yes, tama kayo ng pagkakabasa, pinsan ko si Shaine. Second cousin ko siya at isa sa mga countless ng Rallnedia.

Noong marinig ko 'yun ay tila sinampal ako ng isang malaking kamay sa mukha. Doon ko lang narealized kung bakit ako naiinis at nagalit sa kanya, bilang secretary at naging kaibigan ko na din ay nagseselos ako sa ginagawa niya kasama si June, noong wala pa si June nasa akin ang atensyon ni Shaine, maging ang oras niya ay nasa akin lamang at lagi niya akong pinoprotektahan at sinasamahan sa lahat, siya ang nagturo sa akin sa halos lahat ng alam ko ngayon. Kahit isang buwan pa lang ay tinuring ko na siyang kaibigan, kadalasan nga natatawag ko siya sa salitang "Ate" pero ayos lang sa kanya kasi mas matanda at mas matured siya kaysa sa akin, nagsabi pa siya na pwede kami maging magkapatid. Doon ko naramdaman na masarap pala na may kapatid at may mas nakakatanda sayo upang paalalahanan ka sa mga bagay na hindi mo pa alam.

24 years old na ako pero ngayon ko pa lang nalalaman ang lahat tungkol sa mga ginagawa ko sa araw-araw, tama nga ang sinabi ni Sandra Aamodt na isang neuroscientist and co-author ng Welcome to Your Child's Brain. Ayon kay Dr. Aamodt nadedevelop lang ang full maturity ng isang tao once na tumuntong sa edad na 25. At dahil malapit na ang birthday ko which means 25 na ako, unti unti ko ng nalalaman ang bawat dahilan at kahalagahan ng mga bagay na ginagawa ko sa pang araw-araw na pamumuhay ko.

"Excuse me Miss Wayler may naghahanap po sa inyo." Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ng bago kong secretary.

Hindi na si Shaine ang secretary ko at hindi ko alam kung bakit biglaan siyang umalis matapos naming makabalik noong Miyerkules galing sa bakasyon. At dahil Sabado ngayon fully scheduled ang maghapon ko sa lesson kasama si Nico at si Ma'am Vel na dapat si Shaine ang magtuturo pero dahil bumalik na siya sa Rallnedia wala akong choice kundi harapin silang dalawa.

"Nakapagreview ka ba ng ayos?" Salubong na tanong sa akin ni Nico, tumango tango naman ako bilang sagot.

Maya maya pa ay sinimulan na niya ang pagbibigay ng exercises sa lahat ng tinuro sa akin nilang apat, mula sa proper etiquette pababa sa accounting.


.

.

.

Someone's POV

"You will definitely like what I have to say about the Princess." I smirked on the other line.

"Wow after one week ngayon ka lang makakapag update. Make sure na magugustuhan ko ang ibabalita mong iyan."

"Shaine is no longer the Princess mentor, and they seem to have changed her schedule for all the lessons. But her presence is still active at every Blant Styl meeting, it looks like your company has a new competitor when it comes to sales, and take note she knows more designs than you. "

"Hija hindi mo kilala ang kausap mo, hindi ako basta basta magpapatalo sa hampas lupang 'yan. Sige na, sinisira mo ang umaga ko. Next week agahan mo ang update, okay?"

"Yeah fine." I turned off the call after saying that. I just smiled when I noticed the new article I got, and since everything is private to the Princess it is difficult to find this especially if Evelyn Mondragon handles everything when it comes to hiding issues and problems even the  information.

Fortunately, I was relieved because Shaine returned to Rallnedia, she did not seem to be able to cope with the Princess' behavior. It seemed the next ruler of Rallnedia have an attitude.
Maybe the person I talked to earlier would be happier if I had already told him about it haha.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 2.6K 36
(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINI...
419K 8.1K 69
EMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter an...
675K 31.1K 94
Paano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung tao...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...