Like Strangers Do

By EstherMelodi

201 13 1

There were 8 billion people in this world. And almost 114 million people in the Philippines. Imagine how many... More

Like Strangers Do
Dedication
MOODBOARD
Prologue
Chapter 2

Chapter 1

28 3 0
By EstherMelodi

Ballpen

Chapter 1

People are like art. Every single one has purpose, meaning, life, and story.

Katulad ng sining, merong simple, engrande, at komplikado. Iyong tipo na ang tanging makakaintindi lang ay 'yong mga taong talagang interesado.

"Miss Kaye..."

Nag-angat ako ng tingin kay Almira. Binaba ko sa hita ko ang lapis na kanina ko pa hawak at tsaka tinanggal ang earphone sa tenga.

"Malapit na po tayo," Sabi niya. Tipid akong ngumiti at tumango.

Ibinalik ko sa bag ang sketch pad at lapis tsaka tumingin sa labas ng bintana. The tall gate of the hacienda welcomed us.

Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang mga trabahante na nagta-tanghalian. Tumuloy ang sasakyan na sinasakyan ko sa harap ng mansyon.

I can see my brother and his bestfriend waiting for me outside. I took a deep breath as the car stopped. Someone opened the door for me.

This is it. I'm back in my real home.

"Kaye!"

I hurriedly run towards Kyena and hug her. Sobrang excited akong umuwi ng Bulacan para dito mag spend ng summer!

Naisip ko kasing mamasyal sa may burol. Tahimik doon at masarap ang hangin.

"Na-miss kita!" Magkayakap kaming tumalon-talon. Napatili siya nang sapuhin niya ang mukha ko. Like she's checking if I'm really here in front of her. "Kyah!"

Her energy is on another level as always.

"Ang sakit sa tenga," Parinig ni Kuya Cloud kaya sabay kaming napalingon ni Kyena sa kanya.

"Nagtatampo ka ba dahil hindi ikaw ang nauna kong niyakap, Kuya?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Hindi ah. Ang sakit lang talaga sa tenga nung ingay niyo." Nakasimangot na sagot nito.

Sus, if I know.

"How's school, Kaye?" Tanong ni Kyena.

"Ayos lang," I smiled and immediately diverted the topic. "You just graduated. Saan mo balak mag-aral?"

"Ah, pinag-iisipan ko pa. Sabi ni Lolo Henry pag-aaralin niya raw ako sa Maynila." She trailed.

Tumango ako, "Anong course ba ang gusto mo? Baka available sa kung saan papasok si Kuya, mas okay kung iisang school na lang kayo."

"Tell that to her, Kaye." Sabat ni Kuya sa likod namin.

I shooked my head. Hinatid nila ako sa kuwarto bago sila pareho nagpaalam na may inuutos sa kanila si Lolo. I placed my bag on the floor. Dumiretso ako sa may bintana at hinawi ang kurtina. I watched as the sun rise and lights up the whole place.

Ang totoo, maganda rito, masarap tumira. Kaya lang ay laging maraming tao sa mansyon at hindi ko ata kayang mabuhay ng ganoon. I mean, 'yong social anxiety ko ang papatay sa akin kapag dito ako tumira.

May farm si Lolo na pinapatakbo, nagha-harvest sila ng palay at pakwan. Palaging nasa hardin ng mansyon pinagta-tanghalian at pinagme-meryenda ang mga manggagawa. Pag nandirito kami ay obligado kaming sumabay sa kanila dahil na rin nakagawian na nang pamilya.

Sa school, wala akong kaibigan. Hindi ko alam kung sila ba ang problema o ako dahil ayokong makihalubilo pero hindi ko talaga sila feel. Pakiramdam ko lahat sila ay plastik. Hindi sa paghuhusga pero ewan ko ba sa kutob ko. Wala ata akong pwedeng maging bestfriend kundi ang mga lapis at pens. 

Pagkatapos ko magpahinga sandali ay nagpalit na ko ng damit at bumaba para kitain sila Kuya at Kyena sa baba para sa tanghalian.

"Kaye! Apo!" Nag-angat kami ng tingin sa palabas ng mansyon na si Lolo. Sinalubong ko siya ng yakap at halik tsaka ako nagmano. "How's your trip?"

"It's fine, Lo."

"Let's eat lunch, hinintay ka talaga namin ng Kuya mo at ni Kyena para saluhan kami."

Inakbayan ako ni Lolo. I bite my lower lip when we walked towards the people in the garden. Pasimple kong hinila pababa ang suot kong high waist short. Lalo akong nailang ng batiin si Lolo ng mga tao, syempre dahil kasama niya ako, pati ako tinawag nila.

I'm shy.

Napakaraming pagkain, Lolo always make sure na busog ang mga nagtatrabaho sa bukid. May tilapia na prito, may adobong manok, may itlog na maalat at kamatis, may nilagang talbos, okra, at pakwan. Tipikal na pagkain ng mga taga-probinsya, ang mga gulay pinipitas lang sa bakuran at maaring manghuli ng isda sa may sapa sa dulo.

Kahit maingay ay nag-enjoy naman ako sa pagkain kahit medyo conscious na baka may magawa akong mali.

"Buti at nag bakasyon kayo rito, miss na miss na kayo ni Don Antonio," Sabi ni Aling Carmen.

"Opo, wala naman po kaming ibang balak puntahan. Nasanay na rin na dalawin si Lolo dito kapag bakasyon, " sagot ng Kuya ko.

"Eh kadarating lang nireng si Kaye, hindi ba? Bakit hindi pa kayo nagsabay magkapatid?" Tanong naman ni Lola Nena, siya ang kinalakihan kong nangangalaga sa mansyon mula pagkabata ko.

"Nauna na po kasi si Kuya, may tinapos lang po akong school activity." Magalang na sagot ko.

Natapos ang maingay na tanghalian at ako yata ang unang aalis sa hapag. "Aakyat na po ako, Lo." Mahinang sabi ko tsaka humalik sa pisngi niya.

"Okay, take a rest, Kaye. Mamasyal kayo ng Kuya mo mamaya." Tinapik pa ni lolo ang balikat ko bago ako hinayaan.

Mabilis akong pumasok at umakyat sa kwarto ko. Ibigsak ko ang katawan ko sa malambot na kama at tsaka ako pumikit.

Gusto ko nang matulog pero kakakain ko lang.

I sighed as I force myself to get up. Instead of staying in my bed, I took my bag and get my sketch pad. Tinuloy ko yung dino-drawing ko kanina sa sasakyan.

I draw my dream house. 2 storey, may malawak na garden, may roofdeck, may apat na kwarto— tatlo na pwedeng tulugan at yung isa ay para sa mga gamit ko sa pag pe-paint at pag do-draw.

Nilalabas ko ang mga gamit ko sa bag nang makita ko ang brochure na pinamigay sa may gate ng school namin noong last day. I think it's for graduating students— going to college. It's from some college university in Manila, their facilities and the courses available in their campus.

I want to be architect.

Because that's what I'm good at, designing and drawing. Si Mommy, gusto akong maging doctor. Si Daddy, gusto sa bank lang ako para daw hindi abutin ng gabi sa daan. Si Lolo, well, gusto niyang mag chef ako dahil may iniwang restaurant si Lola bago ito pumanaw. Gusto ni Lolo na ako ang mamahala no'n.

Pero ayoko.

Hindi ako ganung katalino para mag doctor, takot ako sa dugo at nakakapagod mag-aral. O hindi lang talaga ako para do'n. Hindi rin ako gano'n ka close sa mga numbers para mag accountant. Hindi rin ako marunong mag luto para maging chef.

I don't see myself doing what they want me to do. Or I'm just afraid to try things?

I'm okay on architecture.

'Yun na lang ang ipe-pursue ko. Tutal okay rin naman na trabaho 'yun.

Nang mangalay ang kamay ko sa kaka-drawing ay doon lang ako nahiga sa kama para matulog. Paggising ko ay gabi na at dumating na sila Mommy.

Bumaba ako sa dining para batiin sila at mag dinner na rin. Hindi rin naman ako nagtagal do'n dahil ang farm ang pinag-uusapan nila. Umakyat ako sa kwarto ko at natulog.

Kinabukasan, maaga akong nagising para maglakad lakad sa farm. May mga ilang bumabati dahil maaga rin naman talaga nagigising ang mga tao sa probinsya pero karamihan ay nasa loob pa ng bahay at nag-aalmusal.

Umakyat ako sa mataas na parte ng farm kung nasaan ang mga puno para doon maupo at magpahinga. Tanaw mula dito ang malawak na palayan at taniman ng pakwan.

Nang mag alas otso ay muli akong bumalik ng mansyon para subukang magpinta, natulog ako ng hapon at nanood ng movie ng gabi.

Ganoon ang naging routine ko sa loob ng dalawang buwan. Bihira kami halos magkita ni Kyena dahil palagi silang nasa labas ni Kuya. Hindi naman ako sumasama dahil ayoko sa mga crowded na lugar at baka ma-out of place lang ako sa dalawa.

Ganito lagi ang buhay ko tuwing summer. Kwarto, farm, at dining sa umaga. At kwarto mula tanghali hanggang gabi.

Dalawang buwan na gano'n ang paulit-ulit na nangyayari. Sometimes, I drew characters, I make comics, dresses and buildings as my pampalipas oras.

Ulit-ulit but peaceful.

Dumating ang huling linggo ng summer and we need to go back to Manila to get ready for the new school year.

Si Kuya Cloud is getting ready for college and me for my last year in high school. Kuya is getting Business Course. So sa ibang school na siya papasok.

"Kuya... Let's go." Tinignan ko sila ni Kyena na magkayap at parang ayaw maghiwalay. They're whispering things to each other and it's so awkward to watch them so I turn my back at Kuya. Nauna akong sumakay ng sasakyan.

SUV ang dala namin pabalik ng Manila. Nasa dulo si Almira at yung ibang bag. Naupo naman ako sa pagitan ni Mommy at Daddy. Mommy put a pillow in her lap and made me lay there.

"Ayaw maghiwalay ni Cloud at Kyena." Nakangiti pero malungkot ring sabi ni Mommy.

Pareho sila ni Daddy na pinapanood sila Kuya at Kyena sa bintana. Maya-maya lang ay pumasok si Kuya at doon siya naupo sa tabi ng driver seat.

Tinapik ni Dad ang balikat ni Kuya, malungkot na ngiti naman ang iginanti nito.

Natulog lang ako buong byahe. Umalis ako sa pagkakahiga sa hita ni Mommy at yumakap kay Daddy. Hindi naman niya ko binitawan at hinayaan akong matulog sa braso niya.

Nakarating kami ng Manila. The next day, nagpunta ako ng school para kunin ang schedule ko at dalhin na rin 'yung iba pang requirements. 

I was standing on the side of the registrar window, waiting for my schedule while the other window was entertaining a group of students. I took my phone out to choose my playlist later while going home.

"Guevarra, fill out this form."

Should I choose a Taylor Swift or Kpop?

"Can I borrow a pen, Miss?" A guy wearing a black sweatshirt was looking over the small hole in the registrar window. The registrar glared at him.

Tumayo ang babae mula sa upuan niya at sumilip sa salamin na bintana hanggang sa nag-iba ng mukha niya. "Sino na namang nag-uwi ng ballpen?!" 

Tinignan ko ang papel na nasa harap ng kabilang window, blanko iyon at wala ang ballpen na dapat nasa desk ballpoint pen holder. I opened my bag and fish out my pen. I slide it to him. 

"You can borrow this."

"Thank you, I'll return it agad."

I nodded, I saw pa on my peripheral na lumingon siya sa akin but I wasn't able to pay attention because my name was called already.

"Calmonte, Nayeli Kaye..." 

Lumapit ako sa kabilang window, binigay sa akin nung registrar iyong magiging schedule ko. After I finished my agenda, I looked around to get my pen back so I could leave but the guy was nowhere to be found. 

"Hala, 'yong ballpen ko..."

Wala akong nagawa kung hindi umuwi na lang ng hindi nakukuha iyong ballpen ko. It was such a disappointment to me since I love that pen, reusable kasi siya since pinapalitan lang ng ink iyon.

Nang sumunod na araw sinamahan ako ni Mommy na kunin 'yong bagong uniform namin na pinatahi. Bumili rin kami ng school supplies.

And I spend that week preparing for another tiring school year.

Monday came, maaga akong kumilos, may sarili akong driver na naghahatid at nagsusundo sa akin. I had breakfast pa with my parents.

"Lunch mo, Kaye. Dinagdagan ko 'yan para sa mga friends mo. Ingat ha." Kagat labi kong tinanggap ang binigay ni Mommy na lunch box.

"Thanks, Mom." Humalik ako sa pisngi nila ni Daddy.

"Take care, Nayeli." Sabi ni Dad at yumakap pa sa akin.

"You too, Dad. Mom. Bye! Love you!" Patakbo akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

Dumeretso kami ng school. Napatitig naman ako sa lunch box na hinanda ni Mommy. Ako lang ang kakain nito. Wala naman akong friends. Tinatamad kong pinanood ang dinadaanan namin. Am I a nerd?

No.

I don't braid my hair. I don't have thick eye glasses. And I hate books. Matalino ako pero hindi sa Math. I'm more on English and Arts. But not Math.

I just don't feel like socializing. I only consider as a friend is Kyena and.. Oh!

"Kaye!" There. Lily.

"Lily, hi!"

"Anong section mo?"

Hinawakan ko ang ID ko at ipinakita sa kanya. "Patience. Ikaw?"

"Gosh! Kindness! Hindi naman ako mabait! Bakit do'n nila ako nilagay? Mas bagay ako sa Patience dahil mahaba ang pasenya ko. Sino naman kayang kakilala ko dun?"

I shrugged. "Gotta go. I'll find my room."

"Doon tayo sa kabilang building. Third floor."

Kumunot ang noo ko. "Alam mo na pala, bakit nasa labas ka pa?" Tanong ko.

"Bibili lang ako dyan sa mini stop sa tapat. Una ka na!" Sabi niya sabay kaway sa akin.

"7 minutes nalang before class!" Giit ko.

"Yep. Mabilis lang ako!" Napailing na lang ako ng tumakbo siya papasok ng mini stop. Lakad takbo naman ang ginawa ko palapit sa building namin. At dahil first day, ang daming pakalat-kalat na studyante.

Nakarating naman ako on time sa klase. May mga pamilyar na mukha pero meron ring hindi. Well, wala naman akong pake. Naupo ako sa pangalawang row sa dulo. Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones at binaliwala ang ingay nila.

Naging maayos naman ang unang week. Puro introduce yourself ang nangyari kaya medyo chill pa.

Paakyat ako ngayon ng hagdan dahil late na ako sa class ko after break. Ayokong maka miss ng lesson kaya nagmadali ako.

May nabunggo pa kong lalaki dahil nakarang sila sa hagdan.

"Sorry." Sabay na sabi namin nung lalaki.

"Oh my gosh. Be careful." Sabi naman nung kasama niyang babae.

"Sorry ulit." sabi ko bago tumakbo ulit paakyat.

"It's okay. Late na kasi eh." Dinig ko pang sabi nung isa pang lalaki. Apat kasi sila. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Hindi ko na pinansin pa iyon at tumuloy ako sa klase. I have three more class after ng break. After ng klase nagkita kami ni Lily sa gate.

We had a little chat bago dumating 'yung sundo ko. Halos makatulog ako sa byahe habang pauwi.

"Nasa bahay si Mommy, Kuya?" Tanong ko sa driver.

"Opo, Ma'am. Pati po Daddy niyo." Sagot nito. Tumango naman ako at pumikit.

Nakarating kami sa bahay. Dumeretso ako sa sala. Nandoon si Mommy at Daddy nanonood ng tv. Dumeretso ako sa kanila at yumakap.

"How's school, Darling?" Tanong ni Mommy.

Daddy start stroking my hair. "Ayos lang po." Sagot ko.

"Tired?" Tanong ni Mom.

"Yep. I'm sleepy."

Kinuha ni Mom yung bagpack ko na nasa likod ko pa. "You're sixteen already, Kaye." Nakangiting sabi ni Mommy. "Ang Kuya mo may girlfriend na. Ikaw ba?"

Agad akong umiling. "Wala po, Mommy."

Umusog si Mommy dahilan para pareho sila ni Daddy na nasa magkabilang dulo ng sofa habang nasa gitna ako.

"Dalhin mo rito, Nayeli. Ha. Wag magpapaligaw sa kalye. Hindi magandang tignan iyon." Seryosong sabi naman ni Daddy.

"Wala nga po, Dy."

"Oo nga. Sinasabi ko lang para pag nagkaroon na, alam mo na. Kung hindi niya kayang pumunta rito ibig sabihin hindi siya seryoso sayo. Kaya dalhin mo dito para malaman natin."

Tumango ako. "Daddy, gusto ko mag architecture." Pag-iiba ko ng usapan.

"Whatever you want, Nayeli. It's okay." Napangiti ako sa sagot ni Dad.

"Sayo, My? Okay lang?"

Tumango si Mommy. "Oo naman. Basta ipag-design mo rin ako ng bahay eh."

"Sige, My. Papatayo ako ng bahay para sa inyo ni Daddy. Ako mag de-design," Nakangiting sabi ko.

Nagkwentuhan pa muna kami bago ako umakyat sa kwarto ko para nagpalit ng damit. Tinanggal ko ang necktie ko at akmang tatanggalin ang id ng makita kong id lace lang ang nandoon.

Oh no.

"ID ko?"

Kinuha ko yung bag ko at tinignan kung andoon pero wala. Nagbihis ako at bumaba sa sala, nang wala akong makita ay tinignan ko pati koste pero wala rin.

"No. No. 'Yung ID ko." Mahinang bulong ko.

Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko iyon.

Pagtingin ko ay may isang unread message.

Unknown number:

Hey, Nayeli. I have your ID, are you free tomorrow?

;

Continue Reading

You'll Also Like

1M 91K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
238K 7K 51
we young & turnt ho.
48.1K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
164K 12.4K 14
Her ลŸey bana gelen mektupla baลŸlamฤฑลŸtฤฑ. Ufacฤฑk bir not kaฤŸฤฑdฤฑnda yazan ลŸeyler bรผyรผk olaylara ve hayatฤฑmฤฑn deฤŸiลŸmesine yol aรงmฤฑลŸtฤฑ. Ben kendimden emin...