Two Boys in Love

Od LovattiEmil

139 5 1

Tagalog Short Story Více

Part 2: Ang Pagbabalik

Part 1: Day Begins

105 4 1
Od LovattiEmil

"Ang Mundo ay nilalang ng Diyos upang maging tirahan ng mga nabubuhay na naaayon sa kaniyang lalang bilang tagapangalaga nito.

Nilalang niya ang bawat isa ng may sariling ganagampanan at tungkulin bilang isang nilalang. Lahat ng nilalang lalo na ang mga nabubuhay: hayop, tinanim at ang mga tao ay nilaanan ng kanikanilang karapatan.

Ang mga Tao bilang pangunahing nilalang sa mundo ay may natatanging kakayahang gawin at pamunuan ang sanlibutan sa pagawa ng mga karapatang pandaigdig. Dito naaayon ang karapatan ng mga nilalang: hayop, kalikasan at syempre ang mga tao.

Ang mga tao ay may karapatang umibig. Nilalang ng Diyos ang BABAE at LALAKI. Ang BABAE nilalang para sa mga LALAKI. At ang mga LALAKI ay para naman sa mga BABAE. Ngunit may mga ilan na mas pinipiling mag-isa o di nama'y maglingkod sa Diyos ang mga Pare at Madre.

Paano kaya kung ang magkasekso ay nag-iibigan sa isa't-isa? Maaaring pareho silang tao na may karapatang umibig din ng isang tao pero pareho ang kanilang kasarian, isa pa ba itong KARAPATAN o KASALANAN?"

-Emil Lovatti

Halina't tunghayan at saksihan ang magiging buhay ni Pim at Liam. Magkaseko pero magkaiba ng estado sa buhay.

Unang araw bilang isang bikolano.

Unang araw ni Pim sa syudad ng Naga simula nung lumipat sila ng kaniyang inang si Sonya mula Bulacan. Ang syudad ng Naga ay isa sa mga nangungunan syudad sa bansa. Nahirang din ito bilang Best City in Asia. Lumipat sila rito ng kaniyang Ina matapos mailibing ang kaniyang Ama.

Si Pim ay isang mabait na bata. Mahinhin na tila ba Babae kung gumalaw. Tanggap ito ng kaniyang ina pero kinondisyunan siya nito na huwag magsuot ng damit pambabae. Naging mahirap kay Pim ang pakitunguhan ang mga batang pwede niyang makasalamuha sa lugar at kanilang mga kapit-bahay.

Napagpasyahan ng kaniyang Ina na dito narin mag-aral. Nakapag-enroll siya sa paaralan ng Camarines Sur National High School. Isa sa pangunahing paaralan sa probinsya ng Camarines Sur at kabilang sa mga nangungunang paaralang pangsekondarya sa rehiyon ng Bicolandia. Sa tulong ng mga kamag-anak at ng kaniyang Ina, naging madali ang pag transfer ni Pim sa paaralang ito.

Unang araw bilang estudyante.

Unang araw ng pasukan, naging makabuluhan para kay Pim dahil marami siyang naging kaibigan at buong buo siyang tinanggap nito sa kaniyang pagkatao. Mainit, siksikan at maingay ang bawat silid. Ngunit sa dami ng mga estudyanteng nakasalamuha niya, may isang binatang pumukaw ng atensyon niya at siya si Liam.

Si Liam ay laki mula sa marangyang pamumuhay. Kasama niya ang kaniyang mommy na si Melissa. Hindi siya ulila sa kanyang Ama kahit ito'y nagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit parang nangungulila rin siya dahil minsan lang sa isang taon kung umuwi ito.

Si Liam ay kilala sa larangan ng Cartooning. Kilala rin siya sa larong Basketball. D'one sia kung ituring ng bawat babae sa eskwelahan. Ngunit hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend simula first year.

Isang linggo nang estudyante si Pim, isang linggo naring nagpapantasya ang Liam sa kanyang kaisipan ngunit nag-aalangan siyang magpatuloy kasi baka masaktan lang siya sa huli. Magkakaroon ng Acquaintance and Ball sa paaralan para na rin sa Welcome and farewell party sa mga freshmans at siniors student. Magiging abala ang bawat isa sa kanilang mga susuotin. Hindi sineryoso ni Pim ang preparasyon dahil alam niyang hindi siya magiging masaya at magiging boring lang kung pupunta siya na hindi makakasama si Liam.

Unang araw na nakasama si Liam.

Hindi natiis ni Pim kaya't pumunta ito pero sumilip lang na masilayan lang kung ano ang pustura ni Liam, kung siya ba'y gwapo o napaka. Naging maiinit ang selebrasyon sa mga pustura ng bawat estudyanteng pumapasok sa entrance ng eskwelahan. Nagpalipas ngalay si Pim sa kalapit na canteen umupo ito nang nakita niya si Liam ng nakabihis pambahay at kumakain ng nilagang mais. (.,?!) Parang nahulugan ng paso si Pim sa kanyang reaksyon.

....PIM!!!

Tila naging sulit ang pagkahulog ng paso sa ulo ni Pim nang tawagin siya ni Liam sa kaniyang pangalan.

....kilala mo'ko? wika niya na parang gulat...

....bakit hindi ehh malapit lang yung room niyo sa room namin. sabi naman ni Liam.

Pim: ....ahhh hhhehe ganon ba. Ba't di ka nag attend?

Liam: ....hindi ko kasi gusto yung mga ganyan. Ikaw ba't di ka nag attend? Balita ko chickboy ka daw. Marami ka kasing kasamang babae. Hheheh!

Pim: ( mga sister ko yon!) ....ahh mga kaibigan ko yon. Di ako sumale kasi alam kong hindi naman ako magiging masaya. Pero ok lang naman kasi kasama kita.(mahinang pagkasabi ni Pim)

Liam: ....ano yon?

Pim: ....never mind!

Liam: ....bagong salta ka dito diba? San kayo galing?

Pim: ....Bulacan.

Liam: ....bakit kayo nandito?

Pim: ....hayaan mo bukas aalis na kami.

Liam: ....hhehe etoh naman nagtatanong lang. Di, seryoso nga?

Pim: ....biru lang. Mula ng nailibing si tatay, nawalan na kaming gana ni nanay na manirahan pa don kasi wala naman kaming mga kamag-anak don.

Liam: ....sorry ahh diko kasi alam na patay na ang tatay mo. Sorry Pim.

Pim: ....ok lang kasi nagtatanong ka.

Liam: ....hhehehe.

Naglakad sila habang kumakain ng fishball. Napag usapan nila kung anong merong buhay meron ang isa't-isa nang tumawag ang mommy ni Liam...

....Liam? Thisbis your mom. Magmadali ka dahil nakauwi na ang daddy mo.(on phone)

....si dad po umuwi na? Sihege po pauwi napo ako...wika ni Liam ng masaya.

Liam: ....Pim uuwi nako, umuwi na kasi si dad galing states.

Pim: ....ahh sige thanks sa time.

Liam: ....sige INGAT KA PIM!

Tumatakbo si Liam ng patalikod at kumakaway kay Pim.

Sa mga sandaling iyon, naging sulit ang sabi ni Pim na para bang love story. Nakauwi si Liam at tila bang parang batang musmos na sabik na sabik makita ang ama. Nakita nya ito at agad niyakap ng mahigpit, halos masakal na ang daddy niya sa higpit ng kaniyang yakap.

....dad! i miss you dad! wika ni Liam ng lumuluha.

....Liam may ipapakita ako sayo. ito ay isang singsing. Binili ko ito sa California. Mahal ito anak kya gusto sa mahal mo ito ibibigay. Sana anak sa mga araw ng pamamalagi ko dito sa Philippines ay mapakilala mo na sakin ang girlfriend mo anak...wika ng ama na para bang nagmamakaawa...

Halata sa wika ng ama ni Liam na napapansin niya ang kasarian ni Liam. Lahat ng magulang ay hangad ang kaayusan at mapaganda ang buhay ng kanilang mga anak sa panahon na sila ay magtanda na.

Sa sitwasyon ni Liam na isa lang naguguluhan, maaaring matungo siya sa tuwid na landas bilang isang lalaki at pwedeng mapunta sa landas na mali sa mata ng iba pero gusto at nais ng puso niya.

Unang araw na umiibig si Pim.

Sabado, walang pasok ang mga estudyante. Pumunta ng Plaza Rizal si Liam para tumambay. Nakita ni Liam si Pim ng bumibili ng Fried Siopao, isa sa mga delicacy ng Bicol. Tinawag niya ito. Lumingon si Pim ng kinikilig.

Liam: ....saya mo ata ngayon.

Pim: ....ahh ehhh (nag aalangang sumagot baka mabuko =b) wala kasing pasok...kumusta bonding niyo ng dad mo?

Liam: ....ayos naman. Masaya na nababahala.

Pim: ....gulo mo kausap!

Liam: ....yun na nga problema ko nagugulohan ako.

Pim: ....problema nga yan!

Liam: ....gusto kasi ni dad na mapakilala ko na sa kaniya ang girlfriend ko...

Pim: ....GIRLFRIEND???!!!

Liam: ....girlfriend!

Pim: ....di kita matutulungan diyan Liam.

Liam: ....ok lang.

Pim: ....ba't di mo subukang manligaw?

Liam: ....manligaw? kanino?

Pim: ....ikaw, kung sino gusto mo...

Sa mga oras na yon, naisip ni Pim na lahat ng pagkakataon ay hindi lahat mangyayari. Halata sa mga mata ni Pim na nasasaktan siya. Sa lagay na Liam na gusto lang pagbigyan ang hiling ng kanyang ama.

Magkakaroon ng Educational Tour na proyekto ng paaralan. Dito inaatasan ang lahat na makilahok na may pahintulot ng magulang. Sa kaso ni Pim, mukhang mahihirapan siyang makasali dito dahil sa kakulangan nila sa pinansyal. Mabait na anak si Pim kung ibabase natin sa ina niyang si Sonya. Lahat ng iutos nito ay agad namang sinusunod ni Pim. Napalaki ng maayos ni Sonya si Pim ng napupunan ang pangangailangan nito lalo na sa pinansyal noong nabubuhay pa ang asawa nito, ang ama ni Pim.

Pumasok si Pim mg eskwelahan ng matamlay at para bang nanghihinayang. Napansin ito ni Liam. Halos buong araw nang di kumikibo si Pim kaya't kinausap niya ito.

Liam: ....pim may problema ba?

Pim: ....nahihiya kasi ako na sabihin sayo kasi alam kong simpleng bagay lang to kung iisipin ng kagaya mong maykaya sa buhay.

Liam: ....KAIBIGAN moko Pim, sabihin mo sakin kung may problema ka.

Pim: ....baka di ako makasama sa tour. Kaya kong magtrabaho pero mahirap kitain yung 250.00 sa isang araw lang.

Liam: ....pim sana sinabi mo. Eto ibibigay ko nalang sayo yan. Pambili ko sana yan ng ear phone.

Pim: ....Liam, wala akong pambayad diyan..

Liam: ....di ko naman pinapabayaran sayo yan ang gusto ko lang... sumama ka dahil gusto ko partner tayo.

"Pag mahal mo ang isang tao kahit alam mong hindi ka niya gusto, gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan para di kayo magkalayo"

Pim: ....ahhh sigeh thanks Liam!

Liam: ....friends?

Pim: ....friends...

Tinanggap ni Pim kahit masakit ang katotohanan. Hindi man sila para sa isa't-isa, naging magkaibigan naman sila.

Magaganap na ang naturang tour. Sabay silang umupo sa bus, magkatabi, naghaharutan kahit pinag uusapan di nila inalintana...

Bumaba sila at nasaksihan ang ganda at kakaibang dating ng kilalang Perfect Cone Volcano sa buong mundo at itoy matatagpuan sa syudad ng Legaspi, probinsya ng Albay. Isa ito sa mga nangungunang tourist destination sa bansa.

Manghang mangha si Pim dahil ngayon lang niya nakita ang bulkang Mayon at hindi lang sa mga litrato sa libro o magazine. Naging masaya ang mga sandaling iyon para sa mga estudyante. Picture dito, picture don at syempre hindi din nagpahuli si Pim at Liam.

Sa mga sandali nilang magkasama at masaya, hindi rin naiwasang mapansin ni Liam kung anong merong nararamdaman si Pim para sa kanya.

Pim: ....Liam, may napakilala kana ba sa dad mo?

Liam: ....hmmmmn...

(Teacher): students! Attention! kailangan na nating umalis baka abutin tayo ng gabi...

Liam: ....Pim tara na!

Pim: ....oo sige mauna kana.

Liam: ....bilisan mo!

May napulot si Pim na napaka gandang singsing. Mukhang mamahalin kaya kinuha niya.

Pim: ....Liam may nakita akong singsing sayo ba'to?

Liam: ....ay sakin nga yan thanks ah.. bigay kasi sakin 'to ng dad ko. Ibigay ko daw 'to sa magiging girlfriend ko.

Pim: ....ang swerte naman niya kung ibibigay mo yan. Kung ako yun matakot ka dahil ipapasangla ko yan hhaha...

Liam: ....grabi ka naman! sana bigyan mo naman ng halaga ku ibibigay ko ito sayo...

Pim: ....sorry Liam. nagbibiro lang naman ako. sorry Liam...=(

Liam: ....pwede ba Pim, wag mo nalang seryosohin!

Pim: ....oo nga naman. sino ba naman ako para seryosohin ang bagay na yon.

Nahalata ni Liam kung pano sumagot si Pim. Natuklasan rin niya kung paano siya magbigay reksyon sa mga sandaling iyon. Sa madaling salita, halatang nahuhulog na rin ang loob nito para kay Pim.

Nakauwi ang lahat ng maayos at ligtas. Pero silang nakauwi ng parang nababahala. Nababahala si Pim sa mga nangyari na baka magkaroon ng lemitasyon sa pagkakaibigan nila, baka dumating sa punto na hindi siya pansinin ni Liam at dumating nga ang kinababahala ni Pim.

lunes pasokan na, Pumasok si Pim ng hindi nakikita si Liam. Nalibot niya ang buong campus pero hindi niya ito nakita. Nakasalubong niya si Mae. Si Mae ay isa sa matalik na kaibigan ni Pim sa klase. Nagkausap sila nito...

Pim: ....musta na!

Mae: ....etoh surprise!

Pim: ....surprise?

Mae: ....di ko kasi ine-expect na magtatapat na sakin si Liam...achievement ko yon sa one month na pang aakit sa kaniya. Sabi ko na nga ba mahuhulog din siya sakin.

Tumakbo si Pim at hindi kinaya ang emosyon. Naging malungkot ang araw para sa kaniya.

Ilang araw na ang nakalipas... Napakilala na ni Liam si Mae sa kanyang Daddy. Di rin nagtagal ay nakaluwas narin ito ng bansa. Sa bawat relasyon, hindi na maiiwasan ang magkatampuhan.

Pumasok si Mae sa kwarto ni Liam at nabasa ang diary nito. Nakita niya na halos lahat ng chapter ay kasama niya si Pim. May mga litrato na tila ba nagpapahiwatig ng pagtitinginan. Ng pumasok si Liam...

Liam: ....Mae? anong ginagawa mo sa gamit ko?

Mae: ....Naging kayo ba ni Pim?

Liam: ....ano bang sinasabi mo?

Mae: ....may relasyon ba kayo ni Pim? Bading kaba? Huh! pano ka nagkagusto sa FAG na yon!!

Liam: ....tumigil ka nga!

Mae: (sinampal si Liam) ....hindi ako pumapatol sa isang bading!!!

Tumakbo palabas ng bahay si Mae.

Kinaumagahan, hindi nagpahuli si Mae. Idinikit ni Mae ang ang mga kopya ng litrto ni Liam kasama si Pim sa bulletin board na may caption na "fag's romance". Naging balita ito sa buong campus at bawat estudyante ay nagulat sa kanilang nakita. Pumasok si Pim sa paaralan ng pinagtatawanan ng bawat estudyanteng makasalubong niya. Ganoon din ang naging sitwasyon ni Liam. Nang nakita ni Liam ang poster. Nakita rin ito ni Pim kaya't agad niya itong sinira at tinapon kay Mae.

.....masaya kana ba Mae?

Inawat ni Liam si Pim pero pumiglas ito. Umalis si Pim nang galit kay Liam at lalo na kay Mae.

Pauwi na si Pim ng may nakasalubong siyang grupo ng lalaki. Hinila siya nito at binugbog sabay sinisigawan na bading!! Bading!! Nagkataong sinundan ni Liam si Pim kaya't nakita siya niti at iniligtas. Hindi kinayanan ni Pim ang ginawang pambubugbog sa kaniya kaya't nawalan siya ng malay.

Dinala siya ni Liam sa kalapit na klinika sa lugar. Nabalitaan ng ina ni Pim na si Sonya kaya't nagmadali ito at hinanap si Pim. Nsksihan ni Liam ang pag aalala ng ina nito para kay Pim. Naging bukas sa isip niya na dapat may nag babantay sa kaniya.

"Gaano man kasakit ang maramdaman mo, mas masahol parin kung makita mong nghihirap sa sakit ang mahal mo sa buhay"...

Humagulhul ang ina ni Pim sa nakita nitong kalagayan ng kaniyang anak. Nagkaharap din at nagkausap sila ni Liam.

Sonya: ....ikaw ba si Liam?

Liam: ....opo ako nga po si Liam.

Sonya: ....palagi kang binabanggit sakin ni Pim. Mahal ka ng anak ko alam mo ba yon?

Liam: ....ehhhh..

Sonya: ....binago mo ang buhay niya matapos mangulila siya sa kaniyang ama. Masaya ako kung masaya siya.

Liam: ....patawarin niyo po ako kung di ko po siya nagawang protektahan. Naguguluhan lang po kasi ako.

Sonya: ...naiintindihan kita.

Pumasok si Liam sa kwarto at hinawakan ang kamay nito. Inilagay ni Liam ang singsing na ibinigay ng kanyang daddy sa kamay ni Pim. Binayaran ni Liam ang bayarin at pangangailangan sa paggaling ni Pim. Nag iwan siya ng mensahe para dito at umuwi na.

Ilang araw na ang nakalipas, hindi pa magaling si Pim. Nabalitaan ng daddy ni Liam ang naging bali-balita sa eskwelahan ng kaniyang anak kaya't nagdesisyon ito na papuntahin ng California si Liam at doon magpatuloy ng pag-aaral.

Ilang buwan na ring hindi nakikita ni Pim si Liam. Nakaalis na pala ito ng bansa. Nabalitaan niya ito sa mga kaibigan ni Liam. Habang suot ang singsing galing kay Liam, mangiyak-ngiyak niyang binabasa ng paulit-ulit ang iniwang mensahe sa kaniya galing kay Liam.

Dear Pim,

Mahirap maintindihan ang ganitong nararamdaman. Naging malapit ka sakin bilang Kaibigan. Sa mga araw na magkasama tayo, nagbago ang pananaw ko sa buhay. Naintindihan ko kung anong nararamdaman mo para sakin. Naging manhid ako kung iisipin sa sitwasyon mo.
Alam kong mali ang ganitong relasyon sa mata ng tao, ng Diyos at ng katotohanan maaari itong isang kasalanan. Ngunit gusto kong malaman mo na kahit anong pambabatikos ang natanggap ko nitongbmga araw, minahal din kita kahit kaunting panahon lang...
Sa mga sandaling ito pwedeng malayo ang agwat natin sa isa't-isa. Salamat sa pagmamahal kahit di ko nasuklian.

Nagmamahal,
Liam"

Sa mga sandaling iyon, ang hindi alam ni Pim ay iniisip din siya ni Liam. Kahit hindi magkatugma ang mga oras nila, nananalaytay parin ang pagmamahal ni Pim para kay Liam at ganoon din si Liam para kay Pim...

Ano kaya ang mang yayari pagkalipas ng isang taon at ang pagbabalik ni Liam galing California. Magigi bang masaya o kagulat gulat o Magigi bang malungkot o madugong kaganapan.

Maraming salamat po sa pagsubaybay at sana abangan niyo pa po ang mga susunod na kabanata.

.....to be continued ^_< \/

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

80.2K 2.2K 28
GXG
86.9K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...