DISCLAIMER: Any resemblance to real persons (living or dead), places, events, are purely coincidence. All informations that are here in the story are work of fiction. Except sa Eraserheads, syempre.
This is a typical story between 4 young lads and a girl, who both studies in UP Diliman. But one of the 4 young lads suddenly fell in love with that girl. Ano kayang mangyayari sa natitirang isang taon na pamamalagi nila sa UP? Magkikita pa kaya sila in the near future?
--------------------
Present
"Sigurado ka ba talagang uuwi ka na sa Pinas, Ria?" tanong sa akin Aya
"I think that's for good. Gusto ko na muna magpahinga from all the stress na binigay sa akin ng company na pinasukan ko" sagot ko
6 years na akong nagtatrabaho dito sa sikat na publishing company sa New York. Nagstart ako from Copywriter, hanggang sa naging Editor-in-chief.
"Jusko girl, kung kailan Editor-in-chief ka na, saka mo pa naisipang umuwi ng Pilipinas!"
"Ano bang sinabi ko? 'Di ba sabi ko gusto ko muna magpahinga. Nagegets mo ba ako?"
"Okay fine. Ipapaayos ko na yung tickets mo by tomorrow. At ikaw naman, simulan mo na mag-impake" utos sa akin ni Aya
"Yes, madam. I will."
Nagpaalam na s'ya na uuwi na. Kaya lumabas na s'ya ng condo.
Si Aya ang naging kaibigan ko rito sa New York. Luckily, s'ya rin ang unang Pilipinong nakilala ko rito. Hanggang sa pareho rin pala kami ng inapplyan na publishing company.
Hindi ko na lang talaga alam kung paano ko mapapasalamatan si Aya sa lahat ng naitulong n'ya sa akin dito.
It's 7pm in the evening. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin.
"Mag-iimpake ba muna ako? Or kakain muna ng dinner?"
Habang nag-iisip ako, nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko
'Mira calling you on Messenger...'
Agad ko namang sinagot ang tawag nang makitang si Mira iyon
"Oh yes, hi Mira! Is there any problem?"
[Bakit parang gulat na gulat ka naman yata? By the way, kumain ka na ba? Dinner na d'yan sa NY ah]
"Ang dami mo namang tanong, isa-isa lang."
[Okay. Sorry. So now, answer my question na]
"Nadala lang ng emosyon. Hindi pa ako kumakain. Actually, pinag-iisipan ko ngayon kung kakain muna ako or I'll pack my things na"
[Pack your things- shit! So talagang uuwi ka na rito sa Pilipinas?] gulat na tanong ni Mira dahilan para matawa naman ako sa naging reaction n'ya
"Oo, bakit? Ayaw mo ba akong makita?"
[Aba syempre, oo- 'de joke lang. Gustong-gusto na kita makita, kami, kami nila Grace]
Hay. Lalo tuloy ako na-excite na makita sila pag-uwi ko.
"Sige! Pag-uwi ko, meet-up agad tayo!" pag-aaya ko ng may galak
[Sige ba! Pero iba talaga dahilan ng pagtawag ko sa 'yo eh...]
Agad akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam kung bakit. Kaya nanatili akong tahimik.
[Ria? Ria? Hello? Are you there?]
"Ah... yes! Nalihis na kasi yung topic eh hahahaha! So ano nga ulit yun? Bakit ka tumawag?"
[Gusto ko lang sana tanungin kung kailan flight mo? Sana ako matapat doon para ako mismo mag-aalaga sa 'yo habang nasa flight, yieee]
Tangina nitong Merial Cecilia na 'to. Pinakaba pa ako.
"Tangina mo Cecilia, you're breaking my heart. Kinabahan ako." narinig ko naman ang hagikhik n'ya sa kabilang linya
"Hindi ko pa alam kung kailan. Update na lang kita 'pag nakuha na ni Aya yung ticket ko" dagdag ko pa
[Hahahahaha sige. Yun lang talaga dahilan ng pagtawag ko. About d'yan sa pag-uwi mo, kung tutuloy ka ba talaga. Sige na Alegria hahaha, good night! Kumain ka na!]
"Hahahahaha oo Mira! Sige na good morning d'yan sa inyo!" sabay baba ko ng tawag
Ang ending, kakain din pala ako bago mag-impake.
I just cooked Crab & Corn Soup, saka nagsaing din ako ng kaunting rice. Tinatamad na rin kasi akong magluto.
After nun, nilinis ko ang mga pinagkainan ko. At nagpunta sa room ko to pack my things. Hindi ko pa naman alam kung kailan yung exact date ng alis ko rito sa NY, pero nagready na ako kung sakali.
Habang sineseparate ko yung mga shirts and shoes ko, naka-agaw ng pansin sa akin ang isang box...
May sunflower na design sa ibabaw, at nung binuksan ko... may mga lamang pictures, sulat, at casette tapes.
Kinuha ko ang isa sa mga casette tapes, at binasa ang nakalagay na papel dito...
Ria,
Ligaya, alam kong masaya ka na d'yan sa New York. Masayang tinutupad ang mga pangarap mo. Congrats nga pala. Balita ko, nakapasok ka raw sa isang sikat na publishing company d'yan sa NY. Eto nga pala yung bagong labas na album namin, Cutterpillow. May isang track sa album na 'yan ang nagpaabot sa amin sa MTV Viewers Choice. Aawardan kami d'yan sa NY sa September. Sana makapunta ka.
- Ely
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakita ko na naman 'to ulit or ano. Basta!
Agad kong binalik yung tape sa box, at hiniwalay sa mga damit ko. Parang nawalan tuloy ako ng gana na mag-impake.
"Hoping to see you soon again here! I'll be missing you" bati sa akin ng isa sa mga writers
Lahat sila halos ayan din ang sinasabi. Mami-miss ko rin sila. Magpapahinga lang muna ako.
Nagpa-farewell party kasi sila rito sa office. No choice naman ako kung 'di tanggapin kaya ayun.
Last na work ko na rin dito ngayong araw. Dahil sa Friday, tuloy na tuloy na ako sa Pilipinas.
Pero nandun pa rin yung thinking na, 'wag na lang kaya?
Kaso hindi pwede, marami na ring nag-aantay sa akin sa Pinas. Babalik pa naman ako rito. Babalik pa.
Finally it's Friday na. Gabi ng Friday ngayon, at nandito pa rin kami sa condo
"Ano na Ria? Wala na bang ibibilis 'yan? Baka pati sa flight, late ka pa rin"
"Here i come, Madam Aya" sabay hila ko sa maleta ko
Palabas na kami ng condo ko ngayon, at sandamakmak na bilin ang ibinato ko kay Aya bago kami makarating ng parking
"Oo Ria! Alam ko gagawin ko! Lahat ng naiwan mong damit doon, ilalagay ko muna sa iisang box, tapos yung mga pictures niyo ni Ely-"
"I brought it with me. Nandyan sa maleta." malamig na sagot ko
Tama bang dinala ko pa 'yon pabalik ng Pinas? O talagang dadagdagan ko lang sakit ng ulo ko imbis na makapag-relax ako?
Agad na nagtaka at nagulat si Aya, "Totoo- totoo ba? Eh paano nga pala kung-"
"Kung magkita kami roon? Edi bahala s'ya. Pakialam ko naman sa kanya?" sagot ko
Hindi na kumibo si Aya, at sinimulang paandarin at imaneho ang kotse papuntang airport.
Nakarating kami sa airport ng 9pm. Mamaya pa namang 11pm yung flight ko kaya inaya ko muna si Aya na kumain ng dinner... i guess, for the last time.
"Uhm... Aya? Thank you so much."
"For what, Ria?" takang tanong n'ya habang ngumunguya
"Thank you. Salamat. Salamat ng marami sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin here sa NY. Kahit nung nasa Pinas din." saad ko
Natawa naman s'ya sa sinabi ko, "Ano ka ba! Maliit na bagay. Babalik ka pa naman dito, kaya 'wag kang magsalita na parang 'di ka na ulit magtatrabaho rito"
"Eh paano if ganun nga mangyari?" tanong ko
"Paano mangyayari yun? Dahil ba kay E-"
'Flight 272, ready for departure'
Naalarma ako nang marinig ang flight number ko. Kaya tumayo ako agad, at hindi na pinatapos ang sinabi ni Aya
For the last time, nagpaalam ako sa kanya, "Ingat ka rito ha! Yung condo ko!"
"Oo ako na bahala roon!"
"Sige na! Bye! Face time na lang!" last na bati ko before pumasok sa departure area.
Ilang minutes ang nakalipas, paakyat na rin kami ng eroplano. Wala namang special dito dahil hindi naman business class ang pinili ko.
Pagsakay ko, nagsimula na magsalita ang piloto. May mga nag-aassist na rin.
Napapapikit na ako. Actually, patulog na rin yata ako. Pero nagising ang kaluluwa ko nang marinig ang boses ng isang babae
I was looking around, at nakita kong nasa harapan si Mira. Performing the flight safety instructions
"Si Mira ba 'yon?" tinitigan ko pang mabuti dahil ang labo ng mata ko
"Fuck, s'ya nga." reaksyon ko after ko ma-confirm na s'ya nga yun
Minutes after, naisipan kong matulog ulit. Na-alimpungatan ako nang maramdamang may nag-angat sa kumot ko
"Mira?!"
"Oo na, shookt ka na. Shut up ka muna, sa chat na lang tayo usap mamaya after ng flight" sabay alis n'ya
After that, natulog na naman ulit ako. Hanggang sa nakarating na kami sa Pilipinas.
Mahaba ang biyahe, pero parang pumikit lang ako ah.
At last, im now here in the Philippines. Ramdam ko na ang simoy ng hangin.
Before ako bumaba ng eroplano, masaya akong binati ni Mira, "Hope you enjoyed your flight with us, ma'am!"
Hindi ko maiwasang matawa sa ginawa n'ya. Pero parang ganun na nga.
Sinalubong ako sa arrival area ng kapatid kong si Lia. Typical na pag-aantay lang ginawa n'ya sa akin.
"Ano musta? Musta buhay natin sa New York?" tanong ni Lia habang hila-hila ang maleta ko
"I think it's good. Naging mayaman ako for 6 years hahahaha!"
Saktong pagtapos ko sagutin ang tanong n'ya, isinakay na n'ya ang maleta ko sa compartment ng kotse n'ya. Pero, bigla kong naalala ang kotse ko na naiwan dito sa Pinas before. Kumusta na kaya s'ya?
Nauna na akong sumakay sa shotgun seat ng kotse, saka naman sumunod si Lia. Pinaandar n'ya ang makina, at binuksan ang radio nito.
"Ang baduy mo naman Lia. Wala bang bluetooth 'yang radio mo?" reklamo ko
"Nag-New York ka lang ng anim na taon dami mo na arte. Wala nang bluetooth 'yan, sinira ng magaling nating bunsong kapatid" paliwanag n'ya
"So hindi mo naman pinaayos ganun?"
"Jusko ang dami mong reklamo Ate! Jetlag lang 'yan. Matulog ka na lang d'yan"
Siguro nga. Baka sabog lang talaga ako.
Tutal nabanggit na naman din ni Lia yung bunso naming kapatid na si Jester, tinanong ko na rin sa kanya iyon, "How's Jester na nga pala? Musta high school life n'ya?"
"Hahahaha si Ter? Ayun, binibigyan ng sakit ng ulo si Mama" sumbong n'ya
"Oh bakit na naman? 'Di ba gagraduate na 'yun?" tanong ko ulit
"Oo nga. Laging laman ng guidance, higher section pa naman"
"Anong sabi ni Mama? Kumusta nga pala sila ni Papa dun sa bahay?"
Ang dami ko na yata masyadong tanong.
"Ayun, si Papa relax na lang. Si Mama naman, jusko, ayaw yata enjoyin ang retirement"
Agad naman akong nagulat sa sinabi ni Lia, "Ang Mama, ayaw pa rin tumigil sa pagtuturo? 'Di ba i told you before na 'wag mo na payagan magturo sa college 'yan at baka mapagod pa lalo?"
Damang-dama ko na ang galit ko nang biglang may marinig akong pamilyar na boses na nagmumula sa radyo ng kotse ni Lia...
"Hello! Magandang hapon, we're the Eraserheads!"
Napatigil sandali ang paghinga ko, napatitig sa radyo, at pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng mga guhit na nandun
"Maaari n'yo bang ipakilala ang inyong mga sarili? Although kilalang-kilala na naman kayo ng lahat, gusto lang naming marinig na magpakilala kayo ulit on-air!" saad ng radio DJ na nasa radyo
"Uhm hi, ako si Raymund"
"Hi guys, Buddy here!"
"Marcus here!"
"Ely"
Napasapo ako sa ulo ko, hindi ko alam kung ano ba yung mga naririnig ko. Napatingin pa ko kay Lia na tinatawanan ako habang nagmamaneho.
"Hahahahahahahahaha ano? Okay ka pa ba? Kaya pa today?"
Sasagutin ko na sana si Lia, pero napatingin na naman ako sa radyo nang marinig ang boses ng DJ...
"Okay so bago natin interviewhin ang Eraserheads, eto muna, from their album Ultraelectromagneticpop... Ligaya! Stay tuned!"
Ligaya... Ligaya talaga ha?
'Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko-'
"Patayin mo 'yan Lia, patayin mo 'yang radyo mo!" saway ko kay Lia
Hindi pa rin n'ya pinapatay, at tinatawanan pa rin ako, "Ano ka ba Ate? Ang ganda-ganda nung kanta e hahahahahaha!"
"Papatyin mo 'yan o ikaw una kong-"
"Oo na ate, eto na nga. Sabi ko nga papatayin na"
"Naiinis na talaga ako ha. Dalhin mo muna ako sa malapit na tapsilugan d'yan, dali na nagugutom na ako."
After hours of Lia driving, nakatulog ako... na walang tugtog na galing sa radyo ng bulok na kotse ni Lia.
Sakto naman din na nakaramdam na akong tumigil na ang kotse kaya nagising rin ako agad, "Ano? Asan na tayo?"
Wait, this place is familiar...
"UPTC. UP Town Center!" saad ni Lia sa akin pagbaba ko ng kotse
"Talaga bang nananadya ka ha tangina mo?" gigil na sabi ko kay Lia
"Ate gabi na, eto na lang alam kong may tapsilugan."
Considered pa naman yung dahilan n'ya, so okay.
Pumasok na kami. S'ya na ang nag-order para sa aming dalawa, kaya ako naman ang naghanap ng mauupuan namin.
Sakto namang pag-upo ko, habang nagp-phone ako, may lumapit sa aking babae... na mukhang galing ng meeting or something?
"Ria? Ikaw ba 'yan?"
Sino 'tong babaeng 'to? T-teka.... Jeng?
"Jeng? Right?"
"Oo! Buti naaalala mo pa ako!"
Shit! Si Jeng na 'to? She's still beautiful. Walang pinagbago since college!
"Oo naman, ano ka ba! How are you? And what are you doing right now?" excited na tanong ko sa kanya
"Okay lang, okay lang! Eto nagtatrabaho sa recording studio as producer. Ikaw? Nabalitaan ko kay Ely na sa sikat na publishing company ka raw sa New York nagtatrabaho?"
Ely. Sa lahat pa ng babanggitin na pangalan, ayun pa.
I think may nahalata na s'ya sa naging timpla ng mukha ko. Nanatili tuloy na tahimik ang atmosphere naming dalawa, hanggang sa binasag n'ya na rin agad ulit 'yon.
"Uhm... sorry to ask pero, nag-uusap pa ba kayo ni Ely?"