Babysitting the Campus King

By iamsheyn03

3.9K 109 35

Ng dahil sa kahirapan ay gagawin lahat ni Fajra ang lahat para mabuhay ang kanyang pamilya. Sa isang hindi in... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 8

187 5 0
By iamsheyn03

Nasa bahay kami nila Izzy ngayon nakatambay. Pinagsasabihan nila ako dahil sa nangyari kay Fajra. Muntikan na siyang ma-rape ng dahil sa kagagawan ko. Alam kong mapapahamak siya but I didn’t expect it worst.

“Look what you’ve done to her! Muntikan na siyang ma-rape ng dahil dyan sa ego mo” si Eros. Galit na galit siya sakin pagbalik niya noon. Bakit ba pag si Fajra ang usapan nag fefeeling hero ang isang ito.

“Bakit ka ba galit na galit? Dahil ba si Fajra yon? Hindi naman natuloy diba?” Kinwelyuhan niya ako at tiningnan ng nanlilisik na mata. Ngayon ko nalang ulit siya nakitang ganito kagalit.

“It’s not about Fajra! In case you forgot my sister died because of rape. When I saw Fajra crying while begging for her life it brought back memories that I already buried 2 years ago. You bastard! Iinatyin mo pa bang may mangyaring masama bago ka makonsensya?!” Sigaw niya. Inawat naman kami nila Izzy at Axcel.

Eros sister was a victim of rape. It was her schoolmate also who raped her. One day she came home iyak ng iyak. Hindi siya makausap ng matino dahil parang takot na takot siya pag may humahawak sa kanya. Nalaman nalang namin na na-rape siya ng schoolmate niya. Binubog ni Eros yung lalaki at 3 buwan na comatose, nagsampa ng kaso ang magulang nung lalaki pero dahil malakas ang connection nila Eros ay nabaliwala ito. Ang lalaki pa ang nadiin sa kaso at nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong. Na trauma ang kapatid ni Eros. Hanggang isang araw nagtagpuan nalang siya sa kanyang banyo na naliligo sa sariling dugo, naglaslas ito. Hindi na umabot sa Hospital ang kapatid nito. That was the day na simulang nagbago si Eros. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay nito. Kung sana ay binantayan niyang maigi ang kanyang kapatid ay hindi na sana ito mamamatay. Hindi na siya sumama samin noong una pero kalaunan ay bumalik din. Nawala ang pagiging maingay at maloko nito. Lagi nalang itong tahimik at magsasalita lang kapag tinanong.

“I’m sorry” yun nalang ang tangi kong nasabi. Kitang kita ko sa mukha niya ang disappointment at umiling iling sakin bago lumabas.

Habang nag dadrive ako puwi ng mansion ay natanaw ko si Fajra na lumabas ng subdivision. Tiningnan ko ito at sumakay ng jeep. Imbis na dumiretso sa mansion ay napagpasyahan niyang sundan ang dalaga. Bumaba ito sa isang sementeryo. Anong gagawin niya dito? Sino ang pupuntahan niya? Ng makapasok si Fajra ay sinundan niya ito.  Nakasunod siya na tama ang layo para hindi siya agad makita ni Fajra. Tumigil ito sa isang puntod. Inalis niya ang mga tuyong dahol at pinunasan ang lapida.

“Tay, kumusta kana dito? May mga tropa kana ba? Tapos na ba ang mga uod sa pag kain nila sayo?” Medyo natawa ang dalaga. Pero mababatid ang kalungkutan sa tawa na iyon. Patay na ang Tatay niya?

“Pasensya na at hindi na kita nadadalaw madalas ha. Malayo kasi ito sa bagong tinutuluyan ko.” Hinaplos nito ang lapida. Narinig niya suminghot ang dalaga. Umiiyak ba siya?

“Miss na miss na kita Tay, madaya ka iniwan mo agad kami.” Umiiyak nga si Fajra.

“Kung buhay ka lang sana ngayon Tay edi sana masaya ang pamilya natin ngayon. Sana hindi nagging lassingera at sugarol si Nanay, hindi sana ako maghahanap ng trabaho para buhayin sila Nanay at mga kapatid ko, hindi sana kami naghihirap ngayon.” Ganoon ba kalala ang pinagdadaanan nito?

“Isang taon nalang naman Tay gagraduate na ako. Titiisin ko nalang muna ang hirap. Para sa mga kapatid ko Tay titiisin ko. Ayoko maranasan nila ang nararasanasan ko ngayon”

Umalis na ako dahil lalo lang ako nakokonsensya sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na may ganoong pinagdaraanan si Fajra, hindi naman kasi halata sa mukha niya na may problema. Tama ba ang pagkakahusga ko sa kanya?

Kinabukasan medyo nagpa-late ako ng pasok. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba sila harapin. Teka Fajra, bakit parang ikaw pa ang may kasalanan kung hindi mo sila kayang harapin. Habang naglalakad ako parang déjà vu kung saan pinagtitinginan ako at may pinagkukumpulan sa bulleting board. Kinabahan ako, ano na naman kaya ito? Pagtapat ko sa bulletin board ay nahawi ulit ang mga estudyante. Picture ko na naman nakalagay. Pero ang kinaibahan hindi na Paria ang nakalagay kundi Clase Baja na. Ayon sa pagkakaalala ko ay ito ang rank ko noon pa man. Sino kaya ang nagbalik sa aking dito? Si Eros kaya? Impossible kasi na si Frost, kung iisipin ko palang ang mga ginawa niya sakin ay napaka labo talaga.

“Well, well, well. Look who’s back at her original rank” Si blondinang Chloe.

Wala na naman magawa at nandito na naman para inisin ako. Bagay talaga sila ni Frost. Hindi ko siya pinansin. Pero sumabay siya sakin kasama ng mga alipores niya.

“Kung inaakala mo makakaligtas kana dahil nagbago na ulit ang rank mo, pwes magkakamali ka. You will be a member of Paria for me. Kung bakit kasi binalik ni Frost ang rank mo” Sabay irap niya at umalis na.

What? Tama ba ako ng dinig? Si Frost ang nagbalik ng rank ko? Pero hindi iyon sapat para mawala ang galit ko para sa kanya. Pumasok na ako sa classroom at naabutan kong nagtuturo na ang prof namin. Humingi nalang ako nag pasensya at tumuloy na sa loob. Nagkasalubong ang mata naming ni Frost pero nauna kong binawi ang sakin. Hindi ko alam kung kaya ko pa siya kausapin pagkatapos ng lahat. Disgrasya at panaganib ang inaabot ko kapag nalapit kay Frost. Pero syempre hindi ako pwedeng tuluyan umiwas kay Frost dahil katulong niya parin ako. Pagkatapos ng klase ay nilapitan ako ni Frost. Hindi ko siya pinansin at diretso ng lumabas ng classroom.

“Bakit ka umalis agad?” tanong niya. Aba anong ineexpect niya ipagpaparty ko siya?

“May kailangan ka ba?” wala gana kong tanong.

“Yes, bumili ng lunch ko good for five people. Also, bumili ka na din ng limang milktea, apat na Okinawa, ikaw na ang bahala sa isang flavor basta masarap. Ihatid mo yan sa may garden” Nag abot siya sakin ng dalawang libo at umalis na.

Sumakay na ako ng jeep at nagpunta sa mall. Wala naman ako Karapatan magreklamo dahil katulong niya ako. Nagugutom na ako pero kailangan ko unahin ito. Baka magalit na naman ang gagong iyon at ibalik ako sa Paria. Sa KFC nalang ako bumili ng lunch at sa Dakasi ako bumili ng milktea. Andami ng dala ko kumpara sa dalawa kong kamay. Hirap na hirap ako magbuhat palabas ng mall.

“Here, let me help you” isang lalaki ang lumapit sakin at nag alok ng tulong. Gwapo ito at moreno. Ang ganda ng tindig ng katawan niya. Siguro ay nag wowork-out ito.

“Ah Salamat “Nahihiya kong sabi. May gentleman din naman pala bukod kay Eros.

“Why are you alone? Andami mong dala pero mag isa ka lang. Asan ang boyfriend mo?” Teka parang alam ko na ang galawan nito. Gusto niya malaman kung single ako or hindi.

“Wala akong boyfriend” sabi ko habang palabas ng mall.

“Talaga? Sa ganda mong yan impossible na wala” hindi makapaniwalang sabi. Tsk alam ko na mga galawan mo Chong.

“Dito nalang ako” Turo ko sa paradahan ng jeep.

“Hatid na kita kung saan ka pupunta. Andami mong dala tapos sasakay sa jeep? Mamaya punuan na yan baka matapon mga dala mo” napansin niya at ang pag aalangan sa mukha ko.

“Don’t worry hindi ako masamang tao” nilabas niya ang mga ID niya.

“Anong gagawin ko dyan?”

“So, you will know that I have a clean record. Isumbong mo ako sa pulis kapag may ginawa akong masama sa iyo.” Paliwanag niya

“Makakapagsumbong pa ba ako kung hostage mo na ako?” Natawa siya sa sinabi ko.

“I won’t harm you, I promise”

Mukhang mabait naman ang taong ito so why not. Tama naman siya. Madami akong dala at mahihirapan ako kapag sa jeep ako sumakay. Nilagay niya na ang mga pinamili ko sa backseat. Pinagbuksan niya din ako ng pintuan. Gara! Sobrang gentleman. Pero si Eros parin ang pinaka gentleman para sa kanya.

“Saan pala kita ibababa?” Binaling niya saglit ang tingin sakin at binalik ulit sa daan.

“Sa St. Dominic University. Alam mo naman siguro iyon diba?”

“Of course, who wouldn’t” may diin at mahina niyang sabi. Bakit kanina masaya siya pero ngayon mukhang dumilim ata ang mukha pagkabanggit ko ng St. Dominic University. Nagsisi na kaya siya ihatid ako?

“Okay ka lang? Nagsisisi ka na ba na hinatid mo ako?” nag aalala kong tanong sa kanya.

“Of course not, may naisip lang ako. Don’t mind me” ngiti niya sakin

“By the way, I’m Mont. How about you?” Masaya na ulit ang mukha niya. Weird. Bipolar din ata ang isang ito.

“Fajra” maiksi kong tugon sa kanya

“Fajra. What a beautiful name” Tningnan niya ako at kumindat.

“Bolero!” natawa kami parehas sa sinabi ko.

“Hindi iyon bola totoo iyon. Maganda ka naman talaga kaya kita nilapitan” pagbibiro niya

“Ah ganon? Kung hindi maganda hindi mo lalapitan at tutulungan? Ganyan kayong mga lalaki namimili. Ang unfair niyo.” Kunware naiinis ako

“Hey, I’m just joking around. In fact, matulungin kaya ako. May award ako noong bata na most helpful award” Nagtawanan na lang kami.

Nakarating na kami sa St. Dominic. Unang bumaba si Mont at pinagbuksan akong muli. Binuksan niya ang backseat para ilabas ang mga pinamili ko.

“Gusto mo ihatid kita hanggang loob?” sabi niya habang inaayos isa isa ang mga bitbit.

“Naku wag na. Sobra sobra pa nga yung ihatid mo ako dito. Thank you, ha?”

“A beautiful girl like you is always welcome” muli siyang kumindat. Pumasok na siya sa kotse at umalis na.

Muli kong ibinalik ang tingin sa school, bumuntong hininga ako at muli ng pumasok. Pagdating ko sa usual place ko ay naabutan ko si Frost na inip na inip na nag aantay.

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba bumili? Sa Mindanao?”

“Bakit hindi ka nagsasalita? Kanina ka pa sa classroom”

Hindi ko siya pinansin at nilagay sa harap niya ang mga inutos niya sakin. Nilapag ko na din yung sukli. Napansin naman ata niya na ayaw ko siya kausapin kaya hindi na siya nagpilit. Kinuha niya yung binili ko pero naiwan ang isang order ng lunch at isang milktea. Tiningnan ko lang siya na parang nagtatanong.

“Napasobra pala. Iyo na yan.”

Napatingin nalang ako sa kanya habang papalayo. Pambawi ba ito sa mga kasamaang ginawa niya sa akin? Anong akala niya madadaan niya ako sa paganito ganito? Baka nakakalimutan niya, kinukutya akong nga estudyante dito, nabugbog ako ng wala sa oras, muntikan na akong ma-rape ng dahil sa lecheng pagpalit niya ng ranking ko. Tapos ngayon ibabalik niya ako sa dati. Miski isang sorry wala akong narinig mula sa kanya. Ganoon ba kahirap para kanya ang umako sa kasalanan? Kabawasan ba iyon sa pagkalalaki niya? Kung ganon, talaga naming gago siya. Binalik ko ang tingin sa table at napatitig sa pagkain at milktea na nasa table. Yung flavor na pinili ko ang iniwan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...