My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)

12.5K 442 4
By Badorita

"The enemy of my enemy ..... is my friend,"

Sebastian de Rosa, Alien vs. Predator (2004)

_____

"Sandali lang naman, nasasaktan ako! Susunod naman ako sa'yo!"

"You don't have the right to complain, you're my slave now,"

Malayo na sila sa mga naghahanap sa kanya, nasa kabilang parte na ata sila ng gubat. Kahit madilim na, kitang-kita pa rin nila ang paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa langit. Hindi niya sasabihing buwan iyon dahil wala siya sa earth. Nakarating sila sa isang malawak na lawa. Napakaganda ng lugar, nagrereflect sa  tubig ang liwanag na nagiging mga cyrstal kapag pinagmasdan mo ng mabuti.

Kahit sobrang romantic ng lugar hindi niya maappreciate iyon ngayon dahil bihag nga siya ng lalaking humihila sa kanya. Sino kaya ito?

"Teka sino ka ba?" pagsasatinig niya sa kanyang naisip.

Dahan-dahan siyang binalingan nito,"You don't know me?"

Pinagmasdan niya ito, nasinagan ng liwanag ng gabi ang mukha nito, masasabi niyang ngayon lang siya nakakita ng gan'on ka perpektong mukha, napakaexpressive ng mga mata nito, mukhang napakalambot ng mga labi, at may perpektong mga ilong, kapag pinagsama-sama iyon masasabi niyo ang salitang gwapo. Kahit na nga nakakunot ngayon ang noo nito, masasabi niyang he has the face that can melt anyone's heart especially his heart. Mukhang namula siya sa kanyang naisip.

Naramdaman niyang kinabig nito ang kanyang kamay, magkahawak nga pala sila ng kamay simula kanina, hindi niya namalayan dahil sobrang komportable ng nararamdaman niya sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

Nagulat siya ng sobrang inilapit nito ang mukha sa mukha niya, mukhang namula na naman tuloy siya, buti na lang gabi, hindi halata ang kanyang pamumula.

"Look at me," naramdaman niya ang mainit na hininga nito na nakapagpanindig sa buong sistema niya. "Now, tell me hindi mo ba talaga ako kilala?"

"Hi..hin.di nga," shit. Nauutal siya.

Tumawa ito ng pagak. "That's bullshit!"

Napakaarogante talaga ng lalaking ito, "Hindi nga kita kilala, eh di sana hindi na ako nagtanong kung kilala kita," dinugtungan pa niya ng pabulong ang sinabi, "Gwapo nga, may pagka-chunga naman,"

"What did you say?" hinapit nito ang baywang niya, sa ginawa nito magkatitig na tuloy ang mga mata nila, sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa at kapag gumalaw pa siya ng konti paniguradong mahahalikan niya na ito.

Wala siyang maisip sa mga oras na iyon, nakatitig lang siya sa lalaki, nakatingala siya dahil mas matangkad ito sa kanya. Kanina lang ay sobrang kaba ang nararamdaman niya dahil sa takot pero ngayon ay kakaibang kaba ang nag-uumapaw sa kanya. Hindi niya maipaliwanag iyon, epekto ba ito ng pagkakalapit niya sa lalaking ito?

"Are you going to stare at me the whole night?" tanong nito.

"I'm not staring to you at me!" ano raw? Pati siya ay nalito sa kanyang sinabi. Sobrang kaba na talaga ang nararamdaman niya pati ang magsalita ng maayos ay hindi niya na magawa. Pinilit niyang makaalis sa pagkakahawak nito pero hindi niya magawa dahil nanghihina na siya simula kanina at mas lalong nangatog ang kanyang tuhod dahil sa presensiya ng lalaking ito.

Dahan-dahan nitong ibinababa ang mukha papalapit sa kanyang mukha, nakatitig ito sa kanyang mga labi, hahalikan ba siya nito? Wala siyang magawa, pumikit na lang siya.

Hinintay niya ang sunod na mangyayari. Isang segundo. Dalawang segundo. Tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa ilang segundo na ang nakalipas, walang labing dumikit sa labi niya pero nararamdaman niya ang hininga nito, didilat na sana siya ng biglang may malakas na kidlat na tumama sa lawa. Napayakap tuloy siya dito dahil sa sobrang gulat. Sunod-sunod pa ang mga kidlat at tumatama ito sa iba't ibang parte ng gubat. Uulan ba? Tumingala siya, wala namang senyales na uulan. So, bakit may mga kidlat at sobrang lalakas pa. Saan nanggaling iyon?

"Shit!" natataranta na ang lalaki. Kanina ay kalmado ito pero bakit ngayon parang pusang hindi maihi ito, "Dito ka lang, babalik ako, huwag mong subukang tumakas dahil mahahanap din kita,"

Tumango lang siya. Bakit pag sa lalaking ito ay madali siya nitong mapasunod. Siguro dahil pareho ang kanilang sitwasyon. Pareho silang tumatakas. Hindi niya i-eentertain ang isang dahilan na may malaking epekto ito sa kanyang sistema.

"Hihintayin kita, Mag-iingat ka,"

Pinagmasdan siya nito at tumango rin gaya ng ginawa niya at pagkatapos ay tumakbo ito pabalik sa gubat.

Patuloy pa rin ang malalakas na kidlat na tumatama sa iba't ibang bahagi ng gubat. Sumiksik siya sa isang malaking puno, dito niya hihintayin ang misteryosong lalaki. Hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito, itatanong na lang niya mamaya.

Babalik nga kaya siya? Oo, naniniwala siya sa bagay na iyon. Nakita niya sa mga mata nito na hindi ito nagsisinungaling. Babalikan siya nito. Panghahawakan niya ang mga sinabi nito.

Mayamaya pa ay may narinig siyang kaluskos sa di kalayuan, mukhang bumalik na ang lalaki. Sa sobrang kagalakan niya ay agad siyang nagpakita sa kinukubliang puno.

"There you are," anang tinig.

Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan, pa'nong? Hindi pwede.

"Alican?"

"Uhum," tumango pa ito. Note to self: Hindi porke't may gwapong nangakong babalikan ka eh magpapakatanga ka na naman, remember tumatakas ka kaya. Ayan tuloy you let your guard down. Tsk. Tsk. Tsk.

Takbo. Iyon ang rumehistro sa kanyang isip. Tumakbo na naman siya ng mabilis, pwede na siyang sumali sa mga marathon sa earth dahil praktisadong praktisado na siya rito. Nilingon niya si Alican, hindi man lang siya nito sinundan, anong gustong mangyari nito? Sa kalilingon niya rito ay nakita niyang nawala na lang itong bigla at pagkatapos ay bumangga naman siya sa isang bagay.

"Aray!" natumba siya sa pagkakabangga. Mukhang puno ang nabangga niya.

"Ikaw din ang masasaktan sa ginagawa mo," teka nagsalita ang puno. Tiningnan niya ito.

"Alican? Pa'nong? Nand'on ka lang kanina ah? Bakit ang..," hindi na niya naituloy ang sasabihin. Tinutulungan na siya nitong makatayo.

"Isa iyon sa mga kakayahan ko, ang magteleport," kaswal na tugon lang nito.

Wala na. Wala na siyang takas. Extraordinaryo nga pala itong kaharap niya.

"So bakit mo naman naisipang mag-jogging ngayong gabi? Kakaiba talaga kayong mga tao. At sa gubat ka pa talaga nagjogging," nakangiti ito. Nagbibiro lang ba ito. Marunong rin silang magbiro?

"Tumatakas ako, mas mabuti ng mamatay ako sa pagtakas kaysa walang gawin, hindi niyo ako magagamit bilang subject niyo sa mga experiment," galit niyang sabi rito.

Napahawak ito sa noo, " Alam mo bang sa ginawa mo, nagwawala na ngayon ang kapatid ko at kapag hindi ka nakita hanggang mamaya mamamatay si Alala,"

Natigilan siya sa sinabi nito, gagawin talaga nila iyon. Grabe, wala ba itong mga puso. Oh well alien nga diba? Kawawa naman pala ang pobreng nagbabantay sa kanya kung hindi siya nakita. Bigla siyang nakonsensiya. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagkamatay ng isang nilalang kahit na nga minsan pa lang silang nagkasama nito.

"Ano ba kasi talagang gagawin niyo sa akin?"

"Halika na muna, sasagutin ko lahat ng mga agam-agam mo kapag nakausap mo na ang kapatid ko,"

"Ayoko, natatakot ako," pag-aamin niya. Sa kuwento pa lang kasi ni Alala mukhang nakakatakot na ang kapatid nito.

"Huwag kang mag-alala, nandito naman ako, hindi naman kita pababayaan," hinawakan siya nito sa balikat at sa isang iglap nawala na lang sila sa gubat.

Continue Reading

You'll Also Like

69.4K 2.5K 24
Si Jiro, lumaking walang magulang at namumuhay kasama ang lolo at lola nya. Normal ang payak nyang buhay hanggang sa dumating ang nagpapakilala nyang...
197K 6.8K 23
Date Started: December 28, 2016 Date Finished: February 20, 2017 #25 IN HUMOR AS OF 03/04/2017 Book Cover: seolight
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
7.1K 499 6
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...