FRANCE PARLEY
"Anak..."
"Po?" baling ko kay papa, lutang pa 'ko!. Kakagising ko lang eh!
"Mangingibang-bansa ako..." ha?
"Hmm" response ko at itinuloy ang pagkain. Si Marvy at Lola naman ay walang imik na kumakain lang
"Ayos lang ba anak?" ewan ko din
"Ayos lang pa, saan po ba?"
"Japan" naks! pwede bang sumama, char HAHAHAHAHA
"Kelan alis mo pa?" uminom ako ng tubig at iniligpit ko na kaagad yung pinagkainan ko
"Mamaya-"
"HA?! BAT ANG BILIS?!" agad kong baling sakanya, anak ng potakte! agad-agad?!
"Yung boss ko kasi, sabi niya mas maganda daw kung duong branch na ako maglalagi, malaki na daw sweldo, kwalipikado pa raw ako... hindi na ako nagdalawang-isip pumayag agad. Anak, mas malaki ang sasahurin ko dun, makakabili ka na ng mga gusto mo..." tuwa yarn?
"Anong oras po ang flight?"
"1 PM anak..." puta 'di man lang namin ni Marvy maihahatid si papa sa airport
"Si Lola lang po ang maghahatid sa inyo?"
"Hindi, ako nalang mag-isa para pag-uwi niyo, andito ang Lola niyo" ahhh, settled na pala eh.
"Edi ayos na pala?, may problema pa po ba?"
"Wala naman, pero ayos lang sa'yo na aalis ako ng bansa?" bakit akin lang tinatanong?, alam na ba ni Marvy? shet?
"Wala naman na akong magagawa eh. Ayos lang naman sa'kin pa, tuwing kelan ka ba uuwi?"
"Every Christmas to New Year... pero this year hindi ako makaka-uwi, kasi magtatrabaho na ako kaagad dun. Hindi ko kayo makakasama, pero next year makaka-uwi ako..." dahan-dahan niyang sabi. Awit lods.
"Ahhh, sige po. Maghahanda lang ako para sa school" umakyat na ako at 'di na lumingon. Medyo nagtatampo lang ako, 'di ko siya makakasama sa pasko at bagong taon eh.
Mabilis naman akong naka-ayos. Monday ngayon kaya naka-coat kami, putcha ang init!. Kinuha ko na ang dapat kuhanin at bumaba na. Nays ang gwapo ni Marvy!, bagay na bagay sakanya ang uniform!. Pag grade school kasi, hanggang tuhod lang ang pants. Tapos walang necktie, pero may coat. Ang I.D nga pala namin naka pin sa kaliwang side ng chest, walang lace.
Marvy Welton
Kinder 2- Blue
I.D ng aking kapatid
France Parley
Grade 9- Elite
Yan naman ang akin. Simple lang diba HAHAHAHAHA pag nawala yan, pagawa ka lang uli ayos na.
"Anak alagaan mo pamilya natin ha?, magtatrabaho lang si papa" sabi sa akin ni papa. Syempre yumakap naman ko, eeehhh! kasi naman!
"Naman pa!, see you next year! mwah!" I kissed his cheeks at hinawakan ko na sa kamay si Marvy na nagpaalam na rin kay papa.
"Nga pala anak, may tiga hatid-sundo ka. Nangako sa'kin" may service?
"Service po?" yung yellow na tricycle?, ughhh
"Oo, si Alendro hehe" teka sino? who?!
"Echos ka papa!" imposible gaga!
"Hi po tito, sunduin ko na si France at Marvy" anak ng?!, pagtalikod ko, si Alendro nga! shocks! ang gwepe, CHAROT! HAHAHAHAHA de seryoso ang gwapo. Kung ganyan ba naman sundo mo sa araw-araw ay!
"Weeehhh, eto yung pinag-usapan niyo nooooooo!" turo ko sakanilang dalawa
"Yes/Oo" sabay pa nilang sagot kaya napairap ako
"Oh bili, baka ma-late pa kayo sa school. Alendro umayos ka ha. Sa'yo ko iiwan ang mga anak ko, pag yan nagka-galos, babangasan kita. Kuha mo?" makapag-banta naman!
"Naman po! hehe, tara na bili baka 'di pa yan nakaka-alis may bangas nako!" panic na sabi ni Alendro, natawa nalang kami at sumunod sakanya, kinawayan ko nalang si papa at sumakas sa sasakyan niya. Si Marvy sa likod, pinag seatbelt ko, syempre ako sa harap mwehehe
"Naks first day niyo ah!, nako may bagong pagkakandarapaan nanaman ang mga babae!" kapatid ko pa lang palung-palo na. Eto pa kayang ka edad ko?, jusko marimar!
"I'm a little bit scared Ate" ani Marvy kaya nilingon ko siya
"Don't be!, mababait naman ang schoolmates mo dun, and if ever na may nang-away sa'yo, say it right away sa'kin ah?, babawian natin" kindat ko sakanya at umayos na ng upo
"What's your section?" tanong ni Alendro habang lumiliko.
"Elite, you?" simple kong sabi habang nag p-phone, hanggang ngayon dagsa ang notifications ko, huhu maawa kayo sa phone ko! ganon ba 'ko kaganda?, hays
"Elite din. Same pala tayo eh" ngisi niya pa.
"At kaklase pa kita?, anak ng pagkakataon nga naman oh!"
"Arte nito, bakit gusto ba kitang kaklase?" ayan na! bumabalik na ang kasupladuhan niya HAHAHAHAHAHAHA
"Oh edi wag, humanap ka ng mag t-tour sa'yo" asar ko pa
"That's easy, any girl at West Kaomay will gladly and willingly offer me some help, even if I'm not asking for it" kabooog!
"Edi ikaw na! HAHAHAHAHAHA ikaw na ang prinsipe, chura nito!" natawa nalang siya
After minutes of kwentuhan andito na kami sa school. Bumaba na kami kaagad, syempre hinawakan ko sa kamay kapatid ko.
"Oh neng!, ba g-gwapo nyan ah!. Transferee?" chismoso talaga 'tong guard na 'to kahit kelan
"Oo naman yes Kuya Manong Guard!" sagot ko nalang at pumasok na
"Ate, where's my room po?"
"Ituturo ko na nga sa'yo eh diba-aray! ano ba?" baling ko sa nambatok sa'kin. Akala ko si Alendro, si Jason pala!
"Kapatid mo France?," tumango ako, tapos ayun si tanga ni-level ang sarili sa height ni Marvy "So Marvy... do you have someone who likes right now?" tinamaan ko nga!, tino-tino ng kapatid ko tuturuan nito ng kagaguhan!
"Tigilan mo nga!, tarantado ka talaga eh!"
"Yes po kuya!, meron na now! ayun oh!" ay shet! meron na daw!. Tinanaw naman naming tatlo yung tinuro niya, abaaa ang ganda nga!, ka grade level lang niya. Kapatid ng ka batchmate ko ata
"Nice!, magaling kang pumili, turuan kitang pormahan yun-"
"Ihatid na natin si Marvy" putol ni Alendro sa sinasabi ni Jason, kaya nagtunggali sila gamit ang tingin. Mag enemy na yarn? HAHAHAHAHA
"Okay sige, tara na" sabi ko. At sumunod silang dalawa? bakit?
"Oh bakit kayo nakasunod?, kinder din kayo?" napahagikgik sa tanong ko si Marvy, ang cute!
"I'm new here so hindi ko alam ang magiging room ko, duh" ay oo nga sorry naman
"Oh bakit? bawal sumama?" bakit ba napapaligiran ako ng abnormal?
"Akina si Marvy" sabi ni Alendro at binuhat ang kapatid ko. Hala siya?
"Akina si France, kala mo ha-ouch!" gagong Jason 'to HAHAHAHAHA lakas ng tama!, naka-receive tuloy siya ng death glare kay Alendro. Hinampas ko na din siya
"Tara na nga!, ihahatid lang natin si Marvy eh!, dami niyong kumusyon" at lumarga na kami. Laki kasi ng University hays :))
Bali may apat na main buildings. Yung una para sa offices kems, pangalawa para sa kinder to grade school, pangatlo high schools kasama seniors at pang-apat ay yung pang college. Bali sa college ang may pinaka-maraming buildings, alam niyo na kung bakit.
"Ang big po pala ng WKU 'no?" manghang sabi ni Marvy habang naglilibot-libot ng tingin, ganun din naman si Alendro. Si Jason, walang imik. Aba bagong buhay?!
"Yes Marvy, as you can see malaki ang populasyon ng WKU, marami talagang students here. Lugar kasi natin ang pinaka-malaki dito sa City kaya nasa atin din ang pinakamalaking school. Mostly dito ginaganap ang events, pag laban ng districts per school, sports ganon, concerts pag foundation day mga ganun" tour guide yarn ghorl? HAHAHAHAHAHA
"May swimming pool po ba dito?"
"Yes, sa likod ng building niyo!" yung sa grade school kasi ang may pinaka kaunting percentage dito sa school kaya malawak yung space nila, dun nilagay ang swimming pool area, katabi non yung Gymnasium.
"Woah! if there's a swimming club. I'll join! I love swimming!" tuwang-tuwa niyang sabi. Mahilig pala lumangoy 'to?, ayos yan!
Nakarating naman na kami sa room ni Marvy. SA WAKAS!
"Yiieee Marvy, yung crush mo oh!" turo ni Jason sa crush ni Marvy, nagsitawa nalang naman kami nung namula siya. Jusko!
"Ang cute mo!, iwan ka na namin dito ah?, balikan kita ng recess and lunch, okay? mwah!" I kiss his cheeks at pumasok na siya sa loob. Tinanaw ko muna saglit, nagkaroon kaagad siya ng kachikahan kaya iniwan na namin. Ngayon babalik naman kasi sa building namin. Puta medyo malayo!
"Hoy France, may meeting daw mamaya about sa clubs. Ikaw nalang pumunta hehe, may gagawin ako eh!"
"Sus! lulusot ka nanaman eh!. Ikaw kaya 'tong president ng sports club tapos ako lagi mong pinapapunta don?!" bulyaw ko sakanya, pisti kasi!
"Vice president ka naman!, ayos lang yan!. Bakit ba kasi ako ginawang president don!" ay oo nga pala, napagtripan lang siyang president nung mga ka varsity player niya HAHAHAHAHAHA hindi siya Captain ng basketball pero ang chika, siya daw ang isusunod pagkatungtong namin sa Grade 12, kabog diba?
Lakas kasi mag basketball eh. Grade 9 palang pero ipwe-pwesto HAHAHAHAHAHA. Laging Grade 12 ang captain kaya every year, nagpapalit talaga.
When it comes to clubs naman dalawa lagi yon, sa Junior at Senior, iisa ng club but magkaiba din ang president, masyado kasing marami ang club members sa sports kaya may naatasan sa senior na president at ganoon din sa junior, kaya pag may mga meeting, naghihiwalay ng room kasi hindi kasya sa iisa. Pero iisa lang ng agenda
Pero sa bawat captain sa players, mga varsity ganon, syempre isa lang. Pag intrams hiwalay yan kasi diba nakakaloka naman yon kung yung shs ilalaban sa jhs, luging-lugi naman kami!, pero pag sasabak na sila sa game laban sa iba't-ibang school, from senior to junior players/ varsities pinapalaban, isinasama sila.
Hanggang grade 9 lang ang pinapasali pa kasi nakakahabol naman, pag grade 7,8 malamya pa daw, hindi pwede kasi minsan nagkakapersonalan sa court, alam niyo naman yang mga yan. Ang iikli ng pisi!
"Anong oras daw ba?"
"After lunch!, sabi ni Cap punta daw kami Gymnasium nun eh, kaya ikaw nalang umattend mamaya sa meeting!, mukhang sasabak nanaman kami sa training!"
November na nga pala, sa January sabay nanaman yan sila sa laban. By school, tapos by district. Grabe nga sila mag training eh, months talaga ang bibilangin. Kaya yung magaling, mas may igagaling pa HAHAHAHAHAHAHA, mataas din kasi expectations sa school namin.
"Ah sige sige, nga pala Alendro, anong sasalihan mo na club?" baling ko sakanya
"Sports" ani niya. Oh? nays!
"Ano sports mo?" syempre Vice, need iinterview yan, hindi namin pinapasali pag trip lang, ano yun tutunganga lang? nako! bawal yun! kailangan active.
"Basketball, volleyball, swimming, tennis, baseball, billiards, soccer, badminto-"
"Hep hep!, sabi ko nga may sports ka eh. Ang dami naman!" baka kung kelan pa kami matapos pag binanggit niya lahat ng kaya niyang sports.
"I'm planning na sumali sa schools varsity. Saan ba pwede?"
"Hmm, sa swimming daw need isa kasi lumipat ng school yung member, sa volleyball daw open. Sa basketball yung pag-extra ba yun? basta ayon!. So saan ka sasali?" usyoso ko naman. Sports Club nga eh dUh.
"Sa basketball ka nalang pre!, para may nakaupo naman kami. Lahat kasi kami malakas na eh" ooohh yabang Jason!, yari ka dyan! HAHAHAHAHA
"Nah, I'm too good at playing basketball, baka masapawan kita ng hindi sinasadya, kawawa ka naman. Sa volleyball nalang ako France"
"Bars! HAHAHAHAHAHA tangna mo ah!" tawa ko sa pagmumukha ni Jason. Babanat pa kasi eh HAHAHAHA
"Lul mo!. Sige dito na 'ko!" sabi niya at pumasok na sa room nila. Kami naman syempre dumiretso na sa room namin.
"Totoo nga ang chika mamsh!"
"Jusko ang gwapo!"
"Simula ngayon hindi na 'ko aabsent!"
"Kyaaahhh!"
"Taray ni France oh!, rumored boyfie daw!"
"Gaga! eh diba sila ni Jason?"
"Chikabells lang din yun!"
"Akala ko ba um-oo si Jason?"
"Boba!, mag bespren lang talaga silang dalawa!, inuuto lang kayo ni Jason para tantanan silang pareho ng nagkakagusto sakanila!"
"At saan mo nalaman yan?"
"Source lang bakla HAHAHAHAHA"
Ke aga-aga ang kalat!, bunganga nitong mga 'to oh!
"Saan mo trip umupo?" baling ko kay Alendro
"Sa tabi mo nalang" at naupo na sa kanan ko. Buti nalang wala talaga akong katabi, sobrang upuan yan eh.
"France! naks peymus na!"
"Ako lang 'to James HAHAHAHAHAHA" biruan lang syempre
"Diba kapatid ka po ni Alessio Smith sa bandang Unprepared?" tanong ni Lily sakanya, nag phone naman na ako, sige lang chikahin niyo lang yan ng maibuka naman ang bibig, mapapanisan ng laway yan eh HAHAHAHA
"Yes"
"Pwede pong pa-picture?!" biglang nagkagulo!, nagsipag labasan na ng phone!, katabi ako kaya nasasagi
"OY! ABA UMAYOS KAYO! PILA!" sigaw ko sakanila, alam nilang ayoko ng magulo kaya agad silang pumila. Ayan goods!
Kinuha naman ni Alendro ang phone ni Lily at pinicturan siya
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA oo nga naman!" hagalpak ko ng tawa, tarantadong 'to ang talino!
"There." at ibinalik ang selpon ni Lily, iyak siya eh HAHAHAHAHAHAHA
"Sungit mo naman!" sabi ko sakanya
"What?, I don't want to take a photo with them" simple niyang sabi. Kaya lahat ng babae, lugmong umupo nalang uli HAHAHAHAHAHAHA amputa.
"Wag ka masyadong masungit, baka may maka away ka" pagpapa-alam ko sakanya
"I've got no problems sa girls. Sa mga boyfriend nila pwede pa tsk" confidence nito abot sun! HAHAHAHAHAHA, kakaiba talaga
"Edi ikaw na! kaloka!" napahawi nalang ako ng buhok. Tumunog naman na ang bell, sign ng start na ang classes.
"Good morning class!, let's all greet Mr. Alendro Smith, he's a transferee from High Folio," nagsi-goodmorning lang sila kay Alendro na ngumiti lang naman " I heard Mr. Smith na you're famous" ngiti ni ma'am, umiling nalang si Alendro
"Ay oo ma'am!, brother niya po yung Alessio sa bandang Unprepared!" gago sino yon HAHAHAHAHAHA, itong mga kaklase ko kahit kelan nako!
"Is that so... I just want to remind you Mr. Smith, everyone here will be treated same, no exceptions. Even tho you're the son of the president, we don't care. Pantay-pantay ang turing sa lahat. Okay for today's lesson! get your books!, turn to page 60!" with that nag-start na ang klase. Wala pang book si Alendro kaya nag share muna kami. Kamuntikan pa nga kaming magbangayan kasi gahaman siya sa libro!, eh akin yun!