UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

130K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 54- Problem}

189 8 1
By Vis-beyan28


Jami's POV

"Anong ginagawa mo dito?"- nababagot kong bungad kay skyler sa sala namin.

Hindi ko siya inaasahang pupunta pa siya rito sa bahay.

Naupo ako sa single sofa sa harapan niya. Kagigising ko lang at hindi niya ako masisisi na harapin siyang ganito dahil ang aga niya. Tsk. Wala sa usapan naming maaga kaming aalis o susunduin niya ako.

Wala din akong ideya kung saan kami pupunta.

"Anong 'anong ginagawa mo dito'?"- untag niya na nakakunot nuo na. "Diba sabi ko sayo kahapon na may pupuntahan tayo? Tsk. Ba't hindi ka pa nakabihis?"-  masungit na niyang puna.

Napahikab naman ako bago sumandal sa kinauupuan ko.

"Wala kang sinabi na maaga tayong aalis. Saan ba tayo pupunta?"- tanong ko.

Napairap naman ito bago sagutin ako.

"Saka ko na sasabihin. Magpalit ka na."- utos pa niya.

Magsasalita pa sana ako ng dumaan si jeigh kaso natigilan ng makita si skyler.

"Oh skyler, may lakad kayo?"- tanong nito habang sinusuklay suklay pa ang magulo niyang buhok.

"Oo eh. Kaso hindi pa naman nakakabihis."

"Naku yan pa bang babaeng yan."- komento naman ng ulupong. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit sadyang hindi niya ako tinapunan man lang. "Hintayin mo na lang siya sa kwarto niya bro. Geh, sa dining muna ako."- paalam nito na agad namang tinanguan ni skyler.

"Oh narinig mo? Dun na lang daw kita hinatayin sa kwarto mo."- napangisi pa ang loko.

Yung kunot nuo niyang nuo kanina ay biglang nawala. Tsk.

"Ayoko. Dito mo na lang ako hintayin, mabilis lang ako."- saad ko at tumayo na ngunit natigilan din ng tumayo ang loko.

Naningkit ang mata ko. "Nakita mo na ang kwarto ko sungit kaya gusto ko din makita ang kwarto mo."- rason pa niya.

"Hindi naman ako nagpresinta na pumasok ako sa kwarto mo. Kusa mo akong pinapasok."

"Eh pareho din yun! Tsk. Huwag ka ng mahiya sakin sungit. Boyfriend mo na ko kaya lahat ng sa iyo ay dapat makikita ko."

Susuwayin ko pa sana siya ng lumapit na ito sakin at saka hinila na pataas ng hagdan.

Aba, siya pa talaga ang mauuna. Kung makahila tong kumag na ito parang feel at home. Tss.

"Saan na ang kwarto mo?"- tanong niya ng maka akyat kami sa ikalawang palapag.

Inirapan ko lang naman siya tapos ako na ang nauna sa paglalakad. Hawak pa din ni skyler ang kamay ko na para bang kapag binitawan niya ay mawawala siya.

Tumigil lang ako ng nasa tapat na kami ng kwarto ko. Binuksan ko yun gamit ang isa kong kamay pagkatapos ay tinulak ang pinto.

"O, magsawa ka."- napapairap kong saad at siya pa talaga ang naunang pumasok.

Hindi naman kalakihan ang kwarto ko ng gaya sa kaniya. May malaking kama ako sa gilid, naka blue carpet lang ako tapos may maliit na veranda sa kanan. May cr din ako at cabinet na lagayan ng damit ko. May study table naman sa kaliwa ko at yung gitara ko naman ay nakasabit lang.

Hinayaan ko muna siyang pagmasdan  ang kwarto ko at nagtungo na lang ako sa cabinet ko.

Dumukot akong twalya at damit ko bago sinara ito. Tinignan ko siya. "Maliligo na muna ako. Dito ka lang."- paalala ko atsaka pumasok na sa banyo.

Naligo ako hanggang sampung minuto  lang atsaka dun na ako nagdamit.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko si skyler na nakahiga na sa kama ko. Agad akong naupo sa gilid ng kama ko habang pinupunasan ang basa kong buhok.

"Kamusta ang salo-salo niyo kagabi?"- tanong nito at saka sumlyap sakin.

Saka ko lang din naman siya napagmasdan. Naka black jeans ito at white long sleeves na tatak pa. Bahagyang na brush up lang naman ang buhok niya habang naka sapatos ito.

"Okay lang. Sa sementeryo kami kumain kasama sina mommy, daddy at lola. Kayo ba?"

Tumitig muna siya sakin bago sumagot ng nakangiti. "Kumain lang kaming lahat sa bahay."- masaya nitong saad.

Napatango tango naman ako.

"Tsk. Ako na nga diyan. Ang bagal mo."- puna niya niya sa pagpupunas ko ng buhok.

Umupo ito sa kama ko habang ang paa niya ay nasa sahig. Kinuha niya sa kamay ko ang twalyang hawak ko bago niya ako senyasang lumapit.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumampa sa kama ng tuluyan at saka lumapit sa kaniya.

Pinayuko pa niya ako at nagsimula na niyang punasan ang basang buhok ko.

Wala naman akong imik habang patuloy ito sa pagpupunas ng buhok ko. Mabagal lang at maalumanay.

"Nga pala, wala pa kayong misyon na natatanggap kay el jete?"- tanong ko.

"Wala pa naman siyang inuutos. Balita ko ngang nagtatanggal na din sila ng gang eh."

"Bakit daw?"

Nagkibit balikat ito. "Hindi ko nga din alam eh. Wala namang sinasabi si el jete na problema. Baka utos yun ng presidente."

"Sinong presidente?"- taka kong tanong.

"Yung talagang nagma may ari nang pandilla la prevencion. Siya yung nagpatayo ng organisasyon na yun."

"Ganun? Bakit hindi namin siya nakita nuong pumunta tayo dun?"- tanong ko.

Ngayon ay naka angat na ang paningin ko sa kaniya. Patuloy lang naman ito sa pagpunas ng buhok ko.

"Sa pagkaka alam ko ay nasa ibang bansa ang presidente. Ang mga misyon na naibibigay sa amin ay galing sa kaniya o di kaya naman kay el jete minsan. Sa halos isang taon ko na dun ay hindi ko pa nakikita ang presidenteng sinasabi nila."

Napatango tango ako sa nalaman.

"Oh ayan, tapos na. Akin na yung suklay."

"Seryoso ka? Bakla ka ata?"- biro ko na kinasimangot niya.

"Bakit di ka na lang magpasalamat sakin kaysa asarin ako?"- umirap ito sakin.

Napailing ako. "Biro lang."- agad kong bawi atsaka umalis sa pagkakasampa sa kama. Nagtungo ako sa side table atsaka kinuha ang suklay dun bago naglakad patungo sa harapan niya.

"Oh."- binigay ko yung suklay na agad naman niyang kinuha. Inirapan pa niya ako. Loko talaga.

Mas daig niya pa ang girlfriend dito.

"Upo ka dito hindi ko abot!"- sinenyasan pa niya akong umupo sa gilid niya.

Agad na lang akong tumalima dahil baka kapag ako napikon, uuwi siyang may pasa sa mukha. Kahit talaga mahal ko to ay hindi ako magpapa pigil.

Nagng makaupo sa tabi niya ay tumagilid na ako ng harap para masuklay niya ako ng maayos.

Naramdaman ko naman agad ang marahan nitong pagsuklay sakin.

Napangiti ako dahil ang ingat nang paghawak ng kamay niya at ang pagsuklay nito. Na para bang masasaktan ako kapag magdahan dahan siya.

Agad naman niya akong pinaharap sa kaniya ng matapos ito sa pagsuklay sakin.

Nagtama bigla ang mga paningin namin at dun na naman ako nahulog sa hipnotismong dala niya. Kapag talaga mata niya ang pinag uusapan ay agad akong nabibitag nito. Ang hirap kaseng iwasan kapag nakatitigan mo na lalo na't para kang nawawala sa katinuan sa lalim ng titig niya.

Napakurap kurap na lang ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin. Sa pagkabigla'y napakapit ako sa kaniyang damit. Hindi ako agad nakasabay sa galaw ng labi niya sakin dahilan kung bakit natutuliro ako sa gagawin. Sahuli ay napapikit na lamang ako at hinayaan siya sa ginagawa.

Nanatiling tikom ang labi ko habang siya ay ninanamnam  ang pang itaas at pang ibaba kong labi.

Napasinghap pa ako sa gulat ng sipsipin niya ang pangibaba kong labi kung kaya't nagawa niyang maipasok ang mainit niyang dila saking bibig.

Sa panghihina ko'y nagawa niya akong suportahan sa likod at bewang ko. Marahan niya akong naihiga sa kama na nanatiling nasa hig ang mga paa ko.

Hindi man lang naghiwalay ang labi namin sa ginawa bagkus ay mas lalo pang lumalim ang halikan naming dalawa.

Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin. Nalilito ako ngunit kasabay nun ay ang kakaibang saya na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y may mga lumilipad sa tiyan ko.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang damit dahil mas lalong bumilis at lumalim ang halikan naming dalawa.

Natigil ang pag e-espadahan namin. Mas lalong naging maalumanay ang naging halikan namin na sa sobrang tagal nun ay nakakabisado ko na ang galaw ng labi nito.

Ang kamay naman nito ay nanatiling nakatungkod sa magkabila ko upang hindi niya ako tuluyang madaganan.

"Jami..."- narinig kong bulong nito, nanatiling magkadikit ang labi namin.

Tumigil ito sa pagdama ng labi ko at umangat ng konti ang kaniyang ulo para makita ako ng tuluyan.

Napalunok ako at walang nasabi. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago ito natawa ng mahina.

Kumunot naman ang nuo ko sa pagtataka.

"B-bakit?"- nauutal ko pang tanong, hindi maintindihan kung bakit siya natatawa.

"You're so innocent."- nakangiti niyang aniya, tumigil na sa pagtawa.

Mas lalo akong naguluhan. "A-ano?"

Napiling iling ito atsaka marahang hinaplos ang labi ko. Tumitig siya dun ng ilang segundo bago tumaas patungo sa mata ko.

"This is mine."- seryoso niyang saad bagamat nakangiti.

Humaplos muli ang daliri niya sa pangibaba kong labi at akmang papatakan niya ako ng magaan na halik ng biglang bumukas ang pinto!

Sa gulat ko'y agad kong naitulak si skyler dahilan kung bakit ito'y napahiga sa kaba ng patihaya habang ako ay mabilis na umupo.

"Jami—"- natigilan si jovan ng makita kami.

Nagsalubong ang kilay nito habang titig na titig samin ang mapanuri nitong mata.

Napalunok ako ng mariin at kunwaring pinagpagan ang kama ko.

Si skyler naman ay agad na naupo at ginaya din ang ginagawa ko. "Ang lambot pala ng kama mo hehehe."- sabi pa niya at tumayo pa para pagpagan ang itaas na bahagi ng kama ko.

"H-ha ah o-oo naman hehehe."- sakay ko sa kaniya. "A-ano pa lang ginagawa mo dito jovan?"- bumaling ako sa kaniya habang nakangiti pa.

Ramdam na ramdam kong namamawis ang nuo ko sa kaba.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni jovan at masamang tinignan si skyler na patuloy pa din sa ginagawa, hindi napansin ang tingin sa kaniya ni jovan.

Agad naman na akong tumayo at lumapit sa kaniya. Bahagya ko pang tinaas ang isang kamay ko sa harapan niya at sinandal ito sa pader para hindi na niya ito makita.

Tuloy ay sakin napunta ang masama niyang tingin. Agad akong nag iwas at saka sumipol-sipol pa.

"What is he doing in your room?"- matigas at madiin nitong tanong.

"Naku ang ganda din pala ng cabinet mo!"- pakinig kong saad ni skyler saking likuran habang hinawak-hawakan pa niya yun.

Napangiwi ako ngunit agad na nawala yun ng dumapo ulit sakin ang paningin ni jovan.

Mas lalo akong kinabahan. Yung pawis ko ramdam ko ng tumutulo ito kahit na bukas naman ang aircon ko.

Kasalanan mo lahat to skyler!

"Jami, I said what is he doing in your room."- sumeryoso na ang kaniyang mukha.

Mabagal akong napalunok.

"Boyfriend ko na siya."- balita ko na kinanganga niya.

Nanlaki pa ang mata nito at walang masabi.

Tumango-tango ako atsaka sinandal ang ulo ko saking kamay na nakatungkod sa pader.

"W-what?"- naningkit ang mga mata at nawala ang pagka seryoso.

"Boyfriend ko na siya."

"Are you serious?"- nangunot ang nuo niya.

"Oo nga. May lakad k-kase kami kaya pinapasok ko muna para hintayin ako."- habang sinasabi ko ang mga yun ay mas lalong nagsasalubong ang kaniyang kilay.

"Are you saying that you let him in here while you're taking a bath?"

"O-oo. Bakit hindi naman—"

"Jami."- seryosong tinawag ako ni jovan.

"Ba-bakit?"

"Don't ever do that again. Let him wait you in the living room. Yes, you're in relationship. Yes, you love each other pero mali pa ding tignan na pumapsok siya sa kwarto mo. Naiintindihan mo?"

"Tsk. Oo na. Si jeigh naman kase ang nagsuhestyon nun eh."- pa irap kong sagot.

"That bastard."- umigting ang panga nito.

"Sige na. Bilisan mo nang mag ayos at lumabas na kayo. Make sure to come back before 9. I am warning you jami."- seryoso niyang babala.

"Tsk. Oo na."

"Hey you!"- sumulyap si jovan kay skyler na gulat na gulat.

"Yes I mean po? B-bakit po?"- napatikhim ito.

"Take good care of her. Siguraduhin mong maibabalik mo siya before 9. Understand, vellarde?"- tumalim ang mata ni jovan.

"Sige po."- tipid nitong tugon na puno pa ng paggalang.

Gusto kong matawa sa hudas.

"Ano nga bang pinunta mo dito?"- tanong ko sa kaniya.

"I want to borrow your charger because mine is not working but nevermind. I can go ask jeigh."- paliwanag niya saka walang pasabing lumabas na lang.

Ngumuso ako kapagkuwa'y nakahinga din ng maluwag. Agad kong sinara ang pinto at dali-daling linapitan si skyler. Sinalubong ko ito ng isang hampas sa braso.

"Aray!"- daing niya sabay himas sa braso niya.

"Ikaw kase! Panu kung naabutan tayo ni jovan na ganun?! Paniguradong hindi ka niya pauuwiin ng hindi nasasapak!"- pagalit kong singhal sa kaniya.

Namamangha niya akong tinignan.

"Wow sungit. Parang hindi mo ginusto ang nangyari ah."- natatawa niyang aniya.

"Ikaw ang unang humalik skyler."- punto ko pero ramdam ko na ang pag iinit ng pisngi ko.

"Still we did it."- natatawa niyang punto din. Lumapit ito sakin at bago ko malaman ang gagawin niya ay nayakap na ako nito.

"Im sorry. Is that enough, hmm?"- malambing nitong ani.

"Tsk. Anong oras na oh. Tara na."- saad ko at kumalas na sa yakap niya.

Pinulot ko ang sapatos ko sa shoe rack at sinuot na yun. Saktong pagkasuot ko ay lumapit na sakin si skyler at sabay na kaming lumabas.

**

"Oh?"- napalingon lingon ako sa paligid habang umaandar pa din ang sinasakyan namin.

Parang pamilyar sakin ang daan na ito.

"Saan tayo pupunta?"- tanong ko habang palinga linga pa din.

Sumulyap ito sakin ng nakangiti. "Secret na lang. Malapit naman na tayo."- sagot nito bago muling tumingin sa daan.

Hindi na lang din ako umimik at hinintay na lang na makarating kami sa sinasabi niyang lugar.

Hanggang sa nakita ko ang nasa harapan namin. Napanganga ako sa gulat.

Tumigil ang sasakyan ni skyler ng makarating kami sa sinasabi niyang lugar. Dali dali akong bumaba at lumapit sa cliff. Ang dagat sa baba ay ganun pa din. Asul na asul at sobrang tahimik.

Ito yung lugar na palagi kong pinupuntahan nuon. Nagkataon ding nagkasama kami ni skyler dito nuong nakaaway ko yung inggratong nathan na yun.

"You like it?"- tanong nito pagkababa ng sasakyan.

Ang dala niyang sasakyan ay kulay itim na pick up. Sinadya niyang nakaharap sa dagat ang likod nito dahil dun daw kami uupo.

"Oo."- nakangiting sagot ko. "Na miss ko ang lugar na to."- pahayag ko.

Muli akong sumulyap dun bago daluhan si skyler sa pagkakaupo. Ng makaupo ako ay inabutan niya ako ng isang coke in can. Sa likod namin ay may dalawang supot na naglalaman ng mga chips.

"Say this as our first date."- aniya saka sumimsim sa kaniyang inumin. Bahagya pang sinayaw ng hangin ang kaniyang buhok dahilan kung bakit may ilang hiblang nahulog sa kaniyang nuo.

Ngumiti ako at muling binusog ang paningin ko sa magandang tanawin.

"Jami."- tawag ni skyler.

"Hmm?"- agaran ko siyang nilingon.

"Tell me about yourself."

Napakurap kurap ako sa narinig. Hindi ko din pala nasabi yun ng sabihin din niya ang tungkol sa kaniya. Napabuntong hininga ako bago binaba sa tabi ko ang  hawak kong soda.

"Hmm..."- napaisip ako. Umayos muna ako ng upo. Sumandal ako sa gilid at humarap sa kaniya. Nakababa ang isa kong paa habang ng isa naman ay nakataas.

"I love color black and white. Mahilig ako sa mga bigbike, ayaw kong nagsusuot ng mga masyadong pangbabae. Mahilig akong magsuot ng jersey at t-shirt lang. Mahilig ako sa lahat ng uri ng pagkain kahit sa inumin. Palamura ako, mahilig mambara pero napipikon sa mga mayayabang. Nung bata ako pangarap kong maging wrestler."- natatawang kwento ko na kinatawa din niya.

"Pero ngayon, kahit anong kursong gusto nila tanda ay kukunin ko. Hobby ko ay manuod lang at tumambay sa bahay. Ayoko sa mga parties. Ayoko din sa maiingay na lugar dahil naririndi ako. Hindi ako palakaibigan at hindi rin ako mahilig sa mga hayop. At higit sa lahat..."- tinitigan ko siya sa mata.

Marahang umihip ang malamig na ihip ng hangin. "Ayaw ko ng naiiwanan."- seryoso kong saad.

Tumitig din naman si skyler at hindi nakakibo sa huling nasambit ko.

"Ayokong iniiwan ako ng mga taong mahal ko. Nauna si lola, sumunod sina mommy at daddy tapos si vin naman...sobrang sakit para sakin na iwanan nila ako. At sa pagkakataong ito, sana huwag mo din akong iiwan skyler. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari yun."- paliwanag ko.

Unti-unting sumilay ang matipid niyang ngiti bago tumango.

"Hinding-hindi kita iiwan."- bulong niya ngunit sapat na yun para lumaki ang tiwala ko sa kaniya.

Napatango ako at ngumiti. "Huwag na huwag mo akong lolokohin naiintindihan mo?"- pinandilatan ko pa siya ng mata para matakot.

"Yes ma'am."- sumaludo pa sakin ang hudas bago uminom sa kaniyang  soda.

Sabay naming pinagmasdan ang payapang dagat at kalangitan.

Sana ganito na lang kami. Yung walang problema, yung wala kang iisipin kundi ang mga mahal mo sa buhay lang. Sana okay na lang kami palagi. Sana wala nang masasaktan at maghihirap. Sana wala nang mangyaring masama ngunit ganun na lang ang lungkot ko ng may tumawag kay skyler.

Lahat ng hiling ko ay unti-unting nawawala, naglalaho.

"Skylein, what happened?"- kinakabahang tanong ni skyler sa kapatid ng mabungaran namin ito sa sala nila.

Nanatili naman ako sa kaniyang likuran kahit na kinakabahan na din ako.

"Si mommy at daddy..."- umiiyak na sambit ni skylein.

"What? What happened? Tell ne skylein."- hindi na maitago ni skyler ang takot sa kaniyang boses. Tuloy ay mas lalo na din akong kinabahan na baka may nangyari ng masama.

"Nag aaway sila sa taas skyler. I-I don't know why but they are shouting non stop. I tried to calm them both but they just ignore me. Skyler, pls. kausapin mo sila. Make them stop"- umiiyak nitong wika.

Hindi naman agad nakasagot ang kapatid. Napayuko muna si skyler dahil sa malalim na pag iisip bago siya napabuntong hininga.

"I'll go upstairs. I will try skylein. Just...just stop crying."- mahina niyang sabi.

Agad naman tumango si skylein at marahang naupo sa sofa. Wala ng sinayang na minuto si skyler dahil agad na itong umakyat.

Ako naman ay naupo sa tabi ng ate niya at pinakalma ito.

"Im sorry for disturbing your date jami. It's just that natatakot na kong baka magkasakitan na sila mommy at daddy. Hindi pa naman sila ganito. Ngayon lang..."- umiiyak pa ring paliwanag niya.

Agad ko siyang hinaplos sa likod para pakalmahin. "It's okay. Alam ko namang kailangan mo skyler dito kaya umuwi na kami agad."

"Thank you..."- pinilit pa rin niyang ngumiti sa gitna ng pag iyak.

Wala akong magawa kundi maawa sa kaniya. Nakakapagtakang nag aaway si tita at tito.

Sa pagkaka alam ko sa kanila ay mahal nila ang isa't-isa at kailanma'y hindi ko naririnig na may samaan sila ng loob. Nakakapagtaka ang pinag aawayan nila para lang humantong sa ganitong sitwasyon.

Lumipas ang minuto hanggang sa naging isang oras na, hindi pa din bumababa sila skyler. Kinakabahan na ako na baka may nasaktan na sa kanila.

Pero agad din yun nawala ng makita ang pagbaba ng mommy nila skyler.

"Mommy, what's wrong?"- agad na tinakbo ni skylein ang ina ng makababa ito ng hagdan.

Kapansin pansin ang namamagang mata ni tita na halatang galing sa pag iyak. Agad na din akong tumayo sa pagkakaupo.

"Nothings wrong honey. Medyo nagkasagutan lang kami ng daddy mo but we're now okay."- pilit itong ngumiti atsaka hinaplos ang buhok ng anak.

"Oh jami hija. You're here."- bumaling sakin ang tingin ni tita.

Agad namang kumalas sa yakap si skylein at hinayaan ang mommy niya na lumapit sakin.

"Tita..."- ngumiti ako sa kaniya. "Okay lang po ba kayo?"- nag aalalang tanong ko ng makalapit ito sakin.

"Yes I'm fine dear. Pasensya ka na ha? I am really sorry for dragging you here."- malungkot itong napangiti.

"Okay lang po tita."

Tumango ito. "Skyler is a little upset hija. Please comfort him, he needs you."

"Sige po. Pupuntahan ko po siya."

Tumango naman ito kaya naglakad na ako. Ng madaanan ko si skylein ay malungkot niya din akong tinanguan.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang umakyat sa hagdanan nila.

Alam ko naman na kung saan ang kwarto niya kaya hindi na ako naligaw at nagtanong pa.

Kumatok muna ako bago pumasok. Hindi ko ito nakita kaya paniguradong nasa veranda ito. Marahan akong naglakad patungo sa veranda niya. Dun ko ito nakita na nakatayo malapit sa railings at sa kawalan ito nakatingin.

Napabuntong hininga ako at walang imik na naglakad patungo sa gawi niya. Ng makalapit ako ay niyakap ko ito mula sa likod.

Bahagya naman nagulat si skyler sa ginawa ko ngunit agad ding kumalma.

Hindi muna ako umimik. Nanatili akong nakayakap sa kaniya at kahit sa ganun lang na posisyon ay sana madama niya na nandito lang ako. Na hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari. Na mananatili pa din ako sa tabi niya.

Narinig ko itong bumuntong hininga. Paulit ulit. Pakiramdam ko'y malalim ang iniisip nito. Gusto ko mang malaman ang problema nila ay rinerespeto ko naman ang pamilya niya kaya mas mabuting huwag na lang manghimasok.

Handa naman akong makinig kung sakaling magkwe-kwento siya. Nandito lang ako para sa kaniya. Tutulungan ko siya kahit anong mangyari.

Sana lang ay maging maayos na ang problema nila. Hinihiling ko na bumalik na sa dati ang pamilya nila. Na masaya at walang problema.

~vis-beyan28

Continue Reading

You'll Also Like

154K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
2.1K 239 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...