Echoes Of Yesterday

By hannaxen

5.3K 1.7K 328

The Bonita Club Series 1 When childhood best friends Alani Jett Alicante and Silas Akio Hayashi reunite afte... More

Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 13

175 51 14
By hannaxen

"Lani, picture tayo," Ava called me.

Our graduation program just ended. Sa wakas ay tapos narin kami sa senior high, college here we come!

Maraming tao sa gymnasium kung saan ginanap ang program, kanya kanyang kuha ng litrato ang mga tao. Proud na proud ang mga magulang sa mga anak nila at may umiiyak pa sa gilid. Meron din namang walang magulang na kasama kaya umuwi kaagad pagkatapos nilang matawag sa stage.

Katatapos lang din namin nila mama at kuya na kumuha ng mga larawan na umuwi pa talaga dito para lang maka dalo. Lumapit na saakin si Ava at hinila ako papunta sa mga kaibigan na mukhang tapos na rin makipag picture sa kanya kanyang pamilya at ako nalang ang hinihintay.

"1,2,3, smile!" the photographer said.

I smiled with my teeth, I felt my eyes become watery as I stand beside my friends with our diplomas. Ito na yun e, yung bunga ng pag hihirap naming lima, yung iyak, tawa, stress, all the sleepless nights just to survive and be here right now.

"One more time!"

This time we embrace each other tightly. Mahigpit ang yakap namin sa isat-isa, ako kasi I know that after this we will walk on our separate paths for our future. Matagal tagal pa bago magkita ulit, at walang kasiguraduhan kung sa bawat holiday na dadaan ay nandito sila.

Ako lang kasing mag isang ang ma iiwan at sa Verdemar lang ako mag kokoliheyo, ayoko namang pumunta pa sa ibang lugar at ipilit dahil alam kung hindi na kakayanin ng budget ni mama at dalawa na kami ngayon ni kuya na pinag aaral niya. At least sa Verdemar uwian lang ako dahil malapit lang naman at mababantayan ko pa si mama.

"Pangit mo Ava! wag ka ngang umiyak! Nakakainis naman!" sabi ko pero tumulo narin ang mga luha.

Tumulo na kasi ang luha nito at humihikbi na kaya tuluyan narin akong nahawa at bumagsak ang aking mga luha.

"I love you my bonita and bonito," si Ava. "Mamimiss ko kayo ng sobrang sobra!" ani nito at humikbi ulit.

Niyakap namin siya ni Esperanza na naluluha narin. Hingud ko ang likod nito para pakalmahin. Habang si Esperanza ay nakayakap sa gilid nito at nakapatong ang ulo sa balikat ni Ava.

"Jusko lord ilayo niyo ang mga masasamang ispirito na nakapalibot sa mga babaeng ito," rinig kong sabi ni Kairo na nagpatawa sa amin.

“Come on guys. We'll meet again. It's not like we'll forget about each other. We are still friends at the end of the day.“ Igu said.

“Meet like what? After 5 long years?“ Ava exclaimed, like 5 years is long enough.

“We'll update each other right?“ Esperanza said.

“Of course of course!“ ani Kairo na parang hindi niya gustong nandito siya at sinabi nalang iyon para tumahimik na kami.

"Group hug na ngalang!" ani ko at lumayo sa amin si Ava para mabunot si Kairo at Igu.

Hindi naman na nagpumiglas ang dalawa at napatinod nalang sa babae.

“Sipon niyo napupunas sa damit ko.“

Natawa kami sa sinabi ni Kairo kaya mas hinigpitan pa namin ang yakap dito at idiniin ang mukha sa damit para mas lalong inisin. Hindi naman ito nag reklamo na pero ginulo ang mga buhok namin. Habang si Igu ay tahimik lang tinatanggap at sinusuklian ang mga yakap namin.

Ilang minuto kaming magkayakap hanggang sa tinawag na ulit sila na mga pamilya nila para umuwi.

And when I was all alone I roamed my eyes around the gymnasium and I saw him. I saw Silas just standing not far away from me, smiling wide while looking at me. He must have been waiting for me to finish what I'm doing with my friends.

Hindi ko manlang siya nakikitaan ng pagkainis o bagot dahil kanina pa ito nag hihintay. Kanina kasi habang kumukuha kami ng larawan ng pamilya ko ay nakapila na ito para sumunod, kaso ngalang ay binunot na ako ni Ava kaya hindi ko na ito na puntahan.

At ng makita niyang tuluyan na nga akong nabakanti ay mabibilis ang hakbang nito papunta sa akin. Na parang takot maunahan na naman siya at agawan ng oras mula sa akin. May hawak siyang bouquet ng bulaklak sa isang kamay, habang ang isa ay nasa bulsa ng pantalon.

"Congratulations, Jetty," aniya pagkalapit at ibinigay sa akin ang bulaklak.

Inamoy ko ang bulaklak at ngumiti, "Thank you, Silas. Congratulations din!"

He smirked, "Walang congratulation kiss?"

I rolled my eyes, "Kiss sa kamao ko gusto mo?"

"Sige, pwede na, I'll settle for that for now," he held my palm and planted a soft kiss on the back of it.

My cheeks redden. Our classmates who saw that teased us kaya mas lalong namula ang pisngi ko. Tinabunan ko naman ang mukhan gamit ang hawak na bulaklak.

"Panalong panalo Alani, huh!" ani ng isa kong kaklase.

“Hindi lang diploma ang maiuuwi, pati din si Akio!“

“Pa bulong naman ng ritual, Lani!“

Samot sari ang naging reaksyon nila na nag likha ng hiyawan at katyawan kaya napatingin tuloy sa amin ang ibang tao. Pulang pula na ang pisngi ko kaya hinila ko si Silas palayo doon.

Kumuha kami ng ilang larawan, kasama ang pamilya ko at ang pamilya ni Silas na umuwi pa galing Japan para maka attend. May dalawa pa siyang nakababatang kapatid, isang babae at lalaki, ang cute cute, nakikita ko tuloy si Silas no'ng bata pa siya sa batang lalaki.

The past few months have felt like a dream. Silas has turned every ordinary day into something extraordinary, wala na talaga akong mahihiling pa. He’s the kind of suitor I never dared to imagine existed.

From good morning texts that made my whole day to good night everyday text that end my day. Palaging din kaming magkasamang pumunta at umuwi galing school. He's the reason I’ve laughed hard until tears streamed down my face, and also the reason steam's comes out of my head.

Tinatanong na nga ng mga kaklase ko kung kailan ko siya sasagutin dahil ilang buwan na itong nanliligaw. At kung wala naman daw akong balak ay ibigay nalang sa kanila. Iniirapan ko analang at pabirong sinasabi na marunong naman akong mambarang. Sasagutin ko naman si Silas. Dinadama ko lang ngayon kung paano niya ako tratuhin bilang manliligaw. Hinihintay ko lang din ang tamang oras at panahon, pero alam kung malapit na iyon.

Uwuwi din kami kaagad dahil may kunting salo-salo na inihanda para sa amin ni Silas. Medjo malaki ang party dahil pareho kaming honor ni Silas kaya't pinaghalo na nila ang para sa aming dalawa, kaya ngayon ay may mga lamesa at upuan sa daan, sa labas ng mga bahay namin.

Sakto lang para sa hapunan ay handa dahil mag didilim na rin ng matapos ang graduation namin. Kaagad akong nag bihis pagkarating ng bahay para maasikaso ko ang mga bisitang pumunta at mapasalamatan.  Nag suot lang ako ng kulay rosa na bistida at hinayaan ang ayos ng mukha at buhok galing sa graduation na naka kulot ang buhok at may makeup sa mukha.

Pag kababa ko ay marami na kaagad ang tao sa labas at wala ng bakanting lamesa. Inasahan narin namin ito dahil walang party na gaganapin ngayon para kay Esperanza at bukas pa ang sa kanya, tanging pamilya lang muna nito ang mag didiwang kaya ang takbo ng mga tao ay dito sa amin.

"Lani maglibot kayo ni Silas sa mga lamesa at magpasalamat sa pagpunta nila dito," si Mama na busy sa paglalabas ng mga kutsara at plato sa aparador niya na nailalabas lang tuwing may okasyon.

Sumunod din naman kami ni Silas. Sabay kaming pumunta sa mga lamesa at nangamusta sa mga tao, para lang kaming kandidato kung makaasta ni Silas dito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sinabihan ng congratulations at kung ilang beses din akong nagpasalamat.

"Walang alak Akio?" si Brent ng nasa lamesa na kami ng ibang ka batch namin.

"Mamaya pa ilalabas," ani Silas.

"Naks naman, ito na ba 'yong handa sa kasal? na late ha," si Sam na malaking ang ngisi.

Nagtawanan naman sila.

"Iyong kila Alani talaga ang pinaka the best na kasal dahil game na game lang!" ani Faith.

"Parang totoo pa!" si Klare.

"Nakita ko pa ngang umiyak si Alani habang nag lalakad!" si Nicole.

"Talaga?" si Silas na malaking ang ngising nagtanong

Nanlaki naman ang mata ko at agad na umiling iling ng tumingin silang lahat saakin para kumpirmahin kung totoo nga. "Napuwing la ako," pag tatanggi ko.

Naku naman talaga! Ilang buwan na ang nagdaan at tandang tanda parin nila ang nangyari noong foundation day. At sa lahat talaga ng matatandaan iyong kasal pa at iyong naiiyak ako! Akala ko naman kasi ay hindi halata dahil malayo sila sakin at may belo naman ang ulo ko.

"Pagod na pagod kaming mag habol no'n sa mga ayaw ikasal, na sapak pa itong si Drew," ani Brent at tumawa.

"Ba't hindi niyo nalang tinigila nung umayaw na? bayad na naman sila huh," sabi ko.

"Oo nga! Nag patintero pa tuloy kayo sa init ng araw," sangayon naman nila.

"Aba't napag utusan lang kami ng president naman," si Drew. "Kung kami lang din naman ay hindi na namin hahabulin at hindi 'yon kasama sa trabaho namin sa Art's club. Kaya nga hindi nag sports club para hindi tumakbo at mapagod, nandoon naman pala sa Art's club ang totoong kalbaryo!"

Natawa kami. Gaga talaga itong si Ava, kung ano ano nalang ang trip sa buhay. Nagpaalam narin kami sa kanila dahil tumatagal na kami sa lamesa nila at kailangan na naming lumipat ng iba. Natapos na kami at kanina pang nag wawala  ang mga bulate ko sa tiyan. Gutom na ako kaya agad akong kumuha ng plato at pumila, marami pa rin kasing dumadating kahit na kanina pa nagsimula.

Nawala si Silas sa tabi ko at ng bumalik ito ay iba na ang damit. Siguro ay nag palit dahil sa namuong pawis sa pag lilibot kanina. Gusto ko din sanang makapag palit at mag hilamos dahil malagkit na ang katawan ko at makati na ang mukha ko dahil sa makeup, pero uunahin ko muna itong mga alaga ko. Bibilisan ko nalang kumain para makapag palit kaagad.

Naramdaman kong lumapit siya sa may tingin ko at bumulong, "Sa lamesa daw tayo nila mama maupo at gusto kang makausap."

Kinabahan naman ako. Ng makauwi kasi ito ay nag kamustahan lang kami at wala ng ibang nagpausapan dahil busy din kami sa practice para sa graduation.

"Bakit daw?"

He shrugged his shoulders and said that he doesn't have any clue.

Nakatitig na sa akin si tita nag lalakad palang kami papunta sa table nila. With the table is her husband and my mom.

"Good evening po," I greeted them before settling myself in the chair  beside Mom. Silas sat beside me.

"Good evening, Lani. Eat first kanina pa kayo naglilibot ni Akio, and later we'll talk," she smiled softly.

I was conscious the whole time I eat because her eyes was glued to me. Sinaway na nga ito ng asawa at ang sabi lang ay baka magbuntis ulit siya at ako ang gustong paglihian. Maganda daw kasi ang kulay ng pagka morena ko at gusto niya sana ng morenang anak at lahat ng anak niya ay mapuputi.

"Sorry about mom," bulong ni Silas ng malibang ang mama nito sa pakikipag usap sa dumaang kakilala.

"Parang ang daming gustong sabihin ni tita. Kinakabahan ako," mahina kong bulong.

He smirked, "Gusto mo bang tumakas? We can go to Mawara park."

Pinalo ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa, "Baka marinig ka ni Tita!"

"Then?"

"Ewan ko sayo. Her questions wouldn't be that bad  right?"

"Baka nga hindi mo pa ako sagutin sa mga tanong niya, kaya let's go somewhere else. I'll just tell her you're tried."

Pinandilatan ko ito. “Ako pa talaga idadahilan mo!"

He chuckled, "Okay then we can say I'm tired."

Umayos kami ng upo ng magsalita si tita.

"Ano 'yan? tapos na ba kayong kumain?" tinignan nito ang mga plato naming wala ng laman.

Tiningnan ko siya at nakangiti siya sa akin at may ningning pa sa mata.

"Tapos na tita," I said.

She clapped her hands with excitement. "Finally! I've been dying to ask you questions!"

"Hon, tignan ko lang sila Sakura kung natutulog pa," paalam ng asawa ni tita. Tinanguan la ito ni tita kaya napa iling nalang ang asawa bago ngumiti sa amin at umalis para tignan ang mga anak.

"Kayo naba?!" she asked with too much enthusiasm.

Malakas ang pagkakasabi nito kaya napatingin tuloy saamin ang mga chismosang kapitbahay. Our neighbours are the witness how Silas serenades me every saturday. They're the cheerier and sometimes sing along with him. Nakita ko ang ilan na pasimpleng nakinig sa magiging sagot ko habang ang iba ay lantaran kung makatingin. Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ng iba ng marinig ang sagot ni Silas.

"Ma, hindi pa. Baka mas lalo akong hindi sagutin nito ni Jett," reklamo ni Silas.

Inikutan lang nito ng mata ang anak.

Nakakatuwa sila, parang magkapatid lang na nag babardagulan.

"I won't be shocked if she's say's no to you. Are you sure about my son, Lani?"

He grunted beside me. "Mom!"

Natawa ako, "Pinagiisipan ko pa ng mabuti Tita," I said as a joke. Masama naman akong tinignan ni Silas at tinangotanguan na parang sumasangayon sa sinabi ko.

"Sabi ko na nga ba dapat umalis nalang kami," bulong nya sa sarili na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.

"How's Akio as a suitor, Lani? Nag usap kami ng mama mo at nasabing palagi kadaw sinusundo at hinahatid ni Akio. Naku! That's just bear minimum Alani, don't settle for that."

He uncomfortable shifted on his seat. "Mom!"

Tita laughed. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay nawala na. Halata naman kay tita na iniinis lang ang anak. Ito naman si Silas ay masyadong nagpapadala.

Tiningnan ko si Silas na ngayon ay kinakabahang nakatitig sa'kin at hinihintay ang reaksyon ko.

"Okay naman po si Silas, minsan nakakainis lang dahil akala ko nang ligawan ako ay hindi na ako iinisin ng malala, parang mas lalo pa ata siyang naging makulit," sabay ko sa pang iinis kay Silas.

"Naku nung nililigawan ako ng asawa ko buhay prinsesa ako! Super sweet! Super caring! Think twice talaga, Alani!"

Kaagad na hinawakan ni Silas ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa kaya natawa ang mama nito.

"I'm sorry Jett, I swear I'll do better," kinakabahan nitong sabi.

Tuluyan na kaming natawa ni tita, pati si Mama na tahimik lang nakikinig sa tabi ko.

"Wag ka namang pahahalata masyado anak na patay na patay ka dito kay Lani. Pinapahiya mo naman masyado ang lahi natin."

"Ma! Ilalayo ko na nga sayo si Jett baka kung ano ano pa ang sabihin mo. You're clouding her mind." ani nito at binunut na ako palayo.

"Bye tita," sabi pa nito kay mama bago tuluyan kaming makalayo. Hindi manlang ito nag paalam sa magulang kaya ako na ang gumawa.

“Wait,” aniya at tumigil sa pag lalakad.

Nag tataka naman siyang tinignan ni Silas. “Why?“

“Sa bahay muna tayo mag bibihis lang ako.“

Pumayag naman siya, at dahil nasa labas ang pagkain at kasiyahan walang katao tao sa bahay. Iniwan ko siyang nakaupo sa sofa at nag madaling maligo at mag palit. Pagkababa ko ay nakita ko siyang naka hilig sa sofa at nakapikit ang mga mata.

He must have felt my presence because he slowly opened his eyes.

Umayos ito ng upo “Hey,” nakangiti nitong sabi.

Naupo ako sa tabi nito. “Sorry matagal ba ako?“

“No it's fine. Let's go?“

Hinawakan nito ang kamay ko at handa ng lumabas ng bahay pero pinigilan ko. Nag tataka naman niya akong tinignan.

“I have something to show you.“

Inilabas ko ang kanina ko pang tinatago sa likod ko. It's a brown scrapbook with a lot of stickers. 

“Ano yan?“

Hindi ko siya sinagot at binuksan nalang ang unang pahinga nito. Narinig ko siyang natawa ng makita ang picture sa loob.

“Saan mo nakuha 'yan? parang walis tingting naman ng katawan ko diyan!“

Inside the scrapbook are photos of our childhood. Dahil sa sobrang pagka bored ko sa buhay, okay fine I missed him. I was longing for him, kaya nagawa kong i compile sa isang scrapbook ang mga larawan naming dalawa. I put time and effort to do handmade designs on the dead space, bulaklak, prutas at kung ano ano pa na maisipan kung i-drawing.

Humilig ako sa balikat nito habang tinitignan niya ang mga larawan. Binalikan namin ang kwento ng bawat larawan at tawa lang kami ng tawa dahil ang dudungis talaga naming dalawa noong mga bata pa.

My cheeks turned crimson red when he got to the page where it's his solo photos and it shows the latest version of him. Mga kuha ko tuwing hindi ito naka tingin saakin.

Naniningkit niya akong tinignan at may mapang asar na ngisi sa labi.

“Hindi lang ikaw ang may cellphone!“ inunahan ko na siya.

Mayabang itong nakatitig saakin. “Pinapakilig mo na naman ako Alani Jett!“

“Parang tanga…”

Tumawa lang ito at muling inilipat ang pahina ng scrapbook.

“Parang kauuwi ko palang nito sa Pilipinas, huh.“ 

Nakagat ko ang labi dahil sa sinabi nito. Nakakahiya mang aminim pero kinuha ko nga ang larawan na 'yon noong second day niya sa school. Walang kamalay malay itong nakapila sa canteen at kinukuhanan na pala siya ng larawan.

“Hindi huh!“ tanggi ko.

“Ang dami kong pictures! I knew it! Patay na patay ka parin sa akin, Jett,“ he wiggled his brows and poked my waist to tease me.

I glared at him. Umisa pa muna ito bago tumigil.

“Ang yabang mo! gago nito.“

He chuckled at ibinalik na ang tingin sa mga picture niya.

“Walang picture nating dalawa?“ aniya ng makarating na sa huling larawan at wala ng sumunod.

Umiling ako. “Tinatamad akong mag lagay.“

“Can I have this? And can we put our pictures here? pwede nating gawin next week.“

Gusto ko sanang akin lang ang scrapbook pero dahil wala naman akong regalo sa kanya ay pumayag na din ako. Siguro ay gagawa nalang ako ng panibago. Mas maganda sa unang ginawa ko.

Lumabas na din kami ng bahay at pumunta  sa table nila Brent. May mga alak na sa table at nag sisimula na silang mag inuman. Nakiupo kami at nakisali sa inuman nila.

"Wag kang maniniwala doon kay mama Jett," parang batang nakaalala ng pang aapi sa kanya at nag susumbong na inaaway siya kaninang bulong sakin. Nasa likod ng upuan ko ang braso nito at pinag lalaruan ang buhok ko.

I laughed, "Scared?"

"Oo! Sana sinabi mo saakin na ayaw mo palang inaasar kita para tumigil ako."

I licked my lower lip, napunta naman doon ang mga mata niya.

"I was just joking Silas. Tita was just clearly teasing you. Kahit guluhin mo pa ang araw ko okay lang. Don't change anything about your self... Please."

"Hindi ka naiinis sa tuwing inaasar kita?"

Umiling ako, "It makes me want you more."

He smiled a satisfied smile at tinanggap ang alak na inabot sa kanya.

"Dapat lang..." bulong niya saakin.

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.3K 43
bl ARTS BY: CWISELIGHT Start: October 13, 2025 Ended:______________
103K 2.3K 49
Louisiana London is known not only for being a Salguero but also for making a renowned and esteemed name in the field of arts. Her paintings captivat...
20.9M 424K 45
In a society where blue is classified for boys and pink for the girls, Shiloh Ching Escarra struggled during his childhood when he discovered his fon...
352K 11.5K 60
He was always ALMOST WITHIN REACH, and she stretched herself to meet him. She tried to fit his world, tried to shape her heart to match his, but love...
Wattpad App - Unlock exclusive features