Getting Real

By cyhanneyaq

43.8K 1K 51

Natuklasan ni Julie Anne na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 22

948 29 6
By cyhanneyaq

"How was it?"

Binuksan muna ni Julie ang pinto ng unit niya bago siya nagtatakang tumingin kay Elmo.

"How's what?" Naglakad siya patungo sa kusina upang kumuha ng maiinon para sa kanila.

Pagkatapos ng shooting kanina ay naging kapwa sila tahimik. Pauwi na sila nang magyaya itong kumain. Pinaunlakan naman niya iyon. Ayaw niyang isipin nitong naiilang siya dahil sa halik na iyon. Pinauna na niyang umuwi ang PA at driver niya. Tahimik din sila habang kumakain sa isang tahimik na restaurant.

"The kiss."

Muntik na niyang mabitawan ang hawak na bote ng fresh orange juice. Why was he asking her that uncomfortable question? Sinikap niyang huwag manginig habang sinasalinan niya ng juice ang dalawang malalaking baso.

"How do you want me to answer that? Julie's opinion or Clarice's?"

"Pareho."

Uminom siya ng juice. "Clarice thinks it's sweet and gentle. Full of love and adoration. Julie thinks it's an act." Humugot siya ng malalim na hininga. "Simply meeting of two lips."

Kumunot ang noo nito. "That's it?"

"Why? Do I have to feel anything else?" Hindi birong enerhiya ang ginamit niya upang maging napakakaswal ng dating niya. "Why are we talking about it in the first place, huh? Ilang babae na ba ang nahagkan mo on and off cam? Tinatanong mo ba sila talaga nang ganiyan pagkatapos?"

"No. It's just that..."

"Do I have to feel anything special about it?"

Nagulat siya nang bigla na lang siyang haklitin nito sa baywang. Bago pa man siya makapiyok, nasa mga labi na niya ang mga labi nito.

Napasinghap siya, nanlaki ang kanyang mga mata, dahilan upang mas manalakay ang mga labi nito. His tongue delved inside her mouth. The kiss was harsher this time. Tila mauubusan ito kung makahalik. Isinandal siya nito sa pader at lalong nilaliman ang halik nito.

Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong bitawan. Mabuti na lang at nakasandal na siya sa pader kung hindi ay nawalan siguro siya ng panimbang.

Gulat na gulat ang ekspresyon ni Elmo. Tila hindi ito makapaniwala sa nagawa. He left her without a word.

Nanghihinang dumausdos siya pababa sa sahig. Natulala siya. What had just happened? Nang dahil sa isang kissing scene ay nagbago ang lahat sa pagitan nilang nagkaibigan. Nararamdaman niya iyon. Alam niyang baka hindi na niya kayang magkaila tungkol sa totoong nadarama niya para kay Elmo.

Tita Angie was right. Hindi niya mapaghihiwalay ang realidad sa pantasya kapag kasama niya si Elmo sa isang proyekto. Pakiramdan niya ay lalong lumago ang pag-ibig niya rito dahil kina Clarice at Andrew.

Why did he kiss her? In character pa rin ba si Elmo? Masyado bang naapektuhan ito sa character ni Andrew? Was it Andrew kissing Clarice? Or was it Elmo kissing Julie?

Naluha siya. Mula sa simula, hindi talaga pumasok sa kanya ang karakter ni Clarice. She was Julie all along --- on and off camera.

Continue Reading

You'll Also Like

76.3K 936 12
Tungkol ito sa dalawang magkaibigan na simula pagkabata ay mag kakilala na hanggang sa makapag tapos sila ng pag aaral at makakuha ng trabaho, sadyan...
144K 2.5K 32
Arranged marriage for business ? Papayag ka ba kahit na alam mo na ang lalaking itatali sayo ay mahal mo pero alam mong din ito masusuklian kasi ga...
169 4 1
storya ni yael na bobo at mahirap lang pero meron syang mga tarantadong kaibigan... pinaglaruan sya ng tadhana pero basta basahin mo nalang
11.4K 340 24
Nagkakilala sa isang party hanggang sa nagkadevelopan nang may hindi inaasang bagay, nabuntis ni Elmo si Julie (kayanin kaya nilang maging parents sa...
Wattpad App - Unlock exclusive features