Pagkatapos namin magkakilala,ilang araw na rin kaming lagi magkasama..magkaasaran,nagkukulitan,gala dito-gala doon,parang hindi namin kinakaya ng wala ang isat isa dahil hahanap hanapin talaga namin ito.
Lahat nasakanya na,yung buo kong puso lalo niyang binuo.
Sabi nila kung sino daw ang nag buo ng puso mo siya din ang sasawak nito,hindi naman ako naniniwala dun.
Parang wala naman sa muka ni Kevin yung pagiging ganun dahil muka siyang anghel,sobrang bait niya,mapagkakatiwalaan siya kaya para sakin hindi niya naman yata magagawa yun.
Hindi niya man aminin na mahal niya ako bilang kaibigan o higit pa dun,ramdam ko naman yung pag mamahal niya sakin.
Lagi niyang inaalala kalusugan ko,ayaw niya nang umiiyak ako,gusto niya na mapanatiling ligtas ako..kahit walang kasiguraduhan kung ano kami ramdam ko na mahal niya ako.
Komportable na din ako skanya dahil pareho kaming madaldal at halos same vibes kami,walang dahilan para mag away kami o kahit na ano pa.
Malaki ang tiwala ko skanya na hindi niya ako masasaktan tulad ng ginawa sakin ng ex ko,pero sana lang..totoo lahat ng pinapakita niyang mga to.
kasalukuyan kaming nasa restau,nanlibre nanaman si kupal kaya goraa naman ako.
"sorry for waiting" nakangiting aniya,habang paupo napansin ko namang may nakasunod sakanyang waiter at agad na nilapag sa mesa ang order namin.
"Okay lang yun,ikaw naman" sagot ko skaanya sabay kuha ng drinks.
"Luh!pabebe ka?gusto mo kotongan kita?" sagot niya,muntik pako mabulunan,ayan nanaman siya!
"Ang harshh moo!"sabi ko skanya na may diin ang pagkakasabi.
"Wag kang maging pabebe,di bagay sayo"sabi niya,nakakaasar na to ah!
Agad ko naman siyang pinitik sa noo,kaya nag salubong nanaman ang kilay niya.
"Ouch!" reklamo niya.
"kumain na nga tayo,dami momg satsat" sabi ko sakanya.
Nag simula na rin kaming kumain,hinihiwaan niya naman ako ng mga karne..ang husband material niya! minsan iniisip ko sana ako lang yung girlbestfriend niya para sakin niya lang ginagawa to.
sa twing naiisip ko yun parang nasikip ang dibdib ko at hindi mapaliwanag nararamdaman ko,nag seselos ako pero alam ko namang wala akong karapatan.
"ano? tititigan mo nalang ako buong araw? alam ko namang gwapo ako,sige ka lalaki na ulo ko niyan." sabi niya kaya naman napangiwi ako,ayoko namang itanggi dahil totoo naman sinasabi niya,kaya inirapan ko nalang siya at hindi na sumagot.
tinuloy namin ang pagkain,nailang naman ako ng bigla niyang tinapat sa muka ko ang tinidor na may nakatusok na karne.
"ano yan?" nakangiwing tanong ko sakanya.
"ahhh!" sabi niya habang naka nganga,g-gusto niya isubo ko yan? ih-edi parang nagsama lang laway namin sa tinidor kung gagawin namin yun..pero baka ma offend siya,maging owkward kami dito? hindi ko naman lalawayan yung tinidor diba? kakainin kolang yung karne..kaya oks na yun!
Agad naman akong lumapit at kakainin kona sana ng bigla niyang ilayo ang tinidor at naiwan ako nakatulala ng bigla niyang isubo ang karne.
Aba! haeop.
Agad ko naman siyang kinutongan kung kaya't nabulunan siya at agad na kinuha ang bago ng tubig sa mesa namin.
"the heck!" sabi niya pagkatapos uminom ng tubig.
"ah! minumura mo nako ngayun?" pag tataray ko at umayos ng upo.
"no,that's not what i mean,sorry..i mean-why did you do that?" sabi niya napa irat naman ako.
"Paasa ka kase" sabi ko skanya.
"What?"pamaang na tanong niya.
"tss..mga lalaki nga naman,pagkatapos magpaada mag mamaang maangan naku!" sabi ko skaanya sabay tingin sa ibang dereksiyon.
Nanigas naman ako ng maramdaman ko ang pag hawka niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
Ang owkward!
Nagkatitigan pa kami ng saglit bago siya mag salita habang hinihimas ang kamay ko.
Binaling ko naman ang tingin ko sa kamay kong hawak hawak niya,mga ilang minuto din ata hindi ko alam pero ramdam kong nainit ang pisngi ko,waaaahhh! bakit ako kinikilig? di niya pwede makita to,nakakahiyaaa!
Natauhan nalang ako ng bigla nalang akong makaramdam ng hapdi sa noo ko..aray!shutek!
Napakunot ang noo ko na napatingin sakanya.
"Para san nanaman yun?!" reklamo ko sakanya,at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Bakit ka namumula?Crush moko no? "oo bakit?! charot HAHAHA kung pwede kolang aminin ih,ginawa kona hays.
"Oh bat di ka makasagot?" nakangising tanong niya.
"Naku kevin! taas nanaman ng pangarap mo,sa tingin mo? ako papatol sayo? sa siraulong tulad mo? wag na oy!" pang aasar ko sakanya.
"Grabe ka naman sakin,kala mo ganda ganda mo? muka ka ngang alimango!" pang aasar niya pabalik sakin.
"Aba nga naman!" pag babanta ko sakanya ng bigla siyang umiwas ih wala pa nga ako ginagawa tss..
"Lets eat na!" sabi niya at kumain ulit kami,umorder siya ng halo halo nasa isang malaking lalagyan kaya share kami.
"Nga pala,ano gusto mo pagkatapos mo ng collage?" tanong ko.
"I want to be a successful enginier" sabi niya habang mag kasalubong ang tingin naming dalawa.
"ay bonggaa!" pumapalakpak na sabi ko.
"what about you?" sabi niya,nagpapatawa ba to?
"are you serious? me?" sabi ko sabay turo sa sarili ko,nakatitig lang siya sakin na tila naguguluhan.
"fine! wala pakong pangarap" sabi ko sabay pilit na ngiti.
"what do you mean wala? why? mag co-collage na tayo,dapat may pangarap kana, for your future." sabi niya.
"Are you trying me to laugh,I mean..who the hell want me to--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil napalunok ako sa titig niya saking parnag naiinis na.
"Sino namang gustong mabuhay ako? hindi ko nga alam kung aabot pako ng future ih,iniwan nako ng lahat..at mahirap mabuhay ng mag isa,si Mommy nalang nandyan,pero hindi ko ramdam na nandyan pa nga siya,kung inaalala niya paba ako,parang nakalimutan niya na nga na may anak pa siya ih."sabi ko skanya na nakayuko na pilit ngumingiti.
"No"biglang sabi niya kaya napatingin ako sakanya.
"Im here, hindi kita iiwan..ako magiging karamay mo,nandito ako lagi sa tabi mo,hindi kita hahayaang mawala,sabay nating lagpasan ang problema mo."sabi niya kaya naman napangiti ako na halos hanggang tenga ngunit ang mga mata ko ay tila may namumuong mga luha.
"i want to be an enginier,kase gusto ko ako mismo gagawa ng magiging bahay natin" sabi niya.
"what do you mean?"
"Hmmm?" nakangising sabi niya.
"Hoy may ibang ibig sabihin ka dun ah"pang aasar ko.
"ikaw huh!"
"ikaw pala may gusto sakin ih."
"dont worry,sabay tayong tatanda kahit ugod ugod na tayo sabay din tayong gagapang para makakain ng ice cream na cookies ang cream HAHAHAHA"pangungulit kopa,sabay kaming natawa ng dahil sa sinabe ko.
"By the way" panimula niya kaya napatigil ako sa lag tawa.
"I brough you here,couse I want to tell you something"sabi niya habang hawak ang kamay ko,nakaramdam naman ako ng pag sikip ng dibdib ko bumilos ang tibok ng puso ko,kinakabahan ako hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sasabihin niya,pano kung sabihin niyang may girlfriend na siya o may nililigawan na? pano nako? pano na pangako niya sakin? pano na pinag samahan namin?
"A-ano y-yun?"waaaahh! bat ako nauutal.
"I dont know if this is the time to confest my feelings for you,Alam kong saglit palang tayo nagka kilala,I know na nahahalata mona kung ano yung tingin ko sayo,i dont want you to hurt,cause care for you..Kaira i like you.."sabi niya,nakatulala lang ako sakanya habang binabanggit niya ang mga linyang yun.
"No,I mean..I love you,Im happy to be with you no matter what,I want to tell you that..gusto kong ligawan kita-but hindi ako nag mamadali, ayoko din naman ng ganun,gusto kong paghirapan kitang makuha..so,gusto kong marinig mula sayo kung papayagan mo ba ako?"sabi niya,halos maluha ako sa mga narinig ko mula sakanya..hindi ako makapaniwala na naririnig ko to mula sakanya na nasa harapan ko mismo siya.
"Ayoko"sagot ko sakanya at dahan dahang kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Nagulat naman siya at parang nanigas sa posisyon niya,parang hindi siya makapaniwala sa sinabe ko kung kaya't napangiti ako sakanya,napatitig din siya sakin ng dahil dun na parang may luhang maliliit na nagmumula sa mata niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa nakikita ko,alam kong mahal niya ako at hindi niya ako papabayaan.
"Ayokong tumanggi"sabi ko sakanya at ngumiti ng halos umabot na hanggang tenga,nakita ko naman na pumatak na ang luhang kanina pang gustong bumaba galing sa mga mata niya,at agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Thankyou"bulong niya sakin habang yumakap ulit,kumalas naman agad ako sa pagkakayakap at hinarap ko ang muka niya sakin para punasan ang luha niya.
"Ako dapat magpasalamat sayo,dahil sayo..natutunan ko ulit maging masaya."sabi ko sakanya habang hawak hawak ang magkabilang pisngi niya.
*************
"San kaaa?" Sigaw ko sakanya habang magka call kami,pinapunta niya ko dito sa park eh wala naman siya tss...
"Secret,Alam mo ba kung ano meron ngayun?" tanong niya sakin sa kabilang linya,palinga linga naman ako para makita kung nasan siya pero wala! nasan naba yun?
"Naiinis nako Kevin,nasan kana?"Mariin'g ani ko.
"Baby naman wag ganyan,diba tawag mo sakin hubby?"sabi niya sa kabilang linya.
"Di kita tatawaging ganun hanggat di ka nalabas"pag susungit ko.
"Baby,Alam mo ba kung ano meron ngayun?" sabi niya.
"Ano ba kase meron ngayun?" pagsusungit ko,nakita ko namang may mga bata na papalapit sakin may dalang Pink roses,lima ang mga bata tatlong babae at dalawang lalaki,papalapit sila sakin ngayun at sabay sabay na binigay sakin ang bulaklak..ngunit napako ang tingin ko sa dala ng batang babae,kakaiba lang kase bakit sa apat na bata tag isang pirasong bulaklak lang,bakit sakanya tatlo?
Yung babaeng yun ang huling nagbigay sakin ng bulaklak at ngumiti,nginitian ko den silang lahat at nagpasalamat sakanila.
Napatingin ako sa mga bulaklak at inamoy iyon,ambangooo! anong pakulo nanaman kaya to? Napangiti naman ako ng sobra ng dahil dito sa pakulo niya,ang corny pero ang sweet at sarap sa pakiramdam na ginagawa sayo to ng taong mahal mo.
"Happy?" tanong niya,kaya napatingin ako sa cellphone,hindi kopa pala pinapatay yung tawag.
"Anong pakulo to?" pag susungit kong sabi pero ang totoo ang saya ng muka ko at ngiting ngiti na nakatingin sa mga rosas.
"Sus,nag kukunwari kapa..kinikilig ka naman"sabi niya sa kabilang linya kaya nawala ang ngiti ko at nilibot ulit ang tingin ko,ibig sabihin andito nga siya? nagtatago lang? sira ulo talaga to.
"Lumabas ka nga dyan,uuwi nako." panakot ko sakanya.
"Check the roses"sabi niya at *Toot toot toot* pinatay ang tawag tss..
Napatingin naman ako sa tatlong rosas na magkasama dahil siya ang naiiba,dun kolang nahalata na may note pala.
Agad kong binuksan yun at binasa ang nakasulat.
Dumeretso ka sa kotse baby.
-your hubby❣️
Yan ang nakasulat napangiti naman ako at naglakad lakad para hanapin ang kotseng tinutukoy niya,hindi naman ako nahirapan dahil isa lang naman ang kotse dito at ako lang ang tao dito sa park.
dumeretso ako dun at kumatok sa Driver seat,agad naman bumukas ang bintana ng kotse at bumungad sakin ang gwapong muka ng taong mahal ko,ang fresh niya tignan at naka kulay pula rin siya terno ng soot ko,planado ah!
Sinenyasan niya naman akong lumayo ng kaunti sa pintuan ng kotse dahil bababa siya.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sakin.
"Oo naman,akala ko maglalaro tayo dito sa park,may pasalubong kalang palang bulaklak..dapat kumain nalang tayo dyan ng street food,mas mura pa kesa sa bulaklak eh..hindi naman natin to makakakain."sabi ko sakanya,agad naman niya hinalikan ang noo ko.
"Shhh,hindi pa tapos baby.."sabi niya sakin at agad hinawakan ang kamay ko papunta sa compartment ng kotse niya.
Dahan dahan niya iyong biniksan at bumungad sakin ang tarpulin na may picture naming dalawa,may mga lobo..red roses,may mga red petals na nakakalat at may mga pagkain doon,at syempre hindi mawawala ang fav niyang cake,ang fav kong graham at ang fav naming dalawa na cpokies and cream flavor na ice cream.
Napatingin ako sakanya at nun nalang biglang tumulo ang luha sa mga mata ko,ang sarap sa pakiramdam na kahit naging misirable ang buhay ko ng dahil sa pamilya at kaibigan ko,meron akong hindi inaasahang makikilalang tao na magpaparamdam saking maaari pakong mabuhay hanggant kelan ko gusto,magiging masaya pako ng hindi ko din inaasahan..
Napayakap naman ako sakanya ng napakahigpit at sa balikat niya nalang umiyak.
"Thankyou thankyouu hubby! i promise you,until my last breath ikaw lang ang mamahalin kong lalaki sa buong mundo at wala nang iba."sabi ko sakanya,naramdam kong ikinangisi niya.
"Happy 5 months na panliligaw ko sayo baby!HAHAHA"sabi niya habang nakangiti na nakahawak sa bewang ko.
Natawa naman ako sa bati niya sakin, oo nga pala 5 buwan na siya nanliligaw sakin hahaha.
napakalas naman ako sa yakap at hinawakan ang dalawang niyang kamah habang nalaharap sakanya.
"Cinelebrate pa talaga natin to ah"pang aasar ko sakanya.
"Sagutin mona kase ako" sabi niya na nakangisi.
"Kala koba hindi ka nag mamadali?" sabi ko.
"Oyezz,just kidding..kahit gano pa katagal hihintayin kita"nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Pagkatapos namin mag usap ay back to normal parang mag tropa lang kami,asaran..kwentuhan na may halong panlalait,kinakain din namin yung mga handa niga,kahit busog na busog nako pinipilit ko parin ubusin dahil ayokong masayang ang effort niya.
Naglaro din kmi sa park na parang mga bata,sobrang saya ng araw na to..at hinding hindi ko to makakalimutan.
Ihahatid niya na ako pauwi,nasa passenger seat ako habang hawak hawak niya ang kamay ko kahit patuloy siyang nag dadrive.
"Baby,may sasabihin ako"napatingin ako sakanya ng bigla niyang sabihin sakin yun,nakaramdam nanaman ako ng hindi ko mapaliwanag pero parang may kakaiba ih.
"Ano yun?" muntik nan'g pumiyok na sabi ko.
"Mawawala ako ng Ilang buwan,nag plano sila Mommy na umuwi muna kami sa america para sa bussiness namin,i hope you understand"sabi niya habang hinihimas ang kamay ko,sumikip ang dibdib ko ng sabihin niya yun sakin,parang gusto kong umiyak sa harap niya at magmakaawa na wag umalis.
"Pano ako? iiwan mo nako?" sabi ko sakanya.
"No,I won't leave you..I'll call you,text you..I promise babalikan kita."sabi niya,nun na tumulo ang mga luha sa mata ko,parang hindi ko kakayanin na mawala siya ng ilang buwan,ni isang araw nga hindi ko kaya ih.
***************
Simula nun,Natuloy na ang pag alis ni Kevin kasama ang pamilya niya papuntang america.
Ilang buwan na din ang lumipas lagi kami magka text at call,mas lalong lumalalim ang relasyon namin ng dahil doon dahil parang mas lalong napapatibay nito kung anong meron kami.
Ngunit nitong mga nakaraan nakaramdam ako ng hindi maganda,parang nag iba siya naging cold at lagi na siyang busy.
Hindi ko gusto yung nararamdaman ko dahil may tiwala ako sakanya ayokong pag hinalaan siya sa mga kinikilos niya at mas lalong ayokong saktan ang saeili ko sa kaka overthink ng wala naman akong ebidensya para patunayan na dapat konga ba talaga masaktan ang sarili ko.
One day nagulat nalang ako ng makita ko sa IG post niya ang picture ng isang babae,ang sakit sa pakiramdam na bakit siya nag popost ng ganun? eh nandito ako? ako yung nililigawan niya pero bakit yun yung pinost niya? bakit hindi ako yung finlex?
pangit ba ako? naiyak nalang ako ng makita ko ang litratong yun,naging cold din ako sakanya kahit hindi ko kaya,tiniis ko dahil gusto kong umiwas na para hindi na masaktan.
ngunit dumating yung araw na nakapag usap din kami ng maayos,tinawagan niya ako at nagpaliwanag siya..tinanong kona din siya kung kaano ano niya yung babae pero mas lalo akong nasaktan dahil sa sinabi niyang crush niya daw yun,ang sakit lang..tulad ng iniisip ko crush niya palang na flex niya na? pero akong matagla niya nang nililigawan hindi niya magawa sakin yun? alam kong ang crush ay pag hanga lang pero may kakaiba kase..hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko,parang unti unti nawawala ang pag titiwala ko sakanya.
*Days Pass*
Binaliwala ko lahat ng yun at bumalik kami sa dati,panay asaran lagi may communication nag tutulungan..
ngunit sa di inaasahan ang kapalit nun ay ang pag dating ng balita saakin na wala na si Mommy.
Ang sakit sa pakiramdam na yung taong dapat karamay ko sa oras at araw na iyon at wala,ang sakit dahil wala akong masabihan mapag labasan ng sakit at lahat ng nararamdaman ko..
Ilang araw na den ako di makakain ng maayos,laging nakakulong sa kwarto at iyak ng iyak,si yaya ay natatakot na saakin kung kayat nag resign na siya at ako nalang ang mag isang naiiwan sa bahay,laging walang tulog at maga ang mata.
Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang may tumawag,agad ko naman sinagot iyon.
"Hello?*sniff*" sagot ko.
[Baby,Im sorry ngayun lang ako nagka available time..i hered what happend,condolence to your mommy..Im sorry wala ako sa tabi mo nung mga araw na nag luluksa ka] sabi niya sa kabilang linya.
"Ayos lang ako hubby,I dont know what to do..parang sumosobra na yung tadhana sakin,bakit kaylangan kong maranasan to?*sniff* ano bang kasalanan ko para mangyare sakin to? hubby sabihin mo nga sakin? anong kulang sakin? anong kasalanan ko para mangyari sakin to?" sabi ko sakanya.
[Baby,wala kang kasalanan..siguro oras na nila kaya nangyari yun,magpakatatag ka..you remember-yung promise ko sayo,nandito lang ako..Im always here for you,how are you? are you fine?] nag aalalang sabi nito.
"Actually i dont know,yaya left me too..I dont want to eat...iwant to die"sabi ko sakanya,parang natigilan naman siya ng dahil sa sinabe ko.
[No,dont do that..I said Im here pa,dot you dare do that..Iloveyou]
"Iloveyou more" sagot ko sakanya.
*********
Napagaan niya ang loob ko sa sarili niyang pamamaraan kung kayat bumalik ang dati kong sigla,lagi kong tinatatak sa isip ko na nandyan lang si Kevin para sakin.
*Months had pass*
Nag iba na ang reladyon namin,masyado nang naging malayo tulad ng dati.
masyado na kami nagkakalabuan at panay narin ang tampuhan namin.
Ramdam ko din ang pag iwan siya sakin,laging busy ang sagot niya sakin at laging ako lang ang nangungulit.
siya naman ang minsan nalang akong pansinin ako at kung minan ay halos kalimutan nako.
hindi na siya yung kevin na kilala ko.
Hanggang dumating ang araw na pinaka kinakatakutan ko.
_________________
yeahhh! Im trying to be a good writer here!HAHAHAHA
Sana gets niyo yung sinusulat ko..
I wish soon magkaroon akk ng solid friend here in wattpad.
btw dont forget to vote my story😉