Babysitting the Campus King

By iamsheyn03

3.9K 109 35

Ng dahil sa kahirapan ay gagawin lahat ni Fajra ang lahat para mabuhay ang kanyang pamilya. Sa isang hindi in... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 3

252 8 8
By iamsheyn03

“You, what are you doing here?” duro niya sakin. Ganon ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya at galit na galit siya sakin?

“Hey, yeah It’s me! Wag kang turo ng turo dyan baka manuno ka” bira ko sa kanya

“Ohhh hindi ka ba nainform ng lolo mo?Gosh kawawa ka naman hindi ka ata mahal” pinalungkot ko ang mata ko habang nag aasar.

“Senorito, siya si Fajra. Kinuha siya ng lolo mo bilang Yaya mo” saad ng mayordoma. Nandito pa pala to.

“What?! Yaya? Are you for real, stupid? Saan ka bang basurahan napulot ng lolo ko?” hanggang sa pwesto ko ramdam ko ang inis niya.

“Hoy Mokong este Senorito, una sa lahat hindi ako sa basurahan napulot, at pangalawa Fajra pangalan ko hindi stupid” nakapamewang kong gatol sa kanya. Ang kapal ng mukha. Hindi porket cute ka e, no erase erase kadiri.

“Lolo, there’s a girl here. She claimed that you hired her as my Yaya. Are you serious about that?" Reklamo niya sa kanyang lolo habang kausap sa cellphone.

“Yes, si Fajra. Totoo ang sinasabi niya. Niligtas niya ako nung isang araw dahil muntik na ako ma holdup. She will monitor kung anong ginagawa mo at irereport sakin” sagot ng lolo sa kabilang linya.

“Lolo I am not eight years old for pete’s sake! I don’t need a goddamn yaya or whatever you call that. I don’t want her here” napasabunot nalang siya sa buhok niya sa frustration.

“Hey! Don’t talk to me like that. Whether you like it or not she will stay there. And Frost I know you, don’t you dare lay a finger on her. Sige na, I have a meeting to attend to. Be good to her.” pinatay na ang tawag. Napaamang nalang siya sa sinabi sa kanya ng lolo sa kabilang linya. Hindi na siya bata para kailanganin ng Yaya.

Bumalik siya sa sala kung saan nakaupo sa sofa ang babaeng nagpapairita sa kanya. Siya din yung babaeng nagpahiya sa kanya. What a small world.

“If you’re thinking that I would treat you nicely, then think twice because that won’t happen. You’re just staying here because of Lolo” mukhang nagulat ang babae dahil biglang may nagsalita sa likod niya.

“Hindi rin naman ako umaasa na itatrato mo akong maganda. Tanggapin mo na dito na ako mag iistay dahil lagot ka kay Lolo” humalukipkip siya at tinaas ang isang kilay.

“If I know, you just poisoned my Lolo’s mind. I know your kind. What do you call that? Ahh, gold digger. Mapagsamantala.” asar ko sa kanya. Napansin ko naman na nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

Kung sa ibang pagkakataon lang, magagandahan ako sa babaeng ito. What’s not to like her? Mapungay ang mata at kulay hazel brown. She’s petite but it’s right to her. Her hair is natural wavy and brown. Matangos ang ilong And those lips of her are perfect. Wait, what are you talking about Frost? Get yourself together. Siya ang nagpahiya sayo.

Muling bumalik ang inis niya sa dalaga ng maalala niya ang nangyari sa kanya.

“Hoy! Ang kapal ng mukha mo! For you information pwet mong may lotion hindi ako gold digger at hindi rin ako mapagsamantala sa kabaitan ng Lolo mo. Siya ang nagbigay ng ganitong trabaho sakin. Hindi ko ito tatanggapin kung hindi ko kailangan” tuloy tuloy niyang sambit habang namumula ang mukha sa galit. Mukhang hiningal pa ata.

“And don’t you ever tell to everyone that you stay here. Or else” nilagay niya yung hintuturo niya sa leeg niya na parang hiniwa.

Tumayo na ang babae, siguro’y babalik na sa kanyang kwarto. Napaamang nalang si Frost at tila hindi makapaniwala sa inasta ng babae. Girls usually drool over him, kusa na sila mismo ang lalapit sa kanya. Isang tingin niya lang ay siguradong maghahabol na ang mga kababaihan. Pero that girl,iba siya. Hindi ata umepekto sa babae ang charm niya.

“Bwisit! Nakakainis! Pagbintanagan ba naman akong gold digger at mapagsamantala” inis niyang sabi sa sarili matapos niyang makapsok sa kwarto niya.

Kung anong kinabait ni Lolo Salvador siya naman sama ng ugali ng apo. Hindi Fajra, wag ka magpaapekto sa gunggong na yon. Baka kulang lang siya sa aruga o hindi mahal ng magulang. Ganon nga Fajra. Hinawakan niya nalang ang kiwntas na nakasuot sa kanyang leeg. Kabag kinakabahan siya, o naiinis, o nagagalit, hinahaplos niya lang ang kanyang kwintas para kumalma. Bata palang siya ay suot niya na yon. Ang kanyang Ama ang nagbigay sa kanya noon. Ewan niya ba pero effective lagi yon, kumakalma agad siya pag nahahawakan niya.

Kinabukasan maaga siyang pumasok sa school. Sinadya niya iyon para di niya maabutan ang mokong niyang alaga. Papunta na akong classroom ng makita ko ang mga nakapaskil sa mga pader. Yung poster na nakita ko sa bulletin board ang katulad nito. Mukha ko na may Paria na nakalagay.

“New member of Paria. At the auditorium. 4pm. “ kinuha ko ang isang kopya na nasa pader at nilukot ito. Lahat ng madadaanan niya ay kinukuha niya at itinatapon. Pero sadyang marami iyon at hindi niya malalahat. Instant celebrity tuloy ako sa school hays.

“I have here the lists of the the group. By pair of course para maiwasan ang mga butterfly na estudyante.” sabi ni Sir. Pierto sa unahan. Minor lang ang subject na ito at hindi kami block section kaya may mga kasama kaming ibang degree progra. Nandito din yung blondina na nagtaray sakin kasama ang dalawa niyang alipores. Chloe pala ang pangalan.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nilalang na hindi ko nanaisin makita. Naiinis na naman siya kapag nakikita niya ang pagmumukhang iyon. Dire-diretso lang siyang pumasok na parang wala siyang na disturbo na klase. Ang kapal talaga ng mukha walang modo. Porket sila ang may-ari ng school papetiks petiks nalang siya.

“As I was saying, You’ll be reporting tomorrow. Your report is according to the topic that will be assigned to you.” Nakapatong ang dala niyang kamay sa table niya habang nagsasalita. Kung makatingin lahat ng estudyante tinitingnan parang sinasala niya ang pagkatao namin. Kung sino ang mga butterfly at sino ang matatalino talaga.

“Abinales and Hontario”

“Garcia and Lopez”

“Plomera and Rewis”

Leones at Razontrio”

“Yes!” sigaw ng isang estudyante.

Napatingin ang lahat sa kanya. Si gunggong pala. Anong meron? Oh ka group niya si Chloe. May gusto kaya siya don? Sabagay sino bang hindi magkakagusto sa babaeng iyon. Masama nga lang ang ugali.

“Isidro and Marquez” nabanggit na ang pangalan ko. Hinanap ko kung sino yung Marquez ngunit nagsalita ulit si Sir Pierto.

“I’m sorry, but it’s Isidro and Razontrio pala. Mali lang ako na basa”

“Ms Leones, you’ll be paired with Mr. Marquez. Class. Pass this module and look for you assigned topic. I’ll be expecting that you’ll be ready by next week. That’s all for today, class dismiss.” at naglipit na ng mga gamit niya.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang pinsan ni Lucifer na anak ng demonyo. At ang mokong ang sama ng tingin sakin. Ano na naman bang ginawa ko. Siya nga itong may atraso sakin.

Nagsilabasan na ang mga estudyante sa room. Ang bibilis lumabas parang si Flash. Halatang mga eskwelang baon lang e. Teka asan na yung mokong, kailangan namin mapag usapan yung topic kailangan na pala bukas iyon e. Si Sir talaga pag nagustuhan gusto ura-urada karakaraka. Sa wakas nakita ko na ang anak ng demonyo.

“Hoy!” aba ayaw tumingin. Ano bingi bingihan ang peg?

“Hoy Gunggong” aba ang loko parang walang tumatawag. Teka dito sure na titingin ka.

“What the f*cking hell!” singhal niya habang nakawak sa likod ng ulo. Hinanap niya kung sino yung bumato.

Edi tumingin ka rin, gusto pang babatuhin ng sapatos e. kinuha ko na yung sapatos ko at sinuot ulit. Pinagtitinginan na pala kami ng mga estudyante. Ano may shooting at nakatanghod kayo samin?

“Talaga banng nananadya ka?! You’re really getting into my nerves!” namumula na naman siya sa galit. Pinaglihi ba ito ng kanyang Nanay sa sama ng loob.

“Kung hindi ka ba naman isa’t kalahating bingi at tulig edi sana hindi ka tatamaan ng flying shoes ko. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka tumitingin. Yung totoo, may tutuli ka ba?” mataray kong sabi habang nakapamaywang. Okay, padami ng padami ang nanonood samin.

Mukhang entertain na entertain ang mga tropa ni Frost dahil bakas sa mukha ang pagka mangha sa nangyayari. Hinawakan niya ako sa braso ng sobrang diin. Aray ko saglit lang naman. Ouch.

“Ang kapal ng mukha niya pagsalitaan ng ganoon si Frost”

“Ang bitch niya. Hindi niya ba kilala ang binabangga niya”

Hindi naman ako nainform na may fansclub pala ang mokong na ito. Mukhang madami na akong hater ngayon palang.

“No. One. Dares. To. Talk. To. Me. Like. That.” mahina at madiin niyang usal pero mababakas ang sobrang galit. Nagmumukhang kamatis na naman ang mukha ni mokong.

“Okay, pasensya, sorry, ipagpaumanhin kamahalan. Kanina pa kita tinatawag at hindi ka lumilingon. Sasabihin ko lang sana na kailangan na natin pag usapan yung about sa reporting. Kung paano yung hatian at pagkakasunod-sunod” tiningnan niya lang ako na itsurang walang pake. Parang wala akong sinabi at parang hangin lang ata ako.

“Tsk. Would you expect me to help? Do it on your own. Get lost!” mayabang niyang sabi at umalis na kasama ang kanyang mga kaibigan kasama sila Chloe.

Napako ako sa kinakatayuan at hindi nakapag react agad. Ano? Tama ba narinig ko? Hindi siya tutulong? Anong silbi niyang gunggong siya?! talagang sinusubukan niya ako. Humanda siya sakin pag uwi.

Habang naglalakd ako ay may mga estudyanteng humila sakin. Teka saan nila ako dadalhin?

“Teka, saan niyo ba ako dadalhin at sino ba kayo?” naguguluhan kong tanong.

“Basta sumama ka nalang” sabi ng isa sa kanila. Teka linyahan yan ng mga kidnappers ah. Pero nasa school ako so wag ka mag overthink Fajra. Mayayaman tao dtio Fajra!Kayang kaya ka nila ipa-salvage ng walang makakaalam lalo pa anak ng may-ari ng school ang binangga mo.

Nakarating kami sa auditorium at madaming estudyante. Anong mayroon? Party?

“And now Finally, nakarating na din ang bida sa hapong ito!” sigaw ng babaeng estudyante na nasa stage na may hawak ng mic.

Ano daw? Ako ba yung bidang sinasabi? Ano na namang pakulo ko to ha. Masama ang kutob ko sa mangyayari ngayon. Kahit mukhang masasaya amg mga mukha ng estudyante dito feeling ko kabaliktaran iyon ng mangyayari sakin. Dinala ako sa pinaka gitna at tsaka sila umalis. Okay? What’s really happening.

“Let’s welcome! The new member of the Paria Rank!”

Sigawan ang mga estudyante na parang nag sasaya. Pwede bang may magsabi sakin ano ba talaga nangyayari? Gulong gulo na ako. So karamihan dito ay mga Paria? Pero may nakikita din akong mga nasa matataas na Clase. Nakita ko din ang grupo nila Frost na nanonood.

“Let’s start the initiation” ANO? Anong initiation? Frat ba ito? Jusko baka ito na yung sinasabi nilang hazing! Ayoko pa mamatay sa bugbog.

“You look nervous Ms. Isidro” nakangisi lamang yung may hawak ng mic.
“Anong mayroon?At anong ginagawa ko dito?” naguguluhan kong tanong. Hindi ko pinahalata na kinakabahan na ako.

“As a new member of Paria, you need do undergo to an initiation. Don’t worry you’ll be given an option to choose what kind of initiation do you prefer. The first option is what we called Sentir el cielo or feel of heaven. While the second option is Sensación de muerte or feel of death. Now, choose wisely” ngisi ng estudyanteng nasa stage.

Siraulo ba mga tao dito, bakit may ganito pang ginagawa? Pati hindi ko naman ginusto pamabilang sa rank na to. Hindi ko nga alam kung sino naglipat sakin sa Paria. Papipiliin pa ako, malamang dun ako sa may heaven. Parang mas safe pakinggan.

“Doon ako sa first option” Taas noo kong sabi. Bilisan na ng matapos na to, may report pa akong gagawin.

“Good choice. Now bring out the balls and position Paria!” ano? Anong bola sinasabi nito? Lumapit sa gitna ang mga Paria members, naiwas sa bleachers ang mga upper rank.

“In the count of three, throw at her the balls. One. Two. Three. Attack!” sabay sabay nilang binato ang bola sa direksyon ko. Aray. Tama na!. Lahat ng parte ng katawan ko tinatamaan ng bola. Naiiyak na ako sa sakit lalo na pag tumatama sa mukha ko ang bola. Paniguradong magpapasa ito kinabukasan. Patuloy sila sa pagbato sakin, napaluhod na ako habang tinatakpan ang mukha ko laban sa mga tumatamang bola. Ang sakit sakit na!. May mga luha ng pumapatak mula sa mata ko. Ang gusto ko lang naman makapag aral ng maayos para matulungan ko ang mga kapatid ko. Wala naman akong hinangad na masama pero bakit ganito ang pinagdadaanan ko sa paaralang ito. Tay, kailangan kita ngayon. Bakit ganito ang trato nila sakin?Mayayaman lang sila pero wala silang mga puso.

“Stop!” sigaw ng isang lalaki. Sa isang salita palang tumahimik ang mga tao. Natigil din ang pagbabato ng bola sa akin. Mararamdaman ang otoridad sa kanyang salita.

“That’s enough, the initiation is over.” at umalis na sa auditorium. Nagsisunuran na din ang mga estudyante. Hindi ko alam kung maiinis ako o magagalit, pero sa pagkakataong ito, salamat, Frost.

Naiwan ako sa gitna ng auditorium na hinang hina. Nakaluhod parin ako at nakatingin sa sahig. May pares ng paa ang tumapat sa akin. Tiningnan ko ito, siya yung kaibigan ni Frost at yung nakatambay din sa usual place ko dito sa school. Inabutan niya ako ng puting panyo pero tiningnan ko lang ito. Hanggang ngayon hindi mai-proseso ng utak ko ang nagyari sakin ngayon. Nangingilid parin ang luha sa mga mata ko. Napansin niya ata na wala akong balak kunin ang panyo niya.

Lumuhod siya sa harapan ko para magpantay kami. Napatingin ako sa kanya. Dahan dahan niyang inilapit ang panyo sa pisngi ko para punasan ang luha ko at ang dumi. Biglang may kumabog sa dibdib ko. Ano iyon. Nanatili kami sa ganoong pwesto. Naguguluhan ako, ano itong ginagawa niya. Nakatingin parin siya sakin.

“I’m sorry for what they did to you. I can’t stop the initiation because it is part of the rankings.” marahan niyang sambit na may halong pag-aalala. Binaba niya na ang kanyang kamay. Napatitig lang ako sa kanya.

“Bakit ikaw ang nagsosorry, hindi naman ikaw yung nagbato ng bola” Mahina kong usal sa kanya.

“Just because. You don’t deserve it” ang sarap pakinggan ng boses niya. Parang safe ako kapag katabi ko siya at pag naririnig ko ang boses niya.

Bigla nalang umangat sa ere ang katawan ko. Binuhat niya akong pa-bridal style. Lumabas kami sa auditorium at kita ang gulat sa mukha ng mga estudyanteng makakasalubong namin. Itong lalaking kasama ko naman diretso lang ang tingin na parang walang nakikita.

“Omg binuhat siya ni Eros nakakainggit!”

“Ang swerte naman nung babae!”

Dinala niya ako sa clinic para patingnan. Sasakit itong katawan ko kinabukasan. Bakit kaya niya ako tinulungan?Tropa siya ni Frost, ang layo ng ugali nilang dalawa. Akala ko tuloy masama din ugali niya gawa ng nandoon din siya sa usual place ko at mukhang mayabang.

“Inumin mo lang to at sabayan mo ng pahinga. Wag ka muna masyadong mag gagalaw dahil bugbug ang katawan mo” sabi ng nurse bago bumalik sa table niya. Nakahiga ako ngayon sa kama. Nandito parin yung kaibigan ni Frost, narinig ko sabi ng mga estudyante Eros ang pangalan nito.

“Ahm, bakit nandito ka parin?”

“I’m just making sure you’re okay. I felt guilty because of they did to you even though I didn’t do it” seryoso niyang sabi at tumingin ng diretso sa mata ko. Kanina lang puno ng pag-alala ang mukha nito pero ngayon parang ang laking pabigat ko sa kanya. Hindi kaya guni guni ko lang yung kanina.

“Kanina pala, diba pinili ko yung may heaven, pero bakit ganito inabot ko?” tanong ko sa kanya

“It’s a trick options. You should’ve chose Sensación de muerte. You forgot that your rank composed of diliquent students, gansters,and repulsive students. Pain is heaven for them. If you chose Sensación de muerte, you’ll be pleasured to death, they will give you what things you wanted to have. Food, clothes, gadgets, you can name it.” Paliwanag niya

Ganon pala iyon. Hindi ko naman alam e. Nautakan ako doon sa parteng iyon. Hindi na ako muling nagsalita pagkatapos noon.

“Ihahatid na kita sa inyo. You can’t walk properly.”

Hala ihahatid ako? Hindi niya pwedeng malaman na sa mansyon nila Frost ako nakikituloy. Fajra isip ka ng palusot.

“Ah hindi na malapit lang naman yung bahay ko tsaka susunduin ako ng kapatid ko” pagpapalusot ko. Whew sana effective.

Buti nalang at nakumbinsi ko siya sa palusot ko kundi yare na naman ako kay Frost. Hanggang gate niya lang ako hinatid. Sinigurado ko muna na nakaalis na ang kotse niya bago ako pumunta ng parking lot. Paika-ika kong tinungo ito.

“Oh Fajra jusko kang bata ka anong nagyare sayo bakit ganyan ang itsura mo?” puno ng pag aalala ang mukha ni Kuya Ramil.

“Wag ka mag-alala Kuya Ramil. Arnis kasi ang PE namin. Masyadong competitive yung kalaban ko kaya medyo napuruhan ako.” pangalawang kasinungalingan na naman. Halata namang hindi naniniwala si Kuya Ramil sa palusot ko.

Pagdating ko sa mansyon ramdam ko na ang pananakit at panghihina ng katawan ko. Hindi pa ako nakakarating sa kwarto ko ay nawalan na ako ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...