Babysitting the Campus King

By iamsheyn03

4K 109 35

Ng dahil sa kahirapan ay gagawin lahat ni Fajra ang lahat para mabuhay ang kanyang pamilya. Sa isang hindi in... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 2

292 8 5
By iamsheyn03

“Nay, natanggal po ako sa Bar na pinapasukan ko-” pinutol agad ako ni nanay.

“Ano? Nawalan ka ng trabaho? Anong ipapakain mo samin kung ganon? Daliri nalang? Gumawa ka ng paraan kung di malilintikan ka sakin” nagagalit na naman eh di pa kasi ako tapos magsalita e.

“Nay kumalma ka di pa ako tapos, nakahanap din naman ako ng trabaho. Kaya lang kailangan dun ako mag stay, nakuha ako bilang yaya. Di na masama at least don di ako masyadong mapapagod..” sabi ko habang naghahanda ng hapunan. Yung huling natitira kong pera pinangbili ko na ng masarap na ulam dahil may trabaho na naman ulit ako.

“Edi patusin mo na yan kaysa sa wala” sabi ni Nanay habang nagsisindi ng sigarilyo.

“Paano na sila Blaze at Fiery? Sinong mag aasikaso sa kanila?”

“Aba anong tawag mo sakin? Lasiggera lang ako pero di ako imbalido”

Wow naman Nay, kailan mo sila inasikaso? Lagi ka nga nakatambay dun sa bahay ng mga kaibigan mong chismosa. Duda ako sa babantayan niya mga kapatid ko. Kakausapin ko nalang si Blaze para asikasuhin si Fiery araw- araw.

“Blaze, ikaw na bahala kay Fiery ha, nakuha kasi ako bilang Yaya kaya dun ako tutuloy, uuwi naman ako sa weekends. Alam mo naman si nanay hindi kayo maasikaso non” sabi ko sa kapatid kong lalaki.

“Ako ng bahala Ate basta mag iingat ka lagi ha, alagaan mo sarili mo don. Mamimiss ka namin ni Fiery” Aba’t loko to ah, akala mo mag iibang bansa ako

“Ate san ka pupunta bakit ka nag iimpake ng mga damit mo? Aalis ba tayo” sabi ni Fiery na bunso namin.

“Magtatrabaho kasi si Ate at kailangan dun ako matutulog” hinawakan ko ang kamay ng bunso kong kapatid.
“Pag uwi ko may pasalubong kayo ni Kuya sakin ha, tulungan mo si Kuya dito sa bahay ha” Ngayon palang namimiss ko na ang mga kapatid ko. Kung di lang talaga namin kailangan hindi ko na tatanggapin ito. Bakit ka kasi maagang nawala Tay, kung nandito ka sana tulong tulong tayo.

Gara! Hindi naman bahay to, Palasyo ata to. Grabe ang ganda ng garden andaming mga bulaklak. Iba naman pala si Lolo Salvador big time. Siguradong matutuwa sila Blaze at Fire kapag nakita nila to. Pangarap kasi namin magkakapatid magkaroon ng bahay na ganito kalaki. Pumasok na yung kotseng sinasakyan ko sa napakalaking gate. Wow automatic! Gate palang halatang mamahalin.

“Miss Fajra andito na tayo” sabi ni Robert. Siya pala ang naghatid sakin dito sa Mansyon. Iginiya niya na ako papasok sa mansyon.

Kung maganda sa labas ay triple naman ang ganda sa loob. Spanish style ang mansyon na ito at mayroong tatlong palapag. Grabe nagkakakitaan pa ba mga tao dito. Halatang mamahalin ang mga kagamitan dito. Mukhang mas mahal pa ang mga to kaysa sa buhay ko. Wag sana ako makabasag kung di yare ako wala akong pambayad. Pagdating sa sala ay may nag aantay saming babae na nasa mid-50s.

“Good Morning, ako nga pala si Felicidad, Feli nalang, ang mayordoma ng mansyon na ito. Ikaw na siguro ang sinasabi ni Don Salvador na magiging Yaya ng Senorito” Para siyang si Miss Michin ang taray. Pati porma gayang gaya. Hanep nasaan si Sarah?.

“Fajra po. Ako nga po iyon. Kumusta po kayo?Ako po kasi okay lang” at mukhang nagulat ang mayordoma sa asta ko. Si Robert naman na nasa gilid at medyo natawa. Inismiran lang ako ni Nay Feli at dinala sa kwartong tutuluyan ko.

“Dito ang kwarto mo” sabay bukas ng pinto sa isang silid.

“Hanggang first floor ka lang. Bawal ka sa pangalawa at tatlong palapag, dahil andon ang kwarto ng mga may-ari. Pawang mga bisita at pamilya lang ang pwede doon. Intiendes?” sabay taas ng isang kilay.

“Po?Edi ba po Yaya po ako ng apo ni Don Salvador? Paano ko po maalagaan kung hanggang first floor lang ako?” Naguguluhan kong tanong sa mayordoma.

“Ano bang akala mo ang aalagaan mo? Sanggol? Nakakapaglakad na yon kaya hindi mo kailangan tutukan magdamag. Mauna na ako at madami pa akong aasikasuhin.”

Umalis na ang mayorma. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Well,di na masama para sa isang tao. Sobrang ayos nga nito kumpara sa higaan namin sa bahay. Gara! May aircon at TV. Bathroom naman ang sunod kong tiningnan. Gara mas malaki pa to kumapara sa sala namin sa bahay. Inilabas ko na sa bag ko ang mga damit ko at nilagay sa cabinet. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Teka asan pala yung aalagaan ko? Parang wala naman tao dito miski bata eh. Makatulog na at maaga pa ang pasok ko bukas.

“Ayan na siya”

“Omg she’s here na”

“Buti nga sa kanya akala mo kasi kung sinong matapang”

Ganyan ang naririnig ko habang naglalakad sa corridor. Ano na naman bang ginawa ko? Baka nagagandahan lang sakin. Pagpasok ko sa classroom nakakapagtaka kasi wala pang tao miski isa. May program ba? May di ba ako alam? Asan ang mga tao. Tuloy tuloy akong pumasok at pumunta sa pinakadulo kung saan ako nakaupo pero bago ako makarating sa dulo nadulas na ako. Pakshet ang sakit sa pwet. Sinong Poncio Pilato ang naglagay ng oil sa sahig, at ang galing ha sa tapat pa ng upuan ko. Ang sakit ng balakang ko grabe. Pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga magawa. Lalong sumasakit lang pag sinusubukan ko tumayo. May mga pumasok na estudyante at nagtatakang tumingin sakin.

“Ms.Isidro what are you doing?” tanong ni Mr. Consuelo

“Ah.. Eh nag eexercise lang po Sir. Yoga. Tama sir yun nga medyo rumurupok na kasi yung mga buto ko e kaya kailangan ma stretch ng konti hehe.” napapikit nalang ako pagkatalikod ko sabay upo. Nakakahiya umagang umaga.

Nag ring na ang bell hudyat na dismissal na. Ang mga classmates ko kanina na parang patay na bata naging maliliksi at nakipag unahan pa lumabas.

Habang papunta ako sa cafeteria may estudyanteng bumangga sakin. Gara!Natapon ang dala niyang orange juice at spaghetti, mukhang sinakto pa sakin. Great! Just great. Hindi pa nakuntento may pumatid pa sakin. Sakto yung mukha ko sa floor. Jusko pang ilang kamalasan na ba to ngayon. Nakita kong may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa bulletin board. Ano kaya yon? May announcement kaya si Dean? Pagkalapit ko don ay biglang nahawi ang mga estudyante at tumingin sila sakin. Okay, what’s happening? Pagtingin ko sa harapan ko ay ganoon nalang ang gulat ko sa kung ano nakapaskil sa bulletin Board. It’s no other than me! Nakalagay ang picture ko don at may malaking “P A R I A” na nakalagay. Anong ibig sabihin noon?.

“Poor girl, you are now part of the Paria rank. May bago na ulit tayong prospect girls” sabay tingin ng babaeng blondina sa dalawa niya pang kasama. Wait? Ano kayo mean girls? Taray!

“Expect your life here to be miserable bitch” sabay irap sakin at umalis na.

Paria? Rank? Anong meron? Kung sipain ko kaya mga mukha nila. Kainis.

Imbis na pumunta sa caf ay dumiretso ako sa usual place ko. Pinunas punasan ko yung mantsa ng orange juice at spaghetti sa uniform ko. Wala pa man din akong dalawang extra.

“Are you okay?”

“Ay palaka!” bigla bigla naman nangugulat. Sino ba yon. Owww. Ang gwapo Fajra. Ha! Erase erase wag kang malandi. Wait, kasama to nung lalaking nabangga ko nung isang araw ah.

“Ikaw kaya tapunan ko ng ganito tas tanungin kita ng Are you okay anong isasagot mo?” Mataray kong tanong. Seryoso ba siya? Mukha ba akong okay? Badtrip ako. Badtrip.

Natawa ng mahina yung lalaking apat ang dipa ang layo sakin. Aruy! May dimples si pogi. Ang cute niya ha in fairness.

“You are really something” bigkas niyang mahina.

“Ano yon? May sinasabi ka ba”

“Nothing. You are now part of the Paria rank huh, be careful and be prepared” sabi niya habang sa malayo nakatingin. Bastos na lalaki, cute ka sana, andito ako pero anlayo ng tingin.

“Teka teka naguguluhan nga ako e. ano ba yang Paria Paria rank ang sinasabi mo? Yan ba yung puntahan tuwing may Fiesta? Oh yung bagat na wala ako? O baka naman ay pa raffle dyan? Anong prize? blender na binebenta ng mga bumbay konting ikot lang sira na?” naguguluhan kong saad.

“No silly. In this University we have rank to maintain peace and segregate students according to their statuses.”

Ano daw? Bat may ganon ang school na to. Mga pauso di naman birthday.

“The first rank is the Clase Alta. These students are the heir and heiresses. Mga stockholder ng schools ang mga magulang. They are the most richest person in this schools and the superiors, so do not mess with them”

“Second rank is them Clase Media. The middle class.”

“Third rank is the Clase Baja. These students are the scholars of the university. They are only here because they are smart,but without that they are nothing.”

“Last but not the least, the group you belonged. The Paria or the outcasts. Mostly sila yung mga deliquent students. Mga may punishment. Magulo ang group na to and prone kayo sa mga bully. In short, Low class” sabay tingin sakin.

Ay grabe pagkasabi ng low class sabay tingin sakin ah. Teka diba dapat sa Clase Baja ako naka rank?

“Teka, bakit nasa Paria ako? Dapat nasa Clase Baja ako” gatol ko sa kanya.

“Simply because you mess the owner of this school” napaka kalma niya magsalita. Saan rank ba to kabilang? Siguro sa Clase Alta to, kaibigan niya yung mokong e.

“Ano? Wala nga akong kaaway dito sa school. Wala nga akong pakielam sa mga tao dito. May natatandaan- Wait, so sinasabi mo yung mokong na yon ang may ari ng university na to?” gulat kong tanong

“Precisely, scholar ka nga. Kaya mag iingat ka”

Dapat na ba ako mabahala don? Pero takte ka Fajra anak pala ng may ari ng school na to ang binangga mo. Konting sumbong niya lang sa magulang niya mapapatalsik ka sa school na ito karakaraka.

Matapos ang klase naka abang na ang isang driver sakin. Si Kuya Ramil. Mga nasa 40’s na ito. Sabi ko naman kay Lolo Salvador wag na ako ipasundo at kaya ko naman mag commute, pero wala ganon talaga pag uugod ugod na tumitigas ang ulo. Joke sorry po Lord bad yon.

“Hello po Kuya Ramil, tara na po” masaya kong bati sa kanya

“Hello din Fajra, anong nangyari dyan sa uniform mo bat puro mantsa?” nag aalala niyang tanong.

“Ah wala po namali kasi ako ng hawak sa plato ng pagkain ko kanina kaya natapon sa uniform ko” palusot ko nalang. Ayoko naman sabihin na binubully ako dito no baka sabihin pa kay Lolo Salvador. Ayoko na dagdagan ang isipin non.

“ikaw talagang bata ka” Natatawang umiling nalang si Kuya Ramil.

“Kuya Ramil, asan nga pala sa bahay yung aalagaan ko?Kahapon kasi wala naman akong bata na nakita don, Si Nay Feli lang at ibang katulong ang nandon?” sabi ko sa kanya.

“Bata?Anong bata? Si Señorito ba? Wala siya kahapon sa mansyon. Nasa kaibigan niya siya nakituloy kahapon dahil may party daw. Pero mamaya nasa bahay na yon.”

Pagdating ko sa mansyon ay dumiretso na muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Gumawa na din ako ng assignment para wala na akong gagawin mamaya. Baka dumating na din yung apo ni Lolo. Pero alas diyes na wala pa rin ang apo niya. Si Lolo Salvador talaga, wala naman ata apo yon e. Wala naman ako magawa dito. Susweldo akong walang ginagawa. Hmm, kumusta na kaya mga kapatid ko sa bahay. Ayos lang kaya sila don. Nakahiga lang ako sa kama habang nag mumuni muni.

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng uhaw. Paglabas ko ay patay na lahat ang ilaw. Dahan dahan akong lumakad ng marinig kong may nagkakalikot sa kusina. Teka, pag ganitong oras nasa kwarto na lahat ang mga katulong. Baka magnanakaw yon Fajra umayos ka nga. Anong gagawin ko? Baka mamaya saktan pa ako non. Hindi Fajra huwag kang duwag, mga tambay nga sa kanto niyo napapatumba mo e, sisiw lang sayo to. Dahan dahan akong lumakad sa kusina at kinuha ko sa side yung rolling pin. Yare ka sakin ngayon wala kang kawala.

“Shit! What the hell. Ouch Stop it!” aba iba talaga pag mayaman, mayaman din ang magnanakaw spokening dollar!

“Hoy wag kang magnanakaw dito” sigaw ko sa kanya habang patuloy siya hinahampas. Biglang bumukas ang ilaw. Nakita kong si Nay Feli ang nagbukas non.

“Anong nagyayare dito?” ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita kami.

“Fajra anong ginawa mo kay Señorito?” Gulat niya tanong

Tumingin ako sa katabi ko at ganon din ang naging gulat ko ng mapagtanto ko kung sino ang pinaghahampas ko ng rolling pin. Ang sama sama ng tingin sakin ng mokong.

“You!” duro niya sakin habang nanggagalaiti.

“What are you doing in my f*cking house?!” Hala siya galit na galit talaga.

“Fajra bakit mo ba pinaghahampas ng rolling pin si Señorito Frost?” pinagsasabihan ako ni Nay Feli.

“Pasensya na po. Akala ko kasi magnanakaw. Kinabahan lang po ako.” nakatungo kong sambit. Gamit ang pinaka nakakaawa kong boses.

“What?Do I look like a thief to you? You are the most stupid person I ever met in my entire f*cking life!” Di maka move on? Ano ka ba Fajra ikaw kaya paghahampas hampasin ko ng rolling pin tingnan natin kung di ka din sumabog sa galit.

“What's so funny? Why are you laughing, stupid?” pigil ko ang tawa ko. Paano ba naman kasi mukha siyang si Hellboy, namumula sa galit at may bukol sa noo at namumula mula HAHA.

“Fajra, siya si Señorito Frost ang apo ni Don Salvador. Siya yung apo na aalagaan mo”

“What?!”

“Ano?!”

Oh no. Ito ba yung sinasabi ni Lolo Salvador na aalagaan ko? Akala ko bata. E makakagawa na to ng bata e. Charot. I mean kailangan pa ba nito alagaan eh ang laking bulas nga. Patay kang Fajra ka.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 79K 165
Sml? An epistolary.
298K 5.6K 40
Sophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her u...
88.6K 2.7K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...