Athena Guevara Series: Cruel...

By bad_bloodSucker

174K 9.3K 2.8K

Athena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
AUTHOR
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
♥️♥️♥️♥️♥️

Chapter 17

3.4K 240 45
By bad_bloodSucker


Pag labas ko ng banyo ay nanatili parin  tulog si Rachel kaya mas mina-buti kong lumabas at mag libot-libot sa labas.

Sa loob ng isang buwan ko dito ay masasabi kong malaya akong mag lakad-lakad sa buong lawak ng bahay o masasabi kong mansion kamo sa ilang araw na malaya akong gumala sa loob ng bakuran ng mga Lazaro ngunit kahit ni katiting wala akong makitang paraan para makatakas man lang.

Bukod sa pinapalibutan ng mga bodyguards ang bawat sulok ng bahay na ito. Ay may mga CCTV din nakakabit sa bawat sulok ng bahay.

Kaya napaka imposible talaga akong makatakas dito, siguro kaylangan ko munang malaman kung nasaan lumapalop ako at maka isip narin ng paraan at pag planuhan ng mabuti ang pag takas ko dito.

Isa din sa nag papagulo sa utak ko ngayon ay ang pag tawag ni Ayesha kay Rachel. Bakit may communication silang dalawa? May tinatago ba ang kapatid ko sa akin ng hindi ko alam? Kung alam niya kung nasaan ako bakit di niya ako isuplong kina Mama Sandra at Althea.

"Iha, gising kana pala. Halika at maka pag almusal kana dn." Pag aaya ng matanda.

Diko napansin na andito pala siya sa may garden habang nasa likuran niya ang dalawang bodyguards.

"Come on iha, sabayan mo na ako. Total may pag uusapan din naman tayo."

Huminga na lang ako ng malalim bago napag pasyahang lumapit rito at umupo sa harapan niya.

"Kain, kain anak." Masiglang pag aya nito.

Isa pa ang matandang to, diko alam bakit kinukunsinti niya ang kahibangan ng anak niya.

"Anong gusto mong pag usapan natin?" Walang emosyong tanong ko rito.

Ngumiti lang ang matanda at nilinis ng table napkin ang bibig niya. May anong hiningi ito sa bodyguard niya na nasa likuran niya na inabutan naman agad ng isang puting folder.

Bigla nitong hinagis sa harapan ko na ikinakunot ng noo ko.

"Open it... And read it."

Naguguluhan man ay kinuha ko ito at binuklat isa-isa. Unang bumungad sa akin ang larawan ng kumbento na kelan lang binili namin sa may Bulacan.

"Ano to?" Kunot noo kong tanong.

Instead on answering me he just smirk at me at pinaksaklop ang dalawa niyang kamay at pinatong ang baba doon.

"Let me tell you a little story Athena."

"I'm not interested--"

"Well you should be!" Biglang tumaas ang boses nito na iknagulat ko. "Dahil doon nag simula ang lahat. Na dapat ko lang ipaalala sayo." Puno ng panunumbat at galit.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Open it, one by one. Nanjan lahat ng sagot sa mga tanong mo." Tinuro niya ang folder na hawak ko kaya muli ko itong binuksan.

"Remember that placed iha?"

Tukoy nito sa larawan ng lumang bahay ampunan na nakita ko.

"Yes, dahil binili to ng anak mo--"

"Bukod doon." Maagap na putol nito.

Taimtim lamang ako nakatingin rito at ganon din siya. Diko siya sinagot at una ng binawi ang tingin ko at muling tinuon ko na lang ang atensyon ko sa folder na hawak ko.

Because honestly...... It's a yes, Maraming alaala sa akin ang lugar na ito. Nung dinala nga ako ni Rachel dito noon for deed of sale nila ni Mr. Lazaro ay lubos kong ikinagulat. Ngunit diko lang pinahalata.

"I think it's a YES then...... You've been in that placed bago kapa dinala ni Rachel for contract signing."

"Ano ba gusto mo palabasin Mr. Lazaro?!" Taimbaga kong tanong.

"Like what I said, let me tell you a little story Athena."

"There was this a lovely spanish woman I've fell in love so bad, niligawan ko siya for how many days, months, years... Hanggang sa umabot na kaya ng isang taon kalahati. Hanggang sa naging kame di nag laon, at ang araw na yon ang pinaka masayang araw ko. Halos lahat binigay ko sakanya, but one day nag bago ang lahat, nakipag hiwalay siya sa akin, dahil utos ng mga magulang niya. Di ako naniwala dahil alam kong botong boto sa akin ang mga magulang niya, until I found out the real reason kung bakit siya nakipag hiwalay,"

Napatigil ako sa pag lipat ng larawan at inangat ang tingin ko sa matanda.

"Because she wants to become a nun." Tumawa naman ng malakas ang matanda na parang sinasariwa niya ang nakaraan niya.

"I let her.... Pinabayaan ko siya, and viola.... She's officially become a nun, but after she taking her final vow, lumapit siya sa akin and telling me she's 3 months pregnant na labis kong kinagulat at ikinatuwa ng lubos Athena. Kaso ang problema gusto niyang ipalaglag ang bata na labis kong tinutulan, I blackmail her na ikakalat ko ang pag bubuntis niya kapag nilaglag niya ang anak ko. Kaya natakot din siya na masipa sa kumbento kaya tinuloy niya ang pag bubuntis. Bilang may ari ng kumbentong pinag sisilbihan nilang mga madre ay nagawan ko ng paraan para e-excuse siya sa pinaka mataas sa kumbento. And it's a blessing in disguise they let us. Lumayo kame hanggang sa makapanganak lang ang asawa ko." Tumigil pa ito at ininom ang kape niya na sa tingin ko ay malamig na.

"Until she gave birth to my beautiful daughter. That day, I become an officially Father when i heard my daughter first cry." Muli itong tumawa at napapa iling-iling pa.

"And believed it or not iha, after she gave birth to our daughter ay walang pasabi niya kameng iniwan at bumalik sa bokasyon niya. So selfish right? Well she is.... Iniisip niya kasi sarili at kahihiyan niya, what a worthless woman I've ever meet. Lumipas muli ang buwan taon, hanggang sa naging tatlong taon ang anak ko ay bumalik kame sa kumbento para balikan ang mga naiwan kong trabaho doon, dinala ko ang anak ko at masayang pinakilala sana sa lahat ngunit maagap akong pinigilan ng asawa ko para wag ko ng ituloy ang balak na ipakilala ang bata sa lahat bilang anak ko dahil kung hindi umano ay sasaktan niya ito.

"Pumayag naman ako dahil kaya ko naman buhayin ang anak ko ng hindi siya kinakailangan sa buhay namin. Nasa tabi ko lang siya lagi buong buhay niya, pina aral sa pamamagitan ng pagtuturo ko sakanya ako ang naging teacher, Ina at Ama niya, pati sa hilig ko sa musika ay tinuruan ko din siya kung paano mag patugtog ng piano.  Hanggang sa isang araw, kaylangan kong lumuwas dahil may business meeting ako sa Manila, iniwan ko ang anak ko mag isa sa kumbentong yan, nung bumalik ako... Naabutan kong umiiyak ang anak ko sa kwarto niya puno ng pasa sa katawan pati mukha di pinalampas. Tapos nalaman ko, sinasaktan siya ng Ina niya. Not once, twice, trice...dahil sunod-sunod pa. She a buttered child Athena, my daughter is a buttered child sa kamay ng sarili niyang Ina."

"Why are you telling this to me? Anong koneksyon ko sa nakaraan ng anak mo?"

"Madami..... At malaki Athena, sobrang laki."

Kunot noo lamang akong nakatingin rito.

"How about the name of Carmela? sounds familiar to you am I right?"

Agad napalitan ang expression ko ng marinig ko ang pangalan nabanggit niya.

At sa pangalawang pagkakataon diko siya sinagot at inisa-isa muli ang mga larawan na nasa harapan ko.

Habang ang kasunod ay mga larawan namin ni Mommy Ofelia kasama ang mga madre at mga batang ulila.

Bigla niyang inagaw sa akin ang folder na hawak ko at may kung anong binuklat doon at ng makita niya ay binagsak niya ito sa harapan ko.

Ang batang inakbayan ko at masiglang nakangiti sa harapan ng camera.

And that picture contain of image, of Carmela......... And me.

"Someone caught your attention right?"

Don't tell me.....

"Yes.....And She.is.my.daughter Athena."

Napa angat bigla ang paningin ko kay Mr. Lazaro ng sabihin niya ito na bakas ang gulat sa aking mukha.

"And Yes again Ayen, tama ka..... Si Rachel at si Carmela ay iisang tao lamang. Do you still remember that day you leave her hanging alone? Waiting for nothing?"

Bigla ko naman naalala ang huli naming pag uusap ni Carmela noon ng nalaman kong sinasaktan siya ng kanyang Ina.

"Save me from my Mother Ayen, ayaw ko na dito please."

"Oo tutulungan kita Carmela, promise babalikan kita mamayang gabi. Hintayin mo ako."

"Tama ka Ayen, hinintay ka niya ng gabing yon. She waited at you for nothing!"

"I'm just a kid back then Mr. Lazaro, wala pa akong isip that time--"

"Nandon na ako Athena! Andoon na ako!! Pero hindi naman yun ang pinuputok ng butchi ko! Ang akin lang ng gabing hinintay ka niya ay naabutan siya ng kanyang Ina. Halos patayin na siya ng gabing yon, hanggang sa di naka tiis si Carmela tumakbo siya papalayo sa kanyang Ina at sa hindi si nasadyang pagkakataon nabangga ko ang sarili kong anak ng gabing yon!" Di na nito napigilang tumulo ang luha niya.

"Halos ikimatay ng anak ko ang aksidenteng yon Athena! Do you ever know na na comatose siya for almost a year!! Alam mo ba yon? Hinde!!! Dahil wala kang pake alam sa anak ko!"

"Mr. Lazaro--"

"When she woke up again, that's the day I forgive you. Pasalamat ka buhay ang anak ko, dahil kung natuluyan yon. Babalikan at hahanapin kita para pag bayaran ang ginawa mong pag papangako na wala man lang palabra de onor."

"Sabihin na natin kasalanan ko ang nangyari sakanya. Ngunit ang araw ding yun ay napa ka importante din sa akin Mr. Lazaro, dahil ang araw ding yun ay nawawala ang kakambal ko, dahil kinuha siya ng aming Ina na walang paalam."

Ang araw din kasi nun ay bantay sarado kameng mag kakapatid kay Papa. Natatakot siya noon na baka pati kame tatlo nila Arabella, Ayesha at ako ay makuha ni Mama Sandra.

"Bat dika dumating Athena, alam mo ba na ikaw ang nag pabago sa anak ko? Nang dahil sayo natututong ngumiti si Carmela. Naging pala-kwento at higit sa lahat naging masiyahin, pero ano ginawa mo?"

"Ang araw ding yon na nagising ang anak ko, at alam mo bang ikaw ang una niyang hinanap sa akin. Ngunit wala akong maiharap na Ayen sakanya, naki usap siya sa akin na hanapin ka. Ginawa ko naman, ngunit di ganon kadali, dahil napag alaman kong wala kana dito pala sa Pilipinas. Sinabi ko yon sa anak ko, ngunit di niya matanggap at nag simula na siyang maging balisa, bumalik ang kalungkutan sakanyang mga mata, di nag sasalita na akala mo may sariling mundo, bumalik ang kalungkutan niya. Sinasaktan siya muli ng kanyang Ina, binu bully ng mga ibang bata, wala na siyang tagapag tanggol Athena, dahil wala ka para tulungan ang anak ko. Hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahang pangyayari na labis nag pabago sa anak ko."

Taimbaga niya akong tiningnan ngunit di din ako nag patalo rito sa titigan.

"A-and what is it?" Nauutal kong tanong.

"She killed her own Mother."
_____________________________________

Someone's Pov

"Anong ginagawa niyong dalawa dito ha?!"

"Aba iho, baka nakalimutan mo atang katapusan ng buwan ngayon, araw ng delivery ng mga pagulay ni Don Lazaro."

"Madami pang stocks si Señor Lazaro tanda."

"Brandon, ano na naman ba yan? Ke aga-aga inaaway mo na naman si Tonyang at Tasyong."

"Eh ang kulit kasi ng dalawang matandang to." Pinag tuturo niya pa ang dalawa sa harapan niya.

Hinampas naman ng matandang katiwala ang kamay ni Brandon at sinaway muli.

"Ikaw talaga lalake ka, wala kang galang sa matatanda. Umalis ka nga jan at pipili ako ng gulay, isda at karne. Ubos na ang stocks natin, ke tatakaw niyo pang mga lalake kayo."

Napakamot naman ng batok si Brandon na parang nahihiya sa sinabi ng matandang katiwala ng mga Lazaro.

Habang namimili ang matandang katiwala ay may panaka-nakang nag uusap silang tatlo, hanggang sa matapos ng naka pili ang matanda ay inutusan na niya si Brandon na mag bayad sa dalawang matanda.

"Oh ayan! Lumayas na kayo dito dahil ang babaho niyo."

"Brandon!" Saway muli ng matandang katiwala na ikina iling na lang. "Wag niyo na pansinin, napagalitan na naman ata ni Señor Lazaro kaya mainit ang ulo."

"Sanay na kame sa lalakeng yan ano kaba, o siya mauuna na kame at luluwas pa kame ng Manila para mag deliver sa mga suki namin sa palengke."

"Ingat kayo sa byahe, at ako'y mag luluto pa. Baka magising na ang mag asawa."

"Anjan pala si Señorita Carmela at nag pa kasal na pala ang batang yoon,"

"Aba oo... Pinakasalan niya ung kababata niya. Nakakatuwa ane,"

"Are'y may bisita pala kayo?" Napatingin ito sa gawi kung saan nag uusap ang matandang Lazaro at si Athena.

"Yan na ang asawa ni Señorita Carmela, ayy mauuna na ako, gising na pala si Señorita Athena."

"Ba--babae ang napangasawa ni Señorita?" Di maka paniwalang tanong ni Tonyang.

"Oo... Jan na kayo at mag luluto pa ako."

Naiwan naman na katulala ang dalawa at muling sumilip sa loob kung nasaan nag uusap ang dalawa.

Napansin nilang tumayo na si Athena at humarap sa gawi nila para makita nila ng husto ang kabuuang mukha nito.

"Tasyong, parang pamilyar sa akin ang batang yan,"

"Ha? Pano mo naman na sabi na pamilyar sayo ang batang yan?"

"Parang nakita ko na talaga ang batang yan." Napa isip pa si Tonyang habang inilalagay sa baba niya ng hintuturo. "Ahh!! Naalala ko na!!"

"Hoy!! Mga malalansa! Di ba sinabi kong lumayas na kayo dito!? O baka gusto niyo ipahabol ko kayo sa mga aso namin dito." Muling sita ni Brandon sa dalawang matanda.

"Oo na!! Kala mo naman sakanya ang bahay kung umasta," bubulong bulong na sagot ng matandang babae.

"Anong sabi mo?!"

"Wala--wala wag mo ng pansinin, paalis na din kame. Tara na Tonyang para di tayo gabihin." Pag tatakip naman ng matandang lalake.

Habang nasa biyahe sila ay muling binuksan ni Tonyang ang usapan kung saan niya naalalang nakita ang babaeng kausap ni Mr. Lazaro.

"Tasyong,"

"Ohh?"

"Naalala mo ba ung magandang dilag na bumili sayo noon sa pantalan?"

"Magandang dilag? Naku Tonyang ang daming magagandang dilag na nakabili sa paninda ko, kaya alin doon?"

"Yabang mo talaga matanda ka! Ung babae na binigyan mo ng malaking discount, ung babae tumulong sa atin noon kay Brandon nung humingi na naman sana sila ng lagay sa atin."

"Ahh... Oo naalala ko na, ung mistisang payat na maganda at sexy?"

"Oo yun nga."

"Oh, eh hindi naman siya ung babae kanina kausap ni Señor--- teka....." Parang naka alala naman ang matandang lalake na ikina pilantik ng daliri niya sa ere. "Siya ung nanapak kay Brandon noon, ung babaeng dumating para tulungan si tisay sa pambabastos ni Brandon noon sa pantalan."

"Yun nga gusto kong sabihin sayo kanina pa, ano?! Siya un diba?"

"Oo siya nga. Diko malimutan ang mukhang un eh, pareho kasi silang maganda dalawa."

"Diba yun ung asawa niya? Sa pag ka alala ko pinakilala ng tisay na un na asawa niya ang babaeng dumating."

"Diko na maalala eh, pero kung gayon man. Baka hiwalay na sila at nagpakasal sa iba at si Señorita Carmela na nga ang bago."

"Sayang bagay pa naman sila."

"Hay naku, wag na tayong make alam pat at mas mabuti pa isipin na lang natin itong paninda natin, para may makain pamilya din natin pag balik natin sa Isla."

Nag kibit balikat lang ang matandang babae at muling tiningnan ang hawak niyang listahan. Di nag laon ay nakarating na din sila ng Maynila dala ang mga dineliver nilang gulay at prutas.

Habang nag titipa ng pera ang matandang babae ay may biglang humablot sa pera niya at itinakbo ito.

Na ikinasigaw niya para humingi ng tulong. Hahabulin sana ng matandang lalake ang magnanaka ng sa isang iglap lang ay naka dapa na ito sa lupa dahil may biglang pumalo sa dibdib nito gamit ang isang kahoy.

"Tsong napatay mo ata?"

"Buhay yan, kung patay man edi ideretcho mo sa morge." Walang emosyon na sagot ng babae sabay hablot ng pera sa kamay ng lalake.

Nag lakad ito papalapit sa dalawang matanda na nakanga-ngang nakatingin sa papalapit na babae.
Nag katinginan p silang dalawa at muling tumingin sa babaeng tumulong sakanila na na nasa harapan na pala nila.

"Eto na po ung pera niyo,"inabot niya ang pera sa dalawa at napamulsa. "Yayain ko sana kayong samahan ako sa prisinto para makapag sampa ng kaukulang kaso sa mag nanakaw na yan. Kung hindi naman, baka ako nalang mag papakulong sa lalakeng yon."

Ngunit wala siyang makuhang sagot sa matanda dahil nanatili paring nakatingin sakanya.

Tumikhim na lang ito at nag paalam ng matiwasay bago niya tinalikuran ang matatanda.

Ngunit napatigil siya ng muli siyang tawagin ng matandang babae.

"Di--diba nasa Isla ka?"

"Ho?"

Bumaba ang tingin ng dalawang matanda sa chapang nakasabit sa pantalon ng babae.

"Police ka pala?"

"Opo."

"Swerte naman ni Señorita Carmela."

"Ho?" Kunot noong muling tanong nito sa dalawang matanda.

"Wala--wala.... Salamat nga pala sa pag balik ng pera namin."

"Tungkulin ko po yon Ma'am. Sige po, mauuna na ako." Magalang na paalam muli nito at tinalikuran na ang matatanda.

"Ingat ka sa pag uwi Athena."

Napatigil ito sa pag lakad ng marinig niya ang pangalang tinawag sakanya ng dalawang matanda.

Agad itong lumingon at kunot noong nag tanong muli.

"Anong tawag niyo sa akin?"

Nag katinginan pa ang dalawang matanda at muling tumingin sa kausap.

"Athena, di ba yan naman ang pangalan mo iha?"

"Maari ko bang malaman kung saan niyo nakita ang sinasabi niyong Athena?" Taimbagang tanong nito sa matanda.

Sa pangatlong pagkakataon nag katinginan muli ang matanda na parang naguguluhan.

"Sa Isla De San Miguel sa lupain ng mga Lazaro."
__________________________________
To be continued......

Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 391 20
ဒီကောင်မလေးကို ပြန်ပေးဆွဲထားတာဘာအတွက်လဲ ချစ်လို့လား ကြိုက်လို့လား လိင်ကိစ္စကြောင့်လား မဖြစ်နိုင်ဘူးလေ မင်းက Asexualတစ်ယောက်လေ.... possessive type, Re...
245K 47.6K 128
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
32K 4.4K 65
🐾️ Caractors වෙන වෙනම introduce කරන්නෙ නම් නෑ.. 🔞 කොටස් සහිත නිසා කැමති අය විතරක් කියවන්න හොඳේ. Daily Updates නම් දෙන්න බැරි වේවි.. පුළුවන් ඉක්මනට...
His burning desire By charmi

Mystery / Thriller

49.9K 3.3K 29
"he was her dark fairytale,and she was his twisted fantasy" 〜⁠(⁠꒪⁠꒳⁠꒪⁠)⁠〜 This is psychopathic Romance novel which is mix of office rom-com+marriage...