Sweetest Mistake (GXG Complet...

By TroylaTwifs

520K 18.9K 1.8K

Si Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirsty Six
Thirty Sex
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Fourty
Fourty One
Fourty Two
Fourty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Fourty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Extra Chapter 😉
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Extra Chapter
Sixty Three
EXTRA CHAPTER

Sixty Four

9.6K 302 31
By TroylaTwifs

Zarren's POV:

Tumigil ang tricycle sa harap ng isang napaka gandang hotel, bumaba ako at pumasok na sa loob. Habang nasa elevator at tinutunton ang pang limang palapag mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko.

Gosh! Ano ba to?!

Pag labas ko ng elevator agad kong hinanap ang room 202 kung saan ko dapat ihatid ang item na daladala ko.

Ng makita ko ang kwartong hinahanap ko nag pakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok sa pinto.

Walang sumasagot kaya minabuti kong muli itong katukin, bigla itong bumukas at tumambas sa akin ang madilim na kwarto. Wala man nakabukas na ilaw, bigla tuloy akong nakaramdam ng takot.

Naglakas loob akong mag salita, para siguraduhin muna kung may tao ba talaga sa loob o wala.

"May tao ba rito?" lakas loob kong tanong.

"Come in."

Nagulat pa ko ngay biglang nag salita, boses iyon ng isang babae pero kahit papano ay parang pamilyar.

Pumasok ako sa loob at parang nasa isang haunted house na pabagsak na sumara ang pinto. Kinikilabutan tuloy ako sa mga nangyayari.

May kung anong liwanag akong na aaninag sa bandang unahan kaya minabuti kong pumasok pa sa loob, baka nandun yung taong nag patuloy sakin.

Pero yung takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng kung anu ano emosyon ng makita ko ang mga letra na nakadikit sa headboard.

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND AND BE MY WIFE AFTER WE GRADUATE?

At nakatayo roon si Tayla na may hawak hawak na bouquet habang nakangiti. Dahan dahan itong lumapit sa akin at iniabot ang bouquet na hawak nya pero imbis na tanggapin ito, kusang kumilos ang sarili kong katawan at niyakap sya ng mahigpit.

"Nakakainis ka... akala ko sumuko kana at basta basta nalang kaming iniwan." maluha luha kong sabi.

"Shhh di na mangyayari yun okay? Natauhan na ako, kailangan kong mag pakatatag para sa mag ina ko." sagot nito at dahan dahan akong inilayo sa kanya.

She wipe away my tears gamit ang isa nitong kamay.

"T-teka... kasabwat mo ba si Je?" bigla ay tanong ko.

Tumango ito at ngumiti ng mas malapad.

"Si Je na pinag seselosan mo?" mapang asar na tanong nito.

"Oo yung walang hiyang pinsan ko na yun." napangiti na rin ako dahil sa sinabi nito, totoo naman kasi.

Tayla's POV:

FLASHBACK

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagalit ng ganun si Zarren. That was the first time na nakita ko syang magalit ng ganun.

"Hoy kanina pa ko nag sasalita dito di ka naman nakikinig." untag ni Je.

Naka sakay kasi kami tricycle ngayon papunta sa hotel na sinasabi ni Je. Nag suggest kasi sya na mas romantic raw kung i-surprise ko si Zarren.

I wonder kung bakit may alam sa ganitong bagay si Je. Parang gusto kong mag hinala dito.

"Parang nagalit kasi si Zarren ng malaman nyang aalis tayo."  sagot ko dito.

"Talaga? Ibig sabihin bet ka rin ng pinsan ko. Ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa ha? Umamin ka nga sakin." saad nito.

Mukhang mapag ka-katiwalaan ko naman sya, much better siguro kong aminin ko na sa kanya lahat.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong may relasyon kami dati ni Zarren." pag uumpisa ko.

"Hmmm about dyan honestly may kunting hint ako, iba kasi yung mga titig mo sa pinsan ko. At ganun rin sya sayo." saad nito.

"Pano ba sya tumitig sakin?" excited kong tanong dito.

"Masama sya kung tumitig sayo." sagot nito sabay tawa.

"Hindi nga, seryosong sagot." halata kasing pinag titripan ako nito.

"Gusto mo pa atang kiligin ha?" panunukso nito. "Oo nga masama ang tingin nya sayo, mukha kasing nag seselos kapag nilalapitan kita."

"Nag seselos?" ulit ko.

"Oo ano ka ba ang hina mo naman makiramdam, at malamang kaya nagalit yun kasi baka iniisip nyang may date tayong dalawa kaya tayo umalis." natatawang turan nito.

Ohh now I get it. Sabagay kung ako ang nasa posisyon ni Zarren mag seselos rin ako, mag kaiba nga lang kami kasi di ako papayag na umalis sya. Kaso pinag tabuyan nya pa ko ee, ang cute nya naman mag selos kung ganun.w,y

Napangiti ako sa iisiping yun.

"Ahh so ayon at kinilig ka naman. Suuus kainggit naman kayong dalawa. So totoo na may relasyon nga kayo dati bat naputol?"

"Hmmm more related sa trust issues." sabi ko nalang. "Ikaw ba? Do you have a girlfriend?" pag iiba ko sa topic.

Napatingin sya sakin dahil sa sinabi ko.

"H-huh? Wala no..." parang kinakabahang sagot nito.

"Really? Come on you can trust me." sabi ko dito.

"Masyado ba kong halata..." pag karaay sagot nito.

"Hint lang din andami mo kasing alam lalo na sa bagay na gagawin natin."

"Ahh... kaya pala. Ako kasi talaga ang nanligaw sa aming dalawa kaya may mga idea ako." pag tatapat nito.

"Ohh kaya pala."

"Yeah and I hope makatulong, pero siguraduhin mo lang na di mo sasaktan yang pinsan ko ha? Susugurin talaga kita sa Manila." banta pa nito.

"I can assure you hinding hindi na uli mangyayari yun."

Muli naming itinuon ang atensyon sa daan na tinatahak ng aming sinasakyan.

Maya maya pa ay tumigil ito sa tapat ng isang hotel.

"Nandito na tayo." saad ni Je.

Nauna na syang bumaba agad naman akong sumunod dito, at pumasok na sa loob.

Kumuha kami ng isang room good for 2days at agad na isinagawa ang pinaplano naming surprise para kay Zarren.

Kailangan naming madaliin dahil baka sobrang ikagalit na ni Zarren kapag matagal kaming nawala ng pinsan nyang si Je.

END OF FLASHBACK

"So... what will be your answer Miss Beautiful?" tanong ko kay Zarren at muling inilahad ang bouquet na hawak-hawak ko.

Malugod nitong tinanggap ang bouquet, at ngumiti ng napaka tamis.

"Yes... Tayla." sagot nito.

Yung saya na nararamdaman ko ay mas lalo lang nadagdagan dahil sa sagot nyan yun.

At dahil sa tuwa ko I gave her a quick smack on the lips at niyakap sya ng mahigpit.

"Thank you so much Zarren." humiwalay ako sa pag kakayakap at siniil sya ng halik.

This is one of the happiest day of my life, at alam kong madadagdagan pa to ngayong makakasama ko na ang mag ina ko.

Weird man para sa ibang ang sitwasyon naming ito, at malamang hindi rin maniniwala ang iba kapag sinabi kong mag ina ko sila. Well it doesn't matter as long as alam naming dalawa at ng buong pamilya ko. Honestly it's a miracle and a blessing na rin, kung noon nahirapan akong tanggapin ang kasarian ko ngayon I'm thankful kasi nag karoon ng bunga at yun ang anak namin na si Tayron.

Destiny na rin ang nag tulak para mag katagpo kami ulit ni Zarren, and ang mahalin namin ang isa't isa despite of her situation na may anak sya na anak ko rin pala.

I'm very thankful kasi binigyan nya ako ng another chance na patunayan ang sarili ko sa kanya, thank you sa kunting tulak ni Mom kapag kinakain ako ng kahinaan ng loob.

After 1 year

"Sino nanaman ba yung babaeng umaaligid sayo sa school?" halata ang inis sa mukha ni Zarren dumagdag pa ang padabog nyang pag sara sa pinto ng kotse.

Kapag ganito si Zarren na sinusumpong ng selos nakakaramdam ako ng takot sa kanya.

"Ahh ano, bagong transferee student yun na sumali sa cheerdance. Hindi nya pa kasi ata alam yung tungkol sa atin-"

"Pwes bat di mo ipaalam?! Ano kinakahiya mo ba ako?" putol nito sa sinasabi ko.

"No Love, hindi kita kayang ikahiya proud pa nga ako sayo ehh."

"Edi sabihin mo sa babaeng yun na tigilan na ang kakadikit sayo... Naku! Tayla subukan mo lang mag loko, puputulin ko yang daliri mo!" inis na sabi nito.

"Wag naman baka mahirapan na akong paligayahin ka..." biro ko dito baka sa kaling effective at lumamig ang ulo.

"Ewan ko sayo."

"Wag kang mag alala Love, okay? Bukas na bukas ipapakilala kita sa pinag seselosan mo. Ewan ko anong pangalan nun."

"Talaga?"

Kunting push pa...

"Oo nga po, kaya wag ka ng magalit..." sinadya kong mas palambingin pa ang boses.

Tinignan lang ako nito ng masama, maya maya pa ay biglang tumunog ang phone nito.

Napakunot ang noo ko dahil dun.

"Sino yang nag text sayo?" mahinahon kong tanong.

"Uhhm si Brea." sagot nito at nasa phone pa rin ang kanyang atensyon.

Tinanggal ko ang seatbelt na nakakabit sakin at lumabas ng kotse. Ewan ko pero anlaki pa rin ng selos ko pag dating kay Brea.

"Oyy Love... tara na umuwi na tayo." saad ni Zarren na sumunod na rin pala sakin sa labas.

"Bat ka ba nya tinitext?" cold kong tanong.

Bigla itong natawa, kumunot ang noo ko at tinignan sya ng may pag tataka.

"Nag seselos ka ba?" tanong nito ng may nakakalokong ngiti.

"Isn't it obvious?" inis kong sagot.

"Don't be... nag share lang sya sakin na sila na ni Cyrill." nakangiti nitong sagot at kinurot ako sa pisnge.

"Sila na?" tanong ko.

"Oo kaya wag mo na syang pag seselosan okay?" nakangiti nitong sagot.

Parang nabunutan ako ng tinik dahil dun, sa wakas hindi ko na iisiping balakid para sakin si Brea.

Walang hiya yung kaibigan ko na yun, ang buong akala ko mahilig sa lalaki. Sa bagay kapag na inlove ka walang pinipiling gender yan, sabi nga nila kapag nain love ka. Na inlove ka.

Kagaya namin...

Ganito man lage ang sitwasyon naming dalawa, laging nandyang yung selos. Agad naman naming nareresolba, di namin hahayaang lumipas ang buong gabi na di nag kakabati.

Gusto namin pareho na mas tumibay pa ang relasyon namin lalo pa at ilang taon pa bago kami ikasal.

Habang nasa byahe, inabot ko ang kamay nito at hinawakan.

"I love you so much Mimi..." saad ko at hinalikan ito.

"I love you more Love..." sagot ni Zarren at mas lalo pang hinigpitan ang pag kakahawak sa kamay ko.

The End

S A L A M A T   P O
SA WALANG SAWANG PAG BABASA AT PAG BOTO
❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

127K 6.7K 33
𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙂𝙪𝙞𝙙𝙚: •𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 •𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 Nabuntis ako boyfriend ko at hindi p...
126K 4.9K 46
My undying love for her is the reason for my living. She is mine and no one can own her unless it is me. - all characters, places and events are all...
184K 3.8K 48
That Girl Is Mine(Santillan Series #2) [COMPLETED] "Shut up your mouth and mark this words THAT GIRL IS MINE"-Haidee "I'm not kid anymore,tsk!"-Ely...
4.1K 157 22
Nang mamatay ang ama ni Lorna, natuklasan niya na nasa loob ng kaniyang mismong pamilya ang salarin nito. Dahil sa kaniyang kakulangan ng ebidensya a...