The Law Of Love

By thegirlinspain

65.2K 1.2K 185

Chanel Fairen Valientes is a perfect outside but she's broke inside. She's the girl who dreamt of to be free... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
Epilogue

26

2K 40 5
By thegirlinspain

Napahikbi ako ng maabutan si Sicji sa loob ng mansion. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"What's wrong with you? May nangyari ba? Are you okay?" salubong niya.

"Sicji... A-Alam na niya..." mas napahikbi ako.

He saw the twins. Hindi siya naniniwala sa akin na hindi niya anak sila Raia. Now, I am afraid.

"What?" gulantang na tanong ni Sicji.

"Hindi siya naniniwala sa akin kahit anong tanggi ko." pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Shhhh. Calm down. Dadaanin natin sa magandang paraan ang pakikipagusap kay Rafa." alo niya.

I don't think so. Galit siya.

Bago pa lang kaming nakauwi galing sa stranded sa tagaytay ng sinubukan kong kausapin si Rafael tungkol sa nangyari kagabi pero hindi siya umiimik. Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba naman ako para pakinggan niya diba?

"Chanel!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa pintuan, halos malalag ang panga ko ng makita si...

"Sky?"

"Chan!" lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Goodness! Ikaw na ba 'yan?" napakurap-kurap ako.

Patago kong pinunasan ang luha ko para hindi makahalata si Sky na umiiyak ako. Bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin!?

"Kailan ka pa dumating?" gulat na tanong ko.

"Last month lang! Pasensya na ah? Ngayon lang kasi sinabi ni Sicji sa akin na nandito na pala kayo haha!" tawa niya.

Umirap ako. "Whatever!"

"Wag ka ng magtampo Chan! Ampanget mo!" saway niya.

"Tss. Mas panget ka kaysa sa akin." pambubuyo ko rin.

Ngumisi siya bago ako akbayan papuntang living area. Si Sicji naman ay niyakap lang si Sky at nagbatian na rin sila bago siya pumuntang dinning area para kumuha ng mirenda.

Matagal ko ng hindi nakikita si Sky. Kamusta na ba ang lalaking 'to? May anak na ba siya? Nakamove on na ba siya kay Luna?


"Nagkabalikan kayo ni Rafael?" biglang tanong niya.


Napatanga ako bigla sa tanong niya. Is he serious? Anong nakain ni Skyler? Bakit naman kami magkakabalikan ni Rafael kung in the first place, walang kami? Boomerang lang?

"Walang kami! Gago ka! Naamnesia ka ba bigla!?" I raised my brows.

"Ows? Hindi siya kumilos? Weak pala 'yon e." bulong niya sa hangin na narinig ko naman.


"Ha?" naguguluhang tanong ko.


"Mommy! Good morning!"


I smiled widely when I saw Raia run towards me. Nakasunod si Rain na nakasimangot na naman. I sighed happily and embrace them.


"Good morning! Do you too have eaten?" I asked softly.


"Not yet." sagot ni Rain na nakatingin kay Sky na natulala ng makita ang kambal.


Tinampal ko ang tiyan niya dahilan para bumalik siya sa sarili. Ngumiwi naman siya na ikinangisi ko.

"Aray ha! Sadista!" late reaction niya.

"Ang OA 'mong depunggal ka!" tinulak ko siya kaya medyo lumayo siya sa akin.


"Is he our Daddy?" Raia asked out of nowhere.


"No!" I groaned.


Napanguso naman si Sky sa akin. Umirap ako sa kanya. Shit talaga ang lalaking 'to! Nakakainis ang kaartehan niya sa katawan!


"Duh? Akala mo naman fungi ako kung makatanggi ka Chanel! Ang gwapo ko kaya!" umirap siya bago bumaling sa mga bata. "Mas guwapo pa ako sa Daddy ninyo, baby." aniya.

"Do you know where is he?" Raia asked formally.


"Raia." saway ni Rain.


Napasinghap ako bago sila kinandong. Kalalabas pa lang nila ng kwarto dahil nakapajama pa sila. Walang pasok ngayon kaya pagkatapos nilang kakain ay natutulog na lang sila ulit o mag-aadvance reading sa mga topics nila this months.


"What? I'm just asking sa friend ni Mommy?" si Raia bago bumaling sa akin. "Your friend, Mom?" nalilitong tanong niya.

"Yes baby, he's your Tito Sky." pakilala ko.


Nanlalaki ang mata ni Raia habang si Rain naman ay tahimik lang na nakayakap sa akin. He seems don't care of what Raia's blabbering as of now.

"Woooh! Really? Like Sky on the clouds and like my twin is Rain?" aniya.

Medyo naguluhan ako sa sinabi ng anak pero napatango na lang. Nilingon ko si Sky na kanina pa nakatitig sa mga anak ko. Pakiramdam ko tuloy ay ngayon lang siya nakakita ng kambal e.


"Oh! Tito Sky right? Can we call you Papa?" baling ni Raia kay Sky.


"Ano ba 'yan Rai!" angal ko.


"Ofcourse! I'll love to!" excited na sagot ni Sky.


Hindi nila ako pinansin kaya napailing na lang ako. Rain in the other side is still quiet while embracing me. Ang cute lang kasi siya 'yong Mama's boy, while Rai can handle herself perfectly and well independently.

"Okay then. Papa." she smiled sweetly.


"Hi princess." kinandong niya si Rai.


"Papa! I wish you are my real Dad." she pouted.


"Don't say that Raia." I warned.


"Yey! May Papa na ako!" niyakap ni Rai si Sky. "Omy Rain! May Papa na tayo oh! Si Tito Sky! Hooray!" masayang-masaya na sabi ni Raia.


"Papa." Rain stated and give a bit smile.


Napangiti na lang ako. I know how much the twins longing there real father so much but I just can't let them to be with him. Natatakot akong mawala sila sa akin pero ngayon, medyo kinakabahan na ako dahil nalaman na ni Rafael ang tungkol sa mga bata. Sana, maniwala siya sa akin. Ayokong mawala sina Raia sa akin. Magkakamatayan muna kami bago niya makuha ang custody ng mga anak ko.

"Kailan kami babalik sa school, My?" Rain asked innocently.


"If the weather is good enough." I answered chantly.


"Okay. I'm just missing the school environment. I want to read more and more books." he stated.


"I can order you anything. Ako na ang pupunta sa mall." sabi ko pa.


"Nah, Mom. It's raining and besides I can handle it." tanggi pa niya pero umiling ako.


"Ihahatid ko si Papa Sky sa mall. Diba, Sky?" palihim ko siyang siniko sa tiyan ng hindi siya nakinig sa akin.


Abala siya sa pagtingin sa kambal, namamangha siyang nakatingin sa mga bata na parang anytime ay nanakawin na niya. Napanguso ako, para siyang baliw.


Nagpaalam na kami sa mga bata para maihatid siya sa labas. Ngiti ang binigay ko kay Sky ng makalabas na kami.

"Grabe, magkamukha ang kambal." hindi yata nag-sink-in kanina ang mukha ng kambal.

"Twins nga diba? Tss." umirap ako.


Ginulo niya lang ang buhok ko bago ako inakbayan. "Tara! Ihahatid na kita sa mall!" sabi niya bago kami sabay na pumasok sa sports car niya. Asus. Sana all.


Nag-usap lang kami ni Sky kung ano ang nangyari sa amin pagdaan ng ilang taon. Masasabi ko na wala siyang pinagbago dahil sobrang kulit niya pa rin. Ako din naman, aside sa pagiging tanga ko.


Namili ako ng mga gagamitin at mga gusto ng kambal bago kami sabay na lumabas. May dala din siyang mga laruan na bitbit niya.

"Ibigay mo 'yan sa kambal, Chan ha? Sabihin mo, pasalubong ko 'yan!" bilin niya pa.


"Tss okay! Thanks!" sabi ko.


Nagkulitan pa kami ilang saglit bago siya nagpaalam. Umalis na din ako dahil may trabaho pa ako pag-uwi sa bahay. Nagmamadali akong umuwi ng madatnan ang maraming guards sa labas.

Anong nangyayari?



Agad akong pumasok sa mansion, nadatnan ko doon si Sicji na nagpupumiglas na hawak ng guards. What the hell?



"Mommy!"



Fuck?



"Sino kayo?" sinamaan ko sila ng tingin bago puntahan si Raia pero may pumigil sa akin.



"Ano ba!? Sino ba kayo ha!?" singhal ko.



"Chan!" tawag ni Sicji.



"Aaaah! Let go of me! I want my Mommy!" tili ni Raia.



Akmang pupuntahan ko na ang anak ko ng makita si Rafael sa harap ko. B-Bakit siya nandito? Anong ibig sabihin nito!?


"How dare you to hide my children from me Chanel!?" dumagundong ang sigaw niya sa buong mansyon.



Napaatras ako bigla ng makita siyang nagdidilim ang paningin, parang anytime ay papatayin niya na ako. Wala siyang karapatan sa mga anak ko! Akin sila!



Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko na hindi maiyak. Anong karapatan niya sa mga anak ko? Tagina niya! Siya ang nagpakasal sa iba! Hindi ako!



"Hindi mo sila anak." humikbi ako.



Mas lalong nagdidilim ang paningin niya bago niya malakas na tinapon ang folder sa sahig. Naestatuwa ako ng makita ang DNA test at ang legal documents ng kambal.


"Ngayon, sabihin mo sa akin kung hindi ko anak ang kambal." malamig niyang sabi.



"Hindi! Hindi mo sila anak! Please! Tigilan mo na ako! Wag ganito, walang kasalanan sa'yo ang mga bata para idamay mo pa sa paghihiganti mo!" usal ko.



Akmang pupuntahan ko na si Raia na tahimik na umiiyak ng marahas akong hawakan ni Rafael at marahang tinulak dahilan para mapaluhod ako sa sahig. Shit!



"Beg." he stared coldly.



"Ano ba Rafael!? Wala kang karapatan para ganyanin si Chanel!" galit na din si Sicji.



Hindi siya nilingon ni Rafael na nakatingin lang sa akin bago ako marahas na hawakan sa panga, sinalubong ko siya ng matatalim na titig.


"Kulang pa 'yan. Gusto kong maging impiyerno ang buhay mo Chanel." sabi niya bago tumayo.



"Mommy!"



Napalingon ako kay Rain na kumawala ngayon sa guards. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya bago halikan sa noo.



"Baby, go first to your room." pakiusap ko habang nagpupunas ng luha.


"No, Mommy! Umalis na tayo dito! We'll go back to San Alfonso!" he cried.


"Anak." napakagat-labi ako ng humarap ang anak ko kay Rafael.



"Don't you dare hurt my Mommy! You don't have the right to hurt my Mom!" Rain defended me.



"Rain," tawag ni Rafael sa anak.


"Anak, bumalik ka na sa kwarto." pakiusap ko pero umiling si Rain.



"I won't leave you." he sob as he embrace me.



"Kunin niyo ang bata!" utos ni Rafael sa mga tauhan para makuha si Rain.


"No! Don't you dare!" matalim na sabi ni Rain.



Hindi nakinig ang mga tauhan sa kanya at marahan siyang inilayo sa akin habang iyak ng iyak si Rain. Gusto ko siyang yakapin pa para tumahan na siya pero hindi ko magawa dahil malayo na siya sa akin.


"I hate you! I hate you asshole!" sigaw ng anak ko sa Daddy niya.



He doesn't know about him.



"Ganyan ba ang itinuro mo sa mga anak ko Chanel? Anong klase kang ina?" nangiinsultong sabi niya.



I fold my hand into fist. How dare he to humiliate me infront of our child!?


"Wala kang alam!" nagpipigil akong umiyak.



"Wala talaga akong alam Chanel dahil hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na makilala sila o kahit makasama man lang, hindi ba?" malamig niyang tanong bago bumaling sa mga tauhan niya. "Dalhin ang mga anak ko sa mansion." utos niya sa mga tauhan.


"No!" pigil ko pero wala akong magawa ng makalabas na sila.



May nagsidatingan na mga police at kinausap si Rafael bago ko siya narinig na may inutos sa kanila.



"Dalhin siya sa kulungan." walang awang utos niya dito.



Napapikit ako at halos hindi makapagsalita ng dalhin ako papuntang presinto. Wala akong magawa sa ngayon. Paano ang mga anak ko? Masyado akong mahina ngayon. Hindi ko kayang lumaban.



-

"Goodness! Are you okay?" nagpatiuna si Luna na pumasok sa may detainee area.


Niyakap niya ako kaya hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. Kailangan kong makaalis dito at kunin ang mga anak ko.



"He filed you a multiple case Chan but I will do my best to freed you." seryosong sabi ni Sky.


Bumukas ang pintuan, bumungad si Peri sa amin na nakataas ang kilay ngayon. She walk perfectly before she raised her brows.



"What did you do this time? Bakit ka nakakulong dito?" she frowned.



"Breaching contract, a 85 million dept to Atty. Rama." problemadong sabi ni Sky.


Napatahimik ako doon. I can pay him even if it is triple then. Wala akong pakialam kong maubos ang pera ko basta makasama ko lang ang kambal. That's all!



"We can pay for a termination!" si Peri.



"May sinabi si Rafael sa akin." si Sicji naman na kanina pa nananahimik sa isang tabi.



"Ano?" desperadang tanong ni Peri.



"He wants the full custody of the twins. He will freed Chanel if you give it to him." sabi ni Sicji.



"No! Ayoko! I am the mother of the twins! Hindi niya maaalis ang mga karapatan ko bilang ina ng mga bata! Akin sila! Sa akin sila!" I bursted out crying.


How dare him to ruined my life.


"Hindi ka pwedeng lumapit sa kambal ngayon, Chan. He's filing a restraining order against you." Sky muttered concernly.


Tagina niya talaga.



"I think you should fix and do terms for the twins if you and him didn't compromise." suhestiyon ni Luna.


"Kausapin mo siya Chan." usal ni Sky.


"I'll talk to Mayor Rama to fix things between you too." ani ni Sicji.


"Mahihirapan kayo pareho kapag pinalaki niyo ito. Maaapektuhan ang mga bata kapag nalaman nila ito." Peri stated.



Napatango ako. I agree with them. Kahit mahirap sa akin na i-give up ang pride ko ay gagawin ko para sa mga anak ko. I can't lose them. Hindi ko kaya.

Continue Reading

You'll Also Like

32.5K 564 43
Manila Avenue Series #4 Christina, the student who's very persistent and very adorable partygirl from Ateneo Engineering who haven't have dreams. She...
49.4K 1.1K 43
Cresia Chen is a nerdy not a sociable girl. She is soft spoken and kind until she met the populars who will change her life. What will happen if she...
255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
223K 3.6K 48
"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat ko ang labi ko. Ayaw mong tumingin ah...