Falling in Reverse (Saint Ser...

By gereyzi

101K 3.6K 1.7K

4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two bro... More

Falling in Reverse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 9

2.6K 116 28
By gereyzi

Chapter 9

Busy Wednesday. Nalalapit na ang event kaya naman mas nagiging abala kami. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na unahin. Quiz dito, quiz doon. Punta rito, punta roon. Idagdag pa ang band rehearsals namin tuwing gabi.

Gabi-gabi na lang din kulang ang tulog ko. Halos alas onse na ako nakakauwi sa gabi dahil pagkagaling sa trabaho ay saka kami nagre-rehearse. Parang mamamatay na ako. Hindi pa ako nakadalaw sa doktor ko kahapon dahil nakalimutan ko na sa sobrang pagka abala ko.

"Girl, kamusta kayo ni Payton? Balita ko kanina ay magkasama pala kayo noong Sabado, ah?" usisa ni Sauna na kapapasok lang sa Grata.

Kami lang ang narito dahil ang ibang block ay may klase pa. Dito rin kami naggagawa ng mga dapat asikasuhin. Sa  Lunes na ang simula ng event kaya naman talaga namang minamabilis na namin ang lahat. Pauwi na rin sana ako dahil may trabaho pa pero pinili kong dumaan muna rito.

"Wala," tangi kong sagot saka uli ako nagpaka abala sa pakikipag tulungan kay Carl na ngayon ay nagpipinta ng logo ng aming department.

Ano na naman ba ang nalaman nila? Iyon ang huling pag uusap at pagkikita namin. I mean, palagi siyang nariyan kapag uwian ko na. Inihahatid ako sa trabaho at rehearsal. Hindi ko pinapansin siya at nagco-commute ako kaya ganoon din siya. But we never talked. Hindi rin siya makalapit. Tuluyan ko na s'yang hindi pinansin.

Akala ba niya ay nakalimutan ko ang pustahan ng mga kaibigan niya? Ang pag amin niya na nagbalikan sila ni Ria? Ano iyon, ganoon na lang?

Okay, I admit, I like him. But that doesn't mean that I should be with him. What do you want me to do? Put myself in a room full of fools? Get myself fooled just because I like him and he told me he liked me, too? Because I'm not strong enough to face the truth that he's not even serious? Would you?

Alam ko ang sitwasyon niya dahil naranasan ko rin iyon. Ang makipaghiwalay sayo ang matagal mo nang karelasyon ay napakahirap. Hindi mo alam kung saan magsisimula.

Hindi enough reason na nasaktan ka kaya humahanap ka ng comfort sa iba para lang makalimutan mo na malungkot ka. Ang sarap mong sampalin kung ganoon.

Noon ay pumasok din sa isip ko na sana ay hindi na lang ako minahal ni Reagan. Na sana ay hindi ko na lang naramdaman iyon. He made me feel so loved to the point that I hated it when we broke up. Sana ay hindi na lang niya ako minahal para hindi ko iyon hinahanap hanap.

Nagmahal ako sa napakamurang edad at nasaktan din. I understood it already. Kailangan masaktan para may matutunan. Kailangan may matututunan sa bawat pait.

Hindi ko lang alam kung bakit itong si Payton ay ganito. Sa halip yata na mag grow up ay nag grow down. Paurong siya. Nakakainis. Nakakainis kasi bakit sa kaniya pa.

"As in wala, Shawny? Mukhang ayos naman daw kayo noon."

Napabalik ako sa aking sarili nang si Hannah ang magtanong. Kadarating lang din at dumeretso sa aking tabi. Sinilip ang ginagawa ni Carl. Malapit na iyong matapos kahit papaano.

"We're fine. That's it. Anong ine-expect ninyo? Pumayag akong kabit?" deretsahan kong sabi. Lahat sila ay natigilan doon at tila saka lang natauhan.

"Shawny... Payton broke up with Ria already. He admitted to everyone that he really is into you," si Vilma ang nagsalita. Halatang kinakabahan sa magiging reaksyon ko.

"Oh, tapos? Anong gusto n'yo? Kabe-break lang nila tapos eeksena ako? Ayaw kong madawit doon—"

"Ria insisted to fix their relationship. Ayaw na talaga ni Payton pero mapilit itong isa," biglang pumasok si Kuya. Nagulat ako roon pero hindi na nakareact dahil nagsalita ulit siya. " Siguro, dahil sa frustration niya noong binasted mo kaya pinatulan ang offer ni Ria—"

"He's not even serious about me—"

"Klary, I swear to god, he's serious about you. Hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko s'ya. Sinasabi ko ito dahil gusto kong sumaya ka ulit—"

"Kuya, will you stop it now? Ayaw kong marinig. Wala akong pake," umiling ako kay Kuya. Mukha siyang napahiya pero wala na akong pakeelam.

They can't get my point. Bahala sila.

Tumayo ako mula sa sahig ng Grata at kinuha na ang aking mga gamit bago ako lumabas.

Nakakainis na kasi ang lahat. Bakit sila ganoon? Ang gusto ko lang ay putulin na ang koneksyon ko sa kaniya. Ayaw ko nang makausap pa si Payton dahil ayaw kong lumalim ang nararamdaman ko. Bakit ba hindi nila maunawaan iyon?

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng main university. Saktong labas ng paa ko sa gate ay saka ko nakita si Payton doon. Nasa tabing kalsada siya at nakatayo sa gilid ng kaniyang kotse.

Ito na naman siya.

Kinabahan ako nang makita ko s'ya. May iilang estudyante sa paligid na ngayon ay pasimple na kaming tinitignan ngayon.

Mabilis akong naglakad paalis bago pa ako makita ni Payton. He's busy with his phone. He's wearing a plain black shirt, white cargo shorts, and a black sandals. Para siyang model doon na napaka effortless.

Ilang metro pa lang ang naiilakad ko papalayo ay narinig ko na ang pagtawag niya sa akin. Halos maubusan naman na ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Parang may kumakabayo sa puso ko. Bakit ganoon? Ang bastos?!

"Shawtell Clarisse!"

He seem so pissed. Hinigit niya ako sa braso. Mas dumagdag ang kaba sa akin. Mamamatay na yata ako sa sobrang kaba. Bakit ba siya narito ulit?! Hindi ba niya maunawaan na ayaw ko sa siyang makita?!

"Pwede ba, Payton? I'm so tired, I have to go to work, I'll have my rehearsal after! Please!" nagmamakaawa ko ng sabi.

Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng kapayapaan!

"Let's just talk, please?" he said so gently. Naging maluwag ang kaninang mahigpit niyang kapit sa aking braso pero nanatili iyon doon.  Para akong kinukuryente sa kaniyang ginagawa.

"What is it? Make it quick," pagsuko ko. Humugot ako ng hininga at saka ko pasimpleng inalis ang kapit niya sa aking braso.

I rubbed my tied up hair frustratedly. Hindi ko na alam kung saan ako babaling. Kabadong kabado ako. Gusto ko na siyang takbuhan.

"Let's fix this, please —"

"Hindi mo ako titigilan o magdadrop out ako para lang makalayo sa'yo?! You choose, Meiran. I'm just so sick of you!" halos sigaw ko na. Napalingon sa amin ang mga tao pero hindi ko na sila pinansin pa.

I gulped and try to compose myself again. I need to stick to my decisions.

Si Payton naman ay gulat na gulat sa narinig. Kunot ang noo niyang napatitig sa akin. Tila siya ay gulong gulo sa mga inaasal ko.

"Nakakainis ang ganitong uri ng lalake! Napaka immature mo, Payton! Kung hindi ka pumasa roon sa una ay huwag ka naman sa akin pupunta! Huwag mo naman akong gawing option!" sigaw ko na ulit para maunawaan na niya na dapat na niya akong tigilan.

Ayaw ko na talaga. Sana ay huling pag uusap na talaga namin ito.

Gusto ko s'ya. Totoo. Kaso, hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat! Ang gulo gulo na ng utak ko! Ang daming palaging naglalaro sa utak ko. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko ng mga naiisip ko. Hirap na hirap na ako.

Bumuntong hininga ako at tinalikuran na siya. Ilang hakbang pa lang ay narinig ko na ang sinabi niya. "Hindi naman ikaw ang option dito. Ako naman talaga pero hindi mo lang iyon napapansin."

Makahulugan iyon. Bagay na ayaw ko nang problemahin pa. Tuluyan ko siyang iniwan na roon. Dumeretso ako sa dorm at mabilis na nagbihis ng pangtrabaho. Medyo makulimlim na naman kaya binilisan ko ang paghahanda ng sarili. Naabutan ko pa si Miranda na kapapasok lang sa bahay ko.

"You're with Pay? Mukhang kanina pa iyon sa labas—"

"Hayaan mo. Mukhang maaga ka ngayon?" pag iiba ko ng usapan.

Nagtaka si Miranda pero hindi na umimik pa. Taas kilay na lang akong pinanood na ngayon ay nagsasapatos na.

"Walang klase," she shrugged. Dumeretso sa aking couch at nahiga roon. "Mukhang paulan na, Klary. Anong plano mo kay Payton?"

Napatiim bagang ako sa sinabi ni Miranda. Nanatili akong tahimik at hindi na lang pinansin ang mga pasimple niyang pagchismis. Lumabas ako ng bahay at hindi na nagpaalam pa kay Mira dahil mahuhuli na ako.

Sasakay lang ako sa bus ngayon dahil ang kotse ko ay hindi ko pala napagasolinahan kagabi. Hindi rin talaga ako nagamit ng sasakyan dahil nagtitipid ako.

Naabutan ko pa si Payton sa labas ng gate. Nakaupo siya sa sidewalk. Medyo na-guilty ako roon pero mas pinili kong hindi siya pansinin. Naglakad na ako hanggang sa makalayo na ako at saka ko lang nilingon si Payton na pinapanood lang ang aking pag alis. Nagpatuloy ako hanggang sa makarating na ako sa labas ng Clark at mabilis na sumakay sa bus.

Hindi ko na nilingon pa si Payton dahil paniguradong uuwi na iyon.

Ganoon naman ang isang iyon. Iyon ang napansin ko sa kaniya. He only persue the things if he thinks that he'll benefit from it. Sa puntong ito, naramdaman niyang wala siyang pag asa kaya uuwi na iyon.

Palagi niya akong sinasamahan mula trabaho hanggang sa rehearsal. Naghihintay siya sa akin sa labas hanggang sa matapos ako pero hindi naman kami nagkakausap. Hindi ko kasi pinapansin.

Pumwesto ako sa medyo unahang bahagi ng bus. Inayos ko ang gamit ko at umayos na rin ng upo. I was about to rest my back when I saw Payton went inside the bus, too. Halos mahulog ako sa upuan dahil doon. Pinanatili ko lang na kalmado ang aking sarili. Saglit niya akong nilingon.

Kakaunti ang tao sa bus dahil karaniwan sa mga nasakay dito ay mga estudyante. Maaga pa naman kaya wala pang mga sakay. Akala ko pa ay tatabi sa akin si Payton. Mabuti na lang at sa dulong bahagi ito naupo.

Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero bahala na siya. Ayaw ko namang problemahin ang isang ito. Sana talaga ay ito na ang huli.

Umandar ang sasakyan. Nanatili sa labas ng bintana ang aking mga mata kahit gustong gusto na nitong lingunin si Payton na nasa likuran.

Natuto na siyang mag commute dahil sa kasusunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.

Napadaan kami sa St. Valdemor Avenue. May ilang Valdemorians na sumakay sa bus. Puro sila babae at abala sa kuwentuhan. Natigil lang iyon nang mapalingon sila sa likuran.

"Payton is here!"

"Sabi sa inyo, eh! Palagi na raw iyan nag co-commute!"

"Doon tayo!"

"G!"

Pinanood ko ang mga babae na hindi manlang ako nakita. Dumeretso sila sa medyo unahan ng inuupuan ni Payton. Ibinalik ko lang ang aking atensyon sa labas nang lumingon siya sa akin.

"Payton, nariyan ka pala!"

Rinig kong sabi ng isa sa mga babae. Kunwaring gulat na nakita si Payton. Sabunutan ko ito, eh.

"Yeah. Hi," malamlam na sagot ni Payton.

Napalingon uli ako sa gawi nila dahil doon. Mabilis din akong nag iwas dahil nakatitig na naman si Payton. Napapahiya ako!

"Wala ba 'yong car mo? Bakit palagi ka yatang commute?" a girl then asked. Pinilit kong huwag na silang lingunin.

"Ah, hindi. Sadya na akong cute, Gia," sagot ni Payton.

Nagtawanan sila dahil doon. Mabilis na nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit sila nagtawanan at kung anong kinalaman ng 'cute' sa 'commute' .

Tsk.

"Pero seriously speaking, Pay, why nga?"

"May inihahatid lang ako sa trabaho," mahinang sagot ni Payton.

Nag uumpisa na akong kabahan bigla dahil doon. Hindi ko na kasi sila medyo marinig. Hays. Ang bingi ko pa naman.

"Sino?" bulong din ng isa pang babae at tila nagsilapitan pa sila lalo kay Payton.

Halos mabutas ko naman ng aking kuko ang upuan dahil sa kaba at inis ko.

Bakit kailangang magbulungan at lumapit?!

"Si Shawntell."

"Oh. She's here? Where?"

Oh sige, paano ninyo ako makikita kanina gayong si Payton kaagad ang tinignan ninyo at nilagpasan lang ang ganda ko?!

"Front. Huwag na kayo maingay at baka pare-parehas tayong pababain niyan," Payton replied. I truly rolled my eyes. Nilingon ko sila roon na magkakaharap at tila mag meeting.

Nakatingin sila sa akin lahat at walang pake kung pag chismisan nila ako ng bulgar.

Nanahimik na sila matapos iyon hanggang sa nakarating na kami sa Giga Pizza. Dumeretso ako sa headquarters para sa aking log in bago ako sumalang sa trabaho. Si Payton naman ay nakita kong naroon na sa isang sulok at abala sa ilang papel. Hindi ko alam na may shoulder bag pala siyang dala. Mukhang doon siya gumagawa ng assignment o kung ano pa man.

"Hays! Shawny all may tagahatid at tagabantay," parinig ni Winona nang pumunta ako sa kusina para sa order.

Sila ang kitchen team na mga chismosa rin.

"Inyo na," I smiled. Kinuha ko na ang tray at lumabas na para ihatid ang order.

Nagpatuloy ang oras ng aking trabaho. Nag uumpisa na ring umambon kaya napailing ako.

Mabuti na lang at sa tapat lang nitong shop kami nagre-rehearse nila Maverick.

"Shawny, order daw si Pay," bigla akong siniko ni Franco na ngayon ay papasok sa headquarters. Nakangisi pa ang loko kaya naman nakantyawan pa ako. Napabuntong hininga na lang ako bago kumuha ng notepad at lumabas.

Papunta na sana ako sa table ni Payton nang magpasukan sa loob ng shop sila Feliciano. Kaagad ko nang pinroblema iyon dahil narito na naman ang mga ito. Kumpleto sila ngayon at halatang kagagaling lang sa school.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumapit. Kauupo pa lang din nila Jacos nang makalapit ako. Nabitin ang pag upo ni Chano nang makita ko. Nag ngising aso na kaagad siya kaya  hindi ko na napigilan ang pag irap ko.

"Your order, Sirs?" pormal kong tanong.

Ngumiti sa akin sila Romulo habang si Feliciano naman ay umakbay kay Payton na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin.

"Paano raw kapag ikaw ang nais nitong aming kaibigan naming gago?" tanong ni Chano.

"Wow, coming from another gago," umirap si River.

Napaayos ng upo si Feliciano at bubwelta sana kay River pero wala itong nagawa at umirap na lang din.

Mga bakla.

"Um-order na nga kayo nang makalayas na kayo!" biglang sabi ni Payton. Napakamot pa ito sa batok.

Nagtawanan ang lima at saka nagtayuan para guluhin ang buhok ni Payton. Napangiti ako saglit doon.

"Binata na si Andrew!" pumalakpak pa kunwari si Romulo habang umiiling. Nagsibalikan na rin sila sa kani-kanilang upuan kalaunan.

"Biruin mo 'yon? Dati ay hindi manlang niyang masundo si Ria dahil busy daw siya tapos ngayon ay may pagsakay pa ng bus si gago?!" exaggerated na sabi ni Feliciano at muling umakbay kay Payton.

"Ganiyan talaga ang nangyayare kapag gago. Tinamaan ka ngayon," umiling si Jacos kaya naman sa kaniya napalingon ang lima.

Inip na bumuntong hininga ako. Talagang inuna pa nila ang kanilang kuwentuhan kaysa sabihin ang order nila!

"Tanga ka! Palibhasa alam mong sa'yo ang bagsak ni Princess!" umirap si Payton at inalis ang akbay ni Chano.

Humalakhak si Jacos at nagkibit balikat.

"Hindi ko alam kung anong mangyayare kapag nalaman na niyang fiance niya ako pero sisiguruhin kong sa akin siya magkakagusto!" he said confidently.

Ang bigatin naman ng pangarap ni Jacos.

"Oh sige mga hangal, mangarap lang kayo," umiling naman si Reego at saka ngumisi.

Sa kaniya napalingon ang buong squad nila. Napanguso na ako dahil hindi na nila ako naalala.

"Oh sige, magpanggap ka pa na busy ang ina mo para kunwari ikaw ang ipinadala niya sa mga rampa ni Astrid!" bwelta ni Chano.

Napanganga na ako dahil sa mga chismis nila sa buhay.

"Ang tatanga n'yo naman dumiskarte!" umiling si River

"Shut up, you indenial piece of shit!" sabay sabay na sabi ng lima sa kaniya.

Natawa si River saka nagtaas ng dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.

"Pero, Pareng Payton, hanggang kailan ka kaya magiging tuta nitong si Shawnybunny mo?" walang pakundangan na sabi ni Chano.

Hindi manlang nahiya na banggitin ang pangalan ko gayong nasa tabi lang nila ako.

"This will be the last—"

"Kung hindi pa kayo o-order ay pakitawag na lang uli ako mamaya," bumuntong hininga na ako. Doon sila natigilan.

Napanganga si Chano at napatakip pa ng bibig at tila gulat na gulat sa appearance ko.

"Hala, nariyan ka pala, Shawnybunny!" he said. Mabilis na siniko ni Payton ang kaniyang tagiliran and it made him shrieked.

"Hi, Shawnybunny!" bati sa akin ni Reego.

"Naks, Shawnybunny, sa iyo lang naging ulol itong kaibigan namin," umiling pa si River.

"Stop calling her that! Mga tarantado!" pikon na sabi na ni Payton. Inalis uli ang akbay sa kaniya ni Chano.

"Tsk. Tigilan n'yo na nga ang pang aasar kay Pay," ngumiwi si Jacos saka ako nilingon at nginitian. "Give us our usual order..., Shawnybunny," he added. Malakas ang naging tawanan ng mga magkakaibigan dahil doon.

Mukhang tuluyang napikon na si Payton kaya naman umalis na ako roon matapos kuhanin ang kanilang order bago pa sila  mag santong rambulan.

Inihatid ko na ang order nila. Naging matagal din ang kanilang pananatili at panggugulo sa shop hanggang sa dumilim na at doon na napagpasyahan ng lima na umalis na dahil tuluyan na rin lumakas ang ulan. Naiwan doon si Payton na naging abala na uli sa kaninang ginagawa.

Natapos ang shift ko sa shop nang alas nueba ng gabi. Mas malakas na ang ulan. Wala akong dalang payong pero mabuti na lang at malapit lang ang studio namin.

Diretso na sana ang labas ko ng shop kung hindi lang lumapit si Payton. He's offering his dark blue coat. His uniform.

Sa school kasi nila ay hindi required ang uniform pero sa pagkakaalam ko ay depende rin talaga iyon sa department. Naka uniform sila palagi.

"Hindi na. Umuwi ka na dahil mamaya pa ako—"

"Take this," mariin niyang sabi at nakatiim bagang na ngayon. Halatang galit.

Umiling ako.

"Umuwi ka na. Lubayan mo na ako," huli kong sabi bago ko sinuong ang malakas na ulan. Tinawid ko ang payapang kalsada at dumeretso na ng pasok sa loob.

"Tangang ito! Nasaan payong mo?!" galit na salubong sa akin ni France saka umiling at dumeretso sa mini sala ng studio. Pagbalik ay may dalawa ng towel at ibinigay sa akin saka saglit na yumakap.

"I forgot. Nagsisimula na kayo?" sagot ko at tuluyang pumasok sa loob.

Napailing naman sa akin ang dalawa ko pang kabanda bago ako bineso saglit at nagpatuloy na sa paghahanda.

"Bago pa lang. Katatapos lang ng klase nitong si Caliber," ani Maverick. "Ikaw, Shawntell, ingatan mo nga ang sarili mo! Babatukan kita, eh!"

"Oo na, Tay!" ngumisi ako. Inilagay ko sa ulo ko ang towel at kinuha na ang drumsticks ko at umupo na sa drumset ko.

Saglit kong kinalampag iyon. Masyadong malayo sa akin ang bass kaya iniayos ko pa iyon palapit sa akin.

"May Payton na nga tapos napapaulanan pa, ano?" ngumisi si France. Umirap ako at pinakitaan siya ng aking middle finger.

"Haynako. Tara na at nang maaga tayong matapos," natatawang sabi ni Caliber na nakapwesto na sa kaniyang bass guitar.

Ginawa namin ang mga dapat baguhin at ayusin sa aming mga kakantahin. Lima ang ipinapakanta sa amin ni  Dean Horiah Galeon.

"Isa pang pasada then bukas ulit," sabi ni Maverick nang mag alas dies na ng gabi. "Water break muna."

"Pang ilan ba tayo sa performers?" tanong ni France saka naupo sa sahig habang may hawak na bottled water. Ako naman ay tumabi kay Caliber na nakaupo sa amplifier ng kaniyang bass. Kasya naman kami.

"Apat," I shrugged. Binuksan ko ang aking tubig at mabilis na ininom iyon. "Galingan natin ay yayabangan na naman ako noong si Galeon," umiling ako.

"Gago iyon, ano? Iba ang trip sa buhay," tatawa tawang naupo si Maverick sa drumset ko at doon pumalo.

Saglit pa kaming nagkuwentuhan bago kami bumalik sa practice para sa isa pang pasada ng aming mga kanta. Dalawang set ng kanta ang ginagawa naming practice. Finishing na lang.

Pasado alas onse nang matapos kami sa practice. Ganoon pa rin kalakas ang ulan kaya naman problemado na ako nang naghahanda na sa pag uwi. Hindi naman ako p'wedeng sumabay dito sa tatlo kong kasama dahil mamaya pa ang mga ito uuwi. Ako naman ay pagod na pagod na at gusto nang magpahinga.

Saglit akong nagpaalam sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng studio. Muli akong tumawid sa kalsada kahit sobrang lakas pa ng ulan. Ang shop ay sarado na rin. Saglit kong tinignan kung naroon pa ba si Payton at mabuti na lang na wala na siya.

Dumeretso na ako sa daan papunta sa bus station. Basa na rin ako at napakalamig na!

Patuloy ako sa paglalakad nang maramdaman kong may nagpatong ng kung ano sa aking ulo.

"Umuwi ka na. Huwag mo na akong lapitan, Payton," mariin kong sabi at akmang lalayo na sa kaniya.

Nasa ilalim kami ng street light. Hindi ko siya masyadong makita dahil madilim at dahil na rin sa sobrang lakas ng ulan. Naka puting long sleeves na lang siya ngayon at unti-unti na iyong nababasa.

Holy fuck!

"Ihahatid kita," mariin niyang sabi saka ako inakbayan habang nakapatong sa akin ang kaniyang coat. Isinabay niya ako sa kaniyang lakad. Saktong dating ng bus.

"You don't have to. Please, Payton, umuwi ka na—"

"I will. Just let me send you home. This is the last time, don't worry," he smiled at me at inalalayan na akong makapasok sa bus. Basang basa na siya!

Iniupo niya ako sa unahang bahagi. Pinatay niya ang aircon na nakatutok sa akin.

"Uupo ako doon sa dulo malayo sa'yo. You'll have your peaceful ride going home. Ihahatid kita hanggang dorm mo. I won't go near you. I'll stay behind. Iuuwi muna kita sa inyo ng ligtas. Isuot mo uli ang coat pagkababa," marahan niyang sabi ay inalis sa ulo ko ang medyo nabasa niyang coat. Ipinatong niya iyon sa dibdib ko. "This will be the last time and I'll give you what you want. Just let me do this, okay?" he added.

Naiiyak akong tumango tango. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano.

Pero sinasabi ng mata kong nag iinit na ngayon na hindi masaya ang mangyayare.

Umalis si Payton sa harapan ko at pumwesto sa likurang bahagi. Kami lang ang sakay sa bus pero pinili niyang sa malayo pumwesto para pagbigyan ako.

Naging napakatahimik ng byahe pauwi. Nakatingin lang ako sa labas na napakaulan. Buong oras ay puro pag iyak ang nasa isip ko pero hindi ko magawa. Kanina pa nanginginig ang labi ko dahil sa hikbi na kanina pang gusto lumabas sa aking bibig.

Ang lungkot. Sobra.

Nakarating kami sa Saint Clark Avenue. Bumaba kami sa gate. Inilagay ko na uli sa aking ulo ang coat gaya ng gusto niyang gawin ko. Nanatili siya sa aking likuran. Malayo siya at pinananatili ang distansya sa amin.

Basang basa na siya. Gustong gusto ko siyang lingunin at bigyan nitong coat pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

Ito ang tama. Dapat ay maging masaya ako na wala nang Payton na immature sa buhay ko.

I can start again.

Nakarating ako sa harapan ng dorm. Doon ko siya hinarap. He smiled at me. "Pasok na. Masyado ka nang basa," he said.

Tumango ako.

"Thank you for sending me home."

Nakapasok at nakapaglinis na ako ng katawan at lahat pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Kanina pa rin wala si Payton. I saw how he went to his car and left.

Hindi ko makalimutan ang huli niyang sinabi bago umalis; ' I loved you. You felt it. You just pushed yourself to forget how it felt like.'

Hindi naman.

Continue Reading

You'll Also Like

144K 2.8K 35
Start: October 11, 2021 End: March 07, 2022 Star... the star symbolize his love for her. And the moon symbolize her love for him... Behind her shad...
309K 9.7K 44
SG President Adina Balmori was uptight and too formal. She grew up believing that she shouldn't settle for imperfections because she had an image to...
254K 15.7K 9
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
140K 3.1K 49
Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if there is a will, there is a way. She wil...