One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 12

1.6M 37K 14.8K
By jonaxx

Kabanata 12

Independence and Pride

Mabilis ang lakad ko paalis doon sa Country Club. Kung pagalitan man ako ni Mr. Romualdo ay wala na akong pakealam. Ang gusto ko lang mangyari ay ang makalayo doon. Nanginginig ang sistema ko habang naiisip iyong sinabi ni Brandon. Hindi man lahat ang nakarinig ay alam ko paring iilan ang nanood sa pagtatalo naming masyadong bulgar!

It was my fault, alright! Ako 'yong naunang naging bulgar! But hell, I just couldn't filter my words anymore. At sasabog na yata sa init ang pisngi ko sa huli niyang sinabi! Hindi ko man lang maisip kung ano ang reaksyon ng mga taong nasa paligid namin kung nakuha nila iyon.

"Avon!" Mariing tawag ni Brandon sa likod ko.

I am extremely pissed! Bakit niya iyon sasabihin sa akin? I don't care kung sino ang naiisip niya na nakaluhod sa kanya sa mga oras na iyon? Did he want me to kneel and do that to him now? Hell no! In his dreams!

"Avon!" Sigaw ulit ni Brandon at hinawakan na ang braso ko.

Nakalayo na ako sa Country Club at wala akong nakitang dumaang van kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Sa oras na may makita ako ngayon ay sasakay na talaga agad ako. Kung siniswerte nga naman ay halos ghost town ang Highlands. Wala pang ni private car na dumaan sa gilid ko.

"Ano ba? Pinapahiya mo ako!" Sigaw ko nang harapin ko si Brandon.

"Because you wouldn't calm down! Wala akong masamang intensyon nang inilayo kita sa lalaking iyon!"

"I can take care of myself, Brandon! Thank you! And stop following me!"

"If I stop following you right now, papatawarin mo ba ako? Hindi diba? Hindi! Av, please, I said I'm sorry." Halos magmakaawa siya.

Humalukipkip ako. "I just couldn't take it, Brandon. You were fantasizing about me doing that thing-"

"Why? Is it bad? Is it wrong-"

"Ang baluktot din ng pag iisip mo! You think I'd like to hear it?" Umismid ako.

"Okay! I'm sorry! I am sorry! It's all my fault! Okay? This is all on me."

Medyo kumalma ako. "Wag mo akong artehan na parang pag mamay ari mo ako. I'm not your possession. I will never be. Actually, wala akong pakealam kung sino 'yong lumuluhod sa'yo, Brandon! Wala akong pake kung anong mga gagawin ninyo, wag mo lang akong idamay at wag ka lang makealam kung ano man ang gawin ko."

"Okay. Then can I drive you home at least?" Tanong niya.

"Narinig mo ba ako?" Pakiramdam ko ay pinagbibigyan lang ako nito sa kahit anong gusto kong sabihin para lang maihatid ako.

"I can walk! Or find a van!"

"Oh come on! I said I'm sorry. This is all my fault. Oo na, mali ako, tama ka. Oo na, bawal ng ibang babae. Oo na nga, bakit di parin pwede? Bumigay ka na, oh!" He sound so desperate.

Tumawa ako. "Sino ba ang nagsabi ng bawal ang ibang babae! Get more girls all you want, I don't care." Sabay talikod ko sa kanya.

Wala akong van na mahanap kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Iniisip kong wala pa sa kalahati ang lalakarin ko pero at least hindi rin naman gaano ka layo.

"Tigas ng ulo." Bulung bulong niya sa likod ko.

"Edi magpaiwan ka. Umalis ka na nga!" Taboy ko nang di siya nililingon.

Suminghap lamang siya at di nagsalita.

"Pinapahiya mo ako sa lahat ng tao. You're gross, Brandon. By the way, where is your girl? Akala ko ay date mo siya sa anniversary?"

"Shhh!" Sabi niya na parang ayaw pag usapan iyon.

"Angelina, is it? Well, she's pretty. You should take girls seriously. Maganda iyon at-"

"Stop your topic." Mariin niyang sinabi.

Nilingon ko siya at nag angat siya ng tingin sa akin. "Oh! So you dislike talking about your girls? That's the reason why you didn't want to talk about Arielle? Why? Sinaktan ka nila?" Ngisi ko.

"Angelina's my co-model. That's it."

"And Arielle?" heto na!

He glared at me like it's a forbidden topic.

"Oh! Looks like itong si Arielle ang nanakit sa iyo ng husto, a? Kasi ayaw mong pag usapan." Panunuya ko. I should take note of this. This is one of my strategies to make him spit some information.

"Stop it with Arielle." Banayad ang kanyang tinig.

Lumaki pa lalo ang ngisi ko. Naramdaman ko ang lamig nang umihip ang hangin ng Tagaytay sa malalim na gabi. "You're hurt!" Tawa ko sabay humatsing.

Kinurot ko ang ilong ko. Sisipunin pa yata ako. Karma's instant nowadays. Bakit kaya imbes na iyong Arielle ang karmahin ay ako pa ang kinakarma?

"That's why you don't want to talk about-"

Natigil ako sa pagsasalita nang hinubad niya ang kanyang coat at nilagay sa aking likod. Gusto ko sanang hawiin ngunit hindi ko maiwasan ang guminhawa nang naramdaman ko ang init na hatid nito. Dahil yata sa basa ang damit ko ay mas lalo lang lumamig kaya itong coat niya ang nagsilbing init sa akin.

"Kung sana ay hindi ka nag inarte at sumakay ka sa sasakyan ko ay sana hindi na tayo naglalakad," aniya. "You're so proud, Aurora Veronica."

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Kahit na uminit ang pakiramdam ay alam kong medyo hindi na talaga maganda ang nasa sistema ko. I know how I feel everytime a cough or cold is coming. And it feels just like this.

"Sumakay ka na lang don. Kaya kong maglakad." Sabi ko, naiirita.

"One of these days, talagang kakargahin na kita pag tatanggihan mo pa ako sa pagyayaya kong sumakay sa sasakyan ko."

Sumulyap ako sa kanya. "You're just doing this because you want me down on my knees in front of you, Brandon. Stop it! Hindi ako baguhan sa field na 'to. I'm pro. I have cousins who use girls until they break. You can't fool me-"

"I'm not fooling you. I imagined you down there but I know you're not the type." Nagawa pa niyang tumawa.

Uminit ang pisngi ko. Bakit nga ba ganito ang usapan namin? Heck! And shit, I am a virgin! Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya, no! I sound like some experienced pro here. "Will you stop talking about that? Ayaw ko na. Uuwi na lang ako. I just want a good sleep!" Sabi ko nang natanaw na ang staff house.

"Alright! I know you're tired. Gusto ko lang makasigurong makauwi ka ng maayos at walang naghahatid sayong iba."

Hinila ko ang coat na nakasuot sa akin. Naamoy ko ang bango nitong pang lalaki. Kinagat ko ang labi ko. Somehow, the scent is very attractive. Is that possible? Para itong nanunuyo sa ilong kong medyo masakit na dahil sa papalapit na sipon. May kung ano sa puso kong sumasakit. And I don't get it.

"Kumain ka ba ngayong gabi?" He suddenly asked.

"Oo." Kahit na ang huli kong kain ay kaninang mga alas kuwatro pa lang.

"Do you want some midnight snacks? I can cook for you." He offered.

"I'm tired, Brandon. Gusto ko nang matulog." Bumaling ako sa kanya. Tumango siya at pinapanood ang ekspresyon ko.

Humikap ako at humatsing ulit ng isang beses.

"You should rest. Wag ka munang pumasok bukas." Sabi niya.

Kinurot ko ulit ang ilong ko. Umirap lang ako at hindi nagsalita. Nasa tapat na kami ng staff house.

Hinubad ko ang coat na suot ko. Gusto kong magalit ngunit hindi ko na magawa. Maybe it's because of the coat, or the coming colds, I don't know. Nawalan ako ng gana bigla.

"Thanks. Papasok na ako." Sabi ko at nilagpasan na siya.

Pumasok ako sa dorm nang hindi na ulit siya nililingon. Huminga ako ng malalim nang binuksan ang pintuan ko. Hindi ko pa binubuksan ang ilaw ay mabilis na akong dumungaw sa bintana para tingnan kung nasa labas pa ba siya. And I saw him just there, standing! Tulala siya at hawak hawak ang kanyang coat. Ilang sandali pa bago siya gumalaw at nilakad ulit pabalik ang Country Club.

Mahirap ang tulog sa gabing iyon pero nang naramdaman ko na ang sipon ay bumagsak na lang ako sa kama.

Kinabukasan ay nanlalamig ako. Ang prinsipyo ko tuwing nagkakasakit ay tubig lang at magdasal na sana ay hindi ako mamatay. Papasok ako sa araw na ito, iyon ang desisyon ko. And what's driving me to really do this thing? I don't know. Ang alam ko ay nagtatrabaho ako dito para sa impormasyon pero nakita ko rin ang pagiging useful ng experience na ito sa mga susunod kong magiging trabaho.

Singhot ako ng singhot at antok na antok ako kahit na nakatulog naman ako gabi. Must be the colds. Masakit ang ulo, balikat, batok, at buto buto ko. Inaapoy din ako ng lagnat pero pwede namang nasa loob lang ako ng opisina kaya ayos lang.

Ngunit hindi ako pwedeng manatili sa loob ngayong kaka anniversary lang. Nakita kong mas dumami ang guests na members at foreigners dahil sa nangyaring party kagabi.

"Ako na." Sabi ko kay Jose nang nakabasag ulit siya ng plato. Iritado na talaga ako sa pagiging tarantado niya.

Winalis ko ang mga bubog ng plato habang si Jose ay nagpupunas sa mesa. Ang sinabi niya ay nahawi daw nong bata ang plato kaya nahulog. Habang nagwawalis ay may mga bubog na ayaw mapasok sa pan kaya hinanap ko iyong vacuum na ginagamit yata sa kitchen ang isa at ang isa ay nasa labas. Hinawakan ko ang bubog at nilagay sa pan. Naramdaman ko iyong hapdi sa kamay ko. Tiningnan ko ang daliri ko at nakita ang dugo roon. Nagkasugat pa ako.

Tumayo ako at naramdaman ulit ang pagkakahilo dahil na rin siguro sa sakit ko.

"Ayos ka lang, ma'am? Namumutla ka, a?" Tanong ni Jose. Nag aalala ang kanyang mukha habang tinititigan ako.

"Ayos lang ako." Mariin akong pumikit.

"Anong nangyari, Jose?" Isang bangungot na tinig ang narinig ko sa likod. He's here! But then I'm so tired! I couldn't even glare at him.

Nagkamot ng ulo si Jose. "Nabasag po ng bata 'yong plato."

"It's nothing, Brandon." Hindi ako makatingin sa kanya at hinawakan ko iyong walis.

"Namumutla ka, a?" Kumunot ang noo niya at agad lumipad ang kamay sa aking leeg. "Nilalagnat ka." Umigting ang panga niya.

Hinawi ko ang kanyang kamay. "It's nothing. I can still stand." Umirap ako.

"So we'll wait until you can't walk? 'Yon ang gusto mo?" He sarcastically suggested.

"Why are you even here?" Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka itim na shorts siya, topsider, at puting polo shirt.

"To sit and watch again. Umuwi na tayo. May sakit ka." Sabi niya sabay hawak sa palapulsuhan ko.

"I have work." giit ko.

"Ang tigas tigas talaga ng ulo mo..." Nagsisimula na naman siya at ang mga empleyado ay pinagtitinginan na naman kami.

Kahit si Ria sa counter ay nadedelay ang pagbibigay ng mga order dahil sa panonood sa amin. Suminghap ako at nagtanggal ng nameplate.

"Happy?" Sabi ko at agad na dumiretso sa counter.

Nanonood si Ria sa amin, tahimik. Sumunod naman si Brandon sa amin.

"Ria, paki sabi kay Mr. Romualdo na pinapaabsent ko si Miss Pascual kasi may flu yata siya."

Umiling ako habang sinasabihan niya si Ria ng ganon nilugay ko ang buhok ko at ginulo iyon bago umambang umalis ng Clubhouse. Ayaw ko mang umabsent ay gusto ko namang matulog para guminhawa ang pakiramdam ko.

Sumipol si Brandon nang sinundan niya ako. Nasa harap na ang sasakyan niya, hindi na ipark ng maayos dahil nasa gitna. Mabilis niyang binuksan ang kanyang pintuan para sa akin.

"Get in o pipilitin kitang pumasok sa loob." Banta niya.

Umiling ako at sa sakit ng ulo ay di na ako nakipagtalo. Pumasok ako sa loob. Ngumisi siya. Inirapan ko siya at sinarado niya ang pintuan. Umikot siya at pumasok sa driver's seat.

"Sa villa ka na. I bet wala kang pagkain sa dorm mo. At isa pa, it's more comfy in my villa." Maligaya niyang sinabi.

"Don't start with me. Sa dorm ko ang punta natin." Banta ko.

Sumimangot siya. "My villa can accommodate your needs. Why can't you just let me do things for you? Palagi ka na lang umaayaw." Kumunot ang noo niya.

"Dorm." Sabi ko ulit.

"Villa." Sabi niya naman.

"This is pathetic! I said sa dorm!" Iritado kong sinabi kahit na ang sakit sakit na ng ulo ko at pakiramdam ko ay manginginig na naman ako.

Hindi siya nagsalita. Nag drive lamang siya at pumikit ako habang ginagawa niya iyon. I don't care where, actually. I just really want a good rest!

Nagising na lang ako nang sinisikop niya na ako galing sa aking pagkakaupo. Sa gulat ko ay tumalon pa ako dahilan kung bakit mas lalo lang sumakit ang ulo ko. Hindi niya ako tuluyang nasikop. Tumayo ako sa sarili kong mga paa pagkalabas.

"Where are we?" Tanong ko, taking in the view.

"My villa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang masusunod. I can answer all your whims anytime, but not when you're like this, Avon." Seryoso niyang sinabi. "You need me. Stop your pride. You need to depend on me when you're weak."

Ngumisi ako. "My parents taught me to stand alone. I don't need anyone."

Galing sa likod ng aking tuhod ay mabilis niya ulit akong sinikop at dinala sa kanyang mga bisig. Gusto kong pumiglas ngunit masyado na akong pagod para gawin iyon. I can only shout curses at him.

"Fuck! Put me down, Brandon!" Sigaw ko.

"Your parents taught you independence, and motherfucking pride, Avon. I'll put you down on my bed. And stop cursing, kasi mapapagod lang ako sa pagkukumbinsi sa sarili kong may sakit ka kaya ka mainit." He said softly.

Hindi ko iyon makuha. My brain is shutting down!

"On your bed?! Sigaw ko.

"Yes. Don ka magpapahinga." He ordered like he believed that I am going to let that happen.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
64.1M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
674K 24.2K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.