STS #2: Give Me More

By Missflorendo

2.2M 47K 12.8K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57

Kabanata 49

20.3K 676 96
By Missflorendo

Angel's note: here's the final update of GMM here in Wattpad. I will no longer post new chapters here this March and April hanggang sa matapos ko ang pagsusulat nito. Lahat ng update sa Patreon, tuloy tuloy pa rin. Maybe on May I'll resume updating this here basta once na completed na siya sa Patreon. Thank you so much!

To those who want to subscribe, just download the Patreon app and it's available in playstore and apple store. Create an account then support me for only $3! If nirereject ni Patreon ang inyong gcash card, please send a message to my FB Page missflorendo for assistance. You'll surely enjoy the next chapters! 😁

ALSO, we have GMM shirt! Available in black and white "I see my Fyuchur in you, Atty. Sam Spencer Smith". Here's a photo of me wearing the shirts.

You can avail this for only 360php each. Just send a message to my FB Page missflorendo. Thank you!

Don't forget to vote and leave a comment if you liked this chapter! Enjoy reading!

***

Kabanata 49

Kanina pa kami naglilibot sa mall nina Lyra, Dior, at Mona. Nagpasama kasi ako sa kanila para tulungan nila 'kong mamili ng mga damit para sa anniversary trip namin sa Korea ni Fyuch. Kaso mali yata 'tong desisyon kong magpasama sa kanila!

"Gaga ba kayo? Gusto n'yong manigas ako sa lamig doon?" singhal ko nang iabot nila sa 'kin ang iba't ibang klase ng sexy dresses. Tatlong oras na kaming pakalat-kalat pero wala pa 'kong matinong nabibili kundi mga lingerie!

"Oo nga pala spring pa ang season ngayon do'n, 'no?," ani Dior.

"Jusko ano na lang ang gagawin ng kasama mo?" nanlalaking mata na tanong ni Lyra. "Malamang siya ang magpapainit sa 'yo do'n para 'di ka manigas! Arte arte n'yo kase! Mag-se-sex lang naman kayo gusto n'yo pa sa ibang bansa!"

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa paligid! Nahuli ko iyong dalawang sales lady na pinagbubulungan na kami habang itong mga kasama ko ay parang enjoy na enjoy pa sa reaksyon ko!

"Totoo naman kase!" humahalakhak na pagsang-ayon ni Mona. "Pero malay n'yo naman gusto lang nilang i-try 'yung kdrama style na making love. Kaya para mas feel, sa Korea mismo nila gagawin."

"For sure ay malagong malago na si gaga 'pag-uwi." Halos sumubsob si gagang Lyra sa mga damit na hawak niya kakatawa. Kung pwede ko lang ipasok itong dress sa bunganga niya ay baka ginawa ko na. Napakakalat, eh!

Sa huli ay wala akong nabili ni isang pang-OOTD dahil sa kagagahan ng mga kasama ko! Literal na puro pantulog ang pinabili sa 'kin ng mga siraulo! Parang ewan. Amp. Aayain ko na lang siguro si Fyuch na samahan ako before kami umalis. Tapos mag-disguise na lang kami para safe na walang makakakilala sa amin.

Napakatalino ko talaga, tsk. Bakit 'di ko agad naisip 'yon?

"Restroom lang kami tapos lafang na us," sabi ni Mona habang papalabas kami sa huling store na pinasukan namin.

"Utang na loob 'wag na kayong mag-orasyon sa CR, ha?" mariing bilin ko. Ang dami dami ko kasing bitbit na paperbags na puro walang kwenta naman ang laman kaya hassle lang na sumama pa 'ko sa kanila.

"Wag kang aalis d'yan, anak, ha?" biro pa ni Dior bago sila tumatawang iniwan ako. Mga luka-loka talaga.

Sumandal ako sa pader dahil nangawit na 'ko sa kakalakad namin kanina pa. Gutom na gutom na rin ako at konti na lang mangangain na 'ko ng mga batang nagdaraan dito. Char.

I was just watching the mall-goers while I wait for my cousins to get back. Halos naka-slouch na nga 'yung likod ko sa pagkangawit pero agad na napatuwid ako ng tayo at napakunot ng noo. Natanaw ko ang dalawang pamilyar na pigurang naglalakad sa kabilang isle.

Sina Fyuch at Jenny.

Bakit ba kasama na naman niya 'tong China doll na 'to? Tsk! May tamang espasyo naman sa pagitan nilang dalawa habang naglalakad pero hindi ko pa rin talaga mapigilang hindi magtaas ng kilay. Oras pa kaya ng trabaho! Bakit sila nandito sa mall?! Pero mukhang paalis na sila dahil pa-exit na. Ako naman 'tong si gaga, hala sige sunod lang!

Babalik na kaya sila ng opisina? Well, oras pa rin naman ng trabaho ko pero wala naman na 'kong gagawin kaya ako nandito. Eh sila? I don't think na nandito sila para mag-shopping. Wala naman silang dala ni isang paper bag!

Maingat akong nagtago sa mga sasakyan at sakto ang pwesto ko dahil malinaw ko silang nasundan ng tingin. Kotse ni Fyuch ang dala nila at pinagbuksan pa talaga niya ito ng pinto! Anak ng!

Inis na kinapa ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan siya. Mabilis naman siyang sumagot.

"Hi, bb." malambing na tawag ko sa kanya at saka ngumuso kahit 'di niya nakikita. Nanatili naman ang mga mata ko sa kanila kahit kausap ko siya. "Nasaan ka?"

[Nearby mall. Napatawag ka?] diretsang tanong niya agad.

"Bakit, bawal?" medyo mataray na sagot ko.

[Of course not. Sungit.] Tumawa siya ng mahina bago sumakay sa driver's seat.

"Bakit ka nasa mall? Ikaw lang ba o may kasama ka?"

[Jenny's with me. We had a short meeting near here.] mabilis na sagot naman niya. Agad na napangiti ako. Hindi man lang talaga itinangging kasama niya ang babaeng 'yon! Pero at least, he didn't lie to me. May 3 pogi points ka sa 'ken!

"O sige na kinamusta lang kita. I love you, Fyuch."

[I love you more, baby.]

Humahagikgik tuloy ako sa pinagtataguan ko dahil sa itsura ni China doll bago sumakay sa shotgun seat. Mukha ng bulkan na sasabog, eh. Pero bagay lang 'yan sa katulad niyang higad na laging nangangati.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nagpatuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanila. Tinext ko na lang ang mga pinsan ko na nagkaro'n ng emergency sa office kaya nauna na 'ko. Ewan ko ba at wala talaga akong tiwala kapag itong babaeng 'to ang kasama ni Fyuch. Malandi ako, oo. Pero sigurado akong iba ang level ng kalandian nitong si Jenny.

Kinutuban ako ng hindi maganda nang biglang lumiko ang sasakyan ni Fyuch. Hindi sila bumalik sa Smith Corp. May imi-meet pa kaya silang ibang kliyente? Pero bakit ang layo naman yata?

Kinaltukan ko ng dalawang beses ang ulo ko habang nagmamaneho. Kung anu-ano na naman kasi ang pumapasok na puro wala namang kwenta. As if namang mag-de-date sila. 'no! Jusko, self. Sinasabi ko na sa 'yo nakakamatay ang mga maling akala.

Para akong tanga na kinakausap at sinesermonan ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Maingat ang ginawa kong pagsunod sa kanila dahil kilala ko si Fyuch. Matinik 'yun pagdating sa mga ganitong pagsunu-sunod. Pero tangina, napamura ako ng malutong pagkakita sa bahay na hinintuan nila.

"What the...fuck?"

Vasquez Residences.

Parang biglang tatakbo ang puso ko palabas sa dibdib ko. Pinagbuksan sila ng gate ng mga tao ni Vasquez. Gusto ko mang tigilan 'tong pagka-advance kong mag-isap pero shuta hindi ko yata kayang basta umalis na lang. Bakit sila nandito? Ano'ng pakay nila kay Vasquez?

Kating-kati na ang kamay ko na kunin ang cellphone ko para tanungin siya mismo. Pero ayoko namang isipin niya na pinag-iisipan ko siya ng masama. At mas lalong ayoko na malaman niyang sinusundan ko siya, 'no!

I stayed for almost half an hour, pero sa huli, umalis din ako nang medyo nakapag-isip na 'ko ng matino. I'll just ask him straight later. HIndi na 'ko bumalik sa office at diretsong umuwi na 'ko sa condo. I don't think na may magagawa pa 'kong matino sa trabaho kung ang utak ko ay naiwan doon sa mansyon ng mga Vasquez.

I tried to act normal. Pag-uwi ko ay pinaliguan ko si Tammy at saka ako nagluto ng dinner. I even cooked his favorite sinigang na Porksha para kiligin naman siya sa sobrang asim at pagmamahal ko sa kanya. Chos! Nililibang ko lang talaga ang sarili ko dahil ayokong awayin siya kahit na 'yung kalahati ng pagkatao ko gustung-gusto nang magwala.

Gano'n siguro kapag mahal mo. Kaya mong gawin kahit na ang mabulag-bulagan pa. May parte sa 'kin na mababaliw na kakaisip sa pakay niya kay Vasquez, but there's a part of me too, wishing that maybe I shouldn't have just seen that.

"Ang hirap maging tao, Tammy," sabi ko habang nakahiga sa sofa at nakapatong ito sa dibdib ko at tinititigan ako. "Buti pa kayong mga aso, kahit gawan kayo ng masama ng tao, ang dali n'yong magpatawad."

Kumurap-kurap lang ito na tila ba naintindihan iyong sinabi ko. Naalaka ko tuloy 'yung dati kong aso na kamukha ni Tammy. Para rin iyong emotional dumpsite ko na sa tuwing masaya at masama ang loob ko ay siya ang kausap ko,

Nakatitig lang ako sa kisame habang hinahaplos ang ibabaw ng ulo ni Tammy nang sabay kaming mapatingin sa direksyon ng pinto. Hindi ako nag-abalang tumayo at hinintay na makapasok na lang siya. At nang tuluyang masilayan ko na ang mukha niya, parang bula na bigla na namang naglaho ang mga alalahanin ko.

Tinanggal niya ang coat at itinapon sa couch kasama ng kanyang briefcase. Umupo siya sa paanan ko.

"You came home early?" malambing na tanong niya. Napanguso tuloy ako dahil paano ko siyang aawayin kung gan'tong mukha siyang anghel na hulog ng langit?

Tumango ako at umayos ng upo. Nilapag ko muna si Tammy sa sahig at saka ako sumiksik sa gilid niya.

"Wala naman kasing masyadong ginagawa sa office." Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nakapatong ang mga paa ko sa lap niya. "Ikaw? You look so tired. Marami ka yatang ginawa?"

Pagod siyang tumango na medyo napapapikit pa. Dinala ko ang mga kamay ko sa ulo niya at saka siya minasahe ro'n. Tuluyan na siyang pumikit at saka pinalibot ang mga braso sa 'kin.

"Your touch really works like magic, baby." he muttered with his eyes still closed. Nakangisi tuloy akong itinuloy ang ginagawa ko.

"Syempre kakaiba talaga ang hatid na dulot ng Haplos ni Portia. Kaya kapag ako hiniwalayan mo pa, ewan ko na lang. Wala ka nang makikitang katulad ko dahil nag-iisa lang ako sa mundo."

Tumaas ang magkabilang sulok ng labi niya at namumungay ang mga matang unti-unti na nagmulat.

"Of course I know that, baby. At tingin mo ba papalitan pa kita?"

I shrugged. "Malay ko. Baka mamaya bigla mo lang ma-realize na mas bet mo pala 'yung mga low quality na babae." Seryoso ko siyang tinignan bago siya nginitian. Ayokong mapansin niyang may bumabagabag sa isipan ko. Akala ko kaya ko siyang komprontahin sa nakita ko kanina pero hindi pala.

Because I'm a fucking coward. Natatakot akong malaman na baka may bagay na naman akong hilingin na sana...hindi ko na lang ulit nalaman.

Hinawakan niya ang palapulsuan ko at hinila ako palapit sa kanya. Sumubsob ako sa dibdib niya at niyakap niya 'ko ng mahigpit. Lalong nagpumilit tuloy ang utak ko na wala akong dapat na ikabahala.

"If you're the definition of the best, baby, then no one can ever replace you. Why would I choose a low quality over the best? Tanga ba 'ko?"

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at ginantihan ang kanyang yakap.

"Of course I was just kidding," bawi ko. "Ano bang inasikaso ninyo at parang pagod na pagod na naman ang bb ko?" malambing na tanong ko at hinawakan siya sa magka ilang pisngi.

"We just had a very long meeting with a client. It's the owner of the mall we went to earlier." Napatangu-tango ako. Kaya naman pala sa mall ang meeting place nila.

"After n'yo ba do'n...bumalik na kayo ulit ng opisina?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hinihintay ang tugon niya. Ewan ko ba kung bakit parang kinabahan ako bigla. Alam ko naman na ang sagot sa tanong ko pero minsan ay gusto mo lang talaga na manggaling ito sa bibig nila. Napalunok ako at parang nabato sa itinugon niya.

"Yes...we immediately went back to the office after that meeting."

Parang halaman na biglang nawalan ng buhay ang mga balikat ko. Napawi rin ang ngiti sa labi ko at hindi ko maipaliwanag ang lungkot na naramdaman ko.

He lied.

He just lied.

So, wala pala talaga siyang balak na ipaalam sa 'kin ang tungkol sa naganap na pakikipagkita nila kay Vasquez. Ano ang posibleng dahilan niya sa pagtatago no'n sa 'kin? Is he hiding something from me?

Parang may kung ano'ng pumasok na naman sa utak ko na nagpagulong muli sa laman nito. But instead of freaking out and getting mad, even myself did not expect what I did. I stayed in my position on top of him and just hugged him tighter.

Tahimik akong pinaghain siya ng hapunan pagkatapos. Pinilit kong kumain at sumabay sa kanya para hindi niya mahalatang mababaliw na 'ko dahil sa pagsisinungaling niya. I really have no idea what's going on or maybe I have and my brain was just denying it. Fuck.

Exactly a week before our anniversary, we struggled on the current status of our case against Pablo. Sa bawat arraignment ay ipinamumukha ng kampo ng mga Vasquez ang kapangyarihan na mayroon ang pamilya nila. At hindi ko mapigilan ang labis na pagsama ng loob ko dahil sa nangyayaring ito.

Sobrang unfair kasi talaga ng sistema. Alam n'yo 'yung malinaw naman sa mata ng lahat kung sino ang may sala, pero dahil mayroong proseso ang batas, kailangan pang dumaan sa katakot-takot na paglilitis.
Kaso imbes na bigyan kami nito ng pag-asa, parang mas lalo lang nitong ipinagkakait ang hustisya sa amin.

"Nasaan si Kairo?" walang ganang tanong ko paglabas namin ng korte.

"Malamang nasa puntod na naman iyon ni Mika," sagot ni Dior. Pagkatapos kasing i-deny ang mga ebidensya na ipinresenta ni Atty. Agravante, bigla na lamang nawala si Kai.

Walang imik kaming lahat na bumalik sa sasakyan. Maging si Tita Hilda ay hindi na rin makausap ng maayos. Binilinan ako ni Daddy na bantayan itong mabuti dahil madalas na itong nawawala sa sarili.

Pagbalik ko sa condo ay agad na itinapon ko ang sarili ko sa kama. Sa sobrang pagod ng isip at katawan ko ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising ako ng halos magha-hating gabi na ngunit paglabas ko ng kwarto ay wala pa rin si Fyuch. Chineck ko agad ang cellphone ko dahil baka tumatawag siya ot nagtext man lang ngunit sa pagkabigo ko ay wala ni isa.

Dinial ko agad ang number niya.

Paroo't parito ako sa paglalakad habang nakatapat sa aking tenga ang cellphone at hinihintay na sagutin niya ang tawag ko. Pero wala...walang sumasagot. Hindi na nga rin siya nakadalo sa arraignment kanina tapos ngayon hindi ko pa siya ma-contact.

Paulit-ulit ko pa ring sinubukan na tawagan siya hanggang sa wakas ay sumagot din siya.

"Fyuch naman sobrang tagal—"

[Who's this?]

Napahinto ako. Nanlamig ang buong katawan ko sa boses ng isang babaeng tila naistorbo sa pagtulog. Inilayo ko ng mabilis ang phone ko sa tenga at chineck ng mabuti dahil baka mali ang na-dial ko.

Pero shit.

Number nga ito ni Fyuch.

"Who the fuck are you?" gigil na tanong ko sa kabilang linya. Ngunit sa halip na sagutin ako nito, isang malanding pagtawa ang narinig ko.

[Guess who...]

"You bitch! Where's Sam? Where's my fiance?" halos manginig ang kamay ko sa panggigigil dito sa kausap ko.

[Oh...he's still...asleep. Napagod yata. Do you want me to wake him up?]

"I swear...I'm gonna rip that fake fucking face of yours if you don't stop this bullshit...Jenny Abellana," I threatened and I wasn't really even kidding about it. God knows how serious I am right now, but fuck that fucking bitch... binabaan ako!!

Kinuha ko agad ang susi ng sasakyan ko at lumabas ako ng madaling araw kahit hindi alam kung saan hahagilapin ang higad na 'yon. Tangina, sa'n ba 'yon nakatira?!

"Zeno...pasensya na sa istorbo, pero alam mo ba kung saan nakatira si Jenny?"

[Wait...why are you asking? It's freakin' 2am already, Portia. May nangyari ba?]

"I called Sam 'coz he's still not home and that fucking bitch answered his phone!"

[What? Magkasama pa rin sila? Tangina alas dos na 'di pa pala sila umuuwi,] bulong nito na malinaw ko namang narinig. Agad na napakunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin na 'di pa pala sila umuuwi? You mean...alam mong magkasama sila?"

[We had a meeting earlier at mag-OT dapat kami dahil may deadline kaming kailangan habulin. But Sam let me leave first dahil sinabi kong may aayusin pa 'ko sa kaso ni Pablo.]

"Silang dalawa lang naiwan?!"

[Steel was there too. Not sure kung nauna na rin 'yong umuwi—]

"I'll check them sa office n'yo at isend mo rin sa 'kin ang address ng babaeng 'yon! Tangina, 'di ko masisiguro sa 'yo ang kaligtasan ng malanding 'yon sa oras na ahasin niya si Fyuch!"

[Ay shit maghunos dili ka! Teka samahan kita magkita tayo!]

Binabaan ko na ito ng tawag at halos tumakbo na 'ko pababa ng condo. Tangina ngayon lang ako nanginig ng ganito sa pinaghalong gigil at galit. Nanlalamig ang mga kamay kong handa nang dumapo ng malakas sa pisngi ng babaeng iyon. Tunog nakainom pa naman ang lintik kaya mas lalo akong kinabahan!

Para akong nasa racing track nang magmaneho ako. Kaya hindi na 'ko nagtaka nang marating ko ang Smith Corp. sa loob lamang ng sampung minuto. Pagbaba ko ay sarado na ang lahat ng entrance at hindi ako hinayaang makapasok ng mga guards! Ang susungit pa!

Kahit tuloy nakakahiya ay naisipan kong tawagan si Tito Daryl kahit na alanganing oras na. Kaso akmang tatawag na 'ko ay may biglang umagaw sa hawak kong cellphone. Humahangos si Zeno na hinatak ako papunta sa sasakyan nito.

"Ano ba! Bitiwan mo nga 'ko! Tutal taga rito ka naman, mabuti pa at ikaw ang kumausap doon sa mga guard para papasukin ako!" inis na singhal ko sa kanya. Nasa tapat pa ng dibdib ang palad niya dahil sa paghahabol ng hininga.

"Wala...na sila d'yan." Huminto siya saglit para huminga ulit. "Nasa isang club daw sila kanina nag-iinuman."

Inuman?

"Akala ko ba may hinahabol kayong deadline?" Hindi mapakali ang mga mata niya na tila may itinatagong ayaw ipaalam sa 'kin. "Tapatin mo nga 'ko, Zeno. May ginagawa ba si Sam na hindi ko dapat malaman?"

"U-uy wala!" nauutal at nanlalaki ang mga mata na anito.

"Kanina...nakita ko sila ni Jenny na nagpunta sa mansyon ng mga Vasquez. May alam ka ba kung bakit nando'n sila?" Humakbang ako palapit sa kanya ngunit gano'n na lang din ang ginawang pag-atras ni Zeno hanggang sa napatigil na lang dahil wala na siyang aatrasan.

"S-sinamahan lang siguro niya si Jenny. Kilala mo naman 'yun medyo maarte pero rest assured na sa 'yo lang ang loyalty ni Attorney." Pilit itong ngumiti pero hindi ako tanga para basta na lang tanggapin iyong sinabi niya.

"Bakit niya sasamahan sa mga Vasquez ang babaeng 'yon?"

"Ay hindi mo ba alam? Inaanak ni Mayor Vasquez 'yung si Jenny."

Napaawang ang labi ko nang ilang sandali. Napahilot ako sa sentido ko habang tila pino-proseso pa ng utak ko ang sinabi ni Zeno. Tangina, gano'n na ba kaliit ang mundo para sa aming lahat? Seriously? That bitch and that Vasquez?

Fuck. Kaya siguro gano'n na lang din ang init ng dugo ko sa China doll na 'yon! Pero shit, kailangan ko silang mahanap ngayon!

"Alam mo kung nasaan sila?"

"Err...sa club?"

"Dalhin mo 'ko ro'n...ngayon din."

Nanginginig ang mga kamay kong sumakay sa sasakyan ni Zeno. Feeling ko kasi ay hindi ko na kayaning mag-drive ng matino sa estado ng utak ko ngayon. Para na 'kong sasabog sa inis.

Pagbaba namin ng sasakyan ay nangangatal na rin ang mga tuhod ko. Inalalayan lang ako ni Zeno nang makita akong tila tutumba na. Ngayon ko lang din napansin na nakapantulog na pala siya pero mukhang nagmadali pa na pinuntahan ako.

"Hintayin mo na lang kaya ako sa sasakyan? Ako na lang ang mag-checheck sa kanila sa loob."

"Sasama ako," mariing sagot ko at nagpauna pa sa paglalakad. Lalo akong kinabahan dahil sa kutob kong hindi maganda.

Habang papasok kami sa club na kinaroroonan daw nila ay pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko ngunit para itong lason na unti-unting lumalamon sa buong sistema ko.

I felt my phone vibrated as I stepped into the loud crowd. Everyone's dancing. Everybody's having fun. But my eyes are fixed on the screen of my phone.

Kahit napakaraming tao sa paligid, isa lang ang imaheng nakikita ng mga mata ko. Ang imahe nina Jenny at Fyuch na magkahalikan. Parang isang matulis na patalim ang malalim na bumaon sa dibdib ko. Yung kirot na dulot nito ay hindi ko maipaliwanag ang sakit. Dahan-dahan itong dumaloy paakyat hanggang sa pati ang mga mata ko ay lumuluha na rin sa hapdi.

"Portia..." pagtawag ni Zeno.

Nahulog ang mga patak ng luha sa screen ng phone kung saan naka-flash pa rin ang litrato nilang dalawa. Parang isang eksena sa buhay ko ang bigla na lamang naulit. Kaso 'yung sakit...mas doble. Mas matindi.

Nanlalabo ang mga mata kong nag-angat ng tingin kay Zeno na hindi alam kung paano ang gagawin sa 'kin. Ramdam ko ang walang tigil na pagtulo ng mga luha sa pisngi ko pero nakuha ko pa ring ngitian siya.

"I'm fine...don't worry."

"Tangina shit." malutong na mura niya nang muntikan akong matumba sa kinatatayuan ko. Nanghina ang mga tuhod ko at parang hinigop lahat ng larawang iyon ang lakas ko.

Inagaw ni Zeno sa kamay ko ang hawak kong cellphone sabay mahigpit niya kong hinablot sa palapulsuan. Halos buhatin na nga niya 'ko palabas ng club at kahit sobrang ingay ng paligid...'yung nakabibinging pagkabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

Saan na naman ako nagkulang sa pagkakataong 'to? Do I really deserve to always feel like a fucking trash?

Zeno drove me home. Nakatulala lang ako sa madilim na labas ng bintana ng sasakyan. Pero habang nasa byahe kami, naririnig ko siyang may kausap sa phone. Sina Gian at Steel na mukhang binulabog pa niya sa pagtulog.

"Inom ka muna ng tubig," alok niya pagdating namin sa unit. Sinamahan niya pa talaga ako hanggang dito.

"Ayoko," tipid na sagot ko at hindi pinansin ang baso na hawak niya. Humarap ako sa kanya. "Panget ba 'ko, Zeno?" wala sa sariling tanong ko.

Taranta niyang nilapag ang baso sa lamesa sa harapan at tumabi sa 'kin.

"Kung panget ka, ano'ng tawag mo sa mga totoong panget?"

"Kung gano'n...bakit?" Tumulo ulit ang luha ko pero para akong sira na natatawa pa. "Why did he cheat on me?"

Napakamot siya sa ulo niya na parang ipit na ipit kung sisiraan ba niya ang kaibigan sa 'kin.

"Pucha bakit ba napakatagal ng mga 'yon...." Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad sa harapan ko. Napahinto siya nang marinig namin ang pagtunog ng pinto.

Parang may malamig na hangin ang biglang pumasok sa unit at yumakap sa 'kin. Despite the distance we have, I could smell the reeking of alcohol coming from these three. At base sa suot nila, obvious na magkakasama silang tatlo.

Nagmamadaling nagpaalam si Zeno at isinama iyong dalawang mukhang lasing na rin. I'm now left with the man I do not wish to see now. Tumayo ako at masama siyang tinignan.

"Baby...let me explain..." pangungunang sabi niya.

"Alam mo agad na may kasalanan ka, 'no?" Nginisian ko siya sa kabila ng pag-init ng mga mata ko. "Bakit? Mas masarap ba siyang humalik? Did you enjoy her better?"

"Fuck no!" He immediately came up to me and reached for my elbows. "Baby, I didn't kiss her!"

Kumawala agad ako sa pagkakahawak niya at tila nandidiring lumayo sa kanya.

"Ano ako, bulag?! Gusto mong i-double check?" Kinuha ko ang phone ko at ibinato sa kanya ang picture nilang nagtutukaan. Hindi man lang siya natinag kahit na tumama iyon sa dibdib niya. "Bakit magkasama kayo?"

"We were just...finishing works."

"Finishing work in a club? Then kissing each other after? Ano 'yun? Pampa-inspire? Tangina n'yong dalawa!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na itulak siya sa balikat kahit na parang wala lang 'yun sa kanya. "Naghalikan nga lang ba kayo? Or maybe you did more behind my back?"

Nanginginig ang boses ko sa sobrang galit.

"There's nothing happened, baby. Please believe me. We were just drinking tapos nagulat na lang ako na bigla niya 'kong hinalikan!"

"Okay!" I yelled and raised both of my hands. "Maybe I'd believe that, but fuck! Bakit kayo nakarating sa club kung nagtatrabaho akyo?! Don't tell me na dinala ka niya ro'n nang hindi mo rin alam?!"

"Nagkakayayaan lang—"

"Ah nagkayayaan! And you didn't tell me? Why? Because you're together? And you don't wanna let me know?!"

"Yes! Because I know you're just gonna freak out like this!" sigaw na rin niya pabalik sa 'kin.

"Edi lumabas din 'yung totoo!!" Tinalikuran ko siya at nahagip agad ng mata ko ang orasan. Tangina alas tres na ng madaling araw pero heto kami at nagsisigawan. Hinawakan niya 'ko sa braso at pinigilang umalis. "Ano ba?! Bitiwan mo nga 'ko!"

"Let's fix this first, baby."

"Don't call me that," I said in greeted teeth. "Do you know that I called you earlier? And the audacity of that bitch to talk to me! She even sounded like someone who just finished being fucked!

...And do you know what first came to my mind when she said you were sleeping tired next to her? I feel like I've been stabbed several times in the back. How could you do this to me, Sam?"

I frustratedly combed my hair with my fingers as I felt warm tears rolling down my cheeks.

"Please, baby. Maniwala ka walang nangyari sa 'ming dalawa. She's lying!" Halos lumuhod siya sa harapan ko at pilit na hinahawakan ang kamay ko.

"Your presence with her is enough proof that you're a liar too." Pinagmasdan ko ang magulo niyang buhok at damit na suot. His face was so red and I restrained myself to feel sorry for him.

Pagod akong napaupo sahig at agad niya 'kong dinaluhan. Marahan niyang pinahid ang mga luha ko sa pisngi. At sa pagdampi ng kamay niya sa mukha ko ay para akong nawalan ng lakas na itaboy siya.

Why do I have to be this weak when it comes to him?

"I'm sorry for disappointing you, baby," He said in almost a whisper. "But please believe that I didn't want to kiss her."

"Please...don't try breaking me. I'm afraid I'm not be able to fix myself again," I begged.

"I'll move heaven and earth just to protect you, Portia."

"I trust you...I really do." Dahan-dahan kong dinala ang kamay ko sa kanyang mukha. "Because when I say I trust you, I'm not just giving you a simple word. I'm gambling my whole self on you, Atty. Smith."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Gano'n na lang siguro talaga ang laki ng tiwala ko sa kanya para gustuhing palagpasin ito. Maybe because he always give me assurance that he won't ever let me down. Na wala siyang gagawin na makakasakit sa 'kin.

Alam ng Diyos kung gaano ko ipinagdasal na sana siya na talaga. Na sana ay hindi na maulit pa ang pagkawala ko ng tiwala sa salitang tiwala.

"I already have so much in my plate, Sam. So please...don't hurt me."

"I won't...I promise." Sa unang pagkakataon, nakita ko ang patak ng luha na kumawala sa kanyang mata. "Ikaw ang buhay ko, Portia."

***

Angel's note: don't forget to vote and leave a comment if you liked this chapter! Enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

657K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
298K 3.5K 31
Bet... that's how every love game starts. But will it also end by just a simple love game? ---- Cover Photo Credit: https://www.pinterest.com.au/m/pi...
173K 2.4K 23
"A boy and a girl can never be just friends, one of them will DEFINITELY fall for the other.. but in this story, where love game strikes, where fate...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...