ViceRylle Collectanea Fandonie

By RuinousMystery

27.3K 742 149

This collections are for the fans and supporters of vicerylle loveteam where you can feel different feelings... More

KUNG MALAYA LANG AKO
THE BIRTHDAY GIFT
HOW CAN I TELL HER
PHOTOGRAPH
DANCING WITH YOUR GHOST
GOODBYE
VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)
VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK
TO MY PARENTS
DOPPELGANGER
BUWAN
ALMOST OVER YOU
HUSBAND AND WIFE
FATE
VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB
THE ONE THAT GOT AWAY
CAN WE GO BACK?
SOMEDAY
GIVING UP
DARKEST SECRET
LETTING GO
KARYLLE IG STORY
DARKEST SECRET II
ORGAN
IF TOMORROW NEVER COMES
HAPPIER
AKLAT
THE GIRL
VK HOME DATE
ECQ
I NEED YOU MORE TODAY
DEJA VU
SANTOL ART
DADDY
THAT GUY
SMILE IN YOUR HEART
EX
OFFCAM
LETTER E
CRUSH
LAST CHRISTMAS
KURBABE
SIR
LOVE YOU MOST
BEST FRIEND
SA'YO NA LANG AKO
PRETTY WOMAN
HIS GUARDIAN ANGEL
SHOWTIME BABIES
BABY KO SI KULOT
UNFAITHFUL LOVE
TAHANAN
DECADES
LEAVES
SHE LEFT
SHE LEFT (2)
BEST FRIEND
KUMPAS
STUCK WITH YOU
DADDY'S SECRETARY
DADDY'S SECRETARY II
DADDY'S SECRETARY III
MY CONSTANT
STUCK WITH YOU
IKAW AT SILA
OLD LOVE
I LOST HIM
TATAY
(UN)LABELED
NATATANGING LIHAM
NATATANGING LIHAM
THE GOLD DIGGER
MY TEACHER, MY MOM
RIGHT PERSON, WRONG TIME
HIS WIFE
THE CORPSE
TRAVEL WITH YOU
BINALEWALA
CONSTANT & BUKO
REUNITED
THE OFW
ALMOST HEAVEN
MAID MAIDEN
WAITING SHED

HULING GABI

367 8 2
By RuinousMystery

"Vice?" Narinig ko ang boses ni karylle mula sa kabilang linya. Napa buntong hininga ako.

"Yes kulot? Bakit hindi ka pa natutulog? Ikakasal ka na bukas." inubos ko na ang alak na nasa baso kasabay noon ay ang pag buntong hininga ko. Unti unti na rin pumapatak ang aking luha ngunit pinipigilan kong gumaralgal ang aking boses dahil kausap ko siya.

"Can you visit me here at my condo? Last night to be with you habang tatlonghari pa ako?"nilayo ko ang phone sa akin at tuluyan na akong napa hikbi. Mas masakit pala marinig kapag sa kaniyang mismo galing.

Nag compose ako ng aking sarili bago ko ilapit ang phone sa aking tenga."You still there vice?"

"Yes, yes kulot. I'm here. Diba dapat natutulog ka na? Girl, kailangan mo ng rest, bawal ang haggard na bride." Pilit kong pinasaya ang boses ko para sa kaniya. Paano ko nagagawa to na magpanggap sa kaniya? Ikakasal na yung taong ang tagal tagal kong minahal. Yun nga lang, minahal ko siya sa maling panahon.

"Actually vice kakagising ko lang, nag nap ako. Visit me please?"  Bakit niya pinipilit na pumunta ako? Ano bang gusto niyang gawin ko sa condo niya.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumagot ng oo sa kaniya. Binaba ko na ang phone at ngayon tinutungo ko ang garahe. Mag ddrive papunta sa kaniyang condo. Kahit yata anong sakit ng nararamdaman ko sa babaeng to, hinding hindi ko pa rin siya kayang tiisin- dahil mahal ko siya.

Minahal ko naman siya, pero bakit maling panahon pa? Ang tanga ko lang din dahil di ako nag tanong noong una pa lang. Kampante akong wala siyang boyfriend tapos malalaman ko one day meron palang nauna.

Anong tawag samin? Ano yung sa amin? Ang hirap mag selos at ang hirap angkinin ng isang tao kung wala naman palang label. Hindi ko masabi na akin siya dahil totally hindi ko naman siya pag aari.

FLASHBACK

Nag bihis na ako at kinuha ko na ang susi ng sasakyan. Palabas na ako ng aking kwarto ng bumungad sakin si ate at may pinapa abot na flashdrive and portfolio sakin.

"anong gagawin ko dito ate?" kunot noo kong tanong sa kaniya, nginitian niya ako.

"ikaw ang hunarap kay sir Modesto for today dahil may emergency meeting rin ako kay Ms. Z. You know him, ayaw ng late kaya kailangan mo ngayon pag aralan yang presentation na ginawa ko." napa nganga ako sa sinabi niyang yon, kaya bago pa ako maka react at mainis lalo pinag aralan ko na lang ito.

Matapos ang isang oras na pag aaral dito, umalis na ako at pumunta sa company ni sir Modesto. Diretso lang akong naglalakad patungo sa hall ng may babaeng kulot ang naka bunggo sakin. Tumingala siya at nakita ko ang mugto niyang mata.

"Sorry sir, I didn't mean it."gusto ko siyang kutusan dahil tinawag niya, akong sir pero naririnig ko namang humihikbi siya habang binabanggit niya yon. Para akong natigilan ng makita ko ang kaniyang mukha.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na pinupunasan ko ang luha niya. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Na attract ako sa kaniya.

" Next time don't cry. Hindi bagay sayo." inabutan ko siya ng panyo, nahihiya pa siyang tinanggap niya yon.

Nakita ko naman ang isang babaeng papalapit sakin at tinanong ang pangalan ko. Napag alaman ko na secretary sya ni Sir Modesto.

"Ma'am, nandito rin po pala kayo. Hinahanap kayo ng daddy nyo." nilingon ko ang babaeng kaharap ko.

"Ikaw ang anak ni sir modesto?" tumango siya sakin, nilahad ko ang aking kamay at nakipag kilala sa kaniya.

"Jose Marie or vice for short. Sister of Emma the business partner of your dad." inabot niya ang kamay ko at yun ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti.

"Ana Karylle Tatlonghari, the daughter of Modesto Tatlonghari."

Sabay kaming pumunta sa hall habang nag uusap kaming dalawa. Nalaman ko na kaya pala siya umiiyak ay dahil sa daddy nya na kinagalitan siya. Tinawanan ko lang siya kaya hinampas nya akong mahina sa braso ko.

"Good morning and sorry sir, we're late." yan ang bungad ko pagka pasok ko pa lamang sa hall. Si Karylle naman ay nagliklik papunta sa tabi ng kaniyang daddy.

"sorry dad, he's late because of me. I bumped on him and he's the brother of ms. emma viceral." karylle. Tumingin ako sa kaniya at pasimple akong kumindat. Nashiboli ka na girl?

Habang nag uusap kami tungkol sa business, hindi ko maiwasan na hindi tumitig kay karylle. Napapansin na rin siguro ng daddy nya yon kaya medyo ako naman nakukuha ko na siyang biruin and luckily I survived on that business meeting.

After meeting, inaya ko si Karylle na mag coffee kaming dalawa. Pinag paalam ko siya kay sir modesto at pumayag naman basta ibabalik ko sa kaniya ang kaniyang anak na buo at walang bawas sa katawan..

Since that day we became friends. Lagi akong sumasama kay ate sa company ni sir modesto basta hindi ako busy. Nag ma-manage ako ng sarili kong bar. Minsan si karylle bumibisita sa bar ko kapag may time siya. She's a doctor kaya sobrang busy niya.

Nalaman ko rin na mga keps ang lagi niyang kaharap, dahil sa mga nanganganak. Yak. Keps!

"Vicey? Why are you here?" tumayo ako ng makita ko siyang kakalabas lang ng delivery room. Kanina ko pa siya hinihintay.

"Para mag order ng balunbalunan at atay, mag aadobo talaga ako." sarcastic kong sabi sa kaniya kaya umirap siya sakin bago ako hampasin sa braso na naman. Sinabayan nyang tawa.

"Ano ngang ginagawa mo dito? And sorry kanina ka pa ba dito, nag pa-anak pa kasi ako and triplets pa yon." Karylle. Inayos ko yung buhok niya ng alisin nya yung cap ng hair niya.

"Just here to visit you, wala naman akong gagawin sa bar. Wala ka na bang haharapin na keps?" natatawa kong tanong kaya nakita ko ang ngiti niya bago nya ako tawanan.

"Wala naman na. Gusto mo ba makakita? Sasamahan naman kita." nandiri ako ng sabihin niya yon kaya tinawanan ako. Inakbayan ko na siya at nag punta kami sa kaniyang office.

Inabot ko sa kaniya ang dala kong paper bag, may dalawang coffee and a red velvet cake.

"Kumain ka muna." ngumiti siya sakin at thanked me.

Nag kwentuhan kaming dalawa hanggang sa mabanggit ko ang concert ng coldplay.
Tumingin siya sakin bago siya tumili. Kunwaring tinakpan ko naman ang tenga ko at tinignan siya. Nilapitan niya lang ako at inalog ang aking mga balikat.

"vicey! Please panoorin natin yung coldplay concert so we can sabay naman sa song na Yellow. Please!?" nag pout pa siya sakin. Paano ko ba hihindian ang kulot na to? Nakakaloka.

Tinitigan ko muna siya,"Joke lang. Wala talagang concert tska busy ka diba?"

Nakita ko naman na bagsak ang balikat niya at bumalik sa pagkaka upo. Hindi na niya ako pinansin. Pfft. Sabi na ba, hindi to nag bukas na naman ng social media niya. Lagi kasi siyang tutok sa books, nag aaral at nagbabasa ng mga related sa pag dodoctor.

Nakita ko two days ago sa Internet na may concert nga ang cold play dito sa Manila. Akala ko naman nakita na niya yun pala hindi pa. Kaya pala ganoon ang tili niya ng sabihin ko yon.

Bumili na ako ng two vip ticket para sa aming dalawa. Alam ko kung gaano siya ka- fan ng Cold play since i-introduced ko sa kaniya yon. One time, noong birthday niya. Kinanta ko sa kaniya ang Yellow na song and after that she hugged me tight. Sya lang ang babaeng hinayaan kong makayakap sakin, bukod sa mga kapatid ko.

Nakakaloka. Ang hirap balewalain ng babaeng to. Ang rupok ko pag dating sa kaniya. Bigay na nga ako sa pagiging bakla, bumibigay pa rin ako kapag magkalapit kami.

Doon ko narealized na may gusto ako sa kaniya. Hanggang yung gusto na yon nagiging love na. Wala eh, patuloy lang na nag g-grow ang nararamdaman ko dahil lagi kaming magkasama.

"Hindi mo talaga ako kikibuin kulot?" I asked. Tumingin siya sakin pero naka make face lang bago bumalik sa pagkain. Ilang beses kong pino- poke pero ayaw na akong kausapin. Tumayo ako mula sa pwesto ko bago ko siya lapitan at niyakap.

"Love kita kahit di mo kinakausap ngayon." sinilip ko siya pero hindi niya ako tinitignan.

"Love kita kahit hindi mo ako hinahayaan mag explain." nakita ko na binitawan nya yung fork at tumingin sakin pero ako nanatiling yakap siya at hinalikan ko siya sa noo.

"Love kita kahit amoy kang keps ngayon. Maligo ka ha?" bigla niya akong hinampas ng malakas sa braso kaya napa igik ako sa sakit ngunit natawa ko sa kaniyang itsura dahil sa sinabi ko.

"Nag jojoke lang naman ako e, isasama kita sa concert.. kapag hindi ka busy." natawa ko ulit dahil sumimangot siya. Hinampas niya ako bago ko siya yakapin.

"ito naman si hampas! Nakakaloka ka. Masakit na katawan ko girl ha?" sinubuan ko siya ng red velvet cake para matigil siya. Tinignan ko siya bago ko sya ngitian.

"May two vip tickets na ako, tapos sched--

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko yung umiiyak siya, tinawanan ko na lang tuloy. Such a weirdo.

"Teka, patapusin mo muna ako mag salita. May dalawa na akong vip ticket tapos yung isa para sa kapatid ko." tumingin siya sakin tapos hinampas ako ulit. Napa ngiwi na lang ako at tinawanan ko siya. Hinila ko siya palapit sakin bago ko punasan ang kaniyang luha.

"Joke lang, para sa ating dalawa yung ticket. Ikaw pa ba? Hindi kita matitiis. Love kita eh." niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko sa noo.

"Thank you vicey! I love you too!"

Coldplay concert came, tuwang tuwa siyang naka tingin sa kanila habang tumatalon pa habang sumisigaw. Wala akong ibang ginawa kundi ang pag masdan lang siya. Masaya akong napapasaya ko siya.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Nag simula na ang song na Fix You. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya akbayan. I remember, may mga araw na umiiyak siya. Sasabihin niyang dahilan nahihirapan lang siya minsan sa buhay nya dahil doctor siya o kaya naman minsan nakakagalitan din siya ni tito Modesto.
At sa tuwing umiiyak siya, I'm ready to fix her.

Sinabayan namin ang Yellow na song. Tuwang tuwa siya at medyo nanlamig ang kaniyang mga kamay ng marinig niyang nag sisimula na yon.

"Vicey! Oh my gosh!" nag sign ako ng quiet sa kaniya bago ko tawanan. Ang ingay kasi ni girl! Hahaha nag takip lang siya ng kaniyang bibig bago nag sabi ng 'Oops'

Tuluyan ko siyang niyakap, hanggang sa magkatapat na ang mga mukha naming dalawa.

Hanggang sa halikan ko ang kaniyang labi na tinugon rin naman niya.

Nakalaloka. Naging shiboli na ang bakla dahil kay merlat na itech. Pero okay lang, mahal ko naman siya. Hinalikan ko siya ulit bago ko niyakap mula sa likuran at pinaharap ko na sa stage.
Naka patong ang chin ko sa kaniyang ulo habang yakap ko siya.

"Karylle..." banggit ko sa pangalan niya na ngayon ang mukha ko ay nasa kaniya ng balikat.

"Mmm vicey?" nilingon niya ako kasabay ng pag ngiti niya sakin.

"I love you, Karylle." tumitig siya sakin ng ilang segundo hanggang sa arang natauhan siya na kumalas sa yakap ko at umalis ng concert na yon.

After that night, ilang araw akong hindi naka tanggap ng message or chats from her. Hindi rin naman ako maka punta sa kaniya dahil ang busy ko sa bar. Marami akong inaayos. Siguro nabigla siya sa confession ko, syempre I'm gay..ako rin hindi ko expect na mangyayari to.

Until one day nag punta ako sa hospital para bisitahin siya. Bumili ako ng red velvet cake, and frappe. Pag pasok ko sa hospital, nakita ko siya na may kausap na lalaki. Mayroon siyang hawak na bulaklak at stuff toy.

Manliligaw niya?

"Karylle!" tawag ko sa kaniya pero sabay lang silang lumingon noong lalaki. Lumapit ako sa kaniya at bineso ko siya.

"hi, why are you here?"

"to visit you? Lagi naman yun ang dahilan ko diba.. and pag usapan natin yung nangyari sa coldplay concert." I want to clear everything.

Gusto ko siya ligawan eh.

Ngumiti siya sakin ng tipid tapos tumingin siya sa lalaki na katabi niya, "Yael this is vice. A friend."

A friend? May mag friends bang nag kikiss at holding hands? May friends bang grabe mag selos sa isa't isa?

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumingin kay karylle, "tara na Karylle."

"Vice.. this is yael my boyfriend."

Nag malfunction yata yung utak ko ng sabihin niya yon sakin. Teka, baka mali lang yung rining.

"Ha?"

"Yael, my boyfriend."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Ah. Hindi mo kasi nabanggit sakin na may jowa ka. Nakakabigla ka girl. Ito naman." tumawa ako ng pilit, sana hindi niya mahalata.

Inabot ko sa kaniya yung red velvet at frappe bago ako ngumiti sa kaniya.. "food mo? Dinala ko lang talaga yan para sayo. Uuwi na rin ako eh, marami pa pala akong gagawin sa bar."

Dali dali akong umalis upang maka hinga ako ng maayos.

Pagkadating ko sa bahay, doon ko nilabas lahat ng sakit na nararadaman ko..

Dalawamg araw mula ng mag punta ako sa hospital, naka tanggap ako ng message sa kaniya. Sinabi niya na bibisitahin niya ako. Pero tumanggi muna ako. Siguro umalis na yung jowa nya kaya may oras na siya ulit sakin.

Bakit ba kase hindi ako nag tanong kung may nag mamay ari na sa kaniya?

Hindi ko namalayan na yung pag iwas ko umabot na ng dalawang linggo. Pababa na ko sa living area ng first floor ng makita ko siyang naka upo sa couch.

"Vicey," nilapitan pa niya ako at niyakap. Tumingin siya sakin bago ako ngitian ng tipid.

Ngumiti na lang din ako bago ako kumalas sa pagkakayakap niya.

"Bawal ng yakap, may boyfriend ka diba?"

"Then bakit ka umiiwas?"

Umiling ako sa kaniya bago ko sya ngitian, "hindi ako umiiwas, busy ako ng one week. Nasa bar ako o kaya umaalis ako - out of town.. anong gagawin mo pala dito?"

"To visit you. Hindi mo ko pinupuntahan na sa hospital. Pakiramdam ko tuloy iniiwasan mo ko, busy ka lang pala talaga."

Ngumiti ako sa kaniya. Ayokong makita niya kong nasasaktan e. Okay na to. Hinawakan ko yung kamay nya, pupunta kami sa dining para kumain. Pero naramdaman ko yung kamay nya, may something.

Iniangat ko yung kamay nya at nakita ko na may engagement ring.

"Engaged ka na?" tanong ko. Tumango siya sakin at masaya siya.

"Yes! Last week. Hindi mo kasi ako binibisita kaya hindi ko nasabi sayo."

Tumango ako at konting napatawa. Heto na naman tayo, mag papanggap na naman sa nararamdaman.

"Congratulations karylle!"

After that day na pag bobonding namin, pumunta ako kay nanay. Sinabi ko sa kaniya na bibisitahin ko muna ang nanay ko sa states na totoo naman pero part na rin ng pag momove on. And yung bar ko, sinara ko muna dahil hindi naman kaya yon imanage ni ate. Ang busy nyang tao at hindi niya alam kung paano.

Hanggang sa isang linggo bago ang kaniyang kasal umuwi na ako ulit ng bansa..

END OF FLASHBACK

Nalaman nyang umuwi ako last week pero hindi ko pa rin siya pinupuntahan, ngayon lang talaga.

Nandito na ko sa tapat ng condo niya kaya nag doorbell na ako.

Ilang segundo pa akong nag hintay hanggang mag bukas ang pinto at bumungad siya sakin. Mas gumanda siya.

"Vice.." niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon din ang ginawa ko. Kahit anong palang sakit ang maradaman ko, basta siya okay lang sakin.

Pumasok kami at pumunta sa salas. Pinaupo niya ko sa couch bago siya tumabi sakin.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Nakakaloka ka, ang bride hindi nag pupuyat." ngumiti ako sa kaniya at tinitigan siya.

"Gusto kitang makausap eh, kaya hindi pa ako natutulog. Kaya nga pinapunta kita dito.."

"ano namang pag uusapan natin?"

"about us?" tinitigan ko siya bago ko siya ngitian.

"Wala namang tayo K. So wala akong dapat iexplain."

"Vicey.. please kausapin mo na ako? Gusto ko malaman yung totoong nararamdaman mo for me. I'm sorry for everything." naramdaman kong napa hikbi siya kaya pinunasan ko ang kaniyang luha.

"Wag kang umiyak, kulot. I'll be okay. Nasaktan lang ako, pero magiging okay din ako. Hindi rin naman ako nag tanong sayo kung may boyfriend ka diba? Kasalanan ko rin naman.. But about the kiss sa coldplay, you kiss me back and aaminin kong umasa ako doon."

"Ako rin vice.. nakalimutan ko na may boyfriend ako. Sa tuwing makikita mo akong umiiyak, hindi naman si daddy minsan ang dahilan. Kundi si yael. I'm sorry for being such a liar kase gustong gusto ko na niyayakap mo ako. That night, sa concert. Doon ko rin narealize na nahulog ako sa'yo. But pinigilan ko kasi alam kong mali and I'm sorry dahil iniwan kita sa concert. Kung umalis ako."

Ngumiti ako sa kaniya at bahagya kong pinunasan ang luha ko na malapit ng pumatak,"ayokong ganito yung usapan natin kaya pinipilit kong yung sarili ko na maging masaya pero naman ganito pala ang usapan, hindi mo ako ni-ready." I joked. Ngumiti siya sakin hanggang sa hawakan ko siya sa mukha.

"okay lang na masaktan ako basta ikaw ang dahilan. Tignan mo oh, ayaw kitang puntahan sana dahil mapupuyat ka. Sabi ko bawal mag puyat ang bride. Pero look, dahil sa please mo nandito ako. Ang rupok ko pag dating sayo eh, napapa oo agad ako. Ganoon kita kamahal, Ms. Tatlonghari. " tumayo ako at inaya ko siyang tumayo rin.

"ngayon ko lang ulit narinig na tinawag mo akong ms. tatlonghari." Karylle. Hinawakan ko siya bewang niya at ngumiti ako

"because this is the last time na magiging tatlonghari ka. Middle name mo na yon next time, dahil pang habang buhay mo ng dadalhin ang surname na Yuzon."  pareho kaming nag ssway kahit na walang tugtugin.

"Thank you vice and sorry about what happened to us, sorry kung naramdaman mo na pinaasa kita."

Umiling ako at niyakap ko siya, "Hindi rin ako nag tanong sayo kaya umasa ako. I love you so much karylle tatlonghari."

Ngumiti siya sakin kaya napa titig ako sa labi niya.

"Can I kiss you? Last kiss sa huling pagiging ms. tatlonghari mo?"

Nakita kong pumatak ang luha niya, pinunasan ko yun ng daliri ko hanggang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. She kissed me.

"I love you karylle.." this time ako ang humalik sa kaniya na tinugon naman niya.

Mas diniin ko ang halik bago ko siya bigyan ng mabilis na halik at paka titigan siya.

"I love you vice.."

"I love you more and I know that you'll be the most beautiful bride.. kahit hindi ako ang groom mo.."







I looked at the clock, 12 midnight..ilang oras na lang, Mrs. Yuzon na siya.





















-END.

A/N:
Sabi ko naman sa inyo sasaktan ko kayo paulit ulit. Last time ko pa ito ginagawa, sadyang tinatamad lang ako mag update kaya natagalan.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
26.7K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
32.3K 1K 22
(c) 2017 | I want you forever, forever and always. Through the good and the bad and the ugly. We'll grow old together, forever and always. Book 2 of...
146K 4.3K 45
A story where two people come together because of a promise that has not yet been fulfilled. How do you handle a spoiled brat girl who has done noth...