My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : New

297 33 2
By HEYNEENAMOR

Rita's POV





TATLONG araw na akong naka leave and so far ay naeenjoy ko naman. Nagkakaroon kami ng bonding ni Oslo na talagang nakakapagpagaan ng problema ko.







Maagang pumasok si Ken ngayon. Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan magmula nung gabing nagkasagutan kami. Naiinis ako kasi hindi ko siya magawang kausapin.. Naiilang ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Natatakot ako na baka masyado tong tahimik ay may balak na itong magsumbong sa mga pulis at kunin sa akin si Oslo. Wala naman akong masamang pakay sa bata.. Gusto ko lang tong protektahan sa abot ng makakaya ko. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para mahanap ang mga magulang nito.










Lumabas kami ng bahay para mapasyal ko si Oslo sa buong village. Paglabas namin ng gate ay may biglang tumawag sa maganda kong pangalan..














"Rita!"










"Ay! Hello po Lola.." naiilang na sabi ko dito. Siya yung Lola na kumausap sa akin before. Yung Lola na nakatira sa katabi naming bahay. Naiilang ako dahil nakatingin ito kay Oslo na hawak-hawak ko..












"May anak na pala kayo iha— Ang gwapong bata naman niyan! What's his name?" Mygosh. Ito na naman tayo sa akala niyang asawa ko si Ken at napagkamalan pang anak namin si Oslo. Juskooo. Di ko nakikita ang sarili kong magiging asawa yung walanghiyang iyon. No-No.











"Oslo po ang name niya Lola.." nahihiyang sabi ko dito.. Napansin kong nakangiti itong nakatingin kay Oslo.










"Nice name! Bagay sa kanya.."












Naiilang akong ngumiti. Nagtataka ako kay Oslo ng bigla itong humagikgik ng mapatingin kay Lola kaya natawa din kami.. Nagpapapadyak ito na tila gustong magpakarga kay Lola.. Naiintindihan kaya ni Lola ang gesture ng bata kaya binuhat niya ito..















"Hello Oslo. Nice to meet you!" sabi nito kay Oslo kaya napangiti ako..















"Iha, saan ba ang punta niyo ni Oslo?"










"Ah wala naman po, maglilibot lang sa Village.. Medyo boring po kasi sa bahay kaya naisipan kong ipasyal si Oslo.."









"Tara dito sa loob ng bahay ko iha, may niluto akong baked spaghetti.. Ipapatikim ko sayo.."








"Ta-talaga po? Ipapatikim niyo sa akin?"







"Oo. Gusto kong malaman if pwede na bang ibenta ito online.. Kung okay ba ang lasa.."






"Ipapatikim niyo po sa akin ng libre? Go ako diyan Lola!" naeexcite na sabi ko at sumunod na akong pumasok sa loob ng bahay nila..












Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda ng Interior ng bahay. Ang laki ng bahay nito.









"Ang ganda naman po pala ng bahay niyo Lola. Ilan po ba kayong nakatira dito?"









"Bagong bili lang namin itong bahay iha. Nauna lang yata kami ng isang taon sa inyo. Sa Cabuyao Laguna talaga kami nakatira dati kaso nagkaroon ng problema sa lupa kaya napilitan kaming lumipat. Yung mga anak namin, may kanya kanya na ding pamilya kaya dalawa na lang kami ng asawa kong nakatira dito.."










"Hindi hu ba kayo nalulungkot na malayo kayo sa mga anak niyo?"








"Hindi. Kasi alam kong maayos na ang buhay ng mga anak ko. Okay na yung video call every night.. Hmm. Alam mo Iha, ako.. kontento na sa buhay ko.. Kasi alam kong nagampanan ko na ng maayos ang purpose ko sa mundo.. Nabigyan na namin ng magandang buhay at edukasyon ang mga anak namin.. Napagtapos na namim silang lahat at ngayon, nakahanap narin sila ng makakasama nila habang buhay.. Ang mga magulang, isa sa biggest purpose natin sa mundo ay mapalaki natin ng maayos ang mga anak natin. Yung joy , greatest lessons in life and heartbreaks.. Nasa kanila na iyon. I mean sila na ang nagbibigay at gumagawa sa sarili nila nun. Andito lang tayo to guide, to protect and to love them. Kaya ngayon, masasabi kong tama ako ng tao na pinakasalan.. Kasi nandidito kami sa sitwasyon na dalawa na lang kaming naiwan. At hanggang ngayon, masaya parin kami.. Nagmamahalan.. Taking care and protecting each other. Ang sarap lang sa pakiramdam na yung dalawa kayo sa unang yugto ng pagmamahalan niyo ay mananatiling dalawa parin kayo hanggang sa paglipas ng matagal na panahon.. Sabi nila walang forever? Believe me iha. Meron."











"Wow."












"Sinasabi ko yan sa mga anak ko, kapag pipili kayo ng tao na makakasama niyo habang buhay.. Dapat doon sa tamang tao. Yung tamang taong nilaan ng Panginoon para sa inyo.. Yung tamang tao na sasamahan ka sa lahat.."









"Ang lalim po pala ng kahulugan niyo sa salitang pagmamahal.."










"Ikaw iha? Bago ba kayo maging mag-asawa ni Ken, anong sign mo na nasabi mong "Ito na iyon. Siya na talaga.." may kilig na tanong nito kaya nagulat ako. Hindi ako makasagot. Parang nag pause ang paligid at tanging malakas na pagkalabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko..











"Po? aahh—-"











"Sorry to ask. Okay lang kahit di mo sagutin.. Feeling ko na-awkward ka. Okay lang kung di ka komportable pag-usapan.. Ito na lang, ipapatikim ko na sayo tong luto ko.." nakahinga ako ng maluwag ng ito na ang nagbago ng topic.. Pumasok kami sa kusina at inabot na niya sa akin si Oslo para maihanda na niya yung baked spaghetti na aminado akong excited na matikman..










"Oh mygosh!!! Sobrang sarap Lola!! Ngayon lang ako nakatikim nito! Ang sarap!! The best! Pwede mo na pong i-benta online! No joke, masarap talaga!"






"Salamat Iha at nagustuhan mo.. "







"My gosh! This is heaven! Wohooo.."







"Nakakatuwa ka naman iha.. Salamat hah! Akala ko'y di na ako marunong magluto nito. Ilang years na din kasing di ko to nagagawa.."






"The best! I swear! Hmmm.. Lola, pwede po ba akong omorder nito? Ipapatikim ko lang po kay Ken.. Ang sarap po kasi talaga.."





"Naku iha, bibigyan na lang kita ngayon para mapatikim mo sa asawa mo.." sabi nito..






"Salamat po Lola——-" napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag-ring..






























Ken's POV





Napahampas ako sa manubela at iritang bumaba ng kotse. Hindi maayos ang araw ko dahil sa trabaho kaya minabuti ko ng umuwi ng medyo maaga.









Pagpasok ko sa bahay ay ibinagsak ko muna ang coat ko sa sofa tsaka pumunta ng kusina para uminom ng tubig.. Natuon ang atensyon ko sa sa isang tupperware na may nakadikit na note.









Ken! Try this baked spaghetti , initin mo na lang -Rita












Kinuha ko ang note tsaka sinilip ang baked spaghetti na tinutukoy nito..












"Oh, ang aga mo yata? Kanina ka pa? Kakagising ko lang kasi. Nakaidlip ako habang pinapatulog si Oslo—- Oww yeah.. Baked Spaghetti for you——" nahinto sa pagsasalita si Rita ng lukutin ko sa harap niya yung note na sinulat niya tsaka ko tinapon sa basurahan kasunod ng pagtapon ko ng baked spaghetti sa basurahan din.









"Try harder. Huwag mo na akong suhulan. Hindi mo na mababago yung deadline na ibinigay ko sa team mo. Kung wala kayong matatapos na project, goodbye Ka-Vogue ka na.." sabi ko dito tsaka ako naglakad at dinaanan ko siya papunta sa kwarto ko..








"Alam ko. Alam kong kahit anong gawin ko, kahit mag alay ako sa harap mo ng lechon, hindi ko na mababago yung decision mo. Ikaw ang boss. Wala akong magagawa doon.. Hmm. Gusto ko lang naman magpakatao sa kasama ko sa bahay eh. Pero paano nga naman ako magpapakatao sa kasama ko sa bahay, eh siya mismo yung hindi kayang magpakatao.." rinig kong sabi nito tsaka niya ako inunahan pumasok sa loob ng kwarto niya...










Rita's POV


NAIINIS AKO. BAKIT AKO UMIIYAK. Inis na inis ako kay Ken. Gusto ko lang naman maging mabait sa kanya. As simple as that. Gusto ko nga lang ipatikim sa kanya yung luto ni Lola pero sinayang niya at tinapon sa basurahan. Kung ayaw niyang kainin eh sana hinayaan na lang niya sa lamesa diba? Ganyan ba talaga kalaki ang galit sa akin ng taong iyon? Namemersonal na siya masyado. Pati yung trabaho ko ay nadadamay na.






At bwisit tong luha ko, kanina pa umaagos ng hindi ko alam ang dahilan. Masyado akong naapektohan sa ginawa ni Ken.




















Ken's POV







"Sir Ken, nasa lobby na daw po si Miss Tolentino."





Nag-angat ako ng tingin sa secretary ko. Umayos ako ng upo tsaka ko tinuro ang isang folder sa isang mesa para kunin nito.







"Pakidala na lang sa conference room. I'll be there after 10 minutes." utos ko dito at mabilis itong sumunod. Pagkasarado ng pinto ng office ko ay napasandal ako sa swivel chair at kinuha ko ang ballpen tsaka inikot-ikot sa daliri ko.









7am palang kanina ay gumising na ako dahil nga may meeting ako ngayon sa office. Paglabas ko ng kwarto ay automatic na dumiretso ako sa kusina para kumain ng breakfast. Pero pagpasok ko sa kusina ay hindi tulad ng ibang araw.. Walang pagkain ang nakahanda sa mesa. Walang mainit na kape ang bumungad sa akin. Tiningnan ko ang pinto ng kwarto nito at nakasarado pa. Tulog pa ba siya? O sinadya niyang hindi gumising ng maaga para hindi gumawa ng breakfast.. Galit ito. Galit parin ito dahil sa ginawa ko kagabi.



Pero ano bang pakialam ko kung nagalit siya sa ginawa ko? Lagi namang galit iyon. Ano bang bago diba? Dapat wala akong pakialam. Tsss..











Binagsak ko ang hawak kong ballpen sa desk ko tsaka ako tumayo at inayos ang suot ko bago pumasok ng conference room..















Seryoso akong pumasok ng conference room at napansin kong kumpleto na ang team ni Rita maliban sa kanya , ofcourse she's on leave..dito sa loob ng conference room. Nakaupo na din si Miss Clare Tolentino, ang newly hired Writer ng Ka-Vogue.. Ngayon ko siya ipapakilala sa team ni Rita.











"Good Morning Everyone.. Hindi naman magtatagal ang meeting na ito. May gusto lang akong ipakalala sa iny———-"












"Hi! Good Morning Everyone! Ooopps— Sorry! Late na ba kami?"







Naputol ang sasabihin ko ng bumukas ang conference room at pumasok doon si Rita kasama si Oliver.. Ganun na lang ang gulat ko dahil nandidito siya sa conference ngayon. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa meeting na ito kaya nagtataka ako kung bakit niya nalaman. Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa pagdating nito. Diretso lang ito sa pag-upo sa bakanteng upuan at tumabi naman sa kanya si Oliver..








"What are you doing here Rita? On leave ka diba? And you Oliver? Tapos na vacation mo?"








"Important meeting daw ito so dapat nandidito ako." seryosong sagot ni Rita ng hindi tumitingin sa akin..






"Nagdagdag ka ng bagong employee ?" tanong ni Oliver referring to Clare.








"Yes. She's Clare. Siya ang magiging bagong writer sa isa pang bagong project. Nakapagdecide ako to have two different project para sa magazine. Same deadline with Rita's team. Pero isa lang ang pipiliin ko for launching. So goodluck."






"So wait. Gusto mong mag compete ang team ni Rita sa team ni Ms. Claire? Competition sa loob ng company namin? Are you serious ?" di makapaniwalang sabi ni Oliver.






"A healthy competition. Nakapagdecide ako to hire new writer para naman may asahan akong gawa sa sinet kong deadline. Negative kasi ang kutob ko base sa mga pinasa nilang progress report." sasagot pa sana si Oliver ng mapansin kong pinigilan siya ni Rita na magsalita pa. Hindi parin ako matapunan ng kahit na saglit na tingin ni Rita. At pakiramdam ko ay nababastos ako bilang boss niya.










"Noted on that." sagot ni Rita at sabay sabay na umagree ang team nito.












Tinapos ko na agad ang meeting at nauna na akong lumabas sa conference room para bumalik ng office ko. Padabog kong sinarado ang pinto tsaka kumuha ng alak..

















30 minutes bago ang lunch break ay lumabas ako ng office para sana mag early lunch ng makita ko si Rita na pumasok sa CR malapit sa reception area. Sumandal ako sa gilid ng pader para antayin itong lumabas. Paglabas niya ay hinablot ko ang kamay niya tsaka ko siya dinala sa loob ng storage room. Walang pumapasok sa storage room na ito habang di pa lunch break kaya aware akong walang pupuntang tao dito.




"Ano ba Ken! Bitawan mo nga ako! May makakita sa ginagawa mo!!"





"Bakit nandidito ka parin?" inis na tanong ko dito.






"Dito parin naman ako nagtatrabaho hah! Ano bang tanong yan!"







"Si Oslo? Sinong nagbabantay sa kanya? Don't tell me iniwan mo lang siya sa bahay?"






"Wow hah! Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kay Oslo?" inis na tanong nito tsaka niya ako tinulak para makalabas siya ng storage room..






















"Rita——f*ck!" Malakas niyang sinarado ang pinto at naiwan akong mag-isa sa loob ng storage room..

















Tumutubo na naman yung sungay ng babaeng iyon talaga! Bwisit.








❤️

Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 2.2K 64
A Fanfic Story about Marcos Family
19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."
26.6K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
6.4K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...