The girl who cried murder too

By Serialsleeper

3.2M 146K 84.1K

The Ripper series #2 :: When another girl cries murder, mayhem is on the way. More

Prologue
Chapter 1 : The fire she made
Chapter 2 : Placebo
Chapter 3 : Anger management
Chapter 4 : Goodbye to what we used to be
Chapter 5 : The Catalyst
Chapter 6 : The why
Chapter 7 : Shock value
Chapter 8 : The papers and the ripper
Chapter 9 : Don't dare the devil
Chapter 10 : Ghosts from the past
Chapter 11 : Dearest family
Chapter 12 : The first of the bunch
Chapter 13 : Bait
Chapter 14 : Her wake-up call
Chapter 15 : Novocaine
Chapter 16 : Narcotics
Chapter 18 : Antibiotic
Chapter 19 : I found you
Chapter 20 : The Mighty Cracked
Chapter 21 : Another Ally?
Chapter 22 : Static
Chapter 23 : You still have a choice
Chapter 24 : A monster like me
Chapter 25 : Battle she lost
Chapter 26 : What is right
Chapter 27 : The consequences
Chapter 28 : Tracked down
Chapter 29 : Terror Within
Chapter 30 : Redemption
Chapter 31 : Fragments
Chapter 32 : The other side of justice
Chapter 33 : The worst mistake
Chapter 34 : The Sacrifices We Make
Chapter 35 : History Repeats Itself
Chapter 36 : Never cry again
Chapter 37 : I'm with you
Chapter 38 : The Blitz
Chapter 39 : Lethal
Chapter 40 : Change the world
Epilogue.
The Ripper series book 3 :

Chapter 17 : Distracted

88.5K 3.4K 2.9K
By Serialsleeper

17. 

Distracted

Sisa

"Sisa! Sisa sandali!" Naririnig kong sumisigaw si Ponzi pero di ko siya nililingon. Taas-noo lang ako sa paglalakad sa hallway kasi may invisible red carpet ako kasi nga awesome ako. Sisanity aside, ayoko muna talagang makausap si Ponzi ngayon, wala eh, ang awkward eh. Awesome ako pero hindi naman ako immuned sa awkward situations.

Di ako nagpapahalatang naririnig ko siya, rampa lang ako ng rampa sabay flaunt ng red hair ko. Pinagtitinginan ako ng lahat pero unlike noon, puro sila ngiti at cheer.

"Great party sisa! Next weekend sana meron na naman!" Sigaw ng nakasalubong kong jocks tas pinalakpakan pa ako.

"Wohoo! Party animal!" Cheer naman nung iba pa. Aba loko 'tong mga 'to, feeling close lang?

Great timing at nasa mismong tapat na ako ng girl's bathroom kaya dali-dali akong pumasok. For sure lalayuan na ako nung ungas na 'yon.

"Sisa!" Nakunot ang noo ko nang makita ko si Zepp sa loob at nananalamin, nagsusuklay na naman siya sa maikli niyang buhok. Pathetic naman, di siya gayo ko na kahit minsan lang magsuklay, ang super pretty parin.

"Sisa nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Nagulat ako nang mapansing halos magsalubong na pala ang kilay niya at nakahawak na siya sa bewang niya.

"Sorry, got my bullshit filter on." Sabi ko na lamang at naupo sa sink.

"Earth to Sisa, hindi kaya ako invisible!" Narinig kong pasaring ni Zepp kaya lalong nakunot ang noo ko.

"Bakit? Sabi ko bang invisible ka?" Hindi naman sa nagpapaka-sarcastic ako, nalilito lang talaga ako sa pagsasabi ng babaeng to ngayon.

"Aish!" Napabuntong-hininga siya saka napakamot sa ulo niya. Di ko alam anong problema ng babaeng 'to. Baliw ata to. "Nakagawa ka ba ng assignment?" Dagdag pa niya.

"May assignment pala?" Napangiti na lamang ako saka kinuha ang videocam mula sa backpack ko.

"Jusko naman Sisa! Stop being so distracted nga! Ayan ka na naman eh!" Hindi ko na magets ang pinagsasabi ni Zepp kaya pumasok na lamang ako sa isa sa mga cubicle at pinanood ko na lamang ang video na kuha ko kagabi. Madami pa kasi akong hindi nakita kasi hindi ko pinanood ng buo ang recording. Baka sakaling may makuha akong clue dito tungkol sa identity ng crimson ripper o kung sa ano ba talaga ang nangyari kay Bea. Until now, hindi pa natatagpuan ang bangkay niya.

"Sisa?" 

Napangiwi na lamang ako nang muli akong tinawag ni Zepp.

"O? Ano na naman?" 

"Nagd-drugs ka ba? Kagabi kasi nag-alala talaga ako sayo. Anyare ba?" Bigla niyang tanong kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Look zeppy, i'm not in the mood to talk shit so just shush okay?" Hanggang ngayon masakit parin ang ulo ko dahil sa hangover kaya hangga't sa maari pinilit ko ang sarili kong maging kalmado.

"Concerned lang naman ako. Basta Sisa 'wag mo ng uulitin yun kagabi ah? Kinabahan talaga ako, akala ko nakita kang high ni Sir Monterror. Naku Sisa, pagnagkataon siguradong expelled ka." Aniya kaya sa sobrang pagtataka ay lumabas na lamang ako ulit ng cubicle.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Sabihin sa ano?" Tanong niya pabalik.

"Ilang matatanda ang umattend ng party kagabi?" Tanong ko ulit.

"I was so drunk last night pero sure akong may nakita akong kahawig ni Sir kagabi. Tinawag ko nga siya kaso di niya ako nilingon. Weird no?" Sabi pa ni Zepp saka napabungisngis.

"Nga pala Sisa nood tayo ng annual battle of the bands mamayang gabi ha? Pwede ka namang manood diba since dito lang sa school gaganapin? Buti nalang talaga hindi kinancel ang event nato dahil sa lecheng crimson ripper wanna be." 

Damn it. Another party na naman? A hunting ground again for the crimson ripper.

*****

Mag-isa akong naglalakad sa hallway. Nasa kalagitnaan na ng lectures ang karamihan kaya naman super tahimik na ng paligid. Siguro naman di na ako guguluhin ni Agapito.

Tinatamad akong umakyat sa hagdan patungo sa library kaya mas pinili ko na lamang na magpunta sa gym para doon magpalipas ng oras pero pagdating ko, nagtaka ako nang maabutan ko si Calix na naglalaro ng basketball. Mag-isa lamang siya pero mukhang masaya siya sa ginagawa niya. Come to think ngayon ko lang siya ulit nakitang maglaro after nawala sina Tammy.

"Good mood bruh?" Basag ko sa katahimikan. 

Hindi nakangiti si Calix pero nahahalata kong mukha siyang masaya. Malayong-malayo sa Calix kahapon bago ang party.

Naupo ako sa isa sa mga bleachers samantalang siya, saglit na natigil sa paglalaro upang lingunin ako. Kahit na pawisan siya at suot niya lang ang t-shirt sa ilalim ng polo niya, ang pogi niya parin. hayy buhay, ba't andaming pogi sa skwelahang 'to?

"Halata ba?" Aniya at napangisi.

"Anong meron? Nahanap mo na ba siya?" Tanong ko pero hindi siya sumagot, sa halip nagpatuloy lamang siya sa pagd-dribble ng hawak na bola. Hala, ano 'yun? oo o hindi? Pero kaninang umaga hinanap niya si Tammy tapos naka-topless pa siya, di kaya...

"Sino nga ulit yung santong dinadasalan para mabuntis ang isang tao?" Biglang tanong ni Calix kaya agad nakunot ang noo ko. Ulol, ba't ako pa ang pinagtanungan nito tungkol sa isang banal na bagay? 

"Calix Lancaster, Siguro you're talking about sa Ritual ng Obando. Its Santa Clara actually--" Natigil ako sa pagsasalita at otomatiko akong napangiwi. Parang gets ko na ang pinupunto ng lalakeng 'to. Creepy Calix. Pero dahil cute siya, less creepy ng 10%. 

"Ano?" Tanong niya sa bitin kong sagot.

"You creepy son of a bee. Ang tanong mahal ka parin ba niya?" Tanong ko pabalik at ngumisi naman siya na para bang nagmamalaki.

"Naniniwala ako sa sinabi niya kagabi." Makahulugan niyang sambit.

"Eh ba't siya nawala ulit? Iniwan ka na naman niya ng hindi nagpapalaam diba?" I hate to burst bubble's bubble pero curious na talaga ako.

"Tammy's just having a hard time dealing with what happened to her friends and what Dustin turned out to be. She can't handle her emotions well. Ganyan siya mula pa noong bata siya. Naiintindihan ko at patuloy ko siyang iintindihin." Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hindi ko talaga magets ang concept ng love minsan. Ba't kayo nagpapakatanga? Wala namang forever eh at sa huli may manloloko at maloloko. Ako nga eh, unang beses akong nagkagusto sa isang tao, naloko pa ako't pinaghukay sa ilalim ng lupa. Pero sa kabila nun, loves ko parin siya so okay narin. hihi." Katwiran ko naman kahit na maging ako ay di ko rin gets ang pinagsasabi ko. Wait, sumakit ata ang ulo ko ah.

Napasinghal siya at muling napangisi, "Sa maling tao ka kasi nagkagusto. Subukan mong 'wag maging manhid minsan."

"Andiyan ka lang pala! Ba't mo ba ako iniiwasan?!" Kapwa kami napalingon ni Calix.

Si Ponzi lang pala. Tagaktak ang pawis at nakatabingi na ang suot niyang cap. Patay kang sisa ka.

"Iniiwisan? Zosimo please, I don't roll like that." Pagmamaang-maangan ko sabay flip ng buhok ko. Napatingin ako sa direksyon ni Calix at patawa-tawa lamang siyang umiling-iling. I like the old emo Calix better, mas kaya kong pagpasensyahan yun.

"Guys may battle of the bands mamayang gabi, siguradong mambibiktima na naman siya." Sabi pa ni Ponzi kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Okay that's it, hinding-hindi na talaga tayo kakain o iinom ng kahit na ano mamaya." Pangako ko sabay taas ng kamay ko.

"Sigurado ba talaga kayong na-drug kayo kagabi?" Tanong ni Calix.

"Cupcakes lang ang tinira ko kagabi, Pizza naman kay Sisa. That's the only reason I could come up with. Fuck, I think the Crimson Ripper knows we're unto him." Bulalas ni Ponzi.

"Wait, kung alam na ng Crimson Ripper na gumagawa tayo ng para hanapin siya, ba't di pa niya tayo pinapatay? What the... paano niya nalaman na hinahanap natin siya?" Ewan ko ba pero kinikilabutan na ako sa napagtanto ko. 

"Sisa, yung pag-atake niya sa'yo... May naiisip ka bang rason kung ba't di ka nya tinuluyan?" Tanong ni Calix kaya saglit akong napaisip. Oo nga no? Ba't di ako tinuluyan ng lokong 'yun?

"Panget kasi si Sisa." Biglang sagot ni Ponzi kaya agad ko siyang binatukan.

"Panget? RIP Ponzi, alam kong patay na patay ka sakin!" Biro ko.

"Pansin mo pala?" Biro niya pabalik.

"Langya pwede ba, mamaya na kayo mag-landian?" Sabat ni Calix, "Sisa ano ba talagang nangyari ng gabing yon?" Dagdag pa niya kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Ganito kasi yun, I discovered the attic tapos may nahanap ako doong isang box na puno ng mga pangalan. I realized na ang mga pangalang nakasulat dun ay pangalan pala ng mga babaeng pinatay noon. Hindi ko inakalang babalikan yun ng Crimson Ripper. I assume, kaya niya ako inatake kasi muntik ko ng madiskubre ang sikreto niyang nasa box." Paliwanag ko at agad namang nakunot ang noo ni Calix.

"Teka, ba't napunta ang box ng ripper sa attic ng bahay nila Tammy?" Tanong ni Calix.

"Yan nga rin ang pinagtataka ko eh. Out of all the houses baki---"

"Anong ginagawa niyo dito? Wala ba kayong mga pasok?" Sabay kaming tatlong napalingon at nakita namin si Si Sir Klaus, siya yung asawa ni Mrs. Grady. Damn it, ang pogi talaga niya, ba't nagkaganun pagmumukha ni Spermy? Anak ba talaga niya si Spermy?

"Wala po sir!" Sabay-sabay naming sigaw.

"Ah okay hehe." Aniya at bumungisngis na lamang saka naglakad na paalis. Tatay nga talaga siya ni Spermy. 

******

 "See anyone suspicious?"

Napabuntong-hininga ako at pasimpleng nilibot ang paningin ko. Nandito lamang ako sa pinakalikurang bahagi ng crowd. Andaming tao, nakaka-suffocate. Karamihan sa aming mga nandito, may mga glow in the dark na necklace at arm bands. May iba namang mga lakas-loob na nagbitbit pa ng mga beer. Siyempre lasing na ang iba.

"Nope. But pathetic human beings. Dami." Sagot ko kay Calix at pasimpleng lumaklak mula sa hawak kong tumblr na tubig lang naman ang laman.

"Cheer mo si Ponzi, maghanda ka ng banner--" Walang emosyon man, alam kong ngising-ngisi na ngayon si Calix sa pang-aasar sakin kaya agad ko na lamang siyang binabaan.

Tumingala ako sa computer department kung saan siya naroroon at nagmamasid kaya agad kong itinaas ang middle finger ko.

"A moment of silence." Biglang nagsalita ang Emcee na nasa stage. "Before we start with the program, let us all pray for the passing of Tyler--" Death aniversary nga pala ngayon ni Tyler. Sa battle of the bands nga pala siya napatay last year. Anniversary din 'to ng pagtulong ko kay Dustin na ilibing siya ng buhay. #Masaket #MedyoNagamit #MedyoTanga #DiNaUulitPa #PogiMoPrinAlikabok

"Ba't ka nandito? Ayaw mo ba sa harap?" Nakunot ako nang bigla akong tabihan ni Ecleo. Nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket niya habang nakatanaw sa stage. Natatandaan ko tong si Ecleo kasi friends sila ni Dustin my ever so fugly ex first love.

"Ayoko, salo ko ang laway ng vocalist pag nagkataon." Emotionless man, nagjo-joke ako sa lagay nato.

"Hindi ko alam kung nakakatawa ka o sadyang masama lang talaga ang ugali mo." Aniya.

"None of the above, as you can see, maganda ako." Pagtatama ko.

"At pogi naman ako kaya bagay kami." Biglang pumagitna samin si Spermy, tinulak pa niya ng bahagya si Ecleo para magkatabi kami.

"Walang may pake spermy." Giit ko saka siya inisnaban. Buti nalang talaga at nagsimula na sa pagtugtog ang mga banda at hindi ko na narinig ang kaengotan nitong si Spermy.

"Holy mother of cheese! MY FEELSSSS!" Hindi ko na napigilan pang mapatili at mapatalon-talon. Wala akong pakialam kahit halos mabingi na tong mga katabi ko sa sobrang ingay ko. I just cant help it, ang sarap sa pakiramdam marinig ang intro ng kanta ng Linkin Park na In the End. Nakakakilabot in a very good way!

Nagulat ako nang mapansing si Ponzi pala ang nakatayo sa stage. Bigla siyang nag-rap.

It starts with...
One thing I don't know why
It doesn’t even matter how hard you try
Keep that in mind, I designed this rhyme
To explain in due time

All I know...
Time is a valuable thing
Watch it fly by as the pendulum swings
Watch it count down to the end of the day
The clock ticks life away

Tili lang ako ng tili. Hindi dahil kay Ponzi, kundi dahil sa kanta. Music is art bruh.

"Ang ingay mo!" Giit ni Spermy sabay takip ng magkabilang tenga niya.

"Walang may pake Spermy!" Bulyaw ko sa kanya sabay hawak ng magkabila niyang balikat. Tili ako ng tili sa mismong harap niya kaya halos masiraan naman siya ng bait. Arte nito, di lang naman ako ang maingay eh, actually halos lahat panay ang cheer at may hume-headbang pa nga eh.

Sa kalagitnaan ng ingay at kasiyahan naming lahat ay napansin ko si Zepp na pilit na dumadaan sa gitna ng mga schoolmates naming wild na wild na. Mukha siyang naiiyak na parang ewan, medyo petite siya kaya para siyang isang isang bolang pinagpapasahan.

"Tabi mga panget." Bulyaw ko at hinigit nalang si Zepp para makadaan. Hinila ko siya papunta sa pinakalikurang bahagi ng audience area.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Jebs na jebs na ako! Samahan mo ako!" Wala na akong nagawa pa kasi kinaladkad na niya ako ppunta sa pinakamalapit na building na kinaroroonan namin. Good girl si Zepp, yan ang reputation niya pero gaya nga ng kanta ng 5 seconds of summer, Good girls are bad girls thats never been caught, paano kung bad girl pala ang isang to? baka mamaya siya pa mabiktima and the worst part, baka mabiktima siya habang nagje-jebs. Talk about awkward.

Pumasok kami sa main building, dito lang kasi ang building na may madaming ilaw. Bago ang CR ay madadaanan muna ang cafeteria at nang dumaan kami doon ay napansin ko ang mga guards na nanonood ng balita sa loob. 

"Zepp susunod ako." Giit ko at sa sobrang sama ng pakiramdam niya eh hindi na siya nakipagtalo pa't nagtatakbo na siya patungo sa CR.

Sumilip ako ng bahagya sa pinapanood ng guard. Breaking news pala ito at gaya ng news na napanood namin ng isang araw, nasa lumang train station na naman ang reporter. Siguro natagpuan na ang bangkay ni Bea.

"Kumpirmado po, isang estudyante galing sa Crimson Lake University ang natagpuang patay dito sa lumang estasyon ng tren. Hindi pa namin maaring sabihin---"

Naiwan ang bibig kong nakaawang at pakiramdam ko'y nanlambot ang mga paa ko. Sa isang iglap, parang huminto ang mundo ko hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo hindi dahil sa narinig ko kundi dahil sa nakita ko.

Blue. Vintage Volkswagen. Julia.

END OF CHAPTER 17.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 83.6K 39
Pact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"
Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...
82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...