The Only Girl

By scriptinghaven

186K 8.4K 261

Emerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully... More

The Only Girl
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Wakas
Author's Note

Kabanata 36

3.2K 164 6
By scriptinghaven

Michael

Kinakabahan ako habang naghahanap ng flowers na ibibigay kay Fernandez. Inaamin kong mali ako sa ginawa ko sa kaniya noon. Hindi ko siya gusto pero hindi pa rin naman tama na ginawa ko 'yon. Nagulat ako noong nagkaisa ang mga kaklase ko para sa kaniya. They beat me up until I lost consciousness. Pero dinala rin naman ako agad ng mga kumag sa Hospital kaya kahit na napuruhan ay nakaligtas pa rin ako.

Napailing na lang ako habang inaalala ang mga nangyari. Hindi sila bumibisita sa akin noon sa Hospital pero nagpapadala naman sila ng mga prutas. Mga gago talaga, 'no? Pagkatapos akong bugbugin ay dadalhin ako sa Hospital at habang nagpapagaling ako kay pinadadalhan ako ng mga prutas.

Kinakabahan akong nakatitig sa gate ng bahay nina Shawn. Matagal ko nang balak na humingi ng tawad kay Fernandez pero dahil ayaw pa akong papasukin noon nina Mama ay hindi ko magawa. Ang tagal ko ring nagpahinga sa bahay.

Huminga ako ng malalim bago pumasok. Nasa likod sila. Nakita kong nag-iihaw ng barbecue si Jade katabi si James. Si Jack ay mariing nanonood sa dalawa. Napailing na lamang ako habang lihim na natatawa. Hindi pa nila ako napapansin dahil medyo malayo pa ako. Itinago ko ang hawak na bulakbulak bago maglakad palapit.

Nanlaki ang mata ni Austin nang makita ako. Sinenyasan ko siyang huwag munang maingay. Nakita na rin ako ng iba. Yumakap pa ang mga ito sa akin. Ang iba ay tinapik lamang ang balikat ko. Nagtungo na ako kay Jade na ngayon ay hindi pa rin napapansin na nagkakagulo na ang mga kasama dahil naka-focus lang siya sa iniihaw na barbecue habang nakakunot ang noo at mukhang hindi sanay sa ginagawa.

"Jade," tawag ko. Unti-unti na siyang tumingin sa akin. Nagulat siya nang makilala kung sino ako.

"You came," gulat niyang sabi. Tumango ako at ipinakita ang hawak kong bulaklak. Mabilis kaming lumayo roon at baka mag-amoy usok ang bulaklak. Gulat niyang tinanggap sa akin iyon.

"I'm sorry... for what I did," I started. "And I am sorry for hating you kahit na wala ka namang ginagawang mali sa akin— sa amin. You can hate me if you want—"

"I already forgave you the moment I forgave them too." Tumingin siya kina Shawn. Ngumiti sa kaniya ang mga ito. "Come on! Kalimutan na natin 'yon!" She laughed and everyone went to me.

"Welcome back, tarantadong Michael!" malakas na sigaw ni Alexis at binuhat pa ako ng iba. Napairap na lang ako habang natatawa na rin.

I'm glad that I'm still welcome.

***

Emerald Jade

The days went smoothly. Kumpleto na ang Section E. Palagi na kaming may gala after class. Pinapayagan ako dahil nagpapaalam naman ako ng maayos. May naghahatid at sundo rin kasi sa akin kaya sure ang mga magulang ko na safe ako.

Daryl is still courting me. Siya ang naghahatid-sundo sa akin. Halos linggo-lingo rin ata akong nakakatanggap ng flowers sa kaniya. Sabi nga ni Tita ay malapit na akong makabuo ng garden. I also notice how he changed when he started courting me. Napapansin din ng iba 'yon. Bumabalik na raw ang masayahing Daryl. Nagugulat na lang din ang iba na kumukulit na ang lalaking 'yon. Hindi sila sanay na ganoon dahil napakaseryosong tao daw talaga ni Daryl dati.

Alam na nina Kuya na nanliligaw sa akin si Daryl. Pati si Tito at Tita ay alam na rin. Wala naman silang sinasabi tungkol sa panliligaw ni Daryl kaya sigurado naman akong hindi sila tutol sa amin. But, my parents still don't know about this... maybe? Alam na kasi ng mga magulang ni Daryl kaya hindi na ako sigurado kung hindi pa ba alam nina Daddy dahil magkakakilala ang mga ito.

Ramdam na ramdam ko na welcome talaga ako sa pamilya ni Daryl kahit na hindi pa niya ako girlfriend. Pakiramdam ko nga ay mas paborito na ako ng mga Eliazar kaysa kay Daryl.

Tahimik lang kaming nagre-review ng notes dito sa classroom namin dahil finals na. Seryoso na ang lahat dahil pare-pareho naming ayaw bumagsak. Ang bilis ng oras, 'no? Ganoon daw talaga kapag masaya ka. Parang ang bilis-bilis ng panahon. Bukas na ang birthday ni Daryl at may naisip na akong regalo. I want us to be official. He already proved himself to me. Tama na 'yon.

Napalingon ako kay Hendrix at Austin dahil nagbabangayan na ang dalawa kung sinong tama ang sagot. I found out that Hendrix and his fiancè are living under the same roof already. Ang hindi ko lang alam ay kung nagkakamabutihan na ba ang dalawa. Hindi ko pa nakikita ang fiancè niyang iyon dahil ayaw pa raw magpakilala nito. And Austin already has a crush on someone. Ayaw pa niyang sabihin kung sino 'yung babae dahil hindi pa naman daw siya sure sa nararamdaman niya. Pero lagi niyang bukambibig.

Napatingin ako sa labas ng classroom dahil nakarinig ako ng nag-uusap doon. Dumaan si Lawrence kasama si Lei Anne. Sila na ulit at mas maayos na ngayon. Okay naman na kaming tatlo. Wala nang problema.

"Jade, patulong nga rito." Nabubugnot na lumapit sa akin si Kian. "Hindi ko kasi maintindihan." Tinuruan ko siya kung paano ma-solve 'yon ng tama.

Nakita kong bumukas ang cellphone ni Kian na nakapatong sa lamesa ko dahil may nag-notif doon. Lumabas ang username ni Dianne sa Instagram dahil naka-follow ata siya sa lahat ng social medias nito. Lihim na napailing na lamang ako. Halata naman na mahal pa rin nila ang isa't isa, bakit hindi nila pag-usapan ng mabuti ang tungkol sa kanila?

Wala akong naririnig tungkol sa love life ng iba naming kaklase dahil hindi naman masyadong napag-uusapan.

"Tired?" Bumungad sa harap ko si Daryl na may dala-dalang pagkain. Galing siya sa cafeteria.

Lumawak ang ngiti ko at nawala ang pagod na nararamdaman dahil nakita na siya. Umupo siya sa tabi ko at  ipinatong ang braso sa sandalan ng upuan ko, pinapanood akong kumain.

"Pwede kang mag-shortcut dito para hindi na mahaba ang pagso-solve mo," suggest niya habang tinitingnan ang mga s-in-olve ko.

Umayos na ng upo ang lahat dahil dumating na si Ma'am Sanchez.

Ngumiti siya. "Finals na," panimula niyang sabi. "Good luck, mga anak. Alam kong kaya niyo 'yan. Sana makapasa ang lahat, 'no?"

Sa lahat ng teachers namin ay si Ma'am Sanchez lang ang pinakamabait at siya lang ang ka-close naming lahat. Madaldal lang talaga siya pero okay siyang magturo.

Napatitig muna ako sa test paper na binigay. 300 items 'yon. Ngumuso ako at tahimik na nagsagot na.

At dahil nabigyan naman kami ng sapat na araw para mag-review. Alam ko ang ng mga isasagot ko.

Walang maririnig na ingay ngayon sa classroom namin dahil naka-focus ang lahat sa sinasagutan. Mabuti na lang at kahit tarantado ang mga kaklase kong 'to ay seryoso naman sila sa pag-aaral nila kahit na hindi halata minsan.

Tuloy-tuloy ang pag-take namin ng exam. Dito na rin kami sa room kumain nung break at nung lunch dahil sumisilip kami sa reviewer namin kada tapos ng isang subject na sinasagutan. Hindi na rin kami halos nakapag-usap ngayong araw.

"Natapos din," pagod na bulong ko sa sarili at tumungo muna sa desk ko. Ramdam ko ang kamay ni Daryl na humahaplos sa ulo ko. Alam kong kaniyang kamay 'yon dahil siya ang katabi ko.

"Tapos na!" sigaw ni Austin kaya tumingin ako sa gilid. Nakita ko itong nag-iinat-inat ng katawan.

"Napudpod na ata utak ko," nakahawak sa ulo na sabi ni Kian.

"Deserve natin ng treat dahil nakaraos tayo. Tara, celebrate!" masiglang sigaw ni Ezekiel.

Hindi ba siya nauubusan ng energy?

"Sa bahay naman namin," inaantok na sabi naman ni Neil.

"Mamaya na 'yan. Pahinga muna parang awa niyo na." Tumungo rin muna sa desk si Hendrix.

Nang makapagpahinga na ay tumayo na ako. Nagulat ako nang sabay-sabay na silang tumayo pagkatapos ko.

Nakasanayan nang sabay-sabay kaming umuuwi. May mga napapatigin sa amin habang kami ay naglalakad pababa ng hagdan. Ang dami kasi namin tapos sama-sama pa kaya nasasakop namin ang malawak na espasyo ng daan.

"Send mo na lang address mo sa akin. Magpapaalam muna kasi ako," sabi ko kay Neil.

As usual, ihahatid ako ni Daryl sa bahay. Parang display na lang ang kotse ko sa amin dahil hindi ko na nagagamit. Okay lang naman kay Kuya Anthony dahil mahal daw ang gas ngayon.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Daryl. Ngumiti lamang ako sa kaniya. Parang napagod ako ng sobra ngayong araw. Gusto kong magpahinga muna pero ayaw ko naman na hindi ako pupunta sa celebration.

"Nagugutom ka ba?" tanong niya bago buhayin ang makina.

Umiling naman ako. "Susunduin mo pa ba ako?" tanong ko naman.

Mabilis siyang tumango. "I'll pick you up."

"Hindi ka ba napagod ngayon? You can rest muna, magkikita naman tayo roon," nag-aalala kong sabi.

Umiling siya. "I want to pick you up. Gusto ko sabay tayong pupunta."

Ngumiti ako at tumitig sa kaniya. Hindi siya makalingon sa akin dahil nasa daan ang atensyon niya. Napansin kong lalo siyang gumwapo noong nagpagupit siya ng buhok. Sabay pa kaming nagpa-hair cut noon dahil gusto niya palagi ay pareho at sabay kami! Hanggang underarm na lang ang buhok ko ngayon at sa tingin ko ay mas bagay sa akin ang buhok kong 'to.

Nakarating na kami sa bahay. Maiintindihan naman siguro ni Kuya kung bakit medyo na-late ako ng uwi ngayon. Sabay-sabay kasi ang exam namin, lahat ng subject ay ngayon.

"Take care," I whispered. He smiled before I closed the door. At katulad ng dati, iintayin muna niya akong makapasok ng bahay bago siya umalis.

"Hi, Kuya!" Sinubukan kong maging masigla ang boses ko. Mukhang hinihintay niya akong dumating.

"Hi..." Yumakap siya sa akin nang makalapit ako. "Kumusta ang exam?"

"It was tiring!" I exaggeratedly said. Natawa naman siya at bumitaw na sa akin.

"Kuya..." malambing na sabi ko at yumakap sa braso niya habang naglalakad siya papuntang kusina.

Napairap siya at natawa ako. Alam na niya kasing may gusto ako kapag ganito ang tungo ko sa kaniya.

"May kaunting celebration kasi sa bahay nina Neil ngayon, can I come? Please? I'm with Daryl naman. I'm sure na safe ako basta siya ang kasama ko, Kuya."

Mukhang hindi siya makatanggi kaya tumango na siya. Tumili ako at mabilis na yumakap sa kaniya. "Thank you, Kuya!"

"Take care and if you'll drink..." He pointed his forefinger at me. "Make sure to drink responsibly."

Mabilis akong tumango habang may ngiti sa labi at nagtungo na sa kwarto para makapag-ayos na.

Bababa pa lamang ako ay rinig ko na ang kotse ni Daryl sa labas. Nagpaalam muna ulit ako kay Kuya bago puntahan na si Daryl.

Sumakay na ako. "Ang bilis mo naman," sabi ko. Hindi ganoon kalapit ang bahay nila sa amin kaya minsan ay parang ayaw ko nang palagi niya akong hatid-sundo at baka pagod siya galing school tapos ako pa rin ang inuuna niya.

"Tomorrow is my birthday—"

"I know," I cut him off. Nakita kong nagulat siya kaya napatitig ako sa kaniya.

"Alam mo?" gulat niyang tanong. Sumisilay na ang ngiti sa labi niya kaya napangiti na ako.

"Oo naman." I smiled.

Nung dumating kami sa bahay nina Neil ay kumpleto na sila. Ang aga, ha? Excited talaga palagi ang mga 'to basta kainan!

"Nasaan ang parents ni Neil?" tanong ko kay Daryl habang naglalakad kami dahil may naririnig ako na hindi niya kasama ang mga ito rito sa bahay nila.

"Nasa Singapore raw," sagot niya agad sa tanong ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang bilang suporta.

Kaya siguro ang lakas mag-aya ng kumag na dito kami mag-celebrate dahil nasa malayo pala ang parents niya!

Nasa front yard lang naman kami. Mayroon pang party lights at nakahanda na ang mga pagkain!

"Para sa Section E! Sana makapasa tayo!" sigaw ni Austin at itinaas ang basong hawak.

"You're not going to drink?" Binigyan nila ng baso si Daryl na may laman ding alak pero ibinaba niya lang iyon. Hindi niya ininom!

Umiling siya. "Iuuwi pa kita."

"It's fine! You can drink a few shots, come on!" I gave him his drink.

Nag-usap-usap lang kami tungkol sa mga gusto naming gawin in the future. Kung anong balak namin sa buhay at mayroon ding nagtatanong tungkol sa past. Puno lagi ng tawanan kapag sila ang kausap mo. Hindi ka mabo-bored dahil may maipapasok silang joke sa kahit na anong lalabas sa bibig mo!

Puro kain lang naman ang ginawa namin ni Daryl. Pareho naming ayaw uminom ng marami. Ako dahil baka mapagalitan ni Kuya at siya naman ay dahil ihahatid pa raw niya ako pauwi.

Pumupungay na ang mga mata ng mga kasama namin. May mga dumadaldal na rin. May nagyayabangan na kaya halata mong nalalasing na ang mga ito.

Austin started talking about his crush. Sabi niya ay nakatira lang din iyon sa may amin! Hindi ko kilala ang mga nakatira sa village naming iyon dahil hindi naman ako mahilig mangilala ng ibang tao. Gusto naming malaman ang pangalan nung babae pero maingat magsalita si Austin kahit na lasing!

Si Hendrix at Alexis na lang ang mukhang hindi pa lasing sa kanila kaya silang tatlo ni Daryl ang nag-asikaso sa mga lasing na lalaki. Ako naman ang nagligpit ng mga kalat namin sa labas.

"Okay na?" tanong ko sa tatlo nang makitang pababa na sila ng hagdan. Sabay-sabay na tumango ang mga ito na mukhang napagod sa pag-aakay sa mga kaibigan.

"Uuwi na kami," paalam ni Daryl at tinapik ang braso ni Alexis.

"Dito na rin kami tutulog," inaantok na sabi naman ni Hendrix. Hinatid kami ng dalawa sa labas. Sila na rin ang nagsarado ng gate.

"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Daryl habang nagmamaneho na.

"Mamaya?" takang tanong ko. I checked the time on my phone. Umaga na pala, 1:45 am.

"Good morning." I laughed. Bumaba na ako ng kotse pero bago isara ang pinto ay binati ko muna siya, "Happy birthday, Daryl."

His smile grew wider that's why he looked away. "Thank you," he whispered.

Nakatulog naman ako ng maayos kahit na excited na akong pumunta sa birthday party ni Daryl. Oo, excited na akong maging boyfriend siya! Iniisip ko tuloy kung anong magiging reaksyon niya kapag sinagot ko na siya.

Invited ang buong pamilya namin kaya may kasabay akong pumunta roon. I wore a simple white dress. Mas malinis kasi akong tingnan kapag naka-white ako. Light lang din ang makeup ko.

"Ready?" Kumatok na si Kuya Anthony sa kwarto ko kaya lumabas na ako.

Nakita ko sa baba si Jake at Mia. Mia saw me looking at her kaya ngumiti ito sa akin. Ngumiti na rin ako.

Maraming tao ang nasa party. Kumpleto ang Section E. Pumunta na kami sa assigned table namin. Magkakasama kami nina Kuya. Kasunod lang din naman naming dumating sina Tita.

May mga bumabati kina Kuya, siguro kilala dahil sa business. May nagtatanong din kung nasaan sina Mommy. I was about to say that my parents are still in New Zealand when I heard my mother's voice from behind.

"We're here! Surprise?" I felt my mother's warm hug. Gulat na nilingon ko sila. Kasama niya rin si Daddy!

We talked for a few minutes before they went to their table. Hindi namin sila kasama. Kasama nila sa table ang parents ni Daryl. Umangat ang isang kilay ko dahil doon.

Bakit sila magkakasama?

"I would like to thank all of you for coming to this special day. And to my son who's not yet here..." He laughed a bit. "I am proud of him. He's a good son, a good brother, and soon... a good boyfriend?" Parang tumingin siya sa akin saglit bago ipinagpatuloy ang sinasabi.

Mahabang message din ang sinabi niya bago pumalit ang Mommy ni Daryl. Pumalakpak muna ang mga tao.

"I also want to thank all of you for coming today... especially to Jade."

Oh, fuck!

Nagpilit ako ng ngiti dahil nahihiya. Lahat ng mga mata ay nasa akin na at parang kinikilala pa ako ng iba. I saw my mother smiled while looking at me.

"Jade, we were shocked that you were his childhood friend. But, at the same time, it made us so happy because finally! My son, he will be happy again." She smiled. "Thank you for coming... to my son's life. Noong bata pa siya, napansin namin ang pagbabago niya noong nawala ka. He changed... so much. But when you came back... he also came back."

Ngumiti ako dahil diretso pa rin ang tingin niya sa akin. Nagpalakpakan naman ang mga tao pagkatapos niyang magsalita.

Tumingin ako sa paligid. Pakiramdam ko kasi ay may something. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. It feels like something is about to happen.

"Are you okay?" Tita Bealyn asked when she noticed.

Ngumiti lang ako kay Tita dahil hindi ko naman ma-explain ang nararamdaman ko. Tinitigan ko na lang ang wine na hawak ko. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nung nasa unahan.

"Jade," tawag sa akin ng kung sino pero hindi ko pinansin. Kinulbit pa ako nito para lang makuha ang atensyon ko kaya binalingan ko na siya.

"Why?" medyo iritado kong sabi.

Hindi ako sinagot ni Alexis. Sa halip ay tinakpan niya ng panyo ang mga mata ko. Nagtaka ako sa ginawa niya pero hindi ako umalis sa upuan ko.

Natahimik ang lahat pero saglit lang iyon dahil bigla rin silang nagtilian na animo'y mga natutuwa.

"Alexis, anong meron?" nagtataka kong tanong. Baka mamaya ay ako na pala ang pinagtatawanan nila!

Ilang beses kong sinubukang alisin ang piring sa mata ko pero ayaw magpatinag sa akin ni Alexis.

"Ano bang nangyayari?" inis na tanong ko.

Kinukurot ko na ang kamay niya para lang lumuwag ang hawak niya sa blindfold pero walang epekto iyon sa kaniya!

"Sorry, Jade," makahulugan niyang sinabi. Lalo naman akong kinabahan!

"Tita?" I asked for help.

"It's fine, hija," iyon lang ang sinagot niya sa akin.

Base sa tono ng pananalita ni Tita ay mukhang wala namang masamang nangyayari pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako!

I waited. May mga gumagalaw sa paligid ko pero hindi ko na malaman kung sino ang mga 'yon. May mga nagbubulungan pa na parang excited din sila sa nangyayari.

Pero ano bang nangyayari?

Dahan-dahan nang inaalis ni Alexis ang panyo sa mata ko kaya napaayos na ako ng tayo.

"I'm going to remove it," he whispered.

Parang hinahanda ako ni Alexis sa makikita ko dahil dahan-dahan ang galaw niya.

When my blindfold was completely gone, my lips parted. Akala ko ako ang mangsu-surprise sa kaniya pero hindi pala. Kaya pala malakas ang hiyawan ng mga tao na animo'y kinikilig.

"Daryl..."

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 492 22
Avygail Keith Ferrell, also known as Avy. Isang babaeng kilos lalaki. Walang inuurungang kaaway kahit sino ka man. Hindi madaling umatras sa isang la...
4.1M 87.4K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
41.3K 1.6K 36
@rxmancex former un: sbbberry [WARNING!!! I wrote this story when I was only thirteen so please expect cringe scenes, grammatical errors and chaotic...
15.6K 995 27
You were the daughter of a high up noble family with close relations to the Queen, your father being a major supporter of her and the royal family in...