My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Leave

356 32 2
By HEYNEENAMOR

Rita's POV






Monday ngayon. Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast namin. Good timing ang pagluluto ko dahil tulog pa si Oslo. Nakangiti ako habang binibilang ko yung itlog na natitira sa stock namin..







"Ano bang luto ng itlog ang gagawin ko—-hmmm—-ay syet!! Ken! Multo ka ba hah! Bigla ka na lang sumusulpot talaga!"









"What's this! Hah?! Nag file ka ng 15 days leave sa Ka-Vogue?!!! Noong isang linggo lang, nakikiusap ka sa akin na i-extend ko ang deadline ng project niyo then now mag leleave ka ng 15 days? So papaano mo matatapos ang project on time hah?"






"Sa HR ko yan pinasa. Aprubado naman na ni Sir Greg yan.. Mas mataas parin ang position ni Sir Greg bilang siya naman ang Presidente at General Manager ka lang so walang mali sa pag file ko ng leave..."










"Bakit ka nag leave?"










"Nabasa mo naman yung reason ko diba?"







"Emergency. Hah? Or dahil sa bata na yun?"








"Oslo ang pangalan niya, hindi bata." inis na sabi ko.






"Sisirain mo ang trabaho mo for that baby?" ayoko ng tono ng pananalita ni Ken. Naiinis ako.







"Walang trabahong masisira. And choice ko ito. Wala kang pakialam doon. Kung ayaw mong tumulong sa paghahanap sa magulang ni Oslo, naiintindihan ko. Pero wag mo na lang akong pakialaman sa desisyon ko.. at Baka nakakalimutan mong rights ng isang empleyado ang mag file ng leave!"











"Binabawi ko na ang 14 days extension sa deadline ng project niyo. Makikipag meeting ako sa team mo mamaya. Meron na lang kayong 3 weeks for that project.." seryosong sabi nito tsaka siya muling pumasok sa kwarto niya. Nasapo ko ang noo ko dahil binigyan na naman niya ako ng problema.








Actually, kahapon pa ako nakapag decide na mag leave muna dahil walang mag-aalaga kay Oslo. Nahihirapan akong mahanap ang mga magulang niya. Masyado pang strict ang barangay hall namin dito dahil ayaw nilang magbigay ng CCTV copy sa akin ng araw kung kailan namin nakita si Oslo. Hindi ko kasi sinasabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit gusto kong makahingi ng kopya ng videos. Gusto kong makita kung sino yung naglagay kay Oslo sa ilalim ng kotse ni Ken. Naglista na ako ng ilang motibo pero hindi din ako sigurado kung ano ba talaga ang totoo. Naaawa ako sa bata. Sa liit niyang ito, dapat ay kasama niya ang mga magulang niya pero hindi.. Bata pa lang siya ay ulila na. Gusto kong punan ang pangungulila ni Oslo sa mga magulang niya. Handa akong mahalin ang batang ito..





Hindi na ako magtataka sa reaksyon ni Ken sa leave ko. Sisiguraduhin ko naman na magtatrabaho parin ako dito sa bahay eh. I have my laptop naman and complete files..

















"Hello, this is Rita Daniela, yung tumawag sa inyo kahapon regarding sa copy ng CCTV—-"







"Maam, hindi po talaga kami nagbibigay basta-basta ng videos. Mag request na lang po kayo through letter and give us a valid reason. I-rereview pa po yun sa office and baka matagalan pa.."




"Pero importante—"






"Sorry Maam, magsend na lang po kayo ng request letter. Thank you.."








Inis kong binaba ang telepono dahil pinagbagsakan na ako ng kausap ko sa kabilang linya.. Ang hirap. Ang hirap kumuha ng informations.. Actually, na s-stress na ako. Pero kapag nakita ko yung mukha ni Oslo, mabilis niyang binabago ang mood ko..









Kinuha ko si Oslo na kasalukuyang gising na..









"Good Morning Little Oslo! How's your sleep? —- Ooowwh.. Bakit ka tumatawa hah? May nakakatawa ba sa face ko hah??" kinikiliti ko ang tiyan nito at hagikgik ito ng hagikgik..















Lumabas ako ng bahay at dala-dala ko si Oslo. Nililibot ko ang buong village at nagbabakasakali na may makita akong kakaiba sa paligid.. Baka sakaling may mga makapagturo kung sino ang nag-iwan nito sa ilalim ng kotse..




"Noong gabi, pinark ni Ken yung kotse sa labas ng gate kaya madali na lang sa kanila na ilagay ang baby sa ilalim.. So possible na ang naglagay ay galing sa entrance ng village dahil malapit lang naman kami sa entrance nito. Isang liko lang at entrance na.. " bulong ko sa isip ko habang nakatayo ako sa tapat ng gate namin. Problemado akong nag-iisip ng mga what ifs.. Haaays..

Tuloyan na akong naglakad palabas ng village para makapunta kami ng mall. Balak ko kasing bumili ng cerelac at ilang baby foods para kay Oslo. Balak ko ding bumili ng books..







Pagpasok ko sa mall ay dumiretso ako ng supermarket.. Nalula ako sa dami ng mga baby foods.. Wala akong idea kung anong pwedeng kainin ni Oslo.. Ang tagal ko na yatang nakatayo sa harap ng estante.. Mabuti na lang ay may isang babae na bumibili rin ng baby foods..









"Hi! Anong best brand para sa baby foods ang safe?" nahihiyang tanong ko dito..












"Ito. Hiyang kasi ang baby ko dito.. And advisable din ng doctor niya.."
















Doctor? Baka kailangan ko munang komunsulta sa Doctor para kay Oslo. Baka may mga allergy ito sa pagkain at bawal sa kanya. Mabuti na ang sigurado..
























"Rita Daniela.."






Napatayo ako ng tawagin ng nurse ang pangalan ko. Hinatid ako nito sa loob ng office ng isang doctor para sa baby..
















Lord? Bakit ang bait mo sa akin? Bakit mo ako binibiyayayaan ng ganito? Isang makisig na doktor na naman ang iniharap mo sa akin? Gusto mo ba talaga akong mawalan ng hininga? Huhu.. Ang gwapong doctor nito!!!








"Hi! Good Morning Mommy!" bati nito kaya medyo nahiya ako..












"Ah. Hehe. hindi ko ito baby.." pag amin ko dito.










"Oh I'm sorry—"








"Hindi! Okay lang! Hehe. Actually, anak ito ng friend ko—- iniwan niya sa akin tong baby and until now, hindi parin siya nagpapakita.." kunyaring dahilan ko. Sana maniwala ito sa drama ko. huhu












"Okay.."













"Hindi ka naniniwala sa akin Doc no?" tanong ko dito at tumawa ito.. Ang gwapo niya tumawa! Hooooy! Bakit siya ganyan! Baka mapaamin ako bigla dito!!!









"You know what, wala namang case sa akin kung legal or illegal ang pagiging guardian mo diyan sa bata. As long as dinala mo siya dito sa hospital, alam kong mabuti ang pakay mo sa bata.. Gusto mo lang siyang mapabuti at maging healthy kaya mo siya pinapakonsulta.." sabi nito kaya parang pakiramadam ko ay natutunaw ang puso ko. Ang bait bait naman nito. Sa sobrang kabaitan niya ay pwede na siyang maging Santo. hehe.









"Sa-salamat Doc. Hindi yata ako nagkamali ng hospital na pinagdalhan kay Oslo.. Ang bait ng Doctor niya." ngumiti na naman ito. Hoooy! Tama na ang pagngiti doc! Baka ako naman ang magkasakit sa puso sa bawat pagngiti mo hoooy!















"Wala namang allergy si Oslo. Bibigyan kita ng list ng mga pwedeng kainin niya. He's 7 months old. Healthy siya kaya wala kang magiging problema sa kanya.. Basta painumin mo siya ng mga vitamins na nireseta ko. And next month, dalhin mo siya ulit dito for his monthly check-up.."










"Salamat talaga Doc——-"










"I'm Doctor Tristan Padilla."











"Thank you Doc Tristan!"










"My pleasure to help you Rita."














NAMUMULA NA YATA ANG PISNGI KO! Hoy!














Pag-uwi namin ng bahay ay pinatulog ko na muna si Oslo at oras na para magpatuloy sa mga drafts sa project namin. Until now ay naghihintay parin ako ng confirmation para makasingit sa Schedule ni Miss Anne. Kahit isang araw lang ay sana pagbigyan niya kami bago umabot sa deadline. Balak ko sana ay sa araw na iyon ko na gagawin yung interview at ang photoshoot para sa magazine. May connection naman ako sa handler ni Anne eh kaya medyo di ko pinoproblema ang schedule dahil nangako ito na within this week na. Sinilip ko ang laman ng GC namin ng team ko at lahat sila ay nag-iiyakan dahil nga binawi ng Tsinoy na iyon ang 14 days extension para sa project.. Alam kong napepressure na ang team ko pero wala akong magawa.. Boss namin si Ken at kahit magdemand man kami ng time ay nasa kanya parin ang huling desisyon.
















9pm na ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ngayon lang siya nakauwi. Mukhang may pinanggalingan na naman itong lugar kung saan siya nasasatisfy sa bisyo niya.




Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong ko ito. Napansin kong medyo gusot ang suot nitong puting polo at nakatanggal pa ang tatlong botones mula sa itaas. Mahahalata mong nanggaling pa siya sa isang eksena kasama ang kung sinong babae. Pinanood ko siya habang tinantanggal ang sapatos niya at kung paano niya iyon ayusin sa gilid ng pinto..






"Sana hindi ka na lang nagbigay ng 14 days extensions kung babawiin mo lang din.." inis na bungad ko dito.








"Ang akala ko kasi deserve ng team niyo ang 14 days extension pero—-"





"Ken! Nag leave lang ako! Hindi ko naman papabayaan yung trabaho ko sa Ka-Vogue!! Dahil lang pala sa pag-leave ko, makakaramdam ng patong-patong na pressure yung team ko.. Pinaasa mo sila sa 14 days na iyon. Ganyan ba talaga ang gusto mo? Ang ma-pressure ang mga tao mo?"








"Wag mong kwestyunin kung paano ako mamahala sa mga tao ko. I'm not Oliver na hinahayaan lang ang team niya na gumawa ng gumawa hanggang sa magtagal ang pagrelease ng mga output.. Ayoko ng may sinasayang na oras Rita. I hate delays."








"Pinipersonal mo ako sa trabaho Ken!"










"Bahala ka kung anong gusto mong isipin!" inis na sabi nito at pumasok na ito sa kwarto niya..







Kontrabida talaga siya ng buhay ko. Pinipersonal niya ako dahil kay Oslo? Ano bang ginagawa ng bata sa kanya at ayaw niyang alagaan ko ito? Wala ba siyang natitirang awa sa bata? tss..











❤️

Continue Reading

You'll Also Like

322K 10.3K 57
Princess Hazel Ancheta has no choice but to live in that house with that Perverted Man. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang mga magu...
96.6K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."
27.4K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴