Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 26

198 57 85
By night-firefly



Craig pov:

"What's the matter Craig? Bakit sinasabi mo ito ngayon?" nagtitimping tanong ni Dad na kaagad namang hinawakan ni Mommy sa braso nito.

After the party pumunta kami sa mansyon ng mga Villera upang pag-usapan ang pag-urong ko sa pagpapakasal namin ni Miracle. Hindi ko na kaya pang magkunwaring okay lang sa akin ang arrangement dahil ayokong mawalan na talaga ng pag-asang magkasama kami ni First.

"Dad please understand, mahal ko si Miracle pero bilang kaibigan lang. Ayokong dumating ang araw na pareho naming pagsisihan ang desisyon niyong ito." mahinahon kong paliwanag. Napatingin ako kay Miracle ngunit nakayuko lang siya habang nakaupo katabi ng mga magulang niyang seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Is it because of First again?" mapang-uyam na tanong ni Tita Anastasya , ang ina ni Miracle.

Napayuko lang ako sa tinanong niya. Ayokong sagutin ang tanong niya dahil ayokong mas lalo pang masaktan si Miracle. Alam kong alam na niya ang dahilan ko ngunit mas lalo lang siyang masasaktan kung sasabihin ko pa iyon ngayon sa harap niya.

"Mom." mahinang awat ni Miracle sa ina niya.

"No!" matigas pa nitong sambit. "Hindi pweding hindi matuloy ang engagement ninyo." sambit nito sa akin at tsaka seryosong tumingin sa aking ama. "Alam mo kung anong mangyayari sa negosyo niyo kung papayag ka sa gusto ng anak mo Rigor." baling nito kay Daddy na napabuntong hininga lang bago tumingin sa akin.

"Craig, stop this nonsense dahil kahit anong gagawin mo matutuloy at matutuloy pa rin ang pagpapakasal niyo ni Miracle. Napag-usapan na natin ito noon kaya huwag ng matigas ang ulo mo." tiim-bagang nitong sita sa akin.

Mapait akong napangiti kay Dad. Mas mahalaga ba ang negosyo kaysa sa kasiyahan ko? Napapailing naman na tumingin si Mommy sa akin. Alam ko namang kampi si Mom sa desisyon kong ito pero hindi siya makapag-react kapag nauunahan na ng galit ni Dad.

"Dad I can't. Ayoko nang ipagpatuloy pa ang arrangement namin ni Miracle dahil ayokong masaktan lang siya sa akin." napatingin ako kay Miracle at ramdam ko ang lungkot niya sa desisyon ko ngunit ayokong dagdagan pa ang pasakit na mabibigay ko sa kanya dahil hindi ko nakikita ang sarili kong makasal sa kanya. Kaibigan kami at ayokong pati iyon ay mawawala pa sa aming dalawa dahil lang sa sapilitang pagpapakasal ko sa kanya.

"Craig!" galit ng baling ni Dad sa akin. Natatakot din naman ako sa tuwing nagagalit siya ngunit kelangan kong panindigan itong desisyon ko ngayon.

"Tito, tama po si Craig." mahinang sambit ni Miracle at malungkot na napatingin sa akin. "Ayoko din naman ng arrangement na ito kaya hayaan na lang natin si Craig sa gusto niya.

"Are you crazy Miracle??" bulyaw ng ina niya.

"Stop it Anastasya." pigil ni Tito Anton sa asawa niya. "Let them decide what they want, malalaki na sila kaya hayaan na natin kung anong gusto nilang mangyari." mahinahon nitong paliwanag.

"Pero—

"Mom! Please.. kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako sa desisyon ko." pakiusap ni Miracle sa ina niya ngunit galit lang itong napabuga ng hangin at napabuntong hiningang napabaling kay Tito Anton na nakahawak sa kamay nito upang mapakalma.

"Mapuputol ang ugnayan ng mga negosyo natin sa desisyon ninyong ito Craig." banta pa nito sa akin.

"No. Magpapatuloy pa rin ang ugnayan nang mga negosyo natin sa kanila Anastasya. Magkaibigan pa rin naman ang mga anak natin kaya huwag namang matigas ang puso mo Honey." pakli ni Tito Anton kaya nakahinga ako ng maluwag. Tahimik lang na nakikinig ang mga magulang ko dahil alam ko namang kelangan pa rin ng business ni Dad ang negosyo ni Tito Anton. Isa sa pinaka-successful businessman ang pamilyang Villera kaya malaking kawalan sa negosyo ng pamilya namin kung tuluyan talagang maputol ang ugnayan namin sa kanila.

Wala na ding nagawa si Tita Anastasya kaya pilit na lang nitong pinapakalma ang sarili sa desisyon ng asawa niya.


"Thank you Miracle." sincere kong pasalamat kay Miracle dahil pumayag siya sa desisyon ko kahit alam kong nasasaktan siya ngayon. Tango lang ang sinagot niya sa akin at tatayo na sana ako upang yakapin siya ngunit biglang dumating si First kaya kapwa kami nagulat sa ayos niya.

May maliliit na sugat ang pisngi at katawan niya. Pansin ko rin ang panlalaki ng mata ni Tito Anton ng makita ang ayos ni First sa harap namin ngayon.

"WHAT THE HELL HAPPEN TO YOU FIRST?" dagundong nitong tanong dahil sa gulat na din siguro sa nakikita niya ngayon sa anak niya.

Mabilis na nagsituluan ang luha ni First at awang-awa akong nakikita siyang ganito. Gusto ko siyang lapitan pero umiling siya ng makita niyang papalapit ako sa kanya.

"T—tell me Dad, am I your daughter?" nauutal pa niyang tanong at pilit niyang nilalabanan ang hikbi niya.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanya sa sandaling ito.

"What the hell are you talking about First?"

"Am I your daughter?" pag-uulit niyang tanong sa ama.

Humagulhol na siya ng hindi ito nakasagot sa kanya. Hindi ko na kaya ang nakikita ko ngayong kalungkutan sa mga mata niya. Gustong-gusto ko na siyang lapitan ngunit lagi lang niya akong pinipigilan.

"Please dad,—-.." suminghot muna siya bago nagpatuloy. "tell me what you really think about me. Tinuring mo man lang ba akong....—- anak mo?" gusto kong maiyak sa kung paano niya nababanggit ang bawat salita niya dahil ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Malalim na napabuntong hininga si Tito Anton bago ito umiling. Nagulat ako sa reaction nito dahil hindi ko naisip na hindi niya anak si First, pero mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa ni First.

Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Kahit kunti lang daddy..." napahagulhol siyang muli. "kahit kunti lang, sana maramdaman mo ding anak mo rin ako." pakiusap ni First dito.

"H-hindi kita anak First!" sambit ni Tito Anton at kapwa kami napasinghap sa sinabi niya.

Ilang segundo ang lumipas bago bumitaw si First sa pagkakayakap sa ama niya.

"Look at me Dad..—." puno ng hinanakit ang boses nito habang nakatingin sa ama niya. "I am your daughter." huling sinabi niya bago mabilis na umalis sa harap namin.

Napahawak sa puso si Tito Anton at muntik na itong bumagsak sa sahig kung hindi ko lang agad nilapitan.

"First!" mahinang tawag nito ngunit hindi na siya nagawa nitong lingunin.

Tuluyang bumagsak ni Tito Anton sa sofa dahilan ng pagpanic ng asawa niya. Mabilis namang umalalay si Dad at tulong-tulong kaming mapasakay si Tito Anton sa sasakyan upang mabilis na madala sa ospital.

Ako na ang nagmaneho at ilang minuto lang ang nagdaan ng makarating kami sa ospital. Mabilis na inasekaso ng mga doctor si Tito Anton at napag-alaman naming nagka-mild stroke ito siguro dahil sa nangyari kanina sa pagitan nila ni First.

"Craig." mahinang tawag ni Miracle sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Si First.." tumingin muna siya sa mata ko bago ituloy ang sasabihin niya. "—hanapin mo siya. Napansin ko ang sasakyan niya kanina sa labas ng mansyon kaya sigurado akong naglakad siya paalis kanina." nag-iwas siya ng tingin matapos niyang magsalita.

Napahawak ako sa kamay niya at marahan siyang niyakap upang pagaanin man lang ang nararamdaman niya ngayon. Alam kong mahalaga na sa kanya ang bagong pamilya niya ngayon kaya mas lalo lang nadagdagan ang lungkot na nakikita ko sa mukha niya ngayon.

"I'm sorry Miracle." buntong hininga kong sambit sa kanya. Ngayon ko lang naisip na napaka makasarili pala ng hiniling ko sa kanya. Hindi ko masyadong inisip ang mararamdaman niya dahil mas nanaig sa akin ang makawala sa arrangement namin ngunit iyon lang kasi ang nakikita kong paraan upang tuluyan na kaming makalaya sa maling pagkakatali namin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at napatingala siya upang malabanan ang mga luha niya. Alam kong kanina niya pa ito pinipigilan at ayaw niya itong ipakita sa akin ngunit nararamdaman ko pa rin ang paghihirap niya at sobra akong nagiguilty ngayon.

"It's okay Craig.. magiging okay din ang lahat, magiging okay din ako. Haha." nagkunwari siyang natawa pero halata naman sa mata niyang hindi siya masaya. "Huwag mo nga akong tignan ng ganyan. Magkaibigan pa rin naman tayo diba." pigil niya pa sa akin dahil malungkot akong napapatingin sa kanya.

Bahagya lang akong napangiti sa sinabi niya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang ugali niya kahit nasasaktan na siya ng dahil sa akin.

"Thank you! Ang swerte ko talaga sayo Himala." natatawa ko ng sambit upang mabawasan man lang ang mabigat na hangin sa pagitan namin.

Napasimangot siya sa tinawag ko sa kanya at maya-maya ay magaan na niya akong tinulak paalis.

"You can now leave Craig, stable na ang kalagayan ni Dad kaya hanapin mo na si First." pagtataboy nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at mabilis na ding umalis. Kanina ko pa naman din gustong mahanap si First.

Malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa akin palabas ng ospital kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras. Kelangan ko ng makita si First at mas lalo lang akong nag-aalalang isipin na naglakad lang siya paalis kanina. Hindi ko man lang napansin ang sasakyan niya dahil sa pagmamadaling madala si Tito Anton sa ospital, buti na lang napansin iyon ni Miracle.

Mag-iisang oras na akong naghahanap sa kanya at lalo lang lumalakas ang bagsak ng ulan. Bumalik pa ako sa mansyon nila ngunit nandoon pa rin ang sasakyan niya sa labas. Tinalunton ko ang kaliwang daan, pilit ko pa rin siyang hinahanap kahit hirap akong maaninag ang paligid dahil sa malakas na ulan.

First!!!" malakas kong tawag sa kanya ng makita ko siyang nakayakap sa tuhod niya habang nakasalampak sa daan.

"Hey! First.. I'm already here! Naririnig mo ba ako?" natataranta kong sambit bago ko siya buhatin at isakay sa sasakyan.

"Craig!" mahinang baling niya sa akin.

"Yes baby, andito na ako. Hindi ka na mag-iisa First." buong puso kong sambit habang naaawang nakatingin sa kanya.

Mabilis na namang nagsituluan ang luha niya kaya mahigpit ko na siyang nayakap.

"What took you so long Craig?" humihikbi niyang sambit. "Akala ko, wala na namang magliligtas sa akin, pero bakit ang tagal mo naman?" bulyaw pa niya sa akin.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Awang-awa ako sa kalagayan niya ngayon, parang dinudurog din ang puso ko dahil sa hagulhol niya. Kung pwedi ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay ginawa ko na.

"Hush please! I'm sorry kung natagalan ako. ..—don't cry please! Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan First."

Patuloy pa rin siyang umiiyak at patigil-tigil na nagsasalita dahilan ng kanyang mga hikbi.
"Wasak na wasak na ako Craig! Paano pa akong hindi masasaktan huh?! —hindi niya ako tinuring na anak!" napaharap siya sa akin bago ulit nagsalita. "Mahirap ba akong mahalin? Bakit hindi ako kayang mahalin ni Dad? Kunting pagmamahal lang naman ang hinihingi ko sa kanya, bakit hindi niya magawang ibigay iyon?" hagulhol niya pa ring tanong.
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng bawat bigkas niya sa tanong niya.

Pinunasan ko ang luha niya gamit ang daliri ko ngunit patuloy lang iyong nababasa ng mga luha niya.

"Please stop crying First. I'm here. Andito lang ako, if your daddy couldn't love you. A—andito lang ako. M—mahal na mahal kita First kaya huwag ka ng umiyak please." Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Tito Anton na hindi niya anak si First kahit kitang-kita naman na magkamukha at minsan ay magkaugali sila nito.

"No. Iiwan mo din ako tulad nila Craig.!!" takot niyang sambit.

"No... no.. baby, hindi kita iiwan! Mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang mahiwalay sayo ulit. I've waited enough to be with you, at hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito." maigi kong paliwanag sa kanya upang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

Patuloy lang siyang umiiyak habang yakap-yakap ko siya ulit. "Mahal na mahal kita First at kahit kailan hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo. Hinding-hindi na kita iiwan at kahit gustuhin mo man ulit na iwanan ako, hinding-hindi na kita papakawalan First." sambit ko pero di ko alam kung naririnig pa niya dahil parang nakatulog na siya.

Inayos ko ang pagkakasandal niya sa upuan bago ko pinaandar ang sasakyan ko. Hinalikan ko pa ang noo niya bago nagmaneho papunta sa bahay namin.

night-firefly 💙

Continue Reading

You'll Also Like

517K 15K 63
SOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isa...
343K 9.4K 45
This story is a fiction which includes also a fictional characters. The place and the school's names is just an imaginary.
13K 1.4K 39
LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH #04 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN TEENFICTION 2022-07-24 #08 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN CHICKLIT 2022-03-07 #94 HIGHEST RAN...
696K 13.3K 70
Lumaki sa pamilyang akala niya ay sa kanya. Isang babaeng pinag kaitan ng pag mamahal. Lahat ng tao sa paligid niya ay akala niya totoo. Akala niya...