WANTED: PERSONAL ASSISTANT ||...

By CuteinDream

5.4K 328 83

Being his P.A? is not easy, it's a hell. I dont even know them. They are idolized by billions of people Bu... More

WANTED: PERSONAL ASSISTANT
ENHYPEN
WPA 1 COMPUTER SHOP
WPA 2 THAILAND
WPA 3 THAILAND
WPA 4 ARE YOU LOST
WPA 5 THAILAND CONCERT
WPA 6 THAILAND
WPA 7 HELL JOB
WPA 8 ENHYPEN
WPA 9 PERSONAL ASSISTANT
WPA 10 SHE'S CRYING
WPA 11 BORACAY
WPA 12 BORACAY ILANDers^_^
WPA 14 BORACAY
WPA 15 BORACAY LAST DAY
WPA 16 BORACAY LAST DAY 2
WPA 17 BIRTHDAY PARTY
WPA 18 JOWON

WPA 13 BORACAY

157 15 2
By CuteinDream

Jake's POV

Hi girls!

Pagtapos gawin ni Jay ang bagay nayon kay niyana kanina ay naging awkward ang lahat samin. Lalo na kay sunghoon, jungwon at jay.

Si Jay ay na aawkward kay sunghoon. Si Sunghoon naman ay na aawkwardan kay jungwon.At si jungwon ay na aawkwardan kay jay. Ganon lang tila sila mga timang.

Seriously? Dahil sa isang babae?

Kaya ang lunch namin imbis na maingay at masaya, naging parang ritual na bawal ang magingay. Grabe kasi ang tensyon nila. Kahit ako, baka pagnagsalita ako ay magbumuga ng apoy ang isa sa kanila.

Maski sa pagkain ay nagtatalo talo sila. Bibigyan ni Jay si niyana ng pagkain tas itatapon ni jungwon yung nilagay ni jay sa pagkainan ni niyana, ganon repeat repeat. Si sunghoon naman ay tamang tingin lang, kunwari cool sya para hindi mahalata kahit halatang halata naman.

Si niyana naman ay nakatitig lang sa plato nya at sa ginagawa ng dalawa. Hindi ko din malaman kung sino at anong mga espirito ang pumasok sa mga to. Ang weird.

Natapos kaming maglunch at sabay sabay na bumalik sa room para makapag pahinga.

--------

2nd Day.

Niyana's POV

Nagising ako sa maingay na tunog sa labas.

O_-

Gusto ko pang matulog, pero sobrang ingay talaga. Napabangon ako sa pag kakahiga at sumilip sa veranda.

Nakita kong ang daming tao sa dagat, mga naka jetski sila. Kinusot kusot ko yung mata ko

Totoo batong nakikita ko? Tumatawa si sunghoon. Mukang nag eenjoy sa ginagawa. Baka nananaginip lang ako? Pinanliitan ko sila ng mata.

"Oh andyan kapala, Halika na sa baba at mag umagahan, " yaya sakin ni kelly na kasama namin sa loob ng kwarto

"Ah sige susunod ako mag aayos lang ako"

Nginitian nya lang ako at saka sya lumabas ng kwarto. Nagtoothbrush at nag ayos lang ako ng konti at saka bumaba nadin

Pag baba ko ay kumpleto na silang lahat. Nakakahiya naman grand entrance ang pagbaba ko.

Umupo ako sa tabi ni claire dahil sya lang naman ang medyo kaclose ko.

"Goodmorning ho" Bati ko kay piggy nim, nginitian nya ako at nag nod.

Matapos akong bigyan ng pagkain ay biglang may dumating na grupo ng mga lalaki

"Goodmorning mama" Bati nila dito.

"Hmm. Goodmorning boys, have a sit" Masayang bati nya dito.

Masaya silang lahat na kumain, kadalasan ng topic nila ay puro concert o tungkol sa business. Kaya hindi nalang ako nakisali at kumain nalang.

Napapatingin pako kay jay, naiilang kasi ako tingin sya ng tingin sakin. Tsk ang laki ng problema nya sakin.

Matapos ang mahabang umagahan ay napag desisyonan nilang mag jetski

Ang unang naglaro ay ang pitong lalaki na mga pogi, iba iba ang kulay ng buhok

Umupo muna kami sa buhangin at hinintay na matapos sila.

"Sino ang mga yon?" tanong ko kay claire

"Ahh, hindi mo sila kilala?"

" Itatanong ko ba kung kilala ko?"

"ansungit mo ah. Hahahaha"

"Tsk sabihin mo na, sino yang mga yan?"

"Ayang pitong malalaki ang katawan, Sila ang BTS sila ang kauna unahang artist ng bighit. Sikat sila sa buong mundo"

Buong mundo? bat hindi ko kilala, pero ang popogi nila. "Ayan namang lima, sila ang TXT. Sila ang sumunod na nag debut sa Bighit." Napatango tango ako sa kwento nya.

"Pangatlo lang ang enhypen. Sila ang pinaka special na grupo ng bighit"

"Special? bat naman special?"

"Kasi nga, yung pitong mokong nayon ay swerte. 22 silang lahat. ILANDers lang din sila dati."

"Oh tapos? anyare"

"Ayon pumili si Pd nim ng pitong magiging miyembro ng enhypen sa ILANDers, at silang pito ang nabuo at maraming votes"

"Ah sinong nag vote?"

"Mama mo siguro teh, Ay aba syempre yung mga taong gustong mag vote"

Napatawa naman ako ng mapikon sya sa kakatanong ko.

" Wala naman kasi akong alam sa nangyare sa ILANDERS at enhypen nayan e. Sorry naman "

"Ang ignorante mo te"

"hahahahaha"

"Tawa kapajan e, umagang umaga e"

"Oh edi sinong masungit satin ngayon HAHAHAH"

"ay ewan ko nga sayo. Tara na, tayo na ang magjejetski."

Tumayo kami ng kami na ang mag jejetski.

Ang laro namin ay taya tayaan. Driver namin ang mga lalaki, at kami namang mga babae ay naka angkas at kami ang magtatayaan

Kapartner ni sunghoon yung malandi nyang jowa, si claire ay si jake. Si Jay ay si kelly at ako ay nakaangkas kay jungwon. Silang apat lang sa enhypen ang maglalaro dahil ayaw ng tatlo.

Nagsimula na ang laro, kapit na kapit ako sa damit ni jungwon parang malalaglag na kasi ako, lalo na't kami ang laging taya. Badtrip naman kasi gitgitin daw ba kami ni sunghoon at jay, Ako yung napupuntirya dito sa likod e. Basang basa na ko.

Nasa gitna kami ng karagatan ng biglang paharurutin ni jungwon ang jetski, hindi ko inaasahan yon ni walang warning na binigay si jungwon, kaya nahulog ako mula sa likod. waaaahh hindi ako marunong lumangoy.

Wala din akong lifevest dahil hindi ko naman alam na pupunta pala kami sa gitna.

-----

Claire's POV

Masaya ang laro naming Jetski. Hindi pako natataya simula kanina. Palagi kasing si niyana ang taya hahaha. Sya lang naman ang puntirya ni Sunghoon at jay.

Nasa kalagitnaan kami ng karagatan ng makita kong pinaharurot ni jungwon ang jetski dahilan para tumaob si niyana

"Niyana!/Yana!/Nish!"

What the fudge? This is so fetch

Sabay sabay na sigaw ni jungwon jay at sunghoon. Talagang iba iba ang tawag sakanya?

Hindi kaya 3 timer sya?

Omygod.

Agad na pinaharurot ni jay at sunghoon ang jetski nila. Si jungwon naman ay bumalik. Sabay sabay na nagdive ang tatlong lalaki para makita si niyana.

"Taena. Balik tayo, hihingi tayo ng tulong." Dali daling umikot si jake. "Humawak ka haharurot tayo.

"ha-hah! ano baka malag----aaaahhhh jakeee" Tila ako malalagutan ng hininga ng pinaharurot ni jake ang jetski. Kapit na kapit tuloy ako sa bewang nya, kyaaahh kinikilig ako.

Mabilis kaming nakarating sa lupa at humingi ng saklolo.

Matapos ang sampong minuto ay natanaw ko na ang jetski ng tatlo. Sobrang bibilis nilang magpatakbo.

Agad nilang binaba si niyana at nag tuturuan pa kung sino ang mag CCPR. letche naman oh

"Ako nanga! tabi kayo jan" Singit ko. Mamamatay na't lahat ang pasyente nila, nag aaway away pa sila. tsk

Agad kong hinipan ang bunganga ni niyana at saka pinump ang dibdib nya. Mga limang beses ko ginawa yon hanggang sa lumabas na ang tubig sa bibig nya.

Nakakatakot dahil nagiging violet na ang labi nya at tumitirik nadin ang mata nya.

"Iakyat nyo sya sa hotel!" sigaw ni rapmon na halatang na tataranta din sa nangyayari "Painumin nyo sya ng maligamgam na tubig at pagpahingahin" Sabi nito at ginawa naman namin ang sinabi nya.

Agad syang binuhat ni jungwon, walang nagawa ang dalawa ng itulak sila nito.

Galit na galit ang awra ni jungwon, halos lahat kami ay ramdam yon.

Tinigil na namin ang pag jejetski at nagsipag pahingahan nalang.

------
Don't Forget To Vote, And be Fan♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

47.6K 175 16
This story is not mine credits to the rightful owner šŸ”ž
1.2M 23.6K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
1.2M 30.7K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
98.3K 121 12
This stories are not suitable for young readers.