SEATMATE

By zhidez

396K 8.2K 2.5K

Short stories related to Seatmates: 1) ZID'S STORY 2) LOVE SEAT 3) PARALLEL 4) MY SKINNY LOVE 5) THAT GUY 6)... More

Foreword
Zid's Story
Parallel
My Skinny Love
That Guy
Next To You
Mr. Libra

Love Seat

46.5K 1K 146
By zhidez

Ella's P.O.V.

This is my first day as a college student. Pagkapasok ko palang sa department building namin ay puro kalalakihan na ang nakita ko. Oh well, malamang ay dahil nasa School of Engineering and Architecture (SEA) ako. Isa ako sa mga Architecture students kasama ng bestfriend kong si Natalie. Fine Arts naman talaga ang gusto kong kunin pero pinilit ako ng mga magulang ko na mag-Architecture nalang. Bonus nalang talaga siguro iyong kapareha ko ng kurso ang bestfriend ko at na nasa iisang block pa kami.

Nilapitan agad ako Nat nang makita niya ako sa hallway. Bago ang lahat ng gamit niya from head to toe. Ang sabi niya kasi sa akin, importante ang 'college debut' lalo na at siguradong maraming 'cute boys' sa department namin.

"Himala, mas nauna ka pang dumating sa akin!" pahayag niya. Napalingon ang ilan sa mga nasa hallway dahil sa malakas at matinis na boses niya.

"Halos kakarating ko lang din," sambit ko. Dahil may ilang minuto pa bago ang klase, pinag-usapan naming dalawa kung saan niya nabili ang mga bagong gamit niya. Habang nag-uusap kami ay may dumaan na isang matangkad na lalaki. Ang bango niya. Somehow, he reminded me of summer. May nagtulak sa akin para lingunin siya kaso lang ay likod nalang niya ang nakita ko.

"Wow, higher year kaya?" tanong ni Nat sa akin. Nakatingin din siya sa likod ng lalaking iyon.

"No idea. But look," itinuro ko ang classroom na pinasukan ng lalaking iyon. Pumasok kasi siya sa mismong classroom ng first class namin ni Nat. Automatic kaming nagtinginan at nagngisihan.

Nakangiti kaming pumasok ni Nat sa classroom. Sa harap umupo ang lalaking iyon. I don't know his name so I'll just call him 'Summer'. Sa likod naman kami umupo ni Nat. Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sakanya. Parang ang pamilyar kasi ng mukha niya e o ng presensya niya mismo.

"Good morning, freshmen! Welcome to English 101. I'm Ms. Jean Fuerte. Before we start of with our syllabus, let's introduce ourselves first. You can also tell us something about yourselves, where you graduated or where you're from," pahayag ng pumasok na instructor. She's petite but really pretty.

Unang itinuro ni Ms. Fuerte si 'Summer'.

"Good morning. I'm Kristopher Park and nice to meet you all. I'm just new here just like most of you I think. I speak fluent Filipino, don't worry," pakilala ni 'Summer'. Park? Oh, kaya pala parang mukha siyang Korean of some sort. Nat looked at me then winked.

"Okay, you need to calm down," bulong ko sakanya. Kung sakali, siguradong si Nat lang ay may lakas ng loob sa aming dalawa na lapitan si 'Summer', este Kristopher Park. Hanggang sa comment nalang ako kapag may nakikita kaming cute o guwapo e. After something that happened in the past, I'm really afraid of committing myself to someone, let alone flirt.

Pagkatapos ng English 101 ay lumabas si 'Summer'—okay he has a name now and I should probably call him Kristopher or Mr. Park. Mukhang hindi namin kasama si Kristopher sa block.

Dumaan ang buong araw at isang subject nalang ang naiwan pagkatapos ng break namin ngayon. Siyempre, si Nat palang ang kasama ko sa ngayon. Classmate at kaibigan ko si Nat simula noong high school palamang kami.

"Here we go with Theories. Ang sabi ng iba ay strikto raw ang instructor natin," sabi ni Nat habang naglalakad kami pabalik sa department building mula sa cafeteria.

"Lalo tuloy akong ninerbyos," tugon ko. Nang makatapat kami sa dapat na classroom namin ay hindi agad kami nakapasok dahil maraming nagsisisksikan sa labas ng pinto. Mukhang hindi pa nga namin kablock ang iba e.

"Miss, bakit ang daming tao rito?" tanong ni Nat sa isang babae na sumisilip sa loob ng classroom.

"Hindi niyo alam?" tanong pabalik ng pinagtanungan namin. Tumaas ang isang kilay ni Nat.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" mataray na sabi ni Nat. Napatingin ako sa ID ng pinagtanungan namin. Shoot! Second year siya! Kinurot ko ng mahina ang braso ni Nat.

"Second year," pasimpleng bulong ko sakanya.

"Ah sorry po. What I mean is, ano nga po ba ang pinagkakaguluhan dito?" ulit ni Nat sa tanong niya pero mataray parin ang labas ng boses niya.

"Sa SEA kasi ay kilala ang classroom na ito dahil sa 'Love Seat'. Kapag may isang boy at girl na umupo sa respective seats na iyon, kadalasan ay nagiging sila or naiinlove sila sa isa't-isa. Hindi magkatabi ang 'Love Seat'. Bale iyong front ng left column ay ang end ng same column ang 'Love Seat'," paliwanag ni Ate.

Nat looked at me and I seriously think she's trying so hard not to laugh. Ayaw ko rin namang mapahiya si Ate kaya naman hindi ako nagreact at iniwasan kong tignan si Nat. What the heck is a 'love seat'? That's so childish.

"Okay lang na tawanan niyo ako pero halos ten years nang ganoon ang paniniwala rito. Last year lang ulit nagkaroon ng boy-girl diyan sa 'Love Seat' at guess what? Naging couple sila," dagdag pa ni Ate.

"So, inaabangan ng lahat ng nandito kung sino ang uupo? For what?" skeptical na tanong ko. Parang ang labas kasi ay celebrity kung sino man ang uupo sa 'love seat' na iyon. Well, the idea is really childish and illogical. I believe in fate but this is too much to categorize as fate!

"May nakaupo nang lalaki sa harapan. Inaabangan nalang nila kung sino ang uupo sa dulo," sagot ni Ate.

"Nila?" hindi makapaniwalang komento ni Nat. Siyempre, isa rin si Ate sa nakaabang e pero 'nila' raw!

"You girls are too judgemental. It's for the school paper," mukhang nainis na si Ate. Oops! Tinalikuran kami ni Ate at pumunta sa mga kasama niya.

"Mga hopeless romantic nga kasi," natatawang bulong ni Nat sa akin nang makapasok kami sa classroom. Agad na nawala ang crowd nang mag-ring ang bell. Nagulat kaming pareho ni Nat nang makita namin si Kristopher Park sa pinakaharap—iyong isang pair ng 'love seat'. Iniisip ko palang ang salitang 'love seat' ay natatawa na ako. Kaso nga lang si Nat, mukhang gusto niya talagang umupo sa kapareho ng 'love seat' dahil tinitignan niya ng masama ang lalaking nakaupo roon!

"Everyone please stand up. I'm Mr. Martin Salve, your instructor for Theories 1. I arrange my student's seats on my classes," saad agad ng pumasok na matandang lalaking instructor. Wow, boses palang niya ay nakakatakot na.

Tumayo ang lahat at pumunta sa likuran puwera kay Mr. Park na lumapit sa instructor namin. "Sir, can I seat there? I'm nearsighted and I think that's the best seat for me," narinig kong sabi ni Kristopher sa instructor. Wow, he'd be really seating on that other half of 'love seat' then.

"Well, ok that's fine. What's your name?" tanong ng instructor.

"Park, Kristopher," sagot ni 'Summer'. Pagkatapos ng kaunti pang usapan nila ay tinanong ng instructor kung mayroon pa ba sa amin ang may kailangan ng specific seats. Sa tingin ko ay may mga may gustong mag-oo para lang makaupo sa 'love seat' pero mukhang natakot silang magsinungaling sa instructor namin.

Nang walang nagsalita ay nagsimula na siyang magtawag ng pangalan. Mukhang inayos nga niya ang seatplan bago ang klase namin. Unti-unti nang nadagdagan ang mga nakaupo sa klase.

"Sana ako ang paupuhin sa kapareho ng love seat," bulong ni Nat sa akin. Pagkatapos na pagkatapos nga lang niyang sabihin iyon ay tinawag na ang pangalan niya. Limang tao nalang ang naiwan, kasama ako, at wala paring nakaupo sa 'love seat' na iyon. Part of me wanted that 'love seat' so that I could prove them wrong!

"Ms. Henderson, Ellaine D. Last seat of the last row," itinuro ng instructor namin ang uupuan ko. It's the 'love seat'!

"So, that's everyone. For today, I will quickly discuss about our syllabus, discuss something about our subject then a group work. Your seat right now will be your permanent seat for the whole semester. Also, I also prepared a permanent grouping. Now, let's start our discussion. Please pass this," simula ng instructor namin. Kagaya ng mga naunang subjects namin ay may mga handouts kami ng syllabus namin.

Babae ang seatmate ko at sa tingin ko ay parang galit siya sa mundo. Okay, I'm just being judgemental now. Naka-all black kasi ang babaeng katabi ko at ang kapal ng eyeliner niyang black.

Dumating ang oras ng group work at hindi ako makapaniwala na kagrupo ko si Kristopher Park. For a second, I almost believed that 'love seat' but no way. This is just pure coincidence. But I have to admit, nakoconscious ako na katabi ko siya ngayon. I'm right, he smells like summer. He's honestly tall and handsome too.

May kaunting introduction sa grupo namin bago namin sinimulang sagutin ang designated na question para sa grupo namin. Iyon nga lang, itong si Mr. Park ay nakayuko lang at parang natutulog. May five minute reporting na kasi mamaya pero parang wala naman siyang balak tumulong sa amin.

"Mr. Park," I poked his arm. Hindi siya nagreact. Parang hindi nga rin nababahala ang groupmates ko na hindi tumutulong itong lalaking ito e.

"Kristopher," I poked his arm again. He grunted. Is he really sleeping?

"Hayaan mo na," pigil sa akin ng isang babaeng kagrupo namin. That didn't stop me. I kept on poking at his arm. It's not fair that he'd get a free pass just because he's 'handsome'. O na baka hindi niya alam ang isasagot sa oras na magtanong ang instructor namin kanina. Though he really didn't flinch every time I poked him.

"Ellaine, hayaan mo na siya. Hindi naman lahat ay magrereport. Mukhang puyat na puyat kasi siya kaya hayaan mo na," ulit ng kagrupo ko na nagsalita kanina. Hinayaan ko nalang tuloy si Kristopher. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa groupwork namin. Medyo nahirapan kami sa tanong and to think na first day namin ito. Siguro ay inasahan ng instructor namin na nag-advanced reading kami.

"Time is up. The group who got the first set of questions, please go in front," anunsiyo ni Sir Salve. Great, kami nga pala ang una at mukhang wala paring balak bumangon si Mr. Park kaya naman hindi ako nagdalawang isip na gisingin siya sa pamamagitan nang pag-apak sa paa niya.

"The hell—" nagising at umupo ng maayos si Kristopher. Hindi ko pinansin ang reaksyon niya. Imbes ay dumiretso ako sa harap para samahan ang mga kagrupo ko. Sinimulan ng leader namin ang reporting at sa tingin ko ay tama naman lahat ng isinagot namin. Iyon nga lang ay medyo natameme kami nang magtanong ang instructor namin. Nagtinginan lang kami ng ilan sa mga groupmates ko hanggang sa si Kristopher na mismo ang sumagot sa tanong. Halos mapanganga nga kami dahil nasagot at naimpress pa yata niya ang instructor namin. In the end, nine out of ten ang naging score namin.

He was really impressive! Gusto ko sanang i-share kay Nat ang nangyari pero hindi kami nagsabay pagkatapos ng klase dahil pupuntahan pa raw muna niya ang Dad niya.

Habang naglalakad ako palabas ng main gate ng campus ay may sumabay sa akin. There's this familiar scent—yes, the scent of summer which only means—

"Love seat buddy and groupmate, hey," sabi nito habang nakikisabay sa akin sa paglakad. Medyo nahihiya pa ako sa ginawa ko sakanya kanina, parang naging papansin lang kasi ang labas ko.

"Summer—este, hi! Sorry for the pokes earlier," awkward na bati ko sakanya.

"Ellaine, right?" tanong niya. Tinignan ko siya saglit. He's got this straightforward looking face but his voice is kind of soft. Everything about him felt really familiar and I just can't place it where and when I met him. He also sort of give this 'rocker' aura. May hikaw pa nga ang kanang tenga niya.

"Hey?" huminto siya at tinignan ako. Oh my God, kanina pa ba ako nakatitig sakanya?

"Ella is fine. Ikaw? Kristopher, right?" agap ko agad.

"Yes. So, Ella, saan ka nakatira?" tanong niya.

"Around ARCB, nalalakad lang. Bakit?" nagtatakang tanong ko. He couldn't possibly be hitting on me, right? Suddenly, that 'Love Seat' thing came to mind. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Ah, doon din ako. Ayos, mukhang may makakasabay na ako lagi."

"Ha?" napahinto nanaman ako sa paglalakad. Nginitian niya ako at hindi ko maintindihan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil lang doon. Hindi lang naman siya ang 'cute' na ngumiti sa akin ngayon e!

"Oops, may boyfriend ban a magagalit?" tugon niya saka napakamot siya sa ulo niya.

"W-wala akong boyfriend. So...yeah, okay lang naman na magsabay tayo since classmates and groupmates naman tayo," tugon ko.

"Great," sabi lang niya at nauna na siya sa paglalakad. Sa huli, nagsabay nga talaga kami hanggang sa maghinawalay kami ng daan. Siguro'y nasa fifteen to twenty minutes ang lakad mula sa campus hanggang sa bahay na tinuntuluyan ko ngayon. Nabanggit ni Kristopher na sa apartment siya nakatira at medyo malapit lang iyon sa bahay namin. Masaya siyang kausap at natutuwa ako dahil isa siyang movie fanatic kagaya ko. Ang saya rin kasi ng pakiramdam na may nakakakuha ng mga movie references mo.

***

Lumipas ang ilang lingo at naging close kami ni Kristopher. I can't credit the 'love seat' though, I still don't believe in it even if other people says otherwise. Nagkataon lang talaga na siya ang kasama ko sa tuwing break kapag wala si Nat. O na siya ang kasama ko pauwi dahil diretso lang din naman akong umuuwi mula sa school. Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang paparazzi ang dating nga nag-aabang tungkol sa 'love seat' e! Pero sa tingin ko ay hindi naman nababahala si Kristopher doon. May isang beses nga na may kumukuha ng litrato namin at hindi niya iyon pinansin. Minsan nga kasi, nakakairita na.

Okay, now I'm just plainly lying. I like every bit of people looking at me and Kristopher like we really belonged together. I really like Kristopher. He's unique and he really gets me. Now, it's a Monday again and I'm really excited for school just because I can talk to him again. If the 'love seat' really works then the only thing that's need is for Kristopher to fall for me.

"Nat, hey, stop spacing out. Look," nginuso ni Nat ang nasa bandang entrance ng building.

"Sino?" nagtatakang tanong ko dahil hindi ko mamukhaan ang itinuturo niya.

"Your stalker is here!" sagot ni Nat.

"Who?" tumaas na talaga ang kilay ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Remember that boy when we were high school? 'Yung umaaligid at nagtatanong kung ano ang favorites mo and the like?" paliwanag ni Nat. Magsasalita n asana ako nang may biglang umakbay sa akin.

"Nakita rin kita sa wakas, Ella Ella!" sabi ng umakbay sa akin at sigurado akong hindi ko siya kilala o maalala. Then it hit me. Siya iyong tinutukoy ni Nat. Naalala ko narin iyong 'stalking' moments nitong lalaking ito.

"Hey!" kumawala ako mula sakanya. Halos hindi ko na siya mamukhaan dahil ang totoy pa niya noon. Lagi niya kasi akong inaabangan sa labas ng school dati at ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya.

"Hindi ka ba masaya na nakita mo ako?" proud na sabi nito.

"May problema ba rito?" biglang lumitaw si Kristopher sa likuran ng 'stalker' guy.

"Wala naman, pare. Get lost," nakangiting sagot ni 'stalker'. Without a warning ay pinaghihila nalang ni Kristopher ang 'stalker' ko. Hinabol namin ni Nat ang dalawa pero bigla naman silang nawala. Saan kaya sila lumiko? Oh my God, baka kung ano ang mangyari kay Kristopher!

Nag-bell na at lahat ay hindi parin bumabalik si Kristopher. I tried calling him but he didn't answer at all. Is he okay? I'm really really worried.

***

Kristopher's P.O.V.

FEW YEARS BACK

"Kris, Kris! Palabas na sila o! Ang ganda talaga ng Ella mo," excited na sabi ni Randal. Hinila niya ako sa isang puwesto na kung saan ay madadaanan ng grupo nina Ella. Crush na crush ko kasi si Ella. Ang ganda kasi niya at palangiti. Sa tingin ko rin ay mabait siya kaya't ang dami niyang kaibigan. Halos magkatapat lang ang paaralan naming dalawa. Sikat din si Ella sa school namin. Hindi naman ako umaasa na maging kami e pero gusto ko lang siyang nakikita palagi. Minsan ay palihim rin akong kumukuha ng litrato niya. Ano nga ba naman kasi ang magugustuhan niya sa isang kagaya ko na matabang nerd?

"Sino 'yung kaholding hands niya? Iba nanaman ba ang boyfriend niya?" tanong ni Randal. Mukha kaming 'number ten' ni Randal kapag pinagtabi dahil sa sobrang kapayatan niya.

"Shh, huwag kang maingay," lingon ko saglit kay Randal. Malapit na kasi sina Ella sa puwesto namin at gusto ko siyang kuhanan ng litrato dahil bagay sakanya ang ayos ng buhok niya ngayon—nakabraids.

"Kinukuhanan mo ba ako ng picture?" tanong ni Ella sa akin. Huminto siya sa harapan namin ni Randal! Naging estatwa yata ang katawan ko nang titigan niya ako. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya nang ganito kalapit. Mas maganda pala ang mga mata niya sa malapitan.

"Uhm, kinakausap kita?" tanong ulit ni Ella, kumaway pa siya sa harap ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko kahit na nagtatawanan na ang mga kasama ni Ella at nagtago na si Randal sa gilid.

"Ah—Ha? H-hindi—A-ako nga—" hindi ko matapos-tapos ang dapat na pagpapakilala ko sa sarili ko dahil nauutal at kinakabahan ako. Parang sasabog na nga ang dibdib ko. Nanginginig narin ako at pinagpapawisan ng malamig.

"Pst, Kris, tara na," bulong ni Randal na nakatago sa may likuran ng malapit na puno.

"Hindi kita maintindihan. Teka, ako nga ba ang kinukuhanan mo ng picture o baka naman itong boyfriend ko? Bad 'yan," nakangiting sagot ni Ella. Nakatuon na ang atensyon ng mga estyudante sa paligid namin.

"H-hindi!" maagap na sagot ko. Panay na ang panghihila ni Randal sa backpack ko pero hindi naman ako makagalaw kahit anong gawin ko para sana makaalis na kami rito. Lumapit naman si Natalie, ang kaibigan ni Ella, at biglang hinila ang cellphone ko.

"Gosh, Ella, ang dami mong pictures sa gallery niya!" nandidiring sabi ni Natalie. Ipinakita niya ang cellphone ko sa lahat ng mga kasama niya. Kitang-kita ko rin ang pagtawa ni Ella.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Ella sa akin at parang nandidiri siya sa akin. Sa ngayon ay itinututok ni Natalie ang cellphone ko sa akin. Sa tingin ko ay kinukuhanan niya ako ng video.

"K-kirs...Kri..s," parang may bumara sa lalamunan ko kaya't hindi ako makapagsalita ng husto.

"Scene one, take one: Ella and a fanboy!" natatawang sabi ni Natalie. Linapitan ako ni Ella at inakbayan. Hinalikan niya rin ako sa pisngi habang nakatingin sa cellphone ko.

"Hello world this is Ella and right beside me is K-kris...Kri...s," sabi ni Ella at ginaya niya ang pautal-utal na pakilala ko sa sarili ko kanina. Puro tawanan nalang ang naririnig ko sa paligid ko. Hindi ko inakala na ganito pala siya. Ibang-iba siya sa Ella na nasa imahinasyon ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko. Nanliliit ako sa sarili ko sa ngayon. Nakuyom ko ang palad ko.

"Oh my gosh! Naihian niya ang pants niya!" sigaw ni Natalie at itinuro ang pantalon ko. Tama nga siya, basa na ang pantalon ko at hindi ko man lang iyon naramdaman. Itinutok nila sa akin ang phone Lumapit pa ang isa sa mga lalaking kasama nina Ella at Natalie para ibaba ang pantalon ko. Doon na ako natauhan. Itinaas ko kaagad ang pantalon ko at nagmamadaling tumakbo paalis sakanila. Alam ko na kasunod ko lang si Randal na tumatakbo at naiintindihan ko kung bakit hindi niya ako naipagtanggol. Kahit sino naman siguro ay ayaw mailugar sa ganoong klase ng kahihiyan.

Pagkatapos ng araw na iyon ay parang isang virus na kumalat ang video na kinuhanan ni Natalie gamit ang phone ko. Bumalik nga sa akin ang phone ko at nandoon pa talaga ang original ng video. Hindi ko nakayanan ang mga pang-aasar sa bawat sulok na puntahan ko kaya nagdesisyon akong lumipat sa Dad ko na nasa Korea.

'Mag-iingat ka doon sa Korea. Ako na ang bahal dito, Kris. Babantayan ko ang bawat galaw ni Ella at Natalie. Kailangan mong maghiganti sakanila, Kris. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka.' Ito ang mga huling salitang narinig ko mula kay Randal.

Tama siya. Ginawa ko ang lahat para magbago. Nagpapayat ako, nag-aral ng husto at nagpakatatag.

Halos masira ang buhay ko nang dahil sa ginawa nila. Dumating pa nga iyon sa oras na ayaw ko nang mabuhay sa tuwing naalala ko ang mga mukha ng lahat na tumatawa.

They're mean bitches and it's my turn this time. I'll give them a taste of their own medicine.

***

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Randal habang palabas kami ng campus. Hindi na ako papasok ngayong araw. Wala rin naman akong mamimis na quiz e.

"Dude, gusto ko lang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang linggo. Lagi kang wala sa mga lakad natin e," nakangising sagot niya.

"Namukhaan ka ba nila?" sunod na tanong ko.

"It took them a while to recognize me. In fact, nagpakilala pa ako kay Natalie. You surprise me, bro. Talaga palang sinundan mo silang dalawa," sagot agad niya.

"Wala akong sinundan, nagkataon lang na pareho kami ng kurso, klase at university," pagsisinungaling ko.

"Let me spell this out for you, dude. Nitong nakaraang mga taon ay ayaw mo nang banggitin ko ni minsan ang pangalan nina Ella at Natalie o ng grupo nila kaya akala ko naman ay kinalimutan mo na ang nangyari dati. But, I still did my part of being that 'stalker' guy so that I could be of any help. So, revenge is still on the table, huh?" huminto siya sa paglalakad nang makalabas na kami sa campus.

"Kinalimutan? Fuck that. Hanggang sa hukay ay hindi ko makakalimutan ang ginawa nila. So yeah, revenge is still on the table."

"Madali lang naman akong kausap e. Pero ingat ka dude, sa tingin ko e iba nanaman ang epekto ni Ella sa'yo."

"Hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari dati. Asa sila, hindi na ako ang dating Kristopher."

"Hindi nga ba? I had to see it myself that's why I went there. Bro, mag-ingat ka nalang. Alam mo naman kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo noon."

"Hinding-hindi ko makakalimutan," matigas na ulit ko.

"Sure. I'd be around to remind you anyways. Hindi ka ba papasok? Tambay muna tayo," aya ni Randal. Sa huli ay pumunta kaming dalawa sa apartment ko para mag-beer.

Bumuhos nang malakas ang ulan kinahapunan at napaisip agad ako kung may dala nga bang payong si Ella. Oh c'mon! Hindi na dapat ulit ako mahulog sakanya.

Uminom kami ni Randal hanggang sa nakatulog na siya. Parang hindi rin naman ako tinatablan ng alak.

***

Ang bilis ng paghinga ko nang magising ako. Dahil sa usapan namin ni Randal ay napanaginipan ko tuloy ang eksenang iyon noon. Ilang buwan din akong nabangungot pagkatapos ng nangyaring iyo. Bumangon ako para uminom ng tubig. Tulog parin si Randal sa may sofa.

Kinuha ko rin ang phone ko para tawagan si Ella.

"Free ka ba ngayon?" tanong ko agad nang sagutin ni Ella ang tawag ko.

"Actually, pauwi palang ako. Nasaan ka? Are you okay?" magkasunod na tanong niya.

"Yeah, I'm ok. Hihiramin ko sana ang notes mo."

"Okay, dadaan nalang ako sa apartment mo. Malakas din lang ang ulan. Nandiyan ako in fifteen minutes," sagot niya. Ibinaba ko agad ang tawag para gisingin si Randal. I'm going to make her fall hard. Revenge is the only thing that can ease my hatred.

"Parating na si Ella rito, scram," tinulungan kong umupo si Randal.

"Huh? Bakit?"

"Revenge time," sagot ko nalang.

"Tawagan mo nalang ako," sagot lang ni Randal bago nagmamadaling lumabas mula sa unit ko.

Pagdating ni Ellaay medyo basa siya dahil sa ulan. Pasado alas otso na ng gabi at mukhang gumimik silang dalawa ni Natalie. Minsan ay iniisip ko na nabago na nga sila, or at least Ella, pero sa tuwing naalala ko ang ginawa nila dati ay nababadtrip ako at nawawala agad ang ideya sa utak ko na nagbago sila. For sure, they're just hiding their horns right now, like they always did back then.

"Wow, cool room! Ikaw ba ang nag-design nito?" manghang-mangha si Ella sa interior design ng apartment ko. Spray paint lang naman ang ginamit namin ni Randal para ayusin ang loob.

"Kami ng kaibigan ko."

"It's awesome. Here, I bought pizza," nakangiting sabi niya. Kinuha ko mula sakanya ang box ng pizza at inilapag iyon sa centre table ng sala ko.

"Just feel at home. Kukuha lang ako ng drinks," sabi ko at tumungo sa kusina para kumuha ng dalawang Coke in can mula sa ref. Hindi ko alam kung naamoy niya ba ang beer pero wala naman siyang binanggit.

"Original DVDs ba ito? Ipapahiram mo ba sa akin? Hindi ko pa kasi napapanood iyong extended edition e," sabi ni Ella sabay turo sa movie box set ng Lord of the Rings na nasa ibaba lang ng TV. Bago ko siya sinagot ay pumunta muna ako sa kuwarto ko para kumuha ng towel.

"Dry yourself first. And yeah, sure you can borrow," ipinatong ko ang towel na dala ko sa ulo niya. She blushed when I did that. That's it, yes, fall hard. . .

"Uhm, thanks. Wow, may Wheel of Time books ka rin! Grabe, lagi akong nauubusan ng book eleven sa bookstores. Puwede rin bang hiramin ang book eleven mo?" sunod niya at iniiwasan niya talaga akong tignan.

"Sure. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganito," komento ko. Umupo ako at binuksan ang dala niyang pizza. Gutom narin kasi ako.

"Hindi ba halata?" ngumisi siya. Umupo siya habang pinupunasan ang basang buhok niya. Shit, hindi ko maiwasang mapatitig sakanya. She was pretty back then but she's way more gorgeous right now.

"Gusto mo bang simulang panoorin 'yan? Malakas pa naman ang ulan," alok ko sakanya. Tumango siya at mukhang excited na excited. Tumayo ako para iplay ang unang movie ng Lord of the Rings. Pabalik na ako sa inuupuan ko nang may mapansin ako sakanya. Galing ba talaga siya sa labas? Parang wala kasi siyang make up ngayon at parang hindi nakaporma, iyong tipong nagmadali lang lumabas mula sa bahay.

"Mas maganda kang tignan kapag wala kang make up," diretsong sabi ko sakanya. She blushed again.

"Ang lakas mong bumanat ngayon, Mr. Park!" balik niya sa akin.

"Really? It's not as if you're not used to being complimented," nakangiting sagot ko naman.

"Well then, thanks?" she grinned.

What a waste. If only she had a good personality. Had?

Tahimik kaming nanood ng movie. Akala ko ay itatanong niya agad kung ano ang nangyari sa 'stalker' niya pero ni minsan ay hindi niya ito binanggit at ganoon din ako. Siguro ay ayaw niyang mapunta ang usapan sa oras na iyon ng buhay niya. Buhay namin.

Nang tumila na ang ulan ay ihinatid ko siya sakanila. Everything is going according to plan.

***

Dumaan ang mga araw, linggo, at buwan hanggang sa hindi namin namalayan ay sem break na. Napalapit nang husto si Ella sa akin at mas madalas pa yata niya akong kasama kaysa kay Natalie e. Hindi ko rin naman minamadali ang plano ko. I was serious when I said I'd make her fall hard.

"Kristopher! Makakapunta ka ba sa birthday party ko bukas?" lapit at tanong ni Aida, ang seatmate ko sa Theories. Isinara ko ang locker ko at hinarap siya. Ipinulupot ba naman niya ang kamay niya sa braso ko para lang iabot ang isang maliit na envelope.

Agad akong lumayo sa kanya nang makuha ko ang envelope na sa tingin ko ay isang invitation. This girl sort of freaked me out—she has a lot of colors in her face and she smells like an 'old lady'.

"Sure, I'll be there," sagot ko sakanya para umalis na siya. Ngumiti siya at hindi ko inasahan na lalapit siya para yakapin ako. What in the world!

"Siguraduhin mong makakarating ka ha? May sasabihin ako sa'yo sa party," bulong niya sa akin bago siya bumitaw sa pagkakayakap niya. Sinundan ko nalang siya ng tingin habang paalis siya. Doon ko napansin na nakatayo lang pala si Ella hindi kalayuan sa akin at sigurado akong sa akin ang tuon ng pansin niya. She looked mad when she walked away.

***

Halos blockmates namin ang pumuno sa party ni Aida. Kaya lang naman ako pumunta rito sa party ay para makita si Ella at magpaliwanag. I really felt uneasy earlier when she walked out mad. The plan was working and it's supposed to be make me really good but somehow it's not.

Inirapan agad ako ni Ella nang magtama ang mga mata namin.

"Oh my God, nandito ka nga!" salubong bigla ni Aida sa akin. Parang lasing na nga siya e.

"Happy birthday, excuse me," nagmamadaling sabi ko dahil nakita ko si Ella na paalis sa puwesto niya. Hinanap ko siya pero si Natalie lang ang nakita ko.

"Nasaan si Ella?" tanong ko kay Nat.

"Hayaan mo na muna siya, baka may PMS lang siya," sagot ni Nat.

"PMS?"

"Nevermind. Hey, Kristopher," seryosong sabi niya sa akin.

"What? Are you going to confess to me?" mapang-asar na sabi ko sakanya.

"Yuck, no! If you were Lee Min Ho then sure!"

"Ang sabi nga nila e kahawig ko siya," I grinned.

"No, but you kind of remind me of a celebrity too. Kaya siguro ang daming may crush sa'yo, lalo na 'yang si Aida. Pero malas nila dahil si Ella ang love seat buddy mo. Kaunti nalang talaga at maniniwala na akong totoo iyong 'love seat' thingy nila," natatawang sagot niya.

"Love seat? It's childish and illogical," natatawang komento ko rin. Natawa rin si Natalie pero agad ding huminto at napatingin sa bandang likuran ko. Nang tumalikod ako ay nakita ko si ang likod ni Ella at palabas na siya.

"Hey, ang tindi ng PMS mo ah!" hinigit ko agad ang kamay niya nang maabutan ko siya. I don't even know what PMS means.

"Bumalik ka nalang sa loob at makipaglandian sa lahat ng mga babaeng nandoon," naiinis na sabi niya.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin? May ginawa ba ako?" I asked, trying to test her. She was clearly jealous. Pumunta ako sa harapan niya para hindi siya makaalis.

"Wala. Gusto na kasing umuwi kaya bye, aalis na ako."

"Ihahatid na kita, pauwi narin ako."

"Really? Are you done flirting?" sarcastic na sabi niya.

"Seriously, did I do something to offend you?"

"That's not it! Naiinis ako na may kausap kang iba. Alam kong wala akong karapatan dahil ano nga ba tayo? Friends? Kasi naman, sa tingin ko e...gusto na...kita," her voice softened. Halos maiyak narin siya habang nagsasalita siya kanina.

The plan worked.

But—

"Really?" tanong ko. Tumango siya at diretso akong tinignan.

"Can you say that again?"

"I really...really...like you," sambit niya. Lumapit ako para yakapin siya. She froze for a bit but she hugged me back seconds later.

I can't lie to myself anymore. I fucking love this girl. Did I ever stop loving her?

I changed myself just so that the next time I see her, I'm worthy. The fact that I kept on checking on her even when I left just proved that I have never stopped loving her.

***

"Dude, what the fuck? Anong kayo na?" parang isang bulkang sasabog si Randal nang marinig niya ang sinabi ko. Nandito kami ngayon sa veranda ng computer shop ng kakilala niya.

"Nagbago na siya," tugon ko.

"I warned you, dude. Sa tingin mo ba ay hindi mapagpanggap at nagmamalinis si Ella sa hindi niya pagbanggit o pagtanong man lang sa 'stalker' niya? Come on, hindi mo ba maalala na parang tae ka sa paningin nila noon? Sa tingin mo ba ay magugustuhan ka pa niya sa oras na malaman niyang ikaw iyong batang 'yun?"

"Wala akong balak na banggitin at tama na, nagbago na siya," matigas na sabi ko.

"Dude, ilang buwan mo lang ulit siyang nakita. Ako, nakita ko lang naman siya hanggang sa makagraduate na kami. Fuck, kung alam mo lang kung gaano siya nagpapalit-palit ng lalaki."

"Give her a chance."

"Sure I can," sabi nito saka tinawag niya akong pumasok sa loob ng shop. Kinuha niya ang laptop niya mula sa bag niya at binuksan iyon. Tumingin muna siya sa paligid, kaming tatlo lang kasama ng nagbabantay ang nandito sa ngayon.

"Panoorin mo ulit ito. If you're done watching and you don't feel like shit, then I'd give that girl a chance," sambit niya bago niya iplinay ang isang video. That video.

"Cut it out, fucker," isinara ko ang laptop.

"Dude, ikaw 'yan. Wala ka bang balak na sabihin sakanya dahil ikinakahiya mo ang sarili mo? O na baka mandiri ulit siya sa'yo? Sa ulit na mangyari ulit ito sa'yo, huwag mo na akong lapitan. Tanginang ayaw ko nang marinig ang pangalan ng mga taong 'yan," pagalit na sabi ni Randal bago niya ako tinalikuran para lumabas sa veranda.

Hindi ko siya sinundan. Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya. Siya lang ang may alam sa lahat ng pinagdaanan ko at ni minsan ay hindi niya ako iniwan. He's a fucking great friend but this is my life. I just need to figure out on how to make Randal believe that they changed.

***

Dumaan nga lang ang ilang araw at ni minsan ay hindi nagpakita si Randal. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ko at hindi ko siya naabutan sa tinatambayan niya. Kahit si Ella ay hindi ko naman macontact bigla.

Kailangan ko ulit subukan ngayon na hanapin at kausapin si Randal. Tumungo ulit ako sa computer shop na tambayan niya. Bilyaran at bar ang first floor ng building kaya sumilip narin muna ako baka nandito siya. Ibang mukha nga lang ang nakita ko nang sumilip ako sa bar.

"What the fuck?" sabi ko agad nang makalapit ako sa harap ng table ng grupo nina Ella at Natalie. Kasama nila ngayon ang ilan sa mga tumawa nang tumawa noong araw na ipahiya nila ako. Yeah, I won't forget their faces.

"Kristopher!" napatayo si Ella sa gulat. Hinila ko siya at kinaladkad hanggang sa taas.

"Dude!" napatayo si Randal nang makita niya kami. Buti nalang at wala ng tao dahil pasado closing time na. Nandoon ang may-ari ng shop pero naka-headset ito.

"Masakit, Kristopher!" binawi ni Ella ang kamay niya mula sa akin. Kitang-kita agad ang pagtataka sa mukha niya nang matuon ang pansin niya kay Randal.

"You don't answer my fucking call because you're here doing what?!" hindi ko mapigilan ang mapasigaw. They were all laughing earlier and it reminded me of that same laughs back then.

Perhaps, does she know who I am? Did she play me just so she could laugh at me again?

"Fucking answer me!" sigaw ko nanaman.

"Stop cussing!" sigaw niya pabalik.

"Hindi ka nga nagbago. I should've known."

"What are you saying? Kaya lang naman—" napahinto si Ella dahil dumating si Natalie.

"Ako na ang magpapaliwanag sakanya. Walang kasalanan si Ella rito," singit ni Natalie.

"Shut the fuck up! The both of you—you—almost destroyed my life and you're doing it again. I can't fucking believe I'm doing the same thing all over again!" sigaw ko sakanilang dalawa. Natahimik nang kaunti hanggang sa may mag-play mula sa likuran ko.

"Here's a trip down memory lane," sambit ni Randal. Nagulat sina Ella at Natalie sa video. It's been three years since that video but it still feels like it was just yesterday.

"Why do you have a copy of that?" si Ella ang unang nagsalita.

"Kristopher naman, bata pa kami diyan. Hindi na namin 'yan ginagawa!" depensa ni Natalie.

"That's fucking me. Yeah, I pissed myself and you all fucking laughed," I said on gritted teeth.

"I-ikaw 'yan? Kaya mo ba ako nilapatin ay para makabawi ka sa ginawa namin?" napaurong si Ella at naluluha na siya. Patuloy parin ang pag-play ng video sa background.

"Sucks to be played, right?" I licked my lips.

"You disgust me," sabi ni Ella sa akin habang umiiyak.

"Yeah, sure. You disgust me too," tugon ko agad sakanya. I feel defeated though.

Ella left in a hurry.

"Sa ginawa mong ito, wala ka naring pinagkaiba sa amin three years ago. Tama nga si Ella, you disgust me too," sunod naman ni Natalie bago siya umalis.

"Dito mo na makikita kung nagbago nga kayong dalawa," sabi ni Randal nang kami nalang ang naiwan.

"Mahal ko si Ella," iyon lang ang nasabi ko. Napaupo ako sa kinakatayuan ko.

"Kung gusto mo talaga siya, magpakatotoo ka. Sige, sabihin mo nang mas gusto ko siguro na hindi ka bumalik dito at na sana nga nakalimutan mo na ang nangyari. Pero mukhang sa simula palang e alam mo ang gusto mong gawin e."

Hindi ako sumagot. Inabutan nalang niya ako ng malamig na beer.

That 'love seat' must've been a curse after all.

***

Bago opisyal na magsimula ang second sem namin ay gaganapin ang acquaintance party ng department namin. Nakikitira si Randal sa unit ko sa ngayon dahil nag-aalala siya na baka kung ano raw ang gawin ko sa sarili ko. Wala namang ibang pumapasok sa utak ko bukod sa gusto kong makita si Ella.

Aaminin ko naman na mas gumaan ang pakiramdam ko nang lumabas ang katotohanan. Tama naman si Randal, kailangan kong magpakatotoo at ganoon din si Ella. Kung hindi niya iyon kayang gawin, marahil ay tama na nga siguro na itigil ko na ito. Hindi ko na dapat ipinapaikot ang buhay ko sa nakaraan. I turned out just fine I guess.

Habang nag-aayos ako para sa acquaintance party ay may nag-doorbell. Si Randal ang nagbukas ng pinto at kasama na niya si Natalie nang bumalik siya.

"I need to talk to you," sabi niya agad.

"Fire away," sagot ko agad. Umupo si Randal sa sofa at nakirinig sa usapan.

"After that incident, your incident, Ella changed. Seriously. She might look jolly and all feisty but the truth is, she spends most of her time alone and all depressed. What we did back then was really bad. Nakonsensiya kami sa ginawa namin at gusto naming itama ang lahat pero nalaman namin na nag-trasfer ka raw. No one even gave us your whole name, address or any info at all. People hated us. People took Ella for granted. Para sa iba ay naging easy siya sa lahat ng lalaki dahil wala siyang nireject ni isa sa kanila. That was her undoing, what she think is her undoing—natakot siya sa karma," litanya niya.

"You lost me. You're the victim in this?"

"Okay, I'm not really sure on how to explain this because Ella didn't want to talk about it ever. But she really changed. That night at the bar, pinuntahan niya kami doon nang malaman niyang maghihiwalay na ang mga magulang niya. Nahihiya siyang lumapit sa'yo at kahit na hindi naman na talaga siya pumupunta ng bar ay pumunta parin siya dahil malungkot siya. But please understand that what happened back then was a mistake. We were just foolish kids."

"Hinanap niyo ba talaga si Kris? I was there the whole fucking time. If you asked me, I would've answered comprehensively," singit ni Randal.

"W-we did not. I don't now why I'm lying right now. We got scared and just kept it all to ourselves. But the real reason why I'm here is to ask you to talk to Ella. She really loves you," frustrated na sabi ni Natalie. Nilingon ko si Randal.

"I'll think about it," balik ko kay Natalie. She gave me a weak smile before leaving.

"Do waht you have to. Bumalik ka rito para kay Ella. Why not do it right this time? Maybe it's time to leave out all those things behind," tumayo si Randal at tinapik ang balikat ko.

"I guess I don't have a choice," ngumisi ako.

***

Pagdating ko sa hotel na venue ng acquaintance party ay marami nang nagsasayawan. Nahuli ako dahil kinailangan ko pang pag-isipan kung paano lalapitan si Ella. I really said some hurtful words that day. I was really scared of letting my pride get wrecked that moment.

Magkasama si Natalie at Ella sa isang table. Nakatayo lang ako sa may entrance habang pinapanood ang mga nagsasayawan. Lahat ng lumalapit kay Ella ay hindi niya kinasayaw. Pagkatapos ng sayawan ay isang slide show ang lumabas sa screen sa harap. 'Love Seat' ang nakalagay sa unang slide. Students din naman kasi ang nag-organize nitong event kaya naman may mga ganyan pa. Balita ko nga may comedy sketch pa mamaya.

Iba't-ibang mga 'pairs' ang ipinakita sa slide at ang panghuli ay mga larawan namin ni Ella. Shit, ang daming stolen pictures. Pero doon ko rin nakita na ganoon pala ako kasaya kapag kasama ko siya. I just looked at myself—that is not the face of a person who's trying to get revenge. It was the face of someone who's inlove.

"Can we talk?" tanong ko agad kay Ella nang malapitan ko siya.

"Okay. Just don't cuss nor shout," sagot niya.

"I can do that," sagot ko agad. Tumayo siya mula sa upuan niya. Iginiya ko siya hanggang sa veranda ng hotel.

"I'm sorry!" sabay naming sabi nang magkaharap na kaming dalawa.

"I'll go first since I owe you that apology for three years now. I'm not proud of what I did before. Kahit gaano ko pa ipilit na ibaon o kalimutan iyon, hindi na talaga siya mawawala. It was a stupid mistake that I will never make again. I wanted to find you before but you never showed up at that same spot. Kinainisan kami ng—"

"It doesn't matter now. Pareho tayong nagbago dahil sa nangyaring iyon. I became a better person. I learned and tried so hard so that I can go for the thing I want the most in this world—and that's you. It has always been about you," singit ko sakanya.

"Kristopher, I'm seriously sorry. P-pero, ano na ang mangyayari sa atin?" napayuko siya. Lumapit ako at niyakap siya.

"You look pretty on this dress—girlfriend slash love seat buddy," malambing na sabi ko.

"You look dashing as well," yumakap siya pabalik.

"I loved you then..and I still do," nagawa ko ring sabihin sakanya.

"Totoo nga kaya 'yung love seat? And oh, I love you too, summer," she said.

"Summer?" I asked. We faced each other then for the first time, we started talking like it's our first time meeting each other.

Naniniwala nga ba ako sa 'love seat'? The idea and notion itself might've added to someone else's confidence. Tayo rin naman kasi mismo ang gumagawa sa sariling tadhana natin e. But I'm not dismissing the idea that there's some invisible force that's guiding us to where supposed to be. Or to whom we're supposed to end with. The possibilites are endless but there's one thing I'm sure of. There will always be something in our life that we have to go through and in those moments, we all learn something that might change us and how we feel.

---

THE END

Seatmate Series #2
Title: Love Seat
Posted: December 10, 2012

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 64.6K 8
Love. Foolishness. And the foolish.
743K 52.7K 72
Growing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecuri...
1.4K 109 22
Flora Grace Bautista came from a poor family, yet she's still grateful about it. She has loving parents that every child asked for. But, the world be...
14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...