Past and Future

By DarkPncyl

227K 5.6K 280

BOOK THREE OF SWEET BACHELOR SERIES |Rated SPG Matt is a gorgeous man. All woman was easily captivated by his... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4

8.1K 198 12
By DarkPncyl

NAGISING SI Margaux dahil sa nag-iingay niyang cellphone. Mabilis siyang bumangon inayos ang hinigan. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos maligo inayos niya agad ang sarili sala lumabas ng kwarto. Dumeretso siya ng lakad patungong kusina para maghanda ng almusal.

Alas-sais pa lang ng umaga pero nagtatrabaho na siya. Hindi siya sanay pero kailangan niyang sanayin ang sarili. Sa probinsya kasi nila tanghali na siya kung gumising pero marami pa rin siyang naitutulong sa pamilya niya.

"Anong lulutuin ko?" Tanong niya sa sarili. Nilapitan niya ang ref at binuksan iyon. "Ang yaman-yaman walang kalaman-laman ang ref."

Kumuha siya ng dalawang itlog saka ang bacon. Iyon na lang ang lulutuin niya dahil iyon lang naman ang pwedeng almusalin.

Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang makarinig siya ng yabag. Napalingon siya sa pinanggalingan ng yabag at nakita niya ang amo niyang naglalakad papasok ng kusina.

"Anak ng palaka!" Sigaw niya sabay takip sa sariling mga mata. Sino ba namang hindi magugulat kung makakakita ka ng isang gwapong nilalang na walang damit pang-itaas. "Sir, baka pwede ka namang magsuot ng damit."

"Don't wanna. Its too hot." Wika nito. Hindi pa rin niya maalis ang mga kamay sa pagkakatakip niya sa sariling mata. "Hindi ka pa ba nakakakita ng lalaking walang damit pang-itaas?"

"H-ha? N-nakakita na." Utal niyang sagot. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa mata at mabilis na humarap sa niluluto para hindi ito makita. "Magbihis ka na lang, sir."

"Tsk, whatever." Anito at narinig niya ang yabag nito palayo.

Napabuntong-hininga na lang siya saka pinagpatuloy ang pagluluto. Binilisan niya ang pagluluto at inayos na ang pagkakainan.

Nagtimpla na rin siya ng kape para rito. Saktong matapos niya ang pag-aayos saka naman pumasok sa loob ng kusina ang ako niya.

"Hindi ka sasabay kumain sakin?" Tanong nito nang makaupo ito.

"Mamaya na lang ako." Aniya saka nagtimpla ng kape para sa kanya. "Busog pa naman ako e."

"Umagang-umaga ka busog ka?" Parang hindi naniniwalang tanong nito. Umirap siya sa hangin at humarap dito. "Whatever."

"Kumain ka na lang d'yan. Dami mo pang sinasabi e." Wika niya at naglakad palabas ng kusina. "Sa labas muna ako, sir."

"Whatever." Anito at pinagpatuloy lang ang pagkain.

"Whatever." Panggagaya niya sa sinabi nito bago lumabas ng kusina. "Pasalamat kang tuko ka bagay sayo maging cold."

Lumabas siya ng bahay para magpahangin habang sumisimsim ng mainit na kape. Gawain na niya iyon sa probinsya nila kapag maaga siyang nagigising.

Magtitimpla siya ng kape at lalabas ng bahay para magpahangin habang sumisimsim ng kape. Iyon ang nakasanayan niya simula nang bata pa siya.

Pakiramdam niya kasi ay gumiginhawa ang pakiramdam niya at buong araw siyang masaya. Sana lang talaga walang sumira no'n.

"Hi." Napasinghap siya sa nagsalita at hinanap iyon. Nilingon niya ang katabing bahay at nakita ang isang magandang babae na nakangiting nakatingin sa kanya. "Bago ka rito?"

Nilapitan niya ito at ngumiti rin bago sumagot. "Yes, ako yung bagong katulong sa bahay na 'to."

"Wow, you're a lucky one." Masayang ani nito na nakapagpataas ng isang kilay niya. Lucky? "Matthew is a nice guy. Hindi nga lang halata."

"'Yung antipatikong tuko na 'yon? Mabait? Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito at sarkastikong tumawa. "Alam mo ba kung gaano kahangin ang tuko na 'yon? Parang bagyo."

"Tuko? Mukha bang tuko si Matt?" Seryosong tanong nito. "Hindi rin naman antipatiko si Matt e."

"Akala mo lang 'yon, miss. Pero ang totoo, ang bantot ng ugali no'n." Aniya saka humigop ng kape bago ulit nagsalita. "Teka nga, gusto mo ba 'yung tuko na 'yon kaya ganyan ka magsalita?"

"Of course not." Nakangiting ani nito. Tumingin ito sa mga mata niya na may masayang kislap. "I'm already married. And i am more than contented."

"Kasal ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito. Hindi kasi halata sa itsura nito na kasal. "Totoo?"

"Oo naman." Nangingiting wika nito saka inabot sa kanya ang kamay. "I'm Clarity Mendoza-Cruz. Galvin Cruz' lovely wife."

Napatitig pa siya sa kamay nito bago niya tanggapin iyon. Hindi lang talaga siya makapaniwala na kasal na pala ito.

"Margaux. Margaux Fernandez." Pagpapakilala niya rito at ngumiti. Binitawan niya ang kamay nito. "May anak na ba kayo ng asawa mo?"

"Of course. My twin sons and my princess." Nakangiting sagot nito at mababakas sa mga mata nito ang saya. "Ikaw ba may kasintahan na?"

"Ah, wala. Trabaho muna bago love life." Natatawang sagot niya na bahagya pang napakamot sa batok. "Gusto ko pang maenjoy buhay ng single e."

"Life is short, bihira lang din ang lalaking mabait ngayon." Anito na parang may ipinahihiwatig sa sinabi pero hindi na lang niya iyon pinansin.

Nagkwentuhan pa sila ni Clarity dahil nag-eenjoy siyang kausal ito. Ngayon niya lang ito nakilala pero magaan na agad ang loob niya rito.

KANINA PA tapos si Matt si pagkain pero hindi pa rin bumabalik si Marga. Siya na rin nagligpit ng sarili niyang pinagkainan. Pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan niya nagtungo siya sa sala para hanapin ang dalaga pero wala do'n ang dalaga.

Nagtungo siya sa labas at doon niya natagpuan ang dalaga na masayang nakikipag-usap kay Clarity. Kilala niya iyon dahil asawa iyon ng kaibigan niya.

"Maragaux." Tawag niya sa dalaga habang papalapit rito. Tumingin ito sa kanya ng may ngiti sa labi at aaminin niya na parang biglang kinapos siya ng hininga. "Have you forgotten why you are here?"

"Ay oo nga pala. Sorry ho." Hingi nito ng paumanhin at bahagya pang yumuko. "Nag-enjoy ho kasi akong kausapin si Clarity."

"Matt, sorry ha, masyadong mahaba ang pinagkwentuhan namin." Paumanhin naman ni Clarity at tinguan niya lang ito bilang sagot. "Sige pasok na ako. Bye, Marga."

Tumango lang ang dalaga at ibinalik ang tingin sa kanya. "Sorry, sir."

"Tsk. Kung nakikipagtsismisan ka, pwedeng mamaya na lang kapag nakaalis na ko?" Sarkastikong tanong niya rito. Ipinasok niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay saka ulit nagsalita. "Maliligo na ako. Maglinis ka ng bahay hindi puro tsismis."

"Yes, sir." Mabilis nitong sagot at yumuko. "Tsk, umagang-umaga ang init ng ulo ng tuko."

"What did you say?" Kunot nuong tanong niya rito. Bulong lang iyon ng dalaga pero narinig niya. "Mukha ba akong tuko sayo ha?"

"Oo. Antipatikong tuko ka!" Anito at inirapan siya saka naglakad papasok ng bahay.

Naiwan siyang nakatanga sa hangin dahil sa ginawa nito.

Did she just rolled her eyes on me? And walk out?!

(•.•)

"What the fuck?!" Inis na tanong niya sa hangin. Ipinilig niya ang ulo at pumasok na sa loob ng bahay. Hindi niya nakita ang dalaga sa sala pero nakarinig naman siya ng ingay sa kusina. "Attitude naman pala 'tong babaeng 'to."

Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kwarto para ayusan ang sarili. Nang matapos siya paliligo at pag-aayos ng sarili, lumabas siya ng kwarto at bumaba sa unang palapag ng bahay niya.

Nakita niya ang dalaga na nagwawalis sa sala at parang walang pakialam sa paligid. Pinagmasdan niya ito ng maigi, simula ulo hanggang paa. At masasabi niyang hindi perpekto ang hubog ng katawan nito pero bumagay ito sa itsura nito.

Hindi siya ganoong kataba at kasexy, sapat na ang katawan nito para masabing may maganda itong pangangatawan. Wala sa sariling napatingin siya sa pwetan nito.

Nice ass.

Marahas niyang ipinilig ang ulo at nagtuloy-tuloy ng lakad papalabas ng bahay. Sinadya siyang dumaan sa harap nito pero parang wala lang para rito anhg presensya niya.

Tinitigan niya pa ito ng ilang segundo bago ulit naglakad. Siguro sadyang hindi lang nito naramdaman ang presensya niya kaya hindi siya nito pinansin.

Nang makalabas siya ng bahay dumeretso siya sa kotse niya at pinaharurot iyon patungong opisina. Wala siyang balak magtrabaho ngayon pero gusto niya lang ng katahimikan.

Tahimik naman sa bahay niya pero baka hindi niya kayanin ang kakaibang presensya ng bago niyang katulong sa bahay. Baka mabaliw lang siya do'n.

Ilang minuto ang lumipas nakarating na siya sa kompanya nila. Bumaba siya ng sasakyan at dere-deretsong pumasok sa loob. Deretso lang ang lakad niya hanggang makarating sa tapat ng elevator.

Nang bumukas ang elevator agad siyang pumasok at pinindot ang button. Ilang segundo lang ang lumipas nakarating agad siya sa palapag kung nasaan ang opisina niya.

Lumabas siya ng elevator at sakto namang nakasalubong niya ang kapatid niya.

"I thought you're in palawan?" Takang tanong niya rito. Sabi kasi nito na pagkatapos ng kasal nila deretso ang mga ito sa palawan. "Why are you here?"

"Hindi kami natuloy kahapon e. Ngayon ang alis namin." Sagot nito nang may ngiti sa labi saka tinapik ang balikat niya. "I have to go. Goodluck, man."

Hindi na siya nakapagsalita at sinundan na lang ng tingin ito. Nang makasakay ito sa elevator pumasok na siya sa opisina niya at dumeretso siya sofa saka nahiga. He need some sleep.

Kulang siya sa tulog kagabi dahil tinapos niya ang mga paper works niya. He close his eyes and try to fell asleep. Pero mabilis siyang napabalikwas ng bangon nang biglang pumasok sa isip niya ang itsura ng bago niyang katulong.

"What's happening?!" Tanong niya sa sarili at sinabunutan ang sariling buhok. "Kung ano man ang naiisip mo, Matthew, ayusin mo na."

I need some drink.

A/N: Goodluck sa modules. Godbless.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 55 21
Laz thought that after their one night stand, the desire he had been feeling toward this woman would finally end. But years after, Laz, found himself...
50.2K 1.1K 23
Isang groupo Ng kalalakihan na tagapag mana Ng ari-arian Ng mga magulang nito at groupo Ng kababaihan na anak Ng mayayamang political at may Isang da...
28.7K 352 30
Xavier Series #1 [R-18] OPEN MINDED READERS - "I HATE YOU!" I was so devastated. Anger and pitiness was filling my whole system. I loved him for who...
126K 2K 31
[COMPLETED] Kira 'n Piacere Series #1 A beautiful drummer entices hundreds of billionaires under her feet. An innocent woman underneath her lustful b...