One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 11

1.7M 39.3K 24.4K
By jonaxx

Kabanata 11

Casual

Mabilis ang hininga ko pagkalabas ng Inn. Kung hindi ako nag ingat sa pag tawid ng daanan ay siguro nasagasaan na ako ng pribadong sasakyan ng isa sa mga miyembro ng club. Papikit pikit at pa iling iling pa ako dahil nanatili sa utak ko iyong pag tingala ni Brandon! Halos nakaawang pa ang bibig niya sa sobrang sarap siguro ng nararamdaman sa ginagawa ni Angelina!

Tinulak ko ang pintuan at naabutan ko ang pagsasalita ng isa sa mga managers sa presentation. Si Madame na nakatoon sa projector ay inilipat ang tingin sa akin. Huminga ako ng malalim. I'm positive that I'm as white as paper right now. Nanlalamig ang mukha ko!

"Here's your phone, ma'am," ngiti ko.

"Thank you. Pinagod ba kita? I'm sorry." She smiled apologetically.

"Hindi po. My pleasure." Sabi ko at dumiretso na sa kinauupuan ko.

Nanatili ang mata ko sa projector ngunit naglalakbay ang isipan ko sa nangyari. God damn it! Gusto kong lumaklak ng bleach o di kaya ay isopropyl nang sa ganon ay luminis naman ang utak ko!

"We're sending Miss Pascual, Mr. Arevalo, Mrs. Fernandez to the kitchen now. Since sila iyong magagaling sa pagbabalanse ng manpower. And Mr. Arevalo's good in the kitchen. The rest will usher the guests and wait."

Pagkatapos ko iyon narinig ang nilapitan na ako ng ibang managers. I'm the youngest around at masasabi kong magagaling nga sila. Siguro na rin dahil subok na sila ng panahon. Inutusan kami ni Mrs. Fernandez na mag bihis muna ng para sa party bago magtungo sa venue para hindi na kami pabalik balik sa dorm o staff house. Kailangan din naming maglagay ng nameplate para malamang staff kami ng Highlands.

Dumiretso ako sa dorm. Hindi parin matanggal sa isip ko ang nangyari kanina at halos nanginginig pa ako tuwing naaalala ko iyon. Paano na lang kung magkita kami ni Brandon? Should I be ashamed that I saw it? O siya ba ang dapat mahiya? Teka nga, nahihiya pa ba 'yon? I bet hindi iyon ang unang pagkakataon na nahuli siya! He's pretty reckless! He didn't even lock the doors! Ganon na ba siya ka excited para don at hindi niya na iyon naisip?

Sinuot ko ang isang itim na dress na yakap yakap ang katawan ko. Some accessories and make up too. I should try to look mature kaya gumamit ako ng mas dark na lipstick. Nilugay ko lang ang buhok kong katamtaman ang haba at straight. Naglagay ako ng mascara sa eyelashes at ayos na ako sa gabing ito. I don't put much make up. Ang sabi nga ni Jessica ay soft ang features ng mukha ko. Kaonting kulay lang ay ayos na sa akin. I wore my favorite black pumps, inayos ang nameplate at lumabas ng dorm para pumara ng van patungo sa Country Club.

Sa labas ay kita ko na ang iilang presentation ng mga katutubong sayaw. One of the ways to welcome the guests. Lalo na iyong foreigners. It's 5pm at tingin ko ay paparating na ang mga iyon.

Nang tumigil ang sasakyan sa Country Club ay bakas na ang pagiging abala ng lahat ng staff. The red carpet is even ready. Kinabahan tuloy ako at naisip kong hindi pa kaya ako huli? Ako pa naman ang inaasahan sa pag li-lead sa mga lalabas na waiter!

Mabilis akong naglakad papasok. Wala pang tao sa mga mesa ng buong Country Club ngunit may isang kakaiba dahil may nakaupong lalaki. When I saw who that was, mas lalong bumilis ang hakbang ko.

Nag angat ng tingin si Brandon. Wearing that guilty face, sinalubong niya ako. I'm still confused. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin? Will I be cold or casual? Should I be cold? Should I be casual? The fuck!

"Av-" Salubong niya.

Tinigil ko kaagad siya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang makita iyon. Nasa Inn ako para kunin ang phone ng mommy mo." Sabi ko habang naglalakad at siya naman ay hinahabol ako sa gilid.

"I did not want you to see that," aniya.

Umiling ako. "Oh, I'm sure. Excuse me, Brandon. I have some work to do." Sabi ko at tinulak ang double doors patungong kitchen.

Naroon na sina Jay, at iba pang mga waiter ng Peak at ilan pang resto sa Highlands. Naabutan ko silang nag aayos ng ribbon sa kanilang kwelyo.

"Can we talk?" Hindi ko namalayan na sumunod si Brandon sa loob.

"Brandon, may trabaho ako." Mariin kong sinabi. Namataan ko ang ilang mga naroon sa kitchen, nagluluto man o nag aayos ng mga pagkain. "Jay!" Agad kong tinawag ang waiter. "Tatlo tatlo sa mga sides at gitna."

Wala akong pake kung nariyan si Brandon. Pinagpatuloy ko ang sinasabi ko hanggang sa dumating ang iba pang managers para gawin din ang tungkulin nila.

Nakatayo lang si Brandon sa gilid, naghihintay sa akin, sa paglingon kong hindi ko iginawad sa kanya.

"Remember all the five courses. Tapos 'yong mga side dishes. Don't forget. Sana walang matapon." Pagkatapos na pagkatapos ko non ay agad sumingit si Brandon.

"Avon-"

"Mr. Rockwell." Umalingawngaw ang boses ng isang matandang babae na sumulpot ang ulo sa double doors. Isa ito sa mga beteranang manager. "Tinatawag ka ni Madame. Nandito daw iyong mga stock holders."

Suminghap si Brandon at naglakad na ako palayo para tingnan ang mga pagkain. This is not my work but I need to keep myself busy so I can escape.

Lumabas din si Brandon. Naisip niya yatang wala siyang mapapala sa pagsunod sa akin dito. Pag trabaho, trabaho talaga iyon. Wala akong panahon para marinig ang mga hinaing niya tungkol sa nangyari kanina.

Nang opisyal na nagsimula ang party ay mas lalong dumami ang mga tao. Hindi ko inakalang malalaking tao pala talaga ang narito tuwing anniversary! Lahat yata ng mga villa owners at members ay naroon at halos lahat pa ay kung hindi matandang mayaman, bachelors!

Pinalabas kami at pinahilera doon para ipakilala sa mga stockholders na pare parehong nakangiti. Pagkatapos ay ginawa na rin ang trabaho namin.

Kaming tatlo ni Mr. Arevalo at Mrs. Fernandez ang nasa labas para tingnan ang ginagawa ng waiters. Maayos naman ang trabaho.

Kumunot ang noo ko nang nakita ang isang payat na waiter. Bakit siya narito? Sa dami ng tao ay nakita ko parin siya.

"Jose!" Tawag ko nang nakitang iba ang ruta ng kanyang mga dala. Hindi ito nasali sa orientation kaya mukhang natataranta na naman.

"Ma'am." sabay baba niya sa tray na may lamang mga inumin.

"Hindi ba ay sa Clubhouse ka? Bakit ka narito?"

"Sumakit po kasi ang tiyan ni Letty kaya ako ang inutusan ni Mr. Romualdo na pumalit," aniya.

Tumango ako. "Hindi pa nabibigyan ng side dishes ang mga guests dito. Doon ka muna sa ibang table." Sabay turo ko doon kina madame na agad kong nakita ang mata ni Brandon'g nakatingin sa akin.

Tumango si Jose at halos mapailing ako.

Sa lahat ng waiter ay si Jose pa ang napiling pumarito!? He's the most careless out there! Mabait siya ngunit hindi ko maaalis ang-

Umalingawngaw ang mga shot glass na nahulog dahil pinilit ni Jose na dumaan sa isang lugar na maraming tao. The heck! Umiling ako at nilapitan siya. Tinitingnan na siya ng mga tao habang natataranta sa pagpupulot ng shotglass at iilang bubog na nasa sahig.

"Jose! Kumuha ka ng mop. 'Yong buong cleaning mat ang dalhin mo! Wag kang mag pupulot diyan," pabulong kong sinabi.

"Opo!" Natataranta niyang sinabi.

Nilapitan ako ni Mr. Arevalo at umiling siya. Tinawag niya ang isa pang waiter para kumuha rin ng panlinis.

"Bakit ba kasi si Jose?" Tanong ni Mr. Arevalo sa akin.

Umiling ako. "Pinadala ng General manager." Sabi ko at dinungaw ang mga bubog na nasa sahig.

Dumating si Jose tulak tulak ang mga panlinis. Nanginginig ang kanyang kamay habang hinahawakan ang walis at mop.

"Ako na nga!" Iritado kong sinabi at kinuha ang walis na ayaw niyang ibigay sa akin.

"Ako na ho, ma'am. Manager ka po," aniya.

Nalaglag ang panga ko. "Ako na, Jose-"

Nang binawi niya ulit sa akin ang walis ay natamaan ang isang cart ng mga inumin dahilan kung bakit natapon ang ilang mga drinks at nabasa ang damit ko. Naka malaking O ang bibig ko at natigilan ako sa nangyari. What the hell?

"Naku, sorry po, ma'am!" Sabi ni Jose.

May tumikhim sa gilid ko at lumapit. Naestatwa ako roon at uminit ang pisngi ko. Pinagtitinginan yata ako ng mga tao. Biglang may nagpunas sa dibdib ko. Nahulog ang lemon na nakatungtong sa itim kong dress dahil sa pagpupunas ng isang lalaking guest.

Hindi pa ako nakakaangat ng tingin para tingnang mabuti ang kanyang mukha ay napatalon na ako sa biglaang pag hila ng kung sino sa likod ko.

"I can do that better." Sabi ng boses ni Brandon at hinila niya ako palabas ng Country club.

Hindi ko alam kung sinu-sino ang mga nakakita sa amin. Sa dami ng bisita ay halos hindi napansin ang nangyari pero ang nasisiguro kong nakatingin ay iyong mga naroon sa pinangyarihan ng pagkakabasag.

"Bitiwan mo ako, Brandon!" Sigaw ko nang nakalabas kami at agad binawi ang palapulsuhang hinihila niya.

Bumaling siya sa akin at tumigil sa paglalakad nang nakawala ako. Halong galit at frustration ang nasa mukha niya nang harapin ako.

"Your dress is wet with bourbon, Av." Huminga siya ng malalim at kumuha ng panyo sa kanyang bulsa. Umamba siyang pupunasan ang damit ko ngunit hinawi ko ang kamay niya. Sa paghawi ko ay natapon ang puting panyong dala.

Nagulat ako sa lakas ng pagkakahawi ko non! Hindi ko naman sinadya na ganon ang mangyari. Nilingon ni Brandon ang kanyang panyo at dahan dahan niyang nilapitan iyon para pulutin. Suminghap ako at naghanap ng sariling panyo sa aking purse.

"I don't need the help." Sambit ko.

"Bakit di mo hinawi 'yong kamay ng lalaking nagpunas sayo doon kanina sa loob, kung ganon?" Tumayo siya ng maayos at tinitigan ako gamit ang galit na mga mata.

Umirap ako. "E hinila mo ako." Sabay punas sa damit ko. "Ba't mo nga pala ako hinila? May trabaho ako don."

"Why are you so stubborn? Magpalit ka muna ng damit! Hindi kita papabalikin doon ng ganyan ang suot!"

"What's the problem with my black dress? Excuse me!" Galit kong untag.

"I have so many problems with your wet little black dress, Avon!" He snarled.

"Are you kidding me? At bakit kita susundin? Wala akong pakealam sa problema mo sa damit ko. I have work to do. I have a job I need to take care of-"

"Your job ends when I ask you to end it! And I tell you, you're done for tonight! We'll leave. And at least wear something dry-"

Tinuro ko siya nang kumulo ang dugo ko. "Sino ka para sabihin iyan sa akin? You're my boss but not my direct boss. Your mom is my boss. And I'm professional! Tatapusin ko ang nasimulan ko na. And who are you to act like my boyfriend! Kani kanina lang ay may ka date kang iba!"

Namutla siya sa sinabi ko.

"O! Wala kang masabi!? You want me to be more specific? Kani kanina lang ay may pinaluhod kang iba! Don't act as if I'm your responsibility. I can do it without anyone. I can do things without you. Don't act as if I need you, even. I don't Brandon. I don't need an asshole like you." Sabi ko at tinalikuran ko siya.

Pagkatalikod ko ay pumikit ako ng mariin. Fuck it! Ngayon ko lang napagtanto na ang dapat na ginawa ko ay maging kaswal at maging mabuti sa kanya! I need that information and I need him to spit it all out! Paano ko siya mapapagawa ng ganon kung hindi ko siya papakisamahan?

Now I just lost everything! At nagpakahirap pa ako na mapunta dito at nauwi lang sa wala ang lahat? Shit!

"Ayos ka lang, ma'am?" salubong ni Jose sa akin.

Nakita kong sabay sabay na tumingin ang grupo ng bachelor doon sa lugar kung saan ako natapunan kanina. Naaninag ko ng husto ang lalaking nagpunas sa damit ko. Mid thirties or something, I'm sure. Ngumiti ako ng tipid bago hinarap si Jose.

"Gawin mo na ang trabaho mo, Jose. Wag kang tutunganga. Maraming naghihintay ng maiinom." Sabi ko.

Kinamusta agad ako ni Mr. Arevalo sa nangyari at sinabihan ko siya na ayos lang ako. Nakatingin ako sa pintuan habang nag uusap kami at laking gulat ko nang nakitang pumasok si Brandon doon na parang walang gana, nakatingin sa akin, hanggang sa umupo siya sa gilid ng kanyang mommy na abala sa pakikipag usap.

"You can rest for tonight, Miss Pascual. Basa 'yong damit mo." Puna ni Mr. Arevalo.

Tumango ako. "Kahit sa pang limang course lang, titingnan ko ang mangyayari. I know you lack manpower here. My dress is nothing, Mr. Arevalo." Sabay ngiti ko.

Napasulyap ako kay Brandon at namataan kong nakahalukipkip siya at tumititig sa akin, galit ang ekspresyon.

May kung ano akong naramdaman sa sistema ko. What's he looking at? Bahala siya sa buhay niya!

"Alright, Miss Pascual. Actually, some of the members want to meet you." Sabay lahad ni Mr. Arevalo sa mga lalaking parehong naka tux at nag uusap. Isa doon ang nagpunas ng damit ko.

Tumango ako at ngumiti. Sumulyap ako kay Brandon na ngayon ay nakatitig parin sa akin, mistulang lawin ang mata, naglalaro sa labi at tinatagilid ang ulo.

"This is Miss Avon Pascual of the Clubhouse." Sabi ni Mr. Arevalo sa apat na lalaki.

"Hi! Good evening! Hope you're all enjoying the party." Ngiti ko sabay tango.

"Avon, they are members of Highlands. Si Mr. Alicante..." Sabay lahad ng kamay nong lalaking tumulong sa akin.

Tinanggap ko ang kamay niya ngunit lumipat agad ako sa mga lalaking katabi.

"Mr. Revamonte, Mr. Mendoza, and Mr. Tuazon."

Nginitian ko sila isa-isa. They are all equally handsome.

"Hindi ko alam na may manager pala kayong maganda dito." Ngiti ni Mr. Alicante, the oldest of them.

"Whoa! Thank you for that compliment, Mr. Alicante." ngisi ko.

May bigla akong naramdaman sa baywang kong humaplos. Napatigin ako sa kamay na iyon na may itim na relo. Who the fuck?

"Enjoying the night, Herman?"

Nilingon ko kaagad si Brandon na nasa gilid ko na pala. Bahagya kong tinanggal ang kamay niya. Nahulog lamang ito at gumapang pataas sa baywang ko. Halos napapikit ako. Kung hindi lang ako mapapahiya ulit pag sinampal ko siya ngayon ay ginawa ko na iyon agad agad!

"Well, Brandon! The Club's been deprived of beautiful creatures. I wonder why? Maybe the president's son likes hoarding beautiful girls." iling ni Mr. Alicante.

Nagtaas ng kilay si Mr. Alicante at napatingin siya sa aking baywang. Nakangiti pa ang kanyang mga kasama sabay tapik sa balikat ni Brandon.

"Herman, we're here for business." Sabi ng kanyang katabi.

Humigpit ang kamay ni Brandon sa aking baywang. Kumulo na naman ang dugo ko. So Brandon likes beautiful girls? Am I going to be part of his collection? Not if I stop him! Besides, narito ako para gamitin ang kanyang kaalaman. Sa oras na malaman ko ang mga impormasyon sa Arielle na iyon ay hahanapin ko siya at ipapapahiya. You don't mess with me or my family!

"I don't hoard girls. They are not things, Herman. Siguro ay nasasabi mo iyan kasi lahat ng gusto mo, nagkakagusto sakin." Tumawa pa si Brandon.

Susko! Ang yabang mo!

Bumaling si Mr. Alicante sa akin. "I'm sure Miss Pascual is smart. She won't fall for someone like you."

Umiling ako. "Of course not."

"Oh, she will. You'll see. Cuz I won't stop until she's hooked."

"Brandon!" Bumaling ako sa kay Brandon na ngayon ay nakangisi lamang at nakaharap sa mga lalaki.

Umigting ang panga ni Mr. Alicante. Nakita ko ang paghila ng mga kaibigan niya sa kanya palayo kay Brandon.

"Excuse us." Sabi nong katabi ni Mr. Alicante kanina.

Tumango kaagad ako at bumaling kay Brandon nang nakaalis na sila. "Ano ba?" Mariin kong sinabi at hinawi ulit ang kamay niyang nasa baywang ko. Tinulak ko siya para makalayo ako sa kanya.

Suminghap siya at pagod akong tiningnan. "You can't expect me to just watch while they're hitting on you. Believe me, may rason kung bakit bachelor parin ang Alicante'ng iyon."

"Oh! Thanks for warning me, a? Pero seriously, Brandon? You think you can include me in your collection of girls? Nakakadiri ka!" Sabi ko.

Umigting ang panga niya at hinawakan ang braso ko. Mabilis ko iyong hinawi.

"Stop it! Don't touch me!" Hindi ko mapigilang mandiri lalo na nang naisip ko ang nangyari kanina sa kwarto.

"I'm sorry, okay!" Lumakas ang boses niya dahilan kung bakit may napatingin sa aming dalawa. So much for not making a scene Aurora Veronica! "I'm sorry because I tried that girl! You ask me to back off! I did! Now what? Now what? Sabi mo papatawarin mo ako, diba?"

Tanga! Gago ka rin! Uto-uto! Di kita mapapatawad! Lalo na ngayon! "Really? Well, I'm pissed! Hindi ko alam kung mapapatawad kita!" Shit. I told you to be casual, self!

"Wait? What? Because of that? If it helps, hindi namin natapos iyong nangyari-"

"Oh! Thanks for the help!" Tumawa ako sa kabaliwan. "I'm sorry, Brandon! Sumakit ba ang pantog mo kasi di mo naiputok?"

"Putangina, Aurora Veronica!" Lumakas pa lalo ang boses niya. "You were down on your knees in front of me that time! Iyon ang nasa isip ko! Because you frustrate me too much!"

Nanlaki ang mata ko. As if everyone heard or knew what he meant by that! Uminit ang pisngi ko at gusto kong tumakbo palabas sa kahihiyan. "Will you-" Pumikit ako ng mariin at hindi na nakayanan. Lumabas ako ng Country Club.

Putangina mo, Brandon Rockwell!

Continue Reading

You'll Also Like

22.6M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...
243K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...