Into My Ex

By Junarieee

25 0 0

Being a marupok is not easy, kaya don't judge Karyl if she still love her ex. Mahigit dalawang taon na ang na... More

Start
/01/
/02/
/03/
/05/
/06/
/07/
/08/
/09/
/10/
/11/

/04/

3 0 0
By Junarieee

CHAPTER 04














"You're cute when you brush. I love it. Nakakainlove" nakangising sabi ni Kenzo.

Nataranta naman siya. Shucks! Nakakahiya. Baka isipin niya na inlove na inlove talaga ako sa kanya. Hindi ba talaga?

"Sge na kumain kana. " natatawa pa ring sabi ni Kenzo.

Tumango lang siya. Ang rupok mo self!

Pagkatapos nilang kumain ay si Kenzo na ang nag hugas. Tumulong nalang siya sa pag liligpit ng pinag kainan. Hindi pa tapos si Kenzo sa pag huhugas kaya napagdesisyonan niya na maligo na muna.

Tapos na siya maligo. Towel ni Kenzo ang ginamit niya. Shit! Ang bango! Wala siyang damit na dala kaya pinakialaman niya ang damitan ni Kenzo. Kinuha niya ang polo na kulay maroon. Mas pinili niya ang medyo dark para hindi masyado halata ang hinaharap niya, pinarisan niya naman ito ng  shorts panlalaki.

Tinuyo na niya ang buhok gamit ang towel. Pagkatapos ay bumaba na siya. Nadatnan niya si Kenzo na nanunuod ng NBA habang kumportableng nakaupo.

"Pinakialaman ko na itong polo at short mo. Sorry" nag peace sign pa siya.

"Ang tagal mo parin maligo." sabi nito.

"Tss, ganyan talaga pag babae." sabi niya habang nag lalakad papalapit.

Lumingon ito sa kanya. Sandali siya nitong tinitigan bago nag iwas ng tingin. Luh? Problema mo?

"Okay ka lang?" tanong niya. Umupo siya sa tabi nito.

Hindi ito nag salita. Tumayo ito bigla.

"Maliligo lang ako." sabi nito.

Mag lalakad ma sana ito pero pinigilan niya.

"ang weird mo" sabi niya.

Bumuntong hininga ito.

"Baby, please warn me next time you wear killer clothes. Your sexy wearing that polo and short." sabi nito.

Luh?

"Use bra next time. I can see your boobs, freely." sabi nito sabay lakad paakyat.

Lintik! Dark na nga yung ginamit ko para hindi kita eh!

Naramdaman nanaman niya ang paginit ng pisngi. shucks! Kinililig nanaman ako dahil sa lalaking yun.

Tinutok nalang niya ang tingin sa T.V. Basketball? Ano ba yan, boring. Kinuha niya ang remote. Pinili niya ang Disney Channel. Sakto naman na Sofia The First, kaya nag karoon siya ng interest. Minsan ay natatawa siya sa pinapanood.

Simula pa noon ay talagang gusto na niya ang Sofia the first. Dahil may kahawig ang buhay ni Sofia sa buhay niya. Nagtitinda lang ng isda ang mama niya noon, minsan ay tumutulong sila ng ate niya. Simple lang ang buhay. Kung walang bumili, walang kakainin. Nagbago lang ang buhay nila ng makilala ng mama niya ang papa niya ngayon. Hindi man ganoon kayaman, pero may seguradong kakainin araw araw. Mas naituturing niyang tunay na tatay ang papa niya ngayon. Hindi kagaya ng tunay niyang ama na iniwan nalang ang mama niya dahil sa ibang babae.

Pinahid niya ang luha na tumulo na pala. Sinabi niya dati sa sarili na magiging matapang siya, kaya ngayon wala na siyang inuurungan. Kahit sino nilalabanan niya pag alam niyang siya ang tama. Pero may isang tao na marupok siya. Yun ay si Kenzo Kyle Mendoza, ang first true love niya.

Tumayo na siya para patayin ang T.V.. Tapos na din naman ang pinapanood niya. Uupo na sana ulit siya ng biglang may narinig siya kumatok. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Sino kaya yun?

Nag tungo na siya sa pinto. Dahan dahan lang ang pag bukas niya. Kinakabahan parin siya kung sino ang kumatok. Pag bukas niya ang laking gulat niya.

"Cristine?" gulat niyang sabi.

"Anong ginagawa mo dito" gulat din nito tanong.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" balik niyang tanong.

"Im here for Kenzo. Pinapunta niya ako dito eh." sabi nito "Wait, are you wearing Kenzo's clothes?" may galit nitong sabi.

Napatingin naman siya sa damit niya. So what?

"Oo, bakit? Anong pake mo?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Yuck. Ang landi mo. Seriously, ganyan kana? eww kadiri kang tao " sabi nito

"Anong bang pinagsasabi mo?"...tanong niya.

"Alam kong marupok ka, pero hindi ko naman akalain na ganyan ka pala." mataray na sabi nito.

Ano bang pinagsasabi niya.

"So sa tingin mo dahil may nangyari sa inyo magiging kayo na ulit? Duh, hindi ka ba nag iisip? Teacher ka pa naman din, pero tanga ka. Wag ka ngang umasa. Hindi ka ba nag tataka? Ang bilis niya namn yatang mag patawad. Dalawang taon kang nawala sa sistema niya, Karyl. Naka move on na siya, kaya wag mo na ulit gulohin ang buhay namin!" sabi nito.

"Hindi ako ang nanggulo! Ikaw! Napaka tyardor mo! Pinagkatiwalaan kita, pero pakshit ka!" sabi niya.

Hindi na niya mapigilan ang galit.

"Umalis ka nalang Karyl. Hindi ka na namin kailangan" pag ka sabi nito ay binangga muna siya nito bago pumasok sa loob.

Sinundan niya ito. Sakto naman na bumababa si Kenzo. Kita din sa mukha nito ang pagkagulat.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kenzo ng tuluyan ng makababa.

"I missed you" sabi nito sabay lapit kay Kenzo.

Nagulat siya ng halikan nito si Kenzo.

ouch! Harap harapan pa talaga! Nakaramdam siya ng sakit

Ngunit mas nagulat siya ng lumaban sa halik si Kenzo. Huminto si Kenzo sa paghalik. Si Cristine naman nakaawang parin ang labi. malandi! Humarap sa kanya si Cristine, nakangiti na parang sinasabi na mag dusa ka. Habang si Kenzo ay nakayuko, walang emosyon.

Pucha! Ano 'to!

Mas nanlaki ang mata niya dahil sa nakita. Napatakip nalang siya ng bibig. Hindi na niya kaya. Subra na ang sakit. Wala na siya pakialam. Tumakbo siya palabas. Hindi na niya mapigilan ang pag tulo ng mga luha. Ang tanga ko! Ayoko nang maging marupok!

Tutungo na sana siya ng elevator ngunit biglang may humatak sa kanya.

Hindi niya alam ang gagawin. Iiyak, masasaktan, magtataka, malulungkot, sisigaw. Gulong gulo na siya. Bakit?! Bakit nila ginawa yun! Para mag higanti? pucha!

"Stop crying." rinig niyang boses ng lalaki.

"sino ka? Bakit mo ako hinila palasok dito?" tanong niya ng hindi tinitignan ang lalaki.

Hindi parin niya mapigilan ang pag hikbi.

"Stop crying, you dont deserve it." sabi nito.

Dahil sa kuryusidad ay nag angat siya ng tingin, nagulat siya ng makita kung sino ito.

"Jilou?" gulat niyang tanong

"Gulat ka?" natatawa nitong sabi.

"Bakit? Bakit mo ako hinila papasok? tapos." hindi niya natuloy ang sasabihin

"Kasi ayaw ko nanakikita kitang nasasaktan." sabi nito sabay kindat "actually, matagal na kitang kilala Karyl. Isa ang kapatid ko sa mga naging studyante mo sa online class." pag papaliwanag nito.

Hindi niya alam ang sasabihin. Ngunit kahit papano ay nawala sa isip niya ang nakita kanina.

"Thank you." tanging lumabas sa labi niya.

"Gusto mong makalimot?" nakangiti nitong tanong.

"Gusto kong sumigaw."walang buhay niyang sabi.

Narinig niya ang kaunting pagtawa nito.

"May alam akong place. Game ka?" tanong nito.

"Saan ba? Safe ba?" tanong niya.

"Ipapahamak ba kita, e crush kita eh" nakangiti nitong sabi.

"Kakagaling ko lang ang heart break, pwede ba time freeze muna."

"Hindi ko naman sinabi na icrushback mo ako."

"tss."

" so ano? game ka?"

"Sige tara. Para naman kahit papaano eh mawala sa isip ko yung nangyari."

"sge pero bago yun, mag bihis ka muna."

Nakaramdam naman siya ng hiya, pero hindi niya pinahalata.

"May damit ka bang iba diyan?"tanong niya.

"Meron, actually sa kapatid ko yun." sabi nito.

Sinamahan naman siya nito kung saan ito naroon. Pag katapos niyang mag bihis ay deretso na sila sa pupuntahan nila. Wala na siyang pake. Ang mahalaga ay maisigaw niya lahat ng sakit. Kailangan niya maisigaw lahat ng sakit. Kailangan maging matapang siya ulit.

Habang nang bebiyahe ay hindi niya parin matago ang sakit na nararamdaman. Hinayaan naman siya ni Jilou na umiyak. Mabuti nalang pala at hinila siya nito. Ayaw niya din kasing ipaalam sa magulang niya ang nangyari. Alam niya na mag aalala lang yun.

"Ex mo siya?" tanong bigla ni Jilou.

Natigilan siya sa tanong nito. Sasabihin ba niya ang totoo?

"Oo, naging kami dati. Pero nag hiwalay kami dahil kay Cristine." sabi niya.

"Third Party?"

"Hindi, pero aware ako na may gusto si Cristine kay Kenzo"

"Halata naman eh. Kapag may practice nga kami palagi siyang nandoon."

Natahimik sila saglit, bago nag tanong ulit si Jilou.

"So anong nangyari?"

"Traydor siya eh. Ayaw sakin ng parent ni Kenzo. Pinaghiwalay kami, pero seguro dahil sa mahal namin ang isat isa, hindi kami nag hiwalay, patuloy pa rin kami na nagkikita. "

"Tapos? Anong sunod na nangyari?"...

"Sinumbong kami ni Cristine. Binalaan ako ng mommy ni Kenzo, kaya umalis nalang ako ng walang paalam."

"Kaya pala galit siya sayo."

"Ang tanga ko nga eh. Hindi ko siya pinaglaban."

"pero kung pinaglaban mo ba siya. Sa tingin mo hindi ka tatantanan ng mommy niya."

Tama si Jilou. Hindi sila tatantanan ng mommy nito. Gagawin nito ang lahat para hindi sila magsama ni Kenzo. Hindi na siya nagsalita pang muli. Napatingin nalang siya sa may bintana. Patuloy parin na dumadalot ang luha mula sa kanyang mata. Pinipilit niyang maging malakas.

Ilang sandali pa ay hindi niya namalayan na nakarating na pala sila. Hindi siya matataohan kung hindi siya pinag buksan ng pinto ni Jilou.

"Kanina ka pa tulala" sabi nito habang naglalakad sila.

"Saan tayo pupunta?" pag iba niya sa paguusapan.

"Its a surprise." nakangiti nitong sabi.

Tumawid sila sa isang hanging bridge. Hindi naman siya takot dahil nasanay na siya noong nasa probinsya pa sila. Nang makatawid ay doon lang niya napagtanto na aakyat pala sila ng bundok. Nag karoon na siya ng ideya.
Nang makarating sa pinaka toktuk ng bundok ay nag napangiti siya ng hindi niya namamalayan.

"Shout! Isigaw ko lahat ng sakit! Lahat ng problema mo! Mga gusto mong sabihin pero hindi mo masabi dahil naduduwag ka!" sabi ni Jilou.

Napatingin siya rito. Nakangiti siya ngunit may luha na tumutulo mula sa kanyan mga mata. Ang sakit sakit na.

"Akala niyo masaya ako! Matapang akong tao! Pero yung totoo nasasaktan na ako!"

"Pinipilit kung maging masaya kasi kahit makita niyo na akong malungkot, sasabihin niyo na hindi totoo ang lungkot ko"

"Minahal kita Kenzo! Pero ayoko na!"

"Masasaktan lang ako kung patuloy pa kita mamahalin!"

"Ayoko nang maging marupok!"

"Pag bilang ko ng tatlo kakalimutan na kita! "

"Isa!"

"Dalawa!"

Natigil siya sa pag sigaw ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumingin siya kay Jilou, nakatingin lang ito sa kanya. Hindi nito alintana ang malakas na hangin at ulan.

"Umiiyak ka?" tanong nito sa kanya.

Mabilis siya umiling.

"Hindi, dahil lang 'to sa ulan" pagpapalusot niya.

Lumapit ito sa kanya.

"Maybe rain can hide your tears, but it can't hide the sadness in your eyes." sabi nito sabay ngiti sa dulo.

Hindi niya alam pero umakap nalang siya kay Jilou. Nasasaktan na siya. Subrang sakit na.








"SALAMAT, kahit papaano eh nawala yung sakit"pag papasalamat niya.

"Basta kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako." sabi nito.

"wala naman akong number mo, so paano kita matatawagan?" Pabiro niyang sabi.

"Give me your phone." Seryuso nitong sabi.

Agad naman niya ibinigay ang cellphone niya. Kinuha agad ito ni Jilou.

"Nakasave na yung number ko." sabi nito sabay balik ng cellphone niya.

"Sge baba na ako, thank you ulit huh" sabi niya.

Lumabas na siya ng sasakyan nito. Hindi niya masabi na naging masaya ang araw niya dahil sa pangyayari no'ng umaga. Pero masaya naman siya na nakasama niya si Jilou. Ang dali nilang naging mag kalapit sa isat isa.

"Saan ka galing." boses mula sa likod niya.

Bubuksan niya na sana ang gate ngunit natigilan siya. Pag lingon niya ay laking gulat niya.

"Kenzo." gulat niyang sabi.

Ang gulat ay napalitan ng galit.

"Anong ginagawa mo dito?".tanong niya.

"Saan ka galing? Bakit magkasama kayo?" may galit sa boses nito.

"ano namang pakialam mo? Umalis kana nga!" sigaw niya.

Hindi ito nag salita nakatitig lang iton sa kanya. Hindi niya ito maintindihan. Kanina lang ay sinaktan siya nito, tapos ngayon mag papakita sa kanya na parang wala lang.

"Bingi ka ba? Sabi ko umalis--" hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla siya nitong hinalikan.

Nagpumilit siya manlaban ngunit sadyang malakas si Kenzo. Mas lalo pa nitong pinalalim ang halik. Isinandal siya nito sa pader ng gate nila. Wala na siyang nagawa. Ilang sandali pa ay bumitaw na ito.

"Tapos kana?" tanong niya.

Wala siyang naramdaman sa halik. Lahat ng galit niya ay nabuo. Subrang sakit ng nararamdaman niya.

"Masaya kana niyan? Alam mo, gago ka rin eh. Paasa ka!" sigaw niya.

Tinulak niya ito. Pumasok na siya sa bahay nila. Bumungan agad ang mama at ate niya. Seguro ay nakikinig ito. Hindi niya ito pinansin at nag patuloy lang siya sa pag lalakad. Nag lakad na parang wala nang pakialam sa paligid.

Gusto lang niya umiyak. Nasasaktan siya. Bakit ba kasi ang rupok ko!
















••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Continue Reading

You'll Also Like

323K 18.5K 19
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
508K 1.5K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...
581K 20.2K 95
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
713K 43.6K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...