Serenity's POV
"Mommy, ang ganda niyo naman po." Puri sa akin ng anak ko. Napalapit naman ako dito at niyakap ito.
"Ikaw din baby boy, ang gwapong-gwapo po. Mukhang marami kang papaiyaking babae sa paglaki mo"
"No! Wala akong aawayin na babae at saka kuya na ako.."
"Hmm....sabi mo ehh"
Napatingin naman ako sa hairstylist ko. Napangiti naman ito.
"Ma'am maganda po kayo, huwag po kayong mag-alala. Hindi na po.kayong kailangang ayusan.."
"Bola..."
"Hindi po, diba baby Drake.."
"Opo!!!"
Napatingin ako kay Drake at hinawakan ang kamay niya.
"Paano yan Drake, kuya ka dapat na diba pero para sa lahat ay baby boy ka parin.."
"Hmm..pero po, sige...ako si baby boy at si Sia ay si baby girl.."
"Tama ka.." sabi ko at pinag-gigilan ang pisnge nito.
Pinanganak ko muna ang baby girl namin bago kami nagdesisyon na magpakasal. Gusto ko kasing maganda ako sa kasal ko hindi mastress kaya nagpanganak muna ako.
Sia ang name ng baby girl namin. Hindi na ako nagbigay pa ng second name dahil mahihirapan ito sa pagsulat kung mahaba ang name niya dahil mahaba ang apelyido ko.
Bigla bumukas ang pinto at pumasok si mama at ang Dad ko. Civil na sila sa isa't-isa at masaya naman si mama sa pamilya nito.
"Anak, time na. Mauna na kami ahhh, halika na baby boy.." bumitaw na si Drake sa akin at pumunta na sa kina mama at Dad.
"Bye mommy, see you sa Church.."
Ngumiti ako at nagpaalam na sa kaniya. Na kina Mom at Dad Dracula ang anak kong si Sia.
Mga ilang minuto lang ay naayusan na ako at inalalayan akong maglakad hanggang nasa bridal car na.
"Ngayon palang ma'am, congratulation na po.." sabi ng hairstylist ko. Napangiti ako sa sinabi nito.
"Salamat..." sabi ko at sinara niya ang pinto.
Nang nasa gitna na ng biyahe ay biglang huminto.
"Kuya, anong meron?"
"Ma'am may gulo yata.."
"Anong gagawin natin, mala-late na ako sa kasal ko."
Hindi parin matapos-tapos. Naririnda na ako sa mga busina ng mga sasakyan kaya lumabas ako.
"Ma'am!!"
"Ayos lang, may aayusin lang ako." Sabi at pumunta sa pinagkakaguluhan.
"Sir, anong pong problema? Ano po kasi, kasal ko ngayon tapos baka ma-late ako dito.."
"Pasensiya po ma'am, nabunggo po kasi ako ng kotse nito at ayaw niya pong lumabas sa kotse niya..."
Lumapit ako doon at kinatok ang bintana nito.
"Sir, may nabunggo po kayo.."
Bigla namang bumaba ang bintana nito.
"Ay! Ako ba ang nakabangga, akala ko ay iba. Pasensiya na..."
Sumakay na ang dalawa at pinarada na nila ang mga sasakyan nila sa paradahan. Bumalik na akonsa kotse at lumabas naman ang driver para ayusin ang wedding dress ko..
Naging maganda na ang pagbiyahe namin.
"Ma'am?"
"Yes."
"Hindi ko po aakalaing pupunta po kayo doon at makikipag-usap.."
"Mas maganda na kaysa sa hintayin pa silang matapos. Baka naglilinis na nalang ng simbahan ang maabutan natin kuya..."
Tumawa nalang si kuya.
"Congratulation ma'am."
Nagpasalamat ako doon at nang makarating kami sa simbahan ay nakikita ko ang wedding organizer na natataranta at hindi makapakali.
Napadako ang tingin niya sa akin at parang nabuhayan ito at nakahinga ng maluwag.
"Ma'am! Akala ko ay hindi po kayo dadating. Naiiyak na po si sir doon.."
Si Draco ay naiiyak daw. Agad akong naalarma at nagmadali na.
Agad ko nang pinapunta ang mga flower girl at mga abay ko.
At nang ako na ay huminto ang tugtog at panibagong tugtog ang pinatugtog.
Winter snow is falling down
Children laughing all around
Lights are turning on like a
fairytale come true
Sittin' by the fire we made
You're the answer when I prayed
I would find someone and baby
I found you..
Dahan-dahang binuksan ang pinto at dahan-dahang lumakad ako sa maraming petal na aisle. Ngayon ko lang napansin ang nasa aisle. Hindi lang basta tiles. May nakasulat doon na naka-italic.
And all I want is to hold you forever
All I need is you more everyday
You saved my heart from being
broken apart
You gave your love away
And Im thankful everyday
For the gift
Napatingin ako kay Draco at nakikita kong pinupunasan nito ang luha sa mata niya. Kung ako naman ang nasa kalagayan niya at ang araw na ito ay talagang pinaghandaan at hindi makakapunta ang bride ko ay maghahalumpasay ako sa altar.
Watching as you softly sleep
What I'd gift if I could keep
Just this moment if all of time
stood still
But the colors fade away
And the years will make us gray
But baby in my eyes
You'll still be beautiful...
Nasa gitna na ako ng tumabi sa akin sina mama at Dad at hinawakan ako sa braso.
"You're so beautiful.." sabi ng Dad ko at nagpasalamat ako doon.
"Ikaw talagang babae ka, pinaiyak mo ang groom mo..."
Napangiti ako at nagsorry kay mama.
Napatingin ako kay Draco na hinahawakan sa braso ni Lucas dahil gusto niya ng lapitan ako at hilahin sa harap ng altar. Pansin ko ang pagmumula ng mata nito dahil daw sa kakaiyak.
And all i want is to hold you forever
All i need is you more everyday
You saved my heart from being
broken apart
You gave your love away
And Im thankful everyday
For the gift...
Nang nasa tapat na kami ng ni Draco ay agad niya akong nilapitan at niyakap.
"Akala ko ay hindi ka makakapunta.."
"May nagkagulo sa kalsada, inayos ko pa.."
"You didn't?"
"I did, tanungin mo pa si Kuyang driver.."
Kinausap muna ni mama at Dad si Draco bago binigay nila ako kay Draco. Si Draco naman ay nakangiting kinuha ang kamay ko.
"At last.." sabi ni Draco ng makuha ang kamay ko.
"Pinaiyak mo ako alam mo ba yun.." sabi ni Draco.
"Gaganti ka?"
"Sa honeymoon natin.." sabi nito at ngumisi.
"Papaiyakin mo ako?"
"In pleasure.." bulong niya kaya hinampas ko siya sa braso bago naglakad patungo sa harap ng altar.
And all i want is to hold you forever
All I need is you more everyday
You saved my heart from being
broken apart
You gave your love away
And Im thankful everyday
For the gift....
Can't find the words to say....
Thank you for the gift......
Nagsimula ang seremonya ng kasal at laging nakatingin sa akin si Draco. Hindi ko napigilang mapaiyak sa sinambit nitong vow at gayundin naman siya sa akin.
"I love you.."
"I love you more..."
Nang sinabi na ng pari na 'you may now kiss the bride'.
Agad na tinaas ni Draco ang veil at hinalikan ako bigla. May balak pa siya sanang palalimin kaya hinampas ko siya ng mahina sa braso. Humiwalay naman ito at tumawa lang.
Halos lahat ay binati kami lalo na sa reception.
...
....
"Maganda nga yung view dito, gaya ng sabi mo" sabi ko kay Draco habang nakayakap ito sa likod ko. Kaming dalawa lang ang nandito dahil honeymoon namin at talagang pumunta kami sa sinabi nitong lugar.
Nandito kami ngayon sa private island ni Draco na matagal na daw nitong binili. Hindi niya lang mapuntahan pero may nangangalaga naman daw.
"Naman, para sa asawa ko ay lagi akong handa.." sabi nito ay mas humigpit pa ang yakap nito sa likod ko. Nanonood kami ng sunset at perfect ang pwesto namin.
Nasa balkonahe kaminat mataas ito.
"I lost someone and I found you. I lost myself and you found me.." sambit nito sa tainga ko. Napatingin ako sa kaniya.
"Talaga?"
Tumango siya at hinalikan ako bigla sa labi.
"Nawalan ako ng mahal sa buhay at nakita kita ng araw na yun. Lagi akong wala sa sarili ko at nahanap mo ako.."
"Hmmm...nawewerduhan ako sayo pero masaya ako sa resulta" sabi ko at humarap sa kaniya.
"Talagang maganda dahil nandito ka. Mahal mo ako, mahal kita.."
"Hmmm.... ako din naman ay nawala sa sarili tapos nahanap mo ako. Hindi ko kilala nung una ang ama ni Drake at nahanap kita. Alam mo ba ang unang-una kong plano ay hanapin ka at ipakilala kita sa anak ko at pananagutan mo ako pero naisip ko din na baka may iba ka na kaya nagbago ang plano. Kapag nahanap kita ay alam ko na kung sino ang lalayuan ko.."
"Hmmm...mukhang iba ang nangyari..." sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
Bumitaw ako at lumayo sa kaniya.
"Diyan ka lang tapos hahanapin mo ako.." sabi ko sa kaniya at ngumisi.
"Hmm... my wife wants to play hide and seek.." sabi niya.
Lumapit siya sa akin kaya bigla akong humakbang paatras.
"Oppss.."
"Hmmm... kapag hindi kita nakita ay ipapahanap kita.."
"Walang station dito ng 'Lost and found...' Draco, bahala kang maghanap" sabi ko at tumakbo na sa loob ng bahay.."
Natatawang nagpunta ako sa mga sulok ng bahay.
"Ok wife!!! I count One to Three !!!"
Habang naghahanp ng matataguan ay napatingin ako sa pinaggalingan ko.
Ala! Nawawala na yata ako.
Sinubukan kong bumalik pero sa bawat pintong bubuksan ko ay may panibagong pinto...
Wala sa akin ang cellphone ko.
Bakit ko ba naisipang gawin to? Gusto ko lang namang maglaro muna bago niya ako laruin.
Hehehe...
"Gotcha!!! Found yahhh!!" Sigaw ni Draco at bigla ako niyakap.
"Hahaha mabuti naman, nawawala na ako dito. Malaki ang bahay, mabilis na maligaw."
"Still I found you.." sabi niya at binuhat ako papasok sa isnag kwarto at binagsak sa kama.
Napatawa ako sa ginawa niya at agad siyang pumaibabaw sa akin at hinalikan ako sa labi.
Tama siya...
'I lost myself and you found me'....
....
And now, we're here.
Magkasama at nabubuhay ng masaya kasama ang pamilya..
....
[A/N: end is real. Done na po ito. Hindi ko na magagawan ng special chapter pero masaya naman ako sa resulta.
Don't forget to vote, comment sa kwento ko. Ma-appreciate ko ang mga response niyo about sa kwento. Follow niyo ako.
Keep safe. Ngayong pandemiya ay dapat maging alerto tayo. Sundin ang mga protocol at huwag maging pasaway 😉
Salamat!!
At para kina Serenity at Draco, they're now signing off!
Ba-bye!!!
Adios!!! ]