Arranged Marriage

By Whoeverme

246K 4.5K 135

On going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is pe... More

Prologue
Chapter 1 |The Start|
Chapter 2 |Caramelized Banana|
Chapter 3 |The News|
Chapter 4 |Cookies|
Chapter 5 |Heart Attack|
Chapter 6 |Meeting|
Chapter 7 |Meet-Up|
Chapter 8 |Girlfriend|
Chapter 9 |Another Transferree?|
Chapter 10 |Awake|
Chapter 11 |Unexpected Guest|
Chapter 12 |Change of House|
Chapter 13 |Russell Monasterio|
Chapter 14 |Glowing Eyes|
Chapter 15 |Pusa|
Chapter 16 |The Bread|
Chapter 17 |Gunshot Wound|
Chapter 18 |Heartbeat|
Chapter 19 |Favour|
Chapter 20 |Lingering Question|
Chapter 21 |Act|
Chapter 22 |Bomb|
Chapter 23 |Hurt|
Chapter 24 |The Best-Friend|
Chapter 25 |Gang|
Chapter 26 |Gang pt. 2|
Chapter 27 |Soon|
Chapter 28 |The Encounter|
Chapter 29 |Picture Frame|
Chapter 30 |Head-Kiss|
Chapter 31 |Cedrick's Question|
Chapter 32 |The Organization|
Chapter 33 |A Shitty Day|
Chapter 34 |Please|
Chapter 36 |The Game|
Chapter 37 |The Talk|
Chapter 38 |Her Message|
Chapter 39 |Why though?|
Chapter 40 |Red|
Chapter 41 |Voices|
Chapter 42 |Choose|
Chapter 43 |Sniper|
Chapter 44 |The Cornelle's|
Marriage 45 |Drunk|
Marriage 46 |10 days|
Marriage 47 |That Car|
Marriage 48 |Ruzz&Mich|
Marriage 49 |Wedding day|
Marriage 50 |Wedding Gift|
Marriage 51 |Finale|
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter

Chapter 35 |Russell's|

3.1K 65 2
By Whoeverme

Monday morning...

|Russell's P.O.V|

8:00 at Rhee residence. All clear.

I stared at my phone as I re-read the text message that I got. I've been re-reading this message five times now. Galing ito sa isang unknown number but even so, I know who sent it. I sighed. Napapikit ako nang mariin as I put my phone on my desk and covered my face using both of my palms.

Heto nanaman tayo. Paniguradong may trabaho nanaman ako nito mamaya.

Napa-angat ang tingin ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita kong naglalakad papasok si Alexa at nang magtama ang tingin namin ay nginitian nya ako at binati ng goodmorning. Nginitian ko nalang din sya at tinanguan. Binati ko rin sya ng good morning at saktong pumasok sa loob ng room si Cedrick.

Sinundan ko ng tingin si Cedrick pero dire-diretso lang itong nagakad papunta sa upuan nya. Ito na yata ang unang beses na hindi nya ako tinapunan ng masamang tingin sa umaga. Mamamangha na ba ako?

Napa-tingin naman akong muli sa pinto dahil kung nandito na si Cedrick, paniguradong kasunod na nya si Jen. pero makalipas ang ilang minuto, wala pa ring Jennica na dumarating. Napatingin ako sa relo ko at nakita ko namang 15 minutes nalang ay maga-alas-syete na.

Napa-tingin akong muli kay Alexa.

This is odd. Dapat ay kasama nya rin si Sky. Ang alam ko ay sabay silang laging pumapasok. Kung hindi naman, naghihintayan sila sa baba tapos ay sabay silang pupunta rito sa room.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Jack. Kaswal itong naglakad at binati nya ng goodmorning si Alexa. Nginitian nya naman ako at binati rin nang ilapag nya ang bag nya sa upuan nyang katabi ko.

"Hindi mo kasabay ngayon si Zeyanna?" Hindi ko napigilan ang sarili kog itanong kay Jack.

In case of Jack and Zeya, hindi naman sila laging sabay pumasok. Madalas ay magkahiwalay silang pumapasok pero from time to time, nagsasabay sila.

Nagkibit-balikat lang naman sa'kin si Jack.

"Hindi. Mas nauna syang nagising eh." Natatawang sabi nito at naupo. Agad naman syang napatigil nang mapatingin sya sa tapat ng upuan nya na upuan ng girlfrien nya.

"Oh? Pero wala pa sya rito?" Taka agad na sabi nito at hindi ko alam kung bakit ako napa-buntong hininga.

Minsan talaga parang hindi boyfriend kung umasta itong Jack na ito.

"Magpaka-boyfriend ka nga, Hush." naiirita kong sabi sa kanya at nakasalubong ang kilay nya nang tignan ako.

"Huh?" Tanong nito na halata mong gulong-gulo nang dahil sa sinabi ko.

Hindi nila alam na matagal ko nang alam na hindi talaga totoong magkarelasyon itong si Hush at si Zeyanna. At hindi rin naman ako tanga para hindi makita kung paano umasta si Zeyanna sa paligid nito ni Jack. Kahit pa kunwari lang ang set-up nilang dalawa, halata naman sa mga kilos ni Zeya na may gusto sya sa Jack na ito. Ito namang isa, hindi ko maintindihan kung manhid ba o sadyang tanga lang. Minsan kung umasta, akala mo totoo na ring may gusto kay Zeya eh. Pero kadalasan parang gusto ko na lang syang sapukin.

"Boyfriend ka nya 'diba? Magpaka-boyfriend ka kay Zeyanna" Sabi ko sa kanya tapos ay tinapik ko ang balikat nya saka ako tumayo. May sasabihin pa sana si Jack pero nginitian ko lang sya at saka na ako naglakad palabas ng classroom habang bitbit ko ang cell phone ko.

Agad akong sinalubong ng sinag ng araw nang buksan ko ang pinto. Sumandal ako sa railing ng hallway at saka humarap sa labas. Agad kong tinipa ang cell phone ko at tinawagan ang number na alam kong may kinalaman sa trabaho ko mamaya. Makalipas ang ilang ring ay narinig ko ito na sinagot nya.

"Oh? Mamamatay ka na ba?" Bungad nya at bahagya akong natawa rito. Kahit kailan talaga ang taong ito.

"Hindi pa. Masyado akong gwapo para mamatay" sabi ko naman at ngingisi-ngising tumingin sa malayo kahit alam kong hindi nya makikita ang ngising nakapaskil sa muka ko.

"Ulul! Demonyo ka lang talaga kaya hindi ka mamatay-matay." Sabi nya kaya ay napatawa ako. Narinig ko naman ang pag-tss nya sa kabilang linya.

"Oh, eh kung hindi ka pa mamamatay, ano 'tong tawag mo? Trabaho?" Tanong nya at bahagyag napakunot ako ng noo. Kung magsalita kasi sya ay parang may laman ang bibig nya. Tumingin naman akong muli sa relo ko at nakita kong magse-seven na kaya napa-buntong-hininga nanaman ako at tumingin sa malayo.

Ngayon palang sya kakain ng agahan.

"Oo trabaho. Ano pa bang ibang importanteng itatawag ko?" Sabi ko naman. Biglang may dumaan na dalawang babae sa gilid ko at ngingiti-ngiti silang dumaan habang naka-harap sa'kin at nakatagilid na naglakad. Ngumiti ako sa kanila nang matipid at medyo iniyuko ko pa ang ulo ko. Agad naman silang nagmamadaling naglakad kaya ay bigla silang napatigil.

May mali ba akong nagawa? bakit ba pag nginingitian ko sila, lagi nalang silang nagmamadaling umalis? Ganon ba ako ka-gwapo?

"Malay 'ko ba kung mamamatay ka na. Oh, eh ano raw sabi?" Sabi at tanong nya naman. Nakarinig ako ng isang pagbuhay ng makina ng sasakyan kaya ay bigla akong napakunot ang noo.

Akala ko ba ay kumakain ang taong ito? Bakit biglang nasa kotse na sya? Tsk! hindi nanaman nito tinapos ang pagkain nya panigurado.

"8:00 at Rhee residence. All clear. 'Yan ang sabi." sabi ko na luminga pa sa paligid at hininaan ang boses ko. Halos nagkalat na kasi ang estudyante dahil maga-alas syete na rin.

"Ah. 'Ge. Wala akong pakialam sa nararamdaman nila." rinig kong muling sabi nya sa kabilang linya at napatigil ako nang marinig ko ito. Napakunot pa ang noo ko.

"Michelle, nababaliw ka na ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Narinig ko naman syang napabuntong-hininga.

"Listen Mr. Monasterio, labas sa trabaho ko ang mga Rhee. Ni hindi ko nga natanggap ang mensaheng iyan. Malamang dahil hindi ako involve. Hindi ako tanga para isali ang sarili ko sa larong hindi naman ako kasali. Ipapa-alala ko lang sayo dahil parang nalimutan mo na, ang trabaho ko lang ay si Voler at si Hush, at hanggang ngayon ay namomroblema pa rin ako dahil hindi ko alam kung paano sumulpot iyong bespren ni Hush. Ngayon, kung wala ka nang iba pang sasabihin, ibababa ko na 'to dahil nagda-drive ako. Mamatay pa ko, edi nagdiwang ka pa. Bye!" Mahaba at sunod-sunod na litanya nya na hindi manlang ako nakasingit sa kanya.

Hindi makapaniwalang napa-tingin ako sa cell phone. Ibinaba na nya bigla ang tawag at may sasabihin pa sana ako sa kanya. Grabe talaga ang babaeng 'yon. Walang hiya talaga kung walang hiya. Ni hindi manlang ako binigyan ng pagkakataong magsalita! bakit ba ganito ang mga babae?

Napa-tingin nalang ulit ako sa malayo at nagbuntong-hininga. Heto na naman ako at napapatanong na naman ako kung ano bang ginagawa ko sa buhay ko. Araw-araw nalang, kada gumigising ako sa umaga ay napapahinga nalang ako nang malalim dahil buhay pa ako. Gusto ko nang umalis at tumakas pero alam ko namang wala na akong matatakasan. Ito na ang buhay ko at kailangan ko itong gawin nang maayos.

I clucked my tongue and made my way inside the room. Kailangan ko nag maghanda dahil tumunog na ang first bell para sa morning assembly. Inilagay ko ang phone ko sa loob ng bag ko at nakita ko naman si zeya na nasa loob na pala ng room.

Oh? Hindi ko sya napansin kanina na pumasok.

Napakunot naman ang noo ko nang makita kong matamlay ang mukha nya. I scanned the room at nakita kong wala pa si Jen sa loob. Napansin ko naman na nakapatong ang ulo ni Sky sa balikat ni Alexa. Kung titignan mo nang mabuti, parang halos pareho ng awra si Sky at Alexa. May nangyayari kaya sa kanilang tatlo?

Napa-iling nalang ako dahil nagsimula nang magsilabasan ang mga classmates ko. Tumayo naman na si Zeya nang hawakan sya ni Jack. Sumunod nalang ako sa kanila sa pagbaba. Nang makakababa ako sa hagdan ay nakasalubong ko ang sophomore na kapatid ni Jen. Kung hindi ako nagkakamali ay Vince ang pangalan ng batang ito. Nakapasok sa dalwang bulsa ng pantalon nya ang dalawang kamay nya. Bahagya naman niyang iniyuko ang ulo nya nang magtama ang mata namin, para siguro ay magbigay galang. Tinanguan ko lang naman sya at nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Hindi ko lubos na kilala ang kapatid ni Jen. Kung tutuusin mo nga, halos hindi sila magkamukha. Parang sa unang tingin ay hiindi mo aakalaing magkapatid sila. Pero kung oobserbahan mo sila, halos parehong-pareho ang galaw nila.

Muli akong napatingin kay Vince nang makarating kami sa gym. Kinakausap nya ang isang babae na may mahaba at straight na buhok. May bangs din ito at ang una mong mapapansin mo sa kanya ay ang cheek bones nya. Kung hindi rin ako nagkakamali ay isa itong Cornelle. Sya ang nakaba-batang kapatid ni Sky, si Air Cornelle.

Kung mag-usap si Vince at Air ay para bang sila lang ang tao sa mundo. Palibhasa ay magkatapatan sila sa pila. At kung makapag-usap silang dalawa, akala mo ay mga normal na estudyante lang sila--lalo na si Air.

I've been trying to observe this girl for a long time. Pero kada gagawin ko 'yon ay nagkakaron ako ng bagong trabaho kaya naman ay hindi ko ito magawa. Matagal ko nang nararamdaman na may iba sa babaeng ito. Hindi sya basta-bastang tao sa mundo ng Mafia. Kung sino sya ay hindi ko pa alam.

Sa katititig ko sa kanilang dalawa, bigla silang parehong napatingin sa'kin. Tinignan lang nila ako pareho na para bang kinikilatis din nila ako, gaya ng ginawa kong pagkilatis sa kanila. Hindi ko sana tatanggalin ang tingin ko sa kanila pero biglang napa-atras ako nang dumating si Andrei sa harap ko kaya naman ay tumingin nalang ako sa harap.

Magsisimula naman na ang morning assembly nang biglang dumaan si Jen sa gilid ko at hindi ko alam kung bakit bigla kong hinawakan ang kamay nya kaya ay napatigil sya at napatingin sa'kin. I was about to ask kung saan sya nanggaling nang mapatigil ako dahil nakita kong namumugto ang mata nya.

Hala?! Umiyak ba sya?!

I was about to ask kung bakit ganon ang itsura nya nang hinawi nya ang kamay ko at nagpunta na sa pila nya dahil nagsimula nang magsalita ang nasa harap na magli-lead ng morning assembly.

Hindi matanggal ang tingin ko kay Jen. Bakit namumugto ang mga mata nya? At bakit parang kagagaling nya lang sa iyak? Namumula pa ang mga pisngi at ilong nito nang humarap sya sa'kin. May nangyari ba? Matamlay si Zeya na para bang namatayan sya. Ganon ang itsura ni Sky. May nangyari ba sa kanilang tatlo?

Wait...Hindi kaya..?

Imposible naman siguro 'yon? Pero, just in case...May nangyari kaya kahapon nang magpunta sila sa lungga nila?

Napa-iling nalang ako at nag-focus na sa morning assembly.

Nang matapos ang morning assembly ay nagsi-akyatan na ang mga estudyante. Sumunod narin naman ako pero hindi ako dumaan sa usual na hagdan ng mga seniors. Dumaan ako sa side ng mga sophomore student. Makakarating naman ako sa room namin kahit dito ako dumaan eh. Gusto ko lang makita ang room ng dalawang bata.

I am already at the last room in the floor of the sophomores at pinipigilan ko ang mga kilay ko na magsalubong. Sa lahat ng room na naraanan ko, hindi ko nakita ang batang Rhee at Cornelle.

Saan naman napunta ang dalawang 'yon?

Iiling-ilong nalang akong naglakad at nagmadali pabalik sa room namin dahil baka malate pa ako.

DISMISSAL

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong umalis ng school at nagdrive papuntang HQ. Naabutan ko roon ang ilang kasamahan kong naghahanda narin sa trabaho.

"Oh Russell! Kamusta?!" Bungad sa'kin ni Jix habang nililinisan ang baril nya. Hindi ko sya sinagot at hindi ko rin sya tinignan.

"Hoy sunget! Akala mo pogi ka?!" Sigaw naman ni Kres habang prenteng naka-upo sa sofa at nakapatong pa ang paa sa mesa. Tinignan ko sya at nginisian.

"Oh bakit? Nababading ka nanaman sa'kin?" Sabi ko at ngumisi nang malapad at tumawa naman sya.

"Lul gago! Mas pogi ako sa'yo! Kung may bading man dito, ayun oh! Si Dilan yon!" Sabi naman nya at binato ng papel ang nananahimik na si Dilan.

"Mga pakyu kayo! Tigilan nyo ko sa kagaganyan nyo! Mga insekyur!" Sigaw naman nito kaya tumawa kaming lahat! Pero natigilan din bigla nang pumasok si boss kaya napa-ayos kaming lahat.

"Hindi nyo na kailangan pang magdala ng maraming armas. Hindi naman kayo ang susugod. Ipauubaya ko ang pagkuha kay Jino." Sabi ni boss kaya ay tumango at sumang-ayon lang kami. Matapos non ay lumabas na sya.

"Tss. Bakit naman si Jino?" Biglang tanong ni Jix.

"Ulol ka ba? Malamang si Jino! Alam mo naman kung gaano kalakas ang hambog na 'yon eh!" Sabi naman ni Kres.

"Oo nga. Pero malakas nga sya, wala naman utak!" Singhal naman ni Jix.

"Hayaan nyo sya. Wala naman na tayong magagawa" sabi ko habang inaayos ang gun pocket ko. "At least hindi tayo ang mamamatay pag pumalpak sya." Pagpatuloy ko sa sinasabi ko at at tumaya kaya ay naki-tawa sa'kin ang mga ungas kong kasama.

"Tss, eh ano namang role natin doon?! Wala manlang bakbakang magaganap?!" Sabi bigla ni Dilan matapos tumawa at nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni Jix. Hindi lang si Jix, pati rin si Kres ay biglang napaseryoso at kasunod nito ay ang pagkasa nya ng baril. Naging intense tuloy ang tunog non.

"Pag nagkataon, hindi natin magagawa ang trabaho na'tin" sabi ni Jix sa seryosong boses kaya napatingin kami lahat sa kanya. "Pag nagkataon, magiging delikado tayo." sabi nya pa.

"Kailan ba tayo hindi naging delikado?" Sabi naman bigla ni Kres na ngingisi-ngisi at inilapag ang nakasang baril sa mesa.

"Hanggat nag-aaral yang ungas na Monasterio na 'yan, hindi tayo mapupuntirya. Tandaan mo yan." dagdag pa ni Dilan at napa-tingin ako sa malayo.

"Lul! Eh pano pag na-drop yang gunggong na yan dahil sa mga katarantaduhan nya?!" Biglang sabi ni Jix kaya napatingin ako bigla sa kanya.

"Ulol! Gago! Wag mo 'ko itulad sa'yo! Nag-aaral akong mabuti! Di tulad mo! Puro chix ang inaatupag!" Sabi ko at natawa bigla si Dilan at Kres.

"Jix tigilan mo na nga 'yan! Aminin mo nang sa'ting apat dito, si Monasterio ang pinaka-matalino! Pangalawa ka lang!" Sabi bigla ni Dilan at ngumisi naman si Jix.

"Iyon ay dahil hindi ako nagrereview kada may quiz o exam! Pero ano?! Mataas parin ang mga markang nakukuha ko!" Sabi pa ni Jix at nagtawanan naman kami lahat.

"Ugok ka! Eh iyang si Monasterio nga tinutulugan lang ang klase pero mataas ang score! Bwahahaha!" Sabi naman ni Kres.

"Eh bakit ba pag-aaral ko ang puntirya nyo?! Nag-aaral din naman kayo ah!" Sabi ko sa kanila saka umupo sa tabi ni Dilan pero hindi kami magkadikit.

"Gago ka! Alam mong sa pag-aaral mo nakasalalay ang buhay naming tatlo. Pag hindi ka na nag-aaral, ibig sabihin ay hindi narin kami humihinga" sabi ni Kres at natigilan ako bigla.

"Alam mong wala kaming pakialam kahit bumagsak ka sa mga subjects mo o kaya ay pasang-awa ang makuha mong grado. Wala rin kaming paki kung mag-repeat ka man ng 4th year at magrepeat nang magrepeat. Basta araw-araw kang pumapasok, buhay kami" seryosong usal ni Dilan at hindi na ako nag-salita.

"Isipin mo nalang na advantage mo 'yan Monasterio. Dahil hindi naman ikaw ang nagpapa-aral sa sarili mo. Hanggat pinapaaral ka ni boss, sagarin mo na! Nasa maayos kang eskwelahan kaya ayusin mo rin ang pag-aaral mo! Wag ka ngang tutulog-tulog! At lalong wag mo kong tuluran na puro Chix ang inaatupag!" Biglang sabi ni Jix pero hindi parin ako kumikibo.

"Hanggat nag-aaral ka at binabantayan ang prinsesa, walang problema" sabi ni Dilan at saka tumayo na at nag-ayos. Sumunod na ring nag-ayos 'yung dalawa kaya nag-ayos narin ako at lumabas na ng kwarto namin.

Heto nanaman tayo. Lagi nalang silang ganito pag kung mag-usap. Lagi nalang kada nagpupunta ako rito ay pinapa-alala sa'kin ng trabaho ko kung gaano kadelikado ang buhay ko—buhay naming apat. At sa ayaw ko man o sa hindi, sa'kin talaga nakasalalay ang buhay naming apat. Sa totoo lang, hindi nakakatuwa. Kada gising ko sa umaga, kada mulat ko ng mata, hindi ko alam kung magpapasalanat ba akong nagising pa ako o hihilingin nalang na sana ay last na mulat ko na iyon. Kada maiisip ko ang sitwasyon namin, at kada mai-isip ko na isang maling galaw ko lang ay damay sila, parang gusto ko nalang maglaho na parang bula. Kaso, wala na eh. Nandito na kami. Wala nang atrasan dahil pag umatras pa kami, damay-damay na sa pagkamatay. At hindi ko hahayaang mamatay sila nang dahil saakin.

Ang totoo, mayaman kami. Hindi naman kami makakapasok dito kung mahirap kami at isang kahig, isang tuka lang. Ang kaso, may aksidenteng nangyari na kinawala lahat ng ari-arian namin. Lahat-lahat! Nawala lahat! At dahil doon kaya ganito ang sitwasyon namin ngayon.

Lamabas na kami sa HQ at sumakay na sa kanya-kanyang kotse pero nagsisi ako na kotse ang ginamit ko. Dapat kasi ay nag-motor nalang ako. Masyadong malaki ang kotse para itago. Though, ang advantage ko lang dito ay bulletproof 'tong kotseng gamit ko kaya mabubuhay ako kung sakaling may barilang magaganap mamaya.

Maya-maya pa'y nakarating na kami sa kanya-kanya naming pwesto. Wala kami sa mismong dating bahay nila Jen, malayo kami roon dahil isasara namin ang main road na ito papunta roon sa subdivision nila.

Pumwesto na ko sa pwesto kong nakalaan sakin at tumingin kay Jix na nag-aayos pa ng buhok habang nag-lalakad. Nagse-senyasan silang dalawa ni Kres dahil sila ang mag-partner ngayon. Dapat naman ay si Dilan ang kasama ko, kaso ay may hiwalay kaming trabaho kaya tig solo flight kami.

Ang totoo, hindi ko alam kung bakit bumalik kami rito. Alam kong aware si master na hindi na rito umuuwi ang magkapatid na Rhee dahil naireport ko naman na sa kanya 'yon. Hindi ko alam kung anong balak nya, kung ako kasi ang tatanungin ay nagsasayang lang kami ng oras dito dahil malaki ang posibilidad na hindi na pumunta dito ang magkapatid na Rhee. At isa pa, magkasabay na umuuwi si Jen at Cedrick kaya imposible ang pinaplano ngayon ni master.

Tumingin ako sa relos ko at maga-alas sais na ng gabi. Napa-kapit naman ako bigla sa manibela ng kotse ko at nagpa-linga linga sa paligid. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon. Kahit alam kong hindi sya mapapadpad dito, may kung ano sa loob ko na nagsasabing makikita ko sya rito ngayong gabi.

At hindi nga ako nagka-mali. Makalipas ang isang oras, nagulat ako nang may babaeng nag-lakad sa gilid ng kotseng kinalalagyan ko. Tinted itong sasakyan ko kaya malakas ang kutob kong hindi nya ako makikita rito. Isa pa, hindi naman nya alam na kotse ko 'to.

Naglakad lang sya nang nag-lakad at sinundan ko lang sya ng tingin. But God knows how much I tried not to follow her. Grabeng tiniis kong hindi sya sundan kahit alam kong maaring manganib ang buhay nya.

Kinuha ko ang cell phone ko nang makita kong umilaw 'yon. Nag-text si Jix kaya binuksan ko ang message nya

"Hoy gago! Akala ko ba hindi mapapadpad ang prinsesa rito?! Anong ginagawa nyan dito?!"

Yan ang naka-lagay sa message kaya tinanaw kong muli si Jen pero hindi ko na sya nakita pa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumaba na ako sa kotse ko. Nakita kong lumabas narin si Dilan sa kinalalagyan nya at agad na nilapitan ako.

"Wag kang gagawa ng kagaguhan Monasterio" mariing sabi nya sa'kin at natigilan ako. Napa-kuyom ko ang kamao ko at napa-tingin nalang sa kaninang nilakaran ni Jen.

Hayup na Cedrick 'yon! Nasaan ba 'yon at bakit mag-isa rito ngayon 'tong Jen na 'to?! Anak naman ng king ina! Pag nanganib ang buhay ng Jennica na yan, baka matodas narin kami!

"Mga gago! Hindi porket sinabi ko kaninang pag hindi na nag-aaral 'tong hinayupak na Monasterio na 'to ay hindi narin tayo humihinga eh hahayaan na na'tin ang babaeng 'yon na manganib! Mga tarantadong 'to, mas mamamatay tayo pag namatay 'yon!" Inis na singhal na bulong naman bigla ni Kres at nagulat pa akong napa-tingin sa kanila.

"Aba'y—hoy Kres! Gusto mong maka-date si kamatayan ngayon na?! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kinakabahan ngayon?! Lintek naman oh! Ipagduldulan mo pa 'yan at sasabog 'yang nguso mo!" Inis naman na sighal ni Dilan sa kanya.

Hindi nag-salita si Kres at napa-tingin ako bigla nang makita kong hinihigit na ni Jino si Jen papunta sa eskinita kung saan namin sya kukunin. Mabilis pa naman sa alas kwatrong kinuha ko ang baril ko at susunod na sana nang bigla akong hablutin ni Dilan at Jix at idiin sa kotse ko.

"T*ngn@ ka Monasterio! Sinabi ko nang wag kang gagawa ng ka-gaguhan eh!" Inis na sighal ni Dilan sakin habang mahigpit ang pagkahawak sa braso ko. Madiin naman ang hawak sa'kin ni Jix sa dibdib kaya inis akong tumingin sa kanila.

"Kagaguhan?! Tarantado! Si Jen na 'yon! At nasa kamay na sya ni Jino! Inaasahan mo bang tatayo lang ako at manonood?!" Inis na singhal ko sa kanila at kakawala na sana pero nakidagdag na si Kres sa kanila kaya mas nahirapan akong makawala.

"Oo! Russell Monasterio! Oo! Pucha! Manonood muna tayo dahil hindi ko hahayaang sugurin mo sila!" Inis na sabi naman ulit sakin ni Dilan.

"Ano ba—!"

"Pwede ba Monasterio! Makinig ka sa'min dahil hindi pa kami handang mamatay! Pag sumugod ka dyan, isang daang porsyento ang posibilidad na mamatay ka ora mismo at tangna mo dahil hindi namin hahayaang mamatay kang pakyu ka! Pag ikaw pinatay nila dyan, papatayin ko sila nang higit pa sa isang daang beses pero alam kong mauuna nila kong mapatay sa paraang higit pa sa alam ko! At hindi pa tapos ang misyon ko sa mundong 'to kaya ayaw ko pang mamatay! Kaya iyang tarantadong pag-iisip mo ng ka-gaguhan ay tigil-tigilan mo! Kung ayaw mong ako mismo ang pumatay sayo!" Mahabang sabi ni Jix at napatulala ako sa kanya. Ramdam ko ang galit at pag-aalala nya pero hindi ko yon inintindi. Pero kahit ganun, hindi na ako nagpasaway pa.

Sa ganitong pagkatataon ay nagagalit ako sa katunayan na ako ang bunso sa'ming apat! Dahil kasi rito, hindi ko sila kayang sawayin dahil alam kong tama sila. Mas matagal na sila sa larangang ito kumpara sa'kin at naiintindihan kong mas marami silang alam at karanasan kumpara sa'kin. Dahil don, hind ako pwedeng gumawa ng kahit ano mang katangahan!

Nanginginig ang buong pagkatao ko habang nakatingin sa bukana ng eskinita. Naririnig kong nagpa-plano sa gilid ko si Dilan at Kres sa kung ano ang dapat na gawin. Sa kabilang gilid ko naman ay si Jix na hawak-hawak ang dulo ng damit ko na para bang handang-handa syang hilahin ako agad at itali sa segundong gumawa ako ng maling kilos.

Bakit ba kasi nandito ang babaeng 'yan?! Hindi ba't sabay sila laging umuuwi ng Cedrick na 'yon?! Bakit sa lahat ng pagkakataong pwede syang mapadpada dito nang mag-isa ay ngayon pa?!!

Halos malagutan naman ako bigla ng hininga nang nakita kong naglalakad na paalis si Jen. Nag-katinginan kaming apat at dali-daling napatakbo sa eskinitang pinanggalingan nila Jino kanina. Naabutan naman namin syang naka-handusay sa sahig habang hawak-hawak ang ari nya at halos napapa-iyak pa. Hindi pa kami nakakabawi sa gulat nang halos mapaiktad ako dahil bigla nalang syang hablutin ng dalawang lalaking kasamahan sa organisasyong ito. Agad naman kaming napa-tayo nang maayos dahil dumaan sa gilid namin si master. Halata sa mukha nyang hindi sya natutuwa ngayon. Sobrang hindi sya natutuwa.

"Jino, sweetie, you failed me." Malumanay na sabi ni master pero napalunok ako. Matinis ang boses nya at malumanay pero halata mong matalas ang bawat pagbigkas nya rito. Hindi ko naman madalas marinig ang boses ni master dahil hindi ko naman sya laging nakaka-usap. Pero ngayon, halatang-halata mo sa awra nya ang galit at hindi talaga sya natutuwa.

"M-master" usal ni Jino at ginawa ang lahat maka-luhod lang kay master. "Please m-master! P-please, i-isa pa pong p-pagkakataon" dagdag pa nito at mababakasan mo ang takot at kaba sa boses nya.

Suddenly, I heard a click sound at napa-tingin ako sa mga kasamahan ko pero parang wala silang narinig. Pare-pareho kasi kaming nasa likod ni master at medyo malapit ako sa bukana ng eskinita kaya siguro ay ako lang ang naka-rinig. Pasimple akong tumingin sa likuran namin pero wala naman akong nakita o naaninag manlang. Pinagkibit-balikat ko nalamang dahil baka wala talaga.

"I don't give second chances Jino" sabi bigla ni master na nakapagpa-balik ng tingin ko sa kanya. Tumingin si master sa dalawa nyang malaking bodyguard—kung inyong tatawagin at parang may isinenyas.

"Delete him" usal ni master at dinaklot agad nung dalawa si Jino na parang nagpupulot lang sila ng basura, at ang basura ay si Jino.

"P-pero Master! Master! M-may pinapasabi h-ho a-a-ang p-prinsesa!!" Takot na takot muling usal ni Jino. Napatingin naman sa kanya si master.

Parang awtomatiko naman na napa-kunot ang noo ko. May Pinapasabi ang prinsesa? Sa nagawa nyang ito, nagawa pa nyang mag-iwan ng mensahe? Ano bang iniisip nya?!

"Message?" Tanong ni master at hindi ko alam ang reaksyon nya nang banggitin nya 'yon pero nakita ko kung panong nag-iba ang reaksyon ni Jino. "Okay, let's hear it" sabing muli ni master.

"A-ang sabi p-po ng p-prinsesa ay s-sa s-s-susunod n-na---"

"Oh sweetie, what? Ayusin mo ang pagsasalita mo or I'll break your neck with my bare hands" sabi ni master na pinutol ang utal-utal na pananalita ni Jino. Nakita ko naman ang maka-ilang beses na lunok ni Jino bago sya tuluyang mag-salita.

"A-ang sabi ho ng p-prinsesa ay, ipaalam ko raw p-po sa inyo n-na, s-sa susunod daw po na...na a-aatakihin n-natin sya, hu-humanap daw ho ng t-tamang araw. Y-yung araw n-na m-masaya sya a-at hindi raw bad...bad-trip. D-dahil iyon d-daw p-po ang araw na...araw na h-handa na syang m-mamatay" utal-utal paring sabi ni Jino at parang natigilan ako sa mga sinabi nya.

Pakiramdam ko ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay wala na kong ibang marinig kundi iyon pero pilit na nagpaulit-ulit sa tenga ko yung mga huling sinabi ni Jino...

"araw na h-handa na syang m-mamatay"

"araw na h-handa na syang m-mamatay"

"araw na h-handa na syang m-mamatay"

Tama ba ang narinig ko?! Kung talagang pinapasabi nya 'yan eh tanga sya! Pucha! Nag-iisip ba talaga ang Jennica na 'yon?! Ano bang pumasok sa kokote ng babaeng 'yon at nagpadala sya ng mensaheng ganyan?! Akala ba nya simpleng bagay 'tong mga nangyayari sa kanya?! Akala ba nya laro-laro lang to?! Akala ba nya hindi importante ang bagay na 'to kaya kung makapag-bitiw sya ng salita ay ganon-ganon nalang?! Ha! Bwiset! Sya na talaga ang pinaka-tangang prinsesang nakilala ko!

At talagang nagbigay sya ng takdang panahon! At kelan naman ang araw na masaya sya at hindi bad-trip?! Gunggong na ba sya?! Baka gusto nya pang mamatay sa harap ng fiance nya habang nagsasabihan sila ng mga nakakakilig na salita sa isa't isa! Tangina! Sa lahat ng paghihirap namin ngayon at sa lahat ng paglagay namin ng buhay sa bingit ay ganito ang makukuha ko mula sa kanila?! Eh kung ako nalang kay ang papatay sa kanilang dalawa?! Lintek! Edi tapos ang problema!

Hindi ko napigilan ang naglilisik na bagang ko kaya nai-yukom ko nalang ang dalawang kamao ko. Lintek! Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung paano ako papakali! Lintek na prinsesa talaga oo!!

Sa gitna ng pagpapakalma ko sa sarili ko ay halos mabato nanaman ako sa pwesto ko nang makarinig akong muli sa gilid ko ng tunog. This time, salubong na talaga ang kilay ko dahil hindi na ako mapakali, may kung ano o kung sino pa ang umeepal!

"Hmm, interesting" biglang usal ni master kaya muling natuon sa kanila ang atensyon ko. Tumingin naman si master sa dalawang bodyguards nya na kasalukuyang hawak si Jino. Muli nya itong sinenyasan at nakita ko nanaman ang takot sa hitsura ni Jino.

"Delete him. Wala na syang pakinabang" muling usal ni master at tumalikod kaya nagtama bigla ang paningin namin. Yumuko ako bilang respeto pero hindi na nya ako pinansin at nagtuloy-tuloy nalang sa lakad.

Nilingon ko pa si Jino na sinisigaw ang 'master' at nagmamakaawa parin pero napapikit nalang ako at napatingin sa gilid ko nang makita kong inikot ng isa ang ulo nya. Narinig ko pa ang tunog ng nabali nyang buto.

Agad kong naramdamang may humawak sa balikat ko at may humila sa kamay ko kaya naman ay napahakbang ako at napamulat ko ang mata ko. Nakita ko naman si Jix na hila-hila ako sa kamay. Walang nagsasalita sa kanilang tatlo at hindi ko alam kung ano ang iniisip nila kaya naman ay itinikom ko nalang din ang bibig ko.

Binitiwan na ni Jix ang kamay ko nang matapat na kami sa kotse ko kaya naman ay tumigil na ako sa paglakas. Silang tatlo naman ay nagpatuloy lang hanggang sa makarating sila sa kani-kanilang sasakyan. Nakita kong sumakay na sila sa kanya-kanya nilang dalang kotse at pumahurot ng alis. Pumasok na rin ako sa kotse ko at muling napa-buntong hininga. I started the engine at aalis na sana nang bigla akong nakakita ng anino mula sa 'di kalayuan kaya naman ay dali-dalikong in-off muli ang sasakyan ko. Agad akong napababa sa at mabilis na sinundan ang anino.

Napa-ngisi ako nang makita ko ang kabuuan nya. Tahimik ko naman syang sinundan at maya-maya pa'y natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na parte ng hindi ko alam na lugar. Bigla syang huminto at parang tinignan ang paligid nya kaya huminto rin ako. Nakatago ako sa likod ng isang kariton at isang dipa ang layo ko sa kanya kaya alam kong hindi nya ako napapansin.

Naka-silip ako sa kanya at napatago ko agad ang ulo ko nang makita ko syang humarap sa direksyon ko.

"Your boss has something to say" narinig kong sabi nya at kumunot bigla ang noo ko.

Teka, sinong kausap nya? Parang wala naman syang kasama ah? Wait? Ako ba?

"Kuya Russell" halos mapa-upo ako sa lapag nang dahil sa gulat nang banggitin nya ang pangalan 'ko!

Kilala nya 'ko?!

Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko syang naglakad palapit sa'kin. I looked around at gusto ko sanang maginhawaan dahil kaming dalawa lang ang nandito, pero parang mas nakaka-kaba na kaming dalawa lang ang nandito!

"Sino ka ba talaga, Air Cornelle?" I asked her at nakita ko ang matipid na ngiti nya

"My mom wants to say that she needs you to look out for ate Jen and kuya Cedie for 24/7" sabi nito and I groan.

24/7?! Sht!

"I hope your mom knows that I have exams to take care of." Napapagod na sabi ko sa kanya at nakita ko syang tumango-tango.

"Ah oonga pala." sabi nito na inayos pa ang bangs nya kaya ay kumunot ang noo ko. Inilagay nya ang kamay nya sa bulsa ng jacket nya at pagtanggal nya nito ay may hawak na syang dalawang susi

"Pinapasabi rin ni mom na lumipat na raw kayo ng condo. Uhmm, sa iisang condo kayo nila kuya Kres, Kuya Dilan, at Kuya Jix. 'Yung isa naman ay kay ate Michelle" sabi nito at taka pa rin akong nakatingin sa kanya.

Hindi lang ako ang kilala nya pero kilala nya rin ang iba? She knows us?!

"Oi, Cornelle. I will ask you again. Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa mababang boses habang seryoso akong nakatingin sa kanya.

"I'm just a messenger." Sabi nito at medyo napapikit ako nang biglang may liwanag na papalapit sa'min. It was a car.

Naglakad palapit sa'kin si Air at kinuha ang kamay ko. Ipinatong nya ang dalawang susi sa kamay ko at saktong bumukas ang pinto ng kotse.

"Send my regards to kuya Kres. Pakisabi 'di na nya ako kailangang bantayan." Sabi nito at bago pa man ako makapag-react ay nakapasok na sya sa kotse at humarurot na ito.

I stared at the back of the car. Wala itong plate number.

Air Cornelle. Ano ba talaga ang role mo sa kaguluhang ito?

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

287K 6.1K 57
[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
104K 4.3K 72
Maldita Series #1 Naging mahirap sa buhay si Trishianna Jelly May Gonzaga. Naging ulila siya sa pagkawala ng kanyang pamilya at para makaahon sa buha...
493K 12.8K 58
[BTS FANFIC] Date Started: February 26, 2015 Date Ended: February 5, 2016 Copyright by: @Lluviann & @BTS_JK01 Book Cover by: @ScarletJelly