Zai
" Sugarcake gising na.."
" Gising kana.."
" Zai.."
" Ayaw mo ha?" Naramdaman ko naman na pinudpod niya ako nang halik sa mukha.
" Ava..." Saway ko sa kaniya.
I'm so tired ayoko pang bumangon gusto ko lang matulog.
" Kailangan na nating umuwi.." napadilat ako ng isang mata at bumungad sa akin si ava na balot ng kumot at tinatakpan ang hubad niyang katawan.
" Mamaya na tayo umuwi..." Mas lalo niya kasi akong pinagod kagabi eh. Pagod na nga ako sa trabaho tapos akala ko kagabi masahe lang iyon pala may balak siyang laspagin ang katawan ko.
" May lakad ako mamaya eh..kaya halika na uwi na tayo.." tumalikod ako sa kaniya.
" Umuwi kana iwan mo na ako dito.." antok na sabi ko.
" Eeehhh, Zai naman eh!" Panay naman ang alog niya sa akin.
Arggggghh Ava naman Hindi ba ako pwedeng magpahinga na lang dito!?
" Okay, okay but before tayong umuwi magbihis ka muna.." I tease her.
Tumihaya ako at pinagmasdan ang puitng kisame. Napalingon naman ako sa kaniya nang tumayo siya at nakita ko ang hubad niyang katawan, god! Hindi nakakasawang tingnan.
" Sabay tayong maligo?" Inaakit na naman niya ako.
" Hindi na baka matagalan pa tayo.." umupo ako sa kama at kinuha ang boxer shorts ko at sinuot ito ganun din ang puting polo ko.
" Iiwan kong bukas ang pinto ng banyo..baka magbago ang isip mo.." ngumiti at umiling na Lang ako sa kaniya.
" Go ahead na.." napasimangot naman siya at pumasok na sa banyo.
Hindi pa ba siya nagsawa hahaha, nakailang rounds nga siya kagabi eh.
* Phone ringing!*
Kinuha ko ang phone ko sa Left side drawer ko at sinagot ang tawag.
" Hello?"
" Pre! "
" Oh?" Si Jay lang pala.
" May ibabalita ako sayo.."
"Ano iyon?" Tanong ko at umupo na ulit sa kama.
" Remember Franco?" Napakunot noo naman ako. Teka? Franco? Ah! Si Franco? Iyong kababata namin ni Jay na nagmigrate sa states.
" Oh anong tungkol kay Franco?"
" Nakilala ko ang sister ni Franco kahapon and she so hot pre.."
May kapatid si Franco? Only child iyong lalaking iyon ah?
" Diba only child lang si Franco? How come na may kapatid siyang babae?"
" Ano kaba naman syempre naganak ulit ang mga magulang ni Franco kaya may kapatid na siya.. ikaw talaga pre."
" Sorry naman...nga pala so nandito sa pinas iyong kapatid ni Franco? Eh si Franco nandito na din ba?" Namiss ko tuloy ang isang iyon.
" Ayun nga ang ibabalita ko pa sayo pre sabi sa akin ni Francesca patay na si Franco.." ano patay na?
Natigilan ako.
" Pre... nandiyan kapa?"
" I'm here.."
" Gusto sanang may ibibigay daw sayo si Francesca kaya din ako napatawag sayo galing daw kay Franco.."
" Okay text mo na Lang kung saan tayo magkikita ha?"
" Sige pre.." binaba na niya ang tawag.
Hindi ako makapaniwala na Wala na si Franco ni hindi ko man lang siya nakausap, isa siya sa matalik kong kaibigan mabait at matulong ang lalaking iyon, masayahin din. Ang bata pa niya bakit kinuha agad siya?
Huminga ako nang malalim.
Hindi mo talaga alam Kung kailan ka kukunin nang panginoon kaya dapat ngayon palang sulitin mo na ang bawat segundo sa mga taong mahalaga sayo.
Tumayo ako at lumabas nang kwarto at bumaba sa sala, naabutan ko sa sala na nakaupo.
" Oh? Ang aga mo namang magising? Akala ko tatanghaliin ka kasi pagod ka kagabi..." Sabi ni mama ng mapansin niya akong bumaba sa hagdan.
" Si Ava ho.." ngumiti na Lang si mama sa akin.
" Nagugutom kana ba?" Umiling ako.
" Ma natatandaan mo pa ba si Franco?" Tanong ko.
" Oo naman bakit mo naitanong? Umuwi na ba siya dito?" Umiling ako at napayuko.
" Wala na siya ma.." natigilan si mama.
" Anong nangyari?" Tanong niya.
" Si Jay ang nagsabi sa akin, Sabi niya nagkita daw sila ng kapatid ni Franco at doon nga niya nalaman na wala na ito..." Nalulungkot talaga ako sa nangyari sa kaniya.
Naramdaman ko naman ang paghaplos ni mama sa likod ko.
" Napakabait pa naman ng batang iyon, naalala ko pa nung mga bata Kayo hindi kayo mapaghiwalay na dalawa.." Tama si mama sobrang lapit namin sa isat isa noon.
" Mamaya nga po magkikita kami ni Jay at kasama na doon ang kapatid ni Franco.."
" Oh siya maghahanda na ako nang breakfast natin.." tumango ako pagkatayo ni mama.
Bumalik ulit ako sa taas nang kwarto at hinintay na matapos si Ava.
" Your turn.." tumaas ang tingin ko kay Ava na kalalabas lang nang banyo.
" Ahm, Ava mamaya may pupuntahan ako kasama si Jay.." naglakad siya palapit sa akin.
" Bakit kayo magkikita?" Tanong niya.
" Dumating kasi iyong kapatid nang kaibigan kong namatay may gusto daw itong ibigay sa akin.." napataas ang kilay niya.
" Babae ba iyan oh lalaki?"
" Ba-babae.." utal na sabi ko.
" kapag natapos kana agad diyan uwi na agad okay?" Ayaw niya kasing nagtatagal ako sa isang lugar na may kasamang babae.
" Yes ma'am.."
Pagkatapos ko nang magpaalam ay kaniya kaniya na kaming nagtungo sa mga dapat naming puntahan. Alas onse na nang tanghali nang magtext sa akin si Jay kung saan kami magkikita ang sabi niya sa isang coffee shop daw ang meeting place namin.
Ilang minuto din akong nagdrive hangang sa makarating na ako sa destinasyon ko.
Pumasok ako sa loob nang coffee shop at hinagilap si Jay inilibot ko sa paligid ang paningin ko at hayon nga nakita ko na siya, I mean sila may kasama siyang babae. Nasa may bandang dulo sila nang coffee shop, nagsalubong namin kami nang tingin ni Jay kaya agad na akong naglakad patungo sa direksyon nila.
" Pre! Late ka.." salubong sa akin ni Jay.
" Sorry.." nabaling naman ang tingin ko sa likod nang babaeng kasama ni Jay.
Unti unti itong humarap sa akin at bumungad sa akin ay isang napakagandang babae.
" Pre si Francesca, Francesca meet Zai..." Tumayo ito at nagsalubong ang mga tigtig niya sa akin.
" Hi... " Natulala naman ako sa ganda nang boses niya. Napakahinhin.
" Pre nakikipagkamay iyong tao.." bulong sa akin ni Jay.
" Ay! Ahm, nice to meet you.." napangiwi naman ako. Nakakahiya tuloy.
Pinagmasdan ko ulit ang kapatid ni Franco, may pagkakahawig silang dalawa nang kapatid niya may matangos na ilong at mapupungay na mga mata. Parang kambal silang dalawa ni Franco.
" Upo kana pre pagusapan natin si Franco.." naupo na kaming lahat.
Ilang oras naming pinagusapan ang pagkamatay ni Franco ang sabi ni Francesca ang kinamatay daw ni Franco ay car accident, na hit and run ito tapos wala pang agad na nakatulong dito kaya madali itong namatay.
" Na pakulong niyo na ba ang taong nakasagasa kay Franco?" Tanong ni Jay.
" Hindi pa...malaya pa din ang lalaking pumatay sa kapatid ko.." Sagot ni Francesca.
" Sina Tita at Tito? Kailan sila uuwi dito?" Tanong ko.
" I- I don't know Kung kailan.." utal na sagot niya.
Baka busy lang sila tita kaya Hindi pa sila makakauwi dito sa pinas.
" Sinong mga kasama mo ngayon dito sa pilipinas Kung wala sila tita?" Tanong ni Jay.
" Magisa akong pumunta dito just to give you this.." baling sa akin ni Francesca.
May ibinigay siya sa akin na sobre, mukhang sulat ito.
" He wanted you to have this letter, my brother wants to talk to but he didn't make it kaya ako na Lang ang magbibigay sayo.." pinagmasdan ko ito.
" Saan ka nga pala tumutuloy ngayon?" Marami talagang tanong itong lalaki nato.
" I'm staying at a hotel malapit lang dito.."
Ano kayang mahalagang sasabihin sa akin ni Franco dito sa sulat?
" Sa bahay mo na lang basahin iyan pre.." tumango na lang ako.
" So how are you?" Nabigla naman ako sa tanong ni Francesca.
" I-im fine .." bakit ba ako naiilang sa kaniya?
" Hindi sa amin nabanggit ni Franco na may kapatid pala siyang babae? " Tiningnan ko naman ang dalaga at parang natetense ito sa tanong ni Jay.
" Ah-ahm, ewan ko ba doon kay kuya hehe...ayaw niya ata akong ipakilala sa lahat eh haha.." bakit parang pamilyar siya sa akin, na parang matagal na kaming magkakilala.
" Sa ganda mong iyan? Ha! Loko talaga iyon.." napailing na wika ni Jay.
" So guys ahm, I'm staying here for a month would you guys wanna hang out with me and also tour me na din dito sa Philippines.." ngiting wika ni Francesca.
" Sure! Why not? Free ako..sasamahan kita at itutour all over the Philippines mageenjoy ka.." Galawan nitong ni Jay. Halang kursonada itong kapatid ni Franco, napailing na lang ako.
" How about you Zai?" Napatingin silang dalawa sa akin.
Nakita ko naman si Jay sinenyasan niya akong huwag sumama, may balak talaga itong mokong nato.
" Ahm, sorry hindi ako pwede.." tanggi ko na ikinalungkot naman ng mukhang ni Francesca.
" Why?" Tanong nito.
" Francesca bawal kasi itong pare ko eh.." sabat ni Jay.
" Why is that?" Usisa nito.
" Magagalit Kasi ang girlfriend niya.." nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Francesca.
" Y-you have a girlfriend?" Utal nitong wika.
Tumango lang ako sa kaniya.
" Pasensya na ha? Sure naman akong maalagaan ka nitong kaibigan kong si Jay kaya siya na Lang ang sasama sayo.." wika ko.
" That so sad...gusto pa naman kitang kasama."
" Ano iyon?"
" Ahm! Nothing so its settled then? just me and him.." baling nito kay Jay.
" Mageenjoy kang kasama ako Frances.." Ngiting tagumpay naman itong si Jay.
" Sige ahm, aalis na ako.." tatayo na sana ako nang hawakan ni Francesca ang kamay ko.
" Aalis kana agad?" Tumango ako.
" Under kasi iyan nang girlfriend niya Frances hahaha.." napailing na Lang ako sa kalokohan ni Jay.
" Ahm, can I have your number?"
" Ah, sige ito oh.." kuha ko sa wallet ko nang calling card ko.
" Thanks.." pasasalamat niya.
" Sige I have to go.." wika ko sa kanila.
Paguwi ko sa condo ko ay wala pa si Ava kaya napagisipan ko na magpahinga na muna, ay! Wait iyong sulat nga pala.
Agad Kong kinuha ang sulat na ibinigay sa akin nang kapatid ni Franco at binuksan ito.
Dear Zaira,
Kamusta na pre? Matagal na tayong Hindi nagkakausap ah? Siya nga pala may gusto akong sabihin sayo matagal na, kaso Lang napaghinaan ako nang loob para sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko I've been in love with for so long, sorry kasi hindi ko napigilan eh. Sa tuwing kasama kita masaya ako, pasensya na ha? Kung itong pare mo ay nagkagusto sayo gayong alam kong barako ka nga pala at di ka napatol sa kapwa mo barako. Hindi ko masabi sayo nang harapan kasi nahihiya ako kaya dinaan ko na lang sa sulat na ito, nang lumipad ako pa amerika sobra akong nalungkot kasi hindi na kita makikita pero kailangan eh nagkaproblema sa family ko. Sana mabasa mo ito oh magkita man lang tayo....
Franco
Hindi ko na mapigilan pa na Hindi maiyak sa nabasa ko.
Nagkagusto sa akin ang mokong na iyon? Hahaha.
Tiniklop ko ang sulat at humingan nang malalim, Pre okay lang sa akin na nagkagusto ka sa akin kahit na alam nating lalaki din ang puso ko. Isa ka sa mga pinakamahalagang kaibigan sa akin dahil tinanggap mo ako at minahal nagpapasalamat ako don. Hindi man lang tayo nagkausap bago ka pumanaw, nakakainis ka naman dapat harapan kang nagsabi sa akin para naman maasar kitang kupal ka.
Pinunas ko ang aking mga luha.
-------------
Days had past at naging maayos na ang lahat, sa pagsasama namin ni Ava at ang pagpapatakbo ko nang company namin so far so good hands on na ako sa lahat ng company namin ang kaso nga lang paminsan ay nagiging busy na ako at hindi na nakakapaglaan nang time para kay Ava pero sabi naman ni Ava naiintidahan niya ang lahat. I'm very lucky na understanding siyang girlfriend iyon nga lang madalas magselos sa mga taong nakakasalamuha ko pero in the meantime naaayos ko din naman.
" Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas .." napatingin ako sa kakapasok palang na sekretarya ko.
" Who is it?" Tanong ko.
" Francesca daw po.." bakit siya nandirito sa company.
" Sige papasukin mo.." lumabas na ito at ako naman ay inaayos ang mga papeles sa desk ko.
" Hi.." baling ko sa bukana nang pinto ng office ko.
" Francesca what brought you here?" Tumayo ako.
" Ahm, Can I invite you for lunch?" Ngumiti siya sa akin na animo nangungumbinsi.
Dinner lang naman why not? Gusto ko din namang makilala ang kapatid ni Franco.
" Sige ahm, wait lang ha may aayusin lang ako.. take a sit." Umupo siya at ako naman ay lumabas nang office ko.
Pumunta ako sa desk nang sekretarya ko.
" May meeting ba ako mamaya?" Tiningnan niya ang schedule ko.
" Wala po ma'am.." tumango ako.
" Kakain ako sa labas.." tumingin ako sa relo ko.
" Ikaw din maglaunch kana din.." tumango ito at umalis na ako sa desk niya.
Pagkapasok ko ay tiningnan ko agad si Francesca.
" Let's go?" Tumayo ito at ngumiti sa akin.
Nang makarating kami sa restaurant na kakainan namin ay nakapagkwentuhan kaming dalawa tungkol kay Franco sa kung anong ginagawa nito sa states anong binagkakaabalahan? Lahat ng tungkol kay Franco.
" Sobrang bait nang kuya mo..." Wika ko.
" Yeah, he's so kind.." wika niya.
Masarap palang kakwentuhan itong kapatid ni Franco, iyong lokong iyon may lihim pa lang tinatago sa akin. Nakakatampo talaga siya.
" Is there any chance na maging kayo kung nagconfess sayo si kuya noon?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon.
Seryoso lang siyang hinintay ang sagot ko.
" Ahm, Wala eh I'm into woman Frances at saka sa mga panahon na iyon may girlfriend ako at Mahal na Mahal ko ang girlfriend ko..." That was college nung kami pa ni Ava.
Nakita ko naman na parang nalungkot siya sa sinabi ko.
" May problema ba?" Tumingin siya sa akin na may lungkot sa kaniyang mga mata.
" Wa-wala.." utal na sabi niya.
Ako lang ba oh ano? Parang may kakaiba sa kaniya.