Matched Better || (ON-GOING)

By Sean_Flower

1.5K 350 180

๐ŸŒ™-You had me. You lost me, So keep walking cause I am done talking. โ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณโ•ณ (WARNING: BXB | MPREG) ๐–ณ๐—๐—‚๏ฟฝ... More

Introduction
๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Matched Better
Chapter 6
Chapter 7
Matched Better
Hades
Shiro
Shawn

๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ 1

336 42 0
By Sean_Flower

╔══════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂══════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚═════════════════════════════╝

➛𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 1

𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 ng mall ang magkaibigang Hades at Sean. Pinapasadahan na ni Hades ang hawak na listahan ng mga bibilhin. Busy naman si Sean sa pag ti-text. Hindi nila pansin ang tumatakbong magandang babae na pasalubong sa kanilang direksyon. Bahagya pa itong umiwas kay Hades kaya hindi niya ito nabangga. Hindi rin nakita ng magkaibigan ang kasunod na tumatakbong lalaki. Habol nito ang naunang babae. Huli na nang makita ito ni Hades pasalubong sa kanya. Hindi na siya nakaiwas. Sumalpok sa kanya ang lalaki. Para silang kotse na nag-head on collision.

"Ay!" malakas na tili ni Hades.
Paano, pagbangga sa kanya ng lalaki ay sabay yapos sa kanya ng mahigpit. Tsansing ang unang pumasok sa kaniyang isip.

"Ay!" tili rin ni Sean na nagulat sa nangyari. Pero pansin niya ay tinulungang iayos ng lalaki sa pagkakatayo ang kaibigan. Dahil sa lakas ng impact ay na-off balace siguro si Hades.

Kumawala si Hades. Nang dumistansiya ang lalaki ay isang suntok sa panga nito ang pinakawalan kasunod ang malakas na sampal sa kaliwang pisngi.

"Hayop! Walanghiya! Manyakis!" may tili pang kasabay ng kanyang aksiyon.

Napatulala ang lalaki. Nahaplos nalamang ng palad ang kaliwang pisngi. Hindi ininda ang suntok sa mukha, napatitig sa kaharap, na lalong ikinagalit ni Hades.

"Tulong! Tulungan n'yo kami! Tsinansingan ako!" Dahil doon ay waring nagising ang lalaki. Saka kumaripas ng mabilis palayo lalo't nakita niyang ilang lalaki ang patakbo sa direksiyon nila habang sige ang tili ni Hades.

Pinalibutan siya ng dalawang lalaki habang ang dalawa ay nagtangka pang habulin ang manyakis. Pero nakasakay na ito sa taxi na mabilis na humarurot papalayo.

"Nasaktan ka, Miss?" tanong agad ng isang lalaki .

"Ano'ng ginawa ng manyakis na'yon?" usisa ng isa pa.

"Ang hayop! Tanghaling tapat gumawa ng kalaswaan!" gigil ni Hades. "Niyapos niya ko. Kundi siguro ako pumalag kung anong kahayopan pa ang ginawa!"

"Ang galing mo, Miss Sapol sa mata ang unang suntok mo. Kitang-kita ko!" papuri ng ikatlong lalaki.

"Maraming salamat sa inyo. Naku, pag nakita ko siya uli, baka hindi lang yon ang kanyang inabot."

"Para kang martial arts athlete, miss." papuri ng unang lalaki.

"Black belter siya ng judo-karate. At student ng taekwondo!" imporma ni Sean.

"Salamat sa inyo, mga sir. Salamat talaga. Sige, mamimili na kami at s'yaka lalaki din po kami." Pinipigilan ng dalawa matawa sa mukha ng tatlong lalaki. Dahil mukha itong nakakita ng multo sa sinabi ni Hades

Agad namang nakabawi ang ikatlong lalaki sa pag ka gulat, "Wala iyon. Mag-ingat kayong dalawa. Ang gaganda niyo kasi," anang ikatlo.

"Yakang-yaka!" masayang pahayag ng ikalawa.
Nasa loob na sila ng mall nang pigilin ni Sean ang kaibigan.

"Bakit ba?"
"Hady, sobra naman, e. Hindi sinadya nu'ng tao ang nangyari. Hindi sinadya ang pagbangga sa iyo. May hinabol siya. Then nawalan siya ng balanse at bumangga sa iyo. Hindi siya na-niyansing."
"Pa'no mo nalaman? Hindi ikaw ang niyakap!"
"Niyakap ka kasi baka matumba ka, at s'yaka madadaganan kaniya. Ginawa niya ang pag yakap para di ka nga mabuwal. Nakita ko ang lahat-lahat."
"Ganu'n?" ... Bakit di mo'ko pinigil? Pinabayaan mo akong mag-ingay. Kung inabutan siya nu'ng mga sumaklolo, e, di nabugbog siya ng husto."

"Pa'no, pati ako'y na-shock sa pag titili mo't pagbibintang sa kanyang manyakis!"

Sandaling natigilan si Hades. Pero nang mag balik ang hinahon pakibit-balikat na lumakad.

"Ano pa'ng magagawa ko? Nangyari na... Hsst, tara na mamili na tayo." nagkunwari siyang balewala lang ang nangyari. Pero deep within ay kinukonsensiya na rin siya.

"Nakakaawa 'yung mama." pangungonsensiya pa ni Sean at may pa iling iling pang nalalaman.

"Alam mo, kung merong may kasalanan sa nangyari walang iba kung hindi si Shiro." mariing sabi ni Hades.

"Susme, at bakit biglang nadamay si Shiro. Hindi nga natin siya kasama."

"Yun nga mismo. Hindi niya tayo sinamahan. E di ba, nu'ng isang araw ay napapayag na natin siyang sasamahan niya tayong mag shopping. Tapos, kanina, wala na siya sa kanila. Sabi ng Ate Lucy niya'y nakipag date. Imagine, iniwan tayo sa ere. What kind of friend he is!" gigil na sabi ni Hades.

"Patay kang Shiro ka. Iikot na naman ang utak mo sa sermon ni Hady." Hady ang nakagawiang palayaw kay Hades ng mga kaibigan.

"May sinasabi kaba?" lingon ni Hady kay Sean na Chingchong naman ang palayaw.

"Wala. Sabi ko, ginutom ako sa nangyari."
"Ako rin... Tara, kain muna tayo bago mamili ng mga pinabibili ni mama."

Lampas na ng alas tres nang hapon nang makauwi ang magkaibigan. Sinalubong sila ni Rosa mama ni Hady.

"Bakit ang tagal n'yo. Para ten items lang ang pinabili ko sa inyo inabot kayo ng halos apat na oras. Alam n'yong alas sais ihahatid ang sandosenang Iyanera ng leche flan."

"Pasensiya na kayo, Mama. May aksidente kasi kaming napasukan."

"Aksidente ba kamo? Anong aksidente? May nasaktan ba sainyo?" biglang pag uusisa ni Rosa. Nag-aalala sa kalagayan ng dalawang binata na mukhang dalaga.

"Wala po, Tita Rosa. Ganito po kasi ang nangyari..."
Inilahad ni Chingchong ang pangyayari.

"Nakita niyo sana 'yung lalaki. Parang dinagukan ng kontrabida sa pelikula. Tingin ko nga po ay mag kaka black-eye ang kaliwang mata nun eh at ang kanang pisnge ay bakat ang mga daliri ni Hady. Ang kuwento ni Chingchong

"Pero talagang hindi tsansingero 'yung tao, ha, Chingchong?"

"Hindi po talaga. Nasaksihan ko ang buong pangyayari. Kundi lang kasi ako busy sa ka-ka text ko na hatak ko sana si Hady bago siya nabangga nung pobreng hinababol niya 'yung isang babae na talagang gusto niyang maabutan. Kaya lang, nabangga siya kay Andy. Malas niya lang. Tiyak ako na ka LQ niya yung hinahabol niya."

"Siya, tama na. May mais con yelo ako riyan. Magpalamig na kayo. Tapos, tulungan n'yo akong magpa-arnibal sa iluluto kong leche flan."

"Tulungan na muna natin si Tita Rosa sa paglalagay ng arnibal sa mga hulmahan. Pagkatapos, pag nakasalang na ang minatamis ay saka tayo mag mais con yelo," ani Oma. "Tutal, nagmeryenda na naman tayo sa mall."

"Tama. Teka, magpapalit muna ako ng damit pambahay."

"Ikaw rin, Chingchong. Magpaalam ka na tuloy sa mama mo na tutulong sa akin. Bibigyan ko kamo siya ng isang Iyanerang leche flan."

"Talaga po? Naku, sarap naman!" saka nag mamadaling umuwi si Chingchong.

Tahimik na nagtitimpla ng iluluto ang mama ni Hady. Habang si Hady ay nagtatakal ng asukal na gagawing caramel. "Teka nga pala, 'Ma. Bakit kasi kailangan pa tayong tumanggap ng mga palutong pagkain? Chief accountant na nga kayo sa bangko. Dadalawa kami ni kuya Danny."

"Hades, sa bawat Iyanera nitong minatamis na ito, e, tutubo ako ng bente bawat isa. Sa two dozens nito, isipin mo kung magkano ang tutubuin ko, bukod pa sa libre na tayo sa pagkain natin nito. Kahit mag-iikot ka sa buong city ay hindi mo kikitain ang halagang iyon."

"Parang malaki nga... 24 x 20... malaki nga! Dapat siguro'y turuan na ninyo akong magluto para habang hindi pa ako tapos mag-aral ay gagawin kong sideline. Kakatulungin ko si Shiro at Chingchong."

Pinagtawanan siya ng kanyang mama. Abala sila sa pag-aasikaso sa leche flan nang dumating si Shiro. May dalang isang cake roll. Sinalubong siya ng irap nina Chinhchong at Hady.

"Arvin, ha, anong 'lagay' ng mga yan? Ininguso ni Rosa sina Hades at Sean.

┄┄┄

𝙋𝙇𝙀𝘼𝙎𝙀 𝙑𝙊𝙏𝙀 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙀𝙉𝙏!

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 46.3K 57
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
63.7K 1.1K 96
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
17.4K 586 27
ุฑูˆุงูŠู‡ ุงู…ุงุฑุงุชูŠู‡ ุชุชูƒู„ู… ุนู† ู…ุซุงูŠู„ ูˆุญูŠุฏู‡ ุงู…ู‡ุง ูˆุงุจูˆู‡ุง ุงู„ูŠ ุนุงู†ุช ู…ู† ุงู„ู… ุงู„ุงู†ูุตุงู„ ุงู„ุงู… : ู†ูˆุฑู‡ ุงู„ุงุจ : ู…ุญู…ุฏ ุชุงุฑูŠุฎ ุงู„ูƒุชุงุจู‡ : 19/3/2023 ุชุงุฑูŠุฎ ุงู„ุชู†ุฒูŠู„ : ..
153K 15K 30
"แ€žแ€ฐแ€€ แ€žแ€ฐแ€…แ€ญแ€™แ€บแ€ธแ€™แ€พ แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€แ€ฌ..." "..............." "แ€กแ€Ÿแ€„แ€บแ€ธ..แ€„แ€šแ€บแ€žแ€ฐแ€„แ€šแ€บแ€แ€ปแ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€›แ€™แ€œแ€ฌแ€ธ..แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฐแ€แ€€แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€–แ€ฐแ€ธแ€แ€ฒแ€ท แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€–แ€ฑแ€ฌแ€บแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€›แ€™แ€œแ€ฌแ€ธ...แ€’แ€ซแ€™แ€พแ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บ..แ€›แ€”แ€บแ€žแ€ฐแ€แ€ฝแ€ฑแ€œแ€ญแ€ฏ...