Lost and Found

By Cristinalicious__05

45.8K 1.2K 30

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER TWENTY-SIX

1.3K 33 0
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

Nagising akong wala Draco na katabi. Sinabi niya ay uuwi siya pero wala parin siya ngayon. Late ko na ring nalaman na business trip pala ang pinuntahan niya.

Pero ang sinabi niya lang naman ay meeting pero business trip slash business meeting.

Akala ko ba naman ay kahit wala siyang ginagawa ay kumikita siya. Ano na ngayon?

Maaga akong nagising dahil akala ko ay dadating siya at masasabi ko na sa kaniya. Ayokong sa through cellphone ang way ng sasabihin ko sa kaniya. Gusto ko ay personal.

Magbabago siguro ang lahat kung sasabihin ko sa kaniyang buntis ako. Matutuwa ba siya?

Oo, siya pa. Gustong-gusto niyang magkaroon ng anak agad dahil gusto niyang maranasan ang pagpapalaki ng baby.

Mahirap kaya..

Parang nawala lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Nae-excite na akong sabihin sa kaniya.

Pinuntahan ko ang kwarto ng anak ko. Pagkarating ko doon ay nakaupo na ito sa kama at nakatulala.

Ganun siya minsan magising.

Sinasabi kong huwag niyang sanayin ang ganun dahil kapag iba ang makakita sa kaniyang ganun ay matatakot sila.

Hinalikan ko sa pisnge ang anak ko.

"Morning baby boy.."

Napatingin ito sa akin at ngumiti.

"Morning mommy, daddy?"

"Wala pa siya baby boy, pero sa tingin ko ay pauwi na yun. Business trip pala ang pinuntahan ng daddy mo.."

"Ok po.."

Hinawakan ko sa dalawang pisnge ang anak ko at hinarap sa akin.

"Huwag ka ng sad, diba may pasok ka. Malay mo pag-uwi mo ay nandito na siya at hinihintay ka na.."

Lumiwanag ang mukha ng anak kobat agad ng tumayo.

"Bilisan na po pala natin para makapasok agad ako at makauwi agad.."

Napatawa nalang ako at naligo na agad ang anak ko. Marunong na siyang magbihis na mag-isa at maligong mag-isa sa bago niyang kwarto.

Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko sa may kusina si mama at may niluluto.

"Morning ma..."

"Oh, wala pa ang asawa mo.."

Napatingin ako kay mama sa sinabi niyang 'asawa ko' ulit. Ganun kasi si mama. Kapag ka-live-in na kasi ay asawa na agad.

"Wala pa siya, business trip daw.."

"Hmmm..kailan ang uwi niya.."

"Siguro, mamaya o bukas ulit.."

Hindi na nagsalita pa si mama kaya pumunta ako sa mesa. Pinapanood ko nalang siya magluto. Napalingon ito sa akin at inalokan niya ako ng kape pero umiling lang ako.

Wala pa akong nakukuhang text or tawag kay Draco na pinagtataka ko.

Kasi dapat ay nandito na ang taong yun pero wala kaya dapat nagtext siya o tumawag.

Nakakaramdam na naman ako ng masamang pakiramdam na may babae itong tinatago.

Kainis naman..
Napatingin ako sa cellphone ko.

Kapag hindi pa siya tumawag ay talagang hindi ko siya papansinin at kakausapin patungkol dito sa bata.

Isa...

Dalawa...

"Tat--"

*ringing*

Agad na napatingin ako kung sino ang tumatawag at siya nga.

Dapat palang takutin ang isang ito.

(Hello--)

"Huwag kang tatawag dito! Akala ko ay uuwi ka pero wala ka, bahala ka nga, hinahanap ka ng anak mo sa akin!"

Agad kong pinatay ang tawag. Alam kong sasabihin niyang baka bukas diya makakauwi.

Paasa..

Napatingin ako sa cellphone ko na hindi ulit siya tumawag. Nakaramdam ako ng inis dahil gusto kong tumawag siya ulit.

"Anak, ayos ka lang ba? May kaaway ka yata sa cellphone mo.."

"Naiinis ako ma, kasi hindi siya uuwi pero sabi niya uuwi siya. Tapos sinabihan ko siyang huwag ng tatawag pero...pero gusto tumawag siya ulit.."

Umupo si mama sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako kay mama at napakunot ang noo.

"Another revelation ulit ma"

"Hindi, loko ka...May napapansin lang ako sayo.."

"Hmmm..ano naman?"

"Minsan masaya ka, minsan madali kang mainis, may gusto kang gawin pero kapag kaharap mo na ito ay salungat sa gusto mo ang ginagawa mo..."

"Ma, hindi ako baliw..."

"Hindi yun, anak. Hindi ka na nagkakape na dati naman ay tuwing umaga ay umiinom ka.."

Napatingin ako kay mama na parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Napayuko ako.

"Anak, may dapat ba akong malaman mula sayo?"

"Ano...ammm"

Napaamoy-amoy ako dahil may naaamoy akong nasusunog.

"Ma, may sunog.."

"Yun ba ang dapat kong malaman..."

"Amoy nasusunog..."

"Anong--yung niluluto ko!!" Sabi ni mama na agad namang tumayo at pinuntahan ang niluluto.

Agad niyang inalis ang kawali sa stove at nilagay ang sinangag na kanin.

Dinala niya iyun at nilagay sa mesa. Naamoy ko agad ang amoy ng mga bawang na nagpabaliktad ng sikmura.

Agad akong tumakbo sa kusina at nagduwal sa lababo. Wala naman akong masyadong sinuka kundi tubig at laway lang. Agad naman akong nakaramdam na may humahaplos sa likod.

"Ito na nga ba nag sinabi ko ehh, buntis ka anak.."

Nagmumug muna ako bago hinarap si mama.

"Tama po kayo ma.."

Agad na napatingin si mama at napapalakpak.

"Siguradong matutuwa ang asawa mo!"

Nang masabi niyang 'asawa ko' ay natandaan ko ulit si Draco dahil dapat ay nandito na iyun.

"Ma, ayoko muna siyang pag-usapan."

Sabi ko kay mama. Nagbago naman ang reaksyon ni mama pero bumalik din agad.

"Sige, sabi mo ehh"

"Mommy!!! Handa na ako!" Sabi ni Drake na kakababa lang ng hagdan. Agad namang pinuntahan ang anak ko at sinabihan na siyang kumain. Maliligo muna kasi ako at wala akong ganang kumain ngayon.

Bago ako makaakyat sa taas ay inabutan ako ni mama ng mansanas.

Agad ko na iyung tinanggap bago umakyat sa taas para maligo.

.....

...

"Mommy, dapat nandito na si Daddy. Siya ang magsusundo sa akin kasama ka.."

Tumango nalang ako habang inaayos ang buhok nito. Mahaba na kasi, minsan ay tinatali ko na ang taas nun kapag nasa bahay.

Papunta na kami ngayon sa school niya.

"Dadating ang papa dahil kapag hindi ay malilintikan ito sa akin.." sabi ko na ikinatawa lang ng anak ko.

Seryoso ako sa sinabi ko kaya kapag hindi talaga iyun umuwi ay matutulog ito sa lapag.

Nang maihatid na namin si Drake ay umuwi agad ako sa bahay para hintayin si Draco pero ilang oras na ang lumipas pero wala parin ito. Nakakainis dahil dapat ay nandito na siya. Malulungkot si Drake kapag susunduin na namin siya ng driver tapos wala ito.

Hinanda ko na ang pagtutulugan niya sa lapag.

Nang maghahapon na ay pinahanda ko na ang kotse sa driver namin dahil susunduin na namin si Drake. Nakikita ko na ang itsura ng anak ko na naghinhitay sa ama nito.

Nakakainis kasi dahil wala parin si Draco.

Habang nasa biyahe ay sinisimulan ko ng tawagan si Draco pero wala parin ito. Kahit ang text at tawag ko ay walang siyang reply. Bahala siya kung magtampo ang anak niya sa kaniya. Hindi ko na iyun problema pa.

Nakarating kami sa school ni Drake at hindi pa sila nagreretiro kaya naghintay muna ako sa waiting shed ng school.

Sinusubukan kong tawagan si Draco para kung nandoon siya da bahay ay pumunta siya sa school para sunduin ang anak niyang hinahanap siya.

Naiinis na binulsa ko ang cellphone ko. Wala naman siyang reply kaya ano pa ang magagawa ko kundi hintayin na ang anak ko at mag-iisip ng dahilan ulit kung bakit wala ito.

Nakarinig ako ng bell na hudyat na uwian na nila.

Umayos ako ng tayo at hinintay ang paglabas ng anak ko.

Nang makalabas ito ay may ngiti ito sa labi. Nang makita niya na ako ay agad na nawala iyun. Ang ngiting nakasalubong para sa anak ko ay agad ding nawala sa akin.

Nakaramdam ako ng sakit sa emosyong nakikita ko sa anak ko. Lumakad ito palapit ng dahan-dahan.

"Baby boy.."

Pero walang salitang lumabas mula sa anak ko. Alam kong nasasaktan siya ngayon dahil wala ang Daddy niya na sinabi kong nandito ito.

"Baby boy kasi....hindi pa makakauwi ang Daddy mo"

"Ok po.." mahinang sabi ng anak ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta na kami sa kotse.

Bago kami makarating sa kotse ay tumunog ang cellphone ko. At agad na nakaramdam ako ng galit ng makita ko kung sino.

Wala na siyang magagawa pa, nasaktan niya ang anak ko. Pinatay ko ang tawag at binulsa ito. Papasok na sana kami ng magsalita ang anak ko.

"Daddy!!!!" Napatingin ako sa tinuturo ng anak ko. Nandoon sa kabilang kalsada si Draco. May dala ang isang kamay niya na briefcase at ang isang kamay niya ay isang bouquet ng bulaklak. Nakita kong binulsa niya ang cellphone nito at kinawayan kami gamit ang bouquet ng bulaklak.

Napatingin ako sa anak ko na may ngiti na ulit sa labi.

Napatingin ako kay Draco na tumawid ng kalsada palapit sa aming dalawa.

Bago siya makarating sa amin ay may kotseng parating. Dahil nakastop sign naman ay alam kong hihinto iyung kotse at patuloy parin ang paglakad ni Draco.

Ngunit iba nag nangyari.

Patuloy ang pag-andar ng kotse. Napalaki ang mata ko ng malapit na kay Draco.

Walang salitang lumabas sa bibig ko ng makitang si Draco na duguan na nakahiga sa sahig.

Nakita ko pa na nakatingin ito sa aming dalawa ng anak ko bago ito pumikit....

...

...

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
142K 2.7K 19
Isang sikat na business tycoon si Vince Erobern. Kilala sya bilang 'control freak' ayaw nyang nasisira at pinapakialam ang gusto nya. Paano kung magb...