My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Four (Mission Accomplished)

16.2K 516 24
By Badorita

"In my practice, I've seen how people have allowed their humanity to drain away. Only it happened slowly instead of all at once. They didn't seem to mind... All of us — a little bit — we harden our hearts, grow callous. Only when we have to fight to stay human do we realize how precious it is to us, how dear."
Dr. Miles Bennell, Invasion of the Body Snatchers
_____

Hapon na ng matapos ang environmental campaign na ginawa nila. Pauwi na siya ngayon sa Maynila, sa Laguna kasi ginawa ang naturang seminar kaya ngayon nahihirapan siyang makasakay pabalik ng Maynila. Nagkanya-kanya na kasi sila matapos ang event, hindi na rin siya sumabay sa sasakyan ng mga kasama niya dahil mas lalong mapapalayo ang kanyang biyahe. Subalit hindi niya akalain na mahirap palang mag-abang ng bus sa lugar na ito.

Hanggang sa may bigla na lang sumulpot na itim na sasakyan sa harap niya, muntik na siyang mapatalon sa kaba. Naisip niya kasing baka barilin na lang siyang bigla sa lugar na iyon o kaya naman ay dukutin para gahasain.

Feeling mo naman gagahasain ka talaga. Naroon na naman ang echo ng kanyang konsensiya o mas akmang sabihin ang panirang bahagi ng kanyang isip.

Eh, sa gan'on ang mga napapanood ko sa balita, bakit ka ba nangingialam. Huwag mo nga akong kausapin. Tugon niya sa panirang bahagi ng kanyang isip.

Naputol ang kanyang pakikipag-usap sa sarili ng bumukas ang bintana ng sasakyan, lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman niya. Kapag nakita niyang tututukan siya ng baril ng kung sino man ang nasa loob magpapaka-ninja moves siya. Iiwasan niya ang mga bala. Pero marunong ba siya n'on?

Nawala lahat ng halu-halong narararamdaman niya ng makilala kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Ang lalaki kanina sa seminar na sinita niya, nakangiti ito.

"Want a ride?"

Hindi siya sumagot. Nakita rin niya ang kasama nito na siyang nagdadrive, magboyfriend kaya ang dalawang ito? Sayang! Super gagwapo pa naman. Kanina sa seminar matapos ang insedente sa pagitan nilang tatlo, hindi na naalis sa paningin niya ang dalawang ito. Kinikilig nga ang mga babaeng participants na nagpapapansin sa dalawang ito na deadma rito. So confirmed. May relasyon nga sila kasi hindi nila pinansin 'yon mga babae.

Marami na siyang naisip pero hanggang ngayon ay matamang tinititigan din siya ng lalaking sa pagkakaalala niya ay Cerus ang pangalan. Mukhang naghihintay ito ng sagot niya.

"Salamat na lang, may dadaan na rin namang bus," sumagot na siya dahil naiilang na siya sa pagkakatitig nito.

"Nakapagtataka, ang lapit lang ng distansiya natin pero ang tagal makarating ng sinabi ko sa'yo, ilang light years kaya nagtravel yung sound bago makarating sayo?" takang tanong nito.

Ano raw? Kanina pa kaya niya narinig, hindi lang siya sumagot. Ano kayang iniisip nito?

Bumaling ito sa kasama, "Zion, mabilis mo ba akong marinig?"

Tumango ang katabi nito.

"So ibig sabihin sa bahaging iyan na kinatatayuan niya ay mabagal ang vibration ng sound, kaya hintayin na lang natin bago siya magsalita ulit, doon lang natin malalaman kung nakarating na sa kanya ang mga sinabi natin," nangalumbaba itong nakatitig sa kanya.

Napakunot na siya ng noo. "Ano bang pinagsasa...,"

"Ayan! dumating na!" pumalakpak pa ito.

"Teka nga! ano bang...,"

"Ang galing Zion, mabilis na ngayong nakarating sa kanya ang sinabi ko!" putol na naman sa sasabihin niya.

Napalapit na siya sa bintana ng sasakyan, "Kayong dalawa kung ano man yang trip niyo sa buhay! Huwag ako ang pagtripan niyo kasi pagod ako, kaya please lang umalis na kayo!"

Natigilan ang mga ito.

"Siya'y nasusuklam Cerus," narinig niyang sabi ng nasa driver seat.

"Sorry, when we saw you standing there, we thought to offer you a ride since where heading the same place," hinging paumanhin naman sa kanya ng nasa passenger seat.

"Thanks but no thanks,"

"Kami'y hindi masasama napansin lamang namin na sinasakop na ng dilim ang liwanag kaya kami'y nagmalasakit na para mabawasan na ang iyong pagpapakasakit sa paghihintay sa kawalan,"

Napangiwi man siya sa sinabi ni Zion pero mukha ngang gumagabi na at mahihirapan na siyang makabalik sa siyudad.

"Pasensiya na ulit, kung ayaw mong sumabay sa amin, Okay lang, naiintindihan naman namin, Sige mag-ingat ka na lang," nakangiting paalam sa kanya ni Cerus.

"Wait, sasabay na ako," ayaw na rin naman niyang magtagal sa lugar na iyon. Mukhang mababait naman ito at mukhang nagsasabi naman ng totoo. Kung may masama mang gagawin ito sa kanya meron naman siyang balisong at peppers' spray. Oo ganun siya kaparanoid. Kung pwede nga lang bumili ng baril gagawin niya. Nag-aalangan man sumabay na rin siya.

Bumukas ang pinto sa likod ng sasakyan, Sosyal. Automatic.

"Sakay na!" anyaya sa kanya ni Cerus.

Pagpasok niya sa sasakyan, namangha siya, sa labas ay ordinaryong itim na kotse lang ito pero sa loob ay mukhang advanced na advanced ang specs niyon, may ganito na bang bagong labas na sasakyan. Oh well baka nga, hindi rin naman kasi siya mahilig sa sasakyan. Isinawalang bahala na lang niya iyon.

Habang umaandar na ang kanilang sinasakyan.

"By the way, I'm Cerus and this is Zion," naglahad ito ng kamay sa kanya.

Kinuha niya iyon para naman hindi siya magmukhang bastos, "Abby," tipid niyang sagot.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, parang isang constellation," puna nito.

"Sa inyo naman parang mga Alien," sinabayan niya ng impit na ngiti ang sinabi na nauwi sa ngiwi dahil sumubsob siya sa likod ng passenger seat dahil sa biglang prenong ginawa ni Zion.

Tumingin sa kanya ang dalawa habang inaayos niya ang nadistort na mukha, "Pwedeng magsabi ka naman kung pepreno ka para naman nakakapagready ako," biro niya.

"Oh bakit?Ba't ganyan kayo makatingin, huwag niyong sabihing naniwala kayo sa sinabi ko, joke lang 'yon," hindi niya talaga maintindihan ang dalawang ito.

"Alin d'on ang joke? Iyong para kaming alien or magsasabi kami pagpepreno?" tanong sa kanya ni Cerus.

"Pareho," huminga ng maluwag ang mga ito, "Okay lang kayo?"

Ngumiti ang dalawa ng pilit at tumango. Grabe ang gwapo. Nakakagutom.

Nagpatuloy sila sa biyahe at tila'y inaantok na siya sa sobrang katahimikan, dala na rin siguro ng pagod at kumportableng kinauupuan. Pero kailangan niyang labanan ang antok, hindi siya pwedeng matulog baka kung anong gawin sa kanya ng dalawang ito. Baka bigla na lang siyang dalhin sa kung saan at iwanan or worst dalhin siya sa outerspace. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa huling naisip. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa kukote niya.

"Abby, if you don't mind ano nga pala trabaho mo? Napansin ko kasi kanina mukhang isa ka sa mga member doon," basag sa katahimikan ni Cerus. Mukhang naboboring na rin ito, hindi katulad ng katabi nito, parang wala lang.

"Environmentalist ako," tipid niyang sagot.

"Wow!" may pagkamanghang sabi nito, "Ano 'yon?" takang tanong nito.

Nalaglag ang panga niya, ang akala pa naman niya ay alam nito dahil sa pagkakawow, "Tagapangalaga ng kalikasan, kami yung mga nagmamalasakit na maingatan ang kalikasan," sagot niya na lang, nakita kasi niya sa mga mata nito na mukhang hindi nga nito alam.

Matamang nakikinig lang sa usapan nila si Zion, napakamisteryoso naman nito. May kung anu-ano pang tinanong sa kanya si Cerus na sinagot naman niya ng nakakunot parati ang noo. Nagtataka na talaga siya sa lalaking ito.

Mayamaya pa ay nararamdaman niya na nababahing siya. "Haaaachiing," kinusot-kusot niya ang ilong. Nilakasan ba ni Zion ang aircon? Hayan mababahing na naman siya, may bigla na lang lumitaw na panyo malapit sa kanyang mukha, kinuha niya ang panyo at doon bumahing. Sunod-sunod na ang bahing niya.

"Okay ka lang ba?" tanong sa kanya ni Cerus.

"Oo, mukhang nilamig lang ako," pulang-pula na ang ilong niya.

"Zion," sa pagbanggit nito sa pangalan ng kasama ay may kung anong pinindot ito sa unahan ng kotse. Mukhang hihinaan yung aircon.

"Salamat nga pala sa panyo, Kanino pala 'to?" hindi kasi niya nakita kung sino ang nag-abot sa kanya kanina.

"Iyan ay akin," sagot ni Zion.

"Sa akin na lang, nakakahiya naman kung ibabalik ko pa sayo, lalab...," hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinablot na lang nito ang panyo sa kanyang kamay. Hindi agad siya nakapagreact dahil sa sobrang gulat.

"Paumanhin, ako na lang ang gagawa niyon," ang sabi lang nito.

Nakatingin pa rin siya rito na nanlalaki ang mga mata, napatango na lang siya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Sobra bang mahalaga rito ang pobreng panyo.

"Abby, ano 'yang nasa buhok mo? Kanina ko pa 'yan napapansin," takang tanong sa kanya ni Cerus.

"Alin?" hinanap niya ang sinasabi ni Cerus pero wala siyang makita. Niloloko ba siya nito?

"May I," ito na ang kumuha ng kung ano man ang nasa buhok niya. Nasaktan siya ng bahagya parang pati buhok niya ay binunot nito. "Here," isang paper clip ang hawak nito.

Sino naman ang siraulong naglagay ng paper clip sa ulo niya. Baka napagtripan na naman siya ng kanyang mga kasamahan kanina pero bakit hindi niya napansin iyon, "Salamat," hindi na ulit siya umimik pagkatapos ng sandali.

Madilim na nga ng makarating sila sa Maynila.

"Diyan na lang ninyo ako ibaba sa tabi," sabi niya ng mapansin na marami na siyang pwedeng masakyan pauwi.

"Ihahatid ka na namin sa bahay niyo alam naman namin...," tinapik ito ni Zion, "I mean saan ba 'yong bahay niyo?"

"Huwag na, sobrang abala na ako sa inyo, kaya ko na, maraming salamat talaga," nakakahiya na kung pati hanggang sa bahay ay magpapahatid siya.

Inihinto na ni Zion ang sasakyan.

"Maraming salamat ulit sa inyong dalawa," paalam niya.

"Kami'y nagpapasalamat din saiyo," inilahad ni Zion ang kamay, kinuha niya kahit may pagtataka, "Makakabalik na rin kami sa amin," dugtong pa nito.

Naramdaman niya ang kirot sa pagkakamay nila ni Zion kaya agad niyang inagaw ang kanyang kamay. Pasimple niyang sinuri ito, pero wala naman siyang sugat. Bumukas na ang pinto ng sasakyan.

"Sige mag-iingat kayo,"

"Bye Abby, sana sa pagkikita nating muli hindi mo kami kamuhian," nakangiting sabi ni Cerus.

Hindi na lang niya pinansin ito, mukhang ugali na nito ang maging wierdo.

Umalis na ang sasakyan sa harap ni Abby. Habang ang dalawang sakay nito ay masayang nagdidiwang sa loob.

"Saliva Atomaris,"

"Verificatur,"

"Capillus,"

"Verificatur,"

"Haima,"

"Verificatur,"

"Bonum Zion, mission accomplished, makakabalik na rin tayo sa Xenica, namimiss ko nang kumain ng sweet and spicy udon."

Continue Reading

You'll Also Like

282K 21.2K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
213K 6.4K 82
Sabi nila, one is already enough. Kapag dalawa na, it is already too much. Pero paano kapag apat na? Apat na gangsters pa! (started: July 4, 2017)
107K 4.2K 37
[BoyXBoy|Yaoi] ~Princess Prince II~ Kung akala niyo ay tapos na ang kuwento nila Alastair at Milan, nagkakamali kayo dahil, ngayong tapos na sila sa...
Triple X By Adamant

General Fiction

117K 4.1K 44
[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pa...