Forced Marriage - COMPLETE

By whateverrr004

64.5K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 30

1.4K 42 11
By whateverrr004

When I came home with my daughter, my eyes widened when I saw Ricci sitting in front of our house.

Nakayuko siya sa mga tuhod niya.

"Daddy?" Sophia.

Nag-angat ng tingin si Ricci at muli akong nagulat dahil pulang-pula ang mga mata niya.

Bumitaw sakin si Sophia at nilapitan si Ricci at niyakap.

Isa sa mga bagay na gusto ko at mahal ko sa anak namin ay ang pagiging malambing niya. She used to hug me and Kyle kapag nakikita niya na malungkot kami lalo na ako kapag umiiyak ako.

Yumakap din si Ricci sa anak niya at maya maya ay napansin ko na ang pagtaas-baba ng balikat niya. He's crying..

Pabuntong hininga akong lumapit sakanila at tumayo sa harapan niya, tumingin naman siya sakin.

I smiled a little then offered my hand. He accepted it.

Tumayo siya sa tulong ng katawan ko saka tumitig sa mga mata ko.

"Why are you crying?" tanong ko sa mahina at malambing na paraan.

He shook his head. Marahan akong tumango bilang sagot saka sila inaya ni Sophia sa loob ng bahay.

Naupo sila ni Sophia sa couch habang ako ay pumasok muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Matapos non ay dumeretso naman ako sa kitchen para magluto ng dinner.

Maghapon kasi kaming wala ni Sophia dito sa bahay at iba na rin ang lock ng bahay kaya hindi nakapasok si Ricci. Dahil wala nga kami dito, hindi ko alam kung kanina pa ba si Ricci sa labas. Pero bakit kaya siya ganon? Bakit siya umiiyak?

Matapos kong magluto ng dinner ay lumabas ako ng kitchen at pinuntahan sila sa living room.

Umawang ang bibig ko nang makita silang natutulog. Nakadapa si Sophia sa ibabaw ni Ricci at tulog na tulog silang dalawa.

Tinapik-tapik ko sa pisngi si Ricci para gisingin. Hindi magigising si Sophia kaya kahit medyo nakakailang ay kami lang dalawa ni Ricci ang kakain.

"Ricci.." bulong ko saka muling tinapik ang pisngi niya. Nagmulat naman siya ng mata.

Pinulupot niya ang mga braso niya kay Sophia saka dahan-dahang bumangon at naupo. Pinangko niya naman si Sophia at pinasok sa kwarto.

Nauna na akong pumunta sa kitchen at nilagyan ko nalang ng pagkain ang pinggan naming dalawa.

Ilang minuto lang ay naramdaman ko na rin ang presensya niya sa likod ko kaya nilingon ko siya.

Malamlam ang mga mata siyang nakatingin sakin.

Nagbuga siya ng hininga saka naupo.

Nagkibit-balikat ako at naupo na rin saka nagsimulang kumain pero siya ay nilalaro lang ang pagkain niya.

"Anong problema ba?" tanong ko dahil hindi na ako makatiis na ganito siya.

"She lied. She's not pregnant." he answered, not looking at me.

Nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink in sakin ang sinabi niya.

"Hindi siya buntis?!" pag-uulit ko, para lang makasigurado na tama ang narinig ko.

Tumango siya.

"Umalis siya kagabi at sinundan ko siya sa bahay ng best friend niya. And there, I heard that she's not really pregnant at ginawa niya 'yon para hindi ko siya iwan." Ricci said.

Kung nagawa niyang magsinungaling tungkol sa pagbubuntis niya, posible din ba na nagsisinungaling lang siya tungkol sa sakit niya?

Hindi ko alam kung bakit ko 'yan naisip. Bigla lang pumasok sa isip ko.

"Now, naiisip ko... kung totoo bang she's sick or not." halos pabulong na sabi niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko siya masagot because we have the same thoughts. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganon lang kadali para sa aming dalawa na maisip 'yon.

"I was happy to know that she's pregnant kahit confused din ako kung paano nangyari 'yon kasi nag-ingat naman ako. I was happy because gustong-gusto kong matawag na 'daddy'. Gusto ko nang maging daddy." he added.

Daddy ka na, noon pa. Pero hindi mo 'yon alam kasi mas pinili mo siya.

Tahimik kaming kumain na dalawa kahit pansin ko na wala siyang gana kumain pero pinilit niyang ubusin.

Matapos kumain ay sinabi kong ako nalang ang mag-aayos ng pinagkainan. Siya naman ay nakita kong pumasok sa kwarto ko at hinayaan ko nalang.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay dumeretso ako sa living area at pabagsak na nahiga sa couch.

Ilang minuto akong nakatulala sa kisame at iniisip ang mga sinabi niya.

Sigurado ako na magiging masaya siya kapag nalaman niya na siya ang ama ni Sophia. Pero naisip ko rin na baka magalit siya dahil inilihim ko 'yon sakaniya.

Pero may dahilan naman ako! inis na bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang makarinig ng sunod sunod na busina sa labas.

Nagmamadali akong tumayo at tiningnan kung sino 'yon pero hindi pamilyar sakin ang sasakyan kaya hinintay kong lumabas ang may-ari ng sasakyan na 'yon.

Nagulat ako dahil si Grace 'yon.

Alam ko na kung bakit siya nandito kaya binuksan ko ang gate pero hindi ko siya pinapasok.

"So, ikaw pala ang pinupuntahan ng asawa ko kapag wala siya sa bahay." sabi niya.

Nakaramdam ako ng kirot nang marinig ang salitang 'asawa'.

Lumapit siya sakin at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong sampalin.

"Para 'yan sa panlalandi mo sa asawa ko!" galit na sabi niya.

Siya naman ang nagulat nang sampalin ko rin siya.

"At para 'yan sa panloloko mo." galit man ay kalmado ko pa ring sabi.

"What are you talking about?" maarte at inis niyang tanong.

"Alam na alam mo, Grace. Alam na alam mo kung anong sinasabi ko." mariing sabi ko saka tumingin sa tummy niya. "What a fake.." sabi ko ulit at pinag-krus ang mga braso ko sa may dibdib ko.

Nanlalaki mata siyang tumingin sakin, gulat, hindi makapaniwala.

"W-What.."

"Alam ni Ricci ang kasinungalin mo. Maghapon siyang nandito sa labas ng bahay ko kahapon. Umiiyak. Dahil sa kasinungalin mo." mapait na sabi ko. "Bakit nga ba? Bakit mo gina—"

"Enough."

Tumalikod ako at nakita ko si Ricci na nakatingin kay Grace.

"Sweetheart.." rinig kong sabi ni Grace.

Nag-iwas ako ng tingin kay Ricci dahil nakita ko kung paano niya tingnan si Grace.

Naglakad si Ricci at nilampasan ako saka niya niyakap si Grace.

Masakit? Oo. Sobrang sakit. Pero hindi ko maialis sakanila ang tingin ko.

Nakita ko kung paano marahang hinalikan ni Ricci ang noo ni Grace—ng asawa niya.

Nagbuntong hininga ako nang papasukin ni Ricci si Grace sa sasakyan at hinarap ako.

"Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo. Hindi ko nagustuhan na pinangunahan mo ako."

Sinalubong ko ang tingin niya.

"Problema naming mag-asawa 'yon. Ako dapat ang nagsabi sakaniya. Sa akin niya dapat narinig 'yon at hindi sayo."

Sarkastiko akong natawa at sandaling nag-iwas ng tingin pero ibinalik ko rin.

"Problema niyo palang mag-asawa, pero bakit ka nandito?" tanong ko, hindi na naitago ang sakit sa pagsasalita. "Bakit mo sinabi sakin? Bakit dito ka agad sa buhay ko nagpunta?"

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin.

"Sorry kung nakialam ako. Sorry kung sinabi ko."

Marahas kong pinunasan ang luha na hindi ko na napigilang tumulo.

"Ginawa ko lang naman 'yon kasi nag-alala ako kaya sorry kung nag-alala ako para sayo, sa nararamdaman mo. Hindi na mauulit."

Mariin siyang pumikit at sinapo ng kamay ang mukha niya.

"Zoey.. I'm—"

"I understand." bulong ko pero sapat na para marinig niya.

"Ricci." tawag ni Grace.

Tipid akong ngumiti kay Ricci na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sakin.

"Umuwi ka na." sabi ko.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko saka nag-iwas ng tingin sakaniya.

Bago pa tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko ay tinalikuran ko na siya.

Pumasok ako sa loob saka ko pinakawalan ang mga pigil kong luha.

Problemang mag-asawa.. tumatango-tango kong bulong. Okay.

Nang sumunod na araw ay nanatili lang kami ni Sophia sa bahay. Nanood lang kami ng movie sa living area.

Ilang araw ang lumipas na ganon lang ang ginawa namin ni Sophia.

Kinuha ang phone ko na nasa center table dahil nakita kong tumatawag si Rasheed.

"He—"

["Punta ako diyan. Bye."] Amp.

Napasimangot ako sa ginawa niya. Nabaliw na naman si Rasheed. Porke nakabawi na ng lakas ang katawan niya. Tss.

Ilang minuto lang hinintay ko bago ko narinig ang pagbusina ni Rasheed.

"Mimi, who's that?" Sophia asked.

"Tito Sheed mo, baby." sagot ko.

Lumabas ako at sinalubong si Rasheed pero nagulat ako dahil kasama niya sila Tita.

"Oh. Tita, Tito." bati ko sakanila saka humalik sa pisngi nila.

Ngumiti sakin si Tita at yumakap, maging si Tito ay ginawa rin 'yon.

Nauna ko na silang pinapasok sa loob. Pasimple ko namang kinurot si Rasheed sa tagiliran niya.

"Bakit hindi mo sinabing kasama sila Tita?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at nagkibit-balikat. Umiling-iling ako saka sumunod na kila Tita sa loob.

Naabutan ko silang nilalaro si Sophia.

Naupo ako sa single couch at hinarap sila Tita. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Tita.

"Wait lang natin sila Mommy mo. We have something important to tell you kasi, 'nak." sabi niya.

Nagtataka akong tumango-tango sakaniya.

Pasimple akong tumingin kay Rasheed at tinaasan siya ng kilay pero umiling lang siya.

Minutes later, narinig kong bumukas ang gate kaya alam kong nandiyan na sila Mommy.

Tumayo ako at sinalubong sila sa may pinto. Humalik ako sa mga pisngi nila.

"We missed you, Zoey." sabi ni Dad.

Ngumiti ako, "I missed you too, Dad.."

Sabay sabay kaming lumapit kila Tita. Naupo naman sila Mommy sa kabilang couch matapos makipag-batian.

"Anong... Ano po yung sasabihin niyo?" tanong ko, hindi na makapaghintay. Curious na curious na ako.

Bigla kasi silang nagpunta dito na walang pasabi.

"About your accident and Rasheed's.."

Nagugulat akong tumingin kay Rasheed bago muling tumingin kila Tita.

"What? I mean, ano pong tungkol don?"

Sa sinabi ni Tita na 'yon ay hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

Look, my accident happened almost four years ago. Tapos ngayon lang namin 'to pag-uusapan? Why?

"I... or we, know something about what happened to you before." sabi naman ni Mommy.

Naiinis akong lumunok at nagbuntong hininga.

"Mommy, Tita. Please, sabihin niyo na ng deretso sakin." naiinis na pakiusap ko.

Nagtinginan sila saka halos sabay na nagbuntong hininga.

"What happened to you and Rasheed.. it wasn't an accident."

"W-What?"

She nod.

"Alam na namin lahat almost four years ago pa. Hindi lang namin masabi sayo that time because you were pregnant."

"Tita. Hindi ko maintindihan. Sino ang gumawa samin non?"

"Grace." sagot ni Rasheed at mariing pumikit.

"What?!" nanlalaki mata at nagugulat kong tanong.

Tumango sila.

"We didn't planned your honeymoon for nothing. We did it to keep you both busy, habang si Rasheed at si Prince naman ang nag-aasikaso sa nangyari sayo sa bar, nung graduation mo at nung kasal niyo." sabi ni Mommy.

Doon lang pumasok sa isip ko yung mga sinabi nila  Pero bakit niya ginawa 'yon? Ano bang ginawa ko sakaniya para magalit siya at gawin sakin ang mga 'yon?

"Why? Bakit niya ginawa 'yon?" tanong habang sabunot ang sariling buhok.

"Because she was jealous. Nagkalapit kayo ni Ricci anak, reason para hindi siya mapagtuunan ng pansin ni Ricci kaya niya 'yon ginawa sayo. She wants you dead." sabi ni Tito.

"Pero si Rasheed? Bakit niya ginawa kay Rasheed 'yon?"

"Kasi alam niya na anak ni Ricci si Sophia. Do you remember the day when you wanted to introduce Sophia to Ricci and Rasheed was with you?" tanong ni Mommy at tumango ako dahil naaalala ko nga 'yon.

Paano ko makakalimutan ang araw na 'yon? Eh, 'yon ang araw na sinabi ni Grace kay Ricci na buntis siya pero hindi naman pala totoo.

"Alam ni Grace na sasabihin niyo kay Ricci na anak niyo si Sophia kaya yung nangyari kay Rasheed ay siya rin ang may gawa non. Sinadya niyang tanggalan ng preno ang sasakyan ni Rasheed matapos niyang maihatid si Ricci sa condo."

Umawang ang bibig ko at nabuhay ang galit sa dibdib ko dahil sa mga narinig ko.

How could you, Grace? How could you!

"Alam na ba ni Ricci 'to?" i asked.

Tahimik silang umiling.

Hindi ko na napigilang maiyak dahil ilang taon ko siyang iniwan at hinayaan sa mamamatay taong Grace na 'yon!

"Bakit ngayon niyo lang sakin sinabi? Bakit ngayon ko lang nalaman?" umiiyak kong tanong.

Si Mommy ang lumapit sakin.

"Anak, buntis ka non at hindi makakabuti sayo kung sasabihi—"

"Mom! Mahalaga na nalaman ko agad! Na sinabi niyo agad! Kasi kung nalaman ko agad edi sana hindi nasira ang pamilya na gustong-gusto kong buoin kasama siya!" hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.

"Kung nalaman ko 'to agad, sana hanggang ngayon kami pa rin. Kung nalaman ko agad, hindi ko sana siya napagkaitan ng pagkakataon na maging ama kasi gustong-gusto niya 'yon! Gustong-gusto na niya 'yon, Mom! Bakit.."

Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at doon umiyak nang umiyak.

"M-Mimi.."

Nag-angat ako ng tingin kay Sophia at umiiyak siyang nakatingin sakin.

Binuhat ko siya at iniupo sa lap ko. Mabilis naman siyang yumakap sakin at umiyak.

No one can stop me from introducing my daughter to her father. No one.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 52K 98
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
167K 4.9K 51
matilda styles, will you be my valentine? (please reject me so i can move on) ⋆ ˚。⋆୨💌୧⋆ ˚。⋆ IN WHICH christopher sturniolo falls for nepo baby or...
97K 3K 76
Alastor X Female Reader You and Alastor have been best friends since you were 5 years old. With Alastor being the famous serial killer of your time...
968K 24.3K 23
Yn a strong girl but gets nervous in-front of his arranged husband. Jungkook feared and arrogant mafia but is stuck with a girl. Will they make it t...