Chess Pieces Aftermath: Kylo...

By HiroYuu101

11.7M 492K 298K

Hoping to clear her late father's name, Amara Jean Abella decides to become a lawyer and get the justice he d... More

Plutus
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Special Chapter - Lunch
Special Chapter - Honeymoon

Prologue

290K 7.8K 1.8K
By HiroYuu101

"Amara Jean, this is your new house."

Akap-akap ko ang bag ko habang nililibot ng tingin ang kabuoan ng bahay na iyon. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kalaking bahay. Siguro ay sampu o higit pang beses ang inilaki niyon sa bahay na kinagisnan ko.

Ang sahig ay kumikinang sa sobrang linis, halatang hindi hinahayaan na madumihan. Pwede na ngang manalamin. Ang mga mwebles ay halatang mamahalin at nakakatakot hawakan. Sa palagay ko kasi na kapag nabasag ko ang isa sa mga iyon, kahit magtrabaho ako buong buhay ko ay hindi ko iyon matatapos na bayaran.

The furnitures have a classy and sophisticated look. They even have a chandelier. At sa gitna ay isang magarbong hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

Tumingin ako sa babaeng nakatayo sa tabi ko. Magaan ang dantay ng mga kamay n'yang nakahawak sa mga balikat ko. She looked down when she noticed me staring at her and smiled warmly at me.

Alam kong mabait s'ya. Ilang beses ko na s'yang nakikita sa bahay-ampunan na pinagdalhan sa akin. Palagi n'ya akong binibigyan ng iba't ibang klaseng mga laruan. Mga manikang magaganda at mas malambot pa ang buhok kaysa sa akin. Binigyan n'ya rin ako ng pagkalaki-laking doll house na palaging hinihiram sa akin ng mga batang babae sa ampunan.

Kasama n'ya iyong asawa n'yang nakatayo rin sa tabi ko. Tiningala ko naman ang lalaki. Ang mga kamay n'ya ay nasa loob ng mga bulsa ng pantalon n'ya. May salamin sa mata at naghahalo na ang mga itim at puting buhok. May munting ngiti sa mga labi n'ya habang nakatingin sa akin.

Palagi silang dumadalaw sa bahay-ampunan. At sa bawat pagdalaw ay palaging may dalang regalo para sa akin. Sa pangalawang beses na ginawa nila iyon ay sinabi sa akin ng mga batang mas matanda sa akin ng ilang taon na may plano ang mag-asawang Abella na ampunin ako kaya nila ginagawa iyon.

Marami ang nainggit dahil ang iba ay matagal nang nangangarap at naghihintay na may mag-ampon sa kanila. O kaya ay balikan ng mga magulang. Pero sa dami ng mga batang mas bata pa sa akin doon ay ako ang napiling ampunin ng mga Abella.

I was already seven years old. Ang sabi ay madalas na sanggol ang mga inaampon o hindi kaya ay iyong mga nasa edad hanggang limang taon. Kaya marami ang nagtaka na ako pa ang inampon nila.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumingin ako sa babaeng Abella nang marinig ko ang tanong na iyon. She was smiling pero halata sa mga mata n'ya ang pag-aalinlangan sa magiging sagot ko. Na para bang ang isang laki sa hirap na batang katulad ko ay hindi magugustuhan ang ganitong kaganda at kalaking bahay.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling iginala ang tingin sa magandang bahay na nasa harapan ko. Nandito kami sa pintuan at hinayaan ako ng mag-asawang Abella na pagmasdan muna ang bahay na magiging tirahan ko simula ngayon.

Humigpit ang pagyakap ko sa bag. Siguro, kahit na gaano pa kalaki ang bahay na iharap sa akin, kahit gaano pa karami ang mamahaling mga laruan ang ibigay sa akin, hindi mababago n'on ang kagustuhan ko na makapiling muli ang mga magulang ko.

Ang totoo kong mga magulang.

"Let her adjust, Lia. Bago pa sa kanya ang lahat ng 'to," dinig kong sabi ng lalaking Abella.

Hindi na nagsalita ang babaeng Abella at tinanggal na lang ang pagkakahawak sa balikat ko. Alam kong hinihintay lang nilang ako ang maunang pumasok sa loob ng mansyon. Pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa mga paa kong nasa labas lang ng bahay. Isang hakbang lang ang kailangan kong gawin at makakapasok na ako sa loob.

Natatakot ako na baka sa paghakbang ko ay makalimutan ko ang pamilyang kinagisnan ko. Ang totoo kong pamilya. Natatakot ako na baka sa pagpasok ko sa loob ng mansyon ay isa-isang mawala ang mga alaala sa akin ng mga magulang ko.

Ang alaala kapag ginigising ako ni Mama tuwing umaga para pumasok sa eskwela. Hirap s'ya sa paggising sa 'kin dahil malalim daw ako kung matulog. At dahil doon ay kikilitiin n'ya ako na s'yang nagpapagising sa akin.

Ang alaala kapag hinahanda ni Mama ang almusal para sa amin ni Papa na papasok naman sa trabaho n'ya bilang isang driver ng babaeng anak ng isang mayamang pamilya.

Ang alaala ng amoy ng aroma ng kapeng iniinom ni Papa. Isinasawsaw n'ya na lang ang pandesal sa kape dahil ang palaman ay kulang pa sa akin.

Ang alaala kapag sama-sama kaming nanonood sa maliit na TV namin doon sa maliit naming sala tuwing araw ng pahinga ni Papa. Sabay-sabay ring nagtatawanan kapag may nakakatuwang palabas.

Ang alaala ng malambing na pagtawag ng mga magulang ko sa palayaw ko.

"AJ..."

Hindi man sinasadya ay tumulo ang mga luha ko dahil sa pagbaha ng mga alaala ng mga magulang ko sa isip ko. Napahikbi ako kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan iyon pero nahirapan pa rin. Nakakahiya sa mga Abella.

Dinig ko ang pagbuntonghininga ng lalaking Abella. Naramdaman ko ang pagluhod n'ya sa tabi ko para magpantay kami. Hinawakan n'ya ang magkabilang mga balikat ko saka n'ya ako hinarap sa kanya.

Nanatili akong nakatungo, hindi kayang salubingin ang mga mata ng lalaking gustong tumayo bilang bago kong ama. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang palitan sa puso ko ang papa ko o kahit ang mama ko.

"Hija..." he said. "Alam naming bago sa iyo ang lahat ng 'to. Pitong taon kang lumaki sa kalinga ng mga magulang mo. Then all of a suden, here we are, introducing ourselves as your new family."

Magaan lang ang boses n'ya habang kinakausap ako. Walang halong galit sa biglaang pag-iyak ko o dahil sa ayaw kong humakbang papasok kahit sobrang ganda ng bahay nila.

"Pero gusto kong malaman mo na hindi ka namin minamadali," he continued. "Hahayaan ka naming mag-adjust. At your own pace."

Lumuhod din ang babaeng Abella sa harapan ko at tipid na ngumiti sa akin. "Kung nag-aalala kang gusto naming kalimutan mo ang mga magulang mo, hindi. Ayaw naming palitan mo sa puso mo ang mga magulang mo. Ang gusto lang namin ay alagaan ka. Hindi ka rin namin tatawagin bilang AJ na palayaw sa iyo ng mga magulang mo. We will call you Amara Jean instead."

She caressed my hair. Iniipit n'ya ang mga hiblang tumatakip sa mukha ko sa likod ng tainga ko.

"Hindi ka namin pipilitin sa ayaw mo, hija..." she said. "Pero hayaan mo lang kaming ituring ka bilang anak namin. At kapag kaya mo na, kung gusto mo, you can call us as Mommy and Daddy."

Hindi raw nila papalitan sa puso ko ang mga magulang ko. Aalagaan lang nila ako. Bilang isang anak nila.

Unti-unti kong itinaas ang ulo ko at tiningnan ang mga mukha nilang parehong may nakahandang ngiti sa akin. Pinunasan ng babae ang mga luha sa pisngi ko.

"Ready to go inside?" she asked.

The Abellas were too kind. Naghanda sila ng sarili kong kwarto. Iba't ibang klaseng mga laruan ang nandoon at naglalakihang mga stuff toy ang nasa kama ko. Siguro ay para malibang ako. Para hindi dumaan sa bata kong isip ang nangyari sa pamilya ko.

Hindi ko binibitiwan ang bag ko kahit na iniwan ako ng mga Abella sa loob ng kwarto at naiwan ako kasama ang napakaraming mga mamahaling laruang nandoon. 'Cause inside my bag were my parents' memories.

Nandoon iyong mumurahing manika na iniregalo sa akin ni Mama noong nakaraang birthday ko. Ang sulat ko para kay Papa para sana sa susunod naming pagkikita. At ang nag-iisang family picture namin na inilagay ko sa bedside table roon.

The Abellas did what they promised. Hinayaan nga nila akong mag-adjust sa bagong buhay na mayroon ako. Nahirapan ako dahil sa pitong taon ay sanay ako sa hirap. Na kailangang magtipid dahil hindi sasakto sa amin ang sweldo ni Papa. Na kahit may mga laruan akong gusto ay hindi mabili ni Mama. Kaya ang manikang binili sa akin ay kinailangan pang pag-ipunan.

Ngayon, halos linggo-linggo ako kung bilhan nila ng mga laruan. Mayroon pa ngang isang kwarto roon sa mansion na nakalaan para sa mga laruan ko. Kahit na noong sinabi kong hindi ko naman kailangan ng ganoong karaming mga laruan ay patuloy pa rin sila sa pagbili.

I knew that it's their way to reach out to me. Dahil kapag nagyayaya silang mamasyal na paraan para mapalapit ako sa kanila ay panay ang tanggi ko. Hindi naman nila ako pinipilit dahil iyon ang ipinangako nila sa akin. And I appreciated them because of that.

Kaya naman, unti-unti ay binuksan ko ang pintuan sa buhay ko para sa kanila. Hindi ko makakalimutan ang tuwa sa mga mukha nila nang unang beses na pumayag ako sa anyaya nilang mamasyal kami.

They were so kind. Sayang lang at hindi nila magagawa ang ganito sa totoo nilang anak. They couldn't produce a child as the woman was infertile.

Slowly, I began to open myself to them and eventually, I managed to accept them in my life.

"Mommy, na-very good ako ni Ma'am kasi ako lang nakasagot ng tama sa recitation!" bungad ko isang beses nang umuwi ako galing eskwela. Ipinakita ko pa ang tatak ng star na nasa kamay ko.

Nakita ko kaagad ang malawak na ngiti ni Mommy dahil sa sinabi ko. Nagulat pa ako nang makita na katabi n'ya si Daddy at nakaupo sila sa may sofa at nanunood doon sa may living room. Mommy was leaning on my Daddy's chest as his arm was around her shoulders.

"Ang galing naman ng anak namin," Mommy said as she spread her arms wide. Ngiting-ngiti akong lumapit sa kanya at agad n'ya naman akong niyakap. "Manang-mana kay Mommy."

I was leaning on Mommy while she's leaning on Dad. Dala ni Dad ang bigat naming dalawa pero hindi kami nakarinig ng anumang reklamo mula sa kanya.

"Anong kay Mommy? Kay Daddy kaya," angal ni Dad at napatingala si Mommy sa kanya.

"Sa akin nagmana ng katalinuhan 'to, 'no?"

I giggled. Masaya akong tinuturing nila ako bilang isa nilang tunay na anak. Simula nang gawin ko ang unang hakbang papasok sa mansyon ng mga Abella, hindi ko kailanman naramdaman na isa akong ampon. Sobra-sobra ang ibinigay nila sa akin. And I will be forever thankful for them because of that.

Kay tagal din bago ko natutunan na ibang apelyido na ang isinusulat ko sa papel ko kaysa sa kinagisnan ko. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi malungkot kapag Abella na ang isinusulat kong apelyido kasunod ng pangalan ko.

But nevertheless, I loved my new family.

I watched the televsion with them and I was just waiting for the commercial before I go up to my room para magpalit ng pambahay. Pero nang magpatalastas ay bumungad ang exclusive na balita na ikinatigil ko sa plano kong umakyat sa kwarto ko.

"Matatandaan ang suspek sa pagpatay sa anak ng presidente ng Keaton Telecomm, na si Eduardo Jimenez ay nasistensyahan ng habambuhay na pagkakakulong. Ilang araw matapos maihain ang sistensya ay nais umanong mag-file ng appeal si Jimenez dahil sa umano'y hindi katanggap-tanggap na desisyon ng korte para sa kanya."

Napatigil ako sa paglalakad papuntang hagdan nang marinig ang pangalan na sinabi ng reporter. Lumingon ako kung nasaan ang TV at nakita ang isang reporter na nasa harap ng sikat na kulungan sa Muntinlupa.

I stilled. Nakatitig lang ako sa TV at halos hindi na gumalaw. Bumalik sa alaala ko ang lahat. Ang alaalang gabi-gabi kong iniiyakan sa pagtulog ko.

The reporter was in the middle of informing the viewers more about the news when Dad turned off the TV. Agad na napatayo si Mommy at lumapit sa akin.

"Anak..." she said. Ramdam ko ang pag-aalangan n'yang lumapit sa akin.

Napaatras ako ng isang hakbang na ikinatigil ni Mommy sa paglapit sa akin. I saw the hurt in her eyes. Napatingin din ako kay Daddy na hindi alam kung ano'ng gagawin. Kung lalapit ba o mananatili na lang na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin sa takot na baka muli akong bumalik sa dati. Noong sarado ang mundo ko para sa kanila.

Kaya bago ko pa sila masaktan sa magiging reaksiyon ko ay tumalikod na ako at tumakbo paakyat ng hagdan, papunta sa kwarto ko at nagkulong sa loob noon. I heard my mom calling my name while knocking on the door. Halatang-halata ang pag-aalala sa boses n'ya.

I looked at the picture on my bedside table. Nandoon ang mga magulang ko, nakangiti kaming lahat sa camera. Mga panahong kahit na hindi marangya ang buhay namin ay masayang-masaya kami. Mga panahong sapat na sa amin ang magkakasama kami. Mga panahong hindi namin akalain na may mangyayari palang isang bangungot para sa amin sa hinaharap.

Hindi matigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakayuko at nakatitig sa larawan. Ang mga munting hikbi ko ay mas nakadagdag sa pag-aalala ni Mommy na patuloy pa rin na kumakatok sa labas kaya pinigilan ko ang paghikbi na kumakawala sa bibig ko. At a young age, I learned how to cry silently. 'Cause I didn't want to hurt those people who accepted me and showed me kindness even after everything.

I heard Daddy's voice trying to convince Mommy to let me be for awhile. Ilang saglit ay tumigil sa pagkatok si Mommy at sumunod ay ang mga yabag nila papalayo. Muli akong napahikbi nang masigurong wala na sila sa labas ng kwarto ko.

I didn't know how long I cried. Lumabas lang ako nang makaramdam ng gutom at uhaw. I noticed the lights on Dad's office were on. Sumilip ako sa loob dahil bahagyang nakabukas ang pinto at tinignan kung ano'ng ginagawa n'ya sa loob.

"Is Jimenez's case really that hopeless?" dinig kong tanong n'ya sa kausap n'ya sa telepono. He was looking at some papers in front of him while sitting behind his desk inside.

Bumuntonghininga s'ya sa sinabi ng kausap. Hinilot n'ya ang pagitan ng kilay n'ya na parang problemadong-problemado sa paksa ng usapan nila.

"Do you think the judge would approve his appeal if he decided to file it?" he asked. Napapikit s'ya nang mariin at tumango. "Alright. Call me if you get anything."

Bumuntonghininga si Dad at ipinatong ang mga siko sa table na nasa harap n'ya. Nakasalo ang mga kamay sa ulo na parang malalim ang iniisip.

I silently walked inside. Masyado sigurong malalim ang iniisip n'ya kaya hindi n'ya man lang naramdaman ang pagpasok ko. I stopped few steps away from his table.

"Dad."

Mabilis s'yang nag-angat ng tingin. Halata ang gulat sa mga mata n'ya nang makita ako. He opened his mouth to say something pero inunahan ko na s'ya.

"Abogado ka po, hindi ba?" I asked. He nodded.

Magsasalita na sana s'ya pero inunahan ko ulit s'ya. Alam ko kasi kung ano'ng sasabihin n'ya dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mga mata n'ya.

"Huwag po kayong mag-aalala. Hindi ko hihilingin na kunin n'yo ang kaso ni Papa," sabi ko.

I looked down. Pero mabilis ding nag-angat ng tingin at determinadong tumingin sa mga mata ni Dad.

"Gusto ko pong maging kagaya n'yo paglaki ko. Gusto ko pong maging abogado," I said. "Kaya sana po, matulungan ninyo ako."

Hindi s'ya nagsalita at pinanatili ang titig sa akin. I didn't back down. I stared back at him with determination in my eyes.

"Bata ka pa. Maaari pang magbago ang gusto mo sa pagdaan ng panahon," he said, and I quickly shook my head.

"Ito na po ang gusto ko. Gusto ko pong ako ang gumawa nito. At kailangan ko po ang tulong n'yo."

He stared at me so intently. Tinitingnan n'ya kung gaano ako kasigurado sa sinasabi ko. At nang makatiyak ay tumango s'ya.

"I'll help you, Amara Jean. Of course, I'll help you, anak," he said. "You have to talk to your father about your decision."

I made a small smile na parang nakampante ako dahil sa sinabi n'ya. I was doubting myself at first. Alam kong hindi ko kayang mag-isa so I was really glad that he was willing to help.

Gagawin ko 'to para kay Papa. Para sa tunay kong ama. I will do this for him. Para maipanalo ang kaso n'ya after I file an appeal at makalaya s'ya.

'Cause my father was wrongly convicted of a murder that he didn't even commit.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...