REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

126K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 5

1.8K 123 25
By spirit_blossom

"Simula ngayon si Gino na ang gagamit ng Scrambler," ang pahayag ni Papa sa amin, kinaumagahan.

Napatigil ako sa pagnguya ng sariling almusal at tila nabibinging bumaling sa kabisera.

"Hindi mo rin naman ginagamit, Rhiannon. I have decided it is best someone else will own it instead of leaving unused. Si Gino na ang gagamit ng Scrambler," ulit ni Papa na nakaupo sa karaniwan niyang puwesto.

Napakurap ako. Wala pang alas-ocho ng umaga at kasisikat pa lamang kanina ng araw. We have barely even started eating breakfast. Napaka-aga pa para makarinig ng ganito. Napalagpas ko nga ang una kasi baka inaantok pa ako, pero nang ulitin ni Papa; hindi na.

Pumutok na parang bula ang antok ko. The first person who invaded my mind was, Renzo.

"P-Pa.."

Bumaling siya sa aking seryoso ang mukha. "Bakit?"

I tried to reason out, but his stoic face made me recall last night. Nang makauwi kami sa mansyon kagabi ni isang salita walang lumabas sa bibig ni Papa. Dumiretso lang siya paloob. Ganu'n pa rin siya noong hapunan. Tahimik kaming kumain tatlo at ang tunog lamang ng mga kubyertos namin ang maririnig. Somehow, that scared the brat out of me.

I shouldn't be worried. I mean, I used to do rebellious stuff in getting his attention.. but not like the one last night!

Hindi ko nga kasalanan iyon! Si Gino at ang magaling niyang bibig ang pasimuno. Si Papa naman pinili maging bingi at pinaniwalaan talaga iyong ampon niya. Ngayon, imbis na ipaglaban ko ang totoo lalong umigting ang inis ko sa kanilang dalawa.

I really knew his silence meant something last night.

"That's mine, Papa! Hindi mo puwedeng ibigay iyon. Pupunta rin ako sa birthday party next week. I'm going to use it," katwiran ko.

"Nino?" in a stern voice.

I noticed the judgemental stare. Naalala ko bigla na 'di nga pala kumbinsido si Papa sa pagkakaibigan naming dalawa ni Renzo. Papa disliked him since that commotion at the club few weeks ago.

Napatingin tuloy ako sa kanan. "Uhm, some.. f-friend."

"Si Ava? I thought she celebrated her birthday last month. Hindi ba't paalam mo pa sa akin nu'n 'di ka gagabihin ng uwi? Hindi ka nga ginabi.. kasi inumaga ka naman;"

"Naaalala ko pa 'yun dahil 'di rin kita pinayagang uminom gawang bibisita sa atin since vice mayor kinabukasan. Yet, you came home tipsy. Oh, if you could only see the shock on my councilors' faces back then. Hindi ko alam ba't hiyang-hiya ako nu'n."

The sarcasm in my father's voice was distinct. Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Gino. I bit my lip. Bakit kailangan niya pang i-ungkat iyon ngayon?

Humarap ako sa sariling ama. Hindi ko sigurado kung namumula ako pero alam kong nang-init ang magkabilang pisngi ko sa labis na hiya.

"Do you even need to mention that?"

"Of course, child. I believe it's a different friend we're discussing here, yes? I have an inkling you're referring that.. boy."

I noticed the disgust in his tone. "Ba't ba ayaw mo sa kaniya? I like him and there's nothing you can do about it!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gusto mo ang durugista na binatang 'yon?"

Nailapag ko ang mga hawak na kubyertos. Hindi ako makapaniwala sa narinig ngayon lang!

"Ba't mo ba siya inaakusahang durugista? Hindi nga sa kaniya ang nakita noon ng mga pulis, Papa. Renzo's not like what you think. It was a frame-up!"

Papa laughed as if I'm being hallucinated. Umiling siya na tila ba sinasabi sa sariling pagbigyan na lamang ako.

"Naniwala ka naman agad? Nakalimutan mo na yata, Rhiannon. I command the police force here in our municipality. Noon pang nakararating sa akin ang mga ulat na suki ang binatang iyon. And, as a mayor exercising his power, I did my job. I ordered my men to jail him that night.. that same night you're convincing me it was a frame-up."

"Frame-up naman talaga!"

Bumalik sa akin ang alaala noong gabing inaresto siya ng mga pulis. We were partying in a nearby club until local authorities interrupted us. Policemen were seeking him with an inspection warrant. Hindi ko na maalala ang iba pa bukod sa kapkapan nga nila si Renzo.. bago akusahang nakitaan nila ng cocaine sa likurang bulsa ng pantalon.

I was shocked, of course! Wala naman kasing binabanggit sakin tungkol sa ganu'n si Renzo. Hindi siya gumagamit ng ganu'n. Hindi siya durugista. He was only caught in a frame-up!

"I told you countless times that was the truth! Sige nga.. ba't 'di niyo tinuloy ang pag-detain sa kaniya kung totoong user siya? I bet you just couldn't find strong evidences!"

Papa looked at me like I know nothing. Truth is, I really don't. Nakarinig na ako dati ng tsismis sa escuela na may ilan nga sa basketball varsities ang gumagamit ng isang klase ng droga. Pampagana raw sabi nila o parang ganu'n.

Paano si Renzo? I mean, he's the captain of the basketball team. Kung ang mga teammates niya nadadawit sa tsismis.. hindi kaya ibig sabihin..

I shaked the thought. No, he's different. Hindi sa kaniya ang nakita ng mga pulis. Siguro inutusan lang ni Papa ang mga pulisya na taniman ng ganu'n si Renzo para mapaglayo kaming dalawa.

"The boy was tagging you," sabi kalaunan ni Papa.

Natauhan ako sa kung anumang iniisip ko.

"Ikaw at ikaw raw ang tinuturo niya noong nasa presinto siya. Ulat ng mga pulis sa akin, pinagpipilitan daw ng binata na kasama ka niya pero ba't di ka raw inaresto; naroon ka rin daw dapat; 'wag daw sila maging bias dahil lang anak kita."

Nangerera ang puso ko. "H-he wouldn't say that."

"He did, child. Hindi alam ng mga pulisya ang susunod na gagawin dahil nagbanta ang binata na idadawit ang pangalan mo, ko, ng pamilya natin. Hindi ko man gusto ngunit pikit-mata kong dinisolba ang kaso para 'di na gumulo. Hindi ko rin piniling sabihin sa'yo dahil alam kong.. 'di ka maniniwala. He was a cunning young man, Rhiannon."

Hindi ko pa narinig ito noon. Wala naman kasing binanggit na ganito sa akin si Renzo. Noong tinanong ko naman siya, sabi niya wala naman kasing matinong ebidensiya na nakita bukod sa cocaine na nasa bulsa. Ganu'n lang. Wala na rin siyang ibang binanggit pero tanda ko nga na simula nu'n 'di niya na gustong napag-uusapan namin si Papa. 

"I d-don't believe you. S-stop hating him," sagot ko na napapailing at medyo 'di sigurado.

Papa looked tired. "He's only using you and that alone is enough reason for me to go against your relationship with him. Hindi mo ba makita ang totoong ugali niya?"

"Brat," kumento ni Gino.

I shot him daggers. He seemed busy eating breakfast but had the time to speak nonsense somehow. "Shut up!"

Tumingin siya sa akin. "O, ba't ka nagagalit? Totoo naman, eh."

Naramdaman ko ang pag-angat ng iritasyon ko sa kaniya. Naroon na naman ang pagkulo ng dugo ko sa damuho!

"This is a talk between a father and his child, Gino. Hindi ka kasali. Nakalimutan mo na bang ampon ka? Stop sticking your nose into something!"

Papa gasped. "Rhiannon! Sino nagsabing puwede mong pagsalitaan ng ganiyan si Gino? You are being rude!"

I looked at him in disbelief. Bakit pag kinakalaban ko ang isa sa kanila parati na lang silang nagtutulungan? Si Gino, si Papa. Si Papa, si Gino. Gosh, give me a break!

"Humingi ka ng patawad, Rhiannon." ma-awtoridad na utos ni Papa.

Hindi ako sumunod. Wala akong pakialam sa kung anong sasabihin o gawin niya. "No!"

"Rhiannon!"

"I said, no!" sagot ko at humalukipkip.

"Hindi ka hihingi o ibibigay ko talaga motor mo?" panakot naman ni Papa.

I screamed in my head. Oh, the frustrations of dealing with these men! 

Bumuga ako ng hangin at nakasimangot kong binalingan ang kinauupuan ni Gino. Hindi ko inasahang masisipat ko ang tampo sa mga mata niya dahilan para humupa ng kaunti ang inis sa damdamin ko. Bumagsak ng kaunti ang balikat sa nasaksihan.. nagtaka.

The pain in his oblivion eyes lingered for a couple of seconds before disappearing into nothingness. Hindi ko alam kung naglaro lang ba ng panandalian ang paningin ko kanina o talagang nasipat ko iyon sa mga mata niya.

Bumaling na siya sa sariling agahan. "Hindi na, manong. Pabayaan na natin.. sanay na naman ako sa kagaspangan ng ugali niya."

Nangirot ang dibdib ko sa narinig. Oh, okay.

"F-fine! Like I would ask forgiveness anyways," sabi ko naman tsaka pataray na umirap bago ibalik rin ang atensyon sa pagkain.

Papa sighed. "Ba't ba hindi kayo magkasundong dalawa?"

Sa kinahapunan rin ng araw na iyon nang pumunta kaming presinto para bisitahin ang ilan naming nasasakupan. We do this like some sort of family tradition. Hindi ko alam kung sino sa angkan namin ang pasimuno ng ganitong pamamaraan pero namulatan ko na lang ito katagalan. We just finished visiting the hospitals and foster homes last time. Ngayon naman sa presinto nga ang punta naming mag-ama.

Bumaba ako sa SUV. The securities were quick to escort me inside the precinct. Nauna nang pumaloob sa presinto ang ama ko pero may ilan pa rin sa mga press ang kumukuha sa akin ng pahagip na litrato. The flashes of cameras and the loud chants of our supporters registered to my sense of sight and hearing.

Hindi na bago sa akin ang ganitong environment dahil noon pa man sinasama na nila ako sa pangangampanya. Maginoo, on the other hand, was too caught up in the moment.

Huminto ako sa entrada. Lumingon ako nang maramdaman kong nawawala ang presensiya ng damuho. I was right about that. Looking back, I saw the jerk still standing next to our black SUV, waving the citizens like some freaking politician!

Hindi siya ganoong pinapansin ng mga matatanda naming nasasakupan pero pansin na pansin naman siya ng mga kababaihan—partikular ang mga dalaga. Humagikhik sila nang bumaling sa kanila si Gino. I got annoyed by it for unknown reasons. Those sluts.

"Sunduin niyo nga 'yung kalbo na 'yun. Hilahin niyo paloob kung kailangan," utos ko sa isang security bago pumasok paloob.

We were accompanied inside by the same policeman from last night. Si Officer Reyes. Humanap muna ako ng mauupuan habang nag-uusap ang ama ko at ang matabang opisyal. Hindi na gaanong naririnig ang sigaw ng mga tao na nasa labas kumpara kanina. I fished my phone out of my pocket and decided to browse the social media.

Naaasiwa talaga ako sa lugar na ito. Nakakasuyasok. Nakakabuwisit. Nakakainis. Wala naman akong magawa lalo't paborito ito ni Papa sa lahat ng mga pasilidad ng San Bartolome. Naniniwala kasi siya sa second chance at itong presinto raw ang nagsisilbing simula para sa ganu'n.

Papa believed that in life everything is amenable as long as given the chance. Dreams, mistakes, even.. love.

Bumuga ako ng hangin nang maisipang tumigil sa pag-cellphone. Bumaling ako sa binata na nasa kabilang sulok. Tahimik niyang pinagmamasdan ang kabuuan ng pasilidad. Dumapo ang paningin niya sa direksyon ko kaya nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

Umangat ang dalawang kilay niya.

Umikot naman ang mga mata ko.

Hindi kaya isa rin iyon sa dahilan kaya inampon siya ng tatay ko.. para bigyan ng pangalawang pagkakataon?

Bumuga ako ng hangin. Hindi sinasadyang naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kagabi rito rin sa iisang presintong ito. Gino was saying something back there. The look his charcoal-black eyes were giving me was different, like he knew something I do not, like he wanted to tell me something else.

He called me princess, though. Bakit dahil ba marangya ang buhay ko samantalang siya naman hindi? Was that the reason he wanted to tell me last night? Bakit kasalanan ko ba na napagkaitan siya ng magandang buhay?

Ugh. Ba't ko ba inaabala ang sarili sa kaniya?

Pumasok kami sa pasilyo ng mga selda nang matapos ang pag-uusap nina Papa at ng jail officer. Papa does this since prisoners aren't allowed to personally come out and greet us. Bumungad sa amin ang mga preso sa kani-kanilang rehas. Their eyes were following our very movement like owls in a thick forest. Tahimik lang ang iba pero may ilan rin na sinisigaw ang "mayor" o di kaya ang pangalan ng angkan namin. Fuego.

Nasa unahan sina Papa at ang jail officer samantalang kami naman ni Gino ang nasa likuran. Hindi ko alam kung mabagal ba kami o sadyang mabilis lang talaga sila sa harap. Nandoon na kasi sila sa distansya pero 'di naman kalayuan para 'di ko sila matanaw.

"You know, I got a huge feeling dito ka nakuha ni Papa," pabulong kong asar sa damuho.

Hindi naman ako maririnig ni Papa na ini-insulto ko ang ampon niya. Nandoon sila sa kalayuan. I grabbed this opportunity. I took this chance to fire back!

Gino was serious yet answered me, still. "Wala ang lugar na ito kumpara sa lugar kung saan niya ako nakita."

"Nakakulong dito ang ilan sa mga malalalang indibidwal ng bayan, Gino. Paanong wala ang lugar na ito sa pinanggalingan mo? Mema!"

"Mas delikado sa kinalakihan ko dahil araw-araw kong nakakahalubilo ang mga tinutugis ng pulis; 'di pa nakukulong at malaya pa rin sa labas."

I got intrigued. Hindi ko nga pala alam kung taga-saan ang buwisit na ito kahit ilang araw ko na siyang kasama sa mansyon. Wala namang nakuwento na kahit ano sa akin si Papa tungkol sa kaniya. I don't care, anyway.

"Scary naman pala! Saan ka ba niya nakita, huh?"

"Hindi makakatagal ang tulad mo roon. Wag mo nang alamin," sagot niya.

Hindi man siya tumitingin sa akin ngunit nararamdaman kong naiinis na siya. Nakikita ko ang pagkuyom ng panga ni Gino. Hindi ko mawari pero natutuwa akong nakakaganti na sa kaniya!

"Hulaan ko.. siguro sa informal community! Hindi ba mabaho sa squatters like their houses are dikit-dikit and magulo," pang-inis ko lalo.

Gino remained silent and kept focused on the corridor. Still, I sensed his emerging anger to my insults.

I pressed further. "Bakit 'di ka makasagot? Nakakahiya ba, Gino? Oh, please don't be. Wag mong ikahiya ang pinanggalingan—aah!"

I shrieked. Hindi ko na natapos ang pang-iinsulto sa kaniya dahil may humila sa akin pakaliwa.

Bumaling ako sa babaeng humablot sa braso ko. She had an unruly hair and two sad brown eyes. I find myself staring at her for unknown reasons. Hindi ko maintindihan pero imbis na gapangin ako lalo ng takot tila may kung anong hipnotismo sa mga mata niya ang nagpatahimik sa akin.

The female prisoner smiled. ".. ang laki mo na."

Napakunot ako ng noo.

".. ang laki mo na," ulit niya.

"Ugh, miss, could you," sabi kong nandidiri pero natigilan ako sa sumunod niyang sinabi sa akin.

"Ganiyan ang itsura ng nanay mo," sabi nga.

I turned silent. The beating of my heart got faster upon hearing her words. Mama had always been a sensitive topic for me. I don't usually talk about her with other people.. let alone a stranger.

Bakit kilala niya ang nanay ko?

"Patawarin niyo ko," sabi naman ng preso sumunod na parang nangingilid na ang luha.

Hindi ko na maitanggi ang pananambol ng dibdib ko. Hindi naman pala ako kinakausap ng babae. Napagtanto ko ito dahil nakatingin man siya sa akin pero malayo ang mga mata niya.

"B-bitawa mo nga –" sabi ko sana kaso kaagad siyang nag-hysterical.

"Patawarin niyo na ko ng tatay niyo! Nagsisisi na ko! Palayain niyo na ko! Patawarin niyo na ko!"

Gód, I got goosebumps! Is she crazy or something?

"Miss," boses ng nasa kabila.

Bumaling ako sa likurang rehas upang makita ang isa pang babaeng preso na nakamasid. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa bakal tsaka nakadungaw ang ulo sa amin.

"Huwag mong pakikinggan 'yan si Olivia. Naku, may saltik 'yan," sabi niya bago paikutin ang daliri sa tainga.

Bumaling agad ako sa babae; nataranta.

"Let me go!" sita ko sa preso pero tumaas lang ang kaniyang boses.

"Pakiusap.. hinihintay ako ni Bernado!"

I let a small cry. Bumaon ang mga kuko ng preso sa aking balat!

"Hindi mo ba narinig ang sabi niya? Bitawan mo siya," ma-awtoridad ngunit may nangangambang boses ni Gino ang narinig ko sa gilid.

Tumigil sa pagwawala ang babae nang hawakan siya ni Gino. Lumipat ang tingin niya sa katabi ko, at sa mga sandaling iyon nang makita ko kung paano bumalot ang takot sa mga mata niya. Bumilog ito na tila nakakita ng multo ng kahapon.

"M-Mamamatay-tao!" tili nito tsaka bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

Pumunta siya sa sulok.. humagulhol.. takot na takot na umiyak. 

Hindi ko masundan ang pangyayari nang mga oras na iyon. Sa harapan, sinasaway ng ibang preso ang babae dahil iyak ng iyak; napakaingay daw. Sa likuran, tumatawa sila sa nakikitang kumosyon sa kabilang rehas. Samantalang sa kaliwa at kanan, mayroong nagagalit at pinapaalis na kaming dalawa.

Gosh, I don't know what the freak is going on!!

Bumaling ako kay Gino. Siya lamang ang tanging tao na naisip kong takbuhan sa gitna ng gulong nangyayari sa presinto. Naroon pa rin sa loob ng rehas ang paningin niya. Naroon ang pagtataka sa mga itim niyang mga mata. Bumaling rin ako sa loob.

The prisoner was screaming and kept crying at the same time. She was terrified of us.

Hindi.. napagtanto ko habang nakamasid sa babae.

Hindi sa amin.. o sa akin.

Tumingin ako sa katabi.

Si Gino..?

Napaigtad ako sa gulat nang tumunog ang isang bakal. Napaharap ang katawan ko roon!

"Ba't napaka-ingay dito?!" sita ng jail officer habang hawak ang isang batuta na kakahampas lamang sa isang rehas.

"Chief, sinusumpong na naman si Olivia!" pag-alam ng babaeng kumausap sa akin kanina.

Tumahimik nga ang kabuuan ng selda nang dumating ang jail officer, pero hindi pa rin natitinag ang paninibok ng aking puso sa nadatnan.

"Rhiannon, ba't nandito pa kayo? Nandoon na sa labas si mayor.. hinihintay kayo," ani jail officer nang lapitan kami ni Gino.

"U-uh.." I stuttered. Shocks, I can't seem to find the right words to answer!

"Ok ka lang ba?" sabi ng baritonong boses.

Nagulat ako nang may humawak na naman sa akin sa braso. Napatingin agad ako kung sino. Si Gino.

He was looking at me with that worried look. Wala ngayon ang panunuya sa mga mata niya na karaniwang kong nakikita. There was nothing in his eyes now but pure concern.

Bakit niya ko ganiyan tingnan?

"D-Don't touch me," sabi ko na lamang bago mapagdesisyunang lumayas, kaso bago pa man ako makalayo nang tumayo agad ang babaeng tinatawag nilang Olivia.

".. aagawin niya ang lahat sa'yo.. aagawin niya ang lahat ng mayroon sa pamilya niyo," sambit niya.

I stared at her like she's some lunatic that she is. Pasalamat na lang talaga ako nasa loob ng rehas ang isang ito!

".. mag-ingat ka.. ipaalam mo sa tatay mo," bulong niya habang namamayagpag ang takot sa mga mata.

Dumiretso na ako palabas. Nadala man ako sa pananalita ng babae ngunit pinili ko na lang itong i-sawalangbahala. Hindi ko alam kung ba't 'di pa siya nililipat ng pasilidad samantalang malinaw na kailangan nitong tugunan ng gamot sa utak.

Gosh, I just found another reason to hate that petty place.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 30K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

109K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]