Dancing with the Devil

By Karmandit

63.4K 2.3K 90

●UN- Series: Gen.02 Book 1:The Devil's Lullaby Book 2: Dancing with the Devil BxB [Warning content] Pro... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Author's Note

Chapter 19

991 41 0
By Karmandit

3rd Person's POV;
"Hzeck."

Napatingin ang binatilyong guardian ng pumasok sa silid niya ang batang Acosta na dala ang bulaklak.

"Bud anong problema?" Tanong ni Hzeck matapos ibaba ang hawak na libro ng sumampa sa kama niya ang bata at bahagyang yumuko.

"Nahihirapan na si papa, Hzeck anong magagawa ko para makatulong?" Naiiyak na tanong ni Casspian na kinakamot sa ulo ni Hzeck bago nilapitan ang alaga at guluhin bahagya ang buhok nito.

"Bilang magulang CN mas mahalaga ang buhay ng kanilang anak kaysa sa kahit na anong bagay sa mundo." Ani ni Hzeck na kinatingin ni Casspian.

"Ibig sabihin kaya ba hindi makuha ni papa si daddy Arkhon dahil sakin?" Tanong ni Casspian.

"Not exactly CN, pero kung sakaling nakuha ni Kuya Cross si Kuya Arkhon ng walang pahintulot ng mga Freya siguradong magkakagulo at masasabi kong dehado si Kuya Cross lalo na't ayaw niya tanggapin ang pagiging Acosta."

"Gaano ba kahalaga ang impluwensya at estado para maging ganito ka complicated bumuo ng pamilya." Nalulungkot na sambit ni Cass na kinatingin ni Hzeck.

"CN masyado ka pang bata para problemahin ang mga ganyang baga---."

"Pero ayokong nahihirapan ang papa ko! Gusto ko ng buong pamilya kasama ang daddy Arkhon ko, Gusto ko maging masaya si papalolo!" Umiiyak na sambit ni Casspian bago bumaba ng kama at tumakbo palabas ng kwarto.

"Casspian." Bulong ni Hzeck habang nakatingin sa pintong pinaglabasan ni Casspian.
---
Katulad ng dati pag namimiss niya ang papa at nalulungkot siya pumupunta siya sa paborito niyang lugar sa palasyo.

Sa loob ng kagubatan na malapit sa ilog at maraming bulaklak.

Tahimik na umiiyak dun si Casspian habang inaalala ang mukha ng papa niya at mga narinig niya sa kwarto.

"Ayoko ng may nahihirapan dahil sakin, kung hindi lang ako mahina ... kung may kaya din akong gawin hindi mahihirapan ang papa ko."

"Sa batang limang taon na tulad mo dapat iniisip mo kung anong laro ang gusto mong gawin, anong gamit ang iyong sisirain at kainin ang gusto mong pagkain."

"Manahimik ka, hindi ko kailangan ng opinyon mo." Lumuluhang sagot ng batang lalaki na hindi inabalang tingnan ang binatang nasa likuran at nakasuot ng hood.

"Kung papayag ka sa kasunduan na nais ko, ibibigay ko lahat ng bagay na hinihiling mo ... kapangyarihan, impluwenya at proteksyon." Ani ng lalaki na kinatigil ng batang lalaki na ngayon ay nakatingin sa reflection nilang nasa tubig.

Hindi makita ang mukha ng lalaki na nasa likod pero kitang-kita ng batang lalaki ang ngisi nito na kinayuko bahagya ng bata.

"Ano bang gusto mo mangyari?" Bulong ng bata.

"Kailangan mo pumirma ng kasunduan sa age of 10 at magpapakasal ka sakin pagdating mo ng 21." Sagot ng lalaki na kinasimangot ng batang si Casspian bago nilingon ang lalaki.

"I'm 5 years old pa lang, why me?" Tanong ni Casspian matapos punasan ang pisngi.

"Is that yes? At nagtanong kana." Bored na tanong ng lalaki.

"I don't even know you, pano ako mag yeyes?" Nakakunot ang noong tanong ni Casspian bago tumayo at harapin ang lalaki.

Napataas ang gilid ng labi ng binata ng lumakas ang hangin at mahawi ang buhok ng batang lalaki na nagtatakip sa mata ng batang Acosta na ngayon ay nakatingala at nakatingin sa kanya.

"Makikilala mo lang ako pag nag 21 kana." Nakangising sambit ng lalaki bago tumalikod at humakbang palayo.

"Babalik ulit ako para makuha ang sagot mo." Ani ng lalaki.

"At nararamdaman kong nalalapit na yun." Nakangising bulong ng lalaki habang naglalakad palayo.
---
Lumipas ang mga araw na naging normal yun kina Casspian at Cross, ipagluluto ni Cross ang anak at makikipaglaro.

Pero pagdating ng gabi papasok si Cross sa kwarto at hindi na lalabas ganun ang naging routine ng binata na kinaalala ng ama nitong si Cadmus.

"Papalolo, okay lang ba si papa?" Tanong ni Casspian habang nilalaro nito ang toys na dala ni Cadmus galing sa england kung saan ito nagbusiness trip.

"Bakit mo natanong yan Cass? Mukha bang hindi okay ang papa mo? He always played with you naman diba?" Tanong ni Cadmus sa apo na kinatahimik ng batang si Cass ng ilang segundo.

Sa pagtahimik ng bata may idea na si Cadmus na naaapektuhan din si Casspian sa mga nangyayari sa paligid niya sa kabila ng pagpapanggap ni Cross na okay siya.

"Wag mo ng isipin ang papa mo, big boy na siya alam niya na ang ginagawa niya." Nakangiting sambit ni Cadmus bago marahang hinaplos ang buhok ng batang Acosta.

Cross Acosta's POV;
Nakaupo lang ako sa ibaba ng kama habang tahimik na iniinom ang hawak kong beer ng bumukas ang pinto at pumasok si---.

"Anong ginagawa niyo dito?" Bored na tanong ko bago nilaklak ang alak na hawak ko ng may umagaw nun na kinatingin ko sa taong humagis nun sa pader.

"Cohen easy ka lang."

"What the heck are you doing Acosta? Its been three months since ng magising ka sa pagkakacoma tapos iinom ka ng alak?" Singhal ni Cohen.

"Anong gusto niyong gawin ko? Hindi ako makatulog." Ani ko na kinabuga ng hangin nina Percy bago humakbang palapit sakin habang ang kambal na Sikat ay umupo sa kamang kinasasandalan ko.

"Tumayo ka diyan." Ani ni Cohen.

Pero hindi ako gumalaw kaya ang ginawa niya hinila niya ako papasok ng bathroon at---.

"Fuck!" Mura ko ng ibalya niya ako sa pader at buksan ang shower.

"Dela Cruz!" Sigaw ko ng magpapasag ako ng iturn niya sa cold water ang shower.

"Damn you!"

Ramdam kong hindi pa ito ang lakas ni Cohen, hawak niya ang kwelyo ng suot kong tshirt, nasasaktan ako pero bakit hindi ko man lang siya maitulak o magawa man lang pumalag.

Ramdam ko ang lamig pero hindi ang sarili ko, nararamdaman ko nanaman ang init ng mga mata ko pero hindi ko makita ang sarili ko na umiiyak.

"Nasan ang kilala naming Acosta ha?" May diing sambit ni Cohen.

"Walang Acostang mahina at hindi ito ang Cross na nakilala naming lahat! Naiintindihan mo ba ako Cross?"

Napayuko ako ng bahagya at napadaudos pababa ng mabitawan ako ni Cohen.

"Malakas lang ang loob ko Cohen dahil andiyan si Haru at Arkhon, mula pagkabata lagi ko ng kasama ...,ngayon wala na si Haru at si Arkhon hindi na ako maalala." Bulong ko habang natatawa ng mahina.

"Ayokong umasa sa pagiging Acosta ko dahil alam nating pareho na pag yun ginamit ko para ko na ding kinalabit ang gatilyong papatay sa anak at sarili ko."

"Ngayon Cohen sabihin mo? Dapat pa ba akong lumaban kung lahat na lang ng pipiliin kong daan dead end na?" Tanong ko na kinabuga ng hangin ng pinsan ko bago lumuhod sa harapan ko.

"Cross hindi ka naman nag-iisa." Ani ni Cohen na kinatingin ko.

"Oo nga Cross grupo tayo, willing ka naman namin tulungan kung gusto mo pa nga ipasara ko lahat ng airport dito sa pilipinas para hindi makalabas ang mga Freya at madala sa ibang bansa si Arkhon." Ani ni Chase mula sa pintuan kasama ang Redtape at sa likod nila si Elliot at Rise.

"So? Kailan ang Operation kidnappin si Arkhon?" Tanong ni Rise.

"Kidnappin?" Ulit ko na kinatinginan ng kambal na Sikat.

"Kikidnappin natin si Arkhon." Ulit ni Percy na kinakunot ng noo ko.

"Sira na ba ang ulo niyo? Ayoko ng ipilit ang sarili ko ... suko na ako." Sagot ko bago tumayo at pinatay ang shower.

Tatalikod ako ng---.

"Fuck!"

Mura ko ng ibagsak ako ni Cohen matapos pilipitin ang braso ko papalag ako ng---.

"Bitawan niyo ako! Hzeck! Daddy!" Sigaw ko habang pilit na pumapalag at--.

"Putangina niyong lahat! Pagnakawala ako dito dudurugin ko ang buti ng bawat parte ng katawan niyo!" Sigaw ko matapos nila ako pinagtulungan at itali.

Damn it ano bang pinaplano ng mga gagong ito.

"Pasensya na leader pero hindi kami papayag na bigla kana lang sumuko sa laban na hindi mo pa nasisimulan." Ani ni Iggy na nakahawak sa braso ko.

"Pwede ba wag niyo na ako pakialaman! Ayoko na nga diba? Bitawan niyo ako!" Sigaw ko na kinatawa ng kambal na Sikat.

"Sorry bud isang linggo namin itong pinagplanuhan kaya hindi kami papayag na basta kana lang gumive up."

"Ayaw naming multuhin ni Haru at nangako kami sa kanya na tutulungan ka namin sa ayaw mo man o gusto." Dagdag ni Percy at---.

"Ano ba sa salitang ayoko na ang hindi niyo maintindihan?!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakagapos ko.

Naappreciate ko ang tulong nila pero hindi ako papayag na pati sila mapahamak, hindi ko na kayang mawalan pa ng isang kaibigan.

"Pasensya na dude pero nakapagdecide na kami, pupunta tayo sa mansyon ng mga Freya at kukuhanin natin ang bagay na dapat sa isang Acosta." Ani ni Cohen matapos hilahin ang tali at pinagtulungan akong itayo nina Iggy at Chase.

Kakawala ako ng---.

"Arghh!" Daing ko ng buhatin ako ni Elliot na parang isang sakong bigas.

Mas matanda ako sa mga putanginang ito pero nevermind sa height at laki ng katawan. Nag gigitgit ako kakagatin ko si Elliot ng may magpasak ng panyo sa bibig ko na kinamura ko sa isipan.

'Fuck you Rise Sikat!'

Sigaw ko sa isipan habang pilit na tinatanggal ang panyo na nasa bibig ko.

"Andiyan na pala kayo, dito ba kayo magdidinner?" Balewalang tanong ni daddy matapos ko siyang tingnan ng masama nang natatawa lang akong tinitigan habang nasa balikat ni Elliot.

"Hindi na tito, busy kami eh idedeliver pa namin ang package na ito sa mga Freya." Pangisi-ngising sagot ng putanginang si Cohen.

"Take care papa, I love you." Nakangiting sambit ni Casspian ng tangkain kong humingi ng tulong kay Hzeck na nagtatakang nakatingin samin.

"Arghfhhhjjkj![daddy!]

Kumaway lang si daddy nang maglakad na palabas si Elliot ng tangkain kong magpasag.

'Damn it!'

Continue Reading

You'll Also Like

327K 11.5K 64
Ashton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That'...
13.7K 343 3
WARNING ‼️: Matured Content | Mpreg | R🔞 | BxB STATUS: ONGOING POSSESSIVE HUSBAND SERIES ONE WARREN VERGARA Written by: JOHYEONRA Warning!! Sexual E...
254K 10.1K 55
Prologue "I-Ikaw ba ang pinagkakautangan ng papa ko?" nauutal na tanong ng binata sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sa pwesto niya. "I didn't expe...
361K 11.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.