Open the Gates of my Heart Ag...

By kryshanixxim

17.6K 786 43

A man who has as hard as rock heart met a lady who is professional and funny. Ang lalaking ito ay hindi ganit... More

Open the Gates of my Heart Again (Hacienda Sevida Series #1)
MUST READ.
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 24

329 17 2
By kryshanixxim

AFTER EARTH signed all of the documents, agad siyang napasandal sa swivel chair at pinikit ang mga mata, hinilot-hilot niya din ang kamay niyang namamanhid na kakahilot,

Nang maibuka ang mga mata ay agad napako ang paningin niya kay architect Caroline na nakatulog sa mesa.

After the awkward moment earlier si architect Caroline ang naglinis ng mga kalat sa opisina niya at kahit na ayaw ni Earth ay nagpumilit ito at magpresenta sa paglilinis ng opisina,

Tumanggi pa ito nang inutosan niyang itapon ang basag na wedding picture nila, ang sabi pa nito ay pwede naman daw palitan ang salamin na nabasag,

She thought Earth will trow it just because it's broken, Earth want to throw the frame because he don't want to remember about their arranged marriage anymore.

Nang sabihin naman ni Earth kanina na umuwi siya ay agad itong pumalag at umupo sa sofa at nagmukmok na parang bata,

Napatingin siya wrist watch niya at napatayo nang makitang alas kuwatro na ng madaling araw, hinubad niya ang leather jacket niya saka niya ito pinatong sa likod ni architect,

Nakatulog ito sa mesa. Kanina kasi habang nagpipirma at nagre-review si Earth sa mga documents ay nagda-drawing naman si architect, mabuti nalang at may isa pang mesa sa conference room kaya iyon ang ginamit niya,

Napasilip si Earth sa dinrawing ni architect, Floorplan pa ito pero halatang ginawa ng ilang oras dahil sa mga sukat sa bawat sulok, binasa niya din ang gilid ng papel at naka label ito na 'first floor'. Napabaling si Earth sa mukha ni architect na natutulog, hawak pa rin niya ang lapis sa kaliwa at t-square sa kanan,

Napangiti siya ng bahagya saka siya umatras muna at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya ang guard sa baba at inutosang pumunta sa office niya, nang maibaba ang tawag ay agad siyang napaharap sa picture frame na nabasag,

It was the happiest day of Earth's life. Even though it's an arranged marriage, Earth fell in love with his wife and never failed to express it, walang araw na hindi sinasabihan ni Earth ang asawa niya na mahal niya ito, walang araw na hindi niya maalala ang asawa, walang araw na hindi siya excited sa pag-uwi dahil nakaabang ang asawa niya,

Natigil siya sa pag-iisip nang nakarinig ng katok sa pinto, agad siyang lumapit dito at binuksan, humarap naman sa kaniya ang guard.

"Bakit po sir?" tanong nung guard, mababasa naman sa mukha ng guard ang takot.

"Ahm, please throw that picture away" utos niya sa guard sabay turo sa picture frame nila ng asawa niya "burn it. I want you to be quite about it, naiintindihan mo? Wala ibang makakaalam na pinasunog ko yan sa'yo" bilin ni Earth, agad naman kumilos ang guard, pumasok ito sa opisina saka kinuha ang basag na frame, naglikha iyon ng ingay na maaaring makagising kay architect kaya agad siyang pumalag,

"Be careful!" mahinang sigaw niya sa guard na agad naman humingi ng tawad. Umalis din agad ang guard sa opisina saka naman lumapit si Earth sa mesa ni architect Caroline saka niya ito sinubukang gisingin pero masarap ang naging tulog nito kaya naman ay nagdesisyon siyang mamaya nalang niya gigisingin,

Umalis si Earth sa tabi ni architect saka siya naglakad papunta sa glass window ng opisina niya, 

Unti-unti ng lumiwanag ang kalangitan ngunit kahit ganoon ay kung saan-saan lumilipad ang isip niya,

Naalala niyang bigla ang mga ala-ala nila ni Bella hanggang sa mga pag-aaway nila. Minsan din ay naaabutan niya si Bella na umiiyak,

"Should I let my feelings go?" mahinang tanong niya sa sarili, pinasok ni Earth ang mga kamay sa bulsa ng jeans niya saka muli siyang nag-isip,

He's really not sure about letting his feelings go. But it's hurting him. The truth that his wife never loved hime hurt him.

Then he turned his gaze to architect Caroline. He never thought architect would be there during his emotional breakdown. He never imagined architect Caroline to be his weakness, napasok sa isip niya ang biglang panghihina niya kanina nang yakapin siya ni architect.

Lahat ng mga kapatid niya, pati lolo at lola niya, maging ang papá niya ay tinutulak siya kay Architect at sinasabing may gusto si Earth sa kaniya

'May gusto nga ba ako sa kaniya?'

Tanong ni Earth sa sarili, it's true that architect made him smile. She really did. But that doesn't mean that he likes architect , right?

"Mr.Sevida..." rinig niyang sabi ni architext kaya agad naputol ang paglalakbay ng isip niya, gising na pala ito,

"You're finally awake. Pick up your things and we'll go home" ani niya dito, agad naman itong napatango saka nagsalita,

"Pasensya na po kung nakatulog ako, kanina pa po ba kayo naghihintay? Sana po pala ginising niyo nalang ako" rinig niyang bulong ni architect sa may hulihan,

Napailing-iling naman siya saka nilagay ang ibang dukomento na dadalhin niya sa bahay sa box saka siya nag-salita,

"Sabi kasi nila wag daw gisingin ang mga architect sa mahimbing na tulog baka daw yung mukha ang malagyan ng design" pabirong sabi ni Earth saka tinapos ang paglagay sa box ng mga documents,

"Sino nagsabi non?" natatawang sabi ni architect "ang pangit kasi" dagdag naman ni Earth dahilan para mapatawa siya ng malakas, paano ay siya lang naman ang may gawa ng kasabihan na 'yun.

"Ikaw ba may sabi nun?" tanong ni architect sa kaniya, pasekreto naman siyang natawa,

"Yes. And because you said it's ugly, kaltas ang sweldo mo" pangbabanta niya, agad naman napamaang si architect,

"H-Hoy, joke lang naman yun Mr.Sevida" ani ni architect, tumalikod naman siya para itago ang ngiti saka niya kinarga ang mga box na may lamang dokumento.

"Joke lang yun Mr.Sevida!" Rinig niyang sigaw ni architect nang makalabas siya ng opisina, narinig niya ang mga yabag ni architect sa likod niya kaya naman binilisan niya ang paglalakad

"Mr.Sevida joke lang talaga kasi yun" rinig niyang sabi ni architect, napangiti naman siya ulit.

"Kakaltasan ko ng 50% ang sweldo mo" panunukso ni Earth kay Caroline na agad napanguso,

"Ang laki naman, pangit lang naman sinabi ko ah" nakangusong sabi ni architect.

"Fine, 30%" panunukso niya,

"Ano? Ang laki pa rin" giit ni architect.

"Hmm 35%?"

"10% nalang" ani pa ni architect dahilan para mapatawa siya ng malakas.

"Totoo naman kasi eh, hindi naman kasi ganoon yun" ani pa ni architect sa kaniya, tumigil naman siya sa paglalakad saka nilingon si architect habang hawak-hawak pa din ang box,

"Sige, hindi ko kakaltasan an sweldo mo kapag mapalitan mo yun ng mas mahaba pa" panghahamon ni Earth.

"Sige ba" pakikisakay ni architect. "Kung gusto mo gumanda ang iyong bahay humanap ka ng architect at patulogin mong tunay🎶" pagkanta ni architect, paggaya sa tono ng kanta ni Andrew E, napatawa naman ng malakas ni Earth.

"Totoo! HAHAHAHAH!" Natatawang sabi naman ni architect sa kaniya,  napatawa lang sila hanggang sa makasakay sila sa elevator,

Nang makasakay sila sa elevator ay pinindot ni Earth ang first floor, gulat ding napalingon sa kaniya si architect.

"Pano? May kaltas pa ba ang sweldo ko? Tumawa ka joke na yun HAHAHA" Natatawang tanong ni  architect sa kaniya, 

"Plus 50% HAHAH benta nga HAHAHA" Natatawang sabi ni Earth.

"Hala bakit tayo pababa?Hindi ka ba sasakay sa chopper niyo? P-pagod ka ah, hindi ka pwede mag-puyat" sunod-sunod na tanong ni architect,

"We'll be using my car and don't worry I'm used to it." tipid niyang sagot kay architect Caroline.

"Sigurado ka ba? Baka makatulog ka sa byahe" tanong na naman ni architect sa kaniya, tiningnan niya lang si architect at hindi na sumagot, sakto namang bumukas ang elevator kaya naman ay  lumabas na siya.

"Nope, I'll harm a beautiful architect like you if I let myself sleep while driving"




"SAANG restaurant mo gusto kumain ng  breakfast? It's nearly six in the morning and  we're still traveling, I'm hungry" ani sa kaniya ni Mr.Sevida habang nagmamaneho,

"May bukas ba sa oras na ito? Gusto ko kumain ng lugaw" sagot naman ni Caroline,

"Meron doon sa bayan malapit sa hacienda, kung makakapaghintay ka" ani naman ni Mr.Sevida,

"Okay lang, as long as kaya mo pa mag drive" sagot naman ni architect.

"Hindi mo nasabi sa akin ang reason bakit gusto mo ng magtrabaho agad" paalala sa kaniya ni Mr.Sevida.

"Ah, kasi ano...kailangan dibang matapos within a year ang pag renovate ng mansion niyo? Kailangan madaliin, hindi niyo naman ako binayaran para maging prinsesa lang. Saka may—"

*Earth's phone ringing*

Dahil nagri-ring ang cellphone ni Earth ay naputol ang iba pang sasabihin ni Caroline. Agad naman sumenyas si Earth na sagutin ang phone, tinuro naman niya ang sarili niya para siguradohing siya ang sasagot, tumango lang naman si Earth.

"Hello?" pag-sagot niya sa tawag.

"Hey, I was about to call Mr.Sevida about you, hindi kasi kita macontact" rinig niyang sabi engineer Joseph mula sa kabilang linya,

"Joseph. Ikaw pala" ani ni architect.

"Yes, wala ka pa dito sa barrel house, where are you at?" tanong ni Joseph sa kaniya.

"Ah pauwi—" hindi na natuloy ni architect ang pag-sagot niya nang bigla itong kunin ni Mr.Sevida saka ito ang sumagot kay Joseph

"We're good. Dead bat na ang phone ko kaya sorry. Bye" ani ni Mr.Sevida bago pinatay ang tawag. Napamaang naman siya sa gulat.

"A-anong ginawa mo?" nagtatakang tanong ni Caroline kay Mr.Sevida na nagpatuloy lang sa pagmamaneho,

"I'm hungry" sagot ni Mr.Sevida sa kaniya, napataas naman ang kilay niya,

"Soooo???" nagtatakang tanong niya, binalingan naman siya ni Mr.Sevida saka hininto ang sasakyan.

"We're here" sagot nito, agad naman siyang napatingin sa harapan ng sasakyan. Agad bumaba si Mr.Sevida sa sasakyan na agad naman niyang sinundan.

Biglang kumalam ang sikmura ni Caroline nang maamoy ang lugaw kaya agad niyang sinara ang pinto ng sasakyan at sumunod kay Mr.Sevida 

"Maayong buntaaaag!" bati sa kanila ng tindera nang makapasok sila sa loob.

"Maayong buntag sad. Dalawang order ng aruzcaldo" ani ni Mr.Sevida.

"Right away sir, maupo po muna kayo doon sa taas, maganda ho tingnan ang boung hacienda Sevida dito tuwing umaga, kung gusto niyo po tingnan ang kabilang hacienda ay naroon po sa likoran ang hacienda De Salvador" nakangiting sabi nung tindera, nagkatinginan naman silang dalawa ni Mr.Sevida, akmang magsasalita naman si Caroline nang maunahan siya ni Mr.Sevida.

"Sige po, dun na kami sa taas" ani ni Mr.Sevida. Saka siya tinulak papunta sa may hagdanan, binitawan na siya ni Mr.Sevida nang makarating sila sa balcony,

"That's the whole view of the Sevida." Turo niya. Napamaang naman si Caroline at napangangha dahil sa paghanga sa sobrang laki ng hacienda Sevida.

"Ang laki pala talaga, saan diyan ang lupa mo?" tanong ni Caroline kay Mr.Sevida na nakapamulsang tiningnan ang hacienda Sevida.

"From the barrel house to the rancho. That's mine. And the rest is owned by my siblings" sagot ni Mr.Sevida sa kaniya.

"Hindi niyo ba naisip na ibenta ang lupain?" tanong na naman ni Caroline.

"Nope. We received the money that we want every month. Why sell them?" Patanong na sagot ni Mr.Sevida napa 'ohh' naman siya.

"Hindi ka ba napapagod? I mean ang dami mong companies na hinahandle. Malimit pa secretary mo"

"Nope. It's for the future"

"Mr.Sevida, how about Celestine, alam ko out of the blue ang tanong pero..gusto ko lang talaga malaman. Ganito nalang ba palagi ang trato mo sa anak mo?" tanong niya kay Mr.Sevida, napabuntong hininga naman si Mr.Sevida.

"I am currently thinking on how to approach her, how to tell her the truth about her mother. I can't face her" sagot ni Mr.Sevida.

"Alam mo, nung bata ako, lumaki akong walang ina dahil sobrang bata ko pa nung mamatay ang totoo kong ina. Naalala ko, kahit na mahirap kay papa na sabihin sa akin ang totoo, sinabi niya pa rin dahil alam niyang kapag hindi niya sinabi ang tungkol kay mama, lalaki akong may galit sa kaniya. At ayaw niyang mangyari yun. Naghihintay lang naman si Celestine sayong sabihin sa kaniya ang tungkol sa mama niya,Mr.Sevida. May idea na siya pero ayaw niyang sabihin, kaya kung ako sa'yo kahit maaga pa, sabihin mo na, dahil hindi mo gugustohin lumaki si Celestine na may galit sa'yo. Iba ang sakit kapag anak mo ang galit sa'yo. Si Celestine nalang ang natitira mong alaala sa namayapa mong asawa, kung gusto mo makabawi sa asawa mo, ipakita mo yun sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa anak mo. You willl never the feeling of love from your child once you start loving them too. Alam ko...mahal mo si Celestine, ipakita mo. Above all the love you need to invest, loving your family is the most worthy. It is worth fighting for, trust me. The emptiness you felt right now, Celestine will fill it up." Mahabang sabi niya kay Mr.Sevida na mataimtim siyang tiningnan.

"You sounded like a you're a mom." Nakangiting sabi ni Mr.Sevida. Mapait naman siyang napangiti,

"I am" sagot ni architect dahilan para lingonin siya ni Mr.Sevida sa gulat, napatawa naman siya "joke lang! Ang seryoso mo naman" natatawang sabi ni Caroline

"Kaya ganiyan ako magsalita kasi nakikita ko ang bawat side ng magulang sa mga anak nila. Nakikito ko yung side na pinapakita ng magulang ang pagmamahal sa anak dun sa kapatid kong si Kathleen, sayo ko naman nakita yung side ng isang magulang na natatakot ipakita ang pagmamahal nila, kaya na compare ko." Sagot ni Caroline saka siya tumalikod at umupo sa may upoan, sumunod naman sa kaniya si Mr.Sevida,

"It's her birthday next week. I want to organize a party, any suggestions for the theme?" Tanong sa kaniya ni Mr.Sevida agad naman niya itong tinaasan ng kilay,

"Hello? Kung gusto mo maging close ngayon ng anak mo, start it today. Why don't you ask her kung anong mga favorites niya? Build a relationship between you. Wag ka tanong ng tanong, gutom na ako" ani ni Caroline dahilan para matawa si Mr.Sevida sa kaniya, sakto namang dumating na ang order nila kaya nagsimula na sila sa pagkain.

-to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

453K 7.6K 44
A/N: This story may contain SPG that is not suitable for very young readers. So, if you are not open-minded, better back-off, I don't need you here...
8.5K 336 24
Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong walang balak na mahalin ka? Hanggang kailan ka magtitiis sa mapanakit na pag-ibig? *** Thalia Meissele Lop...
3.8K 133 27
Billy is a senior high student. She's not well known in their school but that's not a problem, actually she's enjoying being an invisible. No one's w...
569K 12.3K 51
[13+] This story contains matured contents. Ryker Gunn Thompson is known for being a playful womanizer slash hot billionaire; he needs to get married...