Kasalukuyan kong tinatawagan ang aking kasintahan , break time kasi namin ngayon kaya naisipan kong kamustahin siya na nasa ibang school pa . Grade nine pa lang ako nung makilala ko siya through facebook , grade eleven naman siya that time. At ngayon grade evelen na ako at siya naman first year college.
Nakailang tawag na ako kay Brinson ngunit hindi pa rin sinasagot. Dati rati naman naman isang tawag ko lang sakanya sinasagot na niya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Isinantabi ko muna ang lungkot **baka busy lang siya** dikta ng utak ko.
Ako nga pala si Plett, hindi kagandahan ngunit kaya kong magpahalaga. Nung una nagtaka kung bakit ako ang napiling ligawan ni Brinson Weigl isang napakagwapong lalaki at nagaaral pa sa isang isklosibong eskwelahan sa aming bayan pero dahil masiyaga niya akong linigawan ay nahulog na rin ako sakanya.
Paguwi ko sa aming bahay , nagmano muna ako sa mga magulang ko saka nagtungo sa maliit kong kwarto. Tinawagan kong muli si Brinson nagbabakasaling masagot na niya ang tawag.
Ring lang ng ring , masiyaga akong naghihintay mahal ko nga kasi at sa pangatlong pagkakataon ay sinagot na niya ang tawag. Napasambit na lang ako ng "Salamat sa Diyos " dahil sa kagalakan.
"Babe! Salamat naman at sinagot mo ang tawag ko" masigla kong sabi.
"Bakit ba? " maikling sagot niya
" Wala man lang "Hi" ne "Hello Babe " man lang ? " nagtatampo kong turan. Napanguso na lang ako bigla.
" Alam mo naman na marami ako ginagawa. Aral dito, aral doon. Sasabay ka pa ! " pagalit niyang sagot.
" Sorry na Babe namimiss na kasi kita. Dati naman ikaw ang kusang tumatawag saakin kahit busy ka pa naaalala mo akong tawagan " mahaba kong litaniya sakanya.
"Ikaw na rin ang nagsabi "Dati yun "
" Ano bang ikinakagalit mo? "
mahinahon kong tanong. Ayaw ko kasing dagdagan ang galit niya.
"Nakakaasar kana kasi ang kulit kulit mo tawag kapa ng tawag!" Galit parin siya. Napabuntong hininga na lang ako.
" Sorry babe, sa susunod hihintayin na lang kitang tumawag saakin nang saganon hindi kana makulitan sa akin."
Magsasalita pa sana ako ng babaan niya ang ng linya. Pakiramdam ko wala na akong halaga sakanya pero pilit ko parin siyang iniintindi dahil mahal na mahal ko siya.
Ganito pala ang feeling na mabalewa ng taong mahal mo masakit sa dibdib na sa iyak mo lang mailalabas ang sakit.
Pinandigan ko talaga na hindi siya kulitin sa kakatawag pero minu-minuto ko naman chinecheck ang phone ko baka magtext siya kahit man lang tuldok kuntento na ako. Pero nadismaya ako ni isa wala akong natanggap mula sakanya.
Ilang linggo akong naghihintay , umaasa na maalala niya ako. Sa mga nagdaang linggo marami akong naririnig na tsismis na nakita nilang may kaholding hands ang nobyo ko. Sanaktan ako sa tsismis oo pero gusto ko munang makasiguro kung totoo bang niloloko niya ako . Kung sakali man na totoo maluwag sa loob kung palayain siya kahit mahal na mahal ko pa siya.
Sumunod hindi na lang mga tsismis ang kumakalat kundi may proweba na . Nakuhanan ng litrato ng isa sa mga schoolmate ko na nakayakap si Brinson sa likod ng babaeng opposite ko , mayaman at maganda. Kusang nagsilaglagan ang mga taksil kung mga luha. Bakit kaya luha ang kasunod ng sakit?
Kahit sobrang sakit na pilit kung nilakasan ang loob . That time napagdesisyunan kung puntahan na si Brinson sa kanilang eskwelahan. Sinamahan pa ako ng mga classmates ko hindi para suportahan ako kundi para makumpirma talaga nila kung totoo ngang niloloko ako ng boyfriend ko. Ni isang kaibigan wala ako kaya umaasa ako sana hindi totoo ang lahat. Si Brinson hindi lang kasintahan ang turing ko sakanya kundi isa ding kaibigan.
Kinakabahan akong pumasok sa gate ng paaralan , ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid baka nasa paligid lang si Brinson. Nakaagaw ng atensiyon ko ang kumpulan ng mga estudyante hindi kalayuan saakin. At may kasamang sigaw at tili ng kababaihan na parang kinikilig sa eksena.
Nacurious ako kaya lumapit ako sa kumpulan pilit kung sinisiksik ang sarili ko sakanila. Pagkarating ko sa gitna ng kumpulan una kung napansin ang hugis puso na pinalibutan ng mga petals ng red rose. Kikiligin na sana ako ng mapansin ko ang dalawang taong nasa gitna ng puso , may hawak na bouquet ng bulaklak ang lalaki saka iniabot sa babae.
Sunod lumuhod ang lalaki , pagluhod niya don ko lang naaninag ang mukha ng babae.
" Will you be my girlfriend again Shea ? "
Para akong nabingi panandalian dahil sa boses na narinig ko.Napaluha na lang ako sa realisasyon.
"Yes , Brinson Weigl. I love you! " sagot ng babae hindi na lang iyak kundi hagulhol na habang pinapanuod si Brinson na niyakap ng mahigpit ang babae.
Tumalikod na ako ,balak ko na sanang humakbang ng...
" I love you too Shea , ikaw lang mula pa noon hanggang ngayon mahal na mahal kita."
Ang mga katagang iyon ang lalong nagpagimbal saakin tumakbo ako palayo sa kanila palayo sa kaniya.
Hindi ko namalayan nakalabas na ako ng kanilang paaralan ng marinig ko ang sigaw...
" Plett tumabi ka masasagasaan ka!" sigaw ng classmates kung nakasunod pala saakin .
Huli na nung napagtanto kung nasa gitna na ako ng kalsada at may humaharurot na sasakyan patungo saakin.
Parang nakaglue na ang mga paa ko sa semento hindi ko maihakbang .
Hindi man lang ako nakaramdam ng takot habang papalapit ang sasakyan, tuloy tuloy parin nagsisigawan ang mga tao sa paligid ko.
Huli na nung maramdaman kung tumilapon ako kung saan man ramdam ko ang pagsakit ng katawan ko ngunit nangibabaw ang sakit sa puso ko.
Nahihilo na ako siguroy epekto ng pagdurugo ng utak ko nanlalabo na rin ang mga mata ko huli kung nakita ang mga taong nakapaligid saakin saka unti unting sumarado ang mga talukap ng mga mata ko.
Sigawan ng mga tao sa labas ng esklosibong paaralan, nasaksihan ng mga estudyante ang pagtilapon ng isang dalagita sa kalsada. Nilapitan ng mga tao at mga classmates ni Plett. Naliligo sa sariling dugo si Plett hindi alam ng mga tao ang gagawin.
"Tumawag kayo ng ambulansiya! " turan ng nagaalalang ginang. Nagtinginan naman ang mga tao sa isa't isa.
" Aaahhh Distansiya o Ambulansiya?" singit ng isa.
"Distansiya!" sagot ng mga sutil na mga estudyante.
"Sabi ko tumawag kayo ng Ambulansiya malala na ang lagay niya" ulit na turan ng ginang.
" Tumawag daw kayo ng ambulansiya !" babae 1
" Tumawag daw kayo ng Ambulansiya! " babae 2
" Tumawag daw kayo ng Ambulansiya! " lalaki 1
"Mga T*nga hindi ko sinabing ulitin niyo isa isa !" inis na sambit ng ginang.
" Mamamatay na itong tao hindi niyo man lang ipagana yang mga utak niyo kung may laman nga ba. Ganyan na ba talaga kayong kabataan walang pagmamalasakit sa kapwa at pagpapahalaga ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sainyo! " mahabang litaniya ng ginang.
Dahil sa kumunsiyon na naganap naintrigang puntahan nina Brinson at Shea. Pagkarating nilang dalawa sa kumpulan ng mga tao , nakita ng malapitan ni Brinson ang nakahandusay na katawan ni Plett.
Lumuhod siya rito at maingat na hinagkan kahit pa duguan na rin siya. Hindi na napigilan pang umiyak ni Brinson para sa dalaga.
" Brinson bitawan mo yang hampas lupa mong girlfriend ngayon din! Patay na siya Brinson! " matinis na sigaw ni Shea.
Hindi makikitaan ng pagkaawa si Shea para kay Plett kundi para pa itong masaya sa nangyari.
"Tumigil kana Shea! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala saakin si Plett! " gigil na sagot ni Brinson
" Huwag mo ipasa saakin ang sisi!. Kung sana nakipaghiwalay ka na agad hindi mangyayari to sakaniya! "
" At bakit hindi huh Shea kung hindi dahil sa kasakiman at kabaliwan mo hinding hindi ko gagawin iyon ang lumuhod sa harap mo at sumunod sa mga utos mo!"
"Ahhh ngayon nagsisisi ka pwes magsisi ka hanggang huli dahil wala na siya at hinding hindi kayo sasayang parehas kahit pa sa kabilang buhay!" huling turan ni Shea saka tumalikod palayo sa kumpulan.
Wala nang nagawa ang ilan kaya nagialisan na rin sila at binuhat na ni Brinson ang bangkay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Paglipas ng ilang araw naipalibing na rin ang bangkay ni Plett. Mahaba habang explinasyon ang naganap sa pagitan niya at ng mga magulang ni Plett nung una hindi rin sila makapaniwala ngunit tinanggap na lang nila na wala na talaga si Plett.
Hindi na muling nagpakita pa si Brinson sa bayan umalis siya hindi para makalimot kundi para maghilom ang sugat sa kanyang puso. Namuhay ng may kasamang pagsisisi at hinagpis ngunit pilit siyang bumangon sa sakit at sa paglipas ng taon dinapuan siya ng malubhang karamdaman sa utak na siyang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
End