Athena Guevara Series: Cruel...

By bad_bloodSucker

169K 9.2K 2.8K

Athena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
AUTHOR
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
♥️♥️♥️♥️♥️

Chapter 15

3.4K 216 27
By bad_bloodSucker

Walang ibang maririnig sa apat na sulok ng salang ito kundi ang musika tinutugtog ko. Mariin ko lamang dinadama ang bawat kumpas ng daliri ko, kahit naka pikit ako ay naramdman kong may taong nakikinig sa likuran ko kaya mas lalo akong ginanahang mag patugtog.

"I'm so happy you still remember that song anak."

"Of course, you made this for me Dad." Nakangiting sagot ko ngunit patuloy parin sa pagtugtog.

"If only your Mother can hear tha--"

Biglang tumigil si Papa sa pag sasalita ng bigla kong hinampas ang keyboard ng piano.

"Rachel," puno ng pangamba sa tinig nito.

"I don't want to hear her name." Mariing utos ko dito.

Napabuntong hininga na lamang ito at umupo sa tabi ko at siya na ang nag tuloy sa musikang kinompos niya para sa akin.

"May problema ka ba anak?"

"Wala." Sagot ko at naki sabay na din sa pag tugtog sakanya.

"I think meron, come on young lady. I know you, kapag tinutugtog mo ang musikang ito ay alam kong malungkot ka o may problema ka."

Kilala talaga ako ng Ama ko, ginawa niya talaga ang kantang ito para sa akin,

I played this song every time my Mother hurt me, naalala ko pa nga sabi ni Papa sa akin na kapag sinasaktan ako ni Mama itugtog ko lang ang musikang gawa niya para gumaan ang pakiramdam ko.

"Kaya nga kita sinabayan para sumaya ka,"

"But I don't want you to be my ka duet."

Bigla itong tumawa ng malakas at inilagay ang kamay niya sa braso ko to comfort me.

"At sinong gusto mo? Si Ayen?"

Nalungkot naman ako bigla ng banggitin niya si Athena.

"She didn't remember me Dad. She already forgotten me."

"I don't think so Rachel." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko. "She heard you earlier played that song, and she stop her tracks when she heard it. Sinilip ka pa nga niya eh, kahit wala siya sinabi alam kong alam niya ang musikang tinugtog mo."

Bigla naman akong nabuhayan sa narinig ko ngunit agad naman nawala ng napag tanto kong--

"Ang musika lang naalala niya, pero ako hindi na."

"Bakit di ka mag pakilala sakanya anak, sigurado akong makikilala ka niya."

"Hinde, hinde-hinde... Ayaw ko, iiwan na naman niya ako gaya ng ginawa niya noon."

Di na ako sumagot at mas piniling ituloy na lang ang pag tugtog ko kasama si Dad.

Pumasok na ako ng kwarto namin ni Ayen at naabutan ko na itong natutulog sa kama. Lumapit ako rito at humiga sa tabi nito, gumalaw pa ito ng kaunti kaya mas lalo ko itong niyakap papalapit sa akin.

I love you so much Athena, from the start I've met you, those memories of us is the best ever happened in my life.

Kaya ngayon pa lang diko hahayaan mawala ka pa sa akin, walang sino ang mag papahiwalay sa atin Ayen, wala!

I will never let you go Athena, never.... Never ever again.

Flashback

Year 1994

"Lagi mo na lang pinapasakit ang ulo kong bata ka!"

Walang ibang maririnig sa pasilyo kundi tanging ingay lamang ng isang malakas na hampas.

"I'm sorry Mama. Di ko na po uulitin."

"Ilang beses ko ng sinasabi sayo na wag kang lalabas kapag may bisita ako di ba?!"

"O-opo Mama,"

"Then what did you do?"

Muli nitong hinamapas ang pamalong hawak sa akin, ngunit nanatiling nakatingin lamang ako sa harapan kobat buong tatag na tinatanggap ang bawat  hampas ng aking Ina.

"What are you doing to your daughter Carmen?"

Napatigil sa pag didisiplina ang aking ina at walang emosyong tumingin sa harapan niya.

"Yang anak mo, ilang beses ko ng sinasabihan na ayaw ko siyang makita na lumalabas sa kwartong ito lalo na kapag may mga bisita ako! At lalong-lalo ng ayaw na ayaw kong tinatawag niya akong Ina sa harap ng mga ibang tao!"

"At bakit? Anak mo naman ang batang yan, anak natin Carmen!! Dugo't laman!!"

"Di ko siya anak, wala akong anak na lampa at walang silbi! anak ko siya sa pag kakasala!! Dahil sayo Emil--- san ka pupunta?!! Bumalik ka dito bata ka! Di pa ako tapos sayo!"

Ngunit di ako nakinig at pa ika-ikang tumakbong papalayo sa aking mga magulang, dun lng ako napa iyak habang tumatakbo sa gitna ng malaking pasilyo, walang pake alam kahit nababangga ko na ang mga tao sa paligid niya.

"Oi tingnan niyo si RoboCop oh!"

"Hoy freak! Pinagalitan ka na naman ata ni Sister Carmen ano? Buti nga sayo!"

"Pano kasi, nakarinig lang may bisita ang kumbento ay nag papalapad na ng papel, akala mo naman aampunin siya. Eh asa pang may kukupkop sayo eh lampa ka naman, magiging pabigat ka lang naman sa pamilyang kukupkop sayo!"

Dinig ko ang nag lalakasang tawanan ng mga bata sa paligid, ngunit mas pinili kong di na lang ito pansinin.

Hanggang humantong ako sa tabing ilog, at umupo sa isang duyang yari sa gulong na nakatali sa malaking puno ng acacia na gawa ng aking Ama. At dun lang ako napahagulhol habang nakatingin sa agos ng ilog,

Napabaling  ang tingin ko sa kanang paa ko na nababalutan ng medyong mabigat na bakal. Pinag papalo ko ito habang umiiyak at pilit kalasin mula sa aking binti.

Ngunit napatigil ako sa pag iyak ng may kung anong bagay tumama sa uluhan ko. Napatingala pa ako sa itaas ng puno at ginala-gala ang aking paningin. Ngunit wala akong makitang anuman sa paligid o maski tao man lang, kaya di kona ito pinansin pa at muling tumingin sa agos ng ilog habang patuloy ang pag kalas ng bakal sa binti ko.

And again I feel another poke on my shoulder this time. Kaya napatayo na ako mula sa duyan at iginala ang aking paningin sa pangalawang pag kakataon.

"Sinong anjan?"

Tanong ko, ngunit wala akong makuhang sagot. Kaya napatingala ako sa taas ng puno ng acasia para tingnan kung may bunga ba ito o ano, ngunit wala naman akong makita.

Napa upo ako muli sa duyan at nag simulang igalaw-galaw ito, ngunit for the third time I felt another poke on the back of my head.

Napatayo ako agad at masamang tumingin sa paligid.

"Sino ba kasing anjan!"

Napipikon ko ng tanong, ngunit gaya kanina ay walang sagot akong nakuha, kaya naka pag pasya kong umalis na lang at bumalik sa loob.

Ngunit napatigil siya ng may ubas na lumagpas sa paanan ko. Marahil ay nangbato muli ito ngunit di lang tumama.

Dinig ko ang mahinang bungisngis mula sa punong nasa likuran lamang ng puno ng Acasia, kaya nag lakad ako patungo sa punong naririnig kong may tumatawa.

At doon ko lang napansin ang itim na sapatos sa ilalim ng puno.

Muli akong napatingala sa mataas na puno ng Santol at ginala ang aking paningin. Doon ko nahuli ang isang mahinang tinig na naka tago lamang sa likod ng isang sanga.

"I know your up there. If I we're you, you better come out."

Pag babanta ko. Ngunit ilang minuto na ang nag daan di parin ito lumalabas sa pinag tataguan, kaya pinulot ko ang sapatos na nasa tabi ko at nag lakad patungo sa ilog.

"If your not showing your self on count of three, I'll throw this pair of shoes of yours tru the river."

"One....."

I'm starting counting, and patiently waiting for the person whose hiding behind those branches.

"Two....."

And again I'm impatiently loosing my temper when I heard another giggle.

"Three."

Bago ko pa maitapon ang sapatos na hawak niya ay may biglang sumigaw na nag pahinto sa gagawin ko.

"Wait!!"

Napatingalang napatingin ako sa isang batang babae na lumabas mula sa pinag tataguan nito. I think we have same age pero matangkad lang ito sa akin.

She's wearing a black jumper with white t-shirt inside. Naka messy ban at may kahabaan ang buhok na aabot hanggang bewang.

Lumundag ito mula sa taas ng puno at tumakbo papalapit sa akin.

"Ikaw ba ang nambato sakin?" Naiinis na tanong ko rito.

Nakangiting umupo ito sa lupa na labis kong kinainis.

She's mocking on me while showing her perfect white teeth.

"Well technically yes, may iba ka pa ba nakikita dito na kasama natin." Pamimilosopong sagot nito.

"Ngayon lang kita nakita dito ah, bago ka ba?"

"Huh? What are you talking about?"

I didn't answer her back at mas pinili ko itong talikuran. I'm not a friendly person, di kasi ako sanay makihalubilo sa mga ka edad ko, di sa ayaw ko sa mga tao... Kundi sila ang may ayaw sa akin. Kaya nahihiya ako paano siya e approach dahil mukha siyang baguhan dito sa ampunan.

"Wait, hoy bata. Sandali...."

Naririnig ko ang yabag niya na sumusunod sa akin ngunit patuloy parin ako sa pag lakad para pumasok sana sa loob. Ngunit naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang braso ko.

"Ano ba!" Waksi ko sa kamay niya at naiinis na binalingan siya.

"Ang sungit mo naman, gusto ko lang naman bawiin ung sapatos ko."

Napatingin ako sa hawak ko, I'm still holding her shoes at diko pa pala naibabalik sakanya, kaya binitawan ko ito sa lupa at muli siyang iniwan.

Ngunit may kakulitan ata ang batang ito dahil nararamdaman ko parin ang pag habol niya. Kaya napatigil ako sa pag hakbang at mabilis na lumingon sa likuran ko.

Napahinto naman ito at ngumiti sa akin kaya naiinis na sinamaan ko siya ng tingin.

Nawala naman ang ngiti nito, at kunwari nakatingin sa ibang direksyon kaya inirapan ko na lang siya at muling nag lakad. Ngunit gaya kanina, nararamdaman ko parin ang pag sunod niya kaya inis na binalingan ko siya muli at lumapit sa harapan nito.

"Could you please leave me alone,"

"Excuse me?"

"Get lost to my sight!"

"Ano bang problema mo?"

"Sunod ka ng sunod eh, naiirita ako."

"Di kita sinusundan, wag kang pilingera."

Naiinis na tinulak ko ito kaya napa upo ito sa putikan, na ikinagulat niya.

"Carmela!!"

Nagulat ako ng nakilala ko ang boses na yon. Kaya nanginginig ang kamay kong tumingin sa itaas ng burol.

Dali-dali itong bumaba at pinatayo ang batang nasa putikan.

"Bakit mo ginawa yun?!" Tanong nito sa akin habang hinahawakan ang braso ko ng mahigpit.

Di ako sumagot at yumuko lang, mukhang nagalit ito kaya bigla na lang akong hinila pa papasok ng kumbento. Ngunit agad naman kameng napahinto ng nasa harapan na namin ang batang tinulak ko kani-kanina lang.

"Sister Carmen, san mo siya dadalhin?"

Ngumiti naman si Mama sa batang nasa harapan namin at hinawakan ang pisngi nito.

"Kakausapin ko lang siya Iha--"

"Dahil ba to sa naabutan niyo kanina? If yun nga.... Di niya ako tinulak. We're just playing Sister.

Di na sumagot si Mama pero ramdam ko parin ang gigil niyang saktan ako dahil sa pag ka higpit ng pag kahawak niya sa braso ko.

"Andito ka lang pala bata ka."

Binitawan agad ako ni Mama ng may dumating mid 20's na babae.

"Saan ka ba nag susuot ha? Kanina pa kita hinahanap, baka inatake ka na naman ng hika mo." Puno ng pag aalala nito habang inilalagay ang bimpo sa likuran nito.

Diko tuloy mapigilan makaramdam ng inggit sa batang babae na nasa harapan ko, kung paano siya pag silbihan ng kanyang Ina, kung paano ito mag alala kapag mawala lang sa paningin niya.

Sana ganyan din si Mama sa akin.

"Mama, I'm fine. Andito lang ako nag lalaro with her." Sabay turo nito sa akin.

Tumingin naman ang mama niya sa akin kaya yumuko ako.

"So you found a new friend here ha, hello iha, pag pasensiyahan mo na ang anak ko ha kung kinukulit ka niya,"

"No I'm not makulit, diba?"

Di ako sumagot at nanatiling nakayuko. Naramdaman ko na lang ang pasimpleng pag kurot ni Mama sa balikat ko para mapa angat ako ng tingin sa kanila.

"She's asking you anak, answer her." Nakangiting sabi ni Mama na puno ng pag papanggap.

"O-Opo." Nakayuko ko parin sagot.
_____________________________

Tahimik na ang buong paligid ng mapag pasyahan kong tumayo para kumuha ng isang basong tubig dahil nauuhaw na ako.

Dahan-dahan akong nag lakad pababa para maka iwas gumawa ng kahit anong ingay dahil dadaan ako sa silid ng aking Ina.

Nasa unang baitang na ako ng makarinig ako ng pagtatalo sa loob ng kwarto ni Mama kaya dahan dahan kong pinihit ang sedura para silipin kung sino ang nag tatalo sa loob.

At nakita ko ang labis na galit ni Mama habang kausap niya si Papa.

"Kilala mo ang anak mo Emil, wag mong hayaan mag sisimula na naman ang sakit niya."

"Carmen, sa tanang buhay ng anak ko ngayon lang siya makakaranas ng kaibigan. Pabayaan mo na."

"Pano kapag inatake na naman siya ng sakit niya ano gagawin mo? Pag tatakpan mo na naman? Emil.... Mapanganib si Carmela sa oras na mag ka interest siya sa batang taga cuidad."

"Carmen, magaling na ang anak ko. Di na niya gagawin--"

"Pano kapag ginawa niya ulit? Di natin siya makokontrol Emil. Diko makokontrol ang anak ko sa oras na di niya makuha ang gusto niya."

"Carmen..."

"Papatayin niya ito Emil. Maniwala ka sa akin, gaya ng ginawa niya sa isa sa mga bata na pinag kainteresan niya."

Taimbaga lamang akong nakikinig habang unti-unting kong kinukuyom ang kamao ko dahil sa naririnig ko.

"Then let her.... Tulad dati, Kukusintihin ko parin ang anak ko. No matter what. If she want that girl pwes gagawin ko ang lahat para sumaya lang ang anak ko."
____________________

"Pano ba yan Sister Carmen, kaylangan na namin umalis. Dadalaw na lang kame kapag may oras ulit kame."

"Naku, maraming salamat Mrs. Guevara. Sana po maka dalaw ulit kayo dito, tiyak na matutuwa ang mga bata." Sagot ni Mama rito.

Tumalikod na sila at ganun rin si Mama Carmen kaya naiwan na lamang akong mag isa nakatayo habang di inaalis ang titig ko sa batang nakilala ko kani-kanina lang.

Hila-hila ito ng Ina, at inaya niya itong kargahin siya kaya kinarga na siya nito at inilagay niya ang ulo niya sa kanyang Ina.

Napansin niya yata akong nakatingin sakanya kaya ngumiti ito sa akin at kumaway-kaway pa.

Habang ako ay dahan-dahan na palang napa angat ng kamay at kinawayan ito pabalik.

Pinilit niyang bumaba sa pag kakarga sa kanyang Ina at tumakbo ulit papalapit sa akin.

"What's your name?"

Nahihiyang nakayuko lang ako at sinagot ito.

"C-Carmela."

"Nice to meet you Carmela, I'm Athena friend na tayo ha. Ba-bye!!"

Di ko alam bakit pero unti-unting umangat ang gilid ng labi ko kasabay ng pag angat ko ng tingin rito na nakatalikod na pala sa akin at patakbong sumabay na ito saknyang Ina.

"I found a new......... friend. "

Or should I say my new obsession......

End of flashback......
______________________________________
To be continued........

Continue Reading

You'll Also Like

544K 22.1K 92
Join the ride full of possessiveness, love,hate,pain,happiness,joy,rudeness.
148K 30.7K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
3.9K 49 23
- 𝐀𝐧𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐒𝐩𝐢𝐧 𝐎𝐟𝐟 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐥𝐚 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐞 - 𝐀𝐧𝐮𝐬𝐡𝐤𝐚 𝐒𝐫𝐢𝐯𝐚𝐬𝐭𝐚𝐯𝐚 & 𝐑𝐚𝐧𝐯𝐞𝐞𝐫 𝐒𝐢𝐧𝐡𝐚 - T...
24.5K 3.9K 12
In the elite ranks of DRDO, Ardik Rajwasnhi, a young prodigy, is fueled by ambition to secure a coveted position among the legendary Team Phoenix. Ho...