Wanted: Mr. Perfect (Publishe...

By xMissYGrayx

3.5M 89.4K 8K

Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard... More

Wanted: Mr. Perfect
Perfect 1: Agent X
Perfect 2: Price tag
Perfect 3: Epic Fail
Perfect 4: Babe or Babae?
Perfect 5: What's your fantasy?
Perfect 6: Jealousy is the ugliest trait
Perfect 7: Garreth
Perfect 8: Walang Iba
Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman
Perfect 11: Bakit pa-fall?
Perfect 12: Torn In Between
Perfect 13: #PrayForAshleyEsqueza
Perfect 14: Pinoy Style
Perfect 15: Harana nga ba na maitatawag?
Perfect 16: Pusang gala naman, oh.
Perfect 17: How to learn to kiss?
Perfect 18: No Rules
Perfect 19: Confused dahil sa selos?
Perfect 20: Galleon Ship
Perfect 21: Horror House
Perfect 22: Describe mo nga!
Perfect 23: Hugot pa, Ashlita.
Perfect 24: Hugot Part Two
Perfect 25: Ikaw Lang
Perfect 26: Thank you, sagad.
Perfect 27: Possessive Garreth?
Perfect 28: Pushing and Pulling Me Down To You
Perfect 29: Tanga Na Kung Tanga
Perfect 30: Bugbugin Kita Dyan!
Perfect 31: Giling Mo Lang
Perfect 32: May The Best Man Win
Perfect 33: Today Was A Fairytale
Perfect 34: Nasa Huli Ang Pagsisisi
Perfect 35: I Choose You
Perfect 36: Trouble
Perfect 37: Another Mishap
Perfect 38: She Will Survive
Perfect 39
Perfect 40
Perfect 41
Perfect 42
Perfect 43
Perfect 44
Perfect 45
Perfect 46
Perfect 47
Perfect 48
Perfect 49
Perfect 50
Perfect Epilogue

Perfect 9: When Curiosity Strikes

80.1K 2.1K 400
By xMissYGrayx

Sa totoo lang. Ang ganda ng gising ko ngayon, kahit wala pang nangyayari kumpleto na araw ko. Ang saya lang 'di ba? Ang gaan sa pakiramdam. Hindi katulad kahapon panay kabadtripan ang naramdaman ko. Pero ngayon may iba talaga eh.

Feel na feel ko ang pagbangon sa kama para silipin kung tulog pa si Hunter. Hindi na ko nagulat ng makita kong wala nang tao sa lapag pati yung higaan niya nakatiklop na.

Hindi napigilan ng mata ko ang mapairap. Oo na, ako na tanghali magising. Geez, kinuha ko na lang yung iphone ko at nag scroll sa inbox baka kasi may ibang text pa 'di ba? Hindi ko lang nabasa.

Nadisappoint ako na ang tanging text lang ni Garreth ang nakita ko.

-Garreth-

Panget! Gising. Gising. Pag hindi ka nagreply. Papakatay na talaga kita.

WTH naman 'tong Garreth na 'to? Teka, ano ko ba siya?! Hindi niya ba alam na naturn off na ko sa ugali niya. Kaimbyerna ha.

-Dyosang Ashley-

Sino ka para tawagin akong PANGET? FYI lang ikaw pa lang ang tumawag sakin niyan! Huh, ang kapal mo!

Tumayo na ko para magtoothbrush habang hinihintay yung reply ni Garreth na wala na ata alam gawin kundi pagbantaan ang buhay ko.

-Garreth-

Sinong makapal? Ha? Panget?

-Dyosang Ashley-

Ikaw makapal! Nakakaturn off ka! Wag mo nga ko tinatawag na panget nakakainsulto ka, ha?! Hindi na kita type! FYI lang ULIT. Tigilan mo na ko. Kbye!

"Iha?"

"Ay panget!" biglang sigaw ko ng may humawak sa balikat ko. Muntikan na mahulog ang iPhone ko. Sheez! Agad naman ako lumingon at nakita ko si Nay Marya. "Ay, 'nay ikaw po pala 'yan bakit po?"

"Nagulat ba kita?" Nakatingin ito sa muka ko. Umiling ako. "Nasa labas kasi silang lahat. Baka lang gusto mo makisalo."

"Sila Hunter po?"

Tumango ito.

"Now na po?"

Ngumiti si 'nay Marya.

Pinasadahan ko ng tingin yung sarili ko naka sponge bob pa ako na suot.

"As in now na po?"

"Ikaw kung gusto mo muna magmumog." natatawang sagot nito.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko di pa pala ako nag mumumog ng pinag sipilyuhan ko.

"Ay! Pasensya na po nawala sa isip ko." Tumalikod ako agad.

Ilang minuto lang pinagpalit muna ako ni 'nay Marya bago kami bumaba. Naabutan ko naman ang maraming tao na parang fiesta araw-araw.

Nagtinginan sila isa-isa sa kin. Syempre naman nginitian ko sila na parang beauty queen. Hindi kaya ako suplada. Like duh, I'm not. Never am. Never will be.

"Ashlita!" hinila ako ni Andeng ng makita niya ko at lumingon sa katabi ko. "Hi 'nay sinundo mo na pala ang muse naten." sabi nito.

Wala naman akong narinig na sagot. Huh, di ba siya sang ayon? Okay lang. Sige okay lang kahit hindi. May kanya kanya naman tayo opinyon sa buhay.

"Where's Hunter?" nagtataka kong tanong.

Ngumuso naman ito pataas. Sinundan ko yung direksyon ng mukha niya.

At nakita ko nga ang dakilang body guard ko nasa itaas ng puno at may kinukuha na... What? Buko?

Nakahubad nanaman ang Lolo niyo tanging ang maong short lang ang suot nito.

Napalunok ako. Iba nanaman kasi naiimagine ko.

"Hmm. Sarap." bulong ko.

"Yung buko?" tanong ni Andeng.

"Yung bukol.."

"Ha?"

Napatigil ako sa pantasya ko nanaman. Ang aga aga!

"Ha? May sinabi ba 'ko? Wala naman 'di ba?"

Tiningnan niya ko ng makabuluhan. "Meron eh. Something B, bato? Buto? Butil? Bubuyog? Bayag? Hahaha!"

Pinanlakihan ko si'ya ng mata. "Ang bastos mo!" suway ko.

"Ang bastos nakahubad."

"Eh? Bastos ka padin."

"Mas bastos pantasya mo! Akala mo hindi ko alam, gaga ka!"

Gustong gusto ko gupitin yung dila ni Andeng ngayon. Seriously! Nakatingin nanaman yung mga tao samin. Including that Josa na nakaupo sa isang malaking bato katabi si Den-den na nakatingala padin kay Hunter.

"Well, atleast maganda." sabi ko.

"May point ka." sang ayon nito.

At pareho kami humarap sa puno ng buko kung saan binababaan na ngayon ni Hunter.

Hindi ko na mapigilan mapangiti sa kanya ng magkatinginan kami.

"Hi, walang iba." pang aasar ko.

"Vampire." ngisi naman nito at pumulot ng isang buko habang papalapit sa akin. "Gusto mo?"

"Ayoko." natatawa padin na sagot ko.

"Kailan ka pa naging pakipot, babae?"

"Ngayon ngayon lang lalake."

Mas lalo naman napataas ang kilay ni Hunter sa'kin. "Naninibago ako sa'yo ngayon." sabi nanaman nito habang binubuksan yung buko gamit yung itak. "Sarap ng gising mo anong meron?" tawa nito.

"Hmp! Whatever~"

Nagulat naman ako ng batukan ako ni Andeng. "Ha la la la la luh? Ang landi naman ng ate mo!"

"Ano ba wag mo nga pag sigawan malandi agad? 'Di ba pwede maganda lang talaga 'yung gising? Saka baka maniwala sa'yo si-----"

"Tingnan mo pinagpapawisan ka na. Mamaya magkasakit ka niyan."

Napatigil ako ng makita ko si Josa na pinupunasan si Hunter sa harap. How dare she! That freaking woman! How dare her! Sino nagsabi pwede niya hawakan yung abs na pinagpapantasyahan ko?!

"Tsk. Na 1-0 ka nanaman ng kapatid ko. Ganyan talaga 'yan. Small but terrible." pang yayamot sa'kin ni Andeng.

Hindi ko mapigilan mainis sa nakikita ko. Ganyan din naman kami ni Hunter pag nag aasaran. Ayun nga lang kami before puro inisan lang. Hindi ko naman naramdaman 'to pag magkasama sila ni Boobie before pero bakit ngayon ganito? Dahil ba alam ko na may something serious sila before?

Shiat lang!

***

Keep scrolling Ashley. Sabi ko sa isipan. Kaysa naman makakita ka ng naghaharutan 'di ba? Keep scrolling.

Sa kakaka keep scrolling ko. Bigla mo nakita yung text ni Garreth kanina.

-Garreth-

Kikidnapin kita. Wait ka lang.

What's wrong with this guy?! Is he insane?!

-Dyosang Ashley-

Hindi ka nakakatuwa! Nagtatago na nga ako para malayo sa'yo! Saka asa ka naman malaman mo na nasa bundok ako.

-Garreth-

B. I. N. G. O.

OHMYGOD.. Anong nasabi ko?

-Dyosang Ashley-

Joke lang! Hoy! Shiat naman!  Bakit ba kasi brutal palagi lumalabas dyan sa isip mo?

Nakakayamot naman 'tong Garreth na 'to. Ang dami na siguro niyang napatay na tao. . Kaya siguro nilalayo talaga ako ni Hunter sa kanya..

Bakit naman kasi ganito buhay ko ngayon. Ang gulo!

Pag angat ng ulo ko hindi ko na makita 'yung dalawa. Asan na 'yun? Tumayo ako para hanapin sila kahit muka nakong tanga.

"Kain tayo, ganda!" yaya sakin ng bawat tao na madadaanan ko.

Nginitian ko sila. "Busog pa po me. Thanks po."

May bigla naman humatak sa damit ko. "Saan ka pupunta?" Ah, ang malditang bata na may gusto kay Hunter.

"Mag iikot." Irap ko sa kanya.

"Saan ka mag iikot? Hinahanap mo lang si Kuya Hunter eh."

"Duh, it's a big no."

"Eh saan ka nga pupunta?"

"Bakit ang kulit mo?"

Dumeretso na 'ko sa paglalakad paakyat at kinuha yung susi ng sasakyan ni Hunter. Paglabas ko hindi padin si'ya nagpapakita.

Kaya sa sasakyan na lang muna niya nagpaalam.

"Hey, baby pahiram ha? Ibabalik din kita."

Ako na din sumagot sa sarili kong tanong.

"Sure, babae, basta ibabalik mo ng buo kundi malilintikan ka."

Natawa na lang ako sa ginawa ko at pumasok na sa sasakyan. Kitams, walang nakapansin sa'kin dahil busy ang lahat.  Paikot ikot lang ako sa lugar nila iisang way lang naman. Hindi naman siguro ako maliligaw dito 'di ba?

Habang nagdadrive ako napansin ko puro puno na ang nadadaanan ko. Sa kabilang gilid naman panay bukid at sa malayo may mga bundok ako na naaaninag. Feel na feel ko pa yung hangin na tumatama sa mukha ko ngayon nakabukas pa 'yung bintana.

"Ang ganda din pala dito. Ang peaceful. Hihi." Naaliw ako sa bundok na parang ang lapit kaya sinubukan ko na puntahan.

"Ash, deretso lang." sabi ko habang aliw na aliw padin sa pagdadrive.

Maya maya nagdilim.

"Shiat! Ang malas naman!" Nilabas ko pa yung maganda kong kamay para maramdaman yung unti unti na pagpatak ng ulan. "Ano ba naman! Oh, baby, gusto ko pa man din puntahan yung bundok. Babalikan na lang kita next time. Mwah!"

Nag U- turn na ako. At ang bwisit na ulan medyo lumalakas na ayaw na ata  ako pauwiin. Nagulat na lang ako ng may makita ako na dalawang daan.

Oh, come on mamon! Parang kanina deretso lang dinadaanan ko ah?! Bakit nagkaroon ng dalawa?!

Shiat naman! Which is which? Left or right? Ilang minuto din ako nag isip kung alin daan ng magdecide akk na right na lang. Always right naman kasi ang right 'di ba?

I keep on driving ng hindi ko padin makita yung daan parang palayo na ko ng palayo.

Nag ring yung iPhone ko ng makita ko pangalan ni Hunter.

Hunter calling...

"Hello?"

"Asan ka?" medyo may inis sa tono ng boses niya.

OHMYGOD..

"Pauwi na nga."

"Bilisan mo 'yung sasakyan baka mapano."

"Ah yung sasakyan lang pala ha! Bilisan mo 'yung sasakyan baka mapano your face!"

"Ashley--- "

Binaba ko na. Bwisit talaga yang lalaki na 'yan. Akala ko naman nag aalala na si'ya sa'kin. Ano na nangyari sa kasweetan niya kanina at kagabi? Na kay Josa na ganern?

Edi wow!

Magsama sila!

Dineretso ko na 'yung sasakyan pero wala talaga yung mga dinaanan ko kanina. Kanina pa panay tunog ng iPhone ko, panay tawag ni Hunter pero di ko na sinasagot.

Asa naman si'ya! Bilhan ko pa si'ya ng sampung sasakyan makita niya.

Sobrang malakas na yung ulan ngayon. Hindi ko na makita 'yung daan kaya pinili ko huminto.

Panay padin ilaw ng iPhone ko. Bandang huli pinili ko na sagutin dahil iba na naiisip ko baka may chainsaw massacre pala dito Filipino version.

Ayoko pa mamatay! Huhu.

"Babae, asan kaba? Akala ko ba pabalik ka na?" may pag aalala na sa boses nito.

"Hindi ko alam!" pag amin ko. "Dere-deretso lang naman yung dinaanan ko kanina pero ngayon nag iba. OMG! Kailangan ko ba baliktarin yung damit ko? Namamaligno na ba ako?!" mas lalo ako natakot sa naisip ko. "Kumakain ba sila ng maganda? No! Wag naman!" naiiyak na sigaw ko.

"Hunter? Hello? Andyan ka pa?! Hunter?!" pagkakita ko sa iPhone ko walang signal.

"Shiat naman!"

Ano na gagawin ko? Paano kung ganun nga mangyari baka magkatotoo iniisip ko?! Nag double lock tuloy ako ng pinto.

Jusko naman.. Eto nanaman kamalasan sa buhay ko.. Niyakap ko na lang sarili ko. Panay ang kanta ko ng rain rain go away ng maalala ko na may extra bag pala lagi na nilalagay si Hunter sa likod ng sasakyan niya.

For emergency purpose! OMG I'm so bright! Heart heart <3

Bumilang ako ng tatlo at patakbo binuksan ang likod ng sasakyan. Mabilis ko kinuha yung bag at hinatak.

Gosh, basang basa na'ko! Kinalkal ko yung bag, flashlight at first aid kit ang laman. May delata din pero yuck lang. Eww.

Nagugutom na ako. Kaya kesa maramdaman ko pagmamaktol ng tiyan ko itinulog ko nalang baka mamaya pag gising ko wala na yung ulan, right?

Nagising ako ng biglang may kumakatok sa pintuan ng sasakyan.

Hindi ko maaninag. OHMYGOD. Eto na ba yung serial killer na papatay sa'kin? Please.. No...

Niyakap ko lalo ang katawan ko dahil lamig na lamig na ako.

Panay padin ang katok sa labas.

"Wag mo ko papatayin!" sigaw. "Kundi papatayin din kita! Patayan tayo sige ka!"

Katok padin ng katok. Wala na nga ko energy. Gutom pa ko at masama nadin pakiramdam ko.

"Ashley! Buksan mo! Ashley!"

Pamilyar yung boses. Gosh!

"Hunter?"

"Ashley! Buksan mo babae!"

"Aahh! Hunter! Hunter!" agad ko siyang pinagbuksan at bumungad sa'kin ang basang basa na si Hunter kahit may payong siyang dala useless din dahil sa lakas ng ulan.

Nag aalala yung mukha nito at nagmamadali na pumasok sa sasakyan.

"Okay ka lang?" hinawakan ni Hunter yung pisngi ko. "Namumutla ka na. Bakit lumabas ka? 'Di ba sabi ko sa'yo antayin mo lang ako?"

Hindi ako makapagsalita. Minsanan ko lang kasi si'ya makita na mag alala sakin.

Tinuro ko yung bag.

"May masakit ba sa'yo?" tanong nanaman nito.

"N-nilalamig a-ako.. Grrr."

"Anaknang tupa naman! Kaya mo pa maglakad? Nasa kabilang sasakyan yung jacket ko."

Umiling ako. Ayoko na malamigan. Ayoko lumabas. Malamig. Sobrang lamig. "N-nagugutom n-na d-din a- ako."

Nanghihina na sabi ko.

"Kukunin ko 'yung jacket ko antayin mo ko. Saglit lang 'to."

Tumango ako habang yakap yakap padin ang sarili ko. Itinanday ko na lang yung ulo ko since nasa back seat naman ako. Niyakap ko din pati tuhod mo.

Nanginginig talaga ako. Lamig saka gutom. Not good.

Maya maya lang naramdaman ko na may telang nilagay sa balikat ko.

"Okay na? Hindi ka na nilalamig."

Isang hatching lang ang nasagot ko.

"Ashley Esqueza naman papatayin ako ng kapatid mo pag nagkasakit ka ng malala dahil sa'kin. Dalawang taon tayo nagkasama ni isang araw sa taon na 'yun hindi ka nagkasakit. Tapos ngayon pa na kasama kita."

Kahit nahihirapan tiningnan ko si'ya ng masama.

"N-natatakot k-ka k-kay Z-zach... A-ayan l-lang i-iniisip m-mo.  . M-magsama k-kayo n-ni J-josa.  . . P-pwe!"

Ipinagdikit ni Hunter yung kamay niya at magkabilaang kinukuskos sa palad niya.

Bigla naman nito dinikit sa pisngi ko.

"D-don't t-touch m-me!" reklamo ko.

"Nag aalala ako sa'yo, syempre. Sobra. Kahit hindi ko pinapakita palagi ako nag aalala sa'yo. Sa ginagawa mo na baka mapano ka."

Ano ba pinagsasabi nito ni Hunter imahinasyon ko nanaman ba? Nag iinit tuloy ako. Kung nasa tamang wisyo.lang ako uutusan ko si'ya maghubad sa harapan ko.

Let's get it on na.

Pero hindi wala akong energy. Hindi ko nga magalaw ng maayos bibig ko.

"Nilalamig ka pa din?"

"O-obvious b-ba?"

Hindi ko na maipinta yung mukha niya. Namumutla nadin si Hunter katulad ko.

"N-nilalamig k-ka d-din b-ba?" nag aalala na tanong ko.

"Okay lang ako. Wag mo ko alalahanin."

Pilit ko hinuhubad yung jacket.

"Ano ba ginagawa mo?" seryosong tanong nito.

I bit my lip. "O-okay n-na k-ko."

"Sinungaling ka talaga Ashley Esqueza."

"S-share?"

"Gusto mo?"

"I-ikaw.  ."

"Ano?"

"S-sabi k-ko i-ikaw k-kung g-gusto m-mo m-magshare."

Hindi na ko nakarinig ng sagot kay Hunter. Pagkalingon ko sa kanya hinubad niya yung basang t-shirt niya. Sabay lapit sakit at hinila ako.

Teka, feeling ko ako si Bella Swan ngayon at si'ya si Jacob Black. Yung scene sa Eclipse. Buti wala si Edward dahil kakaririn ko talaga 'to.

Dahan dahab ko pinulupot ang kamay ko sa bewang niya at tumanday sa dibdib niya. I feel the warm, oh laaaaah laahhh.

Nararamdaman ko din ang pag akyat baba ng dibdib ni Hunter at ang pisngi niya sa ulo ko.

Best. Distraction. Ever.

Pumikit ako ng maramdaman ko din ang kamay niya sa likod ko. Walang nagsasalita.

Pag ni-rape ko ba si'ya dito papalag si'ya? Ang dami dami tumatakbo sa isipan ko, hindi ko nadin mapigilan ang pantasya ko.

Hindi ko na din alam kung anong unang sasabihin ko o ang dapat bang lumabas na katanungan sa bibig mo.

Curious na curious talaga ako sa mga oras na 'to.. Kaya maya maya lang hindi ko namalayan na tuluyan na pala lumabas sa bibig ko ang pinaka matinong tanong sa isipan ko.

"Hunter..." nakapikit kong sambit at dahan dahan dumilat.

"Babae.." nanghihina naman na sagot nito sa akin.

Kahit ang bigat ng talukap ng mata ko pinilit ko padin idilat para makita ang reaksyon niya.


"Virgin ka pa ba?"



**********************************************

Ngayon lang yan sa phone lang natype. Sorry sa typos at kung ano pa man! Hahaha. Busy padin until March. #GraduatingStudentProblem


Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 8.2K 8
This is My devil husband Book 2
2.8M 37.4K 31
LESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wa...
5.6M 119K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...
3.4M 26.2K 61
Beatrice Maurice Antonio ~ Simple, matalino, mahirap (di naman masyado!) Alexis Falcon ~ Mayaman, mayabang, habulin ng babae at nagpapahabol naman, m...