Peculiarity In Her Eyes

By Luni_Solace

8.4K 1.5K 317

"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will... More

Disclaimer
Peculiarity In Her Eyes
Prologue
[ 1 ] Not A Reverie
[ 2 ] Irksome Guy
[ 3 ] Nigh Demise
[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear
[ 5 ] Coincidence
[ 6 ] Atrocious Bruises
[ 7 ] Death Is Undisguised
[ 8 ] Inscrutable Letter
[ 9 ] Head-Scratcher
[ 10 ] Undone
[ 11 ] Bizarre Happenings
[ 12 ] The Outré
[ 13 ] The Shindig
[ 14 ] Death Is Roaming
[ 15 ] Rummaging Pieces
[ 16 ] End Of Friendship
[ 17 ] Death Color #2: Red Signifies Warning
[ 18 ] Top of the Roof
[ 19 ] Off-The-Wall
[ 20 ] Strange Vision
[ 21 ] Omit The Last Breath
[ 23 ] Uneven
[ 24 ] Vizard
[ 25 ] Doomed In Three
[ 26 ] What Time Is It?
[ 27 ] On One's Last Legs
[ 28 ] Outlandish
[ 29 ] Pretty Bizarro
[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck
[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1
[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2
[ 33 ] A Sleuth's Job: Part 3
[ 34 ] A Sleuth's Job: Part 4
[ 35 ] Vendetta's Mask
[ 36 ] Unaccustomed
[ 37 ] Square of Threat
[ 38 ] Two At Once
[ 39 ] Calling On Their Way
[ 40 ] Gotcha
[ 41 ] Easily Caught
[ 42 ] Truth's Unfold
[ 43 ] Past Life
[ 44 ] Dr. Luo
[ 45 ] New Recruit
[ 46 ] Years Passed
[ 47 ] A Stole Away
[ 48 ] Newest Member
[ 49 ] The Double
[ 50 ] Her Truth Behind Why
[ 51 ] H2P

[ 22 ] The Anonymous

64 4 0
By Luni_Solace

Halos limang oras nagtagal ang pagbiyahe namin. Nakalimutan namin na nagsismula pala ang rush hour ng 6 am kaya dalawa at kalahating oras kaming nastuck up sa paghihintay.

"Thanks for the ride Dev," I said. Lumabas ako at inalalayan ko ring lumabas sa service si Kylie at saka pumunta kami sa trunk ng van. Narinig ko rin ang paglabas ni Tyrone sa service namin.

"No worries." Nakangiting sabi sagot niya. Tinulungan din ni Tyrone si Dev sa pagkuha ng mga gamit namin ni Kylie. Nang makuha na namin ang mga gamit namin ay kukunin ko na sana ang mga ito nang may biglang kamay na humawak sa hawakan.

"Hatid ko kayo,"

"You don't need to Tyrone, kaya na namin ito."

"Ikaw kakayanin mo pero si Kylie?" Sabay tingin niya kay Kylie na wala pa rin sa kanyang sarili hanggang ngayon. Nakayuko lang siya at naghihintay.

"Please, I insist." Napabuntong hininga naman ako dahil sa kanya, dahil likas na matigas ang ulo ni Tyrone ay pinabigyan ko nalang, tumango ako bilang sagot. Ngumiti naman siya saka kinuha ang maleta ko, isang maleta ni Kylie at ang backpack nito na sinukbit sa balikat niya.

"Dev, ihahatid ko muna sila sa kanilang apartment."

"Sure, I'll just wait for you here."

Kinuha ko ang isa pang maleta ni Kylie at dahan-dahan kaming pumasok sa building ng apartment namin. Una naming hinatid ang mga gamit ko pagkatapos ay si Kylie.

Hiniga namin siya sa kanyang kama. Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang pulupulsuhan ko.

"W-wag mo 'kong iwan please." Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang ibang hibla ng buhok niya na humaharang sa kanyang mukha.

"I won't leave you Kylie, sasamahan ko lang si Tyrone sa labas mabilis lang ako."

"No dito ka nalang Rosel, mas kailangan ka niya dito." Napatingin naman ako sa gawi ng lalaking nakatayo malapit sa pinto. Binalik ko naman ang tingin kay Kylie. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa expression niya ang takot at pangamba.

Naramdaman kong lumapit siya sakin. "Kylie needs your comfort today, lalo na't wala pa dito ang ate Kelizen niya."

"I don't know how to explain things to ate Kel if she'll ask me about Kylie." Hinawakan niya 'ko sa balikat.

"Siguro mas mabuti nalang na sabihin natin ang totoo for the good sake of Kylie."

"Yeah, what choice do I have." Bumuntong hininga ako. Recently, nakakastress ang mga nangyayari sa paligid. Minsan hindi ko kayang ihandle ang mga ganitong bagay pero kinakaya ko para sa kanila— lalo na sa kanya. I hope things will get better soon.

Tumingala ako sa kanya. "How about you?"

"I'm fine, malaki na 'ko at kayang kaya ko ang sarili ko."

"You sure?"

"Of course, mas kailangan ka dito ni Kylie."

"Tutuloy pa rin ba kayo?"

"Yeah, kailangan namin tapusin ang project. Don't worry, your name and Kylie was already listed. Sige, alis na 'ko, mag-ingat kayo dito." Tumayo ako saka siya niyakap.

"Mag-ingat din kayo sa biyahe." I said between our hug saka humiwalay siya.

Tumango ako saka siya umalis sa harap ko. Humiga ako sa tabi ni Kylie at do'n ko lang narinig ang pagsara ng pinto.

Dito nalang muna ako sa kanya, babantayan ko siya hanggang sa makarecover siya sa nangyari kanina. Nang makahiga ako ng maayos sa tabi niya ay kinuha ko ang ibang strands ng buhok niya na humaharang sa mukha niya saka tinitigan ang maamo niyang mukha.

She's innocent to these kind of situation and cases. Hindi niya alam ang mga wirdong nangyayari sa paligid. Wala siyang kinalaman dito pero nadadamay siya dahil sakin. Sa mga lumipas na taon na hindi ko siya pinansin at hindi ako kasama, walang may nangyaring masama sa kanya pero ngayon na unti-unti na akong nagbabago ay mas lalo pa siyang nadadamay. Napayukom ako ng kamao.

Hindi ko naman gustong iwan si Kylie dahil panigurado ay mabibiyak siya. Hindi ko kayang makita na ganon siya ng dahil lang sakin. Para ko na siyang totoong kapatid, hindi ko siya kayang saktan pa muli dahil pareho lang kaming masasaktan, magdudurusa lang kami.

Habang pinagmamasdan ang mukha niya ay hindi ko pala alam ay unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata ko at ilang segundo lumipas ay nakatulog ako.

~*~

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng pagsara ng pinto. Para hindi magising ang katabi ko ay dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga saka inayos ko ang pagtalukbong ng kumot sa kanyang katawan. Habang ginagawa ko 'yun ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto niya.

"Rosella?" Lumingon ako dahil sa pamilyar na boses nito. Si ate Kelizen.

"Ate Kel," lumapit siya sakin saka tinignan si Kylie.

"Ano nangyari? Napaaga yata kayo ng uwi." Aniya at lumapit samin at umupo sa paanan ng kama.

"Natapos niyo na ba ang project niyo?" Marahan akong tumango, nagdadalawang isip sa isasagot.

"Is she okay? Parang namumutla siya." Napansin niya rin pala.

"Something bad happened ate Kel," agad na lumingon ang ulo niya sakin dahil sa sinabi ko.

"Something bad?" She said while emphasizing the word 'bad'. Umupo ako sa tabi niya. Kinwento ko sa kanya ang nangyari.

"Then, all of a sudden we heard her loud scream. Pagpasok namin ay nasulubong agad namin ang isang tao na...na." hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito. Baka kasi mataranta si ate kapag sinabi ko ang salitang 'patay'. Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"I hope she'll be okay,"

"Don't worry ate Kel, lilipas ang araw ay magiging okay din siya."

"Sana ganon nga pero hindi ganon 'yun kadali sa isang katulad ni Kylie, Rosel." Bumuntong hininga siya. Magsasalita na sana ako ng inunahan niya 'ko.

"Alam mo naman siguro na may Necrophobia siya?" Napatahimik ako, hindi nagsalita.

"Napakaseryoso ng phobia niya. Hindi ito magagamot ng simpleng gamot lamang." Pagpatuloy niya samantalang ako ay yumuyukong nakikinig lang sa bawat salita niya.

"Naalala mo nung pumunta kayo sa isang party ng kaklase niyo?" Tumingala ang ulo ko sa sinabi niya.

"Someone died that night, right?" Tumango agad ako.

"Ilang araw siyang hindi makatulog, nakikita ko 'yun sa itsura niya lalo na sa mga mata niya. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong tumatak ang imahe ng nakita niyang bangkay nung araw na 'yun." Agad na tumingin ako sa mahimbing na natutulog na si Kylie.

Si Kylie? Ba't hindi niya ito sinabi sakin? Hindi halata sa mukha niya dahil ang palagi niyang ginagawa sa eskwelahan ay tawa at ngiti. 'Yun pala, sumusuot siya ng maskara. Hindi talaga natin agad-agad malalaman ang totoong nararamdaman ng isang tao.

The only thing I always saw about Kylie was her genuine and wide smile, sa sobra niyang pagngiti ay nakikita ko na ang mga wrinkles sa gilid ng mga mata niya. Her smile is always my stress reliever but sometimes, it's not always genuine. A smiley face can hide your real feelings but most of the time, pain.

"Hindi ko alam kung ano ang mga iniisip niya ng mga araw na 'yun pero habang natutulog siya ay narinig kong binanggit niya ang pangalan mo." Paliwanag ni ate Kel.

"Do'n ko napagtanto na kailangan ka ng kapatid ko."

"I'm sorry," Kylie needed my comfort, yes I was there for her pero hindi katulad niya na sobra-sobra ang pag-alaga sakin.

"For what?" Natatawang sabi nito. Yumuko ako.

"I wasn't there for her when she really needs me." Kahit na nakayuko ako ay nakita ko siyang ngumiti.

"Blame me," Pwede naman diba? Because I blame myself too.

"Ano ka ba?" Tinabig niya ng mahina ang balikat ko.

"Wag mo ngang sisihin ang sarili mo at hindi ko magagawang sisihin ka. Every one of us has our own reasons to change." Tinignan niya ang natutulog na babae sa kama and smiled.

"You're part of her life. Isa ka sa mga pinakaimportanteng tao sa kanya. Hindi ko papalayuin ang taong napakahalaga sa kanya, hindi ko sasaktan ang kapatid ko." Bumuntong hininga siya.

"Hindi ko alam kung magiging ganyan kasaya si Kylie kung hindi ka niya nakilala." Nararamdaman ko ang lungkot ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"I'm really happy na nandyan ka palagi sa tabi niya." Nung tumingin siya sakin ay agad kong iniwas ang tingin ko.

Hindi totoo ang sinabi niya. Ilang taon akong nawala sa tabi ni Kylie. At pinagsisihan ko 'yun. Didn't Kylie told her?

Hindi ako umimik. Nanatili lang akong tahimik habang tinitignan ang natutulog na si Kylie. Gusto kong ilabas itong nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa ate niya na hindi totoo ang sinabi niya. Pero bigla nalang ako hindi makapagsalita at natutop nalang itong bibig ko. Kinokonsensya ako pero ayaw lumabas ang mga salita. Parang mas lalo lang nito ako pinapakonsensya.

"Oh yeah, magluluto ako ng miryenda. Dito ka na kumain."

"U-uh, no thanks ate Kel."

"Huh? Bakit?"

"Binantayan ko lang si Kylie hanggang sa makarating kayo. Kailangan ko rin kasi ng pahinga dahil napagod ako sa paggawa ng project namin."

"Oh sige, bisita ka rin dito minsan ah? Bihira ka nalang dito pumupunta, bakit?"

"School works ate."

"Ahh, kaya pala. Siya sige, magluluto na 'ko. Mag-ingat ka ah."

"Thanks ate," tumayo na siya saka nagtungo sa kusina nila. Hinalikan ko muna si Kylie sa noo saka umalis pero bago ako tuluyang makalabas ay sinulyapan ko muna siya.

Ang totoo ay hindi naman talaga ako pagod. Gusto ko pang magtagal dito para mabantayan at makasama ko si Kylie pero tutal nandito na rin naman ang ate niya ay hindi na niya ako kailangan. Hindi rin totoo na ang school works ang nagiging hadlang sa hindi pagpunta ko sa kanila.

Iniwas ko aking tingin saka tuluyan ng umalis. Pagdating ko sa harap ng pinto ng apartment ay agad ko itong binuksan. Nilock ko ito saka pumasok sa kwarto. Habang nililigpit ko ang mga gamit ko ay nakarinig ako ng tahol mula sa labas kaya nilingon ko ito at nakita ko si Spot na may kagat-kagat na lapis ang maliit niyang bibig.

Tumaas naman ang kilay ko nung binigay niya ito sakin saka siya lumabas. Ano kaya ang ginawa nung tutang 'yun dito? Tsk tsk, kawawang lapis.

Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Habang nililigpit ko ang aking mga gamit ay napukaw ng atensyon ko ang isang maliit na itim na box. Oo nga pala, nakalimutan ko.

Kinuha ko ito at binuksan. Bumungad sakin ang halos hindi mabilang na mga litrato naming dalawa ni Kylie ang bumungad sakin. In this box, inside of it are my treasured moments and memories with her. Mula sa mga bata at inosente naming mga mukha, nung grade school kami pero pagtungtong ng highschool ay wala kaming litrato. Hanggang nung elementary lang.

Agad kong tinakpan ang litrato na hubo't hubad kaming dalawa. Bumusangot ang mukha ko sa nakita ko. Buti nalang at nakatalikod kami, maliliit na pwet lang namin ang nakikita ko.

I heave a sigh as I put all the pictures back to the box. Tinago ko ito sa pinakatagong lugar sa cabinet at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit ko.

After fixing my things, I lie down on my bed. I took my earphone and played some of my favorite music. Habang nakikinig ako ay hindi ko pala namalayan na nakatulog ako.

~*~

My expression turned grimaced as I feel someone turned on the light. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si ate na pumasok.

"Oh, nandito ka na agad?" Sabi niya sabay lapag ng bag niya sa kanyang kama. Dahan-dahan akong bumangon at kinusot-kusot ang aking mata. Pinatay ko na rin ang music na hanggang ngayon ay nagp-play pa rin. Tumingin ako sa clock display ng cellphone ko, 6:49 pm. Napaaga yata ang uwi niya? Nagkibit balikat nalang ako.

"Ang bilis naman yata matapos ng project niyo." Sabi niya na ikinatango ko nalang. Ayaw ko ng buksan ang tungkol sa pangyayaring 'yun. Ang dami nangyari sa isang araw ko do'n.

"Magluluto na ako ng hapunan, ano gusto mo?" Tinignan ko si ate, nakabihis na pala siya ng pambahay.

"Adobo,"

"Roger ma'am." Nagsalute muna siya saka lumabas na sa kwarto.

Ako naman ay tumungo siya cr saka naligo. Hindi ko alam kung ilang oras akong tumambay sa cr dahil sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi na yata 'to mawala-wala sa isip ko. Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga.

Lumabas ako habang pinapahiran ng twalya ang buhok ko. Paglabas ko ay nakita ko si Spot na nakaupo sa couch, tagilid ang ulo habang ang buntot ay kumakawag.

Napatingin ako sa tinitignan niya, ahh nanonood pala ng TV. Pumunta ako sa kusina at nakita si ate na nagluluto.

"Kainan na~" sabi niya sabay lampas sakin habang hawak-hawak ang isang bowl na puno ng ulam namin. Habang kumakain kami ay parang nakaramdam ako ng pagsakit ng tyan ko. Agad akong pumunta sa lababo at nagsuka. Hindi ako makapaniwala sa nasuka ko.

Blood. I vomited blood.

"Masarap diba?"

I breathe heavily as I looked at my sister. She's grinning like a psychopath.

Tumayo siya na ikinaatras ko. W-what? What's happening?

"I had longed waited for this day and at last, the right time has come."

No. Hindi. H-hindi.

"You know, one of the most beautiful view in my eyes is," she paused and took a knife na ikinaatras ko pa.

"Seeing you, vomiting blood until your body drains all of it to it's last drop." Dahan-dahan siyang lumapit sakin na hawak ang kutsilyo samantalang ako ay umaatras hanggang sa maramdaman wala na akong maaatrasan. Napaupo nalang ako dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko.

She rotated the knife as if she was ready to stab me in my chest and through my soul. Samantalang ako ay nahihirapan na akong huminga at umubo pa rin ng dugo as my eyes is slowly getting blurry.

Tinaas niya ang kamay niyang may hawak na kutsilyo. I gasped at pumikit para kumuha ng maraming hangin. Pagbukas ko ng mga mata ko ay ibang larawan na ang nakita ko.

Hindi na si ate ang nakikita ko. It's some guy. No. It's not just some random guy, he's the guy that I saw in the window of our classroom and from that cafe.

Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya, still covering by his hoodie.

"See you in the other side of the world, Rosella." The guy said and slashed my neck na naging dahilan ng pagsariwit ng dugo ko.

~*~

I gasped and breathe heavily as I got up from my bed. Hinimas ko ang aking dibdib at saka ito sinuntok ng mahina at napaupo pa ako.

A dream. No, a nightmare. That was definitely a nightmare.

Balisa kong tinignan ang paligid ko. I sighed in relief, nandito pa rin ako sa kwarto. Pero bukas na ang ilaw at may nakita akong bag na nakapatong sa kabilang kama katulad sa panaginip ko. My heart started to pound like crazy.

Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko, 6:44. Tila, tumigil ang oras sa nakita ko. Hindi ko na rin maramdaman ang hininga ko.

Malapit na. 5 minutes left. Dali-dali akong bumangom at binuksan ang pinto at pupunta na sana sa kusina nang makita ko si Spot. He's position is also the same in my dream. Pero ang pinagkaiba ay tinahulan niya ako ng makita niya 'ko.

"Rosel? Gising ka na ba?" Sabi ni ate mula sa kusina. Naestatwa ako ng maamoy ang niluluto niya.

Adobo.

Was that really a dream? Or... a vision?

No way. No, it can't be. It's too impossible.

"Rosel?" I stepped back as I saw her. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko. I gulped.

"Gising ka na nga, tamang-tama tapos ko na lutuin ang favorite mo." She said as she placed our dinner on the table.

"Oh? Anyare sayo bunso? Para ka d'yan nakakita ng multo." Sabi niya pero hindi pa rin ako gumagalaw. I flinched when Spot licked my foot. Do'n lang ako bumalik sa wisyo ko.

What's happening to me? Panaginip lang 'yun. Isang masamang panaginip. Wala ibig sabihin ang panaginip kong 'yun. Wala.

"Tulungan mo 'kong maghanda." Kumilos na 'ko. Pumunta ako sa kusina at nakita siyang sumasandok ng kanin mula sa rice cooker. Ako naman ay kumuha ng pinggan namin at kubyertos pero bigla akong nagitla nung humipo ang siko niya sa braso ko.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako na may pagtataka. "Ano bang nangyayari sayo?" Natatawang sabi niya sabay iling. Binilisan ko pagkuha ng mga kubyertos at dali-daling pumunta sa lamesa saka nilapag do'n.

"Okay ka lang ba? Ba't parang balisa ka?"

"D-don't mind me, I'm okay."

"Sigurado ka?"

"Yeah, gutom lang ito."

"Oh siya, kain na tayo." Umupo na kami sa maliit naming lamesa and we prayed before eating. Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba ang niluto niyang ulam namin.

Yung lalaki nakita ko kaninang umaga, nung pauwi na kami. Napakapamilyar kasi talaga niya. Hindi kaya na siya yung napaginipan ko? Hindi ko kasi makita ang mukha ng lalaking napaginipan ko kasi may suot siyang hoodie. Ba't ba palagi ko nalang siya nakikita? Pati sa panaginip ko ay nagpapakita rin siya.

Do we have any connections? Any strings that attached to us? Magkakilala ba kami? Wala naman akong naalala na may kilala akong lalaki na ganon ang itsura. But the question here is, why?

Ano ang kinalaman ko sa kanya? Kilala niya kaya ako?

"Hoy, Rosella." Nagising ang diwa ko ng tinawag ako ni ate. Tumingin ako sa bibig niya.

"H-huh?"

"Nakikinig ka ba sakin?"

"A-ahh,"

"Ano bang iniisip mo? Ba't parang nag-aalala ang mukha mo?"

"Nothing," I answered and I avoided my gaze from her.

"Anong wala? Halata sa mukha mo eh. Siguro may nangyari sa paggawa ng project niyo 'no?" Hindi ako sumagot.

"Bakit pala nandito ka na? Tapos niyo na bang gawin ang project niyo?"

"Y-yeah,"

"Talaga? Ang bilis niyo ah. Akala ko ay magtatagal kayo ng isang linggo do'n."

"I got sick,"

"Hah?! Eh uminom ka na ba ng gamot?" Nag-aalala ang tono niya pero ang nakita ko sa panaginip ko ay kabaliktaran.

Hinipo niya ang noo ko. "Nilalagnat ka ba?" Kinuha ko ang kamay niya sa noo ko.

"I'm fine, just needed some sleep."

"Kung ganon magpahinga ka agad." Tumango nalang ako at nagsimula na ulit siyang kumain. Samantalang ako ay tinitignan pa rin ito, nag-aalinlangan pa rin.

"Oh? Natutulala ka na naman." Umiling ako.

"Hindi ka gutom?" Tinulak ko ang upuan ko at umalis.

"Rosel, saan ka pupunta?" Pero hindi ko siya sinagot. Kinuha ko yung jacket ko at saka lumabas ng apartment. Doon ko lang napalabas ang mahabang buntong hininga. Nang makita ko ang anino niya papunta sa pinto ay tumakbo agad ako paalis.

I don't know what's happening now. Palagi nalang ako nagdadalawang isip, na hindi sigurado sa mga desisyon ko. Nararamdaman ko na naman ulit itong pakiramdam ko. Of all the years passed, ngayon ko nalang ulit ito naramdaman.

I'm scared.

I'm scared of what will happen in the near future.

Noon ay parang gusto ko pang malaman kung ano ang mangyayari sa nalalapit na hinaharap pero ngayon binabalik ko na. Ang hirap talaga kapag hindi ka normal. Why do I have to be the one who possessed this kind of ability? Hindi ko alam kung saan ito nagbunga. Basta ang alam ko ay nagsimula ito nung naaksidente si mama.

Hindi ko na pala namalayan na nakarating na ako sa isang lugar na sobrang pamilyar sakin, ang playground. I sat on the same swing I sat for the last two months. Tinignan ko ang buong paligid. This is where it all started.

Siguro kung hindi ko sinundan si Kystella, kung hindi ko sana siya hinintay at binalaan ay hindi magkakaganito ang buhay ko. Mas lalo gumulo ang buhay ko nung ginawa ko lang 'yon. Ano bang kasalanan ko? Tama naman siguro na ginawa ko 'yun hindi ba? O baka mali para sakin?

Minsan talaga yung tamang gawain ay nakakasama sayo. Nakabubuti nga ito sa mga mata ng iba pero sayo pakiramdam mo parang hindi.

Dapat ba na manahimik nalang ako? Balewalain ang mga nakikita sa mga mata nila? Minsan kasi ay nakakapagod na. Ikaw nalang palagi ang nag-aadjust para sa sarili mo at sa kanila. Tao ako, napapagod rin.

I was so stupid to say that I can save anybody from their death. I was so stupid to say that I can risk my life just to save theirs. Hindi pala lahat ng tao ay tinakdang mabuhay.

Habang nagmumuni-muni ako ay bigla ako nakarinig na may tumatakbo. Wala katao-tao dito kaya maririnig mo talaga. Tumingala ako at may nakitang pigura ng tao na tumatakbo sa kabilang sidewalk. Tinignan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

I don't know why but my body started to move. I don't know what's happening to me, para kasing inuudyok ako nung taong na yun na sundan ko siya.

Tatakbo na sana ako nang mapahinto ako dahil nakarinig na naman akong may tumatakbo. Agad akong napatago sa malaking puno na malapit sa swing. Sumilip ako para tignan siya pero pagtingin ko ay nasa dulo na siya at lumiko kaya nawala na siya sa paningin ko.

Masama ang kutob ko dito. Umalis nalang kaya ako? Hahayaan nalang sila at wag pansinin. But I'm so damn curious. Binabalot ako ng kyuryosidad kung bakit naghahabulan silang dalawa. Curiosity really kills the crap out of me. Kahit na gustuhin ko mang umalis at tumakas nalang ay hindi sumasang-ayon ang katawan at isip ko.

Because curiosity is really bugging the bulls out of me, I started to run and followed them. Sumandal muna ako pader sa pinakadulo ako pumwesto at sumilip. Nakita ko ang likod na humahabol sa lalaki.

Tumawid siya sa kabilang sidewalk at lumiko sa kanan. Walang ingay ko siyang sinundan habang tumatakbo. Pagdating ko sa may likuan ay hindi muna ako lumabas, sumandal ako at dahan-dahan silang sinilip.

Oh shit, it's a dead end. At do'n ko sila nakita. Ang hinahabol ng lalaki ay tumitingin-tingin sa paligid, nagbabasakaling may mahanap siyang madadaanan.

Tinignan ko ang paligid, for this kind of situations this is the hard one. Ang dilim. At pakiramdam ko ay wala na siyang kawalan. Hindi ko sila masyadong naaanigan dahil iisang poste lang ang umaandar at nagpapalitaw ng liwanag sa paligid. Isa sa kanila at isa dito malapit sakin.

"W-wag kang lumapit!" Rinig kong sigaw nung lalaki. Mabuti at napunta siya sa ilalim ng ilaw ng poste kaya nakikita ko na ang kung ano ang ginagawa nila pero dahil malayo sila ay hindi ko makikita ang mga mukha nila. Mga galaw at boses lang nila ang naaanigan ko.

"Sinabing wag kang lumapit!" Sigaw nung lalaki at nagpalabas ng baril. I gasped as I saw a real gun.

*BANG!*

Agad ako nagtago at sumandal sa pader. Naalala ko na naman ang pangyayaring 'yun. Ang eksena na hindi pa rin mabura sa isip ko. Ang pagkamatay ni Marvin. Napapikit ako ng mariin.

Sabi ko na nga ba. Dapat ay hindi ko nalang sila sinundan. Pareho pa rin ang mangyayari.

"You killed someone," halos tumindig lahat ng balahibo ko sa narinig kong boses. That voice, I heard it again. Ang boses niya, the voice of Anonymous. Nakapalalim, nakakapanindig balahibo. Sumilip ulit ako sa sitwasyon nila.

"A-ano pinagsasabi mo?!" Pero hindi na siya ulit nagsalita.

"Hah! Si Daisy ba ang tinutukoy mo?!" Sigaw pa nung lalaki pero halatang nanginginig siya habang hawak ang baril.

"Fvck! Walter?! Ikaw ba 'yan hah?! Hindi ito magandang biro Walter ah." Dahan-dahan humakbang ang lalaking nakamaskara papalapit sa kanya.

"Sinabing wag kang lalapit! P-puputukin ko talaga ito sayo!"

Nagpalabas siya ng dagger. Still the same dagger I saw that day. Binato niya ng napakabilis ang dagger papunta sa lalaki. Hindi ko alam kung binato niya ito papunta sa kanya dahil halos hindi ko na makita ito kung saang direksyon ito napunta. Sinundan naman ng tingin ng lalaki ang binatong dagger.

No, it's a trap.

Bigla ay nasa harap na niya ito.

I knew it. Tss, what a jackass. That was just a trick to draw his attention away from him.

Nabitawan nung laki ang hawak niyang baril. Hindi ko mawari kung may binulong ba siya sa lalaki, tumango-tango kasi ito.

Agad akong napansandal sa pader ng biglang tumakbo papalayo ang lalaki. What? Pinatakas niya? Impossible. Nang makita ko na ang lalaki ay tatawagin ko na sana siya ng...

"N-no,"

Napaluhod ako. Nanginginig ang katawan habang tinitignan ang patay na katawan ng lalaki. Oo, patay na siya. Because that weird so-called Anonymous killed him by tossing his daggers to him. Hindi ko alam kung paano naging tatlo ito eh kanina isa lang ang hawak niya.

Saktong humiga ang katawan niya sa ilalim ng poste na malapit lang sakin. Napatakip ako ng aking bibig, pinipigilang lumabas ang malalalim at maingay kong paghinga. Nanginginig na rin ako gawa ng takot. Nilapitan ng lalaki ang patay na katawan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa kanya.

Gusto kong sumigaw ng napakalakas para mabulabog ang mga tao dito. Gusto kong tumakbo ng napakabilis para humingi ng tulong, gusto kong ipaghigante ang lalaking pinatay niya pero wala akong lakas kahit na tumayo man lang.

This scene is definitely one of the fearful scenes that I saw.

Nanginginig akong sumandal sa pader dahil papalapit ang lalaking nakamaskara dito sa direksyon ko. Mahigpit kong tinakpan ang aking bibig, iniiwasang gumawa ng ingay. Sinilip ko ng kaunte ang ulo at mata ko at nakitang kinuha niya ang kanyang maskara.

That was really the perfect opportunity to see his face but there's only one big problem— only his back I can see. Nakatalikod kasi siya sakin at ang atensyon niya ay nasa patay na katawan ng lalaki.

Damn it. Luck, I need you now. I need you to make this guy turn around so I can see that mysterious face of him.

Hindi ko sadyang matabig ng paa ko ang basura na nasa likuran ko. Ulit ay napasandal ako sa pader habang pigil na pigil ang hininga, nanginginig. Hindi na 'ko nagdalawang isip na tumakbo paalis sa lugar na 'yun.

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...