The Mafia Prince is my Stalke...

By lil_MissBlue

8.4M 236K 17.2K

What if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anon... More

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?! (>_<)
¤ Chapter 1 ¤ The game is ON
¤ Chapter 2 ¤ The START
¤ Chapter 3 ¤ Moody Seatmate
¤ Chapter 4 ¤ Step 2
¤ Chapter 5 ¤ Nicknames
¤ Chapter 6 ¤ Savior
¤ Chapter 7 ¤ Kasalanan mo lahat 'to!
¤ Chapter 8 ¤ You're my Stalker?!
¤ Chapter 9 ¤ Can you help me?
¤ Chapter 10 ¤ We will help you
¤ Chapter 11 ¤ Meet my Friends
¤ Chapter 12 ¤ The Plan
¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell
¤ Chapter 14 ¤ Lagot kayo ngayon
¤ Chapter 15 ¤ Spotlight
¤ Chapter 16 ¤ Ayaw mo di huwag!
¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant
¤ Chapter 19 ¤ Practice
¤ Chapter 20 ¤ A Day Before The Pageant
¤ Chapter 21 ¤ The Pageant
¤ Chapter 22 ¤ Binalaan kita
¤ Chapter 23 ¤ Jarred The Great
¤ Chapter 24 ¤ Sino kaya sila?
Jhen's Note
¤ Chapter 25 ¤ What a Great Day
¤ Chapter 26 ¤ I'm not a Liar
¤ Chapter 27 ¤ Lucky
¤ Chapter 28 ¤ Sino kaya ang dumating?
¤ Chapter 29 ¤ Group date?
¤ Chapter 30 ¤ Group date
¤ Chapter 31 ¤ My day
¤ Chapter 32 ¤ Ready?
¤ Chapter 33 ¤ Sophie is back
¤ Chapter 34 ¤ Ngayon alam mo na ang feeling
Chapter 35 and Chapter 36 :)
¤ Chapter 37 ¤ Sweet
¤ Chapter 38 ¤ The Decision
¤ Chapter 39 ¤
¤ Chapter 40 ¤
For my readers :)
Book 2? Special Chapter?

¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman

196K 5.5K 425
By lil_MissBlue

¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman.

Habang nagmamaneho, halos takpan ko na ang dalawang tenga ko sa sobrang pagkarindi kina Abby at Samantha.

Wala silang ginawa kundi pag-usapan ang mga pangyayari nang mawala ako.

Sa totoo lang nakakabagot silang kasama.

"Alam mo bang sobrang nalungkot kami nang mawala ka?" tanong saakin ni Abby.

I almost scoffed aloud because of what I heard.

I smiled drily in her direction. Nalungkot kayo? Sinong linoko mo, Abby?

"Talaga?" tanong ko pa nang nakangiti.

Akala siguro niya mauuto niya ako. Sorry, but you chose the wrong target.

"Oo naman, Sophie. Malapit karin naman saamin, e." sabi naman ni Samantha.

I smiled sweetly at them. "Kaya pala nung pagkaalis ko, nagparty pa kayo sa bahay namin 'no? Oo nga, ang lungkot niyo." malambing kong sabi.

Gulat na gulat sila sa sinabi ko.

"H-Hindi Sophie, ha?" nauutal na sabi ni Abby.

Anong akala ng dalawang 'to? Hindi ko alam? Well, mali sila nang pinagsisinungalingan dahil alam ko lahat.

They can try but they can never deceive me.

"B-Bakit naman kami magpaparty nung pinaalis ka sainyo, diba? Anong klase kaming kaibigan kung ginawa namin 'yon?" sabi naman ni Samantha.

LIAR! Pare-pareho kayong lahat, mga makakapal ang mukha.

"Kung ganon hindi pala kayo yung nasa picture na pinost ni Monique sa facebook nung pagkaalis ko? Yung nagpaparty? Akala ko kayo eh, ang gaganda niyo pa naman sa picture. Ang saya-saya niyo nga e, nakakainggit." sabi ko tapos sila namutla lang. "Sino kaya yung nasa picture na kasama ni Monique?" tanong ko tapos sila wala lang kibo. "Ah, alam ko na baka na-clone kayo and the people with Monique in that party are your clones." nakangiti kong sabi.

"Sophie, kumusta pala ang buhay mo sa Hyun University?" pag-iiba nang usapan ni Samantha.

"Sa Hyun University?" tanong ko.

"Oo, marami bang gwapo doon?" tanong naman ni Abby.

"Oo napakaraming gwapo, try niyo man pumasok." sabi ko tapos sila natahimik lang.

"Oops!" sabi ko sabay takip sa bibig ko. "Hindi pala pwedeng pumasok ang hindi student ng school. In short hindi kayo makakapasok cause your IQ is too low 'no?" sabi ko at sila parang nainis sa sinabi ko.

Nakakatawa ang mga hitsura nila. Hanggang saan kaya ang itatagal nila sa pang-aasar ko? Hmm, let's see.

"Well anyway, marami pa namang school ang pwede niyong pasukan where you belong. Mga school na punung-puno ng kauri niyo, mga low class people na alam lang gawin ay magpaganda. Mga taong nakakapasa lang because sinuhulan yung teacher, and most importantly mga PLASTIC." sabi ko at sila tinignan lang ako ng masama.

Ooops! mukhang napasobra ang pang-aasar ko ha?

I know I shouldn't feel happy, pero hindi ko mapigilang maging masaya. Napakagaan nang pakiramdam ko ngayon.

Payback is a b*tch Abby and Samantha! That's what you get for being so evil.

Naaalala niyo ba kung paano niyo ako pinagtawanan noon? Instead of helping me, all you did before is laughed at me.

Ngayon ako naman ang tatawa.

"Huy, ano ba kayo? Nagbibiro lang ako, don't take it so seriously." natatawa kong sabi.

At mukhang naniwala naman sila sa sinabi ko dahil hindi nagtagal nakitawa narin sila saakin.

"Oh my gosh! Akala ko totoo na." sabi naman ni Samantha.

Nginitian ko lang sila. Sobrang dali nilang utuin.

"Grabe ang mga joke mo Sophie." sabi naman ni Abby. "Muntik na akong maniwala." dugtong pa niya.

I rolled my eyes secretly.

Paanong hindi ka maniniwala? Gayong alam mo naman na totoo ang sinabi ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay namin.

Kaagad kaming bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob.

Nagulat ako nang madatnan na ang mga kaklase ko sa sala at kumakain na.

"Dumaan kami sa shortcut. Hindi mo alam yung shortcut 'no?" sabi saakin ni Yssa nang makita niya ang confuse kong tingin.

"Hindi eh, oh ba't wala pa sina Monique?" sabi ko sabay tanong nang mapansin kong sina Monique and Jarred nalang ang wala.

"Good afternoon tito, tita." bati nila sa mga bagong dating na kontrabida sa buhay ko, ang magaling kong mga magulang.

Nginitian ko lang sila nang mapadako ang tingin nila saakin.

"Ang ganda naman ng bago niyong classmate." puri ni mama sabay tingin saakin.

"Oo nga, magandang-maganda kumpara mo sa magaling nating anak na si Sophie" sabi ni papa sabay tawa nila ni mama.

Nang mapansin nila na sila lang ang tumatawa ay napatigil sila. Mukhang nahiya pa yata.

Oo, akalain niyo? May hiya pa pala sila? Ang kapal talaga nila. Magandang-maganda daw ako kumpara kay Sophie? Wala talaga silang kwentang magulang, hindi man lang nila ako nakilala.

"Nakakatawa na sana ang joke niyo, e. Sayang nga lang dahil ang sinasabi niyong magaling na anak na pinapahiya niyo sa harapan ng mga classmate at harap niya ay AKO. Next time mag-joke kayo siguraduhin niyong hindi sa harap nang pinapahiya niyo, okay? Nakakahiya e, nagmumukha kayong mga TIMANG." sabi ko with matching precious fake smile.

At sila parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"S-sophie?" tanong ni mama.

"The one and only Sophia." nakangiti kong sabi. At si mama at papa is tinignan lang nila ako. "Hindi niyo ba ako iwe-welcome back?" tanong ko at sila nagtawanan lang.

Lumapit saakin si mama at yinakap ako.

"Ang ganda-ganda mo na anak, welcome back." sabi niya na proud na proud saakin kasi ang ganda-ganda ko na. Lumapit din saakin si papa at yinakap din ako.

"Welcome back anak, we missed you." sabi naman ni papa.

Psh, ang galing niyo talaga. Saludo na ako sainyo.

"Wala pa ba sina Monique?" kunwaring nag-aalala kong tanong.

"Bakit?" tanong ni papa.

"Hindi po kasi siya nasundo ni manong Jim dahil nasiraan po yung sasakyan. Sinasabay ko na po siya kanina, kaya lang po ayaw niya daw sumakay sa bulok kong sasakyan. Mas gusto niya daw pong magcomute kaysa makasama ako." umiiyak kong sumbong.

Sina mama at papa naman ay linapitan lang nila ako at yinakap. "Humingi po ako ng tawad sa kanya pero hindi niya po tinanggap. Sabi niya po wala na akong pag-asang magbago." pagsisinungaling ko pa.

They just comforted me. Napangiti ako, they are so easy to fool. Kaya naman konting drama lang nauuto na sila ni Monique.

"Shh, we will talk to her okay." alo ni mama saakin.

"Ako na ang bahala sa kanya." sabi naman ni papa. "Tara doon muna tayo sa kusina at umupo na muna tayo." dugtong pa niya.

Pumunta nga kaming lahat sa kusina. Pinaupo nila ako para daw makapagpahinga ako.

Kung asikasuhin ako ng mga magulang ko ngayon pwedi na silang parangalan nang 'Most Loving Parents' of the year.

Grabe, mukhang may pinagmanahan naman pala kami ni Monique sa galing sa pag-arte. Lahat kami papasa bilang artista.

I acted so happy and good. Kahit na sukang-suka na ako sa kaplastikan nila.

I need to earn their trust. They're going to be my defense against Monique.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa napunta yung topic sa boyfriend ko.

"May boyfriend ka ba anak?" tanong saakin ni mama.

"Opo." nakangiti kong sagot.

"Mabuti naman kung ganoon. Siguro naman titigilan mo na si Jarred at Monique ngayon hindi ba?" sabi ni papa.

Ang tigas naman talaga ng mukha nang dalawang 'yun. Kailan ko ba sila ginulo?

May sasabihin pa sana siya nang biglang bumukas yung pinto ng kusina. And there stood Monique crying.

Kaagad itong tumakbo papalapit kay mama at papa.

Ano na naman ang binabalak nang babaeng 'to?

"Mama, Papa..." iyak ni Monique kay mama at papa.

"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong naman ni mama sa kanya.

Bumaling ang tingin niya saakin. What are you planning this time Monique?

"Naligaw po kami, because of your b*tch of a daughter! Hindi niya po ako sinabay at pinabayaan niya po akong magcomute. Alam naman po niyang hindi ako marunong magcomute!" sumbong ni Monique.

You're really unbelievable Monique.

"What?!"

"LIAR!"

"Huwag mo ngang sisihin si Sophie! Ikaw 'tong ayaw sumabay eh!"

Pagtatanggol ng classmate ko saakin.

Oooh, alam niyo na siguro kung bakit ko sila tinulungan sa principal kanina 'no?

Para may kumampi saakin, gagamitin ko sila laban sa mga binabalak na masama saakin ni Monique. Sila ang magtatanggol saakin.

I'm so genius right?

"Monique, kanino mo natutunan ang magsinungaling? Diba sinabi namin ng malinaw noon sainyo ni Sophie na ayaw namin sa mga sinungaling?" nagagalit na sabi ni mama.

"Para hindi mo na gawin ulit 'to, I will punish you! I will confiscate your gadgets. Ibigay mo saakin mamaya ang cellphone at laptop mo!" sabi naman ni papa.

Gulat na gulat naman si Monique because of the turn of events.

Well, hindi ko siya masisisi. My parents always believed her lies no matter what the circumstances are.

Pero dapat masanay na siya simula ngayon, dahil sisiguraduhin ko na hindi ito ang huling pagkakataon na mangyayari ito.

"Papa, i'm not lying! They're just all lying! Nalason na ni Sophie ang utak nila." sabi niya ulit.

Oops, wrong move Monique. Napailing-iling ako sa ginawa niya.

"What?!"

"How dare you!"

"Ang kapal mo naman!!"

"Bakit mo laging kinakawawa si Sophie?!"

Galit na galit na sigaw ng mga kaklase namin.

Nakakaaliw silang panooring nagkakagulo-gulo.

Aliw na aliw akong panoorin si Monique na hindi alam ang gagawin. This is just my first day Monique. Nag-uumpisa lang ako, pero wala ka na kaagad kakampi?

This is so interesting.

Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung wala na siyang kakampi gaya ko noon?

Monique, Monique tsk tsk. Kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo mas magiging madali ang trabaho ko.

I didn't know you are this stupid.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 209 15
Miles & Nate moments after 5 years
714K 15.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
154K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
927K 14.2K 28
Isang Nerdy Geek at dakilang stalker si Pam chua sa pinaka gwapong lalaki sa St.Peter Academy na si Kian Migs Monticillo. Lagi siyang inaasar nito at...