THE BOY IN MY DREAM

By Angielaaabs

161K 7K 709

Isang ordinaryong babae na kayang i -manipulate ang kanyang panaginip. Panaginip kung saan nya ginagawa ang s... More

PROLOGUE๐ŸŒ™
CHAPTER 1๐ŸŒ™
CHAPTER 2๐ŸŒ™
CHAPTER 3๐ŸŒ™
CHAPTER 4๐ŸŒ™
CHAPTER 5๐ŸŒ™
CHAPTER 6๐ŸŒ™
CHAPTER 7๐ŸŒ™
CHAPTER 8๐ŸŒ™
CHAPTER 9 ๐ŸŒ™
CHAPTER 10๐ŸŒ™
CHAPTER 11๐ŸŒ™
CHAPTER 12๐ŸŒ™
CHAPTER 13๐ŸŒ™
CHAPTER 14 ๐ŸŒ™
CHAPTER 15 ๐ŸŒ™ The pass returns
CHAPTER 17๐ŸŒ™
CHAPTER 18๐ŸŒ™
CHAPTER 19๐ŸŒ™
CHAPTER 20๐ŸŒ™
CHAPTER 21๐ŸŒ™
CHAPTER 22๐ŸŒ™
CHAPTER 23๐ŸŒ™
CHAPTER 24๐ŸŒ™
CHAPTER 25๐ŸŒ™
CHAPTER 26๐ŸŒ™
CHAPTER 27 ๐ŸŒ™
CHAPTER 28๐ŸŒ™
CHAPTER 29
CHAPTER 30๐ŸŒ™
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE ๐ŸŒ™

CHAPTER 16๐ŸŒ™

2.6K 143 3
By Angielaaabs

"Zoey, anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Hannah ngunit wala akong maibigay na sagot.

"Seryuso ka ba? Pumasok ka nang hindi nagsusuklay," napapa-iling na wika nito 'tsaka kumuha ng suklay sa bag niya para suklayan ako.

Madami pa siyang sinasabi ngunit wala sa mga iyon ang pumasok sa isip ko.

Patuloy ko pa ring iniintindi ang mga sinasabi ni Adele. Ano 'yung bagay na hindi ko alam? Ano 'yung kailangan kong malaman? Ano nga ba talaga si Drake? Ano ang nakaraan nila ni Adele? Bakit bigla na lang pumasok sa panaginip ko? Bakit ngayon pa? Bakit kung kilan klaro na sa 'kin ang nararamdaman ko?

"Hala, Sis! Bakit ka umiiyak? Masakit ba pagsuklay ko sa 'yo?" Tarantang wika ni Hannah.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ano ba nangyayari sa 'yo? May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sa 'kin. Andito lang ako hindi kita huhusgahan," nag-aalalang wika ni Hannah.

"Wala 'to. Medyo masama lang pakiramdam ko. Punta muna ako sa clinic," ani ko at dinala ang mga gamit ko. Hindi na siya sumagot at hinayaan na lang akong umalis.

Bigla akong napatigil ng makita ko si Adele sa clinic. Nakasuot siya ng puti at tila maamong tupa.

"Zoey, anong kailangan mo? Bakit ang putla mo? Para kang nakakita ng multo," Ani Nurse Jane. Namamalikmata lang pala ako. Para akong nabunutan ng tinik ng masigurado na wala si Adele dito.

"Nurse Jane, medyo masama mo kasi ang pakiramdam ko, para akong lalagnatin. Pwede bang dito na lang muna ako?"

"Sige, mahiga ka do'n, papainomin kita ng gamot," aniya at itinuro ang unang makanting higaan.

Hindi naman siguro nakakamatay kong iinom ako ng gamot kahit wala naman talaga akong sakit, diba?

"Oh, inomin mo 'to at matulog ka muna para makapagpahinga ka," ani nurse Jane at iniabot sa 'kin ang gamot pati na rin ang isang basong tubig.

Matulog? Ayukong matulog. Ayaw kong bumalik doon. Sinira na nila ang panaginip ko. Sinira na nila ang pahingahan ko.

Bumalik na naman sa aking isipan ang mga nangyari kagabi.

Hindi niya ba alam?

Anong hindi ko? Anong dapat kong malaman.

Nakapaka-inosente niya, Drake. Hindi ka ba naawa sa kaniya?

Bakit kailangan akong kaawaan? Ano nga ba si Drake? Sino ba siya? Anong dahilan niya sa pagpunta sa panaginip ko? May masama ba siyang balak?

Ayuko na! Gulong-gulo na naman ang utak ko. Wala na naman akong makuhang sagot sa mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong. Pagod na akong humanap ng mga kasagutan. Pagod na akong intindihin ang lahat. Ayuko na!

"Zoey, gising," ani Hannah habang tinatapik-tapik ang braso ko. "Kain ka muna, nagdala ako ng pagkain," dagdag nito.

Nakatulog ako? Malabo. Hindi ko sila nakita, dapat makikita ko sila kong nakatulog talaga ako. Wala na ba sila sa panaginip ko? Pati ba ang kakayahan kong mag-lucid dream wala na? Pa'no na ang mundo ko? Paano na pahingahan ko?

"Zoey!" Malakas na tawag sa akin ni Hannah dahilan upang matigilan ako.

"B-bakit?"

"Kain ka muna," aniya at ini-abot sa akin ang sopas na nasa mangkok.

"Saan galing 'to?"

"Sa canteen malamang. Kumain ka na nga lang, daming mong tanong," masungit na aniya.

Nang matapos akong kumain ay ini-abot ko sa kaniya ang mangkok at uminom ng tubig.

"Ipinagpaalam na kita sa mga teacher kanina. Ihahatid kita pauwi. Sasabihin ko na lang din sa mga susunod na teacher na may sakit ka---" hindi na natapos ni Hannah ang sasabihin niya ng bigla akong magsalita.

"Hindi mo ako ihahatid pauwi dahil hindi ako uuwi. Papasok na ako mamayang hapon," mahinahong ani ko.

"H'wag ng matigas ang ulo, Zoey. Pipilayan kita tamo," nakataas ang kilay sa wika ni Hannah.

Wala na akong nagawa. Pagpatak ng alas dose sinundo niya ako sa clinic para maihatid na pauwi.

"Hannah, anong nangyari sa anak ko? Bakit akay-akay mo siya?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Masama po pakiramdam, Tita, kaya po hinatid ko na pauwi."

"Oh sya halika na kayo sa loob," ani Mama at nauna ng pumasok.

Ini-upo ako ni Hannah sa sofa bago sumunod kay Mama sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain para sa aming dalawa.

Nang matapos kumain ay pumasok na ako sa aking kwarto, umalis na rin si Hannah para pumasok.

Nilinis ko ang buong kwarto para may mapaglibangan. Pinagalitan pa ako ni Mama, dapat daw ay nagpapahinga ako. Sinabi ko namang ayos lang ako. Ayukong humilata lang at isipin na naman ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Hindi na kakayanin ng sistema ko kung iisipin ko pa 'yun.

Napag-disesyonan kong hayaan at tanggapin na lang kung anong mangyayari. Hindi ko naman na mababago 'yun kahit anong gawin ko. Hindi ko rin magagawang takasan iyon.

Ala singko na ng matapos akong maglinis. Ilang oras na lang at matutulog na ako. Malapit ng matapos ang oras ni Drake para makapag-isip. Kung ano man ang disesyon niya ay sana maging mabuti iyon para sa lahat.

~•Dream•~

"Tapos na ang oras mo, Drake," naka-ngiting wika ni Adele.

"Adele, please, umalis ka na lang," mahinanong wika ni Drake.

"Ang tagal kong pinaghandaan 'to. Ang tagal kong hanapin kong nasaan ka tapos sasabihin mo lang sa 'kin ngayon na umalis na ako? Muka ba akong tanga, Drake?" Mataray na wika nito.

Katulad kahapon ay madilim pa rin ang panaginip ko. Para itong hunted house, kahit saan ka tumingin ay nagkalat ang mga itim na ibon.

Nakakalungkot tingnan na ang pahingahan ko ay sira na. Naglaho na ang mga kulay na nagbibigay sigla. Babalik pa kaya ito sa dati? Muli ko pa kayang masisilayan ang ganda ng mundong ginawa ko?

"Ano ng disesyon mo, Drake? Isang hakbang palapit sa akin ay malinaw na sa akin ang lahat. Aalis tayo ng payapa at mananatiling ikaw ang Drake na nakilala niya," naka-ngiting wika ni Adele. "H'wag mo ng pahirapan ang sarili mo, humakbang ka na, Drake," dagdag nito.

"Zoey, alam kong nangako ako sa 'yo na hindi na akong muling aalis," ani Drake at umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Adele.

"Sabi na nga ba't babalik ka rin sa 'kin," masiglang wika ni Adele.

"Hindi pa ako tapos mag-salita, Leigh," ani Drake na ikinahinto ng tawa ni Adele.

"Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako pero susugal ako, Zoey. Alam kong hindi ko na matutupad ang pangako ko sa 'yo, pero mananatili ako hangga't may oras pa ako," nakayukong ani ni Drake.

"Ang drama niyo naman. Naiinip na ako," komento ni Adele.

"Hindi ko maipapangako na mapapatawad kita pero pipilitin kong unawain ka," ani ko. "Ayaw kong maiwan na walang mga sagot ang mga tanong na hanggang ngayon ay gumugulo sa akin isip."

"Boring...." Muling komento ni Adele.

Muli kong inihanda ang aking sarili. Sabik na masagotan ang mga tanong. Gusto ko ng maging malinaw ang lahat. Masakit man ang magiging sagot o kalalabasan  kailangan kong tanggapin ito.

"Zoey, ang totoo niyan---" handa ng sabihin ni Drake ang katutuhanan ngunit pinangunahan na ito ni Adele.

"Ginagamit ka lang niya," mabilis na wika ni Adele.

G-ginagamit lang? Paano? Bakit?

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 260 31
Si Ethan. Theo sa mga kaibigan niya. School-mate. Spoiled Rich Kiddo. Gwapo rin pero mayabang. Ghoster ๐Ÿ‘ป (daw) Retired bully. Pero questionable pa...
336K 19.4K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
269K 40.5K 104
แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€žแ€ฐแ€™แ€›แ€พแ€ญแ€แ€ฑแ€ฌแ€ทแ€˜แ€ฐแ€ธแ€†แ€ญแ€ฏแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€šแ€ฐแ€•แ€ผแ€”แ€บแ€œแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎ แ€Ÿแ€ฎแ€ธแ€Ÿแ€ฎแ€ธ แ€–แ€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€•แ€ซแ€ฅแ€ฎแ€ธ
2.3K 85 42
Mahal nila ang isa't Isa pero bakit nga ba bawal? Bawal nga ba talaga? O ipinipilit lang nila sa sarili nila na bawal maging sila? Bawat tingin, bawa...