Lost and Found

By Cristinalicious__05

49.3K 1.2K 35

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER TWENTY

1.5K 34 1
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

"Aalis na kami bukas baby boy...kailangan matapos mo muna ang school year para hindi na mahirap kapag lilipat na kayo.."

"Mommy mamimiss ka po kita, mamimiss ko po kayo.."

"Serenity, pwede naman siyang lumipat na ngayon, ako na bahala sa lahat..."

"Saan sila magstay kung ganun?"

"Sa bahay ko, isa ko lang naman doon. Katulad din sa bahay nina Clay. Maraming kwarto at sa tingin ko ay sakto lang sila doon.."

Napatingin ako kay Draco na seryoso siya na dion patirahin ang pamilya ko.

"Draco, hindi purket alam mo na na anak mo si Drake ay kailangan ay kargo muna sila. Maaari lang kay Drake pero hindi sa lahat. Naiintindihan mo ba ako?"

"Come on Serenity, magiging pamilya ko din naman sila. Ano ba ang bago doon?"

"Pamilya?"

"Sa tingin mo ba ay pakakawalan ko pa kayo? Ngayong may anak na tayo ay sa tingin mo ba ay pakakawalan pa kita.."

"Wala tayong nararam--"

"Ilang beses na natin ito pinag-uusapan. Bakit hindi natin subukan Serenity.."

"Babaero ka?"

"Hindi ko iyung gagawin lalo na at nandito ka na.."

Napatingin ako sa kaniya at para bang kinikilatis ko siya. Hindi kasi ako maniniwala sa basta labas sa bibig.

Wala namang masama kung susubukan namin diba? May anak na kami kaya dapat mas iniisip namin ang kasiyahan ng anak namin at ang gusto ng anak namin ay kompletong pamilya.

"Sige na Serenity, para namang wala pang nangyayari sa atin. Baka nga may another baby na parating na sa atin..."

Agad ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya. Ang hirap kayang manganak.

"Bakit Serenity? Sakit mong maghampas, lagi ko kayang tinatanim sa loob mo. Kaya posibleng mabuntis ka.."

"Hindi pwede.."

"Bakit hindi pwede.."

"Dahil magulo pa.."

Napatingin ako sa anak ko na nakatingin sa akin. Agad na napalaki ang mata ko dahil nandito para sa harapan namin ang anak ko.

"Ma, may another baby na!"

"Biro lang ng daddy mo yun.."

"Owww ganun.."

Napatingin ako sa bahay at sa buong lupa namin. Sayang naman kung walang titira dito. Dito napunta lahat ng pinaghirapan ko. Pero may mga kamag-anak si mama na pwedeng dito na sila kapag wala na kami.

"Ma, mag-impake na kayo pala."

"Isasama mo kami anak. Pero paano itong bahay natin. Ang mga alaga natin."

"Diba nakikitira lang yung pinsan mo sa boarding house dito sa atin. Pwedeng dito nalang siya ma. Siya muna maghawak sa mga alaga natin.."

"Pwede din, iko-contact ko na siya.."

Ginawa naman ni mama iyun. Napatingin ako kay Draco na nakatingin lang sa akin.

"Ano na?" tanong niya sa akin.

"Papayag na ako.." nakita ko ang paglaki ng mata nito. Agad na sumilay ang ngiting gustong-gusto kong makita sa kaniya.

Agad niyang hinawakan ang pisnge ko at hinalikan ako sa labi.

"Ang saya kong pumayag ka, wala nang Lucas..."

"Pero magtatrabaho pa ako sa kaniya."

"Kahit hindi na.."

"Kailangan ko, ayokong maburyo sa bahay mo. Alam mo naman na kailangan ko ring magtrabaho, nasanay na ako doon.."

"Sige, pero sasamahan kita.."

"Kahit hindi na--"

"Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan ang nangyari sayo diba.."

"Pero may trabaho ka ding ginagawa."

"Meron nga, marami akong investment at may business din kami ni Clay. May mga ilang kompanya ako na may mga tauhan akong sila maghahandle. Kahit nakaupo lang ako dito ay kumikita ako."

"Ganun, ang galing naman.." sana ganun lahat, yung wala kang ginagawa pero kumikita ka. Basta may pinagkakatiwalaan kang tauhan mo.

Agad akong napatingin sa mukha ni Draco, sa totoo lang ay ang mga ganitong mukha ang mahirap mahalin. Parang hindi ka nag-iisa sa buhay niya.

"Hindi ka man lang nanligaw pero tayo na.."

Agad na pumalibot ang braso niya sa bewang ko at mas hinapit pa ako ng husto.

"Nauna ang anak ehhh.."

Ang bilis ng pangyayari na kami na talaga ni Draco, hindi na nagpapanggap.

Involved na ba ang feelings?

"Draco, gusto mo ba ako?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Mas pa doon..."

"Kung gayun ay ganun din ako." Pag-aamin ko sa kaniya. Ngayon ko lang narealized nang makita ko siyang lagi may kasamang babae ay naiirita ako. Nung nagresort kami at may kasama siya ay nalulungkot at naiirita ako.

Yun pala ay selos ang nararamdaman ko. Hindi ko pinipigilan si Draco sa ginagawa niya sa akin dahil gusto ko.

Masaya ako kapag kasama siya at gustong-gusto kong nandito lang siya sa tabi ko. Natutuwa akong nakikita siya naiirita o kapag nabubuwisit ko siya pero nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ganun na ba ang pagkagusto ko sa kaniya na kapag nasasaktan ko siya sa mga sinasabi ko at nagsisisi ako. Lagi siyang laman ng puso't isip ko.

Sana ay hindi ako masaktan sa pinasok ko.

Kinabukasan ay may dumating sa bahay na itim na sasakyan. Agad kong kinausap si Draco na baka masamang tao yun pero hindi daw. Yun daw ang bahala sa mga documents ng anak niya sa school at sa lilipatan nito.

Dumating na yung pinsan ni Mama na kinakausap niya ngayon. Masaya siya dahil hindi na daw siya magbabayad sa tinitirhan niya.

Sabi ni mama ay kahit na wala na silang dalhin na damit o ano man. Dalhin nalang daw nila ang mga importante.

Masaya si Drake na nakasakay sa backseat. Hindi naman daw first time pero first time niyang pupunta sa Maynila na kompleto daw ang pamilya niya. Nakaramdam naman siya ng saya sa sinabi ng anak niya.

Buong biyahe ay puro pagkwekwento lang ang naririnig ko na galing sa anak ko.

Nakarating kami sa bahay na ngayon ko lang mapupuntahan. Parang ganito yung bahay ni Lucas pero mas higit na malaki ito. Maganda ang garden at talagang inaalagaan.

Natuwa naman si mama dahil gustong-gusto niya ang maghardin.

Tulog ang anak namin na buhat-buhat ni Draco ngayon. Tinuro niya lahat ng kwarto na magiging kwarto namin.

Sinabi niya kay mama at masaya naman siya doon. Kasing laki nung kwarto niya ang buong espasyo nung bahay namin sa probinsiya.

At sa anak ko naman ay meron din. Nakaayos naman daw yun. Mukhang pambatang kwarto ito.

"Bakit may ganitong kwarto ang bahay mo?"

"Amm...hindi ko alam at basta ko nalang pinatayo. Parang ramdam ko lang na ano, basta. Simula kasing makita ko si Drake at sinabi mong kapatid mo siya at naramdaman ko lang na gusto kong ayusin ang kwarto nito na pambata at lalaki."

"Ahhh ganun ba.." binaba niya sa kama si Drake at siguradong matutuwa yun kapag nagising na siya. Malapit nang maggabi kaya ang mga maids ay busy na sa pagluluto. Maraming maids din ang nandito at nakakailang dahil sa paningin ko lang naman ay magaganda sila. Maganda talaga..

Napatingin ako kay Draco na kalalabas lang sa kwarto ng anak namin.

"Talaga bang pinipili mo ang mga maids na may itsura.."

"Sila ang mga nag-apply.."

"Wala kang.....ammm..pinatulan.."

"Come on, I don't fuck them.."

"Bunganga mo..."

"Sorry, ang sinasabi ko lang ay mga maids ko sila. Naglilinis sila dito at importante ang sa akin ang mga tauhan ko. Wala pansilang nagagawang mali o masama dito..."

"Hmm ok."

Napatingin ako sa mga kwarto na may dalawang kwarto pa dulo at isa sa kabilang gilid. Magkakadikit ang apat na kwarto pero ang isa ay hiwalay sa apat.

"Doon na ba ang kwarto ko.." turo ko sa ikatlong kwarto kasunod ng kwarto ni mama.

"Hindi, guest room yan.."

"Ahhh yung isa pa." Turo ko naman sa ika-apat na kwarto.

"Hindi yan ang kwarto, mga guest room lahat yan. Doon ang kwarto mo" turo niya sa nakahiwalay na kwarto. Napatingin ako sa kaniya at sa kwarto ulit.

"Ammm diba master bedroom yun.."

"Hmm oo.."

Hindi ako tanga para hindi malamang doon din siya. Alam kong gusto niyang magkasama kami.

"Bakit Serenity, ayaw mo bang kasama ako sa isang kwarto?"

"Iba kasi ang ginagawa mo kapag kasama ako."

"Ano naman?"

"Amm ano--ayy!! DRACO! IBABA MO AKO!"

Binuhat niya akong parang sako. Pinagsusuntok ko siya ng mahina sa likod at nabigla talaga ako ng oaluin niya ako sa pwet.

"Draco!!!"

"What? Para namang hindi ko pa iyun ginagawa.."

Narinig kong binuksan niya ang kwarto at binaba ako.

Agad ajong nakaramdam ng hilo doon na ikinatawa lang ni Draco. Baliw na yun..

Napatingin ako sa buong kwarto. Black ang white ang theme dito. May balcony ito. At kung malaki ang kwarto nina mama at Drake ay mas double ito.

Napatingin ako sa king size na kama na kulay itim.

"Diyan ka muna at may tatawagan lang ako.." sabi nito at pumunta sa balcony at may tinawagan nga.

Lumakad ako at nilibot ang buong paligid. Agad na nakuha ang atensyon ko sa isang picture frame na nakataob. Agad kong nilapitan iyun at tinignan.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang babaeng yun. Eto yung nasa contacts ni Draco. Yung babaeng yun.

Agad akong nakaramdam ng sakit sa dibdib pero hindi ko nalang pinansin pa. Napakunot ang noo ko na talagang hawig ko ang babaeng ito.

Napatingin ako sa baba ng litrato na may nakalagay na pangalang Stephanie.

Stephanie, yung pangalang yun na naman..

Continue Reading

You'll Also Like

468K 6.8K 42
This is a work of fiction.Names,Characters,Places and Events are fictitious unless otherwise stated.Any resemblace to living real,living or dead pers...
252K 4.3K 26
THE MONDRAGON BROTHERS The Playboy Fall Inlove By: CatchMe "You told me gagawin mo ang lahat para magkabati na tayo kaya iyon ang gusto kong gawin m...
48.5K 574 29
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.