Not just your ordinary story

Da LemmeloveyouBAH

311 23 0

"Will you love me like I love you?" Story of Cheska Faith O. Carbonel. ♡ Who's stubborn and bully. Will she... Altro

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 4

36 3 0
Da LemmeloveyouBAH

"Happy Valentines Porky!" Bati sakin ni Kath at sabay abot ng chocolates sakin tapos kiniss nya ko sa cheeks. Sweet ng bestfriend ko no? :)

"Happy Valentines din Monkey!" May chocolates din ako for her

Sabay na kaming pumasok ng school. Maaga pa pero excited ako kasi classmate ko ngayon si Baby Dust! :)

Napansin ko namang nakangiti ng todo todo tong si Kath as in to the highest level! Aba anong meron?

"Anong meron?" Usisa ko. Pero nginitian nya lang ako.

Tapos pinagtitinginan kami ng mga ibang students

"Diba sya yun?" Sabi nung isa

"Oo ang swerte naman nya" sabi naman nung isa tapos parang kinikilig kilig pa

"Tara na Cheska sa may lobby!" hinatak ako ni Kath

"Teka teka! 3rd floor klase natin e! Saka malelate tayo. Ngayon lang natin kaklase si baby dust e!" Nakapout pa ko habang nakikipaghilahan sakanya

"Iiiiiiihhhhh basta! Maaga pa oh!" Ha?? Nahila naman nya ko sa lobby

Nagulat ako nung may banner akong nakita na nakalagay 'Happy Valentines Pretty!' May puso puso pa! NGANGA! sinong may gawa nito? Sakin ba to? Wala naman akong boypren o manliligaw. -_- Nasabi ko nabang mataba ako? Ay chubby lang pala. Di ako sexy. Pero maganda ako! Hahaha.  Seryoso ko.

"Kath?" Tawag ko kay Bes na parang nagtatanong na ano to? Nagkibit balikat lang sya. Baka naman sya may gawa nito? Sweet naman! :)

Pero may narinig akong strum ng gitara.

" Too many voices. Too many noises.." Kanta nung naggigitara.

Woah! Si DUSTIN! HOLOOOOOOO! PATAYIN NYO NA KO. ♡♡♡♡♡

"Invisible wires keeping us apart.

So many choices. But they all disappointments.." ngumiti sya. I melt ohhhhhhhh

"And they only steal me away from you. Climb into our private bubble, let's get into all kinds of trouble..." tuloy parin sya sa paglakad papunta sakin. Pulang pula nako dito! Ang dami na ding nanonood!

"Slide over here let your hands feel the way. There's no better method to communicate. Girl stop your talking, words just get in the way.. I'LL BE YOUR MAN. So baby come over, from the end of the sofa. I'LL BE YOUR MAN.. I'LL BE YOUR MAN.." *dug dug. dug dug. dug dug.* Ito na ba yun? Magtatapat na ba sya sakin? Naeexcite ako!!! Hoooo. Relax Cheska.  Wag ipahalatang kinikilig ka!

"Happy Valentines Day....KATH" Dustin. Sabay abot ng flowers...kay Kath.

"Ay naku thank you wala yuuu---" saka palang nagsink in sa utak ko na hindi ako yung kinakausap ni Dustin. Na hindi ako yung kinantahan nya. Na hindi ako yung inabutan nya ng bulaklak.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis at tumakbo sa malayo. Gusto kong maiyak. Hindi ko din alam. Mukha pa naman akong tanga kanina.

Tinignan ko si Kath. Parang gulat yung expression ng mukha nya. Parang nag aalala? O naaawa? Alam nya ba lahat to? Bakit nya ko dinala dito? Para ipakita ba sakin na sya yung gusto ni Dustin? TT____TT Hindi ko na alam. Hindi naman ganun si Kath eh. :(

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ko pero nagawa kong tumakbo palayo sakanila. Narinig kong tinawag ako ni Kath pero hayaan mo na. Gusto ko muna makalayo sakanila. Hindi din naman nya ko hinabol kasi madami ng mga studyanteng nakaharang at nagsisipalakpakan.

Haaaay. Sa pagtakbo kong yun dinala ako ng paa ko sa playground. Hindi ito open sa mga studyante. Pero dito kasi walang tao kaya dito ako pumunta. Naalala ko nanaman kung pano ako nagmukhang tanga kanina. Masakit din pala kahit crush lang. Isang taon ko ng gusto si Dustin. Siguro nakadagdag ng sakit yung bakit bestfriend ko pa?

**huk huk huk huk** panay lang ang hikbi ko. Kinagat ko din yung lower lip ko para mapigil yung pagtulo ng luha ko pero ganun padin. Lalong lumalakas.

" Bakit ganun? Akala ko pa naman. huhuhu kasi ang bait bait nya sakin nitong nakaraang araw lang. Palagi nya kong kinakausap. Akala ko gusto nya din ako. *huk huk huk*" iyak ko habang pumapadyak padyak ako sa may damuhan.

"Tss"

"Holo! Ano yun? May ahas ba dito? Naman eh huhu!" Sabi ko tapos lumingon lingon. Heartbroken na nga ako tapos matutuklaw pako!

"Tss! Ingay!" Ayy? May tao?

Tapos may bumaba sa may puno ng mangga. Si Lorenz

"Oh." Sabay abot nya ng panyo.

Kinuha ko din naman kasi naiwan ko yung panyo ko. Nagpunas ako ng luha. Tapos naupo sya sa may tabi ko.

"Istorbo ka. Tss. Bat kaba nandito?" Medyo inis nyang tanong

"Wala ko sa mood" simpleng sagot ko

Tumahimik sya saglit. Siguro 3-5minutes? Umiiyak pa din kasi ako.

"Care to share?" Sabi nya sakin.

***^***

LORENZ'S POV

"Care to share? " Sabi ko kay Cheska. Kanina pa kasi sya umiiyak.

Tinignan lang nya ko ng blanko expression ng mukha nya.

"You can trust me" sabi ko ulit. Totoo naman eh. Anong mapapala ko kung ipagkakalat ko kung ano man yung iniiyakan nya? Tss.

"Yung taong gusto ko akala ko ako ang gusto.. Pero gusto nya pala yung taong mahal ko." Humihikbi pa si Cheska habang nagkukwento. Pero ha? Parang ang gulo

Yung taong gusto nya, gusto yung taong mahal nya? So may tao syang gusto at may mahal din sya. Magkaibang tao yun?? Bat ang gulo!

"Ha? Bakla yung taong gusto mo?" Magkakagusto lang bakla pa. Hahaha

"Seryoso ko dito eh" nakapout nyang sabi.

" Oh wag kang magpout mukha kang bibe! Hahaha. Linawin mo kasi" Lalo naman syang sumimangot

"Yung taong gusto ko hindi ako yung gusto. Bestfriend ko yung gusto nya. Bakit bestfriend ko pa. :(" humagulgol na naman sya.

Ah. Si Kath bestfriend nya diba?

"Sino?" Bat ba! Curious ako e

"Tsismoso mo naman.." sagot nya

" Edi wag n----"

" Si Kath. Sya yung gusto ni Dustin. " putol nya sakin. Ngumiti sya pero alam mong pilit.

Hindi ko naman alam gagawin ko para icomfort sya e. Kaya tinapik tapik ko nalang balikat nya. Yung parang nakaakbay? Tapos hinahagod ko likod nya. Hindi ako dumadamoves ah! Kailangan nya lang siguro ng karamay.

Paglingon ko sa mukha nya lumabas sipon nya. O_____O

"Yaaaakkkk! Ang baboy!!" Hala kadiri! Sabay punas naman sya agad. Hahaha

"Bwisit! Napakaarte mo naman" tinutulak tulak nya ko. Hahaha namumula nadin sya. Ewan ko kung dahil sa pag iyak o dahil sa hiya

"Hahahahahahahahahahaha kadiri hahahaha naman kase. Pfttt hahaha" Nakakatawa talaga yung reaksyon nya. Priceless! Hahaha

*PRUUUUUUUUTTTTTTTTT*

Tinignan nya ko ng parang nagulat.  Tapos naniningkit yung mata nya na parang nagsususpetsa

Oo nautot ako kakatawa!

" Hahahahahahahaha! Lorenz! Ang baho!!!!! Ano ba yan? Tear gas? hahaha" so ako naman pinagtatawanan nya -_-

"Ikaw nga lumobo sipon. Hahahaha"

"Kesa umutot! Di lang ata utot yan e. Takbo kana ng cr. Diko ipagkakalat promise. Hahahahaha fttthahaha" tawa sya ng tawa! Hinahampas hampas pa ko. Nakakaasar yung utot na yun. Wrong timing! Pero atleast tumatawa na sya ngayon :)

***^***

KATHRINA'S POV

Nagulat din ako nung saakin lumapit si Dustin! Wala akong ideya! Sakin nya din inabot yung flowers! Ahhhh. Ako din yung kinakantahan nya. Ang buong akala ko para kay Cheska yun!

*Flashback*

*ting!* tunog ng message sa FB yan. Wag kayong ano!  Hahaha

"Kath! :) Bukas punta ka sa lobby ng school." Huh? Bat naman kaya? Eh magkikita kita naman kami nila Cheska bukas kasi classmate namin sya sa Rizal.

"Isama mo na din si Cheska kung nahihiya ka" tapos naglog out na sya. Ano kayang meron?

**End of Flashbacks**

Kaya nung sinabi ni Cheska na pumasok na kami ng maaga kasi gusto nyang makita agad si Dustin, naisipan kong dalhin sya sa lobby. Kasi nga nandun ang pinakamamahal nya. Haha

Woah! Diko naman inexpect yung makikita ko. Super effort ni Dustin! Tumingin ako kay Cheska. Kilig na kilig ang gaga! Nagniningning ang mata. Im so happy for her. :)

At hindi ko din ineexpect yung mga sumunod na pangyayari. Ako yung nilapitan ni Dustin. Ako yung inabutan nya ng bulaklak. Clueless ako sa mga nangyayari. Bakit ako? Hindi ba dapat si Cheska? Para kay Cheska to diba?

I looked at Cheska. Her eyer was in pain. Hindi ko alam pero parang gusto ko din maiyak. Para syang batang maliit na inagawan ng laruan. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Dahil maski ako ay nagulat. Hindi ba aware si Dustin na gusto sya ng bestfriend ko? Darn! I want to slap Dustin's face! But I can't.  Ang daming tao. Tumakbo si Cheska. Pero hindi ko na sya nahabol. Ang dami ng students na nakaharang at yung iba ay nagvivideo pa.

Nung narinig kong nagbell, ay isa isang nawala ang mga studyante. Nakangiti lang si Dustin sa harapan ko. Napakainosente ng mukha nya. Gustuhin ko mang saktan sya pero hindi ko magawa. Bago pa nya ko mahawakan ay tumakbo na ko. Nabitawan ko din yng binigay nyang bulaklak.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hahanapin ko si Cheska. Hindi na muna ako papasok ng first subject. Wala na akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si Cheska. Buong sulok ng school hahalughugin ko! Makita ko lang sya! Maexplain ko lang yung side ko.

Sa pagtakbo ko ay may narinig akong tawanan. Napahinto ako at sumilip sa may playground.

" Diba hindi naman to bukas sa mga studyate? Bakit may tao?" I thought to myself.

I was shocked ng makita kong tumatawa si Cheska---with Lorenz.

"Hahahahahahahaha! Lorenz! Ang baho!!!!! Ano ba yan? Tear gas? hahaha" Tawa lang ng tawa si Cheska.

"Ikaw nga lumobo sipon. Hahahaha" ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganyan si Renz.

Ewan ko pero parang ang sakit sa mata ng nakikita ko. Ano ba to? Alalang alala ako kay Cheska kasi baka nasaktan ko sya. Tapos ganito ang madadatnan ko? Hindi ako pumasok at halos maghabol ng hininga kakatakbo para dito?? Gumaganti ba sya sakin? Alam naman nyang mali yung nangyare kanina!

Hinahabol ko pa din yung paghinga ko at narinig siguro nila dahil lumingon sila sa lugar kung nasaan ako. Ineexpect kong lalapitan ako ni Cheska pero hindi.

*****

Waaaa! Ito muna. Hahaha ginagawa ko to habang nasa ojt ako! Oha multitasking ang peg ko! :)

Continua a leggere

Ti piacerà anche

3.4M 129K 150
Millaray
106K 122 12
This stories are not suitable for young readers.
247K 5.6K 83
*****
1.2M 23.9K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...